AND I LOVE YOU SO

By fedejik

2.2M 41.4K 808

Two different people with two different world, fall so deeply in love with each other, but only to find out i... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.3
Chapter 6.2.3
Chapter 6.3.3
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.3
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.3
Chapter 9.2.3
Chapter 9.3.3
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.3
Chapter 11.2.3
Chapter 11.3.3
Chapter 12
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14.1.2
Chapter 14.2.2
Chapter 15
Chapter 16.1.3
Chapter 16.2.3
Chapter 16.3.3
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.3
Chapter 19.2.3
Chapter 19.3.3 (RESTRICTED)
Chapter 19.3.3 (Edited SPG)
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22.1.2
Chapter 22.2.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1.2
Chapter 26.2.2
Chapter 27
Chapter 28.1.2
Chapter 28.2.2
Chapter 29.1.4
Chapter 29.2.4
Chapter 29.3.4
Chapter 29.4.4
Chapter 30 (Finale)

Chapter 13.1.3

32.4K 653 5
By fedejik

Published: September 6, 2013

CHAPTER 13.1.3

 

KATIE’s POV

            OMG!  Birthday ng baby ko today!  Excited ako kasi at least mag-celebrate kami together.  Madaling araw pa lang ay bumangon na kami ni nanay Teresita para mamili sa palengke.  Yeah, take note, nanay. Oh diba?  Parang nagpa-practice na rin ako.  Magluluto kami ni nanay ngayon and for the first time, ako talaga ang magluluto.  With her help of course. Hindi ko naman din kakayanin mag-isa kahit pa lately, pasikreto akong nagpapaturo kay nanay.  She’s a bit puzzled why all of a sudden nagka-interest ako sa pagluluto. I can’t tell her naman kasi nga ang worry namin ni Ricky she’ll react differently.  Pero the way I see it naman, parang excited naman siyang magka-gf na rin ang anak niya.  In time, sana masabi na rin namin.  Para kasing incomplete kapag may mga taong hindi nakakaalam ng tungkol sa amin.

            Nang makabalik kami sa bahay surprisingly, tulog pa ang boyfriend ko.  Yes, I’m proud.  Boyfriend ko ang gwapo at matalinong si Ricky.  Buti na lang din at nasa ibaba na ang mga kapatid niya. Gusto ko kasi paggising niya, ako ang una niyang makita.  I am wearing a party hat na sinulatan ko ng ‘Happy Birthday, our Ricky’.  As much as I wanted to make it ‘my’, hindi ko magawa at sobrang obvious.  Noon ko na siya marahang ginising.

            “Baby… Baby…”  Oh, I just love calling him that way and vise versa of course.  Ang sweet kaya. Lalo na kapag siya na ang tumawag sa akin ng ganoon.  Sobrang laglag ang panty ko talaga!  But of course, I can’t tell him that.  Parang ang pervert ko lang kasi.  Dumapa ako malapit sa kanya and watched him wakes up.

            “Ohh…  H-hi…”  Pupungas-pungas niyang iminulat ang kanyang mga mata at mas lalong lumuwag ang ngiti ko. 

            “Happy birthday…”  Masaya ko pang bati at wala akong pag-aalangang hinalikan siya sa labi.

            Napangiti lang siya sa ginawa ko at bahagyang umiling.

          “Morning breath can kill you.”  Nakangiting sabi pa niya.

            “Possible, but I’d risk it just to kiss you.”  I sweetly said.

            “Yeah, me too…”  Kinabig niya ako at mabilis akong hinalikan sa labi.  “Thanks, baby.  A morning kiss is enough birthday present for me.”

          “Nagluto ako ng breakfast for you.” 

          “Really now?”  Hindi pa siya  makapaniwalang ngumiti at tumango-tango.  Alam naman din kasi niya how much I hate cooking.

            “I tried hard not to burn the eggs.”  Bahagya pa akong napangiwi.

            “I’m glad to hear that.”  Pinisil pa niya ang ilong ko.

          “I think I did not burn the hotdog too.”

          “Hmm,  I don’t like my hotdog burnt.”  Pilyo pa siyang ngumiti at  obviously ay nabasa niya ang iniisip ko.  I am so naughty!

            “May bacon din akong niluto and garlic rice.”

          “That’s a lot of effort, baby. Thank you.”  Hinaplos niya ang pisngi ko at matamis na ngumiti.

          “Bumangon ka na diyan, okay?  Hintayin ka na namin sa kusina.”

          “Okay, sige.”  Tumango-tango pa siya. 

            “Hurry up!”

          “Yes, ma’am!”  He even salutes bago pa man ako tuluyang makalayo sa kanya.

            Hindi naman din nagtagal ay bumaba na siya sa kusina.  Pasikreto pa siyang kumindat sa akin bago naupo sa puwesto namin.

          “Happy birthday, anak…”  Bati pa ni nanay Teresita sabay halik pa sa pisngi ng baby ko.

            “Salamat, 'nay.”  Bahagya pa niyang pinisil ang kamay ng nanay niya. 

            “Si Katie ang nagluto niyan para sa’yo.”  Sabi pa ni nanay sabay kindat din sa akin.

            “Talaga?”  He lovingly looked at me and pretended not to know.

            “Pagpasensyahan mo na 'yan.  Mamaya, magluto kami ni nanay ng pancit at chicken.”  Tumingin ako sa nanay niya na para bang kinikilig sa aming dalawa.  How I wish we could tell her.  Ayaw ko naman ding pangunahan si Ricky.

          “Hindi naman natin kailangang i-celebrate nang ganito ang birthday ko.”  Sabi pa ni baby.

            “Naku, minsan lang ang birthday, at tsaka si Katie ang bumili ng lahat ng 'yan.”  Si nanay pa rin na maluwag ang ngiti sa akin.  Para bang may alam siyang 'di ko mawari.

          “Pasasalamat ko na rin ‘to for accommodating me here sa bahay ninyo.  Sobrang pang-aabala na nga ang ginawa ko sa family ninyo.  This way, mapasalamatan ko man lang kayo diba?  Lalo ka na.”  Mataman ko pang tinitigan ang gwapo kong bf.  “Naapektuhan pa ang pag-aaral mo nang dahil sa akin.”

          “Don’t mention it.  Gagawin ko pa rin ang lahat para lang din maprotektahan ka.  Thanks pa rin sa pag-aabala mo.”  Kahit pa kaswal ang paraan nang pagsasabi niya ay nagniningning pa rin ang mga mata niya sa pagtitig sa akin.  “Kumain na tayo!  Gelyn, Pikoy dali na kayo dito!”  Bahagya pa niyang nilakasan ang boses niya para marinig n'ung mga kapatid niyang nasa may balon.

            Hindi naman din nagtagal at pinagsaluhan namin ang breakfast na pinaghirapan ko. Nakakatuwa ang mga kapatid niya dahil sobrang ginanahan sa pagkain.  Obviously, minsan lang sila makatikim nang ganitong pagkain.  Magana ring nakakain ang baby ko.  At kapag nalilibre ang isang kamay niya ay  sumisimple siya nang pisil sa kamay ko.  Gusto ko nga siyang kagatin sa gigil ko.  Ang gwapo kaya niya!  I can’t help but rolled my eyes everytime he tried to secretly tickled me.

            “May kakaiba sa inyong dalawa,”  Puna pa ni nanay habang matamang nakatitig sa aming dalawa.

            “Ano naman po, 'nay?”  Tanong pa ni Ricky at noon na niya ulit tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.

            “May itinatago ba kayo?”  Mataman pa niya kaming tinitigan.  “May gusto ba kayong sabihin?”

          “Opo.”  Sagot pa ni Ricky at matipid na ngumiti sa akin.  Is he going to tell her the truth about us?  Really?  “Girlfriend ko na po si Katie, 'nay.”  Diretsong sagot pa niya sa at halos hindi makapaniwala sa narinig.  Pero unti-unti'y nabago ang aura niya na parang maiiyak at mabilis na lumagay sa pagitan naming dalawa sabay niyakap kami parehas.

            “Naku, sabi ko na nga ba!  Iba kasi tinginan ninyong dalawa.  Masaya ako para sa inyo.”  Mangiyak-ngiyak pang sabi niya at ako na lang ang niyakap nang sobrang higpit.  Matamis siyang ngumiti sa akin at sobrang sarap lang sa pakiramdam na ipinaalam na niya.

            “'Nay, kain na, lalamig pa ang pagkain.”  Si baby na kumindat pa sa akin.  Para kaming nabunutan ng tinik parehas.  At least kabaligtaran ang reaksyon ni nanay Teresita.

            Ang mga kapatid naman niya panay din ang tukso sa aming dalawa at sumesenyas nang kiss.  Dinilatan lang sila ni baby ko kaya lang tumigil pero panay pa rin ang pasimpleng tingin sa amin.

            Ano pa nga bang masasabi ko?  Ito na yata ang pinakamasayang umagahan ko sa buong buhay ko.

********

RICKY’s POV

            Hindi naman ako pala-celebrate ng birthday. Ito ang first time para sa akin.  Masaya ako sa effort ng mahal kong girlfriend. Breakfast pa lang ang naigagayak niya sobrang masaya na ako at alam kong mayroon pa. I can’t wait with her little surprises.

            “Hello.”  Masayang bungad pa niya sa akin sa itaas ng bahay namin.  Kakatapos ko lang maligo at nakapananghalian na rin kami.

            “Hello.”  Sinalubong ko siya  kaagad nang mainit na yakap ko.

            “Nakakahiya. 'Di pa ako nakakapaligo.”  Alanganin pa siyang yakapin ako.

            “Okay lang 'yan.”  Matamis pa akong ngumiti.

            “Wait, eto pa nga pala.”  Kumalas siya sa yakap ko at agad na nagbuklat sa suitcase niya.  Itinago pa niya sa likuran ang black box na kinuha niya bago lumapit ulit sa akin.  “I hope you like this. Matagal ko na itinatago ‘to.  And I made a promise to myself that I’ll only give this to the guy who will love me sincerely.”

          “Hmm,”  Tumango-tango lang ako. Interesting.  “So, sa tingin mo I am that guy?”

          “Most definitely, yes.”  Matamis pa siyang ngumiti.  “For you,”  Noon na niya inilitaw ang black box at iniabot sa akin.  “Happy birthday!”

Napailing lang ako pagkakita sa inaabot niya. 

          “May breakfast na nga ako diba?  Tapos mamaya may merienda pa. Hindi ba sobra-sobra na 'yun?”  Alanganin akong tanggapin ang regalo niya dahil sa tantiya ko mamahaling bagay ang laman niyon.

            “Kulang pa 'yun. Ito ang ang bubuo sa gifts ko.”  She insisted.  Paano ko pa ba siya tatanggihan?

            “O-okay, thank you, baby.”  I gave her a quick kiss at naamoy ko agad ang toothpaste niya. 

            “Open it!”  Mas excited pa yata siya sa akin.

            Pagbukas ko sa box, as expected ay mamahaling bagay nga ang laman.  Isang branded na relo.  A Rolex Watch.

            “Hindi ko kayang tanggapin ‘to.”  Agad ko pang inabot ulit sa kanya ang relo sa kanya.  Mas lalo ko kasing naiisip ang pinagkalayo ng mundo naming dalawa.

            “Baby,”  Agad kong nakita ang paglungkot ng mukha niya.  “Para sa’yo talaga 'yan.”

          “I can’t. Masyadong mamahalin ‘to.  Hindi ko kayang tumbasan ito.”  Bahagya pa akong umiling. 

          “Wala naman akong sinasabing tumbasan mo diba?”  She bit her lower lip as if trying not to get emotional.  “Please, accept that.”  Sumamo pa niya.

            “Pero Katie-”  Napatitig lang ako sa kanya.  Agad na nangilid ang luha niya hindi pa man.  Damn it!    “I’m sorry, baby. I did not mean to offend you. Kaya lang, ang mahal nitong gift mo.”

          “I don’t care.  Gift ko 'yan sa’yo.”  Pagpipilit pa niya.  “Pero kung hindi mo tatanggapin, itatapon ko na lang.”  Pamaktol pang sabi niya at alam kong gagawin niya 'yun. Knowing her.

            “Okay, okay… just don’t get angry.  Tatanggapin ko na.”  Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga.  “Pero i-promise mo sa akin that this will be the last.”

          “You can’t make me promise that!”  Maktol pa niya.

            “You have too.”  Pilit ko pa sa kanya.  “Hindi naman ako materialistic na tao.”

          “Alam ko naman 'yun.  Hindi ko naman sinasabing materialistic ka.”  Sumimangot siya at nagluluha pa rin ang kanyang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

544K 20K 29
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
866 129 44
The Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in th...
706K 14.9K 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama s...