Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

39th

145 4 0
By lesanlaine

39

Leslie

Wala kang karapatang magselos, Leslie, kumalma ka! Pakiusap kumalma ka!

Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ngayon. Magkakasama kami nila Diwata dito sa labas ng campus, inaya nila ako na sumama sakanila ngayong lunch time. Pauwi na kasi kami nila Ralph kanina nang harangin pa nila ako sa labas ng room.

Pinagtataka ko, wala silang kasama na Gio, wala rin si Marie, hinanap ko lang siya gamit ang mga mata ko. Hindi ko tinanong kay Monica kung nasaan si Gio, inisip ko nalang na nauna siyang umuwi para sunduin si Gia..sunduin 'yung kapatid niya pero heto siya nakaupo, kumakain, kasama si Marie.

Ni hindi nga siya tumingin sa'min nang dumating kaming lahat dito. Sa ingay ni Diwata at Dyosa hindi man lang sila natinag ni Marie sa pag-uusap. Binabawian niya siguro ako sa hindi pagpansin sakanya no'ng mga nakaraang araw.

Napag-isipan ko lang 'yung sinabi ni Papa sa'kin, marami na raw kasi siyang naririnig sa opisina nila na gusto niya na napapalapit ako sa anak ni Boss kasi ganito, kasi ganoon, nag-iba tuloy ang tingin ni Papa sa'kin. Pinaliwanag ko na rin kay Papa na wala akong alam doon sa plano ni Gio no'ng birthday niya, ako nga 'tong nagulat sa mga ginawa niya. Nakakahiya rin 'yon dahil maraming nakakita, hindi lang mga ka-edad namin. Mga kasama ni Papa sa trabaho, kamag-anak niya, basta marami sila. Pinagpapasalamat ko na rin na hindi sumama si Papa sa'kin, kasi kung kasama siya baka may nagawa siyang hindi maganda no'ng gabi na 'yon.

Pinayuhan ako ni Papa na huwag masyadong dumikit kay Gio, iba raw kasi ang dating nito sa mga kakilala niya sa trabaho. Lumalabas na natutuwa pa si Papa nang malaman nito na nagbabalak manligaw si Gio sa'kin, marami rin siyang naririnig na kaya nangyari 'yon kasi masyado siyang madikit kay Boss, sipsip kumbaga. Mga leche pala sila, wala silang pakialam kung si Papa ang gusto ni Boss makasama.

Sa tingin ko rin hindi sang-ayon si Papa sa gusto ni Gio. Hindi niya lang masabi ng diretso sa'kin, ako na raw ang bahala kung anong gusto kong gawin. Malaki na raw ako at may sariling pag-iisip. Ang hindi lang nawala sa utak ko ay 'yung sinabi niyang 'Masyado ka pang bata para sa pag-ibig. Hindi ka mauubusan ng lalaki, marami ka pang makikilala'.

May punto siya doon, bata pa nga ako. Marami pa akong dapat malaman. Marami pa akong hindi nagagawa. Marami pa talaga akong dapat patunayan.

Mas lalong hindi ako pinatulog ng konsensya ko nang tapatin ako ni Papa, 'May sinabi sa'kin si Gio, ayaw ko nang maulit pa 'yon'. Iyan lang ang sinabi ni Papa pero marami na kaagad pumasok sa utak ko. Leche, sinabi nga kaya ni Gio kay Papa? May lalo akong nabaon sa kahihiyan.

Iniiwasan ko na nga si Gio, kung maaari taguan ko siya kapag nasa campus kami, ginagawa ko ang lahat para bumalik 'yung dati..na hindi niya ako kinakasap at hanggang tingin lang kami sa isa't isa.

"Be, sainyo ako matutulog bukas, ah. Wala akong kasama sa bahay" sabi ni Aica sa'kin.

Doon ko lang napansin na napatingin si Gio sakanya, kay Aica lang, pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang pagkain.
Magkatabi sila ni Marie, na nagkataon naman na katapat ko siya, katapat ko si Gio. Wala nang kinalaman sina Diwata sa ayos ng pagkakaupo namin ngayon.

Wala rin si Angel ngayon. Nagsasawa na raw siya sa mga mukha namin kaya mas pinili niyang umuwi.

"Sige lang, text mo ako kapag papunta ka na"

"Siguro doon ka matutulog sa kwarto ni bebe Kenn, 'no?" tanong naman ni Dyosa sakanya. Ngumiti si Monica, "Pwede, pero gusto kong may katabi pagtulog. Tatabihan ko nalang si Leslie"

"As if naman makatulog pa kayo nun, magchichikahan lang kayo. You'll stay up all night sharing thoughts about this and that" nagsalita na si Mr. Delfino.

"Si Charmaine!" may tinuro si Monica, napatingin ako doon sa tinuturo niya.

"Che, wala siyang pasok ngayon" sagot ni Diwata.

"Kaloka, so totoo pala na hanggang ngayon nagpapanggap pa rin kayo? Anong pakiramdam ng may girlfriend, beks?" pag-usisa sakanya ni Dyosa.

Nakikinig lang ako sa kwentuhan nilang dalawa. Mas madalas nakatingin ako kay Marie, ang tahimik niya, nangiti lang siya kapag may nababanggit na nakakatawa sina Diwata at Dyosa. Hindi ko pa siya narinig magsalita simula nang maupo ako dito kasama sila.

"Hoy, Gelo. Libre mo naman kami ng milk shake, nakakauhaw" tiningnan lang ni Gio si Monica.

Tumigil na siya sa pagtetext at pangungulit sa'kin sa Messenger. Nagsawa na siguro sa maiikling reply ko kapag nag chachat siya.

"May pera ka, ba't di mo subukan na bumili" sagot niya kay Aica.

"Taray! Sungit natin ngayon, Giobels" puna ni Dyosa.

Palagi siyang masungit. Araw-araw siyang ganyan. Kaya nagtataka ako kung paano niya nakakasundo si Marie. Siguro may pinagkapareho sila sa ugali, 'yung pagiging pala-aral siguro, pagiging tahimik?

"Meron 'yan ngayon, second day" banat ni Diwata. Napangiti ako sa sinabi niya, "Niloloko ka, Gio" hirit naman ni Marie.

"Sanay na ako diyan" sagot ni Gio sabay tingin sa'kin, napaayos tuloy ako ng upo. Nagkaroon ng saglit na katahimikan, ramdam ko na nakatingin rin sina Monica sa'ming dalawa. Ngingitian ko ba siya?

May dapat ba akong sabihin?

"Ba't 'di ka naimik?" tanong ni Gio sa'kin.

Humuhugot pa ako ng maaaring isagot sakanya. "Inaantok ako" palusot ko nalang. Matapos kong sumagot umiwas na siya ng tingin. Sumandal siya sa upuan tapos nagtext na.

"Wala na kayong klase mamaya?" rinig kong tanong ni Marie kay Aica. "Wala na. Kayo?"

"Na-move 'yung next class namin mamaya, 2-4pm pa" nakakadalagang Pilipina ang paraan ng pagsasalita ni Marie.

Siya yata ang babae na hindi makabasag pinggan sa pagkilos.
Kahit mainit ang panahon ngayon hindi siya nagmumukha pinagpapawisan.

"Edi wow" parinig ni Diwata. Napatingin tuloy si Marie sakanya. Sinipa ko siya sa paa, hindi naman nila 'yon pansin "Kainis talaga si Dalton, pinagyayabang 'yung bagong sapatos niya sa'kin, edi wow talaga" pagpapalusot niya.

Huwag niyang iparamdam na naiinggit siya sa kagandahan at kabaitan ni Marie.

"Kapatid mo pala 'yun, hindi kayo magkamukha"

Napatingin ako kay Gio. Bigla nalang siyang nakikisabat sa usapan.

"Hindi talaga, mas maganda ako sakanya" umirap pa si Diwata. Nandidiri na ako sa ginagawa niya, biglaan ang naging pagpapalit anyo niya bilang isang matipunong lalaki tapos ganito naman siyang kumilos. Naguguluhan na rin ako kung magkikilos babae ba siya palagi o pinipilit niya lang maging isang tunay na lalaki para sa buhay niya.

"Siya ba 'yung kinuwento mo sa'kin kahapon?" naintriga ako sa tanong ni Marie kay Gio. May kwentuhan na palang naganap, hindi man lang ako nabalitaan.

Sumandal na rin ako sa upuan, nagmamasid sa paligid. Wala na akong ibang naririnig, binabalewala ko sina Diwata ngayon, marami akong iniisip. Nahihirapan ako sa lesson namin kanina, sumakit 'yung kalhating bahagi ng ulo ko. Puyat na naman ako mamaya dahil sa self study na magaganap.

Kung saan-saan na ako tumitingin, napansin ko na rin 'yung isang babae na kapareho ko ng bag. Nagmamadali siyang lumabas sa lugar na 'to, may hinahabol siguro na oras sa klase niya. At nahagip rin ng mga mata si Gio, iniisip ko lang ba na nakatingin siya sa'kin o sadyang nakatingin siya?

"Girl, patambay sainyo bukas. Sama kami kay Monica" agad akong napatingin kay Dyosa, "Kayo bahala, basta magtext nalang kayo sa'kin"

"Hindi ka naman nagrereply"

Kasabay ng pagsasalita ni Monica narinig ko na may sinabi si Gio, 'Hindi nga'-iyan ang narinig ko.

"Wala akong load" sagot ko. Si Gio ang kinakausap ko pero si Monica ang tinitingnan ko.

"Loloadan ka raw ni Giobels" hirit ni Dyosa.

"Magpapaload nalang ako bukas, basta magtext kayo sa'kin" mabilis kong pagsagot.

Ngayon ko lang napansin na pinapakialaman ni Dyosa ang cellphone ko, "Ay, ang cutie naman nito. Kaninong aso 'to, girly?" tanong niya sa'kin. Pati si Diwata nakitingin sa cellphone ko.

Ah, si Bebs, 'yung asong galing kay Gio. nakuhanan ko siya ng picture habang natutulog sa kama ko, ang cute nga niyang aso. Natuwa rin si Mara nang makita 'yung pictures ni Bebs. Pinagpaplabuhan niya raw mag-alaga ng St. Bernard, gagawa raw siya ng sariling Beethoven movie.

"Sakanya 'yan, bigay ni Bestie" si Diwata ang sumagot para sa'kin.

"Really? Ang cutie ng baby niyo. Sa'n mo siya nabili, Giobels?"

Baby? Anak? Ganern? Ang utak nitong si Dyosa isa't kalhati rin na kakaiba.
"Sa pet shop" 'yung pagkakasabi niya pa ng Pet Shop parang may kadugtong pa na 'malamang'. "Mahilig ka pala sa aso, anong breed ng binili mo?" kinausap siya ni Marie.

Hindi sinagot ni Gio 'yung tanong niya, "Patingin ako nung picture" kay Dyosa siya nakipag-usap. Sa halip na sagutin si Marie, ibang tao ang pinansin niya.

"May aso ka rin?" ako ang nakipag-usap kay Marie, mukha siyang nakipag-usap sa hangin kanina nang hindi siya sagutin ni Gio. "Dati, kaso namatay"

Ngayon, si Gio na ang may hawak ng cellphone ko. Hindi ko alam kung ano ang tinitingnan niya doon at napapakunot noo siya. Saglit niya lang 'to pinakialaman tapos binalik na rin sa'kin, pinatong niya lang sa tapat ko.

"Tara" tumayo na si Gio, ngayon ko lang napansin na wala siyang dalang bag. Inaya niya si Marie na umalis na dito, "May one hour free time pa, dito nalang muna tayo" tugon ni Marie sakanya.

"Tinatamad ako dito, ang init pa"

Tamad naman siya pagdating sa lahat ng bagay. Si Marie na ang tinitingnan ko, nakatingin siya kay Gio, nag-uusap siguro sila gamit ang mga mata. Nagkakaintindihan yata silang dalawa kahit walang magsalita sakanila.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ni Aica kay Gio, "Sa room" sagot nito.

Pwede naman siyang pumunta doon ng mag-isa. Kailangan ba na kasama niya si Marie? May mga paa naman 'tong babae na 'to, makakapaglakad siya papunta doon ng mag-isa.

"Pabantay muna nito" ibinigay ko kay Diwata ang bag ko, nakita ko si Vincent sa labas nitong kainan. Hawak niya 'yung notes ng kaklase namin na sobrang advance sa lesson kanina kaya sakanya kami nakopya, mas madaling intindihin solutions na ginawa niya. "At saan ka naman pupunta?" sita ni Dyosa sa'kin.

"Kay Vincent, tamad rin ang isang 'yon, ayaw pumasok dito" tumayo na ako para lapitan si Vincent, parang hangin lang ako na napadaan sa tabi ni Gio.

~

"May bago palang kaibigan 'yang Manansala mo, pinakilala ka na?" tanong kaagad ni Vincent sa'kin nang lapitan ko siya dito sa labas ng kainan.

Tiningnan ko lang siya at hinablot basta 'yung hawak niyang notebook. "Si Ralph, asan?"

"Nagdodota"

"Mga walangya kayo, sana di niyo 'ko iniwan kanina. Uuwi na ako, hintayin mo 'ko dito, sasabay ako sa'yo"

Tinalikuran ko na si Vincent para pumasok ulit sa kainan nang eksaktong pagharap ko sa pinto kamuntikan ko pang mabangga si Gio. iniwasan niya lang ako, wala siyang sinabi, sabay labas ng pinto. Nilapitan ako ni Vincent, "War kayo?"

Relax lang, Leslie. Huwag kukulo ang dugo. Hindi mo siya pinapansin noon, manigas ka ngayon, hindi ka rin niya papansinin ngayon! Oo na, ako na 'tong nagkakanda leche-leche.
"Kapag umalis ka dito ibibigay ko number mo kay Dyosa" pagbabanta ko sakanya. Naging seryoso ang tingin ni Vincent sa'kin, "Take your time, maghihintay ako kahit gaano katagal"

~

Hinihintay pa namin ni Vincent si Monica, sasabay rin siya pauwi. Sinamahan lang nila si Marie papunta sa building ng susunod nilang klase.

"Unfriended na ba?" nagsalita bigla si Vincent. Abala siya sa pagtetext tapos kinakausap na pala ako. Nakatayo lang kami dito sa labas ng campus, nagbibilang na nga ako ng mga dumadaan na sasakyan.

"Huh?"

"Wala. Lutang ka kasi, bakit mo inaway?"

"Sino?" takang tanong ko. Ano ba ang mga pinagsasabi nito? Wala akong maintindihan.

"Si Angelo Gabriel Manansala III. Pansinin mo kasi, nagkakasakit ng dahil sa'yo"

"Ano'ng ginawa ko sakanya?" patay malisya kong tanong. May sakit si Gio?

"Tuwang tuwa si Ralph kahapon, natalo niya kasi si Gio sa dota kaya ko nasabing nagkakasakit ng dahil sa'yo"

Kasalanan ko ba kung palpak 'yung laro niya sa dota? Wala naman akong kinalaman sa mga ginagawa niyang kaekekan sa buhay. Hindi naman kami magkakilala dati bakit hindi nalang ganoon ang gawin niya ngayon. Magpanggap nalang siya na hindi ako kilala.

Tutal may bago na siyang kaibigan, study buddy, seatmate, pakasaya silang dalawa.

"Good for him. Libre niya 'ko kamo"

"Matulog ka nga pagkauwi mo, wala ka sa sarili ngayon" tinitingnan ako ni Vincent na para bang may sinusuri siya sa mukha ko. Nailang ako kaya iniwasan ko ang tingin niya, "Tama nga si Gio, mukha kang panda"

"Close pala kayo" nasabi ko nalang. Nawala yata 'yung mga sasakyan na dumadaan kanina dito. Wala na akong mabilang.

"Kahapon lang din, nagpaturo ako doon sa assignment natin"

Ako nalang ba ang hindi nagpapaturo kay Gio? Natataasan na ako ni Ralph sa mga seatworks dahil sa instant tutor niya. Leche.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko, kinagulat ko ang mukhang una kong nakita pag-ilaw ng screen nito, napangiti ako doon sa nakita ko. Mukha ni Gio. loko 'yon, pinalitan ang phone wallpaper ko.

~

Monica

Tinatawanan ko lang si Gelo ngayon. Sinunod niya pa sina Ralph sa 'walang paramdam style' nilang bulok, 'tong si Gelo rin ang nahihirapan sa ginagawa niya.

Gustong gusto niya akong ihatid papunta kina Leslie ngayon para makita niya rin 'to pati si Bebs, napayuhan lang siya ni Ralph sa 'walang paramdam' na 'yon.

Nakakatawa naman talaga ang hitsura ni Gelo ngayon, kulang nalang hampasin niya ang manibela at magbusina nang walang katapusan sa inis. Kapag lang dwa walang pinatunguhan ang 'walang paramdam style' ni Ralph, magtago na daw ito at huwag nang magpapakita sakanya.

"Last question, you'll stay here or you'll come with me?"

"Do you really want me to answer that question?" naiirita na siya sa paulit ulit kong pagtatanong. Sinusubukan ko lang na guluhin ang isip niya. Kung si Ralph lang naman ang susundin niya baka hindi na sila tuluyang magpansinan ni Leslie.

"Naku, Gelo, kung ako sa'yo kakausapin ko nalang si Leslie, itetext ko, tatawagan ko"

"Gustong gusto ko nang gawin 'yan. Idi-dial ko na 'yung number niya, naalala ko lang 'yung mga sinabi ni Ralph"

Inihampas ko sakanya si Barney, 'yung regalo ni Leslie sakanya na tigreng stuffed toy, palagi niyang kasama ang isang 'to. Nakita ko na rin 'to sa bag ni Gio, kahit saan siya magpunta nandoon din si Barney.

"Give me your phone" utos ko sakanya.

"Why?"

"Just give me that damn phone!"

Inabot niya naman, tinawagan ko ang number ni Leslie. "Hi! It's me, Aica. On my way na ako, kasama ko si Gelo. You want to talk to him?" wala akong kausap sa kabilang linya, number busy ang sabi sa'kin ng babae na nagsalita, kung sino man siya, nagpanggap nalang ako na kausap ko si Leslie.

Nahinto si Gelo sa pag mamaneho, "See, halata naman na gusto mo siyang kausapin. Baliw ka na"

Hinagis ko pabalik 'yung cellphone niya sakanya, nasambot niya naman 'yon.

"She's the first one who stopped talking to me. Why woul I-"

"Aarte pa, ikaw 'tong lalaki, ikaw gumawa ng effort. 'Di pa nga kayo ganyan ka na, wala na talaga kayong pag-asa. Susuportahan ko nalang si Jewel"

Mag dadrama pa dapat ako nang biglang nag dial si Gelo ng number sa phone niya, "Forget about your nonsense idea, Ramos. It sucks" ah, si Ralph ang tinawagan niya. Wala pang ilan segundo binabaan niya 'yung nasa kabilang linya.

May tinawagan ulit si Gelo,

"Bakit cannot be reached?"

Kinakausap niya 'yung cellphone niya. Padabog niya pang pinatong 'yung cellphone niya sa headboard ng kotse.

Napangiti ako sa ginawa niya. Kung hindi ko pa siya tatakutin hindi siya matatauhan, magpapa-uto lang siya kay Ralph.

~

Pagbukas ni Leslie ng gate napatingin siya sa paligid. Ako nalang mag-isa ang nagpunta sakanila, hinatid lang ako ni Gio hanggang sa may kanto ng village nila Leslie.

"May hinahanap ka?" tanong ko.

"Wala, akala ko may kasama ka pa"

Palihim akong napangiti, "Hinahanap mo si Gelo? Dumiretso sa condo, nandoon sina Paul ngayon"

"Hindi na daw makakapunta sina Diwata. Kasama niya si Charmaine ngayon"

"Nag da-date na sila?"

Umiling siya, "Kasalanan ni Dalton, pinapunta niya si Charmaine sakanila. Sinabi niya na si Delfino ang nagpapunta sakanya"

"Trip ng kapatid ni Diwata si Charmaine, 'no?"

Nag-uusap kami habang naglalakad papunta sa bahay nila. Naikwento na rin ni Diwata sa'kin na palagi nalang nakikigulo 'yung panganay niyang kapatid sakanila ni Charmaine.

"Pinagtitripan niya 'yung dalawa. Hanggang ngayon nagtetext pa rin kay Charmaine si Dalton"

"Baka type si Charmaine, may balak pumorma. Sa tingin mo?"

Nagkatinginan kami ni Leslie, "Onga, 'no? Kilala rin ni Dalton si Cha, schoolmates daw sila dati"

"Isa lang ang solusyon sa problema nilang dalawa"

"Ang magpakalalaki na si Diwata?" pareho kami ng naiisip ni Leslie.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko, Les?" tanong ko. May maganda akong plano.

Kailangan maalis si Dalton sa eksena.

Maghanap siya ng ibang guguluhin.

"Oo. Pero, napaka imposible na mag kagusto si Diwata sa babae"

Kung iisip ako ng dahilan para magustuhan niya si Charmaine maraming pwedeng pagpilian. Hindi lang namin kayang kontrolin si Diwata, may sarili pa rin siyang isip. "Si Charmaine kasi, sa bakla pa nagkagusto"

Ako ang nai-stress sakanya. Maraming lalaki sa campus na lagpas sa standards niya. Laking gulat ko nang sabihin sa'kin ni Gelo na may gusto si Charmaine kay Delfino.

Malaki na ang pinagbago ni Diwata, hindi na siya nagdadamit pambabae. Bihira ko na rin siya marinig na tumili. Iyon siguro talaga ang naging epekto ng tatay niya sakanya.

"Siya ba si Bebs?" hinawakan ko agad 'yung aso na sumalubong sa'min ni Leslie pagpasok palang namin ng kwarto niya.

"Oo. 'di mo pa pala siya nakikita"

"Unfair na kasi si Gelo, lagi nalang si Charmaine ang unang nakakaalam ng lahat"

Hindi ko pinagseselosan si Charmaine. Nainis lang ako kasi kami 'tong best buddies ni Gelo sa school simula first year college, dumating lang si Charmaine nagbago na siya.

"Super close kasi sila"

"Di rin. Ako pala unang nakaalam na may gusto siya sa'yo"

Ang sarap iuwi ni Bebs, gusto ko rin magkaroon ng aso. "Natahimik ka bigla, may problema?"

"Wala"

"Namimiss ko na 'yung dating ikaw. Ang tahimik mo kapag magkakasama tayo"

Idagdag pa na magkaiba kami ng section kaya hindi ko na siya madalas makausap. Nainis ako sa sarili 'ko nang iwasan ko siya dati. Sobrang nalungkot ako nang maghiwalay kami ni cheesecake. 'yung kapatid niya kasi ang daming alam sa buhay, 'di pa nga nakakaalis no'ng panahon na 'yon iniisip niya na makakapaghanap na ako ng iba para ipagpalit siya.

Sa sobrang drama niya hindi man lang sumagi sa isip niya na six months lang sila sa barko at babalik pa siya.

"Miss ka na rin daw ni Kuya. Sinabi ko na dito ka matutulog ngayon"

"Yaan mo siya. Kunwari galit ako sakanya"

Pinagselosan ko 'yung ex niyang si Lizbeth, nakakapunyeta na may picture silang dalawa.

Just saw a photo of them that was taken recently.

"Alam niya na nagkukunwari ka lang, 'di ka daw ganun magalit. Kausapin mo nab aka umiyak ulit" tapos tumawa si Leslie, "Nasend ko ba sa'yo 'yung video niya na umiiyak?"

Tumawa na rin ako, "Oo. Pinasa ko sakanya 'yon, sineen lang niya 'yung message ko"

Natatawa pa rin ako kapag naalala ko 'yung video na pinasa sa'kin ni Leslie.
Nakita niya raw 'yon sa phone ng kuya niya. Pinagtripan siya ng mga kaibigan niya nang malasing sila.

That was also the day when he told me he was sorry for what he did. I can still remember the exacts words he said, from the tone of his voice I know he's not intoxicated but then he end up prenteding to be drunk infront of me.

"Nahihiya na 'yon sa'yo. Ang pangit niyang umiyak sa totoo lang"

Hindi ko na tinigilan si Bebs, kinikiliti ko siya kahit na parang wala lang sakanya ang ginagawa ko. Natutuwa na ako sa aso ni Leslie. "Kaya ikaw" kinakausap ko si Bebs, "Pansinin mo na kasi, baka umiyak din. Hala ka, Bebs"

Walang naging reaksyon si Leslie sa sinabi ko, "ATEEEEEEE! MAY TUMAWAG KANINA" galing ang boses ni Kitt sa labas ng kwarto, wala pang ilang sandali nandito na rin siya sa loob ng kwarto ni Leslie may hawak na brush.

Nagtaka ako, 'tong si Kitt ba may balak sumunod sa yapak ni Diwata?

"Sino?" tanong ni Leslie.

"Ewan. Sabi niya lang sorry, tinanong ko pangalan wala nang sinabi." Ginagamit niya 'yung brush, sinusuklay niya ang buhok niya, violet na brush pa ang gamit ni Kitt.

Kilala ko na kung sinong tumawag sa landline nila Les.
Kung hindi ko lang kaibigan si Gelo matagal ko nang sinuportahan si Jewel para kay Leslie.

~

Leslie

Lumabas ako ng kwarto para abangan kung tatawag ulit 'yung sinasabi ni Kitt na nag sorry. Si Jewel kaya?

Naririnig ko mula dito ang tawanan ni Aica at Kitt. Hindi na ako magtataka kung baling araw dito na rin nakatira si Aica, pareho siyang gusto nila Mama para kay Kuya. Bakit 'yung gusto ko ang hindi nila masang-ayunan?

"Si Monica?" tanong ni Mama.

"Kasama si Kitt sa kwarto"

"Ano'ng ginagawa mo diyan?"

Nakatayo ako sa tapat ng lamesa kung saan nakapatong ang landline namin. "May hinahanap ako, ma" palusot ko. Tatawag pa kaya ulit 'yon?

"May meryenda sa kusina, pupuntahan ko muna ang tita mo, ikaw na bahala kay Monica. Kumain kayo mamaya"

"Okay po"

Pinuntahan muna ni Mama si Aica at Kitt sa kwarto ko bago lumabas ng bahay.
Naupo ako sa sofa, nakatingin lang sa landline namin.
Kahit ako naninibago sa kinikilos. 'di pala bagay sa'kin na maging tahimik.

Nagbibilang ako ng segundo, sinasabayan ko na 'yung pag-ikot ng kamay sa orasan. Eksaktong alas tres ng hapon na, kasabay nito ang pagtunong ng telepono sa bahay.

Napatayo agad ako, sinagot ko ang tawag. "Good afternoon, sino po sila?" tanong ko sa kabilang linya, wala kasing nagsasalita.

"Kumusta?"

~

Charmaine

Pinapatay ko na si Dalton sa isipan ko. Tinitingnan ko siya ng masama. Nilalagyan ko na siya ng mga sungay sa utak ko pero nagawa niya pang ngumiti sa'kin kahit na pinapakita ko sakanya na ayaw ko siyang makita.

Nagmadali ako sa pagbibihis para pumunta dito sakanila. Nagtext si Delfino sa'kin na gusto akong makita ng daddy niya, hindi na nga ako nakapaghanda ng maayos sa sobrang tuwa nang mabasa ko 'yung message niya.

Tapos ito, si Dalton ang kasama ko sa bahay nila.
Natutulog si Delfino ng mahimbing sa kwarto niya kaya napakialaman ni Dalton ang phone nito.

Gusto niya lang akong makausap kaya pinapunta niya ako sakanila. Hindi niya raw alam kung saan ako nakatira.

"Uuwi na ako kung hindi mo gigisingin si Delfino"

"Boyfriend mo siya, pwede kang pumasok sa kwarto niya"

Wala akong nararamdaman na pagkailang kahit kanina pa niya ako tinitingnan.
Kaya kong gawin ang gusto niya. Saan ba dito ang kwarto ni Delfino?

"Hindi mo kaya?"

"Kaya ko" pinag-iisipan ko pa kung tatanungin ko ba si Dalton, hindi ko alam kung saan dito natutulog si Delfino, "Saan ba dito ang kwarto niya?" tanong ko.

Pinilit kong ipakita na naiinis pa rin ako sakanya kahit na gusto kong maging mabait sa harap niya para lang sabihin sa'kin kung saan natutulog si Delfino.

Tumawa siya, tawa na pang kontrabida sa isang palabas. Kontrabida naman talaga siya sa buhay ko, "Tigilan na kasi ang pagpapanggap. Sumunod ka sa'kin"

Inirapan ko siya nang hindi niya alam. Gusto kong sipain si Dalton mula sa likod.
Nabubwiset ako sa pagiging presko niya. Naiinis ako sa mukha niya. Nakakainis tingnan 'yung pag ngiti niya. Mukha siyang manyakis.

Sinundan ko lang siya, may binuksan siyang pinto para sa'kin. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng kwarto na 'yon, "Baka sa'yong kwarto 'yan" sabi ko.

"Di ah. 'yon ang sa'kin" tinuro niya ang katapat na pinto.

"Paano ako malalaman na nagsasabi ka ng totoo?"

"Pumasok ka sa loob" sagot niya. Lumayo siya ng kaunti mula sa pinto, "Maaari na po kayong dumaan mahal na prinsesa" hindi pa rin naaalis sa ngiti sa mga labi niya.

Nagmumukha siyang si Delfino kapag nakangiti sa'kin. Hawig sila sa unang tingin. Mas matangkad lang si Dalton ng kaunti, mas mabait si Delfino at mas gusto ko siya kesa dito sa kapatid niya kahit na mas lalaki kumilos si Dalton.

Sinilip ko muna ang silid, una kong nakita ay isang cabinet na transparent. Punong-puno 'to ng mga baso galing sa starbucks. Collector si Delfino ng starbucks item?

Hinanap ko siya sa silid, hindi kalakihan ang kwarto kaya mabilis ko siyang nakita. Natutulog nga siya ngayon, isang lalaki ang nakikita ko. Bagay sakanya na matulog nalang palagi. Biglang pumasok sa isipan ko ang binabalak kong masama kay Delfino.

Siya ang sleeping prince ko at kailangan niyang mahalikan para magising. Ngigiti na sana ako sa ideyang naisip ko nang itulak ako ni Dalton para tuluyang makapasok sa loob ng kwarto ni Delfino.

"Ano ba!" inis kong sabi sakanya.

"Gisingin mo na"

"Pwede umalis ka muna? Epal ka dito, e" magpapaka-prangka na ako sakanya. "Naiinis ako sa mukha mo" dagdag ko.

"Hoy, 'yung fake girlfriend mo nandito"

Tiningnan ko ang natutulog na si Delfino, nagising siya sa lakas ng boses nitong bwiset niyang kapatid. "Ha?!" inis niyang tanong kay Dalton, medyo nakapikit pa ang mga mata niya.

"Si Charmaine nandito, hinahanap ka"

Imbento! Ako nga 'tong pinapunta niya dito.

Napabangon agad si Delfino.

Pigilan mo ang sarili, Charmaine. 'yung utak ko napupunta sa makabagong mundo, kailan pa siya natulog ng walang suot ng pang itaas na damit?
Nag iinit ang mukha ko. "Labas lang ako" tumalikod na ako para lumabas nang pigilan ako ni Dalton.

"Saglit, dito ka lang, ayaw mo ba makausap 'yung boyfriend mo?" inalis ko agad ang kamay niya na nakahawak sa braso ko, "Kailangan niya muna magbihis bago kami mag-usap" baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ngayon at may masamang magawa kay Delfino.

Ang gwapo niya talaga. Shitttt lang, kinikilig ako sakanya. Gugustuhin ko na makita siya araw-araw nang bagong gising. Isang Delfino ang nasa harap ko ngayon at hindi si Diwata.

Gusto ko siyang kuhanan ng picture, mas gwapo na siya ngayon kesa kay Gigi.
Makalaglag puso si Delfino ngayon.

Nag-aayos pa siya ng buhok, pigilan niyo ako. Active ang malanding hormones ko.

"Babe, sorry nakalimutan ko. Aalis nga pala tayo ngayon" tinawag niya akong babe? Ano raw? Ano 'yung sinabi niya? Kami, aalis ngayon? Teka, wala sa usapan na ganito siya kabilis mag-isip ng alibi.
Nabibingi na yata ako, "Magbibihis lang ako" mas hindi na kinaya ng mga mata ko ang pagtingin kay Delfino, umiwas kaagad ako ng tingin sakanya.

Ano ba ang gagawin mo kapag nakakita ka ng lalaking boxer lang ang suot?

"May date kayo?" takang tanong ni Dalton sa kapatid niya. Hindi pa ako handa sa isasagot ko.

"Ano naman sa'yo kung meron nga?" tanong ni Delfino kay Dalton.

Goodness, 'yung boses ni Delfino. Nagpapanggap pa rin ba siyang lalaki sa harap ng kapatid niya o sadyang ganyan na siya magsalita simula nang magbihis lalaki siya?

Date...

May date kami ngayon.

~

One new message from Giobels:
Dear Leslie my panda,
You sure don't dress like one but you look like a real princess.

~

Continue Reading

You'll Also Like

77.2K 181 15
SPG
153K 227 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
350K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
98.4K 158 55
Enjoy