GIRL IN YOUR DREAM(Completed)

By Wild_Amber

544K 13.8K 176

Sheryn Lleu Samañego-One of AMBERS CLAN SIBLINGS a daughter of Edward Colin Samañego. More

TEASER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
The NBI of GSB
Special Chapter

Chapter 8

21.8K 599 8
By Wild_Amber

MATAPUS ang one week vacation ng magkakaibigan ay balik Manila na ang mga ito at balik trabaho na rin sila. At dahil isang linggo na wala sa opisina niya si Sheryn ay tambak ang mga papers na sumalubong sa kanya. Kaya subsub siya maghapon sa trabaho at kung hindi pa siya pinuntahan ng secretary niya para magpaalam na uuwi na ito ay hindi niya maalalang dapit hapon na pala.

"Ma'am may kailangan pa po ba kayo o ipag-uutos?" Ani Beth kay Sheryn.

"H-huh! Oh! My God, hapon na pala. Sige you can go now Beth." Anito sa kanyang secretary.

"Okay po. Ah! gusto niyo po ba ng coffee ma'am? Ipagtitimpla ko po kayo bago po ako uuwi."  Ani Beth sa kanya.

"Wag na Beth. Thanks na lang at aayusin ko lang ang mga gamit ko at uuwi na rin ako." Anitong nakangiti kaya naman tumango nalang si Beth at iniwan na siya nito.

Matapus maihanda ni Sheryn ang mga gamit niya ay agad siyang lumabas ng opisina niya at nagtungo sa lift ng kumpanya nila. Pagkapasok niya doon ay agad niyang pinindot ang botton going to ground floor. Kung saan nakapark ang kotse niya at ng marating niya ito ay agad siyang sumakay. Agad niya itong inistart at tahimik niyang tinahak ang daan pauwi sa condo unit niya.

"Oh! Shit." Mahina niyang mura. "Langya namang traffic oh!" Ng makakita siya ng isang eskinita ay agad siyang pumasok doon at yun ang binaybay niya pauwi. Ngunit yun pala ang malaking kamalian na ginawa niya. Habang patuloy niyang tinatahak ang eskinitang pinasok niya ay isang grupo ang nakita niya at kitang kita ng dalawa niyang mga mata kung paano binaril ng mga ito ang isang lalaki. Dahil sa takot ni Sheryn ay pinaharurut niya agad ang kanyang sasakyan upang makaalis sa naturang lugar.

"Letche, sundan niyo bago pa kumanta yun sa mga police." Agad siyang sinundan ng mga ito. Kung gaano kabilis ang pagpapatakbo niya ay ganun din naman kabilis ang mga humahabol sa kanya. Kahit takot na takot ito ay nagawa parin niya hagilapin ang tawagan niya sa kanyang bag at may tinawagan siya.

"Hello?" Anang nasa kabilang linya.

"Ailyn. It's that you? It's me Sheryn Lleu Samañego. I need your help please. I'm in trouble, accidentaly I saw a group of men when they killed a man and now there following at me." Anitong nanginginig sa takot sa kausap.

"Okay. Calm down. Were coming just tell us the place." Ani Ailyn sa kanya. Agad naman niya sinabi ang location ng lugar kung saan ang kreming naganap. At sinabi rin niyang on the way siya sa condo unit niya.

Kaya agad na inereport ito ni Ailyn sa mga kasamahan na agad naman ang mga itong nagrespondi. Dahil may ilan silang mga kasamahang malapit sa lugar kung saan ang pinangyarihan ng krimen. Kaya agad nila itong tinungo at napag-alaman nilang positive ang area dahil nandoon nga ang bangkay na sinilid sa malaking garbage bag.

At dahil nasa labas rin sina Renan at Brexx ay itinawag dito ni Ailyn ang nangyari sa mga ito para mapuntahan nila si Sheryn kung saan ang condo unit nito.

Pagdating ni Sheryn sa building kung saan matatagpuan ang kanya condo unit ay agad nitong inipark ang kanyang kotse. Agad siyang pumasok sa loob at nagmadali siyang buksan ang lift. Ng bumukas ito ay agad siyang pumasok sa loob.

Kapapasok palang niya sa loob ng lift ay siya naman pagdating ng mga lalaking sumusunod sa kanya. Ng makita ng mga ito kung anong floor bumaba ang dalaga ay agad na nagtanong ang isa sa mga ito sa isang matanda na papasakay sa lift.

"Ah! Lola, kilala niyo po ba yung babae na pumasok dito sa elevetor?" Anang isa sa mga ito.

"Bakit, kaano-ano  ka  ni Sheryn Lleu?" Anang matanda.

"Eh! Kasi po lola, girlfriend ko siya. Pero galit po siya sa'kin kaya kakausapin ko lang sana siya kaso hindi niya binigay kung anong number yung unit niya." Aniya pa ng lalaki sa matanda at naniwala naman ang matanda kaya agad nitong sinabi kung anung unit si Sheryn.

Pagkapasok ni Sheryn ng unit niya ay agad niyang inilock ang pinto at agad siyang kumuha ng mahahalagang gamit niya at sinilid niya sa isang hand carry bag. Matapus niyang ayusin ang kunting gamit ay lalabas na sana siya ng makarinig siya ng door bell. Kaya agad niya itong sinilip sa screen ng pinakabit niyang CCTV sa loob ng unit niya. At doon nakita niya ang mga lalaking sumusunod sa kanya. Kaya ang ginawa niya ay dumaan siya sa likod ng unit niya at sumapa sa kabilang unit at mabuti nalang at bukas yun.

"Oh! Hija bakit nandito ka? Nagkausap na ba kayo ng nobyo mo?" Ang tanong ng matanda sa kanya.

"Ah! Lola hindi pa po, dahil ayaw ko po siyang kausapin dahil galit ako sa kanya," palusot nito sa matanda. "Sige po lola, makikiraan lang po ako dito ng hindi niya ako makita." Sabay lakad nito patungo sa pinto. Ng makalabas siya ay dahan-dahan niyang tinungo ang hagdan upang gamitin sa pagbaba sa halip na elevetor ang gamitin niya.

SAMANTALA sa bahay ng magulang ni Sheryn ay binalot ng kaba ang kanyang ina ng hindi niya maipaliwanag. "Hon, bakit kinakabahan ako. Kumusta kaya ang anak natin?" May pag-aalalang tanong ni Jenny sa asawang si Edward.

"Ano ka ba, malaki na ang anak natin at malaki ang tiwala ko sa kanya. Kaya ipanatag mo ang loob mo." Ani Edward sa asawa.

"Ah! Basta, hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nakakausap ang anak natin." Aniya pa nito sa ginoo na kinailing niya ang tunuran ng asawa.

HABOL ni Sheryn ang hininga ng marating nito ang lobby ng building kung saan ang condo unit niya. Sapo nito ang dibdib gamit ang kaliwang kamay sabay hinga niya ng malalim. Pupunta na sana siya sa main door ng mahagilap ng mata niya ang tatlong lalaki na sumusunod sa kanya. Kaya mabilis siyang bumalik sa hagdan at nagkubli.

Sakto namang papasok sina Renan at Brexx kaya namataan ni Brex kung paano nagmadaling bumalik ng hagdan si Sheryn. At ang tatlong lalaking sumusunod sa dalaga ay agad ng pumuslit ang mga ito. Matapus nilang mamataan ang baril nina Renan at Brexx na nakasukbit sa kanilang baywang.

"Bok, magtanong muna tayo kung anong unit siya?" Ani Renan sa kasama.

"I think. No need na bok." Ani Brex. Samantala si Sheryn ay dahan-dahan itong sumilip sa labas kung saan niya nakita ang tatlong lalaking sumusunod sa kanya kung nandoon pa ba ang mga ito.

"Aaayyyy! Kabayong buntis." Tili ni Sheryn ng magulat ito sa biglaang pagsulpot ni Brexx sa kanyang harapan.

"I'm sorry miss. Don't be scared. Dahil isa akong FBI at yung lalaking kasama ko." Sabay turo nito kay Renan. Kaya nakahinga na maluwag si Sheryn. "Bok." Tawag nito kay Renan na agad din lumapit.

"Bakit, bok?" Nagtatakang tanong nito kay Brexx.

"She's here," ani Brexx kay Renan. "Take care of her, titingnan ko lang sa labas at magmamanman narin ako kung safe ba." Saad pa nito sabay lakad patungo sa main door ng gusali.

Mataman naman pinakatitigan ni Renan ang mukha ni Sheryn na agad nagbaba ng tingin. "Give me your things, ako na ang magdadala." Prensinta nito sa dalaga. Sa isip ng binata ay hindi siya makapaniwalang nagkita muli sila. Hindi siya maaaring magkamali, ito yung babaeng nakabanggaan niya. Agad naman inabot ni Sheryn ang gamit niya sa binata.

"Bok, let's go." Tawag ni Brexx kay Renan gamit ang tawagan ng masigurado niyang walang kahina-hinala sa labas. Ang sasakyan nila ay itinapat niya mismo sa main door ng gusali.


Nang nasa tapat na ng pinto sina Sheryn at Renan ay halos hindi nito maigalaw ang mga paa, natatakot itong paglabas niya sa pinto ay may balang naghihintay sa kaniya. Nakita naman ito ni Renan kaya, inalalayan nalang niya ito.

"Don't worry, walang mangyayaring masama sa'yo I'll promise." Anito sa dalaga at hinawak niya ito sa baywang at inakay sa loob ng sasakyang naghihintay sa kanila. Agad na binuksan ni Renan ang passenger seat at doon sila umupo ni Sheryn. Nang makapasok silang dalawa ay agad na pinasibad ni Brexx ang sasakyan at umalis sa naturang lugar. Kahit na nakaalis na sina Sheryn ay hindi parin mawala ang panginginig nito, maging ang katawan niya ay nanlalamig. Nagulat nalang siyang mayrong mainit na bagay na dumantay sa kanyang kamay. Nang tingnan niya ito ay kamay ng nagngangalang si Renan. Ipinaramdam ng binata ditong wag siyang kabahan dahil ligtas siya sa kamay nito. Sa ginawa ng binata ay agad na gumaan ang pakiramdam niya, nawala ang takot na bumabalot sa kanya.

Nang makarating sila ng head quarter nila Renan ay agad silang pumasok sa loob. "Inspector Samonte, nasaan si chief?" Tanong agad ni Renan kay Ailyn.

"Nasa opisina niya, puntahan niyo nalang." Anito sa dalawa.

"Okay! Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Sheryn maiwan ka muna namin kay Ailyn ha! Magrereport lang kami kay chief." Ani Renan sa dalaga, isang tango lang ang sinagot nito dito. Ng makatalikod ang dalawa ay agad siyang inakay ni Ailyn sa opisina nito at dun pinaupo.

"Anong gusto mong inumin?" Tanong nito kay Sheryn na bahagya pang nagulat.

"H-huh?"

"Hey! Relax. Your safe now. Ligtas kana I'll promise that, hinding hindi ka pababayaan ng isang Renan. Walang kinakatakutan yun. Lahat ng halang ang kaluluwa ay hindi siya nangingiming hantingin ito maipasok lang sa loob ng silda. At kahit gaano pa ito kakapit sa gobyerno ay hindi niya uurungan." Ani Ailyn sabay abot niya sa mug ng coffee kay Sheryn.

"Thanks." Anitong tipid na ngumiti kay Ailyn.

AGAD na tinungo nila Renan at Brexx ang opisina ng nakakataas sa kanilang alagad ng batas. "Good evening Sir." Halos panabay na bati ng dalawa sa kanilang opisyal.

"Good evening too men, please have a sit." Anito sa dalawa.

"Thank you Sir." Ani Renan.

"So, how is she?" Tanong nito sa dalawa. Agad naman nilang naunawaan kung sino ang tinutukoy nito. "She is fine now, Sir. Kasama ni inspector Samonte sa labas." Sagot ni Renan, habang si Brexx ay tahimik lang na nakikinig.

"Good, gusto kung hawakan mo ang kasong ito Almonte. At ikaw Trinidad dalhin mo muna ang witness sa ligtas na lugar habang hindi pa natin nalalaman ang totoong mutibo ng mga ito. Kung bakit nila pinatay yung chinese national na nakita ng witness. Kailangan mo na natin pangalagaan ang kaligtasan niya." Anito sa dalawa. "May alam ka bang ligtas na lugar na pwede mong pagtagoan sa kanya Trinidad?" Dagdag tanong nito kay Renan.

"Pwede ko po siyang dalhin sa resthouse namin, Sir. I know ligtas siya doon." Sagot nito sa ginoo.

"Okay. That's good idea, you can take her there tonight, mainam ng walang nakakakita sa kaniya at nakakaalam kung saan mo ito dadalhin." Anito kay Renan. "Okay Sir." Anang binata.

"Sige, you can go now, goodluck for both of you. Nasa kamay mo ang kalutasan ng kaso Almonte at nasa kamay mo naman ang kaligtasan ng witness Trinidad. At naniniwala akong magagawa niyo ng maayos ang trabahong ito, so dont desappoint me men." Nakangiting turan nito sa dalawa.

"Thank you Sir." Sabayang anang dalawa at sabay salute nila dito bago sila lumabas ng opisina ng kanilang head officer.

"Oh! Kumusta ang pag-uusap niyo nila chief?" Tanong ni Ailyn sa dalawa ng lumapit ang mga ito sa kanila habang si Sheryn ay tahimik lang na nakikinig.

"Ako ang hahawak ng kaso at si Trinidad ang magtatago muna kay Miss Samañego para sa kaligtasan niya." Ani Brexx sa pinsan nitong si Ailyn.

"I see, so aalis na ba kayo Renan?" Tanong ni Ailyn kay Renanan. "Um. Dadaan pa kasi ako sa bahay para kumuha ng ilang personal kong gamit." Anito kay Ailyn.

"Are you okay now?" Baling ni Renan kay Shreyn na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Bahagya lang itong tumango at tipid na ngumiti bilang sagot niya. "Good. Shall we." Aya ng binata dito na agad naman tumayo ang dalaga.

"Bok, just call me para sa update ng kaso." Anito kay Brex.

"No problem, bok." Ani Brex sabay tapik niya sa balikat ni Renan. Agad na binitbit ni Renan ang gamit ni Sheryn at pinuntahan nila ang kotse nito sa ground floor ng head quarters nila. Ng marating nila ang kotse nito ay agad niyang pinagbuksan ang dalaga at ng makapasok ito sa loob ay saka siya gumawi sa driver side at pumasok sa loob. Agad niyang inistart ang kotse niya at binaybay ang daan patungo sa bahay niya. Habang nasa daan sila ay tahimik lang si Sheryn na nakatingin sa labas ng sasakyan.

MAKALIPAS ang ilang minutong byahe nila ng marating nila ang isang bahay na mayron rin kalakihan. Agad nagbusina ang binata na agad naman pinagbukasan na sa tanya ng dalaga ay katiwala sa naturang bahay. Ng tuluyang nakapasok sa loob ang sasakyang ng binata at matapus niyang maigarage ang kotse niya ay  agad siyang bumaba at pinagbuksan ng pinto ang dalaga. Agad naman bumaba si Sheryn at tumuloy sila sa loob.

"Nana Mayra." Tawag ni Renan sa yaya nito. Mula ng magbukod ng bahay ang binata ay kasakasama na niya ang matanda. Parang pangalawang ina na ang turing niya dito.

"Oh! Hijo ikaw pala." Anito sa binata. At ng makita niya ang kasama ng alaga niya ay agad itong napangiti na kinangiti narin ng binata dahil alam niyang gusto ng matanda ang dalaga. Sinusubukan ng binata magdala ng babae sa bahay niya noon at hindi man lang ito binibigyan ng matanda ng pansin dahil agad niya itong tinatalikuran.

"Magandang gabi po." Magalang na bati ni Sheryn dito.

"Magandang gabi rin sa'yo hija, tamang tama hijo katatapus ko lang magluto, halina kayo sa hapag kainan ng makakain muna kayo." Anito sa dalawa.

"P-po! Eh! Nakakahiya naman po sa inyo." Anang dalaga sa matanda.

"Pagbigyan muna Sheryn dahil hindi ka niyan papalabasin ng bahay hanggat hindi mo siya napagbibigyan." Anang binata sa kanya, kaya nahihiya man ang dalaga ay pinaulakan na lang nito ang matanda. Napangiti naman ang matanda at inakay siya nito kung saan nakahanda ang pagkain habang nakasunod sa kanila ang binata.

"Nana, tapus na po ang paghahanda ko ng mesa." Anang isang dalagita na inabutan nila sa kusina. "Thanks." Ani Sheryn ng ipaghila siya nang binata ng upoan.

"Kumusta  ang pag-aaral mo Nhe?" Tanong ni Renan sa dalagitang naroon. "Okay lang po kuya." Sagot naman nito sa binata.

"Ah! Pamangkin ko nga pala hija si Jaya." Pakilala ng matanda dito. "Hi ate." Nakangiti nitong bati kay Sheryn.

"Hi din sa'yo." Tipid siyang ngumiti dito. "Nasaan ang tatay mo Nhe ng makasabay na rin kumain?" Tanong ni Renan kay Jaya.

"Sandali lang po kuya at tatawagin ko." Agad lumabas ng dinning area ang dalagita upang tawagin ang ama, makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na itong kasama ang ama.

"Tay, upo na po kayo at ng makakain tayo." Aya ng binata sa ginoo na agad naman itong tumalima. Napangiti naman si Sheryn sa nakikita niya, talagang likas ngang mabait ang binata naisaloob niya.

At habang kumakain sila ay panaka nakang sinusulyapan ng binata ang dalagang tahimik na kumakain.

TBC.

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
445K 13.2K 31
Para sa'yo, ano nga ba ang LOVE? Madaling sabihin ang katagang LOVE pero mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaya na lang ng nagmahal ka pero daratin...
722K 19.8K 23
ZANE TYRONE JAVIER(GSB-7)-One of GSB. Saksakan ng kapilyohan at kilalang playboy. "I'm Zane Tyrone Javier and you know who I am." Written By: WILD A...
216K 8.3K 31
Waiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER