MONTGOMERY 1 : Caught (Publis...

By SilentInspired

11M 227K 16.6K

Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and firs... More

Adrianna
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas
Batch 2 (Self-Publish)
My heart speaks
PSICOM
PSICOM RUSH
SilentInspired Closer

Simula

637K 8.4K 1.2K
By SilentInspired

"Rian!" I was running so fast. Gustong kong makahabol sa mga pinsan ko pero sobrang bilis nila. We were running in the man-made game field. Hindi ko pinansin ang pagtawag ng kapatid kong si Agatha. I immedietly targeted Alice, my cousin. I was laughing when I hit her. She's out!

Tumigil ako dahil tumigil din sila. Hinihingal na ako pero itong kapatid ko ay mabilis pa din ang takbo. Tumuloy siya at nakipagsabayan sa mga pinsan kong lalaki.

"Gath!" Sigaw ko pero natamaan siya ni Uno. Nag high-five si Uno at Dos. Ngumuso naman ang kapatid ko. She's the only lady in our family that can keep up with the boys' stamina.

I was with Uno, Dos, Tul, Agatha, Clyde, Alice, and Carl. Kami lang kasi ang available sa aming mag pipinsan.

Tumigil muna kami at pumunta kung saan nakalagay ang mga bag namin. Umupo ako at nagpunas ng pawis. Sinusulit namin ang bakasyon dahil malapit na ang pasukan. Malapit na ito pero hindi pa kami nag e-enroll. Lagi namang ganito.

Tumunog ang cellphone ni Carl kaya umalis muna siya. Inabutan ko ng tubig si Agatha.

"Gath, kailangan mo pa ng more work out." Saad ni Uno. Mabilis na bintukan ni Agatha si Uno.

"Tama si Uno, Gath. Papasok ka ng army. You should be strong and try to have muscles. Kahit ata isang barbel ay hindi mo kayang buhatin." Pinangalawahan ni Dos ang kanyang kapatid.

Kumunot ang noo ng kapatid ko. Ganyan lang naman kami pero at the end of the day, alam namin na kami kami lang ang magdadamayan.

"Anong gusto mo? Maging isa ako sa mga body builder? Papasok ako sa army hindi ako makikipag wrestling."

"Bakit ba gusto mo pumasok ng army? Delikado doon." Clyde asked with curiosity.

"Marami kasi siyang makikitang lalaki don. With abs bro!" Pamumusit pa ni Uno kaya umamba nanaman ang kapatid ko pero hindi niya ito tinuloy.

Dos smirked. Inabot niya kay Alice ang bottled water niya.

"Bakit pa? We are here. Sabihin mo lang magtataas kami ng damit para sayo. Ikaw pa! Malakas ka samin" natatawang saad ni Dos. Inis na inis naman ang kapatid ko.

"Why would I wish for your none existent abs!"

Napasapo ako sa noo ko nang magtaas ng damit si Dos. Alam naman kasi ni Gath na nawowork out ang mga to, they wouldn't be covered in a magazine kung hindi sila nakikitaan ng potential. Even I, admit that they have the looks. Girls cry over my cousins and brothers. Girls swoon at them.

"Yuck! Hindi ganon yon--"

"Let's go. Pinapauwi na tayo" saad ni Carl na kakapasok pa lang. Seryoso siya kaya napatayo kami. Kinuha ko ang bag ko at bag ni agatha. Inabot ko sakanya ito at sabay sabay kaming naglakad palabas.

"Kuya? What's wrong?" Tanong ni Tul sakanyang kapatid. Its weird na seryoso si Carl.

"Uuwi tayo ng Cebu bukas." Napaawang ang labi ko. I mean.. this is so sudden.

Ang pamilya namin ay kilala sa buong Cebu. From owning Argao for 5 decades ay nagdesisyon daw ang pamilya namin na palakihin ang lupang sinasakupan namin. Napalaki namin ang mga lupa namin hanggang sa buong cebu ay nagkalat ang aming mga investments at lupa. Pero hindi kami doon namamalagi. Si Daddy, Tito Ivor at Tito Ziel lang ang pumupunta doon palagi pero kami, we are based here in Manila.

Mom's family is more on business, we own a multibillionaire company, SSM as they call it. Dito nakabase yon kaya nandito kami.

Sa part naman ni Daddy ay hindi magkasundo si lolo at sila daddy pero para kay lola ay nakikipag compromise sila. I heard that each of them has a legendary love..

Cebu is a good place. We go there pero for vacation lang.

"Are we gonna spend our last week vacation there?" Prenteng tanong ni Uno habang binabato sa likod ang mga gamit namin. Literal na binabato niya.

Dalawang sasakyan lang ang dala namin. Carl's Chevrolet and Uno's Bugatti.

"Nope" natigilan ako sa pag hila ng gamit ko kay Uno dahil baka mabuhos ang pabango ko kung ibabato niya iyon.

"Then what?" Mukhang hindi gusto ni Dos ang desisyon ng elders.

"We will be spending two semesters there" bored na bored na saad ni Carl. Inabot niya ang gamit niya kay Uno at binato ulit yon ni Uno.

"Stop throwing our things!" Naiinis na saad ni Tul. Napailing nalang ako dahil natatawa lang si Uno.

"What? Two semesters? Edi whole year din yon?!" Hindi ako makapaniwala! Why now? Bakit ngayon pa?

"Yes" tipid niyang sagot at inakbayan si Tul. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ng kuya niya.

"The heck! Pero ang buhay ko ay dito! Dito sa Manila!" Saad ni Gath na mukhang inis na inis.

"Guys.. please tell me some advantage ng pagpunta natin don bago ako mainis" saad ni Alice. Napabuntong hininga ako dahil wala akong maisip.

"Well, we own Cebu. That's a good thing. Dito sa Manila medyo mahirap kasi marami tayong kakompetensya dahil hindi lang tayo ang makapangyarihan dito pero sa Cebu, damn! We can rule the place!" Napabuntong hininga ako at napailing nalang sa sinabi ni Dos.

"What? It's true!" Saad niya dahil walang nag react sa amin.

"Ewan ko sayo" naiinis na saad ni Alice sa sarili niyang kapatid at pumasok sa loob ng sasakyan.

Ako rin ay pumasok sa loob ng sasakyan ni Carl.

"Dahan dahan sa pagmamaneho. Please! Sawa na akong mautusan ni Daddy na ibili ka ng bagong kotse." Narinig kong pagbabala ni Alice kay Uno.

"Lil' sis.. how many cars does he waste every year?" Dagdag pa ni Dos. Napailing nalang ako sa talong magkakapatid na ito.

"Average of 5 cars a year Kuya Dos. Take note, hindi repairable. As in wasak na wasak. Hindi ko nga alam bakit may license yan." Saad ni Alice kaya sabay sabay kaming natawa.

Sinara ko na ang pintuan sa shot gun seat. Sumakay na din si Tul, Clyde, Agatha sa loob ng sasakyan ni Carl. Ang iba ay sa sasakyan na ni Uno.

Huling pumasok si Carl.

"Blessed their Souls." Narinig kong bulong ni Clyde kaya hindi namin napigilang humagalpak sa tawa. Even the serious Carl laughed. Nakipag high-five pa siya kay Clyde.

"Should I copy Uno's driving skills" nanlaki ang mata ko.

"Subukan mo! Ikaw ang una kong tatarget-in pag natuto akong bumaril" saad ni Agatha kaya itinaas ni Carl ang dalawang kamay niya.

"I'm just joking little cousin." Saad ni Carl at sinimulan na ang pag da-drive.

Pumasok kami sa restaurant na sinabi ni Adrian, my twin.

"There they are!" Saad ni Clyde. Dito nila kami pinatuloy.

Mula sa kinakatayuan namin ay kitang kita ko na nakaupo na si Adrian, Angelo at Simon. Lumapit kami doon at umupo ako sa tabi ni Adrian.

"Hey Ad" saad ko at hinilig ang ulo ko sa kapatid ko. My mom said na ganito daw talaga, pag katabi ko ang kambal ko ay sobrang panatag ng puso ko, like she was with Tito Joss.

"Did you enjoy?" Napangiti ako at tumango. Umayos na ako ng upo.

"Hey Gelo! I heard.. napagalitan ka daw ni daddy" pamumusit ko sa bunso kong kapatid. Napakamot naman siya ng ulo.

"Nagasgas yung bago kong kotse. I mean.. may insurance naman pero galit pa din si Dad."

"Malamang! He wants you to learn." Saad ni Gath. Umupo siya sa tabi ni Gelo.

"More like teaching him not to be like Uno" natawa kaming lahat sa sinabi ni Alice.

Liningon ko ang kambal ko nang maalala ko ang balita kanina.

"What happened? I mean, Cebu?" Tanong ko sakanya. Nakuha ko ang atensyon nilang lahat.

"Dad, Uncle Ziel and Uncle Ivor wants to own the whole Visayas. Hindi nila magagawa iyon kung nandito sila but our moms said that we should support them so lahat tayo ay pupunta doon." Napataas ang kilay ko. Whole Visayas?

Hindi ko pa ata kayang intindihin ang line nila daddy. Masyado silang aggressive sa mga desisyon.

"Paano naman nila gagawin yon?" Dagdag na tanong ni Clyde. Lumapit ang waiter kay Dos dahil usually siya ang taga sabi ng order namin. Alam na niya ang gusto naming lahat at madalas kami dito.

"Maybe they'll try to enter politics?" Saad ni Simon.

"Buy more lands?" Pag dadagdag ni Carl. Nagkibit balikat ako at napasandal nalang sa upuan ko.

"Iisipin ko nalang na tama si Dos." Napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Clyde.

Inilapag na ang mga ice tea namin, wine naman para sa mga lalaki. Kinuha ko iyon at uminom ako dahil parang tutuyuan na ako ng lalamunan.

"Anong sinabi?" Tanong ni Ad.

"Cebu is ours! We can do everything we want there! Party and booze!" Masayang masayang wika ni Clyde na parang ginagaya pa ang pagkasabi ni Dos. Sinipa siya ni Dos sa ilalim ng table, napansin ko iyon dahil kumalabog ang ilalim ng lamesa. Mukhang nagustuhan naman ni Ad, Gelo at Simon yon dahil nakipag toast pa sakanila.

Boys and their thing.

Naghain na ng pagkain at nagsimula na rin kaming kumain. The dinner went smoothly.

Ang mga lalaki ay naguusap about sa sasakyang dadalhin nila sa Cebu while kaming girls naman ay pinaguusapan kung paano kami mamumuhay doon.

"Maybe we need to be behave? Para kila Dad and try as much as possible to be good lalo na kung papasukin nila ang politics." Wika ni Tul. Napakagat ako sa labi ko. Bagong daan itong tinatahak ng pamilya ko. Politics is such a ovewhelming track if ever.

"Tama si Tul, if politics ang bagong line ng family then bawal magka-scandal" saad ni Simon. Napakunot ang noo ko. Gusto kong matawa dahil hindi ko maimagine na magbebahave kami.

"With the kind of night life we have.. I don't think so" saad ni Gelo at ngumisi.

"Behave? Kayo? Tayo? Kailan pa?" Pananabat ni Uno habang nakangisi.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng restaurant at napatayo ako ng makita ang boyfriend ni Tul. Well hindi sila legal pero I know the two are dating. Sikat na basketball player iyong lalaki sa school namin.

"What?" Napatayo din si Ad habang nakatingin sa akin.

"Hindi ba boyfriend yon ni Tul? M-may babae.." saad ko kaya lahat sila ay napalingon doon. Sweet na sweet ang dalawa. Yakapan at yapusan pa ang ginagawa nila. Hinalikan nung babae yung boyfriend ni Tul. Napatingin ako kay Tul at nakita kong naluluha siya.

"Uno!" Narinig kong sigaw ni Alice kaya napalingon ako muli doon. Nakalapit na pala si Uno, Dos at Adrian doon. Sinuntok ni Uno yung lalaki kaya natumba ito. My cousins are well built kaya baka mapuruhan nila siya pag hindi sila tumigil.

Mabilis kaming tumayo ni Agatha at lumapit doon. Isang suntok ang lumapat muli sa lalaki galing kay Dos. Hinawakan ko si Ad sa kamay dahil nakita kong naghintay lang siya ng turn niya.

"Bitawan mo ako! Fuck!" Malutong na mura ni Adrian. He was fuming mad.

Si Agatha ay hinila si Uno palayo doon dahil siya ang pinaka basagulero sakanila.

"Tangina! Walang pwedeng gumago sa isang Montgomery! Ang kapal ng mukha mo!" Ilang mura pa ang narinig ko mula kay Uno pero natigil siya ng masapak siya ni Agatha.

Kinwelyuhan ni Dos ang lalaking iyon. "Humanda ka.. better yet ihanda mo ang tyan mo. Ipapasok ko lahat diyan ang bola sa gym tutal diyan ka lang naman magaling." Saad ni Dos.

Nag amba ang lalaki na susuntukin si Dos pero nagulat kami ng sampalin iyon ni Tul.

"Ang kapal ng mukha mo. Wala akong masabi sa kakapalan ng mukha mo. I won't say sorry for what my cousins did dahil kulang pa yan. Sana mabaog ka para hindi ka na kumati. Hindi ka marunong makuntento." tumalikod si Tul pero hindi pa siya lumakad pa alis.

"One more thing, don't worry I don't hold grudge. When a Montgomery get hurt.. when I get hurt, kahit mamatay ka pa sa harap ko, dadaanan lang kita ng parang wala lang."

Nagpatuloy na siyang maglakad kaya sumunod na kami. Huli kaming dalawa ni Agatha dahil parang hindi pa nakuntento si Uno. Baka biglang bumalik to at manuntok nanaman.

"I'm proud of you" saad ni Carl at inakbayan si Tul.

Napangiti ako. Natigilan ako ng may makatama sa balikat ko. Linagpasan ako nito kaya napalingon ako, I was welcomed by a pair of eyes.. most beautiful eyes I ever seen. I was struck. Yung tipong may magnet iyon na hinihila ako. Pati ang amoy ng lalaking iyon ay naamoy ko pa rin. Its intoxicating.

"Sorry" a deep voice said. Doon lamang ako nawala sa pagiisip ko.

"Tara na!" Hinila na ako ni Agatha bago pa ako makasagot sa lalaking iyon. Sinubukan kong lumingon pero ang bilis ni Agatha.

"Tulip, why are you crying?" Tanong ni Clyde sakanya.

"Do you like that boy?" Napailing ako sa sinabi ni Uno. Makatawag ng boy akala mo ay hindi namin ka year iyon.

"No! Crush ko pero hindi like. Naiiyak ako kasi naiinis ako! Kapal kapal niya! I am a Montgomery and I don't need to explain. No one should do that to a Montgomery!" I can sense her frustration.

"Said the girl who don't hold grudge" natatawang saad ni Simon at mabilis na pumasok sa loob ng kotse ni Ad.

"Simon!" Naiinis na sigaw ni Tul at pumasok sa loob ng kotse ni Ad.

"Rian, saan ka sasabay?" Tanong ni Ad sa akin.

Ngumisi ako at pumasok sa kotse ni Carl. Binuksan ko ang bintana at nakita kong nakatingin sila sa akin.

"Mahal ko pa ang buhay ko. Last time I checked, punapangalawa ka kay Uno sa pagiging gasgasero" nagtawanan kaming lahat at naghiyawan. Isasara ko na sana ang bintana pero natanaw ng mata ko ang lalaking nakita ko kanina.

Mula sa glass wall ng restaurant ay nakikita ko siyang nakaupo kasama ang dalawang lalaki na nakatalikod mula sa paningin ko. Nakangiti ito at hindi ko mapigilan na mamangha sa sobramg kagwapuhan niya. Ang dimples niya ay lumilitaw sa bawat pagtawa niya. His eyes.. his beautiful eyes. His perfect jaw..

Napahawak ako sa puso ko. Kinikilig ako sa munting pagtingin ko sakanya. Isinara ko na ang bintana at pinilig ang ulo ko. Isa lang tong munting paghanga na magtatapos sa pagalis namin dito. Hindi ko na siya sigurado makikita lalo na at ang laki ng Manila. Mas lalo na at lilipat na kami ng Cebu.

Continue Reading

You'll Also Like

940K 19.3K 43
| COMPLETED | 30 March 2017 - 27 June 2019 | Stonehearts Series #5 | Just like how her birthstone is coveted by royalty, Emerald Charisma Vinluan is...
4.7M 105K 60
Si Tulip Montomery, ang nag iisang bulaklak sa mga anak ni Ivor at Jade Montgomery. Bilang nag iisang babae sakanilang magkakapatid ay madali niyang...