MONTGOMERY 1 : Caught (Publis...

By SilentInspired

11M 227K 16.6K

Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and firs... More

Adrianna
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas
Batch 2 (Self-Publish)
My heart speaks
PSICOM
PSICOM RUSH
SilentInspired Closer

Kabanata 14

202K 4.5K 366
By SilentInspired

Beast

Ibinuka ko ang bibig ko pero sinara ko ito ulit at bumuntong hininga.

"H-hindi kita.. maintindihan." Damn. Anong klaseng sagot yon? What the heck Adrianna. Nice.

Kita ko ang panandaliang pagpikit niya.

"Nevermind. Let's go." Aniya at nauna ng maglakad sa akin. Unti-unti lang ang pagsunod ko sakanya. Nasa likod niya ako pero natigilan ako ng bigla siyang lumingon sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Ayoko na nasa likod lang kita.. gusto ko kasabay kita maglakad." Lumipad ang mga paru-paro sa tiyan ko. Really ethereal.

Sabay kaming naglakad. Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Hindi ko din alam kung bakit hinahayaan ko siya. Wala pa akong nakaka holding hands kahit isa.

Nang makarating kami sa Prius niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti ako at sumakay. Agad na pumasok sa sistema ko ang bango ng sasakyan niya.

Napatingin ako sakanya nang hindi pa siya umaalis sa tabi ko. Pero nasagot ang tanong ko ng bigla siyang lumapit sa akin kaya napaawang ang labi ko. Inabot niya ang seatbelt at siya ang mismong nagkabit non.

"Safety" aniya at ngumisi. Sinara niya ang pinto at parang nabunutan ako ng tinik dahil doon. Sumakay na siya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

Hindi ko akalain na nasa loob ako ng kotse niya. I wonder kung ilang babae na ang sumakay dito..

"Just trust me." Aniya habang ngumingiti. Atleast mukhang nakalimutan na niya ang nangyari kanina. Mula sa gilid ko ay kitang kita ko ang pag litaw ng dimples niya.

Ako? Hindi ko alam kung magagawa ko bang matulog mamaya dahil sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay gising na gising lahat ng cells sa katawan ko.

"Bakit pala kayo lumipat dito sa Cebu?"

"Well.. nandito ang mga lupain namin. Tsaka gusto nila dad na dito na mag-focus." Saad ko habang tinitignan lamang siya.

"Don't look at me like that.. ayaw mo naman siguro ma-aksidente tayo" napahalakhak siya bahagya kaya napaismid ako. Kainis talaga siya.

"Grab my ipod there.. you can scroll and play some music." Huh? Ayos lang ba iyon? Ang pakielaman ang gamit niya?

Hindi ako gumalaw dahil nahihiya ako. Of course! Unang beses palang akong sumakay dito tapos gagamitin ko na ba ang mga gamit niya.

"Kulit mo" aniya at siya na mismo ang kumuha ng ipod at inabot iyon sa kamay ko. Napatingin ako sa may salamin dahil hindi ko mapigilan mapangiti.

Bakit parang.. girlfriend duties to? What the heck! Adrianna! Be serious!

Namili ako at hinayaan ang mga kanta ni Justin Bieber na tumugtog.

"Dito ba talaga kayo sa Argao?" I'm just curious.. or katulad lang nila kami na napiling mag-base dito.

"Yeah. Dito na talaga kami. Ikaw? Masaya ka bang nandito ka? Or you still miss Manila?" Gamit ang isang kamay niya ay niliko niya ang kotse. Palayo na kami ng palayo..

Ang nakakapagtaka lang ay hindi man lang ako kinabahan. I'm getting comfortable..

"I miss it.. akala ko nga ay magiging gloomy ang days ko dito. Ibang iba sa Manila. It's like.. napaka rural pero it's not that hard. I'm quite enjoying actually." I honestly said. Akala ko talaga ay agad akong magsasawa sa lugar na 'to pero malaking kamalian pala ang naisip ko.

"I hope I'm one of the reasons." Aniya kaya napatingin nanaman ako sa bintana sa gilid. What the heck is he saying? Gusto niya ba ako magkulay kamatis? My cheeks are burning.

Bakit hindi siya pumreno? He is so fast and smooth. Damn. I'm damned.

Sinubukan kong maging normal ulit at inayos ang sarili ko. I can't help but smile! Liningon ko siya at kita ko ang paglalaro ng ngiti sa labi niya.

"Buti restaurants ang napili mong business?" Honestly.. kung iisipin ay mas bagay na business sakanya ay mga bar. Kidding!

"It's my grandfather's dream. Kung hindi daw kami naging political family at gusto niyang magka business ang pamilya.. he wants it to be a restaurant." Kakaiba ang lolo niya. Mukhang nagmana siya rito at mukhang close siya dito.

"HRM ka ba?" Kita ko ang pagkunot ng noo niya pero napangiti siya.

"You're getting curious.. I like that. Business Management ang course ko. I like cooking pero I need to take BM as my course para sa sarili kong business. Besides.. pwede naman matutunan ang cooking mag-isa. You just need to put your heart on it." Napangiti ako sa sinabi niya. I can sense his passion for cooking.

Ma swerte ang makakasama niya habang buhay.

Great! Ang aga naman non para isipin ko.

"Ibig sabihin wala akong puso para sa cooking?" Natatawa kong saad. Bahagya rin siyang natawa. I just admitted my weakness.

"Hindi ka marunong magluto?" Tanong niya.

Why did I even told him that? Nakakahiya tuloy! Syempre! Mas maganda tignan sa babae ang mga marurunong. It's somehow.. essential.

Umiling ako at nilaro ang mga daliri ko. "No.."

Turn off!

I need to ask Alice to teach me! Alice is very gifted sa cooking. Agatha is into baking. Tulip is into crafting. Me? I don't know! Eating?

"Ibig sabihin kailangan mong maghanap ng mapapangasawa na marunong magluto." Napalingon ako sakanya dahil sa sinabi niya. Nakangisi siya na parang proud na proud sa sinabi.

Tama naman siya. Paano ako mabubuhay at ang taong makakasama ko kung walang marunong magluto. Wait! May mga taga-luto at chef naman! May mga restaurant naman.

Ipinilig ko ang ulo ko habang pinipigilan tumawa.

"Caden.." mahinang tawag ko sakanya.

"Kung pwede lang itanong.. bakit kayo nag away ng dad mo?"

Mali ata? Yung curiousity ko nasa high level nanaman!

Nagkibit-balikat siya. "May bagay kaming hindi napagkasunduan. I need to get out from his grip to get that something.."

Something?

"Nakuha mo ba?" Sandali siyang napalingon sa akin pero mabilis din binalik ang tingin sa harap.

"Yeah.. pero nawala din agad." Aniya at natigil ako sa pagiisip ng pinarada niya ang kotse. Tinignan ko ang bintana para makita kung nasaan kami. Napaawang ang labi ko.

I didn't know.. may ganito sa Argao.

"What do you call this place.." mahina kong tanong. Naramdaman kong inalis niya ang pagkaka-seatbelt ko. Damn! Why is he so gentleman? Ganito ba siya sa lahat?

"This is the Riverstone Castle." Aniya at bumaba na sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at mabilis akong bumaba. This is such a beautiful place.

"Let's go?" Tumango ako sa sinabi niya at sumunod sakanya. Napangiti ako ng binagalan niya ang lakad niya para makasunod ako sakanya.

Linibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Wala man guard o taga-bantay. Walang katao-tao..

"Tayo lang talaga ang nandito no?" Tanong ko habang sinusubukan hawakan ang pader na napakaganda tignan.

So medieval.

"Wala man lang guard o ano? This is a resort right?" Dapat ay may tao sa accomodation.

"Kaibigan ko ang may ari.. I asked him to close it for a while." Wow. He's really somthing. Pumanik kami sa hagdan at narating namin ang tuktok ng parang caslte, it was the same with Rapunzel's castle.

Napangiti ako habang hinahawakan ang railings na gawa sa bato. It was such a beautiful place.

"My mom told me.. fairytales are true." Nagulat ako sa sinabi niya. It's really weird to hear the word fairytales from a guy.

But instead of getting turned off.. mas lalo akong..

No. I will never admit that.

"Really?" Tanong ko. Liningon ko siya at prenteng nakasandal na siya sa railings. He looked like a prince charming.

"Yeah.. but not literally with horses and swords, gowns and castles." Liningon niya na rin ako at napangiti ako.

"Then what?"

He smiled.

Sa panahong 'yon. Nakita ko ang ibang Evander Caden Claveria. Hindi ang lalaking kinakatakutan ng iba, hindi ang lalaking gustong gusto ng iba. Kung hindi, ang lakaking nag kekwento sa akin ngayon.. ang lakaking nakangiti na parang pinapaliwanag niya sa akin na marami pang mas magandang bagay sa mundo.

It's beyond everything.

Very ethereal.. it is.

"It's in our heart." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don't understand..

Maybe because I'm not interested from things like this before.

"What do you mean?" Lumapit siya sa akin at hinawakan din ang railings. Damn. We're so damn close.

Nagkalapit na rin ang mga braso namin.

"The fairytales.. it's in our hearts. You will only experience fairytales there." Lalo akong napangiti sa sinabi niya at napailing.

This guy!

Naramdaman kong may umikot sa tyan ko.

"I never thought I'm gonna hear that from you!" Natatawang wika ko. It's Evander!

"What? A beast can be sweet too. Sometimes.." aniya.

Tinignan ko siya at nagtaas ako ng kilay. My cheeks. I can feel them getting hot.

"So you admit that you're a beast?" Tanong ko sakanya. Nagkibit-balikat siya. Lumitaw ang dimples niya. Sarap talagang pindutin.

"Well.. yeah. You can say that." Natawa ako sa sagot niya. He still doesn't want to admit it!

Huminga ako ng malalim at tinignan ang kabuuan. It's very pure..

"Why did you bring me here?" I wanted to ask this. It's a little weird.

"I already told you. You're a princess. You suited this place too much. Habang tinitignan kita ngayon.. I can tell that it's like looking to a picture. A princess in her own castle." I made a face. Natatawa ako sakanya. His words.. damn his words.

Akala ko magkakagusto ang tao sakanya kasi.. he's too great.

But I'm wrong. He's more than that. There is more to the Evander Caden Claveria that everybody knows.

"Wow. I didn't expect that. So now.. you're a beast and I'm the princess?" Natatawa kong tanong sakanya.

I can see that he's amused.

Oh! I want him amused! If other girls wanted him to be satisfied. Me? I just want him to smile and be amused. The heck?

"That's a good conclusion Ms. Grace. A beast and a princess." Natawa ako sa sinabi niya.

Bigla siyang nagseryoso at tinignan ako muli sa mata. Ayoko man salubungin ang mga tingin niya ay parang hinihila naman ako nito.

"Actually.. dinala kita dito kasi. I want to spend time with you. More. More and more. I want to know you.."

With his eyes looking at me like that. With he's everything looking at me. I feel like.. we're in a different world. This is beyond ethereal.

He's indeed a beast. A very dangerous one.

Continue Reading

You'll Also Like

675K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8M 40.4K 50
"I'm pregnant and you are the father." -girl "WHAT?! Girl, di akin yan. Di tayo talo pareho tayong dyosa ng kagandahan." -beki --A typical story of...
80.2K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...