The Love That Got Away (EXOSH...

By madamedamin

4.3K 410 150

It's been 3 years simula nang lokohin at paglaruan nila kami. They made us believe in LOVE! Sabi nila mahal n... More

Author's Note
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
11
12
13
14
15
Yehet! Ohorat!
16
FLY
17
18
#HappyYoonaDay
18-2

X

160 15 5
By madamedamin


Say hello to my fave OTP in SNSD. YoonYul FTW! HEHEHEHE. I always watch them kahit sa youtube may channel about YoonYul pinapanood ko at masasabi kong sobrang ganda nang friendship nila. Napanood niyo ang Channel SNSD? May couple ring pa talaga sila wahhh! Sana forever yung friendship nila. Kayo?

What's your favorite OTP in SNSD?

----

Yoona's POV

Ang bilis nang panahon. Malapit na matapos ang month na August. Isa lang ang ibig sabihin niyan may Acquintance Party na naman. Nandito ako ngayon sa loob nang kwarto ko. Nagmumokmok. Ayaw kong pumupunta sa party na yan eh. Pano ba naman kasi marami na naman akong makikitang babae na sobra kung manamit. Halos makita na ang kaluluwa.

"Ugh! I need to go there."sabi ko sa sarili ko. My friends are going to attend at syempre nandun ang EXO. Paano ko magagawa ang plano kung palagi akong MISSING IN ACTION kay Sehun.

"Yoong!"sigaw mula sa labas nang kwarto ko.

"Pasok!"

"Ano? Nakahiga ka pa rin diyan? Magready ka na hoy!"sabi ni Yuri unnie sabay upo sa kama ko. Nakaligo na siya. Ako? Hindi pa. Alas dos pa lang naman.

"Later na Yul."sanay kasi akong hindi tawagin siyang unnie kapag kami lang dalawa.

"Anong later? Hoy Yoona Im ikaw nalang ang hindi pa naliligo. Maya-maya dadating na din yung mga mag-aayos sa atin."sagot niya. Yes, may hinire kaming private glam team.

"Mamaya pa yun eh."nakakapagod kayang tumayo. Inaantok pa kaya ako.

"Naku! Ang sabihin mo, wala ka talagang planong pumunta sa party. Aish! Yoong you need to come. Sehun will be there."sabi ni Yuri unnie.

"May next time pa naman ah!"

"Bahala ka nga diyan! Sige ka kami may improvement na sa mga plan tapos ikaw, wala pa."saad niya at lumabas.

Sa totoo lang I don't really like the plan. All I want is to slap him hard. Bugbugin at tadyakan. Yun lang. Ayaw kong sayangin ang ganda ko para sa walang kwentang tao na katulad ni Sehun. Pero wala akong magagawa, ayaw ko namang maging bayolente. At siguro tamang dun gantihan ang EXO. Ang saktan ang damdamin nila. Mas masakit kaya masaktan emotionally kesa physically.

Naligo agad ako. Dahil pupunta ako sa party. I need to be there. I need to look fabulous and stunning. Dapat kabog ko kung may girlfriend si Sehun. This time hindi muna ako ang simple at may pagkamahinhin na Yoongie. Ngayon I'm the bolder and fiercer Yoona.

"Hey!"sigaw ko nang bumaba ako.

Kanya-kanya sila nang ginagawa habang hinihintay ang aming glam team.

"Hay sa wakas. Nakaligo ka narin."salubong sakin ni Hyoyeon unnie.

"Akala ko ba ayaw mong pumunta sa party."sabi naman ni Taeyeon unnie na kanina pa nagbabasa nang magazine. Naghahanap daw kasi siya nang magandang hairstyle.

"Sinong may sabi?"tanong ko at dumiretso na sa kitchen.

"Si Yuri."sagot ni Taeyeon unnie.

"Oh my gulay!"napasigaw nalang ako sa sobrang gulat. Paano ba naman kasi nandun si Sooyoung. Kumakain at naghahalungkat sa ref.

"Uso sayo magulat Yoona noh?"sabi ni Sooyoung. Napasinghap nalang ako.

Hindi nagtagal ay dumating na ang aming glam team. Kanya kanya kami nang hairstylist, stylist at make-up artist.

"I want my make-up to compliment my dress. Is it alright? Gusto ko sana yung hindi masyadong makapal ang make-up pero maganda pa din."utos ko saking make-up artist. Tumango naman siya sakin.

(Acquiantance Party)

Haist! Nakakainis ang daming mga linta dito. Nandito na kami sa venue nang aming acquiantance party. Actually, sa school lang naman siya.

"Aish! Ang ingay. Namiss ko tuloy ang library at ang pagbabasa nang libro."sabi ni Seohyun na tinatakpan ang kanyang mga tenga.

"Guys! Let's party. Sayang ang ayos natin kung dito lang tayo nakaupo."sabi ni Tiffany unnie na sinasabayan pa ang music. Party girl talaga to.

"Bawal ang KJ ngayon ha. Let's go!"saad ni Sunny unnie.

Una namang tumayo sina Tiffany unnie at Sunny unnie. No choice na kami kaya tumayo na rin kami. Dumiretso agad sila sa dancefloor.

"Whooo!"sigaw naming lahat. Masaya naming pumarty eh kaso hindi lang ako ganun kasanay sa mga party.

Nilinga-linga ko ang paligid hoping to find him. Pero wala siya. Wala din ang mga kaibigan niya.

"Nine vodkas."order ni Jessica unnie sa isang waiter. Natapos na kaming magsayaw andito kami ngayon nakaupo. Boring! Why aren't they here yet?

"Bakit wala pa sila ngayon?"tanong ni Taeyeon unnie. Kung tinatanong niyo kung sino ang hinahanap namin, aba syempre ang EXO.

"Tiffany!"nagulat naman kami nang may biglang sumigaw sa gilid namin.

"Oh! Hi Nick"bati ni Tiffany unnie kay Nickhun. Infairness dito kay Nickhun, gwapo na palangiti pa.

"Can I excuse her for a while."tanong ni Nickhun samin. Tumango naman kami bilang sagot kaya sumama si Tiffany unnie sa kanya.

"Buti pa si Tiffany may kadate na."malungkot na sabi ni Hyoyeon unnie.

"Shhh... darating din sila."nakangising sagot ni Sooyoung. Kapag talaga ngumisi to si Sooyoung iba ang ibig sabihin. Minsan mabuti, minsan masama.

Nagulat nalang ako nang lahat ang atensyon nang mga tao sa party ay naituon sa may entrance. Wow! Twelve kings slowly walking on the red carpet. Shit! Ang gagwapo at ang kikisig. Idagdag mo pa na nakasuot silang lahat nang black tuxedo. Ano? Gwapo? Binabawi ko na yun.

Isa-isa namang nagsilapitan ang mga girlfriends nila or flings. Seriously? Halos taken na silang lahat. Maliban nalang kay DO at Chen.

"We have 10 pairs of fabulous couple."sarcastic na sabi ni Sunny unnie.

"Tsk. As if naman may forever."bitter na saad ni Yuri unnie. Excuse me, bitter kaming lahat. They can't be happy like that.

"I need to go to the restroom"paalam ko sa kanila.

"Sama ako!"singit ni Yuri unnie.

Nang makarating kami sa CR kanya-kanya kaming diskarte kung paano kami makakausap sa EXO.

Hindi nagtagal ay lumabas na kami ni Yuri.

"Yuri dito muna ako."saad ko. Tumango naman siya at dumiretso sa table namin.

Well, nakita ko lang naman si Sehun at Irene nakatayo at umiinom nang wine. Malapitan nga.

"Excuse me, can you please zip my dress."singit ko sa usapan nila na nakatalikod. Sinadya ko talaga yan. Hindi naman masyadong open eh.

I know Sehun kahit playboy siya gentleman parin. Hindi niya matatanggihan ang request ng isang babae. Inayos niya ang zipper ko. Timing naman na may dumaang waiter kaya kumuha ako nang isang baso nang wine.

"Cheers"sabi ko sa kanila. "Irene right?"nakatingin ako ngayon kay Irene.

"Yes! Do I know you?"nagtataka niyang sagot.

"Whoah! Ofcourse. Nakalimutan mo na ako agad?"nagtataka pa rin ang kanyang mukha.

"Ah babe. She's Yoona."pagpapakilala ni Sehun sakin.

"Yoona?"tanong ni Irene. Ano to? Amnesia lang!

"Im Yoona. Remember? We used to be classmate in high school before. You're the one who locked me inside the comfort room. You threw my notebook. Remember?"nagulat naman silang dalawa sa sinabi ko. Kasing ugali lang siya nila Bomi at Eunji. Actually, magkabarkada sila.

"Yoona! The nerd one?"sabi niya.

"That was before."sagot ko.

"Ah! Yoona. Naalala na kita. Ang laki na nang pinagbago mo. Ikaw lang ba mag-isa?"bakit? Ipapagulpi mo ako.

"No. I'm with my friends."sagot ko sabay turo kina Jessica unnie.

"Oh I see."tipid niyang sagot. "Siya nga pala. This is Sehun. My boyfriend. Naalala mo pa siya?"tanong ni Irene sabay hawak sa kamay ni Sehun.

As if naman nanakawin ko eh galing na yan sakin.

"Of course. Bakit ko naman siya makakalimutan. Diba Sehun?"saka ko tinignan si Sehun.

"Oo naman. We used to hang out before."sagot ni Sehun. The heck! Hang out? We used to date before. We used to hug and kiss.

"Diba naging kayo?"tanong ni Irene.

"Sort of. Walang label yun dati eh. Pero nagdate kami. And we kissed before."nakangisi kong sagot. Sinamaan naman ako nang tingin ni Sehun.

"But don't worry, past is past."dagdag ko. Irene just gave me an awkward smile. Buti nga sa kanya!

"Excuse us Yoona."sabi ni Sehun sabay alis kasama si Irene. Natatakot ba siya sa mga sasabihin ko kay Irene?

Sehun's POV

"Sort of. Walang label yun dati eh. Pero nagdate kami. And we kissed before."nagulat nalang ako sa sinagot ni Yoona kay Irene.

Sa totoo lang, tama siya. Nagdate kami, nagkiss kami at kung anu-ano pa pero walang label.

Tinignan ko si Irene na parang nagagalit na.

"Excuse us Yoona."saka kami umalis ni Irene. Lumipat kami sa table nang EXO. Busy sila hyung sa mga kadate nila.

"Are you okay?"tanong ko kay Irene. Kanina pa kasi siya tahimik.

"You kissed her."mahina niyang sagot

"That was before."sabi ko sa kanya kaya niya ako tinitigan.

"You loved her."saad niya.

"I didn't. Alam mo naman kung ano yun dati. Diba?"

"Kiss me."nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ano?"mahina kong tanong. This is the first time that she asked for a kiss.

"Kung talagang hindi mo siya minahal, halikan mo ko ngayon din. Sa harap nang maraming tao."mapanghamon niya sabi. I had no choice but to kiss her.

"Whoah!"narinig kung sigawan nang lahat ng tao sa party. Kami ang nasa spotlight at nasa big screens. Nakita nila yung paghalik ko kay Irene.

"Grabe! Sehun you're the man."sigaw ni Luhan hyung.

"Maghotel kaya kayo."binatukan ko naman si Kai na katabi ko. Siguro nga playboy ako, may pagkapervert pero nirerespeto ko si Irene.

"Thank you."sabi ni Irene at niyakap ako. Nakita ko naman ang ekspresyon ni Yoona sa may di kalayuan. Parang naiinis ata siya.

Bigla namang may lumapit sa kanyang lalaki.

"Babe let's dance."alok sakin ni Irene. Tumango nalang ako. Nang nasa dancefloor naman kami, ang live music ay napalitan nang sweet song.

"I love you."sabi ni Irene. I just smiled. Nilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang beywang habang siya nilagay niya sa batok ko.

"I love you too."sagot ko. Special si Irene para sakin. Siya ang nandiyan palagi sakin. Yung mga kafling ko, iniiwan lang ako pero si Irene hindi.

Nakita ko namang lumapit sina Yoona at ang kasama niya. Marahil ay sasayaw sila. She looks so happy with him.

Muntikan ko na nga siyang mahalin eh pero ang pustahan ay pustahan.

Hindi ko na namalayan na bigla na palang nagpalit kami nang partners. This time kami ang partner ni Yoona.

"Anong nangyari?"naguguluhan kong tanong. Bakit naging siya ang kapartner ko?

"I don't know. Nagulat na rin lang ako na kasayaw na kita."nilingon ko naman kung sino ang kasayaw ni Irene. She's with Yoona's date. Medyo awkward ang mukha nila. Nakita ko naman ang ibang sumasayaw na may iba nang partner. Ano to cotillion?

"You look so beautiful."tanging nasabi ko sa kanya. Well she's damn gorgeous.

"Thanks."nakangiti niyang sagot. Hindi ko alam pero mas hinigpitan ko ang hawak sa beywang niya at mas nilapit ko siya sakin.

"Sino siya?"tanong ko sabay tingin sa ksama niya kanina na kasayaw ni Irene ngayon.

"He's my friend."tipid niyang sagot.

"Are you sure he's just your friend?"sinisigurado ko lang saka ko tinitigan si Yoona. Bakit ba ako nagtatanong? Private life niya yan.

"Of course. Teka nga, bakit ka ba interesado sa kanya."tanong ni Yoona sakin.

"Nothing."tipid kong sagot. Matapos nang sayaw ay lumapit agad siya sa kadate niya.

"Taecyeon!"nagulat nalang ako nang tinawag siya ni Irene. Lumingon naman ito pati na rin si Yoona.

Lumapit kami sa kanila.

"Hi. This is Sehun my boyfriend."pagpapakilala ni Irene sakin. "Babe si Taecyeon"dagdag ni Irene.

Nakipagshakehands naman ako kay Taecyeon.

"Hi pre! Nga pala Sehun and Irene this is Yoona."pagpapakilala niya kay Yoona. "My...special someone."dagdag ni Taecyeon.

Nilahad ni Yoona ang kanyang kamay at tinanggap namin ni Irene.

"New student ka? Anong block?"tanong ko.

"Hindi. Graduate nako. My parents are one of the board of directors here. Kaya naimbitahan ako."sagot ni Taecyeon.

"Excuse us."singit ni Yoona saka sila lumayo.

"You know what, bagay sila."sabi ni Irene habang naglalakad kami papunta sa table namin.

"Hindi ganun ang tipo ni Yoona."inis kong sagot.

"Well, she looks so happy with him."nakaupo na kami nang nagsalita ulit si Irene.

"Tsk. Hindi naman ganun ngumiti si Yoona eh. Yung ngiti niya kanina pilit lang yun. Pag ngumiti siya abot tenga."sagot ko habang umiinom nang wine.

"Maybe Taecyeon is the reason why Yoona is looking good. I mean blooming siya."dagdag ni Irene. Kanina pa talaga siya kay Yoona at Taecyeon. Napansin ko namang nakikinig ang EXO samin.

"Kahit nung wala pa siya, maganda na si Yoona. Atsaka hindi sila bagay noh. Ayaw ni Yoona sa sobrang gwapo."inis na inis kong sagot.

"You know what, you sound like a jealous boyfriend. Diyan ka na nga."nagwalk-out naman si Irene. Hindi ko nalang siya sinundan dahil baka nagagalit yun.

"Hindi mo lang ba siya susundan?"tanong ni DO hyung.

"Siya ang umalis, matuto siyang bumalik."sagot ko. Nakakainis kasi. Bakit kailangang si Yoona pa ang topic.

I don't want her to be happy with another guy. Oo , alam ko she will never be mine again. Pero bakit naiinis ako tuwing kasama niya yung Taecyeon na yun. Aish! Nakakainis.

-----
Pasensya na if maraming typo errors!

Guys, may part 2 pa tong acquaintance party. POV naman nang other members ng GG. Saranghae SONEs and EXO-Ls. Fighting!

Salamat sa mga nag-babasa, nag-vo-vote and nag-co-comment. Mahal ko kayo! Nagupdate ako dahil hindi ko kayo matiis. Charot!

#HappyLuhanDay

Vote! COMMENT! Jebal...

-madamedamin

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
1.2M 24K 56
just for fun
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
10.8K 379 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...