My Dashing Prince

By midnightbIue

97.8K 3.3K 657

How could a weak princess like me, change his evil and royal heart? Short story. More

My Dashing Prince
MDP ONE
MDP TWO
MDP THREE
MDP FOUR
MDP FIVE
MDP SEVEN
MDP EIGHT
MDP NINE
MDP TEN
MDP ELEVEN
MDP TWELVE
MDP THIRTEEN
MDP FOURTEEN
EPILOGUE

MDP SIX

5.8K 196 22
By midnightbIue

Freedom

After two days..

“What? Dasher, kailangan ko ring umuwi!”

“No. Stay.” Inis niyang sabi bago sinara ang pinto ng banyo.

“Argh!” Inis kong binagsak ang sarili ko kama niya.

Dapat uuwi na ako mamayang hapon pero ayaw niya akong paalisin. Hindi ko alam kung anong rason niya kasi ayaw niyang sahihin. Nakakairita! I missed home, okay!

Umirap ako bago tumayo. Tatakas ako, hmp. Buti at nakapack na ang gamit ko. Kinuha ko ang mga bag ko at dahan dahang binuksan ang pinto ni Dasher. Huminga ako ng malalim bago lumabas.

Dali dali akong tumungo sa labasan ng palace, mabuti at nakaready na ang kotse kasi hindi naman alam ng driver na ayaw akong paalisin ni Dasher.

Kinuha na ng driver ang mga gamit at nilagay sa compartment. Agad akong sumakay sa backseat.

“Manong, tara po. Bilisan niyo pong magmaneho please.”

“Yes, princess.”

Agad niyang pinaharurot ang kotse. Nang makalabas na kami sa palace ay nakahinga ako ng maluwag.

Humiga ako sa backseat at pumikit. Nakatakas rin ako.

Matutulog na sana ako nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun mula sa bulsa ng gown ko at tiningnan ang caller.

Nanlaki ang mga mata ko.

Prince Dasher Calling...

Jusko!

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko nalang papansinin to.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bat di niya pa binababa?

Nakahinga ako ng maluwag nang binaba niya na. Tiningnan ko ang relo ko. Gosh, sasakit nanaman ang pwet ko nito. Ilang oras pa naman ang byahe.

Bumuga ako ng hangin bago isandal ang ulo ko sa bintana ng kotse. Nauuntog pa ako minsan kasi mabilis ang takbo namin. Grr.

Nabigla ako nang may dumaan sa harap ko. Akala ko aso o lobo pero nang pumunta ito sa harapan ng kotse namin ay agad kaming tumigil. Nauntog ako sa likuran ng shotgun seat.

Hinimas ko ang noo ko. “M-Manong, ano yun?”

“Princess, si P-Prince Dasher po.” Kinakabahan niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Pagtingin ko sa harap, nandun si Dasher. Nakasakay siya kay Chase, basa ang buhok, nakawhite polo, slacks at leather shoes lang siya. Siguro nung natapos siyang magshower ay agad agad niya akong hinanap. Ay nako!

Galit siyang bumaba kay Chase at lumapit sa pinto ko.

“Lock the doors!” Mabilis kong sigaw at agad akong sinunod ng manong.

Tumalon ang puso ko nang mahawakan niya na ang handle ng door. Mas lalo siyang nagalit nang malamang nakalock ang pinto.

“Open the fucking door, Alexandrite!”

“Umalis ka na, Dasher! Bumalik ka na don!”

“I'm not going home without you!”

“Ano bang problema mo?! I'm not your prisoner! I need to go home!”

“I just...want you to stay with me, Alexandrite! Yun lang!”

“Ah so I'll stay with you forever?!"

“Yan din naman ang mangyayari eh! Magpapakasal tayo at lilipat sa sarili nating palasyo!”

“Hindi pa tayo magpapakasal ngayon! So let me go! I don't own you and you--..”

“I practically own you! Akin ka!”

Goodness! I really hate possessive guys! Nakakairita!

Hinarap ko si Manong. “Drive.” Mariin kong sabi.

“P-Pero princess--..”

“Drive, Manong. Wag kang matatakot sa kanya. I'm your boss, not him.”

“Don't you dare leave!” Sigaw ni Dasher.

Huminga ng malalim si Manong bago pinaandar muli ang makina at nagmaneho. Iniwasan niya si Chase para di niya mabunggo.

Liningon ko si Dasher at nakahinga ng maluwag nang nakitang hindi niya na ako hinabol.

****

“Goodness gracious, Alexandrite! Galit na galit si Prince Dasher!” Sermon ni Mom.

“Mother, hayaan mo na siya. Kinakailangan ko na ring umuwi.” I rolled my eyes.

Nandito na ako sa kwarto ko at nakaupo sa kama ko habang sinisermonan ako ni Mom.

“Ayos lang naman samin kung di ka pa umuwi ngayon eh! We don't mind!”

Napatayo ako sa inis. “You don't mind?! Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung gusto kong manatili muna don?! This is why I hate being a princess! Hindi niyo tinatanong kung anong gusto ko! Kung anong gusto niyo, yun ang nasusunod! Ni hindi niyo man lang ako tinanong kung sang-ayon ako sa marriage na to! Wala na akong freedom! I'm not free! I can never be myself! Sana hindi nalang ako naging prinsesa! I hate my life so much and you made it worse!” Pinunasan ko ang mga luha ko bago tumakbo palabas sa kwarto ko.

Nakasalubong ko si Kuya pero di ko siya pinansin.

“Alexandrite! Where are you going?!” Sigaw ni Kuya.

Tumakbo ako papunta kay Frost. Tatakas ako. I'll leave this place. Tatalikuran ko na ang pagiging prinsesa ko. I had enough.

I was a prisoner in this castle for many years at ngayon susuko na ako. Pagod na ako.

Gusto ko na ng freedom.

Buti nalang at flowy yung gown ko kaya hindi ako nahirapang tumakbo. Nang makarating ako kay Frost ay dali dali kong inayos ang saddle niya. Pinakain ko rin siya ng konte.

May nahagip akong mga damit sa gilid. Kumunot ang noo ko. Kanino namang mga damit to?

Nilapitan ko yun at nalamang pambabae yon. Wow, I'm really destined to leave the palace. Naghanap ako ng lugar kung san pwede magbihis. Buti at may empty stable kaya dun na ako nagbihis. Medyo malaki yung damit pero okay lang naman.

Huminga ako ng malalim bago sumakay kay Frost. Agad ko siyang pinatakbo papunta sa exit na nandun sa likod ng palace. Konte lang ang mga taong dumadaan dito kaya safe ako.

Nang makalabas na ako ay agad agad kong pinatakbo ng mabilis si Frost.

Pupunta ako sa town. I'll stay there. Mabuti at may shawl sa stable kaya ginamit ko yun na pantakip.

Di nagtagal ay nakarating na ako sa town. Natuwa ako dahil walang nakakakilala sakin.

Pinalakad ko lang si Frost, mamamasyal na muna ako.

Paikot ikot lang ako dito sa town, may ilang bumabati sakin at kumakaway, ako naman ay tumatango lang. Hindi kasi nila makikita ang ngiti ko eh. Mata ko lang yung hindi natatakpan. Mababait rin ang mga tao dito kaya kakawayan o babatiin ka talaga nila, lalo na kung bagong dayo ka.

Hmm, san kaya ako magsstay? Hindi naman ako pwedeng magcheck in sa hotel, makikilala nila ako. Konte lang din yung cash na dala ko.

Lumiwanag ang mukha ko nang may maalala ako.

Agad kong inikot si Frost at pinatakbo papunta sa isang bahay na malapit sa bakery. Nakangiti ako habang pumupunta ron. Yung mga memories ko dito ay unti unting bumabalik.

Nang makarating ako sa bahay na yon, bumaba ako kay Frost at tinali siya sa isang sanga.

Lumapit ako sa pinto at kumatok ng tatlong beses. Medyo luma na yung bahay pero kitang kita ko pa rin ang kagandahan nito.

Mayamaya ay bumukas na ang pinto.

Napangiti ako nang makita siya muli.

“Hello, ano pong kailangan nila?” She politely asked.

I giggled before removing my shawl. I smiled at her. Nanlaki ang mga mata niya at sisigaw na sana pero tinakpan ko ang bibig niya sabay tawa.

“Ssh! Malaman pa nilang nandito ako.” I giggled.

Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig niya. Yung naka O niyang bibig ay unti unting napapalitan ng ngiti.

Agad niya akong yinakap ng mahigpit. “Alexandrite!! Omygosh, namiss kita!”

I hugged her back. “I missed you too, Daph! How are you?”

Kumalas siya sa yakap. “I'm good! Ikaw? Ay teka! Bat ka nandito at bat yan ang suot mo?”

“Pasok muna tayo, baka mamukhaan ako rito.” I grinned.

Tumawa siya. “Halika!”

Pagkapasok ko ay ginala ko ang mga mata ko. Wala mashadong nagbago sa bahay na to. Nakakamiss.

Daphne Charlotte Lee, childhood bestfriend ko. Nung mga bata pa kami, dito kami naglalaro, minsan sa palace. Nung nabubuhay pa ang kanyang ina, dun kami sa palasyo naglalaro. Dun kasi nagttrabaho ang nanay niya. Siya ang gumagawa ng gown namin. Nung pumanaw ang kanyang nanay dahil sa leukemia, hindi na kami nagkita ni Daphne. Lumipat siya sa bahay ng lola niya at dun na lumaki. Nung naging eighteen na siya, bumalik siya dito at tumira ng mag-isa. Her dad was a knight and he died during a war.

“Pwede mo na bang sabihin ang rason kung bat ka nandito?” Tanong niya bago ako inabutan ng lemonade.

Napangiti ako bago tinanggap ang baso. Lemonade was our favorite drink. Uminom ako bago nagkwento sa kanya. Kwinento ko ang lahat, si Dasher, ang kasal namin tsaka yung rason kung bat ako tumakas.

Agad niya akong sinermonan nang matapos ako.

“Mygosh, Alexandrite! Bat ka tumakas! Alam mo naman siguro na maari akong makulong nang dahil sayo?” Umirap siya.

“Kaya nga ako pumunta rito kasi akala ko maiintindihan mo ako. Yun pala sesermonan mo lang din pala ako.” I pouted.

“Of course I understand you pero alam mo namang delikado ka dito sa labas ng palasyo diba?”

I sighed. “I know, pero hindi ko na kasi kaya.”

“Pano yan? Babalik ka pa don?”

Huminga ako ng malalim. “Hindi na siguro.”

_______

Woahhhhhh, ito na ba ang katapusan ng DashDrite? Huahuahuahua.

Arisse De Santos as Daphne Charlotte Lee

Continue Reading

You'll Also Like

2K 715 44
Isa si Alex sa mga taong naipit between papa nya or mahal nya sa buhay. Namatay ang papa nya sa pakikipagtransaksyon sa droga at nakita nyang may ini...
574 37 21
!!! TRIGGER WARNING !!! Before proceeding to read my work, I would like to give you a heads up first. This book may contain disturbing scenes; behavi...
8K 522 82
LOGLINE: A rebellious maiden who runs away from her family after recovering from a mental institute struggles once again as the past she has been try...
3.1K 208 53
Description: "Paanong ang isa pang karahasan ay maging solusyon sa isa rin karahasan?" Rape. Karahasan. Teenage pregnancy. Maagang pag-aasawa...