Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

36th

124 3 10
By lesanlaine

36

LESLIE

Hinatid ako ni Gio sa bahay, hindi ko naman alam na nandito na rin pala si Papa. Napa-aga ang uwi niya ngayon kaya nakita niya si Gio kanina.

"Manliligaw mo o taga-hatid?" sumunod pala si Papa sa'kin sa kwarto.

"Po?"

"Si Gio, kung manliligaw mo o ginagawa mo lang taga-hatid?"

"Ay grabe ka, Pa. siya 'yung may gusto na ihatid ako"

Ayaw niyang maniwala, "Tsaka anong manliligaw? Hindi 'yon nanliligaw, bawal nga 'di ba?"

Nag iinspeksyon siya ng mga gamit ko sa kwarto, nakita niya pa 'yung rainbow rose na nakalagay sa vase. Iyon nalang ang buhay na rosas sa kwarto ko, "Anong tawag dito?"

"Bulaklak, Papa" tapos tumawa ako. "Ikaw bata ka, kapag may boyfriend ka na sabihan mo ako. Baka bukas kayo na ni Gio"

"Hindi 'yon, Pa. Bawal akong magkaroon ng boyfriend ngayon. Bata pa ako"

Ang usapan ay usapan. Bawal pa talaga, "Bawal? Mukha ngang may boyfriend ka na"

"Papa naman, hindi 'yon. Feelingero kasi si Gio"

"Nak, mga isang taon kang magpaligaw. Hindi isang linggo"

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Papa. "Wala naman nanliligaw, Pa"

"Sinasabi ko sa'yo, Leslie ikaw na ang bahala sa gusto mo. Sa totoo lang anak, ayaw pa kitang payagan tsaka iba ang pamilya nila Boss, mataas. Mahirap abutin"

"Oo nga, Pa. Ang liit ko pa naman" pagbibiro ko.

"Seryoso ako, nak. 'yang si Gio nakapag paalam na. Ikaw na ang bahala sa sagot mo"

"Nakapagpaalam?"

Oh hindi, may manliligaw na ako? Bakit wala akong kaalam-alam?

"Ayusin ang pag-aaral at huwag mag-aasawa ng maaga. Kapag may ginawa sa'yong hindi maganda sumbong mo lang sa kuya mo at kay Jewel"

Silang dalawa na raw ang bahalang mag sintensya kay Gio.

Ang isang iyon wala man lang sinasabi sa'kin tungkol sa napag-usapan nila ni Papa para tuloy akong tanga na walang alam sa mga nangyayari. "Nakakatuwa rin naman 'yung batang iyon, tinetext din naman ako"

"Sus, si Papa may textmate"

Mas madalas pa yata na sila ang magkatext kesa sa'kin. "Ikaw nga ang palaging tinatanong sa'kin"

"Iniiba ang usapan"

Pinabasa pa ni Papa 'yung mga text ni Gio sakanya na hindi pa niya nabubura, tinatanong nga ako sakanya. Kung gising pa ba ako at kung anong ginagawa ko. Leche 'yon, pwede naman ako ang itext.

~

"Hoy, Leslie!" ang sarap ng pagkakaupo ko dito sa sala nang may dumating na asungot, "Ano?!" tanong ko kay Jewel.

"Wala naman"

"Wala raw, sya labas na"

"May manliligaw ka na pala" tumabi siya sa'kin. "Sinong nagsabi sa'yo?"

"Si Kenn"

Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan, "Hindi pa nga pink ang buwan may manliligaw ka na, akala ko pa naman magiging ako na iyon"

"Wala akong alam dun"

"May gusto ka sakanya 'no?"

Tumanggi ako, "Halata naman, umamin ka na. Ako lang makakaalam"

Hindi pa rin ako umamin, humiga siya sa sofa, hindi ko alam kung anong iniisip ni Jewel ngayon dahil hindi siya nagsasalita, "I want words but all I heard was nothing" kumanta na siya. Ayan na ulit ang pasimpleng concert niya na may halong pagpaparinig.

"Kailan nga alis niyo?"

"Sa Lunes na, tatlong araw nalang"

"Ingat kayo ni Kuya doon ah, susulat kayo nang madalas"

"Cause I still don't know how to act, don't know what to say but you're long gone and moved on"

"Anong pakulo 'yan, Jewel?"

"From this moment I, I'm changing the way I feel"

Hindi niya ako pinapansin, nakanta ba siya o kinakausap nalang ako? Nalilito na ako sakanya. "May pinagdadaanan ka ba?"

"Marami, ang sakit palang mabalewala"

Ramdam ko ang pagiging seryoso niya, "Ano kayang pakiradam kung naging tayo, 'no?"

"Siguro masaya, ewan" sumagot nalang ako. "Pero imposible naman na mangyari 'yon, ayaw mo kasi sa'kin. Kuya lang ako sa'yo, tapos 'yung isang pugo na 'yon gustong gusto mo"

"Wala akong sinasabi na gusto ko siya"

Kahit sa totoo lang gusto ko si Gio hindi ko pa rin sasabihin kay Jewel. Isang malakas na sampal sakanya kung maririnig 'yon mula sa'kin. "Nakikita ko sa mga kilos mo, ang saya mo pa kapag kasama siya. Edi kayo na"

"Jewel naman"

"Paano kung sa pagbalik ko hindi pa rin kayo? Bibigyan mo 'ko ng pagkakataon na makilala ka pa?"

"Ayaw kong pag-usapan"

"Kapag pinaiyak ka ng gago na 'yon sabihin mo lang sa'kin. Babasagin ko mukha, kapag iniwan ka sa ere sabihin mo lang sa'kin hindi mo na siya makikita"

"Hindi 'yon mangyayari"

Tumingin siya sa'kin, "Bakit ang hirap magpanggap na ayos lang?"

"Nakakapanibago ka, wala ka bang baon na joke diyan?" ang seryoso niya ngayon hindi man lang ngumiti. Simula nang pumasok siya sa bahay kanina nagpaka seryoso na.

"I could spend the rest of my life chasing you. May kape ka ba?"

Hindi ko pinansin ang una niyang sinabi, "Wala. Bakit mo gusto ng kape?"

"Magpapakalasing ako sa kape"

Tinawanan ko ang sinabi niya, "Pwede ba 'yon?"

"Oo. Nagkagusto nga ako sa babaeng walang gusto sa'kin e, kaya pwede ka rin malasing sa kape"

Bakit ngayon na kausap ko siya nagbago na lahat? Hindi na siya si Jewel na makulit, iba na ang Jewel na kausap ko ngayon. Siya na ang Jewel na parang kapatid ko. Sa tono palang ng pananalita niya nararamdaman ko na mas matanda ang kausap ko ngayon. "Ganyan ba ang malapit ng mag 20?" pagbibiro ko. Malapit na daw ang birthday niya, hindi nga lang sinabi sa'kin kung kailan.

"Les, paano kung ako nalang ang lalaki sa mundo. Magpapakasal ka ba sa'kin o iiwasan mo lang ako?"

"Kasal agad? Grabe ka, Jewel"

Hindi ko rin maintindihan ang mga sinasabi niya sa'kin. "Nagtatanong lang naman"

"Siguro. Depende"

"Iiyak ka ba kapag namatay ako?"

"Bakit mo ba tinatanong 'yan?"

Nakakatakot ang mga sinasabi niya, kahit biro lang ang mga 'yon hindi pa rin niya dapat sinasabi na mamamatay siya. "Gusto ko lang malaman kung iiyak ka para sa'kin"

"Oo naman, kaibigan kaya kita. Malamang mahalaga ka sa'kin"

"I think I want you more than want, I think I need you more than need" nagsimula na naman siyang kumanta, "I could die more than die every time that you look at me"

"Ang lulungkot naman ng kinakanta mo, Carly Rae nalang"

"Ganyan talaga kapag sawi sa pag-ibig. Lahat nalang ng babaeng nagustuhan ko ayaw sa'kin, si Sam Pinto, si Isabelle lahat nalang kayo lalo na si Leslie, ayaw niya rin sa'kin"

Natawa ako doon sa mga babaeng gusto niya. Akala ko si Carly Rae lang ang kilala niya may iba rin pala. "May ibang para sa'yo, malay mo artista o kaya naman singer"

"Oh, Diyos ko ano ba naman ito. Di ba, tangina nagmukha akong tanga pinaasa niya lang ako. Lecheng pag-ibig 'to"

Napatahimik ako, nagpaparinig na naman ba siya? Tumayo na siya para umalis.

"Salamat sa magandang regalo, mamimiss kita"

~

Magandang regalo?

Kaagad kong tinanong si Kuya kung kailan ang birthday ni Jewel "Ngayon, hindi mo alam?"

Grabe, ang sama ko sakanya. Hindi ko man lang inalam na birthday niya ngayon. Wala akong naibigay sakanya, wala rin akong nagawa para sumaya siya sa birthday niya, binati ko siya sa text maging sa FB nag post pa ako ng picture namin na magkasama pero hanggang ngayon hindi man lang niya nailike ang post ko na 'yon.

Dalawang araw na siyang hindi napunta sa bahay, bukas aalis na sila pero hindi ko pa rin siya nakikita. Ano bang nagawa ko kay Jewel?

"Ate, nagtext si ate Monica sa'yo"

Buong maghapon na si Kitt ang may hawak ng phone ko, wala naman kasi akong katext. Lahat sila hindi na ako naalala, binasa ko 'yung message niya...

From: Monica
Les, nandyan si Kenn? May surprise ako sakanya mamaya, pwedeng pumunta sainyo?

To: Monica
Nandito si Kuya nandun sa sala nanunuod, anong oras ka pupunta?

From: Monica
Ngayon na sana, nasa byahe na ako e.

To: Monica
Ikaw ah! Kayo na ba ulit? Grabe ka makapag surprise babalik pa naman si kuya.

From: Monica
Matagal kasi siyang mawawala. Hahaha. Malapit na ako.

"Kuya, kapag may nag doorbell ikaw na magbukas"

"Bakit hindi ikaw?" ang sungit ng lalaking 'to, hindi man lang naalis ang tingin doon sa pinapanuod. "Bahala ka, hindi ko bubuksan"

Narinig ko na nga ang doorbell na 'yan, nagtinginan pa kami ni Kuya.

"Kenn, nandito si Monica" sigaw ni Mama mula sa labas. Ay, nabalewala ang plano. Surprise dapat 'yon e. kainis si Mama.

Tumingin ako kay kuya, nakatingin siya doon sa pinto ng bahay namin. "Ayie, ngingiti na 'yan"

"Hindi 'yon si Monica, tulog pa 'yon ngayon"

"Bahala ka, kuya"

Bumalik na ako sa kwarto, nagkukulay pa kami ni Kitt ng maraming Panda sa coloring book ko na binili ni Kuya kahapon.

~

Si Kuya na ayaw maniwala na dumating si Monica kanina ayun ang saya na. Magkasama na silang dalawa, ngayon ko lang nakitang nagluluto si Kuya sa kusina. Yung lalaki na 'yon talaga hindi man lang mag effort para kay Aica, palagi nalang 'yung babae ang maraming surprises para sakanya, mukha nga silang hindi naghiwalay.

"Ate, kapag si ate Monica ang magiging asawa ni kuya siguro sobrang masaya siya"

"Paano mo nasabi?"

"Palaging masaya si kuya kapag magkasama sila, napapanaginipan niya pa yun e, naririnig ko kasi sinasabi niya 'yung pangalan ni ate Monica"

Tumawa ako sa sinabi niya, no'ng nalasing nga si Kuya pangalan ni Monica ang sinasabi niya. Nasaan daw si Aica bakit daw wala sa tabi niya. Sobrang nakakatawang malasing ang kapatid ko.

"Narinig ko nga na aalis sila mamaya siguro may date sila" dagdag pa ni Kitt.

"Aalis nga sila, matagal na kasing mawawala si Kuya, sama ka sakanila?"

"Ayaw. Sila nalang, kakain ako dito mamaya"

Hinahanap na rin ni Kitt si Jewel sa'kin, bakit daw hindi pa napunta ulit dito. Siguro abala lang ang isang 'yon, ikakasal na kasi ang daddy niya.

Nakigulo na rin kami ni Kitt kina kuya sa kusina kasama na nila si Mama, kinakausap niya si Monica kung sila na raw ba ulit ng kapatid ko, "Hindi pa po, tita. Mga isang taon ko ulit paghihintayin"
"Nag sorry na nga ako tapos ganyan ka pa sa'kin"

"Ikaw kaya ang umiyak, kung makapagsalita ka dyan. Ikaw 'yung nang-iwan, oy"

Natatawa nalang kami ni Kitt sa kanilang dalawa. Si Mama naman hindi masyadong halata na si Monica ang kinakampihan. "Umiyak din si Kuya, nakita ko" biglang singit ni Kitt sa usapan.

"Huwag ka nga dito, doon ka sa labas" sabi ni Kuya sakanya.

"Umiyak naman pala, mga dalawang taon pa, hija" sabi ni Mama kay Monica. Mas lalong nainis si Kuya, pinagtutulungan na daw namin siya.

"Oy, Les hindi pa ako payag doon kay Gio. Makatawa ka dyan"

"Pati ba naman si Les pagbabawalan mo sa mga Angelo?" –Monica

"Anong problema mo sa Angelo, Kenn?" tanong ni Mama sakanya, "Tita, 'yung nagbabalak po kasing manligaw sana sa'kin na marine engineering ang course sa school Angelo ang pangalan tapos galit siya kay Gio"

"Sayang! Dapat 'yon nalang, hija. Hindi mo na sana binalikan 'tong anak ko"
"Ma, sino ba sa'min ang anak mo?" tanong ni Kuya sakanya.

Walang sinabi si Mama. Dinala niya si Monica sa sala, doon na daw sila mag-uusap.

"Wala ka pala sa mga Angelo, iyak na kuya. Buti nalang binalikan ka pa"

"Hindi pa nga kami" reklamo niya. "Hindi pa kayo ulit, okay lang 'yan doon rin ang ending niyo"

~

Charmaine

Oh my gosh! Sobrang maraming oh my gosh!
Nagmadali ako sa paglabas ng bahay, kailangan kong pumunta kina Gigi, may sasabihin ako sakanya.

"Tita, si Angelo po?" naabutan ko ang mommy niya sa labas ng gate nila na sa tingin ko ay paalis palang. "Nasa loob, puntahan mo nalang"

"Thank you po. Ingat kayo, tita"

-

Hinanap ko agad si Gigi dito sa baba nila kaso wala naman siya maging sa kusina, alam ko na kung nasaan ang batang 'yon. Nagpunta ako sa second floor nila at sakto nakita ko si Gigi sa tapat ng pinto ng kwarto niya, "Gigi!" tawag ko sakanya na naging dahilan ng pagtigil niya sa pagbukas ng pinto ng kwarto niya.

"Ginagawa mo dito?"

"May sasabihin ako sa'yo"

"Sabihin mo na ngayon dito, bawal ka sa kwarto ko"

"Ang unfair mo, pwede naman ako dyan dati ah"

Tiningnan niya lang ako, "Kainis ka! Papasok na ako, ang daya mo naman"

"Hindi nga kasi pwede"

"Nanunuod ka ng porn 'no?" inaasar ko lang naman siya kahit na hindi ko pa siya nahuhuling nanunuod ng ganun, binabasa niya lang 'yung libro ko ng fifty shades of Grey at hindi pa siya tapos hanggang ngayon. Natatawa daw siya sa nababasa niya, walang katawatawa doon pero natatawa siya. Iba na ang nasa isip ng lalaking 'to.

Nakatingin pa rin siya sa'kin, "Angelo naman, sige na"

"May ginagawa ako. Bawal ka sa loob"

Kaharap niya siguro ang sketch pad niya. Bawal siyang maistorbo kapag ginagamit niya ang lapis at 'yung pad na 'yon kahit si Gia hindi pwedeng pumasok sa kwarto niya. "Okay, fine. Sasabihin ko na nga sa'yo. Nagtext kasi si Delfino sa'kin"

"I'm not interested" sabay pasok niya sa kwarto pero iniwan niyang bukas ang pinto. Yey! Pwede na akong pumasok. "Not interested ka dyan, makinig ka nalang"

At tama nga hinala ko, nag dadrawing siya ngayon. Nakalabas lahat ng drawing materials niya, "Bakit lahat panda 'yan?"

Bawat makita kong pahina ng sketch pad niya panda ang laman, "Sinubukan ko lang"

"Sinubukan, ibibigay mo kay Les 'no?"

"Ewan"

"Kinikilig ka na naman, ito na ang kwento ko. Inaya niya ako sa bahay nila bukas, ipapakilala niya ako sa parents niya. Grabe, Gi. Kinikilig na ako ngayon"

Hindi na maalis ang ngiti sa mukha ko.

Nagulat rin ako nang mabasa ko ang message niya sa'kin, pumayag naman ako. Nagpaalam pa  nga ako kay Mommy kung pwede at pumayag naman siya.
"Ginawa mo na siyang tunay na lalaki"

"Yes. Sobrang cute niya"

Nakita ko na napailing si Gigi sa sinabi ko, nagsasabi naman ako ng totoo. Hindi na siya gumagamit ng make up ngayon at maayos na rin siyang mag damit, nagpagupit na rin siya para hindi na siyang magmukhang babae. Natuwa nga ako sa ginawa niya kahit na ginawa niya lang 'yon dahil nandito ang kanyang butihing ama.  "Cute naman lahat sa'yo"

"Oo nga, pati ikaw cute ka din kapag naka ngiti"

"Mukha kang psycho diyan" nakangiti pa rin kasi ako. "Bakit di ka dun sa condo mo ngayon?"

"Nandoon sina Cy, mamaya pa ako pupunta"

"Binigyan mo na rin sila ng permit na pumasok do'n kahit wala ka?"

Hindi siya sumagot. Napakabait na bata, lahat ng gamit niya pinapagamit niya rin sa kaibigan niya.

"Bakit ka pupunta sakanila?" tanong niya sa'kin. Naghahanap ako ng phone sa tabi ni Gio o kaya hawak niya pero wala, "Hindi mo tinitext si Les?" pag-iba ko sa usapan.

"Natutulog"

"Ayieee, ikaw ah! Iba ka na talaga, Gio"

Napuna ko rin 'yung tigre na nakapatong sa lamesa, "Iyan si Barney?" tinuro ko pa 'yung tigre, kukunin ko nga dapat pero inilayo niya kaagad sa'kin.

"Oo"

"Bakit Barney? Dinosaur si Barney ah"

"Paki mo"

Ang sungit na naman niya. Tinigil na rin niya 'yung pag drawing sa mga panda. "Sabi niya ipapakilala niya ako sa daddy niya bukas"

"Bakit daw?"

Nakatingin siya sa'kin ngayon halatang gusto niyang malaman ang sagot, "Hindi ko rin alam"

"Gusto mo talaga siya?" tumango ako. Gusto ko siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Gi, mahirap ba akong magustuhan? Hindi naman ako maarte, 'di ba? Kumakain naman ako ng kahit anong pagkain kahit exotic pa 'yan"

Wala siyang sinabi, tumayo siya tapos may kinuha doon sa bed side table, ayun pala ang cellphone niya. "Malay ko, wala naman akong gusto sa'yo"

"Alam ko naman, pero kung hindi kita kinakapatid, magugustuhan mo kaya ako?"

"Hindi" mabilis niyang sagot, "Bakit hindi?"

"Ayaw ko sa naghihilik kapag tulog" sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi na ako makikitulog dito sainyo"

"Dapat lang, may kwarto ka naman"

"Che!"

Tinalikuran ko siya, isang beses lang naman ako nakitulog sakanila tapos inaasar na niya ako na naghihilik ako. Hindi ko rin alam kung totoo iyon o gawa-gawa lang ni Gigi. "Naiinis" rinig kong sabi niya.

"Nakakainis ka naman talaga hindi na ako magtataka kung bakit di ka magustuhan ni Les, bagay sila ni Ralph"

Hindi na naman siya nagsalita, tiningnan ko kung anong ginagawa ni Gigi ngayon. Nakahiga na sa kama, tinulugan na yata ako.

Bahala na siya, mas gusto ko nang magbukas para makilala ko na rin ang mga magulang ni Delfino bigla nga akong na-excite. Oh my gosh talaga!

~

Magkasabay kaming pumasok ni Gigi sa school, mas maaga ang schedule niya kesa kay Les kaya wala pa siyang inspirasyon ngayong umaga.

"Ayusan mo nga mukha mo, nakabusangot na naman 'yan" puna ko sakanya. Badtrip na naman yata agang-aga. "Wala na akong gas mamaya. Nakalimutan natin magpa gas"

"Nyek. Padala mo 'yung isang kotse kay Daddy, papasok palang 'yon ngayon"

"Di na. Ako nalang magpapagas, sa lunch"

Pero walang nagbago sa ekpresyon ng mukha niya. Nakasalubong pa namin 'yung Dylan na may gusto yata kay Leslie o trip lang nilang asarin si Leslie. "Karibal mo" asar ko sakanya.

"Di 'yan 'yon, bata pa niyan e"

"Sus. Nag 18 ka lang binabata mo na"

"Totoo naman" pansin ko na may dala na siyang bag ngayon hindi gaya dati na iniiwan niya lang sa kotse at ballpen pati notebook lang ang dinadala niya.

"Gi, kailan mo bibilhin 'yung nakita natin kahapon na aso?"

May nadaanan kaming pet shop kahapon no'ng sinundo niya si Gia tapos nakita namin 'yung cute na aso na halos matabunan na ng balahibo niya ang kanyang mga mata. Ang cute niya kasi ang liit niya tapos ang taba at ang dami talagang balahibo, allergic nga lang ako sa aso kaya hindi ko siya mabili. "Mamaya, ewan ko"

"Ikaw ah, hindi ko alam na magagawa mo 'yan para sa babae. Iba ka na talaga, binata ka na"

"Natuwa lang ako doon sa aso, 'yun lang"

"Sus. Ganyan naman talaga kapag nanliligaw, si Les na yata palagi mong iniisip"

"Yung quiz namin ang iniisip ko"

Nagrereklamo siya sa'kin kahapon na ang hirap intindihin ng quiz nila ngayon. Pinaka ayaw niya daw na nag mememorize kaya hindi siya makapag-aral ng maayos. "Oy, punta na ako sa building namin. Say hi to Delfino for me"

"Di ikaw, text mo nalang"

"Gigi naman, ngayon lang e! Please"

Hindi na niya ako pinansin, iniwan na niya ako dito sa daan. Grabe talaga ang isang 'yon kapag sinumpong ng kasungitan. "Angel!" nakita ko siyang naglalakad papunta na rin yata sa building nila. Kukumustahin ko lang si Delfino.

Ngumiti siya at lumapit sa'kin, "Si Gio?"

"Ayun" tinuro ko si Gigi na naglalakad papasok ng building nila. "Iniwan ako"

"Masanay ka na, iniiwan na rin niya si Monica. Palagi niyang kasama 'yung si Marie"

Para siyang nagsusumbong sa'kin. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na Marie, "Sino siya?"

"Seatmate niya at study buddy daw. Ewan ko sakanila"

"Pakilala mo siya sa'kin, baka kung sino na 'yun"

"Kapag nagkita tayo ituturo ko sa'yo. Kasama namin 'yon minsan kapag lunch"

Kailangan kong makilala ang Marie na 'yon baka agawan niya si Leslie kay Gigi. Sinabayan ko lang si Angel sa paglalakad, mamaya na ako pupunta ng room. Maaga pa naman, "Kumusta kayo ni Joshua parang bihira ko na siya makita sa campus"

"Ah 'yon? Lumipat ng school"

Ano? Nagulat ako sa narinig ko, "Lumipat? Paano ka?"

"Ako pa rin 'to, kailangan nilang lumipat e"

"Di ba nanliligaw sa'yo 'yon?" ang hirap naman yata ng sitwasyon nila na magkalayo silang dalawa, "Hindi na. Malayo na siya"

Nag kwento pa siya sa'kin na ayaw daw sumama ni Joshua sa paglipat. Maiiwan daw kasi siya kaso hindi naman pumayag 'yung mga magulang niya na mag dorm siya. Naawa naman ako kay Angel kasi naiwan siya ni Joshua ang buong akala ko naman okay na silang dalawa. Hindi pa nagiging sila nang-iwan na kaagad 'yung isa. "Miss mo na?"

"Hindi. Sanay na ako. Kailangan masanay, mag-aaral nalang ako"

"Okay lang 'yan, magkikita pa naman kayo siguro"

"Pupunta ka kina Diwata mamaya, 'no?"

Ngumiti ako, naalala ko na naman 'yung message niya sa'kin kagabi na ipakikilala niya ako sa parents niya. "Ang sabi niya. Excited na nga ako"

"Sabi nya sa'min ipapakilala ka niya bilang girlfriend"

"AKO?!" tumango si Angel, "Hinahanap kasi siya ng daddy niya, naghihinala kasi na bakla siya kahit totoo naman"

Hindi ako nakapaghanda, ano bang hitsura ko ngayon? Parang kailangan ko ng kaunting make up at maayos ng damit para mamaya. Nakakainis! Hindi ako nakapaghanda talaga. "Kinabahan na ako, Angel"

"Huwag kang kabahan, malaking tao lang naman 'yung tatay niya pero mabait 'yung nanay niya"

Gusto ko nang umuwi.

~

Leslie

"Sa susunod kasi mag-aral ka" pangaral ko kay Ralph. Ang sama ng loob kasi bumagsak sa quiz namin hindi naman pala nakapag-aral. Naglaro lang ng dota kina Gio, "Mag-aaral na, nahihirapan akong intindihin. Kahit nga si Paul at Gio"

"Nireklamo niya rin sa'kin kagabi 'yan"

"Pumasa kaya 'yon?" tanong ni Ralph sa'kin. "Kung nag-aral siya pasado 'yon" singit ni Vincent sa usapan. Lunch na namin ngayon kaya papunta na kami sa canteen nina Jason, doon ko sila inayang kumain kasi nandoon daw sina Diwata.

"Oo na, pare ako na hindi nakapag-aral. Pasado na kayong dalawa"

"Ibalik mo na sa buhay mo si Krisha, napapariwara ka" sabi ko. Kung sila pa rin ng girlfriend niya ngayon baka nakapasa pa 'to. Tinuturuan kasi siya no'n minsan, ang sabi niya sa'kin.

"Hindi na kailangan, makakapasa naman ako kahit wala siya" ang bitter ng sagot nito. "May ex ka na pala" hirit ni Vincent.

"Mukha bang walang papatol sakanya?" pabirong tanong ko. "Hindi naman. Akala ko kasi may gusto talaga siya sa'yo tapos nililigawan ka niya"

Ay grabe, "Nahuli ka na sa balita, Vincent. Kilala mo si Manansala 'no? Yun ang may gusto kay Les, 'yun ang nanliligaw hindi ako"

"Tsaka walang gusto si Ralphael Ramos sa'kin" pagtatama ko lang at karagdagang impormasyon na rin para kay Vincent.

"Bakit crush ang tawag mo sakanya?"

"Kras. Wala lang, ang cute niya kasi at ang talino. Ang sarap hangaan" sana si Harvey rin naisip niya 'yan at sana ganyan rin ang tingin niya sa'kin. Para naman nasabi niyang 'Hi, kras!'.

"Yung Manansala" sabi ni Vincent. Sabay pa kaming napatingin ni Ralph doon sa tinitingnan ni Ralph, nasa labas ng building si Gio nakatayong mag-isa.
Wala siyang sinabi sa'kin na hihintayin niya ako, "Pare, layo na tayo. Masamang maningin 'yan" hinila na ni Ralph si Vincent palayo sa'kin.

"Hoy, huwag naman kayong mang-iwan" sita ko sa dalawa. "May kasama ka na, text mo kami kung may klase mamaya"

Balita daw kasi ni Ralph may meeting ang faculty mamayang 3:30 dahil kaarawan ng aming Dean bukas at may surprise silang gagawin para sakanya. Sana nga wala kaming klase mamaya, sumakit ang ulo ko sa quiz kanina na magkasunod.

Nilapitan ko lang si Gio na nakatingin sa'kin, "Close pala kayong tatlo" sabi niya.

"Hindi masyado"

"Ang tagal mo. 1:30 ang tapos ng klase mo ah, bakit ngayon ka lang lumabas?"

"Ewan ko rin, ang daldal kasi namin habang naglalakad"

O dahil siguro sa nag check pa kami ng mga papel namin kanina kaya mas tumagal kami, "Bakit ang gaan nito?" tanong niya. Siya na ulit ang may dala sa bag ko, "Walang masyadong laman" binuksan niya pa ang bag ko.

"Hoy, Gio! Wala kang ibang makikita dyan"

"Palagi ka bang meron? Bakit laging nasa bag mo 'yun?"

Alam niyo na tinutukoy niya, "Inggit ka? Girlscout ako, iwas hassle. Huwag mo na kasing tingnan" mabuti at nakapag-ayos ako ng bag kagabi. Ang daming sratch paper sa bag ko kahapon.

"Anong pinagkaiba ng Modess sa Whisper?" tumingin lang ako sakanya, "Nagtatanong lang"

"Bakit gusto mong gumamit?" nauna siyang maglakad. Tingnan mo ang ugali ng isang 'yon, naiinis lang sa sinabi ko mang-iiwan pa.

"Ang dami kasing tinatanong" sabi ko sakanya. Sinabayan ko siya sa paglalakad.

"May ibibigay ako sa'yo mamaya"

"Napkin rin?" tapos tumawa ako. Hindi ko nakita ang reaskyon niya kasi iniwanan niya ako dito. "Gio, saglit. Hahahaha. Naiinis!" pang-aasar ko.

"Walang mais"

~

Ngayon, sino 'tong babae na kasama nina Diwata sa table? Ngayon ko lang siya nakita. "Sino 'yon?" tanong ko kay Gio, sabay pa rin naman kaming dumating dito kahit iniwan niya ako kanina. Hinintay pa niya akong matapos sa pagtawa.

"Kaklase namin"

"Sino nga e"

"Si Marie, anong gusto mong kainin?"

Marie? Sa kabilang section yata 'to, siya yung narinig ko na babae dati na nakasali sa PL dahil sa taas ng average niya no'ng huling semester.

"Bahala ka na, ibili mo 'ko ng tubig yung medyo malaki na" inabutan ko siya ng pera na hindi niya gagastusin. Iniipon niya daw 'yung mga pera ko wallet niya. Kung kailan ko raw ng pera pwede akong humingi sakanya, parang araw-araw akong naghuhulog sa alkansya.

"Friend, ang tagal mo. Tapos na kaming kumain" bati ni Dyosa sa'kin.

Naninibago ako dahil hindi na ako tinatawag ni Diwata na girly. Nagbago na talaga siya ngayon, mas nagmukha siyang lalaki sa gupit ng buhok niya. "Nag check pa kasi kami"

Nakangiti sa'kin si Marie, "Hello" ako na ang unang bumati sakanya. Nakangiti lang siya.

"Si Gelo?" tanong ni Monica. "As usual, binibilhan si Leslie ng pagkain" si Diwata ang sumagot para sa'kin.

"Ang sweet" komento ni Marie. Ako naman ang ngumiti sakanya, "Ganun talaga si Gelo pagdating kay Les" –Monica

"Kay Leslie lang siya ganun" dagdag pa ni Angel.

Teka, bakit parang hindi maganda ang aura ngayon sa lugar na 'to?

"By the way, si Marie pala. Kaklase namin ngayon na blockmate nina Giobels dati" pinakilala sa'kin ni Dyosa si Marie.

Tama nga ang hinala ko na narinig ko na ang pangalan niya dati. Kung gano'n, kilala siya ni Ralph. At usapang Ralph na rin lang, wala siya dito sa canteen nina Jason.

"Kilala kita, sumali ka do'n sa pageant dati" sabi niya sa'kin. "Ah, oo napilitan lang" sagot ko.

"Hindi naman halatang napilitan lang"

Nag-aasaran lang sila dito, si Diwata kasi ipapakilala na raw si Charmaine sa mga magulang niya para lang hindi siya pagkamalan na bakla. "Kapag 'yan natuluyan may lovelife na si Diwata" panunukso ni Angel.

"Che, at least ako magkakaroon, ikaw nga iniwan"

Natahimik si Angel sa sinabi ni Diwata. Umalis na si Joshua, lumipat ng school dahil kailangan niya rin na lumipat ng bahay. "Huwag mong isali si Joshua" sabi ni Angel sakanya.

Bago mawala ang gutom ko dumating na rin si Gio, "Ang lover boy natin nandito na" si Dyosa ang nang-asar sakanya. Ngumiti lang si Gio sakanya, lumipat pa si Angel ng upuan para lang magkatabi kami ni Gio. Naging katabi niya ngayon si Marie.

"Papakainin mo pa ba, Gelo?" tanong ni Monica sakanya, "Pwede" sagot ni Gio.

"Tumigil ka nga, hindi ako bata"

Nakatingin sa'min si Marie kaya sinabi ko na agad 'yon baka kung anong isipin nito sa'kin.

"Anong oras kayo uuwi?" tanong ni Marie sakanila, "Pagkatapos kumain ni Les, ewan lang namin si Gio" –Diwata

"Malamang sa oo hihintayin niya si Leslie" si Angel ang nagsalita. "Isang oras lang naman akong maghihintay, kaya naman" ani Gio.

"One hour? Matagal kaya 'yon" napatingin ako kay Marie. Matagal nga 'yung isang oras pero walang makakabasag sa trip ni Gio. "Saglit lang 'yon" sagot ni Gio sakanya.

"Mag-aaral ka na ba para sa recitation bukas?" tanong niya ulit kay Gio. Nakikinig kaming lahat sa usapan nilang dalawa, lalo naman ako. "Siguro"

"Sabay na tayo, tuturuan mo pa ako 'di ba, sabi mo kanina"

Nag-okay lang si Gio sakanya. Napalingon nga ako kay Gio, hindi niya naman napansin 'yung pagtingin ko sakanya kasi abala siya sa pagtetext. Malapit yata siya kay Marie.

"Bukas ka nalang kaya mag review o mamaya" giit ni Monica. "Mamaya na habang hinihintay ko 'tong panda na 'to"

Sinusuntok niya ng mahina 'yung braso ko. "Kumakain ako" sabi ko sakanya. Hindi niya naman tinigil ang ginagawa niya. Ang kulit.

"We found wonderland you and I got lost in it" kumanta si Dyosa. "Sorry, nagkikinig kasi ako sa Spotify" paghingi niya ng paumahin kasi nagtinginan kami sakanya. Akala ko pinaparinggan na naman niya ako. "Didn't they tell us don't rush into things? Didn't you flash your green eyes on me. Kabog, ang galing ni Taylor. Bagay sila ni Harry bebe"

May sariling mundo na si Dyosa. "Mas bago 'yung kanta ko, Dangerous Woman ni Ari" singit ni Diwata, 'Ari' –Arianna Grande. Fan na fan siya no'n hanggang ngayon.

"Even in your tshirt you look like a model" may panibagong kinanta si Dyosa.

"Emege. Oy Dyosa pinapantasya mo ba si Giobels?" tanong ni Diwata sakanya. Napatingin ako sa suot ni Gio. Naka white na naman syang tshirt na puti na Vneck naman at may design na abstract ata iyon. Ang hirap intindihan ng disenyo. "No! Kumakanta lang talaga ako"

~

Magkasabay umuwi sina Monica, Angel at Marie. Si Dyosa naman nakatambay doon sa gym dahil PE ng bebe niya ngayon. Naiwan naman si Diwata na kasama namin ni Gio ngayon hinihintay niya si Charmaine.

"Nanghihinayang nga ako hindi ko dapat ibibigay sa'yo" tinutukoy niya 'yung mga make up sa harapan ko ngayon. Binigay na niya lahat sa'kin dahil hindi niya daw magagamit kahit kailan.

"Iniyakan mo ba 'yan?" tanong ni Gio sakanya, siniko ko siya. Ang mga tanong niya kay Diwata nakakaloka. Kung gamit na daw ba 'yung iba doon, kung bago ba o kung matagal na stock. "Hindi noh! Nanghihinayang lang talaga ako. Grabe siya"

"Bakit kasi nagpapakalalaki ka na? Nagkakagusto na si Leslie sa'yo"

"Oy! Hindi ah" 'tong si Gio iba na ulit ang mood. "Biro lang" sabi niya sa'kin.

"For real na ba 'yan, Diwata?"

"Real na real, Les. Wala na akong magagawa, mapapatay ako ni Ama"

Nagpapasalamat ako na umuwi dito sa Pinas ang tatay niya. Naging lalaki na ulit si Delfino, sayang ang lahi niya kung hindi siya makakagtagpo ng isang babae.

Masaya naman ako para kay Charmaine. "May tissue ka?" tanong ko kay Gio.

Tiningnan niya kung may dala siya sa bag, "Ito nalang" pinakita niya sa'kin 'yung tissue niya na naka-roll. Hindi halata sakanya na may ganyan siya sa bag.

"Pikit ka, Gio" sabi ko. Nagtaka siya, "Bakit?"

"Basta. Pikit ka muna"

Tumingin ako kay Diwata, may binabalak lang akong gawin. Napangiti naman si Diwata sa'kin, "Huwag mong imumulat kapag hindi ko pa sinasabi" tumango lang si Gio.

Kinuha ko 'yung blush on at nilagyan siya ng foundation sa pisngi. "Teka, ano 'yan?" napamulat kaagad si Gio sa ginawa ko, tinabig niya pa 'yung kamay ko.

Tumawa kami ni Diwata, "Nilalagyan kita ng make up"

Sumama ang mukha niya, "Sa babae lang 'yan"

"Pwede din 'to sa'yo, sige na Gio. Sinusubukan ko lang kung maganda"

Ilang beses pa akong nag-please sakanya para lang pumayag siya, pinakiusapan na rin siya ni Diwata at napapayag din naman si Gio. Basta buburahin din daw kaagad kasi baka may ibang makakita at kung ano pa ang isipin nila sakanya. Kaunti lang ang tao sa canteen ngayon kaya pwedeng pwede na namn gawin ang kahit anong gusto namin na gawin dito. Nakakahinayang na wala si Jason, gusto ko siyang makita ngayon. 

"Kung hindi kita gusto di ako papayag" sabi ni Gio bago tuluyang pumikit. Hindi ako nagsalita. "Kayong dalawa ha! Kailangan lantaran sabihin na gusto mo si Les, Gio?"

"Ganun dapat" tugon niya. Lumapit ako ng kaunti kay Gio na nakaharap na sa'kin. Habang inaayusan ko siya kinakausap ko rin sya, "Nagtatampo si Nads sa'yo di kasi siya nakapunta sa party mo" pagsisimula ko ng usapan.

"Oo nga, hinahanap ko rin si Nadine" si Diwata ang nagsalita. "May pinuntahan siya kaya hindi na ako nagpadala ng invitation"

"Huwag kang masyadong magalaw, hindi papantay yung sa kilay" puna ko. Ang likot niya kasi.

Pinapanuod lang kami ni Diwata na kung minsan ay kumakanta pa. naka-video nga 'yung ginagawa ko kay Gio kaya natutuwa ako. Tinatawanan ko na nga siya e, "Gio, anong gusto mong kulay? Pink o red?"

"Para saan?"

"Sumagot ka nalang" lalagyan ko ng lipstick 'yung labi niya. Ano kayang sasabihin nito sa'kin? Ngayon lang kasi ako may inayusan kaya natutuwa ako sa mga ginagawa ko lalo na at lalaki ang aayusan ko. "Wala bang black o kaya blue?"

"Wala. Pink nalang ah?"

"Okay. Ikaw bahala"

Nag ngingitian na kami ni Diwata dito nang ilalagay ko na 'yung lipstick sa labi niya naramdaman niya yata ang pagdampi nito kaya agad niyang iniwas ang mukha sa'kin. "Huwag ganyan" binura niya agad 'yung kaunting lipstick na nailagay ko sakanya.

"Bakit naman? Huli na 'to, please"

"Ayoko" tumayo siya para makalayo sa'kin. Kinuha niya 'yung tissue at nagtanggal ng make up. Nakakainis naman hindi pa ako nagkakaroon ng picture niya na may make up tinanggal niya kaagad. "KJ mo, Gio" sabat ni Diwata.

"Hindi ako ikaw na sanay na may ganito sa mukha" may halong inis sa tono ng pananalita ni Gio. "Dito ka na, ako nalang mag tatanggal seryoso ako"

Hindi niya alam kung saan ko pa siya nilagyan kaya hindi niya maalis 'yung iba lalo na sa parteng kilay niya. Nakipagtitigan pa siya sa'kin, "Di 'wag doon ka kay Marie magpatanggal niyan. Aalis na rin ako may klase na kami"

"Awww. Nagseselos siya, Gio. Huwag kang pabebe diyan"

May klase na rin naman talaga kami kaya kailangan ko nang umalis 'yung pangalan naman ni Marie lumabas nalang basta sa bibig ko. Lumapit na si Gio sa'kin, "Nagtext si Ralph, wala raw kayong klase mamaya"

Nagtaka ako, "Paano mo nalaman?"

"Nabasa ko sa phone mo" nakapatong lang kasi sa mesa 'yung cellphone ko na sa tuwing may magtetext mababasa mo kaagad 'yung message niya dahil nag a-appear na sa screen. Pwede mo na rin siyang repl-an doon.

At hindi ko napansin na nagtext pala si Ralph, naka silent ang phone ko sa tuwing nasa school ako kahit nasa bahay minsan. "Ay oo nga" ngayon ko lang nabasa 'yung message ni Ralph. "Nagtext rin 'yung Vincent"

"Kaloka, ano 'to selosan kayong dalawa? Pero cute si Vincent hindi na nga lang ako pwedeng lumandi, may Charmaine sa paligid. Hays"

Walang gusto si Diwata kay Charmaine, ayaw niya lang na makasakit ng babae lalo na kapag nalaman ni Charmaine na hindi naman nagkakagusto si Diwata sa babae, ever since na pinanganak yata siya wala pa siyang natitipuhan na babae.

"Kinakapatid ko 'yon kaya huwag mong sasaktan"

"Oo na, hindi na nga 'di ba"

Pinunasan ko na ang mukha ni Gio. Grabe, may hindi ako dapat maramdaman. Kinakabahan ako sa tuwing mapapalapit 'yung mukha ko sakanya, naaalala ko ko kasi 'yung ah ewan, lalo na 'yung hinalikan niya ako no'ng birthday niya sa harap ng maraming tao. Hindi basta halik sa pisngi o ano man, halik sa labi 'yon! At sa ikakatahimik ng utak ko, matagal 'yon e! jusko, hindi ko na talaga gusto ang nararamdaman ko ngayon. Malay ko sa paghalik, wala akong alam sa mga ganyan, virgin pa nga ang lips ko noon...noong hindi niya pa ako nahalikan ng aksidente lang. "Ingat, baka mahalikan ka niyan, Les" paalala ni Diwata.

Tinawanan ko lang ang sinabi niya sa'kin.  "Okay na" sabi ko sakanya.

"May salamin ka?" tanong nito. "Okay na nga, wala ng make up. Seryoso, Gio"

Nawalan na siya ng tiwala sa mga ginawa ko sa mukha niya, inalis ko na lahat wala ng natira. "Si Delfino nalang lagyan mo niyan sa susunod"

"Oy! Oy! No! Bawal na talaga" kaagad na tumanggi si Diwata. Nagpapakalalaki na talaga siya ngayon, kung makikita siya ni Jerome ay nako mas mahitsura pa siya kesa doon sa lalaki na pinapantasya niya.

Tiningnan ko si Gio, "Ang cute mo kaya kanina" nasabi ko sakanya. "Sus" sagot niya lang. Sinusuntok na naman ako sa braso. Mabuti at hindi 'yon masakit kasi kung malakas na pagsuntok, kakalbuhin ko siya ngayon din.

"Umamin nga kayo sa'kin, kayo na ba?" umayos siya ng upo at mas lumapit sa'min ni Gio na para bang magbubulungan kaming tatlo at walang ibang maaaring makarinig ng pag-uusapan namin.

"Hindi" ako ang unang sumagot, walang sumunod na sinabi si Gio. Tahimik lang siya na sa tingin ko inaalala pa rin ang mukha niyang napaglaruan ko kanina.

"Ah, hindi pa"

"Hindi pa nga" dugtong ni Gio sa sinabi ni Diwata. "Nangarap ka" sabi ko.

"Naku, Les kapag naging kayo ni Gio libre niya kami ng trip to Hongkong"

Ang sama na ng tingin ko kay Diwata, kapag tungkol sa sparks ang pag-uusapan buhay na buhay ang laman at dugo ng baklang 'to. Huwag naman niyang ipahalata kay Gio na may gusto ako sakanya. "Sige"

Aba! Sumang-ayon ang leche, "Huwag kang pauto sa isang 'yan"

"Malay mo magkatotoo, hindi mo naman siguro ako paasahin 'no?" tanong ni Gio ng may halong pagkaseryoso. Oh hindi, ito na ulit ang salitang paasa.
Si Jewel na nakaalis na kasama si Kuya hindi ko na ulit nakausap dahil sa paasa na 'yan.

"Tingnan natin" sagot ko.

"Can I lay by your side? Next to you-u-u-u-u-u-u-u-u..you-u-u-u-u-u. and make sure you're alright. I'll take care of you-u-u-" napatingin kami ni Gio kay Diwata.

"Naglalagay lang ako ng theme song, you know, para dama niyo ang bawat segundo ng pag-uusap niyo"

Binalewala namin siya, tinutuloy niya pa rin ang pagkanta. "Gio, parang ikaw" sabi ko. Kumakanta nalang bigla, "Di ako ganyan kumanta, minsan lang din ako kumanta"

"Ngayon bawal?"

"Hindi 'yan kakanta, kapag kayong dalawa lang ang magkasama. Next to you-u-u-u-u-u-u" nakakatawa si Diwata, sasabat sa usapan at itutuloy ang pagkanta niya.

"When I say I love you just say me too" may iba siyang kinanta.

"Alam mo na?" tanong ni Gio sa'kin.

~

"Talo ka naman" pang-aasar ko kay Gio. Nandito pa rin kami sa canteen niina Jason at 30 minuto nalang ang hihintayin namin para makauwi na kasama si Charmaine, naglalaro kami ng jack en poy. Kaming dalawa lang ni Gio, si Diwata ang nakaisip nito, kapag natalo sa jack en poy may tatawagin na kahit sinong tao kapag 'yon lumingon panalo ka. Kapag naman dinedma ka, talo!

Tatlong beses nang natatalo si Gio, kaya tatlong beses ko na rin siyang hinahampas sa kamay niya o kaya sa braso. Nilalakasan ko nga para masakit.

"Mananalo rin ako"

"Ulitin niyo na, may mga dumating na bago" –Diwata

Inulit namin ang jack en poy, sa una pareho kaming bato ni Gio hanggang sa... "See, panalo" nagyayabang na siya. Ngayon lang naman nanalo sa'kin.

"Huwag malakas, masakit sa kamay 'yon baka mamula 'yung kamay ko"

Halos magmakaawa na ako para lang hindi niya hampasin ng malakas ang kamay ko. "Walang ganun, sakit ng hampas mo"

"Sorry na. Huwag nang malakas"

"Sige, hindi" nakahinga ako ng maluwag, pinakita ko na sakanya 'yung kamay ko na hahampasin niya at nang hahampasin na niya napapikit pa ako kasi pakiramdam ko ang lakas ng gagawin niyang paghampas para makabawi sa ginawa ko sakanya ang kaso wala akong naramdaman na paghampas...

"Uwi na kaya ako? Nakakaistorbo lang ako sainyo" napunta ang atensyon ko kay Diwata na ang lapad ng ngiti ngayon. "Ayieee, kinikilig rin siya"

"Leche! Hindi ganun ang usapan, Gio"

"Gusto ko ganun. Hindi masakit 'yon"

Sobra na siya sa paghalik na 'yan, kailangan ko na yata siyang iwasan. Hinalikan niya ako sa may ilong, nakakaloka pati tip ng ilong ko hindi na rin virgin. "Ah ewan ko sa'yo, tigil na nga tayo"

"Unfair, tatlong beses kang nanalo"

"Weak ka kasi. Weak!"

Naki-asar rin si Diwata sa'kin, "Ayos lang. Mas okay 'yung nakuha kong reward"

Sinamaan ko siya ng tingin, hindi pa rin tama 'yon dahil hindi naman kami.

~

Magkakasama kaming nagpunta sa parking lot ng school. Kasabay namin sina Charmaine sa kotse, magkapitbahay lang sila ni Gio kaya maihahatid niya nito. Ako ang una nilang ihahatid, gusto ko ngang sumama sakanila para makita ang reaskyon ni Diwata kapag pinakilala na niya si Charmaine sa mga magulang niya. Kaso babalik pa sila sa may daan papuntang school kasi iba ang daan papunta sa bahay nina Diwata.

Magkasabay sina Diwata at Charmaine sa paglalakad may pinag-uusapan sila na hindi ko maintindihan, ang seryoso pa ni Diwata wala akong naririnig na 'kaloka', 'ganern' at 'keme lang' sa mga salitang sinasabi niya.

"Nagbago na nga ng bongga" bulong ko.

"Ikaw hindi pa"

"Narinig mo na naman?"

Gaano ba ako kalapit kay Gio para marinig niya lahat ng sinasabi ko, "Bakit kasi kailangan pa ng ganern at yung nakakaloka?"

Napangiti ako sa tanong niya. Masyadong niyang pinoproblema ang pagsasabi ko ng ganern at kaloka. "Ganern talaga"

Nauwi kami ni Gio na makarating sa tapat ng kotse niya, "Gi, may gas na 'yan?" nagtanong si Charmaine.

"Pinalagyan ko kay Ralph"

Nauubusan rin pala ng gas ang kotse niya. Palagi nalang niyang ginagamit, naiiba lang kapag coding 'to. "May ibibigay ako sa'yo"

Ang dami niyang binibigay sa'kin hindi naman siguro bulaklak o kaya panda na maliit. May kinuha siya doon sa compartment ng kotse niya sinundan ko pa nga siya para makita kung ano 'yung ibibigay niya sa'kin at ang nakita ko isang...

"Ang cute. Binili mo, Gio?" may isang maliit ng tuta na nakalagay sa basket. May ribbon na violet 'yung aso tapos may damit pa na violet.

"Pinabili ko kanina, nagustuhan ko rin siya kahapon"

"Sus. Yung manliligaw nagpapa good shot sa nililigawan" sabi ni Diwata, si Charmaine naman medyo malayo sa'min nabanggit niya na allergic siya sa aso.

"Shit tzu ba 'to o asong kalye?"

Nakatingin ako doon sa aso na inaabot ni Gio sa'kin, "May asong kalye ba na mabalahibo?"

"Joke lang naman, sa'kin na talaga 'to? Ang cute mo" gustong gusto ko 'yung hitsura niya lalo na 'yung mga balahibo niyang natatakpan na ang mga mata niya. Lalo pang nagpa cute sakanya ang violet na ribbon. "Ayaw mo ba sa aso?"

"Hindi. Gusto ko nga e, parang aso ni Mara"

"Si Reo?" tanong ni Diwata, kilala niya ang aso na 'yon dahil nakikita niya sa facebook ni Mara. "Oo, ang cute nun 'no? Inaalagan ni Simon 'yon"

"Les, kanina pa nag-iisip si Gigi ng pangalan ng aso na 'yan" hirit ni Charmaine. Ano nga kayang ipapangalan ko sakanya? "Anong gusto mong pangalan?" tinanong ko si Gio.

"Ikaw bahala basta huwag Barney at Giobels"

Ang seryoso ng pagkakasabi niyang ayaw niya sa Barney at Giobels. Wala naman akong maisip na pwedeng ipangalan sakanya, "Gio" pagbibiro ko.

"May nakakatawa, Les?" tanong niya, tumawa kasi ako. "Grabe ka sa'kin, wala akong maisip"

Ang hirap magbigay ng pangalan sa babaeng aso. Sobrang cute niya, ang sarap niyang itabi sa pagtulog. Ngayon palang gusto ko na siyang kuhanan ng picture.

Inaayos ni Gio ang ribbon ng aso na hawak ko, "Leslie, gusto ko 'yung pangalan na Leslie" nasabi niya habang nakatingin sa aso.

Tumanggi ako, hindi ako papayag na tatawagin kong Leslie ang cute na aso na 'to nagmumukha akong aso, "Alam ko na!" nasabi ko bigla.

"Bebs! Gusto ko 'yung bebs" sabi ko sakanya. Tiningnan niya ako ng nakangiti, ngiting walang mga mata na kita. Ngiting isang linya na naman ang mga mata ni Gio.

~

Charmaine

Nasa byahe palang papunta kina Delfino kinakabahan na ako.
Sinabi niya na wala akong dapat alalahanin dahil mabait ang mama niya ganun rin naman 'yung 'pudra' niya kahit mukhang sundalo sa tindig at laki ng katawan.
Hindi ko pa rin mapigilan na mag-isip ng mga sasabihin sakanila. Sinabi ni Delfino sa'kin na kapag nagtanong sila kung gaano na kami katagal ang sabihin ko raw mag iisang taon na para kapanipaniwala na lalaki siya at may niligawan noon kahit na imposibleng maging kami.

Hinatid lang kami ni Gigi tapos diretso na siya sa condo niya at antok na antok na daw siya, hindi pa sila nakapag-aral ni Marie kanina. Nabanggit niya ulit sa'kin si Marie, 'yung Marie na 'yon gustong gusto ko nang lumipat ng school.

"Ihahatid nalang kita pauwi" sabi niya sa'kin habang hinihintay namin 'yung daddy niya na makapag bihis, kadarating lang rin kasi sa bahay. "Kaya kong umuwi ng mag-isa, sabihin mo lang sa'kin 'yung daan"

"Ihahatid na kita. May kotse naman si Kuya"

Nakita ko na rin 'yung isa niyang kapatid na lalaki. Ang tangkad tapos ang gwapo, makatigil oras 'yung hitsura niya kanina na katatapos lang maglaro ng basketball doon sa gilid ng bahay nila. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa at wala rin siyang sinabi kay Delfino, "Close ba kayo nun?" kilala ko siya, namumukhaan ko ang lalaking 'yon.

"Hindi, ayaw niya sa'kin kasi babae daw ako"

"Lalaki ka, nagkakagusto lang sa lalaki"

Kinakabahan talaga ako habang tumatagal ako sa lugar na 'to mas lalo akong pinagpapawisan. May kalakihan rin ang bahay nila na medyo iba ang dating dahil sa pagkakayari nito, para may ibang theme 'yung bahay nila sa sobrang dami ng bato sa loob. Yung pader kasi yari sa bricks na parang sa Three Little Pigs pero ang ganda ng kulay. "Pero wala pang nagiging girlfriend 'yung tukmol na 'yon"

"Eh? Yung hitsura na 'yon wala pa?"

"Paano nabasted doon sa unang niligawan kaya hindi na umulit"

Aw. Ang sakit naman sa puso no'n, siya pa ang tinanggihan ng babae. Sa tingin ko naman maayos 'yung ugali ng kapatid niya hindi rin mukhang suplado sadyang hindi lang kami napansin kanina. "Ano palang pangalan niya?"

"Dalton"

"Ang ganda ng pangalan niya"

Habang nag-uusap kami hindi ko namalayan na may kasama na kami dito sa sala nila, 'yung papa niya. Nakatingin siya sa'min habang nag-uusap kami ni Delfino. Nagulat nga ako sakanya, ang laking tao niya. "Hello po" pagbati ko.

"Ikaw ang girlfriend ni Delfino?"

"Opo, tito"

"Si Charmaine, dad. ECE sa school, kaibigan rin namin"

Ang paraan ng pakikipag-usap niya sa papa niya napaka seryoso. Wala sa boses niya ang bahid ng pagiging pusong babae. "Sigurado ka na boyfriend mo ang anak ko?"

"Opo. Matagal na po kami, ngayon lang po ako naipakilala sainyo. Legal din po kami sa pamilya ko"

Kahit hindi, ang alam lang sa bahay may gusto ako sa kaklase ni Gigi. Wala rin silang alam na may pusong babae ang lalaking gusto ko.
"Kung ganoon, naniniwala na ako. Ano nga ulit pangalan mo? At ilan taon ka na?"

"Charmaine Lim po, 19 na po ako"

"Mas matanda ka sa anak ko"

"Ilang buwan lang, dad. 19 na rin ako"

Mas matanda nga ako kesa kay Delfino, mahuli lang ako sa pagpasok kaya kasing year ko silang dalawa. Unti-unti na rin nawawala ang kaba ko dahil nakakakita na ako ng pag ngiti sa mukha ng papa ni Delfino saglit lang rin ay nagpakita na sa'min 'yung kapatid niya na bagong palit ng damit. Nakisatabi siya papa nila,

"Sino 'yan?" kaswal na tanong niya kay Delfino, "Girlfriend ng kapatid mo" papa niya ang sumagot.

"Oh?" nagtaka siya. Sa mukha niya ayaw niyang maniwala na kami ni Delfino, hindi mahahalata na kami, hindi kami gaanong malapit sa isa't isa. Naiilang rin ako kung magiging malapit kaming dalawa. Kailangan ko pang sanayin ang sarili ko.

"Bakit, may problema ka?" tanong ng papa niya. "Dad, hindi lang ako naniniwala"

"Girlfriend ko si Charmaine, kuya sa maniwala ka at sa hindi"

"Ilan taon ka na ba?" tanong ni Dalton sa'kin. "19"

"Kaedad ka niya" gusto kong sabihin na wala akong pakialam. Alam ko naman iyon.

Ako ang kinausap ng kapatid ni Delfino, saan daw ako nag-aaral at ano ang course ko. 'yung papa niya kasi nagpunta sa kusina para magluto, wala sa bahay ang mama niya. Dito na rin nila ako pinapakain ng dinner.

"Matagal na kayo?" tanong niya pa sa'kin. Nakikisabat na nga si Delfino sa mga tanong ng kuya niya sa'kin, "9 months" si Delfino ang sumagot.

"Sineryoso mo ang kapatid ko? Ibang klase"

Habang tumatagal hindi ko na nagugustuhan ang paraan ng pagsasalita ng lalaking kaharap ko. Nayayabangan na ako sakanya, alam niyang hindi gaano kalalaki 'tong kapatid niya kaya ganito nalang siya makapagsalita.

"Kuya. May sasabihin lang ako kay Charmaine"

Hinila ako ni Delfino sa isang sulok, "Habaan mo lang pasensya mo. Iba ugali ng isang 'yan"

"Mukha siyang mabait sa unang tingin"

"Ganun talaga, kaya hindi sinasagot ng nililigawan"

Sinulyapan ko 'yung kuya niya, nakatingin siya sa'ming dalawa ni Delfino. "Sa tingin ko kailangan pa natin maging malapit sa isa't isa"

"Hindi nga siya naniniwala. Sa tingin ko"

Shit! May naalala ako sa anggulo na 'yan, "Delfino, schoolmate ko 'yung kapatid mo sa dati kong school. Kaya pamilyar ang mukha niya sa'kin"

Ngayon ko lang napagtanto na magkasama kami sa dating school ko, kilala ko ang mukha niya pero hindi sa pangalan. Siya 'yung lalaking nag congratulate sa'kin kasi nanalo ako sa pageant sa school no'ng first year ako.

Muli kong tiningnan si Dalton, nakangiti pa rin siya sa'kin.

~

Nakasabay namin sa pagkain 'yung mama niya na sobra akong pinuri. Ang ganda ko daw tapos ang bait ko daw na bata mga ganyan. Naniniwala naman siya na kami ng anak niya kahit sinabi sa'kin ni Delfino na alam ng mama niyang hindi siya tunay na lalaki.
"Sinong maghahatid sa'yo pauwi?" tanong ng kuya ni Delfino, naiinis ako dahil kanina pa siya nakasunod sa'kin. Nasa sala ako ngayon at tinitingnan 'yung family pictures nila, si Delfino kasi nagpapalit ng damit.

"Si Delfino"

"Hindi ako naniniwala na kayo. Kilala kita, ikaw 'yung niligawan ng kaibigan ko dati"

Iniwasan ko ang tanong niya, sa ibang pwesto ako nagtungo. "Paano naging kayo ng kapatid ko?"

Nagtatanong na naman siya. Naiinis na ako sa pagsunod niya, nakita ko si Delfino na pababa na ng hagdanan nila, "Babe, hatid mo na ako. Hinahanap na ako sa bahay" tawag ko sakanya. Kailangan ng kaunting pag-arte para mapaniwala ang lahat, naririnig yata kami ng papa ni Delfino ngayon.

Saglit siyang napatingin sa'kin, "Ah sige. Kuya, pahiram ng kotse mo ihahatid ko lang 'yung girlfriend ko"

"Ako nalang kaya maghatid sakanya?"

"No thanks, may boyfriend ako na kayang maghatid sa'kin" pinigilan ko na agad ang gusto ni Dalton. Kailan ba siya maniniwala sa ginagawa naming pagpapanggap ng kapatid niya?

"Okay. Chill, init ng ulo mo Ms. Lim"

Nagpaalam na ako sa mga magulang ni Delfino, hindi na ako nag abala na magpaalam doon sa kapatid. Nakangiti naman siya sa'kin kanina bago ako makalabas ng bahay nila.

"Hirap niyang kumbinsihin" pagsisimula ng usapan ni Delfino, marunong pala siyang magmaneho. "Sobrang hirap"

"Kailangan ko na rin bang sanayin ang sarili ko doon sa 'babe?'"

"Kahit wag na"

Pero natatawa ako sa loob-loob ko, kinikilig nga ako sakanya ngayon kasi kilos lalaki na siya. Gusto ko siyang titigan ng matagal. Ang ganda niya sa anggulo na ganito, "Babe, mas okay ka doon sa kuya mo. Ang gwapo mo kaya"

Tinawanan niya lang ang sinabi ko, "Babe? Di ko naiimagine na may tatawagin akong babe na babae"

"Ako, kahit bilang kaibigan nalang"

Ang bilis ng araw, pauwi na agad ako kahit gusto ko pang kausapin 'yung mama niya na ang sayang kausap. Gusto ko pa rin magtagal sa bahay nila. Gusto kong makita ang mga ginagawa niya kapag nasa bahay siya at kung anu-ano pa na tungkol sakanya ang gusto kong malaman.

Alam ko na wala siyang ideya na ang babaeng katabi niya ngayon ay may gusto sakanya.

~

Leslie

~Giobels set your nickname to PandaKo 🐼~

To: Giobels
Oy. Ano yung sa messenger?

From: Giobels
Panda. Panda na sakin. Pangit yung bebs. Pangalan na yun ng aso mo.

To: Giobels
Edi ikaw Tiger kung panda ako. 🐯🐯🐯🐯

From: Giobels
Ikaw lang pwedeng tumawag sakin nun.

To: Giobels
Psh. Gusto mo naman ng 🐯?

From: Giobels
Mag-alaga kaya tayo ng ganun?

To: Giobels
Ayaw.
Good night, tigerbels 🐯😴

From: Giobels
Good night, Panda ko. 😘🐼💙🐯

To: Giobels
Dami alam. 😌

From: Giobels
Dear Panda,
Angelo Gabriel Manansala III loves you, 🐼

PS.
Are you a wizard? Cause you just cast a love spell on me. 😉

~
A/N: Kunwari ako si Gio, sinabawang gulay ka ba? Hahaha. Laughtrip ako dyan. 😂😂
Pag nagtanong ka ng bakit tsaka na ang sagot. Hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

163K 9.4K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
67.8K 159 15
SPG
7.8K 383 13
A 𝗴𝗲𝗻𝘂𝗶𝗻𝗲 yet 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲. - 𝑹𝒆𝒂𝒈𝒂𝒏 𝑺𝒘𝒆𝒆𝒕𝒛𝒆𝒍 𝑨𝒍𝒃𝒂𝒏𝒐 & 𝑨𝒍𝒍𝒐𝒓𝒂 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒓𝒐𝒆 ❣
Masahista By Luci

Short Story

10.7K 3 9
R18