"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN...

Autorstwa BatangMasakiton

32.6K 529 191

Malandi naba kung tawagin kung ang isang babae ay nag hahabol sa isang lalaki? "Gusto ko lang naman mahalin a... Więcej

PROPROLOGUE!
INTRODUCTION
STEP NUMBER 1
Step 1's Continuation
Step 2's Continuation
STEP NUMBER 3
Step 3's Continuation
STEP NUMBER 4
Step 4's Continuation.1
Step 4's Continuation.2
STEP NUMBER 5
Step 5's Continuation
May katawang tao na si Starf at Monica :)
Starf's POV:
STEP NUMBER 6
Step 6's Continuation
STEP NUMBER 7
Step 7's Continuation
STEP NUMBER 8
STEP NUMBER 9
Step 9's Continuation
Starf's POV
STEP NUMBER 10
Step 10's Continuation
Step 10's Continuation
Epilogue

STEP NUMBER 2

1.1K 25 12
Autorstwa BatangMasakiton

STEP2

_____MONICA's POV:

MORNING. Tinawanan ako ni Cha-cha. Bakas sa mukha ko ang subrang kaba.Pero dahil sinimulan ko na to, gagawin ko na talaga, wala nang atrasan pa. Haharapin ko na siya at kaka-usapin.

"Frets!" sigaw ni Cha-cha sa tabi ko.

"Bakit?"

"Nandito na siya!"

Tumingin ako kung saan siya naka tingin. Si Star, iyun ang pangalang narinig ko no'ng tinawag siya nang classmate niya. Siya nga, papalapit na siya sa kinauupuan namin na malapit sa garden ng school.

Ang bagay niya sa uniform niya, naka gel pa ang kanyang buhok at as usual may dala na naman siyang libro.

Palapit na siya, kunti na lang at nasa harapan na namin siya. Kinakabahan na talaga ako na bibingi na ako sa sobrang ingay nang tunog nang puso ko!! My Gosh.

"Frets lapit na!" tinulak ako ni Cha-cha palapit sa kanya. 

Nanlaki na lang ang mata kong nakatingin sa kanya. Napansin kong isang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. Naka tingin siya sa akinat bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka.

"Aahm," ‘di ko alam ang sasabihin, pa tingin-tingin ako sa magkabilang side.

"Yes?" nagkunot siya nang noo.

Aah!! hihimatayin na ako. Ang ganda naman nang boses niya!

"Aahm..ano-" nilalaro ko ang daliri. "aahm...I'm Monica, Mon for short," ngumiti ako. Ang awkward!!!

"Okay," tumango lang siya. Tapos naglakad na.

Na iwan na lang akong naka tayo roon. Nakatayo lang, 'di ko ma igalaw ang katawan ko. Nagpakilala na ako sa kanya, pero gano'n lang ang sagut niya? Okay? Hindi ko alam paano mag react, doon ko na na feel ang pagkahiya. Hindi ko naman na isip ito noon, no'ng nagplano ako na gagawin 'to.

"Frets," mahinang sabi ni Cha-cha sabay hawak niya sa balikat ko.

"Frets," agad ko siyang niyakap. Medyo na iiyak na rin ako. Disappointed.

"Okay ka lang? bakit ka na iiyak?"

"Narinig mo naman ang sinagot niya diba?"

"Oo,"

"Nag mukha kaya akong tangga,"

"Ano kaba!" hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Ganun talaga 'yun, na shock pa 'yun! Ang ganda mo kaya, " tumawa siya.

Pinahid ko ang luha, napatawa nga din naman ako nitong frets ko. Siguro nga, na shock lang si Star at 'yun lang ang nasagot niya. Pero kahit na, nag mukha talaga akong tanga sa harapan niya. Kinuha ko sa bag si chuppy at isinulat doon ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Maya-maya sakto din naman nag bell para sa pang umaga naming subjects.

Busy.busy.busy.busy sa buong araw! Eto pala ang second section! Ang busy!

Mag-aalas kwatro na rin nang hapon nang lumabas kami sa classroom. Tiningnan ko ang classroom ni Star, palabas na rin ang ibang classmate niya kaso hindi pa siya lumalabas. Nag excuse muna si Cha-cha upang mag Cr saglit kaya na iwan akong mag-isa sa labas nang room namin.

Ayun, nakita ko si Star na lumabas nang classroom. 'Yung ibang classmate niya, nag bye na rin sa kanya at na iwan na lang siyang mag-isa na naglalakad pa punta pa sa dereksyon ko habang nag babasa nang dala niyang libro. Kinakabahan na naman ako pero pinilit kong pinakalma ang sarili.

"Makikipagkaibigan kalang Mon,"  pagsasalita kong mag-isa. Ilang hakbang na lang at malapit na siya.

"Hi," bati ko sa kanya. Tumingin siya, mga 5 seconds lang ata yun tapos bumalik ulit sa pagbabasa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko nang bigla na lang akong sumabay sa paglalakad niya. "kumusta naman ang klase mo?"

"Ayus lang," calm, formal at ang lamig nang boses niya. Kaso nasa libro pa rin ang  atensyon niya. Napa tingin ako sa libro, wait....nag babasa siya nang novel. Hindi pala iyon book nang school ang binabasa niya.

"Mahilig ka palang magbasa," pa tingin-tingin ako sa libro, bigla na lang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ko ang cover na malapit lang sa kamay niya.

Nabigla siya, napa hinto siya sa paglalakad, napahinto na rin ako. Naka tingin siya sa akin at parang walang emosyon ang mukha niya. Naka titig lang siya at walang sinasabi at ako naman ay hindi maka tingin nang deretso sa kanya.

"Miss," eto na, nagsalita na siya.

"Monica,Mon for short," tinignan ko siya. Napa hinto ako, naka titig ako sa mata niya at naka tingin din naman siya. Kinakabahan na naman ako, medyo nanlalambot ang tuhod ko sa pagkatayo. Ilang minuto rin iyon at bigla na lang siyang nagsimulang maglakad. Sumabay ulit ako.

Anu kaya yung sasabihin niya? Bakit niya hindi tinuloy.

Nakita kong sinirado na niya ang dalang libro at ang bilis niyang maglakad, parang wala siyang kasama. Pero hindi pa rin ako nanghihinaan nang loob dahil gusto ko nang kaibiganin siya.

"Ano nga pala name mo?" eto na.

"Starf,"

Starf pala ang name niya at hindi pala Star, 'yun kasi ang narinig ko nang tinawag siya nang ka’klase niya. Tumango-tango ako, pero deep inside ang saya-saya ko dahil sa wakas na laman ko rin ang name niya. Simula na to nang pagkaka-ibigan namin.

"Taga san ka nga pala Starf?"

"Bakit?"

"Ahhm, wala lang, gusto ko lang makipag kaibigan,"

"Malayu 'yung bahay namin dito,"

Napaka kalma lang talaga nang boses niya. Sa puntong iyon, feel ko talaga nasa langit na ako. Ang ganda nang pakiramdam ko, ang saya-saya ko.

"Malayu pa yung bahay mo kaysa sa amin...naka sabayan na kita sa jeep nu-" napahinto ako, napahiya. Kahapon 'yun diba, kahapon iyon nang makalimutan kong magbayad sa jeep at nakita pa niyang nahulog ang laman nang bag ko. Napa tingin ako sa kanya.

"Kahapon yun,diba?" bakas sa mukha niya na gusto niyang tumawa pero na hihiya lang siya.

"Ay, sorry talaga do'n ha," na mula na ang mukha ko. Hiyang-hiya talaga ako, hindi na ako tumingin sa kanya at napansin kong palabas na pala kami nang gate.

"Sige," ikling sabi lang niya sabay lapit niya sa naka-urong na jeep at sumakay agad. Tinignan ko lang siya, hindi na siya tumingin pa sa kinatatayuan ko.

Ang saya ko sa mga oras na 'yun, ang maka usap siya kahit saglit ay parang isang taon na rin ang katumbas noon. Nang tumalikod na ako, nakita ko si Cha-cha na galit na galit ang mukha na papalapit sa akin, pero napakalaki ng ngiti ko na naka harap sa kanya.

"Monicaaaa!!!" lumaki na ang botas nang ilong niya.

"Frets!" nabigla siya nang yumakap na lang ako sa kanya. "Naka usap ko siya, successful ang step two!!" napa iyak na ako nang hinarap ko siya.

"Congrats!"

"Sorry talaga ha dahil naiwan kita, frets."

"Okay lang 'yun basta successful lang,"

"Tama nga frets at one more thing, english 'yun ha. Starf ang pangalan niya at hindi Star."

"Aah..na bingi ka pala no'n frets. Ang cool ng name ninyong dalawa ha, Starf at Mon, kaka-inggit! Mmmm."

Tumawa na lang ako. Na imagine ko tuloy kapag sa wedding.

Congratulation Starf and Mon

Waa! Ang kilig lang! Wait bakit wedding na agad, eto na naman... DAY DREAMING!

Na hinto na lang ako sa pag i'imagine ng biglang full volume yung boses ni Cha-cha.

"Frets!" Nanlaki ang mata niyang naka tingin sa mukha ko.

"Bakit?" pagtataka ko.

"Bago lang ba kayo nang-usap? I mean ngayon lang?"

Tumango ako.

"May dumi sa mukha mo!"

Nanlaki na lang ang mata ko. Anong dumi? anung dumi kaya yun? Habang nag uusap kami ni Starf ay may dumi sa mukha ko? Kaya pala parang natatawa siya na naka tingin sa akin.

"Anong dumi?" nag panik na ako. Kumuha nang tissue si Cha-cha at pinahid iyon malapit sa ilong ko. Malapit pa talaga sa ilong ko kung saan kitang-kita iyon ni Starf.

"Eto oh," pinakita sa akin ni Cha-cha ang tissue. Ink iyon nang ballpen 'yun ang ballpen na ginamit ko kanina na di ko namalayan umapaw na pala!

Gusto kong sumigaw! Sa pangalawang pagkakataon napahiya na naman ako sa harapan ni Starf at alam kong kitang-kita niya iyon.

Ka inisss!!

Tawa pa ng tawa si Cha-cha.

Nag incredible huck ako ng face na tumingin sa kanya.

"Anu ka ba okay lang yan frets. Hahaha, okay lang talaga promise,"

"Okay?" nanlilisik ang mata ko. "Okay? Talaga?? Okay? HINDI OKAY YUN !"

Sumigaw ako. Wala akong paki-alam sa ibang estudyante na nanduon. Tumigil sa pagtawa si Cha-cha.

"Ang isipin mo nalang kasi frets na successful yung step two kaya may 1:1 na ratio kana."

Tama nga din naman tong frets ko pero nakakahiya pa rin kay Starf. Bahala na nga lang basta successful to!! Yehee...

"Samahan mo ako frets"

"Saan?"

To be continue:

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

BITIN BA??? Akekeke..... abangan ang continuation neto :)

Ma shock nalang kayu sa karugtong neto :)))))

Thank you talaga sa supporta !!!

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

397K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...