What if

By tintininintin888

99.6K 3.6K 159

"Ly, hindi ka ba napapagod?" malungkot na tanong ko sa kanya habang nakatanaw kami sa babaeng mahal nya na na... More

What If
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Note

Chapter 17

4.6K 174 9
By tintininintin888

AN: Win or Lose, it's Alyssa, I choose. I love you so much Alyssa Valdez. Excited na akong mapanood ka sa pro-leagues. Kung papa'no kita sinuportahan sa UAAP, ganon din yung pagsuporta ko sa'yo sa kung saang league ka man sasali! Maraming-maraming salamat sa inapirasyon Phenom. Nag-iisa ka! Mahal kita. Mahal ka naming lahat.

O sya, ayokong magdrama at baka maiyak na naman ako dahil kay Ly, haha. Enjoy na lang girls! Mwah! 😘

P.S. Di ko na-edit. Sareh!

=================================

DENNISE' POV:

"Besh, yung nguso mo, abot hanggang dito. Pwedeng pakibawasan yung pagsimangot?" natatawang sabi sa akin ni Ella habang tinitingnan din yung dalawang taong tinitingnan ko ngayon. "In fairness, natutuwa ako na nakikita ko yang pagiging selosa mo ngayon. Akala ko kasi hindi ka talaga marunong magselos eh. At least, napatunayan ko ngayon na normal ka naman pala talaga." sabi nya.

"Sasabi-sabihin na friends lang sila at wala akong dapat ipagselos tapos may pasayaw-sayaw pa sila ngayon sa harap ko. At masyado pang sweet ha, ang sakit sa mata Besh." inis na sabi ko din kay Ella habang masama ang tingin kila Alyssa at Nicole na kanina pa sumasayaw sa gitna.

Nakakainis kase! Kanina lang, sabi nya, ipapakilala nya ako sa Nicole na yan para hindi na daw ako magselos pero anong nangyari? After nya kami ipakilala sa isa't-isa, bigla syang hinila agad ng babaeng higad sa dance floor. At yung isa naman, hindi man lang naisip na magpaalam sa akin. Sumama agad sya dun sa babaeng yon! Tsk.

"Tingin ko naman Besh, friends lang talaga sila. At ikaw lang yung nagbibigay ng malisya sa kanilang dalawa." sabi pa ni Ella na nakahalumbaba na rin habang nakatingin pa rin sa dance floor.

"At papa'no mo naman nasabi yon aber?"

"Kasi Den, yung tingin nila sa isa't-isa, parang tinginan lang namin ni Alyssa eh. Alam mo yon? Yung kaibigan lang talaga, no more. No less." sabi pa nya.

"Eh bakit hindi yun yung nakikita ko?"

"Dahil pinipilit mo nga kasi na maniwala na may malisya sila sa isa't-isa kahit wala naman. Kung sinabi sa'yo ni Alyssa na friends lang sila, ibig sabihin, talagang friends lang sila at dapat maniwala at magtiwala ka sa sinasabi nya." paliwanag pa nya.

"Eh kasi naman Besh! Tingnan mo, ang lapit nila masyado habang nagsasayaw!" reklamo ko ulit. Totoo naman eh, halos yumakap na yung Nicole kay Alyssa ko!

"Eh Besh, alangan namang magsayaw sila na magkahiwalay habang sweet yung music diba? Anong gusto mo, parang naka-arms forward lang sila, ganern?" natatawang sabi nya pa.

"At isa pa Den, narinig ko din na may boyfriend yang Nicole na yan at sobrang gwapo daw kaya wag kang magselos dyan." sabay naman kaming napalingon ni Ella kay Myla nung bigla itong magsalita.

"Gulat kayo no? Di nyo namalayan na papalapit na ako. Masyado kasi yung titig nyo kay Alyssa at dyan kay Nicole." sabi pa nito.

"Pero totoo nga? May boyfriend sya? Yang si Nicole?" tanong ko. Bakit ba? Eh sa gusto kong i-confirm eh.

"Yes yes. At sabi pa nila, wala daw panama yang Alyssa mo sa kagwapuhan ng boyfriend nya. At mayaman din daw, mabait, at ang dami pa nilang sinabing magandang katangian kaya sigurado ako na hinding-hindi yon ipagpapalit ni Nicole dyan kay Alyssa no!" sabi ni Myla kaya napataas yung kilay ko.

"Excuse me Myls? Hello, kung sa pabaitan, pagandahan ng itsura, pagiging sweet, caring, thoughtful, at kung anu-ano pa, wala silang panama lahat kay Alyssa no! Kung merong tao na masasabi ko na perfect talagang maging girlfriend, si Alyssa lang yon no! Wala nang iba!" proud na sabi ko dito. Totoo naman eh. Kung kay Alyssa rin lang at sa kung sinong Poncio Pilato dyan, kay Baby Ly na ako. Solid!

"So, perfect girlfriend para sa'yo si Valdez?" tanong pa sa akin ni Myla.

"Oo naman! As in, perfect! Sobrang swerte ng magiging girlfriend nya." sabi ko pa.

"At gusto mo syang maging girlfriend?" nakangiting tanong naman sa akin ni Ella.

Sasagot na sana ako pero bigla akong natigilan nang biglang may nagsalita sa likod namin.

"Oo nga naman Dennise Michelle, gusto mo ba syang maging girlfriend? At swerte ka na kapag naging kayo nung taong yon. Sobrang PERFECT nya diba?" at kahit hindi ko sya lingunin, alam kong nakangiti sya habang sinasabi yon.

Para namang biglang gusto kong maglaho na lang ako na parang bula ngayong mga panahong 'to dahil sa sobrang kahihiyan. Jusko, bakit nya pa kasi kailangang marinig yung pinag-uusapan namin eh. Diba dapat nandun pa sila sa gitna ni Nicole at sumasayaw? Ugh!

"Pero may point naman sya Ly, ang swerte naman talaga ni Dennise sa'yo." Hala! At narinig din pala ni Nicole yung sinabi ko? Ayawan na, sobrang kahihiyan na 'to Dennise!

"Michie?" tawag pa sa akin ni Alyssa.

"Uh, ano kasi, ah---" F*ck! Nawawala ata yung dila ko. Hindi ako makapagsalita.

Tumingin ako kay Ella at kay Myla para humingi sana ng tulong pero pareho lang silang nakangiti ng nakakaloko sa akin. Ang babait talaga nilang mga kaibigan. Ganyan sila eh.

"Michie, naghihintay pa rin kami sa sagot mo." sabi pa ni Alyssa.

"A-ano kase----"

"Sayaw tayo Dennise." yun lang yung narinig ko and the next thing I knew, nasa gitna na rin ako ng dance floor habang akay-akay ni Caloy.

Hindi ko na rin nilingon sila Alyssa dahil baka hindi ko kayanin na salubungin yung tingin nya.

"You owe me one, Dennise." nakangiting sabi ni Caloy habang sumasayaw kami. "I saved you there."

Totoo naman. Nakahinga naman talaga ako ng maluwag nung inilayo ako ni Caloy sa kanila. Hindi ko rin kasi talaga alam kung anong isasagot ko eh. Alangan namang sabihin ko agad na oo diba? Para namang ang easy easy ko non. Aba dapat paghirapan nya yung matamis kong 'OO' diba?

"Yeah. Salamat ha. Buti na lang hinila mo ako." nakangiting sabi ko naman dito.

"Ikaw kasi, masyado kang taklesa at masyado mong pinapahalata na patay na patay ka sa pinsan ko." sabay ngiti nya na parang nanunukso.

"Eh malay ko ba naman kasi na nasa likuran ko sila no? Nung huling tingin ko kasi, nandun pa sila sa dance floor at sweet na sweet na nagsasayaw."

"Selos ka naman?" tukso pa nito.

"Ay wow, kung makapanukso ka, parang hindi ka nanliligaw sa akin ah." natatawang sabi ko naman.

"Alam ko naman na wala na akong pag-asa eh so, suko na ako. Alam ko rin kung gaano mo kamahal yung pinsan ko. At dahil gusto talaga kita Dennise, mas gugustuhin kong maging masaya ka dun sa taong mahal mo talaga." nakangiting sabi pa nito.

"I'm sorry." yun na lang yung nasabi ko. Ayoko rin naman kasing lokohin at paasahin sya eh. Matagal na kasing may nagmamay-ari nitong puso ko eh.

"It's okay Dennise. At least diba, hindi mo ako pinaasa. Hindi mo hinayaan na mas mahulog ako sa'yo." nakangiti pa rin si Caloy habang sinasabi yon. "So, friends?"

Napangiti naman ako sa sinabi nito kaya yayakapin ko sana sya sa sobrang tuwa. Pero bago ko nagawa yon, may humarang agad sa aming dalawa.

"Hep hep. Friends diba? So bawal yung yakap-yakap. Shake hands lang." medyo inis na sabi ni Alyssa. Lihim naman akong napangiti sa ginawa nya. Ang cute lang.

Pero wait--

"Nakikinig ka sa pinag-uusapan namin?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Oo wala muna akong pakelam kung napahiya ako sa kanya kanina. Gusto ko munang malaman kung bakit kailangan nyang makinig sa usapan namin ni Caloy. Jusko, pati ba naman yon, napakinggan nya? Ano 'to? Double kill na sa akin?

"Oy hindi no! Lumapit lang ako kasi nga masyado na syang dumidikit sa'yo at naiinis ako kaya hahatakin na sana kita pero yun nga, narinig ko yung sinabi nya nang hindi sinasadya. At dahil suko na sya at friends na lang daw kayo, hindi mo sya pwedeng yakapin." naka-crossed arms pa na sabi nya.

Natawa naman si Caloy sa pagiging selosa ni Alyssa kaya sinamaan sya ng tingin ng pinsan nya.

"Oops! Hindi ako yung yayakap dapat ha. Si Dennise yon!" sabay turo sa akin. Aba ang walanghiyang 'to! Tumigil lang sa panliligaw, ipinagkakanulo na ako. Tsk.

"Michie?!" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Alyssa.

"Natuwa lang naman ako sa sinabi nya. At least diba, hindi ko na sya kailangang bastedin. Sya na mismo yung sumuko at tumigil. Syempre, ayoko din naman na may masaktan dahil sa akin diba?" depensa ko sa sarili ko.

"Basta. Kahit natuwa ka, bawal mo pa rin syang yakapin." parang batang sabi nya.

"At bakit? Sino ka para pagbawalan ako?" kunwaring mataray na tanong ko sa kanya. Pero ang totoo, cute na cute ako sa itsura nya ngayon. Ang sarap-sarap nyang ikiss ngayon dahil nakasimangot sya.

"Eh, basta ayaw ko Michie. Ayokong may ibang niyayakap ka. Gusto ko, ako lang!" parang bata pa na pumadyak-padyak sya.

"Cute." sabay pisil ko sa ilong nya.

"Aray ko naman Michie. Masakit eh!" mas lalo tuloy syang sumimangot.

"Tigilan mo kasi yung pagiging cute mo!"

"Ay mahirap yan Michie. Hindi ko kayang tigilan yon. Ganito na kasi talaga ako eh." sabay smirk pa nya.

"Ang yabang talaga!" naiiling na sabi ko.

"Sus, sa'yo kaya galing yon." sabi nya sabay lagay ng mga kamay ko sa balikat nya. Nakangiti ko namang iniyakap yung mga kamay ko sa leeg nya.

"Michie, basta bawal kang yumakap sa iba ah. Promise mo, ako lang yayakapin mo." sabi nya sakin habang sumasayaw kami.

"Luh, eh papa'no kung kailangan kong yakapin si Tatay, si Nanay, si Bea, sila Besh at Lau?" kunot-noong tanong ko.

"Eh hindi naman sila kasali sa bawal. Yung mga manliligaw mo lang at friends mong lalaki. Sila lang yung bawal!"

"So kung may babaeng manliligaw sa akin, pwede?" tudyo ko sa kanya.

"Michie naman eh! Malamang bawal! Ako nga lang dapat!"

"At bakit ikaw lang?"

"Basta."

"Ang pangit ng sagot." sabi ko sabay akmang tatanggalin yung pagkakayakap ko sa kanya pero agad nya akong pinigilan.

"Kasi nagseselos ako." mahinang sabi nya habang namumula at hindi makatingin ng derecho sa akin.

Napangiti naman ako. At least, sya naman yung nasa ganitong posisyon ngayon. Sya naman yung hiyang-hiya dahil sa sinabi nya.

"Ano ulit?" nakangiting tanong ko.

"Michie naman kasi, narinig mo naman eh." maktol nya.

"Hindi talaga. Masyadong mahina." sabi ko habang naka-poker face. Pinipigil ko kasi yung ngiti ko dahil nakasimangot na naman sya.

"Ayoko. Alam kong narinig mo yon." matigas pang sabi nya.

"Ah okay sige. Di wag." sabi ko sabay kalas sa yakap sa kanya at lakad palayo.

"Nagseselos ako! Ayokong may iba kang niyayakap at ibang yumayakap sa'yo dahil nagseselos ako! Ako lang dapat yung niyayakap mo!" malakas na sabi nya kaya napatigil din yung ibang nagsasayaw at tumingin sa amin.

Hiyang-hiya naman na nakayuko si Alyssa dahil sa eksena nya kanina. Pagtingin ko kila Ella, Myla, Caloy, Ara, at Laura, nakangiti silang lahat sa akin. Si Nicole nga, kumindat pa.

Nakangiti ko namang nilapitan si Alyssa hinawakan yung pisngi nya para iharap sa akin. Hindi pa rin sya makatingin ng tuwid sa mga mata ko.

"Baby Ly, tingin ka sa akin bilis." utos ko sa kanya.

Parang hiyang-hiya naman syang tumingin sa akin.

"Oo na po. Mula ngayon, wala na akong yayakapin kundi ikaw lang dahil ayoko pong nagseselos ka. Oo ang cute mong tingnan kapag nagseselos ka pero ayoko namang nakikitang nakasimangot ka at nasasaktan kapag may ibang tao akong niyayakap. At promise ko po na ikaw lang. Actually, ikaw lang naman talaga. Mula noon, hanggang ngayon, ikaw lang." nakangiting sabi ko pa sa kanya.

Nakita ko naman na napangiti sya sa sinabi ko.

"Talaga?"

Tumango naman ako.

"Talagang-talaga po."

Mas lalo akong napangiti nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Thank you Michie. I love---" napailing naman ako dahil bigla syang natigilan. Hay nako, ayan na naman sya.

"Blue?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman sya at tumingin ng derecho sa mga mata ko.

"Yes Dennise Michelle, blue. I love blue." buong pagmamahal na sabi nya habang nakatingin sa akin.

Sige na nga, pwede na rin yon kahit hindi pa rin yung three words and eight letters na pinakahihintay ko yung sinabi nya.

Oo, hanggang ngayon hinihintay ko kung kelan nya masasabi 'yon derecho sa akin at walang pag-aalinlangan. Tiwala lang Dennise tiwala lang. O kaya dasal lang talaga, dasal-dasal lang.

Continue Reading

You'll Also Like

11.6K 428 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
7.8K 433 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
355K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys
37.8K 1.1K 72
Compilation of Vhoice stories.