AND I LOVE YOU SO

By fedejik

2.2M 41.4K 808

Two different people with two different world, fall so deeply in love with each other, but only to find out i... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.3
Chapter 6.2.3
Chapter 6.3.3
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.3
Chapter 9.2.3
Chapter 9.3.3
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.3
Chapter 11.2.3
Chapter 11.3.3
Chapter 12
Chapter 13.1.3
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14.1.2
Chapter 14.2.2
Chapter 15
Chapter 16.1.3
Chapter 16.2.3
Chapter 16.3.3
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.3
Chapter 19.2.3
Chapter 19.3.3 (RESTRICTED)
Chapter 19.3.3 (Edited SPG)
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22.1.2
Chapter 22.2.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1.2
Chapter 26.2.2
Chapter 27
Chapter 28.1.2
Chapter 28.2.2
Chapter 29.1.4
Chapter 29.2.4
Chapter 29.3.4
Chapter 29.4.4
Chapter 30 (Finale)

Chapter 8.1.3

31.5K 594 11
By fedejik

Published: August 24, 2015

CHAPTER 8.1.3

 

RICKY’s POV

 

            Almost a week na rin kaming hindi nakakapasok sa school.  Hindi ko alam ang dapat na maramdaman.  All of a sudden, bigla na lang naging obligasyon ko si Malditz.  Wala naman din akong magawa dahil ang bait naman kasi ng papa niya. Ngayon nga, hinihintay ko na lang ang pagdating ng señor.  Hindi ko sinasabi kay Malditz at iyon ang bilin ng papa niya sa akin.  Hindi ko rin alam kung totoo ang sinabi niya, pero helicopter daw siya sasakay.  Jeez, ganun sila kayaman. 

            “Hoy pangit!”  As usual, sino pa ba 'yun?  Si Malditz lang naman ang nag-iisang babae na tumawag sa akin ng pangit. 

            “What?”  Kumunot ako at matamang tinitigan sa mukha. 

            “Walang water sa C.R. n'yo.”

          “Ah, oo.  May inaayos na tubo daw diyan sa harapan kaya pinatay muna.”

          “Paano ako maliligo?  Init na init na ako!”  Nakasimangot siya at bahagya pang pumapadyak.  She’s still the same whiny Malditz.

            “Mag-igib ka sa balon.”  Tumingin ako sa direksyon n'ung balon.

          “Igib?  Ako?”  Gulat pang tanong niya.  See?

          “Yes, ikaw.”  Umiling ako at wala akong balak na ipag-igib siya ng tubig.

          “Ang sakit ng mga kamay ko!  Ilang araw mo na akong pinagtatanim ng kung anu-ano!”  Simangot na simangot siya.  Actually, minsan naaawa na rin ako kapag nakikita kong nahihirapan siya pero ewan ko ba, pakiramdam ko ay  kailangan niyang matuto ng leksyon sa inuugali niya. 

            “Okay, ganito na lang,”  Tiningnan ko siya nang diretso sa mukha. Damn it.  Kagat niya ang kanyang labi at hindi ko alam kung gusto ba niyang ipaalala na hinalikan ko siya?!  I must admit nabigla ako sa ginawa ko sa kanya noon.  Nag-pretend akong parang wala lang.  But  I knew, may nabago sa pagtingin ko sa kanya.  “Mamili ka, ipag-igib kita ng tubig sa balon pero hindi na ako magbantay sa may banyo?  Or magbabantay ako sa banyo pero ikaw ang mag-iigib ng tubig mo.”  Nagtaas ako ng kilay at napanguso lang siya.  Ang lakas kasi ng imahinasyon ng babaeng ‘to.  Hanggang ngayon natatakot pa rin sa banyo namin.  Para daw may mumu!  Parang bata… Haist!

            “Ang daya naman e!”  See?  gan'un siya kaduwag para hindi makapagdesisyon agad.

            Umismid lang ako at itinuon ko ulit ang atensyon ko sa cp ko. 

            “Fine!  Ako na mag-iigib!”  Padabog pa siyang lumapit sa balon at panay ang busa.  Napailing lang ako at muli akong nagpipindot sa cp ko.  Actually, ka-text ko kasi si Alexa.  Mukhang pupunta rin siya dito sa Isabela.  Wala na rin akong naging choice kundi sabihin sa kanya na nandito rin ako.  Sobrang worried na daw niya sa akin.  Hmmm, I am happy that she's worried about me.  Bestfriend ko si Alexa.  Kababata ko rin siya.  Siya nga lang ang nag-iisang kaibigan ko simula pa noon.  Liligawan ko na sana talaga siya noon kaso naman pakiramdam ko ay hindi talaga ako trip ng mommy at daddy niya.  At kahit nga friends lang, medyo malayo ang loob nila sa akin.  Siguro nga dahil mahirap lang ako.  Pero alam kong gusto rin ako ni Alexa at alam ko ring sasagutin niya ako.  Pero ang dami kong pag-aalangan bukod sa sobrang tutok ko sa pag-aaral ay hindi ako sigurado kung ano pa rin itong nararamdaman ko para sa kanya.  Basta’t ang alam ko, namimiss ko na rin ang company niya.

            “Aray!”  Shit!  Si Malditz!  Nakaupo siya sa putikan at mukhang nadulas.

          “Ang sakit!”  Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan ko siyang makatayo.  Aish!  Kay laking lampa!

            “Masakit. Ang sakit ng puwet ko.”  Nakahawak nga siya sa puwet niya at mukhang nang madulas ay sumaldak agad ang pang-upo niya. 

          “Okay ka lang?”  Mahigpit ko siyang hawak sa baywang habang nakapulupot din ang kamay niya sa balikat ko. 

            “Sa palagay mo okay ako?!”  Nakasimangot pang sabi niya.  Nakuha pa ring magsungit!  Aish!

          “Tatanga-tanga ka kasi,”

          “Kung ikaw kasi ang nag-iigib, hindi ako madudulas!  Ang sakit sakit na nga ng kamay ko!  Ayan oh!”  Ipinakita niya ang kanyang kamay at mamula-mula iyon dahil sa rashes.

            “Napano 'yan?”  Taka pang tanong ko.

          “Pinaglaba mo kasi ako, hindi siguro hiyang sa sabon.”  Tila nagtatampo pang himig niya at napabuntong-hininga na lang ako.

          “Hmm…”  Tiningnan ko nang malapitan ang kamay niya at medyo marami rin ang rashes.  “Makati ba?”

            Tumango lang siya at bigla tuloy akong nakaramdam nang awa.

            “Uy, ang sweet nila!”  Agad kaming napabaling sa pinanggalingan ng boses.  Damn it.  Si Pikoy kasama si Gelyn na nakangiti lang din sa aming dalawa.

            “Stop it, Pikoy.”  Saway ko pa sa maloko kong bunsong kapatid. 

            “Para kayong nasa teleserye, kuya tapos magki-kiss na pamaya-maya!”  Pinagdikit pa niya ang nakakuyom niyang mga palad at pinagkiskis na parang naghahalikan nga!  Aish!

            “Pumasok nga kayo sa loob!”  Pinandilatan ko sila at agad din namang hinila ni Gelyn si Pikoy.  Alam niya kung paano ako magalit.  Si Pikoy lang naman ang parang walang takot sa akin. May katigasan din ang ulo.

            Pagbaling ko kay Malditz ay  namumula siya. Obviously, naapektuhan siya sa panunukso ni bunso.

            “Okay ka lang?”  Tanong ko ulit sa kanya.

          “M-masakit ang puwet ko,”  Nahihiya pang sabi niya.

            “Aish…”  Inalalayan ko lang siyang maupo sa bangkitong inuupuan ko.  “Mag-iingat ka kasi sa susunod.”

          “Maingat naman ako!”  Maktol pa niya.  “Mabigat din 'yung timba noh!”  Umismid pa siya.

            “Diyan ka muna, ako na mag-iigib.”  Bumitiw na ako sa pagkakahawak ko sa kanya. Ang weird.  Parang nakukuryente ako sa hawak niya na ewan.

            “Ako na!  Baka 'di ka magbantay sa labas ng banyo!”  Pigil pa niya sa akin at hinawakan ako sa braso.

            “Babantayan kita. Sige na, bitiwan mo na ako.”  Malumanay na sabi ko pa.  Sana lang ay hindi niya ako inaartehan, kung hindi malalagot talaga siya sa akin.

          “Thank y-you…”  Nahihiya pang sabi niya.  Sounds music to my ears huh? 

            “Kung ba ganyan ka palagi, hindi sana tayo nag-aaway na dalawa.”  Sabi ko na lang at tipid akong ngumiti sa kanya bago ako pumunta sa may balon.

********

KATIE’s POV

            Napakagat ako ng labi dahil sa lakas nang kalabog ng aking puso.  Ang gwapo kasi niya kapag gan'un ngumiti. Inalog ko ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit ba parang kinikilig ako?  Seriously?  Totoo ba ‘tong nararamdaman kong ‘to?  Am I beginning to like him na ba?  Hmm, ngayon ko lang naman naramdaman ang ganito. so, I really don’t know.

            Habang nag-iigib siya ay sumisimple ako nang tingin sa kanya.  Fine.  Ang gwapo naman talaga niya. Masarap siyang tingnan tulad nga nang sabi ni Liz.  May parte sa akin na unti-unting nababago dahil sa mga pagpapahirap niya sa akin.  Yeah, pagpapahirap!  Ipagawa ba naman sa akin ang mga bagay na hindi ko ginagawa?!  Magtanim, maglaba, maghugas ng plato, maligo sa creepy comfort room, maki-share ng tulugan sa isang pamilya at wala man lang foam!  Sobrang pahirap!  But then, there was a part of me na unti-unti ko rin siyang naiintindihan.  And, I realized kung gaano nga ako naging harsh noon nang ipatanggal ko siya from his part time job. 

            Hindi naman din nagtagal ay nakatapos na rin siyang mag-igib.  Noon na niya ako nilapitan gamit ang seryosong mukha.

            “Maligo ka na.”  Sabi pa niya.

          “S-sige…”  Tumango ako pero dahil medyo may kumikirot pa sa may puwitan ko ay napapangiwi tuloy ako.

          “Okay ka lang?”  Alalang tanong pa niya.  At hindi ko maiwasang kiligin talaga.

            “Okay lang, medyo makirot lang yung-”  Shit!  Ang pangit naman sabihin kasing puwet.  “…'yung behind ko.”  Pinigilan ko na lang rumehistro ang kirot sa mukha ko. 

          “Come,”   Bigla na lang niya akong hinapit sa baywang at inalalayang maglakad papunta sa banyo.  “Don’t stare.  Walk.”  B
Bahagya pa niya akong dinilatan ng mga mata pero iniiwas din niya kaagad.

            “I’m not s-staring!”  Nag-iwas ako nang tingin.  Shit.  I needed to pretend but I can't stop my heart from beating too fast.

            “Really?”  Bigla siyang tumingin sa akin habang hapit niya ako sa baywang.  “Hmm…”  Pero umiwas din siya agad.  Buti na lang.

            Inihatid niya ako hanggang sa banyo.  Ipinaglagay din niya ako ng monoblock sa loob just incase daw may sumakit sa akin ay maupo raw ako.  Ang caring niya ngayong araw ha.  Oh well, hindi na ako nag-aksaya ng panahon at naligo na ako.  Init na init na rin naman kasi ako. 

            Katulad nang mga nakakaraan, sobrang bilis ko pa ring naligo.  Paano naman kasi ay hindi mawala ang creepy feeling ko sa banyo. Nakakatakot talaga. Kung bakit kasi wala man lang ilaw?  Feeling ko nga magkakasakit ako dito dahil madalas kasi nagpipigil ako nang ihi para lang hindi pumasok d'un. 

            “Done?”  He frowned.

            “Y-yeah…”  Bahagya lang akong tumango.

          “Naghihilod ka man lang ba?  Ang bilis mo maligo.”  Siraulo din ‘to e!  Tama bang itanong pa sa akin 'yun?!

            “O-oo naman!”  Sinimangutan ko nga.  “Anong akala mo sa akin?!”  Yeah, I was lying.  Hindi na nga ako nakakapaghilod at nakakadiri na nga yata ako.

            “Sinabi mo e…”  Ngumisi siya at umiling.  He don’t look convinced.  Sarap sapakin din minsan.  Hmp! 

            “Masakit pang puwet mo?”  Nagpipigil siyang matawa sa tanong niya. Aish!

            “Hindi na.  Ayos na ako.”  Umismid lang ako pero hindi ko rin napigil ang mangiti sa tanong niya. E kasi naman ang daming madadali sa akin, puwet ko pa talaga!  Pero mukhang okay na rin naman na kaagad at wala na akong nararamdamang kumikirot.

            “Sige, ako naman ang maligo.”  Tinapik niya ako sa pisngi sabay matamis na ngumiti.  Agad na namang kumalabog ang puso ko at mabilis na umatras palayo sa kanya.  Pakiramdam ko'y maririnig niya ang kalabog ng puso ko.

            “P-pahiram ako ng cp mo.  Ite-text ko lang si Liz.”

          “Sige.”  Mabilis pang pagpayag niya.  Uy, bago 'yun a.  Himala yatang hindi siya nagdamot.  Iniabot kaagad niya sa akin ang cp at pumasok na rin sa loob ng CR.  Good. Malalaman ko ngayon kung sinong ka-text mo.

Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 351 28
Don't stop when you're tired,stop when you're done.You may see me struggle,but you will never see me quiting", (Nikki Henderson)
15.1M 110K 64
Eugenio Carlos or Gin is perfect. He is tall, handsome and he has money. He is the only son of Governor De Villa. And not to add he will inherit th...
46.2K 952 34
A true Prince Charming who turned into a Heartless Devil VS A Weirdest Girl. This is the Side Story of Gabby Amoroso. Ang isa sa bestfriend ni Ace...
Reverse By Ms. Patch

General Fiction

1.5M 24.5K 55
"Sa loob ng dalawang taon pinabayaan kita. Pero ngayong bumalik ka hindi na ako makakapayag na makawala ka Camille. I don't care about anything...