Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

38th

138 3 0
By lesanlaine

38

Ralph

"Anong Superman?" tanong ni Leslie sa'kin.  Nagpapapasa ako ng kanta sakanya,

"Yung may lyrics na, 'I'm only one call away. I'll be there and save the day. Superman got nothing on me. I'm only one call away', Superman title nun"

Tinawanan ako ni Vincent, "One Call Away title nun, pare"

Nagsimula na rin si Leslie na tumawa, at dahil napahiya ako iniba ko nalang ang usapan. Nagpatugtog ako ng kanta na sa tingin ko hindi nila alam.

"Tigilan mo nga 'yan!" reklamo ni Leslie sa'kin. Nagpapatugtog ako dito sa may waiting area ng campus.

"Appreciate mo kasi 'yung kanta, ang ganda kaya"

"Walang dahilan para i-appreciate ko ang kanta na 'yan"

"Sabi sa'yo mainit ang ulo, e. Itigil mo na kasi 'yan" binulungan na ako ni Vincent.

Itong si Vincent ayaw kong kasama minsan, si Leslie nalang ang nakikita niyang tama kapag may mali akong nagagawa. Nagpapatugtog lang naman ako ng kantang gusto ko, pahirapan pa bago ko ma-download 'to tapos ipapatigil niya lang kasi hindi niya gusto 'yung ginagawa ko. Pakinggan niyo ang Paper Planes ni M.I.A para ma-LSS rin kayo.

"Inggit ka lang sa kanta ko"

"Pare, wala akong pakialam sa kanta mo"

Lumipat ng pwesto si Leslie. Malapit pa rin siya sa'min pero humiwalay siya ng upuan. "Ganda kaya nito, kinakampihan mo lang si Les. Wala kang pag-asa diyan kahit mag pa-pogi ka pa sa harapan niya ngayon"

"Mag papari ako" kalmadong sagot niya sa pang-aasar ko. "Ikaw magpapari? Nag-aral ka pa ng Accountancy kung magpapari ka lang rin, hindi dadami lahi mo"

Nakuha ko pang tawanan ang sinabi ko pero hindi niya ito binigyan ng pansin.

Kakaiba talaga ang utak ng Vincenteng 'to, ayaw akong pakopyahin kapag may exam kami o kaya seat work maging assignment namin hindi niya ako pinapagaya. Willing siyang magturo hindi ang magpakopya.

"Ipagdadasal ko nalang na dumami ang lahi mo. Mag-aral ka muna!"

"Dadami naman talaga lahi ko, wala akong planong mag pari. Nakapag-aral na ako kagabi"

Nagpaturo ako kay Manansala para sa graded recitation namin. Nauna na silang mag recitation kahapon kaya tinanong ko na sakanya ang mga posibleng  itanong rin sa'min ng professor mamaya. Pareho lang kami ng professor. Madaya pa rin ang isang 'yon. Hindi sinabi sa'kin ang section na napili niya, gusto ko siyang kasama sa klase para makakopya ako kapag exam hindi niya kami sinabihan na plano niyang mag solo.

Walangya naman si Paul, nanghula lang ng section ang isang 'yon. Sakto na pareho sila ni Manansala nang napili.

"Tapos magtatanong ka sa'kin mamaya. Lalayo ako sa pwesto mo" napatingin ako kay Leslie. Nakikinig pa rin pala siya sa pag-uusap namin ni Vincent kahit na nakasimangot ang mukha niya kanina pa.

Wala rin akong alam kung bakit ganyan siya ngayong araw at no'ng isang linggo.
Inisip ko nalang isang linggo na siyang meron. Pwede naman siguro 'yon sa mga babae, 'no? Isang linggo na may dalaw.

"Nag-aral talaga ako kagabi kahit itanong mo pa kay Manansala"

Inirapan niya ako, "Di ikaw magtanong"

Tangna. Ang sungit talaga nito ngayon. Kung hindi ko lang 'to naging partner no'ng pageant kanina ko pa siya naiwan dito kasama si Vincent. At kung hindi ko lang kaibigan si Manansala hindi ako magtitiis na kausapin siya kahit isang linggo na niya akong sinusungitan.

"Kumain na nga lang tayo. Bawas init ng ulo" alok ko sakanilang dalawa.

"Libre mo" sagot ni Vincent.

"Tangna, pare akala ko mag pa-pari ka? Simulan mo na ngayon na maging mabait"

"Gago, bukas ko na sisimulan. Ilibre mo na kami ngayon, siraulo"

Tinawanan ko si Vincent, "Putek, lakas mong mag trash talk, Vincente. Seryoso ka sa plano mong mag pari? Di ka tatanggapin sa simbahan niyan"

"Tangna, sinong may sabing seryoso ako sa sinabi ko kanina. Uto-uto ka rin, e"

"Nag a-adik ba kayong dalawa?"

Natigil lang kami ni Vicent sa murahan nang magsalita na si Leslie. "Pasensya na. 'to kasing si Vincent" sinisi ko siya para hindi lang ako ang madamay sa init ng ulo ni Leslie.

"Sinusubukan lang namin na patawanin ka" ito na si Super Vincent, nagkukunwaring superhero. Siraulo din naman, "Huwag ganyan, pare. Ang kay Manansala ay kay Manansala. Tigil na sa pag papa-good shot, wala kang abs"

"Nagsalita ang may abs"

"Pakita ko pa sayo, ano?!" itataas ko na dapat ang suot kong T-shirt para matigil na siya sa pagkontra sa'kin nang tumawa si Leslie.

"Mapapahiya ka lang sa gagawin mo, Ralph. Tara kumain nalang tayo, tumawa na rin ako. Okay na kayong dalawa?"

Sabay pa kaming napakamot sa ulo ni Vincent. Tawa lang nang tawa si Leslie habang naglalakad palayo sa'min, "Nalintikan na, pare. Nabaliw na yata" sinabi ko kay Vincent.

"Wala akong kasalanan"

~

Napagkasunduan namin tatlo na hindi kumain sa cafeteria o sa canteen nina Jason, na feeling matangkad, sa labas kami ng campus kakain.

"Nakakagwapo pala kapag katabi kita" lumapit ako ng kaunti kay Vincent, katabi niya si Leslie habang naglalakad. Tinabihan ko lang silang dalawa para makasira sa view. Nagmumukha silang close na close kapag magkatabi. Ang mga tao pa naman sa panahon ngayon iba ang takbo ng isip.

May makita lang na babae at lalake na magkasama iba na ang tumatakbo sa utak.

Kung si Diwata at Leslie naman ang makikita niyong magkasama ngayon maaari na rin silang mapagkamalan na mag-on. Mukha na kasing lalake ang baklang 'yon. Mas naging mukhang matipuno kesa kay Paul.

"Pakitulak nga si Ralph, Vincent. Nag fi-feeling pogi kahit hindi naman"

"Pogi ako, may nag chat sa'kin kagabi ang gwapo ko daw"

"Gwapo ka pala, itutulak na kita"

Kung ikaw kaya Vincent ang itulak ko para mawala ka na sa tabihan ni Leslie. Ako ang malilintikan nit okay Manansala. Kahit anong gawin kong mag singit sa usapan nilang dalawa kapag kaming tatlo lang ang magkakasama lagi pa rin akong nababalewala.

Pinagtripan ko na rin si Vincent dati, sinabi ko na pinapatawag siya ng Dean para lang makalabas siya sa room namin pero hindi niya kinagat ang naisip kong kalokohan. Hindi ko raw nga kilala 'yung school Dean namin paano ko daw makakausap 'yon.

Ang  tanga ko kasi, hindi ko nga kilala si Dean. Malay ko sa hitsura niya, napagkamalan ko pa na Dean talaga ang pangalan niya. Ang gwapo ko kasing tanga.

"Hindi tayo close, pare. Huwag mo akong hahawakan" seryoso kong sinabi sakanya. Tiningnan niya rin ako ng seryoso. "Wala akong balak hawakan ka, gago"

"Tangna, Dota nalang tayo, ano?"

Napipikon na ako sa lalakeng 'to. Nagiging seryoso ang dating sa'kin ng mga mura na binibitawan niya. Pakiramdam ko ayaw niya rin akong kasama. Mabuti at nararamdaman niya rin kung anong nararamdaman ko kapag magkakasama kaming tatlo.

"Sige, mag dota kayo. Kakain ako dito. ingat kayo ah! Bumalik kayong buhay, may recitation pa mamaya. Susulat kayo nang madalas, paalam"

Kanina tumatawa ng mag-isa si Leslie ngayon naman iba ang takbo ng utak niya.

Iniwan pa kami ni Vincent dito sa labas ng kainan. Naabutan nalang namin na na-order na siya ng kakain. "Ano'ng gusto mo?" tinanong ako ni Vincent.

"Libre mo?"

"Tinatanong ko lang, gagayahin ko. Ngayon lang ako kakain dito, e"

"Ako rin, pare"

Tiningnan ko 'yung menu nila na naka-paskil dito sa may harapan. Tangna, bakit ba ako napapayag kumain dito. "Miss, tunay ba 'tong nakalista dito?" tanong ko doon sa kumukuha ng order.

"Opo, Sir. Bakit po?"

Kainan ng mga bitter yata 'to, e. #WalangForever, 'yan ang tawag doon sa isang order ng sisig at kanin. Tangna, dito pa kumakain si Krisha. Gusto ko nang umalis. Ayaw kong nakikita ang mukha ng babaeng 'yon. Ang bait-bait ko sakanya tapos iniwan lang ako.

Hindi ako bitter pero, "Isang order sa'kin ng #WalangForever, gawin mo na palang dalawa. Libre ko na 'tong kasama ko"

Napalingon si Leslie sa'kin, "Sana nilakasan mo ang pag order para narinig ni Krisha"
"Nandito 'yung ex mo?" tanong ni Vincent.

Hindi ko pinansin ang tanong niya, "Wala ba kayong inumin na pwedeng pang gayuma?" tanong ko pa doon sa babaeng kumukuha ng order.

Bahagya siyang napatawa, "Sir, kung ano lang po ang nakalista diyan, 'yon lang ang mayroon kami"

"Pakibigyan rin ako ng Chemical Equation, mga tatlo"

Tinitingnan lang ako ni Vincent at Leslie, "Sa'yo lang lahat 'yon?" tanong ni Leslie sa'kin. "Oo. Ang pangit siguro ng lasa nung Love Potion na 'yan"

May tinatawag pa na Alchemy at Donut Enter, inumin ba talaga ang mga 'yon o pampasakit lang ng tiyan?

"Sus. Bitter ka lang, ate, sa'kin isang Beast mode tapos paki-take out nalang ng Pretty Patty" order ni Leslie. Mas pinili niyang kumain ng burger kesa sa kanin.

"Pretty Patty, ibibigay mo kay Manansala?" tanong ko. Umiling lang si Leslie.

"Ah. Ikaw ang kakain ng Pretty Patty mamaya tapos kay Manansala 'yung Beast mode tutal mukha siyang naka-beast mode palagi" hindi naman ako naririnig ni Manansala kaya hindi niya ako masasabihan ng 'son of a bitch'.

"Dine in 'yung Beastmode burger, pare, siya ang kakain" singit ni Vincent sa pag-uusap namin ni Leslie.

"Nakaka-beastmode kasi kayong dalawa" kami pa ang sinisi kung bakit mainit ang ulo niya ngayon.

"Bakit ang tahimik mo ngayon? Ang sungit mo rin sa'min" dapat pala tinulak ko na si Vincent kanina sa labas palang.

"Wala, masamang tumahimik? Nagugutom na nga ako. Saan ba tayo mauupo?"

Naghahanap siya ng pwesto, bigla nalang niya akong hinigit "Tangna, Leslie hindi kita kokopyahan kahit kailan huwag lang dito" halos maibulong ko na sakanya ang mga gusto kong sabihin pero wala siyang balak pakinggan ang mga 'to.

Nauna siyang maupo sa'min ni Vincent, nakatayo lang ako sa harapan niya. Si Vincent naman tinitingnan 'yung mga katabi namin sa upuan,

"Ralph, paki-follow up naman ng order natin. 'yung Walang Forever"

Napalingon si Krisha nang magsalita si Leslie. Nagkatinginan kami saglit mas nauna siyang umiwas ng tingin.

Nginitian ako ni Leslie, "Wala na kayong itatangkad. Maupo kayong dalawa"

Pasimple kong tinext si Manansala, tinanong ko kung may klase pa sila at kung wala na pakitawagan si Leslie para mapatahimik. Pakiramdam ko kasi kaya kanina pa mainit ang ulo niya si Manansala ang dahilan.

Habang naghihintay sa #WalangForever na order sinimulan ko na ulit magpatugtog, ang tahimik rin kasi nila Krisha, biglang tumahimik sa paligid nang maupo kaming tatlo sa tabi nila.

"Iyan na ulit si Sum-times. Wala na bang iba?" si Vincent ang nagreklamo ngayon.

Kung mapapakinggan niyo ang Paper Planes maririnig niyo rin ang 'Sum-times' na ito. Sometimes yata 'yon na naging sum-times lang dahil sa accent ng nakanta. Maganda 'yung kanta bagay sa mga pogi na katulad ko. Iba lang talaga ang tipo kong mga kanta kaya naririndi sila Leslie sa'kin kapag nagpapatugtog ako.

Iniba ko ang kanta, mas lalo silang nagreklamo dahil wala raw silang maintindihan sa lyrics. Mas marami kasing rap parts doon sa kanta kaya hindi talaga nila maintindihan. "Nandito 'yung ex mo 'di ba? Saan nakaupo?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Vincent, nag panggap ako na walang narinig. Sa dami ng maaari niyang itanong bakit 'yon pa. "Pare, itutulak na kita mamaya. Seryoso ako"

"Tinatanong ko lang kung saan nakaupo, gusto kong makita"

Katabi ko, lumingon ka lang sa kaliwa mo para makita mo si Krisha. Alam kong naririnig niya rin ang sinasabi ni Vincent, si Leslie patay malisya.

Mas lalo pang tumahimik nang bigla niyang tinigil 'yung kanta dahil sasagot siya ng tawag, si Manansala na siguro ang tumatawag na 'yan.

"Hello, good afternoon. Thank you for calling this is Leslie speaking. How may I help you?"

Pansin ko pati ang mga kasama ni Krisha napatingin kay Leslie nang sagutin niya ang tawag, "Sinong kausap niya?" tanong ni Vincent sa'kin.

Nagkibit balikat lang ako, ayaw kong magsalita.

"Ito na po ang order niyo, #WalangForever" singit nitong lalakeng may dala ng tray na halos ipagsigawan sa mukha ko ang inorder kong sisig.

"Ehem. Ehem. Walang forever" rinig kong asaran sa katabing mesa namin.

Tangna, wala sa'kin ang problema. Hindi ako ang nakipaghiwalay at mas lalong hindi ako ang bitter sa'ming dalawa. Wala akong pakialam kung katabi ko pa siya ngayon, tangna wala talaga.

~

"Wala akong sinasabi na gano'n, Manansala. Wala talaga" todo tanggi na ako sa mga oras na 'to.

Makikitulog sana ako sa condo niya mamayang gabi pero walang pag-asa na pagbigyan niya ang hiling ko dahil sa nasabi kong 'beast mode' kanina.

Nakatingin siya sa'kin ng seryoso, kaming dalawa pa lang dito sa condo niya. Hinihintay namin sina Paul at Cy na dumating. Kanina pa ang OTW nila at mag-iisang oras na isang nasa daan papunta dito.

"Nakarating pala sa'yo" bulong ko sa isang tabi. 
"Rinig kita, Ramos"

"Sorry na, Manansala. Magpapakabait na ako sa'yo. 'yung Vincent kasi sinasagad pasensya ko"

"Buti nga sa'yo"

Sinusubukan kong basahin kung ano man 'yung tinetext niya ngayon, mabilis niyang naiwas ang cellphone sa paningin ko. "Sobra ka na sa pagbabasa"

"Si Leslie pa rin naman 'yan, makikibasa lang ako. Di ka na nasanay sa'kin"

"Hindi si Leslie 'to"

Lumipat siya ng upuan, nahiga pa habang nagtetext. "Gago ka, sinong babae mo?"

"Si Charmaine 'to. Tinatanong sa'kin kung nagrereply si Delfino kapag tinitext ko"

"Ah. Bakit anong meron?"

"Ewan"

"Sarap mong kausap"

"Lasang?" seryosong tanong ni Manansala.

"Kaya hindi ka pinapansin, e. Ano'ng ginawa mo kay Leslie?"

"Wala"

Lumipat na rin ako ng upuan, tinabihan ko siya sa sofa. Inupuan ko pa 'yung mga binti niya para makaganti sa pagkatalo ko kagabi. Umasa akong mumurahin niya ako ngayon dahil nasasaktan siya sa ginagawa ko pero wala siyang sinabi, "Pare, tanong ng gwapo 'to, ano'ng problema niyo ni Leslie?"

Wala siyang sinagot.

Mas magulo pa silang dalawa sa totoong magkarelasyon. Label nalang ang kulang sakanila para matawag na 'in a relationship'. Kung magkaroon ng LQ parang sila, sa totoo naman walang sila.

Hindi pa rin sigurado si Manansala kung may pag-asa siya kay Leslie. Walang binabanggit sa'min si Les kung sasagutin niya si Manansala o hindi. Ayaw na rin niyang magpahatid pauwi. Minsan na lang rin sila magsabay kumain. Kapag pumupunta si Manansala sa room hindi sila nag-uusap.

"Replyan mo nga 'to" inabot niya bigla sa'kin ang phone niya, tiningnan ko kung kaninong message ang sasagutin ko "Katext mo si Marie?"

Tiningnan niya ako ng seryoso. "Sabi ko nga katext mo, ano sasabihin ko sakanya?"

"Bahala ka"

Tinatanong niya kung ano ang ginagawa ni Manansala, sinagot ko nalang ng ganito...

To: Marie
Nakahiga. Iniisip si Leslie.

Nagbabasa na rin ako ng iba pang messages sa inbox niya, wala akong mabasa na matinong usapan nila ni Leslie. Lahat ng messages na nandito si Manansala ang nagpadala wala siyang nakukuhang reply.

"May gusto daw sa'yo 'yun" pagsisimula ko ng panibagong usapan matapos ang sandaling katahimikan.

Ang nakapagsabi lang sa'kin ay si Monica, hindi ko sigurado kung may katotohanan ang bagay na 'yon.

"Wala"

"Meron, 'no? Iniiwasan mo na, e. Kung walang gusto 'yan sa'yo edi sana ikaw pa rin nag rereply sakanya at hindi ako. Ano kayang nagustuhan nun sa'yo? Di ka naman gwapo"

Hindi ulit siya nagsalita. May kasama ba talaga ako ngayon dito? Hindi ko siya maramdaman. Magsasalita lang siya kung gusto niya, ang ikli pa ng sasabihin.

Nagsawa na siguro si Leslie na kausap ang isang 'to. Wala naman siguro silang matinong pag-uusapan.

"Si Leslie ba may gusto sa'yo?"

Kung kanina hindi niya sinasagot ang mga tanong ko ngayon naman nakitaan ko siya ng interest sa pagsagot at interest na pakinggan ang susunod ko pang sasabihin. "Alis dyan" pagtataboy niya sa'kin. Inuupuan ko pa rin hanggang ngayon ang mga binti niya, nagugustuhan ko na nga ang ginagawa ko habang nagrereply kay Marie.

"Nyeta, pare wala naman tulakan . Wala akong balak humalik sa sahig ng condo mo"

"Umalis ka kasi diyan. Ang bigat mo!"

Sa mismong sofa na ako umupo. "Sagutin mo na ang tanong ko, nakakatamad replyan si Marie. Ikaw na lang magtext dito"

Nakatingin siya sa'kin, "Oh?"

Nagkamot pa ng batok si Manansala, "Tangna, di mo alam sagot?"

"Minumura mo na  'ko?"

"Joke lang, pare mahal na mahal kita. Alam mo 'yan"

Sumandal siya sa sofa, nakatingin sa kisame "Di nga ako pinapansin kanina. Wala akong matandaan na ginawa kong mali"

"Kapag usapang Leslie pala ang dami mong nasasabi, pero bakit nga hindi ka pinapansin?"

"Tinanong ko na rin siya hindi naman sinasagot. Kapag tinatawagan ko hindi ako kinakausap ng ayos"

"Bumabalik sa'yo ang mga ginagawa mo sa'min nina Paul" heto na ulit ang tingin na pang beast mode ni Manansala, "Ang ganda ng t-shirt mo arbor nalang"

"Text mo nga si Les kung magrereply" kinuha ko ang cellphone niya, "Gamit 'yung number mo"

"Alam ko na!" may naisip akong isang magandang paraan mapansin na ulit siya ni Leslie.

"Anong alam mo na?"

"Narinig mo na ba 'yung 'walang paramdam style'?"

Nasubukan ko na 'yun kay Krisha dati no'ng nagkaroon kami ng maliit na pagtatalo. Ilang beses ko siyang sinuyo hanggang sa umabot pa kami ng ala una ng madaling araw sa pag-uusap para lang maayos namin 'yung problema. Ang babae talaga gustong pinapahirapan kaming mga lalake, makikipagbati rin pala sa'kin pinatagal pa niya.

"Ngayon ko lang narinig, saan kalye mo napulot 'yon?"

"Magtiwala ka, pare sa advice ng mga gwapo. Maganda kalalabasan nito"

Kung anong kinalapad ng ngiti ko kabaligtaran naman ng reaksyon ni Manansala. Sa hitsura palang ng mukha niya halatang wala siyang tiwala sa naiisip ko.

"Nga pala, ang ganda ng wallpaper mo bagay sila nung si Vincent"

No'ng nag birthday siya silang dalawa ni Leslie ang naka wallpaper sa cellphone niya hanggang sa mapalitan na ngayon ng mukha ni Leslie.

"Isang linggo ka na bawal pumunta dito"

"Yung panda ang tinutukoy ko na bagay kay Vincent"

Nagtataka ako kung bakit naging panda ang lock screen wallpaper niya, hindi naman kamukha ni Leslie 'yung panda.

"Oy, ano ang gagawin mo kung si Vincent pala ang gusto ni Leslie?"

"Kahit sa panaginip imposibleng mangyari 'yan"

Kampante niyang sagot, "Pare, h'wag pakasiguro. Ayaw nga sa'yo ng kapatid ni Les 'di ba? Okay ka ba doon sa Papa niya?"

Ngumiti siya, "Hindi rin"

"Simulan mo nang mag igib ng tubig sa balon, magsibak ng kahoy at maglaba kina Leslie para maging okay kayo ng future father-in-law mo"

"Ayos naman kami, marami nga lang siyang pinagbabawal"

"Ganun talaga mga tatay, kapag nagkaroon ka ng anak na babae magiging mahigpit ka rin"

Naalala ko pa no'ng kinausap ko ang papa ni Krisha, wala kami sa disyerto pero tagaktak ang pawis ko noon. Wala na akong pahinga sa pagpunas ng pawis na tumutulo mula sa mukha ko pati mga kamay ko pinagpawisan noon.

Pinakausap pa ako sa mga pinsan ni Krisha na lalake, sa lalaki ng mga katawan nila nanliit ako. Tapos ngayon, tapos na kaming dalawa. Tangna lang talaga.

"Kung magkakaroon ka naman ng anak na lalake, itatago ko sakanya ang babaeng anak ko"

~

A/N: Nakita ko lang 'to, gwapo ni Andrew Garfield. 

*pictures aren't mine. 

Continue Reading

You'll Also Like

Gapang By vhfc_13

Short Story

25.6K 50 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
98.2K 158 55
Enjoy
145K 1.6K 9
Kapit-bahay ng gurong si Ian si Tatay Ben. Palihim niya itong pinagpapantasyahan. Isang araw, niyaya siya nitong uminom. Ito na kaya ang maging daan...
1.6M 49.2K 200
An epistolary