Let's Talk About Us [Complete...

By marielicious

11.5M 336K 47.9K

X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET... More

Panimula
1. The Great Escape
2. Living Away From Home
3. Job Interview
4. Executive
5. The Contract
6. Signed
7. Meet the Family
8. Searching
9. Never get Away
10. Us
11. Fashion
12. Why Did You Leave Us?
13. Do's and Don'ts
14. Rest-assured
15. His Reason
16. Asaran
17. PDA Show
18. Family Tree
19. Baby Sister
20. She's Here
21. Old Enough
22. Take Care
23. Day-off
24. Change of Mind
25. Kunwari
26. Girlfriend
27. Dinner
28. Rants
29. What Was That?
30. Travel Alone
31. Stranger
32. Bar
33. I Won't Mind
34. As If
35. Dessert
36. Hugot ni Arthur
37. Big Catch
38. Got Your Back
39. Shopping
40. Clingy
41. Payong Kaibigan
42. Kidnap
43. Scared
44. Surprise
45. Just The Two of Us
46. Birthday
47. Mata sa Mata
48. Bothered
49. Lies
50. Senior Vice President
51. Old Time's Sake
52. Pun Intended
53. I'm Home
54. Hindi Kami
55. Spill The Truth
56. Come Home
57. Jigsaw Puzzle
58. Family Dinner
59. Sorry
61. Team Evangelista
62. Go Home
63. Text Message
64. Lost in Thought
65. Pain
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Ikalawang Parte)

60. We're Over

149K 4.1K 787
By marielicious

Chapter 60

Sabik na sabik na ako sa reply ng parents ko. Iniisip ko nga, kung sakaling galit sila sa akin dahil sa ginawa kong paglalayas ay tatanggapin ko nalang. Makikinig ako sa bawat sermon na sasabihin nila sa akin, basta ay bumalik lang sila dito sa Pilipinas. Dahil sa akin, nagkagulo ang sitwasyon. Inatake si Papa sa puso, nanakawan pa ang mga negosyo namin.

Nanatili akong nakaupo sa vanity table habang nakatitig sa aking phone. I've been like this as days went by. Lagi kong chinecheck ang e-mail ko maging ang aking phone. Tinanong ko na rin kasi kay Yaya Caridad kung anong contact number nila roon sa States para makausap ko na sila. But still. . . it's been two days since the day I sent them an e-mail and I haven't heard anything from them. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala.

Nope. Huwag kang ma down, Alison. Baka nagpalit lang sila ng contact number at naging busy lang sa States dahilan para hindi ma check ang e-mail. Besides, dalawang araw palang naman ang nakakalipas. Patience has been my strong suit. Magpaparamdam din sila.

I was roused from my reverie by the sudden sound of my phone ringing. Napaigtad tuloy ako sa bigla't kinuha ang phone sa ibabaw ng vanity table. Shet! Unknown number. This must be my parents'.

"Hello?" I answered the phone with my voice laced with hopefulness.

There was silence for a moment before the voice spoke. "Hi. Is this Scarlett?"

Natigilan ako saglit. Boses babae ang nagsalita. Pamilyar ang boses pero sigurado akong hindi si Mama ito.

"Yes," lumunok ako. "Who's this, please?"

"This is Olivia. I hope you still remember me, Scarlett."

Damn. Halos mabitawan ko ang phone na mapagtanto kung sino ang kausap ko. This is Garret's mom for goodness sake!

"T-Tita..."

"I want to talk to you in person. Are you free today?"

She wants to talk to me? My heart raced as I frantically glanced at the wall clock infront of me. Past 3pm palang naman. Nasa office si Arthur at tulog na rin si Venice. Maybe I can sneak out even just for an hour or two.

"Sure po," I replied.

"Okay. I'm expecting you today at the Jimenez Hospital, Scarlett," seryosong aniya. "Salamat," sabay baba niya sa tawag.

Saglit akong natulala sa hawak kong phone. Sa lahat ng nakilala ko, si Tita Olivia ang taong mahirap tanggihan. She is too kind that it's hard to ignore her.

***

Nag taxi nalang ako papunta sa ospital. Mabuti nalang at medyo malapit lang ito sa tinitirahan naming condo kaya sigurado akong makakauwi rin ako kaagad. To be honest, hindi ako mapalagay. Hindi ko kasi alam kung anong pag uusapan namin ni Tita Olivia. Okay, I admit, may ideya naman ako at paniguradong tungkol ito kay Garrett pero para saan pa ang pag uusapan namin? Galit ba siya sa 'kin dahil sa nangyari kay Garrett?

Fvck. Syempre, oo. Garrett had never been physically hurt ever since. Hindi siya mahilig makipag basag-ulo. Kinakabahan na tuloy ako lalo.

Mabilis ang paglalakad ko palapit sa information desk ng ospital. Dinaluhan naman agad ako ng isa sa mga nurse.

"Pwede ko bang malaman ang room ni Garrett Evangelista?"

Hindi pa man tumutungo ang nurse para hanapin ang pangalan sa kanyang computer ay may nagsalita na sa aking likuran.

"Scarlett. . ."

Mabilis akong lumingon at pinilit na umaktong normal lang kahit na sobrang kinakabahan akong makita siya. "Tita Olivia."

She didn't smile. Lumapit lang siya sa akin at marahan akong niyakap. "I won't say it's nice to meet you again," aniya at saka humiwalay para tignan ako. Her eyes were very tired I felt guilty. "Pero namiss kita, hija."

Kinagat ko ang labi ko at hindi na sumagot. Sa buong Astrid, ang Mama ni Garrett ang napakabait na taong nakilala ko. She is so gentle and warm. Mahinhin siya't mayumi kung kumilos.

"Let's go."

Sabay kaming naglakad pasakay sa elevator. Walang nagsalita sa aming dalawa. She would glance at my reflection through the metal doors of the lift and then look away. I feel so uncomfortable.

Patagal ng patagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Masayahin si Tita at ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaseryoso. Is she angry at me?

"Kamusta ka na?" tanong niya nung naglalakad na kami sa hallway ng ospital.

"I...I'm fine po, Tita." Diretso ang tingin ko sa daanan. "Kayo po?"

"Obviously," aniya't tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Huminto kami sa tapat ng isang pinto. "I'm not okay. Seeing my son in that condition makes me feel sick, Scarlett. Ito yung first time na maconfine siya sa ospital."

Tumungo ako't pinaglaruan ang aking mga daliri. My chest was too tight for me to breathe deeply. Naguguilty ako sa nangyari kay Garrett.

"I taught him not to fight with anyone. He's not troublesome. You know, he is so fine. Kilala mo naman siya, 'di ba?"

Huminga lang ako ng malalim at tumango. I've known him half of my life.

"Kilalang kilala mo siya, alam ko. Classmates kayo since elementary pero nung college lang kayo naging close. He told me the first time he laid his eyes on you. Sa amin pa ng Dad niya siya humingi ng payo para ligawan ka," sabi niya nang may munting ngiti sa labi. "Paano ka nga niya ulit pinasagot?"

Automatikong bumalik sa isipan ko kung paano kami nagsimula ni Garrett. Hindi ko magawang ngumiti man lang kay Tita kahit na tila umaasa ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Umakyat po siya sa bubong ng gymnasium at pinagsigawan niya na. . . na..." Hindi ko kayang tapusin ang sinasabi ko at napahawi nalang ako sa aking buhok.

"Na ano, Scarlett? Na mahal ka niya?" Humalakhak siya. "Baliw talaga 'yang anak ko sa'yo. Kaya nga halos umiyak 'yan sa harapan ko noong nagpaalam siya sa amin ng Papa niya na gusto ka na niyang pakasalan pagkagraduate." Umiling siya.

"Tita, sorry but why do you need to tell me this? Pwede po bang diretsuhin mo na ako?" I'm sure she could read the confusion in my voice. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hija, gusto ko lang sabihin sa'yo kung gaano ka kamahal ni Garrett. Ibabasura mo nalang ba ng ganun ganun nalang ang pinagsamahan ninyo?" I felt her frustration and sorrow.

"Tita, napag usapan na po namin ito ni Garrett. We're over," kalmadong sabi ko. "Naiintindihan ko pong hindi niya pa matanggap ngayon but I know soon he'll move on."

"Is this because he made a mistake, Scarlett?"

Umiling ako. "Hindi po. It's because your son made me forget him and love someone else."

"And that's someone else is his cousin, right?" Humugot lang ako ng malalim na hininga. Umiling siya ng mabilis at hinawakan ang isa ko pang kamay. "Scarlett, no. . . Don't rush things. You're just frustrated sa nangyari sa inyo ni Garrett kaya mo sinasabing mahal mo si Arthur. Pinapakita mo lang sa anak kong ayos ka even after what he did to you. You're not in love, hija. You're just protecting your ego."

"Tita—" Damn, she's wrong!

Tumunog ang phone niya. That silenced her from squeezing my thoughts off me. She calmed herself and released me from her grip.

"Whatever it is, please don't rush. Pag isipan mo munang mabuti." Hinaplos niya ang aking pisngi at ngumiti ng marahan. "Scarlett, tandaan mo, tatanggapin ka pa rin namin kung pipiliin mo si Garrett at tungkol kay Arthur, matalino siya. He'll surely understand kung pipiliin mo ang pinsan niya dahil si Garrett naman talaga ang nauna. Just weigh your thoughts and feelings for them before you decide." She said in a serious tone and showed to me her phone. "I'll just get this call."

I was left motionless at the hallway. Bumuntong hininga ako't sumandal sa pader. I felt so fvcked up. Naisip ko, kung hindi ba pinsan ni Garrett si Arthur ay magiging ganito pa rin ang sitwasyon?

Napatingin ako sa pinto ng kwarto. This must be Garrett's room? Should I check him out?

I sighed and found myself gripping on the knob. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin si Garrett na mahimbing na natutulog. I could tell on how he looks like that he's really devastated.

Napasapo ako sa aking noo at problemadong tinignan ang bugbog sarado niyang mukha. "Si Arthur ba talaga ang may gawa nito?"

Humila ako ng upuan at naupo sa gilid niya. Pinagmasdan ko ang pasa sa kanyang pisngi pati na rin ang putok na labi niya. "Ikaw kasi, Garrett. Kung hindi ka nagloko, tayo pa rin sana. Kasal na sana tayo."

Bumuntong hininga ako. Yun naman talaga dapat kami 'di ba?

"But you messed up everything." My stare at him deepened. "But it's okay. Kundi dahil sa nangyari, hindi ko makikilala si Arthur. In fairness, may gwapo ka palang pinsan ah."

Para akong balik na ngingiti ngiti sa harap ng taong natutulog. Ayos na rin siguro 'to dahil sa ganitong paraan ko lang siya nakakausap ng matino.

"Garrett," I called out warmly. Isinandal ko ang aking ulo sa kama dahil nakaramdam ako ng pagod. "I just wanted to say thank you for being part of my life. Masaya naman e, pero siguro, hanggang dito nalang talaga tayo. Marami pa namang iba dyan na para sa'yo. Nagkataon lang na sa pinsan mo ako natapat."

Suddenly the door was thrown open. I frantically looked back and saw Kuya Ezekiel came in. Sabay kaming natigilan. Tumaas ang kanyang isang kilay sa akin.

"What are you doing here, Alison?"

Sh1t. Napatayo nalang ako sa pagkakaupo at bumuga sa hangin. Wala naman ako ginagawang masama. Don't be guilty, Alison.

"Uh, Tita Olivia called me."

Napakunot ako ng noo ng ngumisi siya at naglalagot sign. "Lagot ka kay Arthur. Alam ba niya 'to?"

Ngumuso ako. "Kuya naman. . ."

Natawa lang siya. "I'm just kidding. Sige, hindi ito makakarating kay Arthur. Mas mabuti nang hindi para walang gulo."

Ngumiwi ako at napatango nalang. Hindi ko alam na may ganitong side si Kuya Ezekiel dahil akala ko noon ay intimidating at seryosong tao siya.

"Saan na si Tita Olivia?"

"Lumabas lang saglit," sagot ko at naghahanda na para umalis.

"Ah, kaya pala kinakausap mo si Garrett." Ngumisi siya sa akin at nanlaki nalang ang mga mata ko sa kahihiyan. Aalma sana ako pero. . . "Oopss, don't deny it. Na-overheard ko lang sa labas. Medyo malakas ang boses e."

Ugh! Nakakahiya!

"It's okay. Wala namang problema." Pinamulsa niya ang kanya kamay at bumaling kay Garrett. "I just want to remind you that he's not in a coma. Tinurukan lang siya ng pampatulog dahil hindi siya makatulog kagabi. He might have heard you..."

Muling kumunot ang noo ko dahil may bahid ng suspiscion ang boses niya. "Okay lang. Sinabi ko lang naman na mahal ko ang pinsan niya." Umirap ako.

Humahalakhak lang siya sa sinabi ko. "Good, then are you leaving?"

"No!" giit ko.

Natawa siya lalo. "I mean, uuwi ka na ba, Alison?" At ngumisi. "Sa condo?"

Mabilis akong kumagat sa aking labi at tumango dahil sa kahihiyan. Shucks! Feeling ko, ang tingin niya sa akin ay isang bata.

"Okay, ingat. . ."



AYOKO pa namang umuwi kaya dumiretso muna ako sa apartment ni Emma. Pero bago iyon ay dumaan muna ako sa isang Pizzashop para bumili ng makakain. Namimiss ko na rin kasi siya at medyo matagal na rin yung last time na nagkita kami kaya it's time to visit her in her place.

Ngunit nakailang pindot na ako sa doorbell ay wala pa ring nagbubukas sa akin. Bukas naman ang mga ilaw sa loob pati na rin ang pinto't bintana kaya hindi pwedeng wala tao ngayon dito.

"Emma!" sigaw ko at paulit ulit na pinindot ang doorbell. "Emma, nandyan ka ba?!"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko na ang boses niya mula sa loob. Tumakbo siya palabas ng bahay at pinagbuksan ako ng gate. "Alison, ikaw pala yan!" Mabilis niya akong niyakap.

Napansin kong gulo gulo ang buhok niya at mukhang bedroom look ang kanyang itsura sa oras na ito. Nakakapagtaka lang dahil mag aala sais na ng gabi.

"Bakit ang tagal mong buksan?" tanong ko, papasok na sa bahay. I missed being here.

"Kakagising ko lang kasi." Tinignan niya ang dala ko. "Wow, pizza!"

Saktong pagkaupo ko sa sofa at nakita kong palabas si Jake mula sa bathroom. Nakasuot siya ng board short at blue shirt.

"Hi, Alison. Long time no see," bati niya sa akin at dumiretso sa kusina.

Dahan dahan ang pagtingin ko kay Emma na naniningkit ang mga mata as if I was saying; why the heck is he here?

She laughed awkwardly. "Exclusively dating nga diba?"

I rolled my eyes at her. "Exclusively dating pero dito naligo? Seriously, nag lilive in na ba kayo?"

Umiling siya. "Gaga, hindi ah! Nanlagkit lang kasi siya kaya siya nakiligo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nanlagkit? May nangyari sa inyo?!"

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. "Ano ka ba! Manahimik ka nga." Tinulak ko siya. Oh, gosh. Buti naman. "Walang nangyari at walang nangyayari sa amin. Siguro mangyayari palang," sabay hagikhik niya.

Hinampas ko nga. "EMMA!!"

"Joke lang. Ito naman! Hindi pa pwedeng mangyari yun, ano. May pinag aaral pa ako sa probinsya namin. Bawal pa ako sa ganyan."

Umirap ako at napailing nalang. "Pwede namang gumamit ng proteksyon."

"Binibigyan mo pa ako ng choice. Osya, I might consider that. Magkano ba ang sa drugstore o sa 7/11 ng—"

"EMMA!" Hinila ko ang buhok niya. Humagalpak naman siya. "Papaalisin ko si Jake dito kapag hindi ka magbehave."

"Joke lang naman kasi. Gentleman yan si Jake. Anyway, bakit ka nga pala napadalaw dito?"

Ngumuso ako at napasandal sa sofa. Natatanaw ko pa ang likod ni Jake na mukhang abala sa pagluluto sa kusina. At may instant cook pa si Emma, huh?

"Wala. Galing lang ako sa ospital. Tinawagan kasi ako ng Mama ni Garrett."

"You mean, yung ex mo?"

I shushed her. "Sshh... Marinig ka ni Jake. Baka ikuwento kay Arthur." Tumango tango siya and so I told her everything that happened.

". . . Sinabi sa akin ni tita na i-weigh ko raw yung feelings ko sa dalawa. Kapag pinili ko si Garrett, tatanggapin niya pa rin ako sa pamilya nila."

Nabigla ako nang makatanggap ako ng sapok sa ulo mula kay Emma. "Aray ha!" I whined.

"Ikaw kasi e! Pinuntahan mo pa. Kapag ex na, ex na. Iniwan mo pero nakikipagkita ka pa rin? Edi sana 'di mo nalang iniwanan in the first place kung hindi mo rin kayang iwasan."

Umirap ako at kumuha ng isang pizza mula sa box. "E hindi naman si Garrett ang ipinunta ko e. Si Tita Olivia..." sabay kagat sa pizza.

"Pero aminin mo, dinalaw mo pa rin si ex?"

Hindi ako nakasagot. Totoo naman kasi e. Hayyy...

"Tigas talaga ng ulo mo!" She sounded so frustrated that she bit one big bite on her pizza. "Last na 'yan ha? Kapag tapos na, tapos na. Huwag mo nang simulan ulit, okay? And I'm talking about your arse of an ex—"

Nahinto sa pagsasalita si Emma nang biglang may bumusina sa labas. Tumayo si Emma at dumungaw sa bintana.

"Alison, si boss babe mo ba yan?"

Nagtatakang nakidungaw na rin ako at nakita ko ang black Ford Expedition ni Arthur. "Oo. Teka, how did he know I'm here?"

"I texted him," singit ni Jake na nanggaling mula sa kusina. Sumimangot ako sa kanya. Chismoso! "Don't give me that look. May lakad kasi kami ngayong gabi ni Emma. So, pinasundo na kita sa fiancé mo. Pasensya na. You might just want to continue your talk some other time."

"Jake naman. Minsan lang si Alison dito e," nagtatampong sabi ni Emma.

Muling bumusina si Arthur sa labas. Tumayo na ako nang lumabas si Jake para kay Arthur. Pakamot kamot naman sa ulo si Emma na nakaharap sa akin.

"Err, pasensya na, Alison. Nakalimutan kong date pala ako ni Jake sa isang corporate party ngayon."

Tumango lang ako at niyakap siya. "Ayos lang. Basta tawagan mo lang ako kapag ginago ka ng lalaking yan ha?"

"Oo naman. Ikaw din, tawagan mo ako kapag kailangan mo ng resbak laban sa ex mo."

Patawa tawa kaming lumabas ng bahay. Naabutan namin na nag uusap ang dalawa nina Jake at Arthur sa labas ng gate. Arthur immediately walked towards me and gave me a quick kiss on the cheek. Ngumisi naman si Emma sa natunghayan.

"So, paano, alis na kami, dude." Paalam ni Arthur sa barkada at tumango naman ito.

"'Ge," tumango si Jake bago bumaling sa akin. "Sorry again, Alison. I won't interrupt you with Emma next time."

Ngumiti lang ako. "Ayos lang. Ako nga yata yung nakaistorbo sa inyong dal'wa," I said before getting in the car.

Mabilis na nilisan namin ang apartment ni Emma. Napansin kong light ang mood ni Arthur ngayon. Mukhang hindi yan stressful ngayon sa office.

"How was your day?" tanong niya sa akin.

Thinking over what had happened earlier, I still said, "It was fine..." kahit na hindi naman talaga. I know everything's gonna be alright. Not now, but sooner.

"Hindi na ako nakapagpaalam na pupunta ako kay Emma kasi—"

I was trailed off by the sudden sound of the phone ringing. Cellphone iyon ni Arthur na nakapatong sa dashboard. Habang nagdadrive ay sinilip niya ang screen at mabilis din iyong ni-reject.

"What was it again, Alison?"

"Bakit mo pinatayan?" I asked, ignoring his question.

He shrugged, turning his focus on the road. "Office stuff. Tapos na ang office hours kaya 'di ko na sinagot. Anyway," tumikhim siya at ngumiti. "Venice told me last night that they'll be having a family day in school tomorrow. Are you up for it?"

Family day? Lumawak ang ngiti sa labi ko. That sounds fun!

"Sure! Anything for Venice."



--

Yhel's note: Extended until chapter 65. :)

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
64.7K 1.7K 18
| Stonehearts #9 | People see her as a rock of solid power and strength. She isn't easily wavered and never goes down without a fight. Elora Ysabelle...
1.5M 34.2K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
22.8K 868 47
Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkas...