The Pristine

Od thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. Více

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Labing Lima

40.8K 927 68
Od thesuchness

"I thought you're better than this..." pabulong ngunit nagpipigil niyang saad. Matigas itong napailing sa akin.


Hindi ko alam kung saan ko narinig ang linya na iyan ngunit hindi ako kaagad nakasagot. Nilingon kong muli si Jerard na nalilito sa nangyayari. Lumipad ang tingin ni  Sir Ram dito at humigpit ang kaniyang panga. 

"Is he your boss, Chrissy? Damn! Ano? Is there something between you two, too?" Tuluyan nang natupok ng apoy ang katinuan ni Jerard. Bumagsak ang aking mga luha.

Hindi na ito muling nilingon ni Sir Ram. Tumungo na ito sa akin at dinungaw ang aking tainga. Ni hindi ko ito matingnan ng diretso.

"I'm making another rule, alright. Ang personal ay personal. Ang trabaho ay trabaho. So, I suggest that you see him out already," malamig nitong bulong sa akin.

"Dapat ay hindi mo na iyon ginawa, sir. Labas na ako sa responsibilidad mo. Dapat ay hindi ka na nakielam," nagtitimpi kong sabi. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib sa tensyon.

"I fucking know when and when not to interfere! Keep that in mind the next time you'll bring an overly dramatic ex..." nanggigigil nitong sabi bago umalis.


Hindi ko alam kung paano ako nagtagumpay sa pagpapaalis kay Jerard. Hinahapo pa rin ang aking pakiramdam nang makapasok na. Tila ba na trauma ako nang nasa likod na ng counter. Hindi ko alam kung paanong magagawa ni Jerard sa akin iyon.


Si Mirna na nag-aalala sa akin ay hindi ko na rin sinabihan. Baka kung ano lamang ang kaniyang masabi at habulin pa si Jerard. Kahit nanginginig ang aking tuhod ay nagtrabaho pa rin ako.

"Uy, ang tahimik ata ni Chrissy, a? May problema?" tudyo sa akin ni Ivan na siyang kasama ko sa kitchen.

Matigas akong ngumiti rito habang nag-uurong ng tore-toreng mga plato. 

"Huwag mo ngang asarin, Ivan! Purki't wala lang ang kasama mo, nanggagatong ka pa?" ani Mirna na nakaupo sa mga station.

"Bakit, namiss mo? Si Japeth, nakikita ko na! Ayun at high na high. Nag-weeds dahil sawi sa pag-ibig," halakhak ni Ivan.


Pilit kong sumasabay sa kanilang mga usapan habang nag-uurong. Kahit ganoon ay lumilipad pa rin ang isip ko dahil sa nangyari kanina. 

Pumapasok ang imahe ni Sir Ram sa aking isipan. Punong-puno ng pagkadismaya ang kaniyang mga mata habang binubulungan ako. Nadismaya ito lalo pa nang tingnan ang isang wasted na Jerard.

Habang tinatapos ang pag-uurong ay hindi ko alam kung para saan ang kirot sa aking dibdib.


Tulala ako sa kaharap na pader nang bumukas ang pinto ng kitchen. Palapit ng palapit ang mabibigat nitong mga yabag. Sina Mirna at Ivan ay alertong tumayo sa pagdating nito.

"Good morning, Sir Ram!" bati nilang pareho.

"Morning..." anang baritonong boses nito at nilingon ako. "Can we talk privately?" 

Mabilis pa sa alas cuatrong lumabas ang dalawa. Naiwan na lamang ako at si Sir Ram sa loob ng kitchen. Naghugas ako kaagad ng kamay at nagpunas sa apron saka ito nilingon.

Nakahilig si Sir Ram sa isang istasyon ng mga cook. Pinagmamasdan lamang ako nito sa ilalim ng mahahaba at malalantik na kaniyang mga pilik-mata. Nagsalubong kaagad ang aming tingin.


"Chrissy..."


Nananatiling matayog ang kaniyang pagtayo ngunit hindi ko napigilan pagtiim-bagang ko. Marahas kong tinanggal ang apron upang tuluyan na itong harapin.

"Mawalang galang na lang, sir, pero dapat ay nanatili ka na lang dito sa loob at hindi na sumunod pa. Dapat ay hindi mo na pinatulan yung tao! Dapat, pinabayaan mo na lang ako sa labas!" sigaw ko kaagad dito.

Rumehistro ang pagkakabigla sa mukha ni Sir Ram. Umawang ang bibig nito sa pagtaas pa lamang ng aking boses. Gusto kong umatras ngunit wala na akong aatrasan pa.

"Am I hearing you correct, Chrissy? Ito pa ba ang sasabihin mo sa akin pagkatapos ng nangyari, huh?" Nag-aalab sa galit ang kaniyang mga mata. Napailing ito sa pagkakadismaya. 

"Hindi mo na dapat pa ginawa iyon dahil lalaki lang lalo. Lasing siya tapos sinuntok mo pa---"

"Damn straight, I did! Paano na lang kung may nangyari sayo sa labas, Chrissy? Paano na lang kung sa kalasingan noong ex mo, kung saan ka na niya dinala?" 

"Kaya ko ang sarili ko. Maayos lang ako at kung ano man ang nangyari kanina, sa aming dalawa na lang iyon!" Nanggagalaiti ko ring sigaw pabalik. 

Unti-unti nang tinutupok ng apoy ang mga mata ni Sir Ram. Mabilis ang pag taas-baba ng malapad nitong dibdib habang nagpipigil sa akin. Ang paggalaw niya ay strained na tila ba mayroong kadena sa kaniyang katawan.

"So, you're saying that I should mind my own business, then. You are telling me to get the fuck off between the two of you," matigas niyang sabi.

"Oo! Iyon na nga. Dahil boss lang naman kita at relasyon ko iyon--"

"Oh, he's an ex, Chrissy!"


Pumikit akong mariin. Buhay na buhay na rin ang umaatikabong apoy sa aking dibdib. Galit na galit ako dahil nakielam ito sa amin ni Jerard, at ang mas malaking panggatong sa apoy na iyon ay ang agarang pakikielam niya gayong wala siyang ibang pinakita sa aming employees niya kung hindi ang pagiging makapangyarihan at walang kahabagan!

Tingin niya ba'y nakakalimutan ko ang aming huling pag-aaway na dahil lamang sa pagdating ni Eamonn ay masasakit na salita na ang natanggap ko? Hindi!


"Wala kang alam, okay? At hanggang doon ka na lang dapat. Hindi ka na sana bumaba pa at tinawag na lang sina Jamel o...ang kahit na sinong entertainer!" sigaw ko.

"Holy shit, Chrissy?! Bakit pati iyan ay kailangan mong idamay? As far as I know, I already apologized for my actions and regretted it! You still haven't forgotten about that?"

Wala akong natatanggap na paghingi ng dispensa, at wala ring balak ang ang isip na kalimutan iyon. Kahit na nababagabag ako tuwing gabi!

"Nakita mo na? Kung ayaw mo ng damayan, huwag kang sasali sa mga gulo ko, okay? Buhay ko ito at ayaw ko ng nakikielam..." Sana ay makita niya ang katotohanan sa mga sinasabi ko dahil iyon ang isa ko pang ikinagagalit.

Tingin niya ba ay matutuwa ako at tatalon para yakapin siya, dahil ano, sa tingin niya'y kailangan ko ng taong nagpoprotekta sa akin?

"Ahhh. I know where this is going..." Kung pwede lang na pagsabayin ang pagngising pagalit ay nagawa na ito ni Sir Ram. Gigil niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

"Hindi ka naman kasi nakatulong. Kaya ko naman iyong tao. Pinalaki mo lang!" Napaiwas ako ng tingin. 

Bumabagal ang aking paghinga. Inaalala kong bukas ay hindi na ako tatantanan ni Jerard sa school at ako nanaman ang pagpe-pyestahan.

"He was about to do something against your will, Chrissy! Do you want me to just stand there and watch him maul your precious little mouth?" Patuloy ang pagsumamo ng kaniyang galit.

Humakbang ito palapit sa akin. Umatras ako kahit na ang lababo na ang nasa likod ko. Napaiwas ako ng tingin ngunit marahas nitong nilagay ang dalawang palad sa pagitan sa aking katawan at sa lababong nasa aking likod. Kinapos ako ng paghinga.

"If you're so sensitive about your ex, let me change our topic for you..." Suminghal ito sa aking mga pag-iwas. Hindi ko alam kung sino ang mas galit sa amin dahil parehong taas-baba ang aming dibdib!

"Mukhang magkakaiba ang mga lalaking dinadala mo rito, Chrissy. I do not need a very sharp memory to  memorize their faces because damn it, those were different persons! Iipunin mo ba sila at papakalawan pagkatapos? What...are...you?" nanggagailiti nitong sabi.

Pumikit akong mariin. Para bang naputol ang aking dila gayong nasa malapit siya at sinasabi sa akin ang katotohanan. Uminit na kaagad ang sulok ng aking mga mata.

"Why are there so many boys at your mercy, Cristina? Why do you have so many?" Niyukom niya ang kamao habang kinokontrol ang pagbulong sa akin.

Mainit ang buga ng kaniyang hininga sa aking mukha. Mainit ang kaniyang katawan na gahibla na lamang ang layo sa akin. Kahit ganoon ay tumatak sa aking isipan ang kaniyang sinabi.

Hindi iyon totoo dahil ako naman ang bumibitaw. Sa una lamang ako nagkamali, pero binibitawan ko naman. At hindi na ako muling magkakamali pa dahil simula pa lang ay iyon na ang kasiraan ng lahat. Ang pagmamahal ang kasiraan ng aking mga magulang, ng aking pamilya at ng aking sarili.

Sa pagkakamali ng aking mga magulang ay natuto na ako at hindi na uulit pa. Kabisado ko na ang laro na ito.

"Hindi mo ako responsibilidad, Sir Ram." Naitulak ko ito palayo at mariing tiningnan. Pilit kong pinigilan ang pag-init ng sulok ng aking mga mata sa kaniyang mga sinabi. "Kaya huwag mo akong papakielaman! Hindi mo ako cargo--"

Nagtagis muli ang panga nito, at tila ba napaso ay tuluyan na siyang umatras siya sa akin. 

"Fine, then! If that's what you want, stupid girl!" mabilis nitong putol sa akin.

Napatikom ako ng aking bibig sa nag-uumapaw na awtoridad na naroon. Ngayon lamang nag sink in sa aking utak na siya'y aking sinigaw-sigawan sa loob ng kaniyang kitchen. 

Masyado akong nadala ng mga emosyon at tensyon! Nadala ako gayong kakatapos lang namin magtalo ni Jerard! Nanginig ako sa aking pagkakatayo nang sumingkit ang mga mata nito sa akin.

Kahit mahirap ay pinilit ko itong tiningala. Gusto kong umiwas ng tingin ngunit tila ba kahit iyon ay kaniyang pagbabawalan.

"Lalayuan kita...for a time being. And you should remember then that this...this stupid girl is my business too..." Dinuro ako nito ng ilang beses habang matalim na nakatingin sa akin.

Hanggang sa kaniyang pag-iwan sa akin dito sa kitchen ay mayroong kumakalabog sa aking puso. Tuluyan nang bumuhos ang aking mga luha.


Sa kalagitnaan ng aking pag-uwi ay bumuhos ang malakas na ulan. Iyon ang dahilan kung bakit nabasa ang proyektong bitbit ko at inumaga ako kakaayos. 


Napaubo ako at napasinghot sa napakalamig na pakiramdam pagkalabas ko ng cr kinaumagahan. Nanlalaki ang ulo ko at mainit ang paghinga ko. Hindi ko na pinansin ang malalang pakiramdam.


Nang makarating akong university ay walang ibang usapin kung hindi ang nangyari pa rin kina Eamonn at Jerard, ang dalawang sikat na basketball player sa buong university. Binigay ko ang proyekto kay Zelda kamakailan.


"Siya na ang dapat na nasa Student Affairs! Bitch. Pinagmulan ng gulo 'yung kalandian ng isa d'yan," ani Clarisse na naghair-flip.

"Nakakairita ang ganyan. Sa loob ang kulo. Nauhaw sa lalaki, ah? Parang 'di babae."

"Kaya walang sumasama d'yan. Baka makahawa ng sakit..."

Kumakalat nanaman ang bulungan sa classroom at mas lalo akong naririndi. Panandalian lamang ang bulang gawa ng exam at ngayo'y pumutok nanaman ang issue.


"Tara na, Lucy..." minamalat kong tawag para makaalis na kami.

Nakatingin pa rin sa'kin ang grupo nito. Ang isa ay nasa pintuan. Palabas na ako ngunit nawalan ako ng balanse. Bumagsak ang mga palad ko sa semento at ang tuhod ay sumubsob din. 

"Chrissy!" sigaw ni Lucy sa aking likod.


Nalasahan ko ang kaunting kalawang sa gilid ng bibig dahil tumama rin iyon sa semento. Agad na niyukom ko ang kamao at lumaki ang butas ng ilong sa nangyari. 

May tawanan akong naririnig sa kabilang parte ng room, sa kabila ay bulungan. Si Lucy lang ang tumulong sa tabi ko pero inilingan ko ang mga kamay nito. Kaya kong tumayong mag-isa.

"Excuse me..."

Papatayo ako sa pagkakaluhod nang may tumamang matigas na takong sa gilid ng ulo ko. Tiningala ko si Clarisse na naka-pout sa harapan ko,"Sorry! Hindi ko talaga sinadya. Hindi talaga!"

Mas lalong bumula ang bulungan na naging tawanan na. Tumayo ako at nagpagpag. Matalim kong tinitigan ang grupo nina Clarisse. Hahablutin na ang buhok nito ngunit hinila ako ni Lucy paalis.

"Huwag ka nang babalik! Walang may gusto sa iyo! Drop ka na, Chrissy! Drop! Drop! Drop!" Sumisigaw ang tumpok nina Clarisse.


Nang makaalis kami ay nakasimangot na si Lucy. Humahangin ang medyo frizzy na nitong buhok sa huni ng mga puno. Nagmumura na ako sa galit.

"Huwag mo nang labanan sila Clarisse, Chrissy. Hindi ba may iniingatan kang record?" aniya atsaka dinuro ang dumudugo kong tuhod at labi.

Umiling na lamang ako rito at natahimik. Tama si Lucy. Sagad na galit ang nararamdaman ko habang pauwi na kami. May araw din iyon sa akin.


"O, anong nangyare sa'yo?"

Bumubungad si Mirna pagkarating kong bistro. Kaunti pa lamang ang tao at nananatili pang makintab ang sahig.

"Natalisod..." mahina kong sabi.

"Anong natalisod, Chrissy? Kinalmot ka 'nung lupa? Sinapak ka sa labi, Chrissy?" Hinablot ni Mirna ang braso kong may karamot ng kukong matalim.

Kumunot ang noo ko. Kinalmot pala ako! Holy shit!

"Sino gumawa sayo niyan. Chrissy? Resbakan  natin! Kakalbuhin ko ang bruhildang iyon!"

Umiling lamang ako rito. Nagsimula na akong mag-ayos ng mga menus habang siya'y patuloy na sinasabi na ipagtatanggol niya ako. Nginisihan ko lamang ito ngunit nauwi iyon sa pag-ubo.

"Eww! Gusto mo ng face mask?" sabi niya kaagad. Sinimangutan ko ito. 


Mayroon kaming bagong waitress na kapapasok pa lamang ngayon at kamalas-malasan ay ako ang babysitter.

"Bakit ka nagtrabaho rito?" sabi ko habang tinitingnan ang file nito.

Maputi at makinis ang ang bago naming myembro. Mayroon itong katangkaran ngunit masyado siyang mapayat. Tingin ko ay hindi niya kakayanin ang pagdadala ng mga tray ngunit sino ba ako para humusga? Kung sana ay hindi mukhang skeleton ang mukha niya ay sisinag ang totoo niyang ganda.

"Para kumita," simple niyang sabi.

Sumingkit ang mga mata ko sa mga tirang eyeliner sa kaniyang mga mgata. Nangingitim ito sa eyeshadow at ang lipstick ay masyadong mapula. Dinoble check ko tuloy kung seventeen ba talaga ito.

"Nasaan ang mga magulang mo?" Nag-tap ang mga daliri ko sa counter habang sinisipat ito. Hindi ito makatingin ng diretso sa akin.

"Kailangan pa ba iyon?" medyo naiinis nitong sabi.

Ahh, isang naglayas din ito. Nag-iisa at walang kakampi sa mundo pero nagutom kaya naisipang  magtrabaho.


Pinaalalahanan ko ito na hindi magiging madali ang kaniyang trabaho lalo na ang kaniyang mga magiging katrabaho. Kalaunan ay sinalang ko na ito sa dining area at pinuwesto sa aking mga tables.

Wala pa mang dalawampung minutos ay bumabalik na ang mga orders sa akin dahil mali ang mga binigay niya.

"Gusto mo bang malintikan tayong pareho? Dise syete ka pa lang, Royette, pero pumayag na akong ipasok ka. Kung ayaw mong bumalik na gutom sa lansangang pinanggalingan mo, sumunod ka..." paalala ko rito.


Naging magaan ang aking pagtatrabaho dahil sagot ng bagong waitress ang iilan kong tables. Kung minsan ay nagkakamali ito pero ayos lang naman iyon. Ganyan din naman ako noong una.

Nang tanungin ni Royette kung nasaan ang aming boss ay tinuro ko ang itaas. Wala namang silbi kung hindi ko sasabihin sa kaniya. Sinabi ko na lang na iba ang patakaran sa bistro namin.

Habang dinuduro ang second floor ay napatiim-bagang ako. Nanahimik na akong muli atsaka binantayan na si Royette.


Palalim ng palalim ng gabi. Nagrereklamo na ang aking mga kalamnan kahit na kaunting tables lang naman ang sakop ko ngayon. Pakiramdam ko ay babagsak ang talukap ng aking mga mata. Napatingin ako sa aking relos at nakitang malapit na mag alas onse.

"Pasalamat ka diyan kay Chrissy, Royette. Bawal minor de edad dito pero pinasok ka niyan." Dinig kong sabi ni Mirna.

Napahikab lamang ako. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking mga mata dala ng pagkaantok. Pinagmamasdan ko ang bagong salta na naroon sa gitna. Awkward pa sa kaniya ang maging waitress at hindi alam makipag-usap ngunit naniniwala akong kakayanin din niya.


Saktong-sakto ang pagbilang ko nang marinig ko na ang pamilyar na kalabog ng screen ng second floor. Pinaswitan ko kaagad si Royette na magtungo rito sa likod ng counter at ako naman sa kaniyang pwesto.

"Siya ba ang boss natin, Chrissy?" Ang buong atensyon ni Royette ay na kay Sir Ram lamang na pababa na. Kahit hindi ko pa ilibot ang paningin ay alam kong ang lahat ng crew at customers ay masyadong attentive na nakatingin dito.

"Oo..." tango ko rito. Siya ang aming boss na pinagmumukhang runway ang hagdanan ngunit huwag pabubulag sa mga Armani niyang ensemble dahil kung ikukumpara sa mga bagay ay isa siyang nanlalamig sa talim na kutsilyo.

Nakakasakit at delikado.

"Wow..." Sa unang pagkakataon ay nakita kong nagtwinkle ang mga mata ni Royette. Mabilis nitong nacompose ang sarili nang dumaan sa aming harapan si Sir Ram. 

Mariin akong bumaling ng tingin sa ibang mga bagay.


Ako muna pansamantala dahil parehas kaming malilintikan. Ngunit nang kausap ko na ang mga customers ay mukhang hindi sila satisfied sa ginawa ni Royette.

"Ang order ko ay Chicken Kiev, miss. Hindi...what's this? Salmon?" iritang sabi noong customer.

Sinamaan ko kaagad ng tingin si Royette. Nag peace sign ito sa akin. Humingi kaagad ako ng paumanhin sa customer bago nagtungo ng kitchen para ipalit itong Chicken Kiev.


Sa loob ng kitchen ay maingay, magulo at mainit. Hinahanap ko kaagad si Colofer upang ipalit ito. Sa bawat galaw ko ay ramdam kong sa akin lamang nakatingin si Sir Ram na nagra-round sa gilid.

"Paki palitan, Colofer. Dapat Chicken Kiev ito at hindi isda. Paki bilis," sabi ko kay Colofer na tumango naman sa akin.


Umalis na akong kitchen. Nagbalik ako sa aking pagse-serve ngunit umaatake nanaman ang hilo ko. Minumura ko na sa isip si Sir Ram dahil mukhang mamaya pa siya aakyat ulit sa lungga niya!

"Uhh, gusto mo ng tulong, Chrissy?" sabi kaagad ni Royette pagdating  kong counter.

"Baka masisante ka lang ng di oras." Napanguso ako rito.


Naging kalkulado ang aking mga galaw habang nagse-serve. Pinipigilan ko ang pagkati ng aking lalamunan. Kung pwede lang na pigilan din ang pamumutla ay matagal ko nang ginagawa. Siguro ay mukha na akong multo ngayon sa putla.


Muntik na akong mawalan ng balanse nang mabangga sa isang matigas na pigura. Umikot kaagad ang paningin ko ngunit hinawakan ako nito upang ma steady. Nag-angat ako kaagad ng tingin dito at nakitang kunot-noo si Sir Ram habang sinusuportahan ako.

"S-Sir! Good evening po." Umiwas ako ng tingin dito. Mabilis akong humiwalay sa kaniya. Mabuti na lamang at naririto kami sa dulong mga booth.

"Watch where you're going..." malamig niyang sabi.

May kaunting tumutusok sa aking dibdib ngunit hindi ko ito pinansin. Dinampot ko nang muli ang aking mga tray ngunit dahil sa matinding panghihina at hilo ay muntik ko na ito mabitiwan.

Impit akong napatili ngunit mabilis na kumilos si Sir Ram. Kaagad niyang nasuportahan ang tray at ngayon ay sakop na ng kaniyang mga kamao ang dalawa kong kamay.

Napatingala ako rito at kinagat ang aking labi. Nakababa ng tingin sa akin si Sir Ram at malamig pa rin ang mga mata. Nang maramdaman ang init ng kaniyang dibdib ay tumindig ang aking mga balahibo. Para bang gusto kong magkumot ng makapal.


"You look pale," malamig niyang sabi at mas lalo akong gininaw.


Umiling lamang ako rito at kumalas ngunit mariin nitong hinawakan ang aking siko. Binaba niya ang dalawang tray sa kalapit na table atsaka sinuri ako. Palipat-lipat ang kaniyang mga mata sa bawat sulok ng aking mukha. 

Sa kabila ng lamig ay nararamdaman kong umiinit na ang aking pisngi. Pilit kong kinunot ang noo. Akala ko ba ay wala na siyang pakiealam sa akin? Hindi ba't iyon ang plano niya?

Napatingin ito sa aking labi. Para bang may kinilit sa aking tyan. Dumilim kaagad ang mga mata ni Sir Ram.

"Chrissy...ano iyan? Anong nangyari?" Marahan nitong dinampi ang hinlalaki sa gilid ng aking labi. 

"A-aray! Tsk..." Iniwas ko kaagad ang mukha rito. Sinamaan ko ito ng tingin kahit na hindi na ako makatingin ng maayos dito.

"What happened?" mariin niyang sabi.


Magsasalita na sana ako nang suriin nito ang putok sa aking labi at muling hinawakan. Tumama ang ilan nitong daliri sa aking leeg.

Mas kumunot ang kaniyang kilay  at maagap na sinalat ang noo ko sumunod ang leeg. Napapikit ako sa umaatikabong init. Shit ka, Chrissy!


"You stubborn, stubborn girl! I don't know what I'm gonna do to you..." 

Nabingaw ako sa aking sigaw at sa kaniya nang may mga bisig sa hita at bewang ko. Kinagat-kagat ko ang lab. Gusto kong isampal sa kaniya na siya ang dahilan ng lahat ng kainitan ko. Lahat at lahat, sa kaniyang mga overtime!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

85.4K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
3.7K 826 38
Cara Mallari, a high school student who prefers to spend her time alone at the library. Her miserable life has no effect on her positive outlook on t...
9.1K 1.5K 36
LOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow t...
56.2K 945 38
ME Series #1 : NOTICE ME a novel written by: MiaBellaHart Kapag nagmahal ka, Kapag nagmahal ka, nagpapansin ka. Kapag nagmahal ka, lahat gagawin mo...