MONTGOMERY 1 : Caught (Publis...

By SilentInspired

11M 227K 16.6K

Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and firs... More

Adrianna
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas
Batch 2 (Self-Publish)
My heart speaks
PSICOM
PSICOM RUSH
SilentInspired Closer

Kabanata 34

157K 3.3K 151
By SilentInspired

Land

Hinawi ko ang buhok kong linilipad ng hangin mula sa malaking bintana ng 6th floor ng building namin.

"I heard what happened.."

Napalingon ako sa tumabi sa akin. Binalik ko ang tingin sa labas. Mula sa pwesto namin ay kitang kita ang mga nag P.E sa labas.

"Osiris.. not now." Mahina kong sabi. Naiyukom ko ang mga palad ko.

Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip nito. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang gabing 'yon at sa dalawang araw na walang pasok ay yun lang ang iniisip ko.

Hindi ko kayang hanggang dito ay pepestehin ako ng mga problema ko mula sa mga Claveria.

"I am sorry.." doon ko lamang siya nilingon. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa paghingi niya ng tawad.

Sorry saan?

"Anong alam mo?" Deretso kong tanong sakanya. Kita ko ang pagawang ng labi niya at ang gulat sakanya.

Napalapit ako sakanya lalo at hinawakan ang kamay niya. Napakagat ako sa labi ko. Nararamdaman ko nanaman ang pananakit ng puso ko. Nararamdaman ko nanaman ang kagustuhan kong malaman ang katotohanan.

Ginagawa na ni Carl ang lahat, nag papa-imbestiga na siya. Si Adrian naman ay nangangalap na ng impormasyon. Pero kung iisipin ay mas madaling malaman ang katotohanan sa isang Claveria mismo.

"Tulungan mo ako Osiris. Kailangan ko malaman ang totoo. Diba bestfriend kita? Alam kong alam mo kung paano ako nahihirapan ngayon. Hindi mo ako lalapitan kung alam mong hindi mabigat ang problema ko." Tinignan ko siya sa mata at halos mag makaawa ang boses ko sakanya.

Napabagsak ang hawak ko sakanya nang yumuko siya. He's still a Claveria. Hindi niya ako matutulungan. Kahit hindi niya sabihin ay kitang kita ko na hindi niya kaya.

Nag angat siya ng tingin sa akin at kita ko ang lungkot sa mata niya.

"I am sorry Adrianna. Hindi kita matutulungan sa ngayon. Hindi ko kayang sirain ang pinaghirapan ng kapatid ko. Sorry.."

Hindi ko magawang magalit sakanya dahil nakikita ko ang sinseridad sa paghingi niya ng tawad pero hindi ko kaya na lalong dumadami ang tanong sa utak ko.

"Pinaghirapan? Alin? Ano? Wag niyo akong gawing tanga, Osiris. Dahil pag nalaman ko kung ano ang totoo at nakasakit 'to sa pamilya ko. Pagsisisihan niyo." Saad ko na may diin ang bawat katagang sinasabi ko.

Inabot niya ang balikat ko at hinawakan 'yon. Nakipag titigan siya sa akin at sinalubong ko ang mga tingin niya.

"Mahal ka ng kapatid ko." Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Lumitaw sa utak ko ang mukha ni Caden kaya lalong nanikip ang puso ko.

"Alam ko.."

Alam ko nga ba? Pag iniisip ko na may posibilidad na tama ang mga pinsan ko ay parang dudurugin ang puso ko. Ang buong katawan ko ay nanghihina.

Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya.

"Hindi mo ako kayang tulungan? Alam ko na kung bakit, dahil Claveria ka. Po-protektahan mo ang pamilya mo at naiintindihan ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit ka nakipaglapit sa akin pero hindi na ke-kwestyunin 'yon. Nagpapasalamat nalang ako na.. nandoon ka nung mga panahon na wala akong kausap."

Unti-unti niyang binaba ang hawak niya mula sa balikat ko. Bahagya akong ngumiti at tinapik siya sa balikat.

"Bayad na ako sayo mula sa mga pakikinig mo sa akin."

Linampasan ko siya at iniwan doon. Huminga ako ng malalim para mawala ang bigat ng puso ko.

Natigilan ako nang may makita akong pares ng sapatos na humarang sa harapan ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pag ikot ng mga emosyon sa puso ko.

Sa reaksyon palang ng buong mundo ko ay alam ko na si Caden ang nasa harapan ko.

Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Nanikip ang puso ko dahil doon.

"Nakatulog ka ba?" Mahina kong tanong sakanya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin ngayon. Simula nang gabing 'yon ay hindi ko pa sinasagot ang tawag o mga text niya sa akin.

Napaiwas nalamang ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang lalim ng tingin niya sa akin.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa'yo?" Nanatili ang tingin ko sa ibang lugar.

Dama ko ang sakit sa tanong niya.

Hindi ako makasagot. Humakbang siya palapit at naamoy ko ang pabango niya. Sobra ko itong na miss..

"Naging busy kasi ako.."

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko nang abutin niya ang mukha ko at iharap sakanya 'yon. Sobra akong nasasaktan ngayon, pakiramdam ko kasi pinagkakaisahan ako.

Gusto ko siyang sumbatan at saktan. Gusto ko siyang tanungin, pigain hanggang hindi siya nag sasabi nang totoo. Pero paano ko gagawin 'yon kung nakikita kong nasasaktan din siya. Kung nakikita kong nahihirapan din siya.

"Damn. You're too innocent kahit na alam kong nagsisinungaling ka na busy ka. I was just hoping to hear your voice pero naisip ko na sobra na 'yon. Nasaktan ka ni mama, expected na hindi mo ako kakausapin pero I was still hoping. Damn it. I missed you." Huminga siya ng malalim at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Ramdam ko ang pagod sakanya. Nasasaktan ako na isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon..

Napakapit ako sa bag ko dahil sa sinabi niya. Natatakot ako na bumigay sakanya. Ang puso, katawan at kaluluwa ko ay bumibigay na sa tingin at haplos niya sa akin. Tanging ang utak ko nalang ang pumipigil.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Ayaw mo na ba talaga akong kausapin?" Aniya. Nag angat siya nang tingin sa akin.

Kahit hirap ay inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang mukha niya. Pakiramdam ko huling beses ko ng magagawa 'to. Bahagya akong ngumiti sakanya.

"Nakapag usap ba kayo ng mama mo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi. Pinaalis ko na rin siya non.." liar.

Nagsisinungaling nanaman siya sa akin. I can see it in his eyes, hindi ko siya mabasa. Ito ang kinakasakit ng loob ko. Lalong bumigat ang dibdib ko. Kung ano man ang pinagusapan nila ay siguradong ayaw niyang ipaalam sa akin.

"Adrianna.." tawag niya sa akin.

Huminga ako ng malalim at mataman siyang tinignan sa mata.

"Kung ano man ang pinagusapan niyo ng mama mo. Hindi kita pipilitin sabihin sa akin 'yon. Titiisin kong alamin ang totoo kahit alam kong nag sisinunangaling ka harap-harapan sa akin. Hanggang sa huli.. panghahawakan ko na kaya ka nag sisinungaling ay pino-protektahan mo ako. Sana nga ganon 'yon Caden. Alam kong sinabi ko na hindi ako magtatanong at ang iisipin ko lang ay ang katotohanan na mahal mo ako pero hindi ko pala kaya.. mamatay ang puso ko na hinahanap ang katotohahan. Sana lang, at the end, mapatunayan kong kahit isa lang, may totoo kang sinabi sa akin."

Matapang kong sabi. Matagal kong pinag isipan 'to at ito na.. nasabi ko na. Napabitaw siya sa akin at kita ko ang gulat sa mga mata niya.

Nagsimula na akong maglakad palayo sakanya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Mahipit niya iyong hinawakan. Nanatili akong nakatalikod sakanya kahit na nakahawak siya sa kamay ko.

"Aayusin ko 'to. Pangako.." tumakas ang mga luha sa mata ko. Pinagdikit ko ang mga labi ko para hindi ako makagawa ng ingay.

"Adrianna, mark a Claveria word. I love you and I would do everything to fix this. Nasasaktan ka na kaya hindi ko pwedeng sabihin na gagawa ako ng paraan para hindi ka masaktan. What I will promise is that I will make this less painful for you and that I will stop everyone who will try to hurt you."

Ang sarap sarap maniwala sakanya. Parang sasabog ang puso ko sa mga sinasabi niya. Tuloy tuloy lamang ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Napatakip ako ng bibig at pinunasan ang luha ko.

"Okay, I will trust you until the end. Pero alagaan mo din ang sarili mo. Please lang Caden. Your eyes are so tired..  get a sleep. Wala kang dapat ikabahala sa nararamdaman ko dahil kahit nasasaktan ako ngayon, mahal pa din kita. Hindi mag babago 'yon."

Tuluyan ko na siyang iniwan doon. I need to breath. Para makaya ang mga tanong sa utak ko. The funny thing is hindi ko pa man alam kung ano ang nakakasakit sa akin pero nasasaktan na ako.

Paano pag nalaman ko na?


"Damn you! Akin na ang goggles ko!" Napalingon ako kay Simon na nakikipag agawan kay Clyde sa swimming pool.

Tumawa ang mga pinsan ko at hindi ko rin napigilan na matawa dahil sakanila. Napapikit ako nang tumalon si Uno at natalsikan ako ng tubig.

"Uno! Walang'ya!" Sigaw ni Agatha at inis na pinunasan ang katutuyo niya palang na buhok.

Pagkatapos sa school ay sabay-sabay kaming umuwi. Hindi na nga ako sanay, I was used to see Caden waiting for me pero ako mismo ang nag text sakanya na wag akong hintayin at sasabay ako sa mga pinsan ko.

Napag desisyunan namin na mag swimming na muna para daw pang patanggal ng stress.

"Ri! Pahiram goggles mo! Damot nitong kapatid ko!" Sigaw ni Simon kaya binato ko ang goggles ko sakanya at natawa ako nang si Dos ang makakuha non.

Inis na inis si Simon kaya lalo akong natawa. It's nice to laugh like this kahit na may iniisip kami ngayon.

"Where is Carl?"

Napalingon ako sa kadadating lang na Adrian. Binaba niya ang isang dalawang malaking pizza at ice cream sa lamesa.

Mabilis na umahon ang mga lalaki at linantakan ang pagkain. Nakipag unahan din si Agatha doon at pinangkuha kami ng mga girls. Napailing nalang ako.

"Ate, here.." inabutan ako ni Gelo ng Ice Cream.

"Saan si Carl tanong ko. Nakakita lang kayo ng pagkain, hindi niyo na ako pinansin." Natatawang saad ni Adrian. Bahagya rin akong natawa sa sinabi niya.

Wala akong ideya kung nasaan si Carl. Kasabay namin siya umuwi, baka naman nasa kwarto lang at may mahalagang ginagawa. He's the responsible one so hindi malayo 'yon..

"Baka bumalik ng school para kay Hazel." Natatawang saad ni Uno habang kumakain ng pizza.

I don't think so..

"Baka nag pa confine sa University Clinic. Para forever na siya doon." Natatawang pag papangalawa ni Simon.

The heck? Kung hindi lang ako natatawa ay babatukan ko 'tong mga 'to.

"Magsitigil kayo! May inasikaso siya. Nakipag kita siya sa private investigator na kakilala niya. May balita na daw.." ani Tulip.

Hindi nalang ako umimik. I suddenly wondered.. sigurado akong alam na niya by this time kung ano nga ang ugnayan ng pamilya namin sa mga Claveria.

Ano kaya 'yon?

"Look! Ganyan kayo mag isip. Atleast si Carl may ginagawa. Kayo? Goggles kayo ng goggles!" Singhal ni Agatha sakanila. Lumapit si Clyde sakanya at sinubo ang pizza sakanya.

Bahagya akong natawa dahil natahimik bigla si Agatha.

"Agatha, naiwan mo ata ang salitang kuya sa school."

Lahat kami ay napalingon kay Carl. Palapit siya sa amin na may hawak na nga papel. Hindi ko alam pero ramdam ko na ang kaba.

Hindi ko alam kung mas gusto ko ba na wala nalang kaming ugnayan para ibig sabihin, paranoid lang ako.

"Sorry Kuya.." sabi ni Agatha at binigyan si Carl ng pagkain.

Isa isa naman niya kaming binigyan ng papel. Huli niya akong binigyan kaya huli kong nakita ang nakalagay doon.

"This are the lands that our family bought." Rinig kong komento ni Alice.

Pinasadahan ko ang buong papel at listahan nga 'yon ng mga lupa namin sa buong Cebu.

"Ano namang connect nito?" Tanong ni Simon.

"Hindi 'yan ang dapat mong itanong. The question should be.. kanino binili ng pamilya natin ang mga lupang 'yan." Ani Carl.

Napakunot ang noo ko. Ang dami nilang paligoy-ligoy.

"Kanino?" Prenteng tanong ni Uno habang umuupo sa tabi ni Tulip.

Napatingin sa akin si Carl at huminga siya ng malalim.

"Sa mga Claveria."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan.. para saan 'tong mga 'to. It was legal, lahat ng mga binibiling lupa ng pamilya ay legal.

"Before us, sila ang pinaka maraming lupang pagmamamay ari dito. I don't know much dahil napaka hirap mangalap ng impormasyon pero sa ngayon, yan palang ang alam ko." Paliwanag ni Carl.

Lalo akong naguluhan. Para saan 'to? Anong connect nito sa mga nangyayari? Bakit ako nahihirapan dahil lang sa mga lupang 'to?

"One thing is for sure. May koneksyon nga ang pamilya natin sa pamilya ng mga Claveria. We bought their lands.. is that worthy of their anger? They have a choice kung ibebenta 'yon for sure." Dagdag ni Adrian.

"Ewan, lalo akong naguluhan. We need more info." Ani Clyde. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

Napatingin ako sa mga papeles muli. Sa bawat lupa na binebenta ay may pirma ni dad, Tito Ivor at Tito Ziel. Sa tabi ng mga pangalan nila ay ang pirma naman ng orihinal na nagmamay ari ng lupa.

Don. Gregorio R. Claveria

"Sino 'tong Don Gregorio?" Tanong ko kay Carl. Pinasadahan nila ulit ang papel.

Umupo si Carl sa harapan ko.

"According to the P.I, it's Osiris and Caden's late grandfather."

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 305 5
WARNING: MATURE SCENES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK. Ronerico Dardenne of The Love Investment Expectations over expectations, Ronerico Dardenne used...
215K 5K 53
Akala ni Grace Encarguez ay alam na niya ang saklaw ng pag-ibig. Naging pundasyon niya sa kanyang puso ang pananaw na ito. Akala niya katulad ito sa...
1.9M 40.5K 44
| COMPLETED | 5 October 2016 - 21 November 2016 | Stonehearts Series #3 | A foundling ever since she can remember, Aqui (a-ki) Marina Godorecci, has...