Kizuna: The Bond Between us

By sayuriMa

472K 3.1K 443

They didn't plan to be together but there will be bond that will unite them forever More

KIZUNA
Author's note
Prologue
Hit 1 ~The Future Boss
Hit 2 ~Popular Group
Hit 3 ~Relationship
Hit 4~ Missing Piece
Hit 5 ~Alter
Hit 6~ Trigger
Hit 7~ Other member
Hit 8 ~Conflict
Hit 9~Bully
Hit 10~ Decision
Hit 11~Yano's First Love
Hit 12~ Love Story of Cashmere
Hit 13~ The Competition
Hit 14~ The Party
Hit 15~RJ's First Date
Hit 16~ Apple Candy
Hit 17~Rumors
Hit 18~Public Apology
Hit 19~The Marriage
Hit 20~The Council
Hit 21~ The Break Up
Hit 22~How To Raise Child?
Hit 23~The Vacation
Hit 24~The Petal
Hit 25~New Faces
Hit 26~Number Eleven
Hit 27 ~Precious One
Hit 29 ~Glances
Hit 30~New Vows

Hit 28~Ties

6.5K 65 15
By sayuriMa

Tama na Mia, tama na!

Gusto na niyang itigil ang pag-iisip. Kailangan na niyang kalimutan ang mga nangyari. Maniwala na lang na ang lahat ay may dahilan.

Upang makalimot, naisip ni Mia lumabas muna. Kahit sa maiksing panahon gusto niyang makalayo sa anino ng Yamato clan.

Naglalakad siya malapit sa isang bake shop nang makita niya ang isang lalaki.

Si Brian.

"Mia?" sabi ni Brian nang makita rin siya. Agad siya nitong nilapitan.

"Mia, ang tagal na rin mula nang huli tayong magkita. Kumusta ka na?

"Brian, sino siya?" tanong ng isang babae. May tatlong babae at isang lalaki na kasama ni Brian.

Ngumiti si Brian. "Siya si Mia, kaibigan ko. Mia, sila naman ang mga college friends ko."

Binati nila si Mia. Ngumiti naman si Mia.

"Uy Brian, baka gusto ni Mia sumama sa'tin mag-videoke?" tanong ng kasama niyang lalaki.

Tumingin silang lahat kay Mia.

"May iba ka pa bang pupuntahan? Kung wala sumama ka na lang sa amin mag-videoke."

Hindi alam ni Mia ang isasagot.

Sandali niyang pinagmasdan si Brian. Ang boses nito, ang mukha--pareho pa rin naman iyon ng dati. Pero ang nararamdaman niya, nag-iba na.

Hindi na siya attracted kay Brian tulad noon.

"Hindi ba puwede?"ulit ni Brian.

"Ah... O sige, sama ko sa inyo," sagot ni Mia.

Nagpasya na siyang makisali sa pagsasaya ng mga ito.

***

Enjoy na enjoy ang lahat sa pagkanta. Kinakausap nila si Mia. pero puro matitipid na salita lang ang naibibigay niya.

Bigla rin siyang nalungkot nang makita ang pag-awit ng isa. Ang kinanta kasi nito ay ang mismong kanta na inawit dati ni Monique-noong sandali na nagkantahan sila sa bahay.

Dati, sobrang inaayawan ni Mia ang Yamato clan.

Dati, wala siyang ibang hiling kundi ang matakasan ito. May plano pa nga siya na umalis kapag twenty na siya.

Nagbago ang lahat ng plano niya nang dumating si Yano sa kanyang buhay.

***

Sumakay na ng bus ang mga kaibigan ni Brian. Iyong isang babae naman may sundo. Sila ni Brian ay naglakad papunta sa istasyon ng tren.

"Mia, ano nang pinagkaka-abalahan mo ngayon?" tanong ni Brian.

"Ako ba? Kasal na ko ngayon," mahina niyang sagot.

Natigilan si Brian. "T-Talaga? Kasal ka na pala?"

Halatang nagulat siya. Wala naman siyang intensiyong sabihin iyon. Hindi niya nga alam kung bakit iyon ang sinabi niya.

"Mahal mo ba siya?"

"Ha?"

Nayanig si Mia sa tanong na iyon ni Brian.



"Mahal ko siya..." sabi ni Yano habang nakahiga sa sahig ng kanilang silid.

Bata pa lang si Yano, si Erika na ang gusto niya. Para sa kanya ito ang pinakamaganda, pinakamatalino at pinakamagaling sa archery. Ito lang ang babaeng may kakayahan na pabilisin ang tibok ng puso niya.

"Mahal na mahal kita... Mia!"

Mia?

Natigilan si Yano. Napangiti rin dahil sa pagkapahiya sa sarili --maling pangalan kasi ang nasabi niya.

Si Erika ang tinutukoy niya, pero Mia ang nasabi niya. Mukhang na-oocupied masyado ng babaeng iyon ang kanyang isipan.

***

"Oo, mahal ko siya!" pagsisinungaling ni Mia kay Brian.

Bahagyang ngumiti si Brian. "Kung gayon, masaya ko para sayo..."

"Salamat! Oh paano, hanggang dito na lang. Kailangan ko nang umuwi."

"Hindi ka ba sasakay ng tren?" tanong ni Brian.

"Hindi na, mag ta-taxi na lang pala ako. Sige, bye!"

Tumakbo na si Mia palayo. Dire-diretso siya. Hindi na niya tinangka pang lingonin si Brian.

***

Madilim na nang makabalik si Mia sa bayan ng Tama, pero sa halip na dumiretso ng uwi naisip niyang pumunta muna sa sementeryo ng Village I. Dito ipinalibing nina Yuki ang anak niya.

Hindi naituloy ni Mia ang paghakbang nang matanaw niya si Yano. Nakita niya ito na naglalagay ng bulaklak sa puntod ni Achilles.

"Patawarin mo ko," simula nito. "Patawarin mo ko kung hindi ako naging mabuting ama. Patawad dahil hindi kita naprotektahan."

Narinig ni Mia ang bawat salitang binitiwan ni Yano. Punong-puno iyon ng hinagpis. Nanginging ang tinig nito na animo'y mapapaiyak.

Dito napagtanto ni Mia na hindi lang pala siya. Pati rin si Yano ay nasaktan sa pagkawala ng kanilang anak.

"Y-Yano!" Bigla niya itong tinawag.

"I-Ikaw?" Hindi inasahan ni Yano ang pagdating niya. "Kanina ka pa ba diyan?" paniniyak nito..

Hindi tumugon si Mia. Lumapit si Mia sa kanya.

sa kanya. "Pupunta ka pala rito..." Lumapit lang ito at pinagmasdan ang puntod ni Acchilles.

Habang ginagawa iyon, pakiramdam niya'y gusto na naman niyag umiyak. "Ang tanga ko talaga..."

"Ano?"

Ngumiti si Mia at humarap kay Yano. "Ang sabi ko, ang tanga ko! Tanga ako dahil hindi ko naisip na sa simula pa lang walang taong makakaintindi sa nararamdaman ko kundi ikaw. Ikaw, dahil ikaw ang ama ng anak ko."

Pag-iwas ng tingin ang naging tugon ni Yano.

Nagpatuloy si Mia. "Kahit bunga ng pagkakamali si Achilles natutunan ko na siyang mahalin. Ang totoo sobra na'kong nasasabik na makita at mahawakan siya. Gusto ko siyang mayakap, gusto ko siyang halkan. Gusto kong masubaybayan ang paglaki niya,i pero hindi na, wala na. Hindi na yon mangyayari dahil patay na siya."

Tumulo na naman ang mga luha ni Mia. Ayaw niya sanang umiyak sa harapan ni Yano, pero hindi niya napigilan. Napaiyak siya nang malakas.

Lumapit si Yano at dahan-dahang tinabig ang ulo niya pasandal sa balikat nito.

Ito naman talaga ang kailangan. Isang balikat na puwedeng iyakan.

"Yano, sorry! Sorry dahil naging makasarili ako. Hindi ko man lang naisip na hindi lang ako ang nasaktan. Sa halip na damayan ka, iniwan pa kita," umiiyak na sabi ni Mia.

"Huwag mo kong isipin," sagot ni Yano.

Dahan-dahang tumunghay at tumingin sa kanya si Mia. "Simula nung araw na mawala si Achilles, ang dami nang dumamay at nakiiyak sa akin. Halos lahat ng tao sa paligid ko ki-nomfort ako, pero sayo... wala man lang nag-aalala..."

"Dahil hindi ko iyon kailangan!"

"Kailangan mo 'yon!"

Dumistansya si Yano at tumalikod.

"Alam kong naging importante rin sayo ni Achilles kaya kung may hinanakit ka, nandito ako. Handa kong gawin ang makakaya ko para damayan ka," sabi ni Mia.

Nilingon siya ni Yano.

Umasa siya ng ngiti mula rito, pero hindi.

"Hindi kita kailangan! Umuwi kana!" sabi nito.

Napailing na lang si Mia. Mali pala na isipin pa ang kalagayan ni Yano. Katulad ng sinabi niya, hindi niya iyon kailangan.

"Sige uuwi na ko." Nagsimula nang humakbang paaalis si Mia, pero bago siya makalayo ay biglang hinawakan ni Yano ang kanyang braso.

"Y-Yano?"

Hindi nito magawang tumingin sa kanya nang diretso, pero alam ni Mia na may gusto itong sabihin.

"Sige, makikinig ako."

***

Naupo sila sa tabi ng puntod ni Achilles.

Gumagabi na kaya medyo malamig na. Sa kabila nito buo ang loob ni Mia na pakinggan ang bawat salita na sasabihin ni Yano.

"Simula nang tanghalin ako bilang susunod na leader ng clan, lumaki na ang ekspektasyon sa akin ng lahat. Araw-araw, dapat patunayan ko na malakas ako, matalino, magaling. Pinaka-number one sa lahat. Nabago lang 'to nang may mangyari sa atin."

Tumingin si Yano kay Mia.

Napatungo si Mia.

"Noong araw bago tayo ikasal, nagkaroon ng urgent meeting ang buong council. Kahit inilihim nila iyon, alam kong pinagtalunan nila kung nararapat pa ba ko sa posisyon bilang susunod na pinuno o hindi. Sa huli, hindi naman nila tinanggal ang karapatan ko, pero dahil nagkaroon sila ng pagdududa--ako sa sarili ko nagduda rin. Nawala lang ang lahat ng pagdududa ko nang kausapin ako ng aking ama."

"Yano, iniisip mo pa rin ba na hindi ka karapat dapat maging pinuno? Huwag mong isipin iyon, dahil ang totoo wala nang ibang nararapat maliban sayo."

"Pero, nagkamali ako..."

"Oo, nandon na tayo, nagkamali ka, pero kung gagawin mong itama ang mga maling yon, mabubura rin iyon sa isip ng mga tao. Sa ngayon habang hindi ka pa ganap na pinuno, gawin mo ang lahat para maging mabuting ama. Sa ganoong paraan mapapatunayan mo sa lahat na karapat dapat kang maging leader ng clan."

"Naisip ko na tama ang boss... na kung gagawin kong maging mabuting ama, wala nang ku-kwesyon sa kapasidad ko..."

Iyon pala ang rason ni Yano kung bakit naging sobrang protective niya sa akin--dahil pala gusto niyang patunayan na magiging mabuti siyang ama, naisip ni Mia.

"Pero habang tumatagal, ibang pananabik ang nararamdaman ko," pagpapatuloy ni Yano. "Wala na akong intensyong patunayan ang sarili ko, ang gusto ko na lang ay ang makita at makarga ang aking anak kaya lang... imposible na."

Nangingilid ang mga luha ni Yano.

Sa oras na ito, nawala ang imahe ni Yano ng pagiging boss. Nakita ito ni Mia tulad sa isang bata.

"Yano!"

Bigla niya itong niyakap. Alam niya ang nararamdaman nito, alam niya kung ano ang sakit... at hindi iyon huhupa kung hindi niya ilalabas.

"Naiintindihan kita. Naiintindihan kita."

Pinipigil ni Yano ang pag-iyak, pero unti-unti rin itong bumigay.

Hinigpitan ni Mia ang pagyakap. Gusto niyang ipadama rito na hindi siya nag-iisa, na mananatili siya sa tabi nito hanggang sa humupa ang bigat sa kanyang dibdib.

Tiningnan siya ni Yano.

Parang nagkaroon ng sariling isip ang katawan ni Mia. Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ng lalaki.

Pero mabilis na tinanggal ni Yano ang pagkakahawak niya kasabay ng mariin nitong mga titig.

"Y-Yan---" Bago pa makumpleto ni Mia ang pagbigkas sa pangalan nito ay bigla na siya nitong hinalikan.

Nanlaki ang mga mata niya,lalo pa nang unti-unti siyang kulungin ni Yano sa kanyang mga bisig.

Ilang saglit pa, namalayan na lamang niya na sinusuklian na niya ang mga halik ng lalaki.

***

Continue Reading

You'll Also Like

41K 1.2K 46
Sila ang mga taong may iba't-ibang ugali pero nagsasama-sama sa iisang school at ang masaklap sa iisang classroom pa. Walang ibang ginawa kundi magba...
87.7K 2.6K 49
|COMPLETE| school for you school for me school for us magic wizards witch are allowed welcome to White Tiger Academy school were you came stronger #...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
119K 6.7K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.