(Day: 7)
"Girl sabihin mo samin anak ba ng hari at reyna yang si mark? Grabe teh ang swerte mo talaga"
"Anu ba lovely syempre pag mahal ka ng isang tao lahat ng bagay ibibigay sa'yo, palibhasa NBSB ka kaya di mo pa nararanas maging buhay prinsesa"
"Grabe ka naman alex sakin, kaya nga sobrang na akong naiinggit kay Jane eh, pano gwapo na, mabait pa, mayaman, at sobrang sweet aaaaah ako kaya kelan ko mahahanap ang prinsipe ko"
"Kapag hindi kana naging isip bata, kaya walang nanliligaw sayo eh puro ko pasweet magpakita ka naman ng konting pakipot"
"Haaay nako Alex makapagsalita ka naman sakin bakit ikaw diba NBSB ka din? Wala ding manligaw sayo palibhasa mas lalaki kapa sa mga nanliligaw sayo"
"Alam mo ikaw pumunta ka nga dito at makakatikim ka sakin"
At umandar na naman ang aso't pusa kong mga kaibigan
"Pero Jane grabe sobrang bilis ng mga nangyayari, ano bang pinakain mo dyan kay Mark at sobrang mahal na mahal ka" tanung ni Alex,
Haaaay kung alam nyo lang girls ang totoo
"Di ko din alam eh, ewan ko ba dyan kay Mark, hindi ko naman hiningi sa kanya lahat ng ito eh, gusto ko lang naman maging simple di ko naman kelangan ng lahat ng ito"
"Jane tama naman talaga si Alex eh kung mahal ka talaga ng isang tao kahit hindi mo hingin, kahit hindi mo sabihin ibibigay nya sayo, kagaya nalang nyan, araw araw may taong pumipili ng isusuot mo, may nagaayos ng make up mo at andyan pa si Mark kasama ang mga kabarkada nya para bantayan ka, alam mo nahihiya na nga akong hawakan ka eh kasi daig mo pa ginto alam mo yun"
"Haaay nako Lovely basta kahit anu naman gawin at ibigay ni Mark di naman ako magbabago, tsaka kakausapin ko din sya, alam ko naman maraming nasasabi sakin ang mga tao tuwing nay bibigay sya o gagawin para sakin, ok na yung simple lang para walang nasasabi ang ibang tao"
"Alam mo naman Jane na kahit anung sabihin ng ibang tao kilala mo ang sarili mo, hindi mo sila kelangan isipin at intindihan, dapat inienjoy mo ang bawat araw na kasama si Mark, kita naman namin sayo sobrang saya mo sa piling nya" at bigla nalang akong napalunok sa sinabi ni Alex
Ako masaya sa piling ni Mark?
Hell no -.-'
Eh daig pa nya si Satanas sa sobrang sungit
"Hi Girls" speaking of the devil, dumating na si satanas kasama ang mga alagad nya
"Oh Mark aalis naba kayo ni Jane?"
"Oo alex may mga gagawin at aasikasuhin pa kami ayus lang ba mauna na kami?"
"Oo naman Mark anu kaba our Bestfriend is all yours"
"Anu ba yan Lovely parang binubugaw mo naman ako"
"Aay sorry what I mean is ok lang mauna kayo mukhang inportante ang gagawin nyo hihi"
"Oh pano pare dito na muna kami una na kayo ni Jane" si Rio kabarkada ni Mark
"Sige una na din ako" sabay sabi ni Alex
Anyare dun? Biglang nagiba simoy ng hangin
"Hala ka Rio tsk tsk hahahha" pangaasar ni Josh
"Sige na Rio, Blake, Josh at Mat una na kami ni Jane"
"Bye Lovely ingat pa pauwi" kaway ko sa kanya
"Bye Girl enjoy ^_^"
At iniwan na namin sila
Actually hindi ko alam kung saan kami pupunta
Nakakasanay na din naman kay Mark eh mahilig magsurprise
"Hindi mo ba ako tatanungin kung saan tayo pupunta?"
"Bakit kung tatanungin ba kota sasagot mo ang tanung ko?"
"Hindi" sabay lakad ng mabilis
Haaaay nako ang sweet talaga ng boyfriend ko
Andito na kami sa kotse nya
"Buti tumalab kahit kaunti sayo yung ginawa ni Diane sayo"
"Teka lang insulto ba yun o compliment?"
"Well gumanda ka nga conpliment yun ang insulto siguro wala kang taste dati manamit"
"Sorry po ah hindi kasi kami kasing yaman nyo na mamaganda ang damit"
"Pero kahit baduy ka manamit maganda ka parin, simple lang, matino tignan" sabay tingin nya sakin at ngumiti
Oh my Gosh Mark
Don't do this to me
Papatayin mo ako sa kilig
Gosh
"Mark nadedevelop kana sakin ano?" Biro ko
"Jane it doesn't mean na pinuri kita gusto na kita, sinasabi ko lang ang nakikita ko, wag mong lagyan ng malisya kinikilig ka na naman dyan eh" sabay kindat
"Pwede ba wag kang feeling hindi porket gwapo ka eh mabilis mo lang ako malalakilig, well matigas pa to sa bato kaya bago mo ako pakiligin paghirapan mo muna"
"Talaga ba?" Sabay tigil ng kotse, nakapark na pala kami
"Hindi kaba talaga mabilis pakiligin?"
"Hinding hindi" sabay tingin sa kanya
Nakatitig lang sya sakin
Nakasmile
Ataw nya tanggalin titig nya
"Mark ano ba?"
"Sige nga tignan natin kung di ka talaga kikiligin sakin"
"Sige anung gagawin mo?"
"Laro tayo, ang unang maiilang talo"
"Titigan?"
Sheet wag eto mahina ako dito
"Oo bakit aatras kana?"
"GAME!"
What? Jane? Seriously?
Anu ba yan
At nagtitigan na kami
Nakangiti lang sya
At lumalapit
"Mark anung ginagawa mo?"
At lumapit pa
"Mark ano ba?"
Ayaw nya tumigil kaya kumurap na ako
"Ok na Mark talo na ako"
Pero patuloy parin sya sa paglapit
"Eto na oh talo na ako kumukurap na ako" at kumurap ako ng madami pero di parin
Malapit na sya
"MAAAARK"
At sobrang lapat na ng mukha namin sa isat isa
Ngayun isang daliri nalang ang pagitan namin
wala na akong nagawa kundi pumikit nalang
dahil hindi ko na din alam gagawin ko -.-'
Mark ano ba to?
Hanggang sa narinig ko ang pag bukas ng pinto
tss bwisit ka talaga Mark
bumaba na pala sya at pumunta sa pinto ko para pagbuksan ako ng pinto
"Walang hiya ka talaga Mark" sabi ko nalang sa sarili ko
at nagbukas ang pinto
"Baba na po Ms. Bato"
at nangiinis pa talaga
lumabas na din ako ng sasakyan
"Kala ko ba mas matindi kapa sa bato? mukhang nanlambot ka agad ah!?" sabay tawa pa
talaga lang ah
BOOOGS
nakatikim lang naman sya sakin ng isang malakas na siko sa sikmura
lakas mong mangasar ah
at naglakad na ako
pag pasok namin ng restaurant
Kakain lang pala sa labas sinama pa ako
hindi lang to basta dinner
ewan ko sayo mag-cr lang ako
at pumunta na akong banyo
ang daming alam talaga nitong si Mark na to
paglabas ko ng banyo nakita ko si Mark nakatyo
at may kinakausap na babae
langya babaero talaga
at di lang yun niyakap pa
tss bahala ka magintay ka ng matagal dyan
dahil malandi ka sige lumandi kalang hanggang gusto mo
at bumalik na ako sa banyo
bahala talaga syang magintay dun
pero di ko rin kinayang magstay sa loob ng banyo k,aya lumabas na ako
naghuhugas na ako ng kamay ng may biglang lumabas sa isang pang banyo
teka eto yung kalandian ni Mark ah
tsss maganda lang sya
sexy pero haaays
at medyo bata pa ata to ah
si Mark talaga sa bata pa talaga?
kadiri naman
at biglang tumawag si Lovely
"Hello Lovely? bakit ka napatawag? huh? kami andito kami ni Mark sa resto, oo si Mar, si Mark Erguiza naBOYFRIEND ko, oo nagdedate kami ngayun, kaya nga eh basta wag ko lang makikita na nilalandi sya ng iba kundi baka mapatay ko yung babae, ah sige na lovely bye ingat"
siguro nagtataka na si lovely sa lahat ng pinagsasabi ko
pero sinabi ko lang naman yun para malaman nitong babaeng ito na sakin lang si Mark
I mean na hindi dapat sya lumalandi sa iba na may girlfriend na
tss nakatingin lang sya sakin nakangiti
at nginitian ko nalang at umalis na
buti naman naintindihan nya yung gusto kong iparataing sa kanya
at pumunta na ako sa table namin
"Bat ba ang tagal mo?"
"Eh ano naman sayo nageenjoy ka naman"
"What?"
"wala bakit ba?"
"Bat ba ang sungit mo?"
"Pakialam mo"
tsss nabubwisit talaga ako
"hoy umayos ka ah baka pag dating ng kapatid ko ganan itsura mo"
"pupunta ang kapatid mo? eh bakit mo pa ako sinama?"
"kelangan mapaniwala natin sya na tayo talaga ok? kaya umayos ka"
"asan naba sya?"
"ayan na sya"
tumayo sya at nginitian yung nasa likod ko
"Thea sya si Jane yung girlfriend ko"
Oh sheeeemas no please bakit?
END OF JANE'S POV
MARK'S POV
"Kuya I think I need go na!"
"Ah ok text me when you get home"
"Ok bye kuya" nagbeso sya sakin "bye Jane" nagsmile sila sa isa't isa "nice meeting you"
"Nice meeting you din ingat ka"
Kanina pa ako nagtataka sa dalawa to
Parang awkward sila sa isa't isa
Kaya pagalis na pagalis ni Thea tinanung ko agad si Jane
"Hey there's something wrong?"
"Huh? Hmm wala naman bakit?"
"Wala lang you're acting weird"
"Wala yun, don't mind me kumain kana lang dyan"
Hmmm
Wala akong tiwala sa babaeng to
"Excuse me may tatawagan lang ako saglit" paalam ko sa kanya "sige lang take your time" sabi nya at tumayo agad ako at lumayo sa kanya
Kelangan ko malaman anung nangyare sa kanya
I mean sa kanila ni Thea
There's something wrong alam ko at ramdam ko
Kaya tinawagan ko agad si Thea
Di pwede na maghinala samin si Thea
"Yes kuya? Napatawag ka agad? Wala pa ako sa bahay"
"Wala naman, I just want to know how's Jane for you?"
"Hmmm I like her!" Talaga ba? Sinabi nya yun? Bat parang di ko makita sa kanya yun? "She's different, I mean different in a good way, there's something in her that I can't explain but I love her attitude, I love her simplicity and the way she fight her love for you, I think that's the reason why I'm like her for you kuya" what? San naman galing yun?
END OF MARK's POV
JANE's POV
"Mark pwede ba hinaan mo naman yang pagtawa mo" paano ba naman ang lakas lakas ng tawa, eh kasi naman nalaman nya yung nangyare sa banyo kanina -.-'
Haaays kasi Jane bakit mo ba kasi naisip na nakikipaglandian yun dun
"Alam mo hahahahaha ayus ka din hahahaha so nagselos ka talaga? Sa kapatid ko? Hahahahhaa kaya naman pala di ka makakilos ng ayus kanina hahahaha"
"Mark ano kaba hinaan mo nga yang boses mo nakakahiya na oh" -.-'
"Pero seryoso ayus yung ginawa mo"
"Nangiinis kaba talaga?"
"Hindi nga ayus nga kasi napaniwala natin lalo si Thea, you know what you did a great job" ano daw?
"Huh? Anugg sinasabi mo?"
"Kasi Jane si Thea, sya ang pinakafavorite nina Mama at Papa paano bunso kasi, kaya pag napaniwala natin sya na tayo talaga mas madali maniniwala sina mama at papa, malakas kasi instincts ni Thea kaya once na napaniwala mo sya magaling kana magpanggap" and he smiled
"Ganun ba yun? Oh eh bakit mo naman ako pinagtatawanan ng ganun kung magaling naman pala ako? Suuus inggit kalang kasi mas magaling na akong magpanggap"
"Kaya nga eh sa sobrang galing mo parang nagiging totoo na?"
Anung sabi nya? Nagpaparinig ba sya?
"Anung pinagsasabi mo dyan?"
"Wala hahahaha pero bakit kaba kasi nagselos?"
"Hindi nga ako nagselos"
"Talaga ba? Bakit ganito ang sinabi mo 'wag ko lang makikita na nilalandi sya ng iba kundi baka mapatay ko yung babae' di ka nyan nagseselos?"
"Diba nga sabi mo galingan ko ang pag arte edi yan na pwede ba wag mong lagyan ng malisya?"
"Oo na ang galing mo na, basta wag mo lang seryosohin baka mamaya magenjoy ka sa pagseselos mamaya maging totoo na"
"Alam mo, tutal wala na naman ang kapatid mo at tapos na tayong kumain pwede na naman siguro akong umalis diba?" At tumayo na ako at naglakad na
Palabas na ako ng pinto ng bigla nya akong hinawakan sa kamay
"Babe hindi kapa pwede umuwi"
"Bakit naman?"
"Magcecelebrate tayo"
"Huh anung celebrate?" At di na nya ako sinagot at hinila nalang ako palabas ng resto
Saan na naman kaya ako dadalhin ng loko na to...
............
PLEASE VOTE & COMMENT GUYS!!
SALAMAT ^_^