Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 55 - Trigger

23.9K 1K 121
By pixieblaire

May nakalimutan pala akong sabihin. Happy Anniversary, Magique Fortress!

Naka-isang taon na pala tayo, nung March 1 pa! Nakakaloka! One year ko na pala itong sinusulat at one year niyo na ring sinusubaybayan. Saludo ako sa mga loyal magpahanggang ngayon! Huhubels. Thank you, Team Tine-apay!

While waiting for updates, you can try my General Fiction story, Find a Way or Fade Away. :)  Keep commenting lang for faster updates. Malapit naman na, kaunting tiis na lang.

xx pixieblaire
==========

Chapter Fifty Five
Trigger

Bumalik na kami sa Prime Kingdom. Agad kong kinandong si Roar na naabutan kong inaayos ang kama ko. Ilang beses siyang nahuhulog sa kama dahil ang liit niya. Sobrang cute niya na para bang mapapangiti ka na lang kahit gaano ka kalungkot.

"Roar, alam mo, ikaw na lang ang tanging masayang bagay na naiwan sa akin. Huwag mo rin akong iiwan ha?" Pagkausap ko sa kanya. He lifted his paws and touched my face. Nakita ko rin ang butil ng luhang namuo sa kanyang napakagandang ginintuang mata.

Sumiksik siya sa balikat ko at niyakap ko lang siya hanggang sa makatulog ako.

I woke up with a headache. Parang nasusuka nanaman ang pakiramdam ko. Uminom na lang ako ng tubig sa katabing mesa.

Nabitawan ko ang baso nang marahas na pumasok si Ellie sa kwarto ko na takot na takot ang mukha.

"Tine! Sumalakay sila!"

"Ano?" Humakbang ako pero nasugatan ang paa ko dahil sa mga bubog.

Hindi na ako nakapagsapatos pa nang tumakbo na kaming dalawa palabas. Umalingawngaw agad ang tunog ng mga espadang nagtatamaan.

May mga pagsabog pa sa iba't ibang lokasyon.

I immediately summoned my sword and wand at nakihalo kami ni Ellie sa mga kawal na ipinadala ni Death.

Pero pansin naming hindi nila nilalabanan ang mga kasamahan namin. "Anong pinupunterya nila..."

Narinig ko ang alulong ng mga aso at iba pang hayop.

Halos tumalon ang mga mata ko nang tuluyan naming mapansin ni Ellie na iyong mga pets ang pinapatay nila.

Nagteleport agad ako pabalik sa aking kwarto at hinalughog si Roar sa lahat ng sulok! "Roar! Nasaan ka?" Tulo nang tulo na ang luha ko at nanginginig ang mga kamay ko paghahanap sa ilalim ng kama, ng mesa, upuan, sa balkonahe, sa lahat!

Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa kaba at takot. Nagteleport agad ako pabalik sa labas at humahagulgol na si Ellie... Puro dugo ang mga kamay niya at hawak hawak niya ang wala ng buhay na si Sharkie.

Hinanap ko si Roar sa mga Gemlacks! Para na akong wala sa sarili na naghahanap at patuloy ang pag-agos ng luha ko sa posibilidad na katulad ng pet ni Ellie ay...

Shit! Roar, huwag naman please! Huwag naman! Nagmamakaawa na ako sa kahit sinong panginoon ng buong mundo. Huwag niyo siyang kukunin sa akin.

Natigil ako sa aking pagtakbo nang makita ko si Roar na nagbubuga ng maliliit na apoy sa isang kawal na kumukuha sa kanya. Nakita kong umiiyak si Roar at takot na takot pero tumalon siya bigla sa kawal at inatake niya ang mukha ng kalaban.

Mabilis akong nagteleport patungo roon pero... nayanig ako nang makitang hawak na niya si Roar sa kanyang kamay at may nakasaksak na espada sa pinakamamahal kong alaga.

"Roar..." Pagbanggit ko non ay tumingin siya sa akin at umangat ang maliit niyang paws na pilit akong inaabot. Tumulo ang luha niya.

Hindi ako nagdalawang isip na atakihin ng sandata ko ang kalaban.

Nanginginig ako. Kinuha ko agad ang nakahandusay na tigre sa lupa. Hinimas ko ang mga balahibo niya at nawalan ako ng boses paghagulgol. "Roar! Hindi! Hindi pwede! Hindi ka mamamatay! Baby Roarie, hindi..."

Inisip kong gamitin agad ang pakpak ni Pennelope pero paano kami ng anak ko sa labanan! Pero paano si Roar?! Dammit!

I casted all the healing spells I know. Naghilom ang saksak sa kanyang tiyan pero kita pa rin ang panghihina sa kanya.

Nakatingin siya sa akin gamit ang maganda niyang mga mata na laging nagpapalambot ng puso ko. Inangat niya ang kanyang paws at nilagay sa magkabilang dulo ng labi ko, pinapangiti ako.

Hanggang sa unti-unting bumaba ang mga paws niya at pumikit na siya.

Sumigaw ako nang napakalakas na nagpahangin rin nang malakas at nagpatalsik sa mga kalaban. Galit na galit ako! Galit na galit ako! Niyakap ko si Roar at hindi ko malaman kung sobrang lungkot ba ang paiiralin ko o sobrang galit! Tumindi ang pangungulila ko sa kanya nang dumagsa ang maraming ala-ala ko kasama ang alaga ko. Iyong sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko ay si Roar lang ang palaging nariyan sa tabi ko na dinadamayan ako, na hindi ako iniiwan. Na kahit napakalungkot ko ay nariyan pa rin siya na dahilan para ikangiti ko. Iyong alaga kong sobrang napamahal na sa akin.

He's my only small light to this full darkness. Siya na lang ang natira sa akin! Tapos... Kinuha siya... Brutal na pinaslang!

Nanggagalaiti ako. Nagpupuyos ang galit. Walang puwang ang awa ngayon sa puso ko. Galit na galit ako dahilan para walang takot akong tumayo, buhat buhat si Roar, habang pinapaslang ko ang bawat kalabang madaanan ko.

I summoned a magic bubble na mayroon pa ring healing powers para kay Roar. I won't lose hope. I will just think that he's sleeping.

Pagkapaslang ko sa lahat ng alagad ng demonyo ay dumiretso ako sa puno ng Power Sphere at doon ko muna itinabi ang katawan ni Roar. Binalutan ko pa siya ng malakas na mahika.

Habang naglalakad ako ay tumatalsik ang lahat ng bagay. Bakas ang takot ng lahat ng Soverthells sa akin. Wala akong pakialam kung duguan ako at sugatan ang mga paa ko.

"Anak! Don't let your anger win! Huwag magpapasakop sa paggamit ng masamang mahika! Anak... Fight the right way..."

"Tine! Iyong mga mata mo, nag-iiba ng kulay! Tine gumising ka!!!"

Hindi ko na pinansin sina ina at si Ellie na tinawag ako at hinawakan pa ako sa braso. Tinabig ko ang mga kamay nila. Hindi nila ako mapipigilan.

I hovered my hands and summoned my fully-grown magic and my own circle, na mas malakas kaysa sa Circle of Insignia.

Nilamon ako ng liwanag at dinala ako sa bukana ng Cloud Castle.

May mga kawal na sumugod agad pero ikinumpas ko ang kamay ko at nagkaroon agad ng mahiwagang bakal sa mga leeg nila na kapag gagalaw sila ay sisikip hanggang sa malagutan sila ng hininga. That's right. Die! Nagdidilim ang paningin ko sa bawat makita ko.

Ginambala ko ang Magique Fortress. Nagsimulang lumindol hudyat ng aking pagdating. Umakyat ang malalaking tubig ng Crystal Falls. Nagbaga ang mga apoy sa Crimson Underground. Gumuho ang mga bato ng Brown Hole. At nagpaikut-ikot sa mga komunidad ang mga hanging nagmumula sa Wingsen Tower. That's right, feel my fury.

Ang daang aking nilalakaran ay malakas pa rin ang hangin. Matindi ang aurang bumabalot sa akin ngayon at maging mga Gemlacks ay nangingilabot akong lapitan. Hindi ko maintindihan kung bakit kaya ko palang palakasin ng ganito ang kapangyarihan ko pero hindi ko na iyon inisip pa. Direkta lang ang tingin ko sa kaharian ng Black Realm.

Ang sinumang lumapit sa akin ay natutulad sa mga kawal na kaninang sinasakal ng aking mahika.

Sa tapat ng Black Realm ay ipinorma kong agad ang aking mga kamay at ihinanda ang sarili.

I summoned my magic once again. Lumiwanag ang mas pinalakas ko na Circle of Insignia, ang aking Circle of Deiatora.

"Sa ngalan ng aking pagkatao, sa balat ng Magique Fortress..."

Nakaabang na sa labas sina Death at ang kanyang kampon. Namataan ko rin sina Yuan, Daniel, at Valentine pero wala akong pakialam. Nawala na ang lahat ng pakialam ko dahil sa ginawa nila.

Direkta ang tingin ko sa kanya at galit na galit ako. Iyon lang ang tanging nananaig sa akin ngayon.

"Sa kaluluwa ng lahat ng namatay, sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin..."

"Walang bisa 'yan. Huwag kang mag-aksaya ng oras. Hayop lang 'yon, paano pa kapag tatay mo pala? Hayop lang yon na walang silbi pero iniiyakan mo na? Napaka-."

"Tigil," isang salita kong nagpaputol sa sinsabi niya.

Umigting ang galit ko at napuno na sa sukdulan. Inangat ko ang isa kong kamay at mula sa kinatatayuan ni Death ay lumutang siya. Sinasakal ko siya at sinusubukan niya akong patamaan pero sadyang malakas ang pwersang bumabalot sa akin ngayon. Nanlaki ang mga mata ng mga kampon niya sa ginawa ko.

Ipinagpatuloy ko ang mahika. "Sa ngalan ng aking pagkatao, sa balat ng Magique Fortress, sa kaluluwa ng lahat ng namatay, sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin... Utak, puso, katawan, at kaluluwa... Sa natitirang dangal ng pag-ibig at kabutihan... Dadanak ang kanilang dugo..."

"You piece of sh-"

"Dadanak ang dugo ng kasamaan..."

"Itigil siya!" Pumalibot sa akin sina Valentine, Yuan, at Daniel na ginagawaran ako ng samu't saring mahikang natatalo naman ng aking harang. Kinokontrol ko ang sarili kong hindi sila patamaan, lalong lalo na si Valentine. I'll just shield myself. Lintik na pag-ibig na binabawasan ang galit na nananalasa sa akin ngayon!

"Walang awa silang pinapatay at walang awa rin silang mamamatay..."

Sinugatan ko ang aking palad ng espada ko at nagliwanag iyon.

"Ipagkaloob sa aking mga kamay ang pagkakataon. Sa ganap na pagsasamang muli ng araw at buwan, walang makakapigil, walang makakapaghinto, evil will die! Death for Death! Isinusumpa ko!"

Isinigaw ko ang huling pahayag. Nagliyab ang aking aura at malakidlat na lumipad iyon paitaas, tila itinataga sa kalangitan ang aking sumpa. Yumanig ang buong Magique Fortress at nagkaroon ng mga biyak ang lupa't mga kaharian.

"She has gone powerful..." Dinig kong sabi ni Bethany.

"At dudurugin kita." Bulong ko sa kanya kasabay ng pagtilapon ko kay Death na kanilang sinasamba.

I closed my eyes to summon my dad and the Royalties. In split seconds, lumitaw sila sa aking tabing nababalutan na rin ng puting aura.

Matalim ang tingin sa akin ni Death na gulat pa rin sa aking ginawa. Hawak niya ang kanyang leeg at habol ang hinga. "Cristine Sylvestre, you're evil..."

"Death Syrwon, you will die..." Iyon ang huli kong sinabi bago ko tinipon ang aking kapangyarihan para bumalik sa Prime Kingdom.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga takot nilang tingin sa akin.

Magmula ngayon, talagang matitikman niyo na ang galit ng pusong inalipusta.

Continue Reading

You'll Also Like

57.8K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...
1.1M 39.1K 71
Xin Allison is an assassin, but she is forced to attend school to complete her missions. Now studying and living with thirteen mysterious yet incredi...
518K 19.1K 55
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you o...
347K 15.2K 43
Status: Completed "A forgotten memory, an undying charm, a sacred heart, a lonely soul, and a cruel life." ----- Was it too much to ask for a happy l...