You're Mine (Jailene)

By thekingsthrone

149K 4K 2.4K

"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino More

You're Mine (JaiLene)
Prologue
Chapter 1: Their life
Chapter 2: How I met him
Chapter 3: The Arrangement
Chapter 4: Whats mine
Chapter 5: Lalaban tayo
Chapter 6: Huli ka (Part 1)
Chapter 7: The one I'll marry (Part 2)
Chapter 8: Selda
Chapter 9: Let the love Begin
Chapter 10: What's mine: Take two!
Chapter 11: I'm sorry
Chapter 12: Team IGOP
(A/N: A must read authors' note!)
Chapter 13: Basketball
Chapter 14: With him
Chapter 15: Engagement
Chapter 16: Retreat
Chapter 17: Retreat 2
Chapter 18: Takot
Chapter 19: Realization
Chapter 20: Strawberries
Chapter 21: Tawa
Chapter 22: The Wedding
Chapter 23: Wedding 2
Chapter 24: Kiss
Chapter 25: His Voice
Chapter 26: Questions
Chapter 27: IGOP on the House
Chapter 28: Sharlene
Chapter 29: Confusion
Chapter 30: Blow the candles
Chapter 31: LAB-BAG
Chapter 32: Ulan
Chapter 33: Reasons
Chapter 34: My behalf
Chapter 35: Tampuhan
Chapter 36: Royal Rumble
Chapter 37: Jairus
Chapter 38: Suporta
Chapter 39: Strawberry Cake
Chapter 40: Mais
Chapter 41: Damdamin
Chapter 42: Truth
Chapter 43: Lies
Chapter 44: Listen
Chapter 45: Yakap
Chapter 46: Bitter and Sweet
Chapter 47: Secretary
Chapter 48: Taguan
Chapter 49: MMK
Chapter 50: Hospital
Chapter 51: Hospital 2 [Extended]
Chapter 52: You know you love her...
Chapter 53: Adrenaline Rush
Chapter 54: Condensed Milk
Chapter 55: New year..
Chapter 56: Bitin
Chapter 58: Victor's Story
Chapter 59: Other Part
Chapter 60: Finale
Epilogue
To be Your Lady

Chapter 57: Intermediate

1.3K 45 38
By thekingsthrone

Sharlene's POV

Pagkababa namin ng sasakyan, sabay kaming naglakad ni Jairus na magkahawak kamay papasok ng opisina. Mahinang hinila niya ako papalapit sa kanya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

Ngumiti siya ng matamis at hinalikan ako sa pisge matapos mahinang binulong ito sa aking tenga, "May surpresa ako sa 'yo mamaya."

"Ano yun?"

"Hay! Surpresa nga di ba? Pano yun magiging surpresa kung sasabihin ko sa 'yo?" Binitawan niya ang isa kong kamay at nagpatauloy ng paglalakad papasok ng opisina hila-hila ako. Pag dating namin, walang pagdadalawang isip na umupo ako sa aking pwesto sa labas ng opisina ni Jairus.

Kakatapos lang ng bagong taon pero parang may hangover pa kami parehas ni Jairus. Gusto ko mang magpahinga pa, alam kong kating-kati na si Jai makapagtrabaho ulit. Kinuha ko ang talaan ng mga gagawin ni Jairus ngayong araw, at sa bawat pag lilipat ko ng pahina naaalala ko ang mga panahong hindi maayos ang pakikitungo sa akin ni Jairus. Hindi ko lubosang maisip na magiging ganito kami ngayon sa isa't-isa parang kailan lang sinisigawan at minumura niya ako sa harapan ng maraming tao ngayon halos ayaw niya akong magas-gasan. Ayaw ko mang balikan ang nakaraan dahil puro masasakit na alaala lang ang dala ng mga ito pero gusto ko parin alalahanin ang parte ng pagkatao ni Jairus na mamahalin at iintindihin ko.

Naantala ang pagmumuni-muni ko sa tunog ng receiver, kaagad kong pinindot ang buton upang masagot ito, 'Mine? Nandyan ka ba?'

Isang ngiti ang kumurba sa aking labi saka sumagot, "Opo Sir, may kailangan ka ba?"

'Ahh, wala lang, na miss ko boses mo.'

"Huh? Eh magkasama pa nga tayo kanina, na miss moko agad?"

'Oo, korni ba?'

"Medyo ho sir." At kahit anong pigil ko, nakatakas parin ang mahinang tawa mula sa akin.

'Kinilig ka naman?' Narinig kong natawa narin siya sa kabilang linya.

"Mag trabaho na ho tayo sir."

'Teka, wala ba akong kiss dyan?'

"Anong kiss? Pano kita hahalikan sa intercom?" Nabigla ako nang tumambad sa aking harapan si Jairus na nakapamulsa at hawak-hawak ang kanyang telepono. Lumapit siya sa akin at mabilis na hinalikan ako sa aking labi. Puro kanchaw at hiyawan ang natanggap namin mula sa nakasaksi.

"Na miss kita." Mahinag saad niya.

"Ano ka ba? Bumalik ka na nga sa opisina mo! Nakakahiya sa mga empleyado!"

"Ang hirap kasing mag trabaho lalo na't nakikita kita mula sa maliit na bintana."

"Edi huwag mong tignan ang bintana, sige na! pumasok ka na sir."

"Sigurado ka bang gusto mong ngayon na ako pumasok? Hindi ka na ba makakapaghintay mamaya sa bahay—sa kwarto?"

"Ang dumi ng utak mo!"

"Ay, iba pala yun? Akala ko naman, pero pwede din mamaya pagkatapos ng lunch."

Akmang itatapon ko na ang hawak ko nang kumaripas siya ng takbo papasok ng kanyang opisina, bago sinarado ang pinto nginitian niya muna ako, "Mahal kita." Saad niya pa saka sinarado ang kanyang pintuan.

Nakangiting tinuon ko muli ang aking attensyon sa trabaho, ang mas nakakatawa, sa lahat ng pagbabagong nangyari sa amin ni Jairus, ang bilis ng tibok ng puso ko ang siyang di nagbago.

Jairus' POV

"Yes, kindly call all the board members." I said before putting down the phone.

Ilang linggo ko ring pinaghandaan ang surpresa ko para kay Sharlene, bago pa man ako naaksidente napagisipan ko na ang lahat ng ito. Ilang oras pa at dumating ang mga board members pati narin sila Dad, alam ko namang maliit na bagay pero gusto kong maging espesyal para kay Shar. Ang huling dumating sa lahat ng inimbitahan ko ay ang Tatay niyang si Victor, kasama si Tita Barbara.

"This better be good Jairus," Salubong sa akin ng Tatay ni Sharlene.

"Lahat ba sa 'yo hindi importante pag hindi tungkol sa pera?" Bwelta ko sa kanya.

"--- thank you for inviting us anak." Singit ni Tita Barbara na halatang pinipigilan ang tensyong magaganap pa lamang.

"You should be part of this occation, after all it's a surprise for Shar."

Nginitian ko ang aking ama na kakarating lang, kasunod niya ang mag-amang Aguas. Nilapitan ko sila Nash at nakipag kamayan sa kanila.

"I'm sensing an excitement." Ang unang lumabas na pahayag ni Nash. "but I'm hesitant at the same time."

"Let's see." Ngiti lamang ang sinukli ko bago naupo ang mga board members.

The corners of the company have witnessed my rage towards my wife, even the employees could give a statement.

This is the least I could fo for her.

Nakatuon lahat ng mga mata nang magbukas ang pinto at pumasok si Sharlene, nagmamadaling umupo siya sa bakanteng upuan na hawak ang talaan sa minutes of meeting. Tingin pa lang niya nag tatanong na kung bakit wala siyang alam sa biglaang meeting, ngiti lang ang sukli ko sa kanya.

"A pleasant day to everyone, JRA incorporation would like to extend our deepest gratitude to the board members who have been loyal on investing the company." Lahat ay nagpalakpakan sa sinabi ko. "I want also to extend my gratitude to my father who trusted the company in my hands, Dad, I promised I'll treasure this company. In a short while there might be adjustment on how the company runs, but in two months the sales have grown two times from its usual income." Muli ay nagpalakpakan ang mga board members. "This year, we're aiming not only for higher sales, that's why we're welcoming Mr. Nash Aguas as one of our inverstor, welcome to JRA corporation." Pinagbigyan ko muli ang board na mag palakpakan ayon sa anunsyo. Maging si Sharlene ay nagulat sa narinig. "I want things to fall on it's place." Habang iniisip ang isang linyang sasabihin ko, naisip ko lahat ng nangyari sa amin noon ni Shar, kung paano siya nag dusa sa galit ko parte na dun ang pagpapahiya ko sa kanya sa maraming tao. "The main reason why we are all here, is to formally announce our new Head of the Finance Group Department, my wife, Mrs. Sharlene San Pedro-Aquino."

Masasayang pagbati ang inabot ng board kay Sharlene ngunit nabigla ako nang tumayo siya at walang pasabing umalis sa conference room. I was left surprised, but before I could do anything else I managed to make my legs move to follow my wife.

"Sharlene!"

Hindi parin ako nililingon ni Sharlene kaya mas binilisan ko ang aking pagtakbo kaya nahabol at nahawakan ko ang kanyang braso at sapilitang ko siyang pinaharap sa akin.

"Mine! Teka nga lang, ano bang problema?"

"Anong problema? Sinabi mo lang naman sa board members na ako na nag magiging Head of Finance!"

"Nagagalit ka dahil na promote ka?"

"Oo! Malinaw na tayong nag usap tungkol sa sitwasyon ko di ba?!"

"Anong sitwasyon? Hindi ko maintindihan kung bat' ka nagkakaganyan!"

"Ayaw kong maging head of Finance."

"Tinatanggihan mo ba ang posisyon na ibibigay ko para sayo?"

"Akala ko naiintindihan mo ako Jairus."

Sapilitan kong kinalma ang sarili ko sa gitna ng kalitohan. "Eh pano nga kita maiintindihan kung di ko alam kung ba't ka nagagalit?!"

"Pabayaan mo muna ako Jairus, please lang."

"Anong pabayaan? Hindi ako papayag na ganito nalang matatapos ang paguusap natin pagkatapos kang mag walk-out sa harap ng board!"

Mariin niya akong tinignan sa aking mga mata, sa unang pagkakataon hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga mata ni Sharlene. Iniwas niya ang kanyang mga paningin bago nag desididong mag salita. "Gusto ko munang umuwi Jairus, pagod lang siguro ako."

"Pagod? Eh kakabalik lang natin sa bakasyon, pagod ka na?"

Hindi siya sumagot sa pahayag ko, hindi niya binalik ang kanyang mga mata sa akin.

"Mine, mag usap naman tayo oh." Malambing kong saad. Nababahalang baka lumala ang nangyari kanina.

"Mamaya, wag ngayon."

Sa huli wala akong nagawa kundi pabayaan siya, ayaw kong mag away kami ni Sharlene dahil dito kaya kinausap ko ang board members tungkol sa desisyon niya.

Sharlene's POV

Matapos makausap ang board members, hinatid ako ni Jairus sa bahay.

Nang marinig ko ang anunsyo ni Jai, lubosan akong kinabahan. Hindi dahil sa hindi ako kampante sa aking abilidad pero dahil may kutob akong ito ang isa sa gusto ni Papa. Habang nag sasalita si Jairus sa kanyang anunsyo, awtomatikong dumako ang aking paningin sa aking ama. Nakangiti siya at masaya, kaya mas kinabahan ako lalo. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Nash, lahat ay nagumpisa sa isang kasunduan kaya naiwang lugmok ang mga Aguas sa kamay ni Papa, hindi ako papayag na mangyari ang lahat ng iyon sa pamilya namin ni Jairus.

Kanina, parang nag balik ang pakiramdam ko noon, nung araw na inanunsyong ipapakasal ako kay Jairus. Hindi magandang umpisa nung una, ngunit naging daan iyon para makilala ko si Jairus bilang isang taong mamahalin ko habang buhay. Ayos sana kung ganun din ang mangyayari sa kaninang anunsyong ako na ang magiging Head of Finance, pero alam kong hindi. Hindi ko alam kung bakit iyon ginawa ni Jairus, siguro ay ang pangit pakinggan kung Secretarya lamang ang kanyang asawa sa mismong kompanya niya o di kaya para maalis sa kanya ang pagkakonsensya niya sa mga nangyari noon. Wala na para sa akin ang mga nangyari. Ang nakikita ko lang na resulta sa ginawa ni Jairus ay ang matagumpay na mukha ni Papa. Pero bakit? Sa lahat ng posisyon bakit Head of Finance pa? Posisyong malapit sa kanilang pera. Marahil isa sa rason ni Jairus ay dahil sa ito ang pinaka mataas na posisyon sa kanilang kompanya na ayon sa kursong kinuha ko sa kolehiyo.

Nag pasya akong magbihis muna nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa baba. Bumilis bigla ang pulso ko, nanatili akong nasa kwarto. Mabilis akong lumabas ng dressing room upang isarado ang pintuan nang bigla nalang itong bumukas.

Ang galit na mukha ni Papa ang sumalubong sa akin. Malaking hakbang lang ang kailangan para maabutan niya ako, hindi na ako nakapalag nang hatakin niya ang buhok ko at pabagsak na tinapon ako sa sahig.

"Kahit kailan wala ka nang ginawang tama!"

"Papa! Wag—"

Agad niya akong sinampal sa pisnge, ang akala ko'y di ko na matitikman, muli ay nanatiling akala ko nalamang.

"Head of Finance yun! Malapit na sana ako pero tinaggihan mo pa!"

"Malapit sa ano? Sa plano niyong ibaksak ang kompanya nila Jairus at kamkamin ang yaman na meron sila?!" Marahas niya akong sinabutan, nagpumilit akong makawala sa lakas ng pagkakapit pero wala akong magawa.

"Alam mo pala, sinadya mo talagang sirain lahat ano?!"

"Hindi ako papayag na gawin mo sa pamilya ni Jairus ang ginawa mo kina Nash! Wala kang makukuha sa kompanya nila Jairus! Wala! Wala! Wala!"

Hinawakan ni Papa ang aking mukha bago pinakawala ang isang sampal. Halos hindi ko na maramdaman ang pisnge ko sa sakit. Namamanhid, nanginginig.

"Ang lakas ng loob mong sabihin yan sakin!" Naramdaman ko muli ang kanyang mga kamay'ng humablot sa aking buhok. Nakikita ko siyang nagsasalita, nakakabingeng pagmumura ngunit hindi ko na siya marinig marahil dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"Itigil mo yan!" Doon ko lang muli narinig ang isang boses, hindi ang mga sunod-sunod na mura ni Papa kundi si Jairus.

"Jai.." Naginginig at maygalak kong saad.

"Ayan na pala ang tagapag-tanggol mo eh."

Lumapit sa akin si Jairus ngunit nahawakan ni Papa ang kanyang braso doon ko nasaksihan ang mabilis na suntok ni Jairus sa mukha ni Papa. "Wag na wag mokong hahawakan!"

"Hayop ka!" Marahas na suntok ang naibigay ni Papa kay Jairus, bago pa man matamaan si Jai naka ilag na siya sa suntok ni Papa. "Dahil 'to sayo Sharlene! Dahil 'to sayo!" Galit na sigaw ng aking ama.

"Wala kang karapatang pagbintangan ng kung anu-ano si Sharlene Victor! Lalo na't hindi mo siya anak!"

Jairus' POV

Bago ko pa mapagtanto, nasabi ko na ang bagay na makakasakit sa asawa ko. Biglang kumalma si Tito Victor, alam kong hindi niya inaasahan ang sasabihin ko.

"Alam mo pala?"

"Umalis ka na sa bahay namin Victor!"

"Kaya pala ang lakas ng loob mong lumaban sa akin dahil alam mong hindi ako ama ng asawa mo."

"Sabing umalis ka na!!!"

Sandali ay tinignan niya si Sharlene sa aking likoran habang ako'y naghihintay ng pagkakataong makausap siya. Ilang sandali pa ay umalis na si Tito Victor at naiwan kami ni Sharlene sa loob ng kwarto. Narinig ko ang pabagsak na pagsarado ng pinto senyales na nakaalis na si Tito sa bahay. Dahan-dahan kong nilingon si Sharlene kahit na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanya.

"Min—Shar—"

Nakita kong tumakbo papalabas ng kwarto si Sharlene, gusto ko man siyang sundan pero alam kong kailangan niya ng espasyo. Hindi ako yung taong tatahimik nalang, ako yung taong mangungulit, ipagpipilitan ang gusto kong mangyari at di iniisip ang mararamdaman ng iba, binago nga yata ako ni Sharlene.

Sharlene's POV

Sa isang iglap lamang, hindi ko na agad kilala ang sarili ko. Hindi anak? Kung gayun, sino ang mga magulang ko?

Buong buhay ko ang alam ko lamang ay magtago sa anino ni Papa. Ang alam ko lamang ay kung paano matakot. Sa gitna ng kalituhan, biglang naisip ko ang isang taong alam kong makakasagot ng lahat ng katanungan ko, at yun ay si Mama. Pumara ako ng taxi at tinungo ang bahay namin—kung saan ako lumaki. Agad akong pinagbuksan ng mga gwardya, nakita kong wala pa ang sasakyan ni Papa kaya alam kong wala pa siya.

"Anak, anong nangyari sa 'yo? Bat' puro pasa ka?" Nagaalalang tanong sa akin ni Mama. Hinayaan kong mahulog ang luha ko sa aking mga pisnge. Nakatingin lang ako kay Mama, ni hindi ko nga alam kung tunay ko ba siyang Ina. "Anak—" Humakbang siya papalapit sa akin.

"Alam ko na."

Napahinto si Mama, bakas sa kanyang mukha ang magkahalong gulat at pagtataka. "Alam mo na ang alin?"

"Na hindi ako Anak ni Papa—na hindi nyo ako anak!"

Sa reakyon ni Mama, hindi ko na kailangan pang marinig ang kanyang sasabihin, humakbang ako papalyo sa taong kaharap ko ngayon. Buong buhay ko nabuhay ako sa kasinungalingan.

"Nagkakamali ka." Ang katagang nagpahinto sa akin. "Anak kita Sharlene—kayo ni ate Miles mo, ngunit hindi si Victor ang inyong ama."

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 474 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
327K 8.2K 65
What will happen when the Perfect Casanova and the well known Naughty Prince Alexander Del Fuego a member of MiRaGe, meets someone like Cinderella? o...
25.6K 548 33
Isang babaeng Walang gustOng gawin kondi pasayahin ang mga tao NASA paligid nya at palaging sinasabi na kung sakaling mawala ako ay naging masaya na...