Kabanata 31 ~ Real
Minulat ko ang mata ko. Ramdam ko ang hapdi nito.
Ano bang nangyari?
"Magigising na siya." ani ng boses na hindi familiar.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko para makita ng malinaw ang mga taong nakapaligid sa akin.
Napabangon na lang ako ng may makitang isang lalaki at babae.
Bakit kaparehas ko mg kulay ng mata 'yong babae?
"Sino kayo?! Bakit ako nandito?!" tanong ko na hindi mapigilan ang sumigaw.
Inikot ng paningin ko ang buong paligid.
Kulay Baby blue with white na kwarto.
Kaninong kwarto ito?
Bigla na lang bumukas 'yong pinto.
"Mom! Dad! 'wag niyo naman siyang takutin. Tinakot ka ba nila?" ani Zein na tumingin sa akin.
"Hindi naman. Nagulat lang ako na hindi ko kilala ang bubungad sa pagmulat ko." nakatungo kong sabi.
"Anyway, this is our parents. Our Mom, Lizia Caviezel and our father, Reinez Caviezel." pakilala ni Zein sa dalawang matanda. They're not really looks old.
Tumunghay ako sa pagkakayuko at nginitian na lang sila ng pilit. Hindi ko man gusto na pilit ang i-ngiti ay hindi ko magawang ngumiti ng tunay sa rami ng problema.
"Can I hug you?" ani Mrs. Caviezel.
Tumango ako. I wan't this feeling, feeling of hugging your real mother.
I hug her back.
Mr. Caviezel also hugs me.
A tear fell from my eye. I remember how my Papa hugs me too.
"Don't cry my baby." ani Mrs. Caviezel.
"Okay lang po ako Mrs. Caviezel." mahina kong sabi.
"Oh no, no, no... Call me Mom." nakangiti niyang sabi.
"Call me Dad." ani Mr. Caviezel na hindi magpapatalo.
"Of course call me anything you want with kuya." tumatawa siya habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
Natawa na rin ako. Siguro kailangan ko na rin na masanay sa kanila. Sila naman ang makakasama ko sa matagal na panahon.
"Baba na tayo! Nakahanda na ang pagkain na niluto nila Vom at Barian! Nasisigurado ko rin na gutom ka na dahil nahimatay ka kagabi." ani Kuya Zein.
"Who's Vom and Barian, kuya Zein?" tanong ko habang naglalakad kami pababa.
"Later, you'll know." ang laki naman ng ngiti niya. Tama si Denice, mababait nga sila. Madaling mahalin ang pamilya nila. What if kung matagal na rin ako rito? Baka maramdaman ko rin ang nararamdaman ni Denice. Kamusta na kaya 'yong bruhang 'yon?
Magagalit kaya siya kapag nalaman niya ang katotohanan?
Sana 'wag siyang magalit at kung magalit man siya ay pansamantala lang.
Ang laki talaga ng bahay na ito.
Pangalawang beses ko ang makapunta rito at hindi nila 'yon alam.
Ang haba ng hagdan, may veranda rin.
Pagdating namin sa sala ay nagkakagulo na sila sa pagkain.
Rex and their gang is also here. I guess Vom and Barian is one of the Soul Hunter's member.
"Hi! Maribella! Ay! Freyazia pala." ani Kent.
"It's okay, call me whatever you like." wika ko.
"Buti ka pa kahit anong itawag okay lang. E, itong si Zeiner ayaw patawag sa ibang pangalan." ani no'ng lalaking may pagkachinito.
Mababait naman pala sila. I thought nagkukunwari lang ang mga 'to.
"Princess, this is Barian." kuya Zein.
"Hi! I'm Barian. The only chinito and gwapo pero ikaw lang ang nakikita." napangiti na lang ako dahil sa kalokohan niya.
"Ngingiti-ngiti ka diyan." bulong ni Rex.
Hindi ko na lang ito pinansin.
"Vom." pakilala no'ng may brown hair.
Kan'ya-kan'ya na silang pakilala kasi tinatamad na raw si kuya magsalita. Hindi pa rin ako sanay na kuya ang itawag sa kaniya.
Naalala ko no'ng naglaban kami. Nakakatawa, naglaban ang magkapatid ng patayan.
"Dexter, the guy with a kissable lips." ani guy with nunal sa lips.
Yeah. He's right. He have a super red lips.
"Don't stare." bulong ni Rex.
What is his problem?
"I'm Ren." the guy na may nahabang pilik mata. Ang haba talaga! Parang santo niño sa haba.
Nakakaingit naman siya.
Sana humaba rin 'yong sa akin.
Pumunta ako sa gilid niya para tingnan kung gaano talaga kahaba ang pilik niya.
"What are you doing?" tanong ni Rex na ngayon ay hindi na bulong at rinig nila.
"Tinitingnan ko lang kung ilang inch. 'yong pilik niya." sabi ko.
Nagtawanan naman sila. Hindi nakitawa si Rex.
"Funny, it's just two and a half centimeter." wika niya. What? Parang mas mahaba pa nga sa sinasabi niya.
Pagkatapos ng scene na 'yon ay nagsikainan na kami ng sabay- sabay. Naisip din nila na magpa-party para sa akin at sinabi ko na kahit huwag na pero mapilit sila.
Nag-suggest din ako na next month na lang kasi busy sa school.
"Ang sarap ng luto niyo!" masaya kong sabi. Ayoko munang alalahanin ang nangyari kahapon. Dahil ayoko na masira ang araw na ito.
"Syempre, basta kami ang nagluto." pagyayabang ni Barian.
"I can cook too." ami Rex na nakikisali sa usapan.
"Tinatanong ko ba? Sa pagkakaalam ko ay wala akong balak na kausapin ka." nakataas kilay kong sabi.
Hindi na siya muling umimik pa.
Pagkatapos namin kumain ay tunulungan kong magligpit ang mga katulong. Kahit ayaw nila ay mapilit ako.
Pagdating ko sa sala ay nay pinag-uusapan silang lahat kasama sina Mom and Dad.
"Tutuloy pa ba kayo sa isang linggo?" rinig kong ani Mom.
"Opo, hindi pwede ang hindi at isa pa sa araw na 'yon namin makikita ang Dark Princess na kasamahan ni Emmiel." naalala kong muli ang nangyari ng marinig ang pangalan ni Papa. Hay! Huwag muna ngayon.
Hindi muna ako nagpakita at nakinig sa usapan nila kahit alam kong mali ang pakikinig sa usapan ng iba.
"Mag-iingat kayo. Baka may masamang gawin sa inyo 'yong Dark Princess na sinasabi niyo." pag-aalala ni Mom.
"Baka siya pa ang mapasama, tita." pagmamayabang ni Rex.
Talagang close nga sila.
Lumabas na ako sa pagkakatago. Playing Innocent.
"Ano po 'yong narinig ko na Dark Princess daw?" tanong ko.
"'Yong kuya mo kasi ay a-attend ng laban ng mga bagong member sa Gangster World." ani Mama.
"Pwede akong sumama?" tanong ko kay Kuya Zein.
"Bawal... Delikado para sa isang katulad mong walang alam sa pakikipaglaban." ani Kuya. Hays, hindi pa ba siya na-amaze noong nilabanan ko siya sa bahay?
"Bawal talaga?" tanong ko
"Yeah." tugon niya.
Tumungo na lang ako at ngumiti.
Then magkita na lang tayo roon.
"Don't be sad." wika ni Dad.
Tumingin ako sa kanila at ngumiti.
"Of course I'm not." sagot ko.