Just The Strings (COMPLETED)

By beeyotch

53.4M 1.4M 880K

All her life, Mary Imogen Suarez was led to believe that she should end up with Parker Adrian Palma. Na dapat... More

About The Story
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Epilogue
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2
Special Chapter # 3
Special Chapter # 4

Kabanata 3

784K 20.7K 6.8K
By beeyotch

#JustTheStrings

Kabanata 3

Sinubukan ko na iwasan si Parker nung pangalawang araw namin. Palagi akong sumasama kina Ate Jas at mukhang naintindihan naman nila kung bakit ko ginagawa 'yun. Palagi na lang kasing ganun. Aasa ako tapos masasaktan tapos iiwas... tapos babalik na naman ako sa dati.

Pakiramdam ko ang normal ko na ay 'yung umaasa ako kay Parker. Siguro kapag dumating na 'yung araw na okay na talaga ako, maninibago ako. Hindi kasi ako sanay na hindi umaasa.

Nung pangatlo at huling araw na namin, nagpilit pa sina Ate Jas na libutin iyong Batanes pero sobrang sakit na talaga ng katawan ko. Masyado akong napagod sa ginawa namin kahapon kaya naman sinabi ko na magpapaiwan na lang ako. Pinilit ko rin si Kuya na sumama sa kanila. Ayoko naman na palagi na lang akong pabigat sa kanya.

Tinitignan ko lang sa laptop ko 'yung mga picture na kinuha ko nitong mga nakaraang araw nung may marinig akong katok.

"Pasok po," sabi ko.

"Lunch na."

Para akong biglang natirik sa kinauupuan ko nung marinig ko 'yung boses na 'yun. Akala ko sumama siya kila Kuya? Bakit siya nandito?

"Hindi ako gutom," sabi ko kahit na nararamdaman ko na 'yung gutom. Hindi kasi ako nakasabay kina Kuya kanina dahil sobrang aga pa at masakit ang katawan ko.

Pero nung akala ko lalabas na siya dahil sinabi ko na hindi naman ako gutom, nagkamali pala ako. Mas lalo pa niyang binuksan iyong pintuan at saka pumasok. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad siya palapit sa akin. At pakiramdam ko mahihimatay na talaga ako nung umupo siya sa kama ko.

Masyado siyang malapit.

"Why did you take BA? You're good at arts," sabi niya habang nakatingin sa laptop ko. Parang biglang gusto kong isarado iyong laptop. Nahihiya ako na nakikita niya iyong mga litrato ko... Bawat litrato kasi na kinukuha ko, malapit sa puso ko. Bawat litrato, may bakas ng pagkatao ko.

For me, art is something very personal.

At ngayon na nakatitig pa siya, pakiramdam ko bigla na lang niyang malalaman iyong nararamdaman ko.

"Hobby ko lang 'to," sabi ko at saka pasimple na pinatay iyong laptop. Hinarap ko siya kahit na malakas ang kabog ng dibdib ko. "Bakit hindi ka sumama kila Kuya?"

"Wala kang kasama dito."

'Tama na,' gusto kong sabihin. Paano ako aandar kung ganito na palagi niyang pinaparamdam sa akin na baka kahit konti... may pag-asa.

"Kaya ko naman mag-isa."

'Kaya ko naman na wala ka,' gusto kong sabihin pero alam ko na kasinungalingan lang 'yun. Habang nandyan siya, habang nakikita ko siya, habang nararamdaman ko siya, habang pinaparamdam niya sa akin na mahalaga ako sa sariling paraan niya, pakiramdam ko hindi ko magiging kaya na wala siya.

"Yeah right," sabi niya at saka marahan na namang pinitik ang noo ko. Nagulat ako nung bigla niyang hawakan ang braso ko. "Remember this? I just left for a minute tapos pagbalik ko, nahulog ka na."

Para akong nasa langit habang nakatingin sa kanya. Nakangiti siya habang nagkukwento kaya naman hindi ko napigilan na mapangiti rin. Ang tagal na talaga naming magkakilala... Simula pagkabata namin, magkasama na kami. Alam ko halos lahat tungkol sa kanya at ganon din siya sa akin...

Pero kahit na ganon, hindi pa rin niya ako nagustuhan. Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't-isa.

"Preston almost killed me for that."

"Sorry," bulong ko. "Ako 'yung dahilan kung bakit nasira kayo ni Kuya..."

"It's not your fault."

Hindi na ako sumagot dahil alam ko naman na ako.

"It was my fault. I was a douche for standing you up," sabi niya at mapait na napangiti ako. Parang kahapon lang.

"Aksidente naman."

"But still, I'm sorry," sabi niya na para bang mabubura nun lahat nung sakit na naramdaman ko nung araw na 'yun.

"Okay lang talaga. Kasalanan ko naman na pinilit kitang maging escort ko sa prom."

Parang gusto kong bawiin iyong sinabi ko dahil kitang-kita ko 'yung awa sa mukha niya... Awa dahil alam namin pareho na malabo talaga na magustuhan niya ako. Na para lang akong tanga na umaasa sa bahay na hindi ko makukuha kahit ano'ng gawin ko.

Nakatingin lang ako sa paa ko nung magulat ako dahil may tumunog bigla. Napatingin ako sa kanya.

"I know this is nothing compared to your prom but dance with me?" sabi niya habang nakalahad ang kamay.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makagalaw.

"Let's dance," sabi niya ng isa pang ulit. Hindi pa rin ako nakagalaw kaya naman lumapit siya at saka hinila ako patayo. Inilagay niya 'yung kamay ko sa ibabaw ng balikat niya habang nasa gilid naman ng bewang ko iyong mga kamay niya.

Masyadong malapit.

"I know I've said this a million times before but I really am sorry," sabi niya. Pero ako? Pinipilit ko lang na hindi mapaupo dahil para talagang inuubos ang lakas ko dahil sa mga ginagawa niya.

Nasaan na ba si Parker na walang ginawa kung hindi saktan ako? Sino ba 'tong nasa harap ko ngayon?

"I didn't mean to ditch you in front of your whole school."

Tahimik lang ako. Ayokong marinig dahil parang bumabalik na naman lahat ng nangyari... Na kahit ilang beses kong pilit kalimutan, nandyan pa rin.

Naririnig ko pa rin 'yung mga tawanan.

Naririnig ko pa rin 'yung mga bulungan.

Naalala ko pa rin kung paano niya ako iniwan.

"Cindy got into an accident and—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil baka bigla na naman akong maiyak. Dahil baka bigla ko na namang maalala kung paano ako napahiya. Na paanong kahit gaano pa ako magpaganda, hindi pa rin ako. Na kahit ano ang gawin ko, wala lang talaga ako para kay Parker. Na para lang akong basahan na iiwan niya dahil alam niya na pagbalik niya, nandun pa rin ako—parang tanga na naghihintay sa kanya.

"Tapos na. Kalimutan na natin," matalim kong sabi. Ayoko lang talagang pag-usapan dahil masakit pa rin.

"You're still mad."

Bumitiw ako sa pagkakahawak sa kanya pero nakalagay pa rin sa bewang ko iyong mga kamay niya. Kahit magpumiglas ako, ayaw niya akong bitiwan.

"Bitiwan mo ako," bulong ko pero hindi niya ako pinakinggan.

"I'm sorry," paulit-ulit niyang bulong. Paulit-ulit hanggang sa dahan-dahang tumulo ang luha ko.

Naaalala ko pa rin kung paano ko siya inaya para maging escort ko sa prom. Pumayag siya kaya sobrang saya ko. Binalak ko rin na sa gabing iyong sasabihin ko sa kanya kung ano 'yung nararamdaman ko... Alam ko 15 lang ako at 17 siya pero totoo naman na gusto ko siya.

Sobrang excited ako nung araw na 'yun. Sobrang saya ko nung dumating siya. Sobrang natuwa ako dahil buong gabi, kasama ko siya. Medyo nagselos lang ako dahil lahat halos ng babae ay nakatingin sa kanya pero ayos lang dahil ako naman ang kasama niya.

"May hinihintay ka ba na text?" tanong ko sa kanya dahil kanina pa siya tingin nang tingin sa cellphone niya. Hindi naman mahilig maglaro ng cellphone si Parker. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang siya nakita na ganito ang hawak sa cellphone kaya naisip ko na may mahalaga siyang hinihintay.

"Nothing," sabi niya. Pero alam ko na hindi totoo dahil panay pa rin ang tingin niya roon.

Pinilit ko na mag-enjoy dahil ito ang una kong prom. Next year, si Parker ulit ang aayain ko at sana, sa araw na 'yun, kami na. Hindi ko alam kung papayagan na ba ako ni Papa na magboyfriend pero alam ko na si Mama, susuportahan ako dahil alam ko naman na si Parker ang gusto niya para sa akin.

Sobra din akong kinakabahan dahil malapit ko ng ipagtapat kay Parker ang nararamdaman ko.

Hindi naman siguro niya ako irereject dahil ramdam ko naman na mahalaga ako sa kanya... At kapag tinatanong ko si Kuya tungkol kay Parker, lagi niyang sinasabi na aral at soccer lang ang pinagkakaabalahan ni Parker.

Naka-tatlong sayaw kami bago pinaupo ang lahat para iannounce ang Prom Royalties. Hindi naman ako excited doon dahil masaya na ako na kasama si Parker. Pero hindi na ako nagtaka nung siya ang tawagin biglang Prom King.

"This year's Prom King is none other than Parker Adrian Palma!" anunsyo ng host.

Umakyat si Parker sa stage at nagpalakpakan ang lahat. Walang angal dahil kahit alumnus na siya, alam naman ng lahat na siya talaga ang pinaka-angat ngayong gabi. Medyo naiinggit lang ako sa magiging Prom Queen dahil makakasayaw niya si Parker...

Medyo nagiging madamot na yata ako. Gusto ko kasi, sa akin lang si Parker kahit alam ko na imposible naman 'yun.

Pero laking gulat ko nung tawagin ang pangalan ko.

"And this year's Prom Queen is our very own, Mary Imogen Suarez!"

Hindi ako agad nakagalaw. Hindi ko inaasahan na mananalo ako dahil ordinaryo lang naman ako sa school simula nung grumaduate si Kuya. Medyo kilala lang naman ako dahil dahil sikat si Kuya at Parker sa school. Kinailangan pa akong kalabitin ng katabi ko para ipaalala sa akin na kailangan kong umakyat sa stage.

Tumayo ako at nagsisimulang umakyat nung biglang tumakbo paalis si Parker.

Bigla niya akong iniwan.

Nakatingin lahat ng tao sa akin. Nagbubulungan sila. Naaawa sila.

Gusto kong umiyak at tumakbo paalis.

"Sana sinabi mo sa akin," mahina kong bulong. Wala na akong lakas para magalit dahil naubos na 'yung lakas ko para hindi siya yakapin kapag ganitong sobrang lapit niya. "Sana sinabi mo man lang na naaksidente 'yung girlfriend mo para hindi ako mukhang tanga na nag-iisip kung bakit mo ako biglang iniwan."

Humigpit iyong hawak niya sa bewang ko.

"She's not my girlfriend... and I was just so worried about her that my first thought was to see her."

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba niya akong nasaktan.

Inilagay ko iyong kamay ko sa kamay niya at dahan-dahang inalis iyon. Sinubukan kong ipakita sa kanya na okay na ako. Kahit hindi.

"Past is past na nga," pagsisinungaling ko. "Okay na ako. Si Kuya na lang ang hindi nakaka-move on."

Mapait na napangiti si Parker.

"I couldn't blame him. I was such an ass."

"Hindi mo naman kasalanan na may iba kang priority."

Bakit ba ang hilig mong saktan ang sarili mo, Imogen? Saan ka ba nagmana ng pagiging masokista?

"Pero sana maging okay na kayo ni Kuya."

He nodded.

"Sige na, mag-aayos na ako ng gamit," sabi ko sa kanya at isinara ang pinto nung makaalis na siya.

At saka ako umiyak kasi ang sakit-sakit pa rin.

--

"Bye!" sigaw ni Kuya Benj nung ibaba namin siya sa harap ng bahay nila. "See you next week!"

Siya na iyong last na ibababa namin at diretso na kami sa bahay. Si Parker ay hindi sumabay sa amin. Hindi ko alam kung saan siya pupunta... At wala na akong balak alamin dahil quota na ako sa sakit ngayong linggo. Sobra pa nga yata.

"Okay ka lang?" tanong ni Kuya nung kami na lang sa van.

I nodded.

"You're still not over him."

Hindi ako sumagot.

"You'll get there," sabi niya at saka inakbayan ako at saka isinandal iyong ulo ko sa balikat niya. "At ano ba ang nagustuhan mo 'dun? Panget naman 'yun."

Natawa ako bigla.

"Kuya, alam natin na gwapo si Parker. Mas bitter ka pa sa akin."

"Sus. Mas gwapo ako 'dun. Mas maputi lang siya."

Natawa ako kay Kuya dahil pinagpipilitan niya talaga na mas gwapo siya kay Parker. Mabuti na lang talaga may Kuya ako, may kaibigan, at may pamilya na laging nandyan para pasayahin ako kapag ganito na malungkot ako. Sobrang blessed ko talaga.

"Alam mo ba kapag nagsisimba tayo nila Papa, ang pinagdadasal ko ay mauntog ka na."

"Kaya pala lagi akong nauuntog kapag naglalakad!"

Tumawa siya at saka ginulo ang buhok ko.

"Baliw. Ang ibig kong sabihin, magising ka na sa katotohanan na hindi kayo bagay ni Parker. Masyado kang maganda para sa kanya. Bano naman sa soccer 'yun," sabi niya.

Sinabihan na lang ako ni Kuya ng knock-knock jokes na natutunan niya kay Kuya Benj hanggang makarating kami sa bahay.

In time, makaka-move on din ako. Pero ngayon, kailangan ko munang tiisin kasi masakit pa rin.  

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 97.3K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
3.5M 149K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
199K 7K 5
Corrine Gale Eusebio.
13.2M 106K 34
Highest Rank: #4 in Romance Category ATTENTION: The completed and new version of this story can be read on DREAME/ YUGTO APP. Username: runa lee Bell...