HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

345M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 145

3.6M 87.3K 241K
By maxinejiji

NAIH'S POV

Lumipas ang Linggo at Lunes na naman.

Pero kakaiba na si Maxpein..

Alam kong hindi pa rin sya okay.. O dapat ko yatang sabihin.. HINDING HINDI SYA OKAY!!!

At isa ako sa mga nagdudusa!

Mukhang bumalik na naman yung dating sya!

Hindi pala-KIBO!!!

Nuknukan ng TAHIMIK!!!

Parati kang BARADO!!!

Hindi LUMILINGON!!!

Parating NAG-IISIP!!!

Jusko po, Lord.. sana po.. wag ako masyadong magsuffer.. huhuhuhu!!! Sana po wag mabawasan yung oras ko kay Lee..

Magdamag kaming nasa trabaho kahapon pero ultimong mga kasama namin doon ay hindi man lang makapalag sa sobrang katahimikan nya, pero nakakapagtrabaho pa rin naman sya ng maayos kaya naman wala ka pa ring kaiinisan sa kanya.

Ang totoo ay mas dumoble pa nga ang kasipagan nya sa trabaho.. Ultimong trabaho ng iba, ginagawa nya..

Pagkauwi namin galing sa party ni Deib nung gabing yun, don na sya nagsimulang hindi magkikibo..

Hindi naman ako masyadong nag-aalala dahil bukod sa puno ng galit ang dibdib ko..

Hindi ko man lang nakitang namugto ang mga mata nya..

Pero ang pinakaayaw ko sa lahat ng ikinikilos nya..

Kailangan mong maging bongga sa TALINO kapag sya ang kausap mo kung gusto mong makuha ang SAGOT na gusto mo!!!!! Maging maingat sa pagtatanong nang hindi ka barado!!

It's painful..

"Woi!"

"Aaaayyy!!! Jusko---stop----me!!!" napasigaw pa ako nung bigla nya akong sigawan! "A-Ano ba yon!" inis na tanong ko sa kanya!

"Tabe.."

"H-Ha??"

"Tabe.."

"A-Anong tabe ba??"

"Dadaan ako.."

Watdapak!?

Nanlalaki pa ang mga mata ko'ng tumingin sa tagiliran ko na NUKNUKAN SA LAWAK ang madadaanan!

At nakuha nya pa talagang pumunta sa harap ko at dito nya mismo gusto'ng dumaan sa kinatatayuan ko?! Nice!

Pero dahil GANYAN nga sya ngayon..

NAKANGITING TUMABI RIN AKO..

"Bilisan mo dyan, baka malate tayo.." sabi nya pa kaya naman dali dali'ng kinuha ko ang helmet ko.

"Iaangkas mo ko??" nakangiting tanong ko pa.

"Anong pakinabang ng motor mo??"

"H-Hahahahaha! N-Naaaaaapakalake! Naaaaapakalake ng pakinabang ng motor na yan! H-Hahahaahaha!" sabi ko pa at tinalikuran nya lang ako. "King inang 'to.."

Bakit ba kasi sya ganyan? Huhuhuh..

Mabilis syang sumakay sa motor nya at saka parang HANGIN na nawala sa paningin ko!

Syempre.. Wala akong choice kung hindi sumunod di ba?!

Mabilis rin kaming nakarating sa BIS dahil walang traffic traffic sa pagmamaneho nya!

Whew..

Napasipol pa ako sa isip ko nung sa isang mabilis ay nagawa nyang i-park ang motor nya at sa isang mabilis rin ay bumaba sya at saka nagderederetso papasok..

Agad naman akong sumunod sa kanya..

Hindi na namin nagawang pag-usapan pa si DEIB..

Ni isa sa amin sa bahay ay walang nag-atubiling kwestyonin pa sya..

Dahil magdamag syang naging tahimik at walang kibo..

Bukod pa sa pananahimik rin ay bakas na bakas rin sa kanya ang pagpapanggap na ayos lang sya..

Kahit pa ang totoo..

Alam naming hindi sya okay..

Dumeretso kami sa locker pagkapasok..

Marami rami pa rin ang estudyante'ng nagkumpulan doon at nagsisipagkuhaan rin ng gamit.

"Ooohhh.. Taguro Brothers.."

Dinig ko na naman ang bulungan na nagmumula sa magkabilang gilid ng espasyong yun..

Pero hindi naman namin sila pinansin..

Lalo na si Max na cool na cool lang na naglakad at kumilos..

"Balita ko ay sinira nila ang Party ni Deib??"

"Oo.. Yun rin ang dinig ko..."

"At may ginawa na naman sila kay Aimee.."

"Nako, kung nandito pa si Choco paniguradong gulo na naman yan!"

"Pero hindi ba't parang ang weird?? Bakit sila nagkaganon bigla? Hindi ba't girlfriend na sya ni Deib!?"

"Who knows?! Walang nakakaalam kung anong nangyari kaya naman marami ang nagulat nung kumalat ang balita'ng yun mula kay Abby.. May practice kasi kahapon ang cheering squad dito sa school at nagkwento daw si Abby, kaya kanina.. ayun kumpulan na ang bulung-bulungan---"

Gulat akong napalingon dahil kusang huminto yung pinapakinggan kong nakikipag-usyoso.

Gulat rin akong makita na kaharap na nila si Maxpein!

"A-Ahh h-hehehe.. Hi M-Maxpein.." sabi pa nung maingay na bumubulong kanina.

Naibaba ko naman ang notebook na hawak ko at humarap ako sa kanila.

"Ganon ba talaga kayo katanga para pag-usapan ako ng naririnig ko pa??" malamig ang pakikitungong tanong pa ni Max sa kanila. Napangiwi naman at bumalatay ang takot sa mukha nung dalawang babae.

"S-Sorry M-Max----"

Hindi nya nagawang tapusin ang sasabihin nya dahil hinila sya ni Maxpein sa kwelyo!

"M-Max.." mariing tawag ko pa sa kanya at saka humawak sa braso nya para pigilan sya. Munit hindi nya ako pinansin.

"Pakiramdam ko ay ang pangit pangit ng pangalan kapag nanggagaling sa mga bunganga nyo---kaya naman isang dinig ko pa ng pangalan kong lumabas dyan sa bibig mo.. Hindi mo na ulit mararanasang makapagsalita.." madiing banta sa kanya ni Max at saka sya binitiwan!

"S-Sorry---Sorry!" sigaw pa nung babae at saka sila sabay na umalis sa harap namin!

Now this is new..

Kung noon ay hindi lahat dinadarag nya..

Mukhang iba na ngayon!

Hindi ko na sya pinansin at animong walang nangyaring dali dali kong kinuha ang iba pang gamit ko at saka isinalampak ang mga yun sa bag ko! Sumunod ako sa kanya at saka sumabay sa paglalakad nya.

"O-Okay ka lang ba??" mahinang tanong ko pa.

"Nagkalat ang tsismoso sa school na 'to.. Ultimong maliit na bagay pinag-uusapan.." halatang inis pang sagot nya.

"S-Sikat ka na rin kasi.. k-kaya hindi mo na maiiwasan, Max.."

Hindi na sya kumibo at nagtuloy na lang kami sa loob ng room..

"Yoooon!!!" salubong samin ni BJ.

"Good m-morning, Max!" parang nag-aalinlangan pang bati ni Michiko sa kanya dahil nauna syang pumasok sakin. Hindi naman sya pinansin ni Max at nagtuloy lang sa upuan nya. "Good morning, Naih!"

"Good morning, Mitsiko!" nakangiting bati ko pa sa kanya at saka nagtuloy sa upuan ko. Sumunod naman silang tatlo sakin.

"Kumusta naman ang BEST IN FRIENDSHIP?" sarkastikong tanong ni BJ at sinensyasan ko naman sya gamit ang kilay ko at saka palihim kong tinignan si Max sa gilid ng mga mata ko.

Sa paraang yun ay nais kong iparating sa kanyang..

Manahimik ka na at wag ka ng magbanggit pa ng kung anong nangyari!

Masyadong mainitin ang ulo ni Max ngayon at alam kong ayaw nyang pag-usapan pa kung ano mang nangyari!

Napanganga naman at tatangu-tangong nakaramdam si BJ at saka tinaasan ako ng kilay..

"S-Sige, balik na kami sa upuan namin.. B-Baka dumating na si Miss.." sabi pa ni Migz at ginawa nga nila ang sinabi nila.

Inilabas ko kunwari ang libro ko at nagpanggap na nagbabasa..

Maya may lang ay nagsipagdatingan ng sabay sabay ang iba pa naming mga kaklase, sinulyapan ko naman si Max kung anong ginagawa nya..

Nakapikit sya at animong tulog na tulog talaga!

Magkakrus pa ang dalawang braso nya habang nakapandekwatro'ng pambabae sa pwesto nya!

"Good morning, class!!!" biglang pasok ni Miss!

Napalingon ako kay Max at nasa ganoong posisyon pa rin sya!

Kitang kita sya mula sa harapan kaya naman agad rin syang napansin ni Miss!

"Miss Del Valle?!" tanong pa ni Miss at dahan dahan iminulat ni Max ang mga mata nya at deretsong tumingin kay Miss! "Who told you that you can sleep inside my class??" sarkastikong tanong ni Miss.

"Nagsimula ka na ba??" sarkastikong tanong ni Max at sabay namang nanlaki ang mga mata namin!!!

Umayos sa pagkakaupo si Max at saka sumenyas kay Miss!

"You may proceed.." pormal pang utos sa kanya ni Max at naiwang nakanganga naman si Miss sa kanya!

Ako man ay hindi makapaniwala sa iniasta nyang yun!

Iiling-iling na napatingin na lang sa kanya si Miss at saka nagsimulang magdiscuss!

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

Mathematics Class.

"What is the Billionth digit of Pi??" maya maya pa ay tanong ni Sir! Nagkandatungo tungo naman kaming lahat maliban sa isa!

Alam nyo na..

"Anyone??" tanong pa ni Sir habang nakataas ang isang kamay nya. "Mr. Pantas??"

"A-Ahh.. N-No idea, Sir.."

"Tsk tsk.. Mr. Arenas?!" turo pa ni Sir sa isang classmate namin.

"I d-don't know, Sir.."

"Mr. Vidar?!"

"N-No idea, Sir.."

"Come on, Class!! Nasaan na ba ang mga utak nyo!? Gising!! Gutom na ba kayo!?" galit pang sigaw ni Sir! "Miss Sia?!"

"1000, Sir??" alanganing sagot nung classmate namin!

"Wrong! Ano bang sagot yan! Anyone!" sigaw pa ni Sir. "Miss Vallarta!?"

"100, Sir?!"

"Lower!!!! Miss Marchessa!?"

"18, S-Serr??" alanganing sagot ko!

"Wroooong!!!" sigaw pa ni Sir at bakas na talaga ang galit sa mukha nya! "Ano!? Hindi nyo alam!? Nag-aaral ba kayo!?"

Walang sumagot at mas lalong tumungo ang lahat!

"Get one whole sheet of pad paper---"

"9.."

Sabay sabay kaming napalingon kay Maxpein!

"Yes, Miss Del Valle??" si Sir.

"The Billionth digit of Pi is 9.." ulit ni Max!

P-Pano nya nalaman yun?! H-Hindi naman sya magaling sa Math ah!?

"Very good!!" sigaw ni Sir! "1000?? 100?? 18?! Anong klaseng mga sagot yan!" nakapamewang pang sigaw samin ni Sir na tinignan kami isa-isa! At saka sya muling tumingin kay Maxpein! "May isa pa akong tanong dito---at kapag nasagot mo yun, Miss Del Valle, hindi na ako magpapaquiz.." nakangising dagdag pa ni Sir. "Kapag nasagot mo ay makakalabas na kayo at maglalunch.."

Tinignan lang sya ng deretso ni Maxpein at wala man lang nagbago sa itsura nito!

"What is the largest Prime Number known so far??" nakangising tanong pa ni Sir!

Napalingon naman ang lahat kay Maxpein!

Nananatili syang nakatingin kay Sir habang magkakrus pa rin ang dalawang braso nya!

Mata nya lang ang gumalaw at tumingin pa 'to sa taas na animong nag-iisip sya!

"That's 12,978,189.." sagot ni Max at napanganga ang lahat!

Mabilis syang tumayo at inimis ang gamit nya!

"Class.. dismiss.." pormal pang sabi ni Maxpein at saka lumabas!

Siraulo talaga!

Nagsipagtayuan naman ang buong klase at nagsipagtawanan!

"Hahahahaha! Hambog talaga si Taguro e noh?!"

"At least nasagot nya ano ka ba.."

"Oo nga, ang aga tuloy ng lunch natin!"

"Hahahahaha! Buti na lang matalino sila.."

"Hindi nakasagot si Naih ngayon ah.."

"Oo nga e, mas matalino pa naman sya kay Max.."

Nakakainis nga ang naririnig mo pa ang bulungan nila na patungkol sayo!

Dali dali kong kinuha ang lahat ng mga gamit ko at saka ako sumabay kila Migz papalabas..

Nauuna samin si Maxpein at dalawang dipa ang layo nya samin.

"Ang taray ng lola mo.." bulong pa sakin ni BJ.

"Psh.. wag nyo ng pag-usapan yung nangyari sa party ni Sensui.. baka lalong mabadtrip yan.." bulong ko sa kanila.

"Hindi nyo na napag-usapan, teh??" tanong ni Migz.

"Hindi na.. Hindi na nya nabanggit ang tungkol don.."

"E kumusta na sya ngayon?" si Michiko.

"Ayan.. ganyan.. Coldness.. Loneliness.. Sadness.." nakangusong sagot ko pa.

"At least, best in friendship ka pa rin.. Hahahaha!" pang-aasar sakin ni BJ at nginiwian ko lang sya.

At saka kami sabay sabay na nagmadali pababa kasunod ni Maxpein.

Tulad ng dati ay dumeretso pa muna kami sa locker at iniwan doon ang mga gamit namin at saka kami dumeretso sa Canteen..

Stooppp me..

Sa hindi inaasahan ay nasa table namin yung feeling F4!

Yung sina Lee at Tob lang ang nandoon ay maiintindihan ko!

Pero yung pati si Deib ay nandoon!?

Stoooooppp meeee!!!

Napapalunok na nilingon ko pa si Maxpein munit hindi man lang talaga nagbago ang reaksyon ng mukha nya! Alam kong nakita nya na rin si Deib pagkapasok pa lang namin sa Canteen! Dahil bukod sa natigilan kami nila Michiko, BJ at Migz nung makita namin sila ay nasa unahan lang rin ng Canteen na yun ang table namin kaya naman kitang kita mo agad!

Mas nagulat pa kami nung biglang nagderederetso si Maxpein paupo sa madalas nyang pwesto sa table namin!

SA HARAP NI DEIB!

Hindi man lang ako makaramdam ng galit dahil ako mismo ay nagugulat sa nakikita ko!

Ang inaasahan ko kasi ay kapag nakita ko si Deib at uusok ang tenga't ilong ko at saka ko sya bubugbugin kahit sa harap pa ng maraming tao!

Pero iba ang pakiramdam ko ngayon!

Lalo pa at nakikita kong..

Pareho silang walang pakialam sa presensya ng isa't isa!!!

Napapailing na napasunod na lang ako sa kanila paupo sa mga upuan!

Pare-pareho kaming nagpapakiramdaman!

"A-Ahh, M-Max.. Okay lang b-bang.. s-sumabay kami sa inyo??" si Tob!

SA WAKAS AY MAY BUMASAG NG KATAHIMIKAN!

Dahan dahang iniangat ni Maxpein ang paningin nya sa kanya at saka walang emosyong tumingin isa-isa sa kanilang tatlo!

"Bakit naman hinde?" malamig pang tanong ni Maxpein at saka tumayo.

Dali dali naman akong tumingin kay Lee at sumenyas sa kanya.

"S-Sabayan ko muna si Max.." mahinang sabi ko pa at saka ako dali daling sumunod kay Max.

Pero hindi nya na ako pinansin at mabilis syang nakausad sa pila!

"M-Max.. a-anong order mo?" kunwaring tanong ko pa habang nagtitingin ng mga foods na available.

"Chicken Spag at saka Sandwich..."

"Ahh, sige yun na lang rin sak---"

HINDI PALA AKO ANG KAUSAP NYA!

Napapahiyang napahinto ako sa sasabihin ko nung iangat ko ang paningin ko ay yung server pala ang kausap nya!

Pahiya nga dyan..

Kaya naman wala akong choice kung hindi umusad sa linya at sumunod sa kanya. Ako naman ang humarap sa server at sinabi ang order ko.

"G-Ganon na lang rin ang akin.." napapahiyang sambit ko pa sa server na mabilis naman akong tinanguan. "M-Max.." tawag ko na sa kanya nung makatyempo ako. Nilingon nya naman ako munit nananatiling blangko ang mukha nya. "A-Ayos lang ba sayong kasabay natin sila??" naiilang pang tanong ko.

"Mukhang ayos lang naman sayo---edi ayos lang rin sakin.."

Sakin?? Bakit sakin!? P-Pano sa kanya?!

Nakaramdam ako ng kakaibang hiya!

"K-Kung h-hindi mo sila g-gustong makasabay.. pwede naman tayong h-humiwalay na lang---"

"Hindi na.. table natin yun e.."

"S-Sige, k-kakausapin ko na lang si Lee na l-lumipat sila sa table nila---"

"Ayos lang ako.. Wag mo kong intindihin.."

"E-Eh kasi.."

"Isipin mo na lang.. tayo tayo lang ang nasa table.." mahinang sabi nya pa at saka kinuha ang order nya at nagpaumunang maglakad!

Pano ko magagawa yun e magkakaharap tayo mismo!

Dali dali kong kinuha ang order ko at saka ako sumunod sa kanya.

"Oh? Nasan na si Migz???" tanong ko nung pagbalik ko sa table ay wala na si Migz.

"Pinatawag ni Coach at Mr. Faller.." sagot naman ni BJ.

"Hindi pa ba kayo oorder??" tanong ko pa.

"Sila na ang oorder samin.." sagot ni Michiko na inginuso yung tatlo na naglalakad na rin papunta sa line.

Naupo naman ako agad sa tabi ni Max. Nagsisimula na syang kumain.

"N-Nagmamadali ka naman ata??" tanong ko pa.

"Nagugutom nako e.."

"H-Hindi ka kasi kumain kagabi e.." bulong ko pa pero hindi na sya sumagot.

Naging mabagal ang oras sa pagitan ng lahat..

Pagbalik nila Lee, Deib at Tob ay mas naging tahimik kaming lahat..

Kaya naman dinig na dinig namin ang bulungan ng mga kumakain malapit samin..

"Grabe.. Nakuha pa rin nilang magsabay?!"

"Ang weird lang nila.."

"Baka naman hindi talaga sila nag-away?? Baka si Aimee at Maxpein lang talaga?!"

"Hindi ko alam e.. Pero base sa kwento ni Ate Abby ay si Kim na talaga ang kasama ni Deib.."

"Sabagay, kitang kita naman natin last week na si Kim ang kasabay ni Deib kumain.."

"Anggulo gulo.."

"Oo nga.."

"Deadma na nga lang.."

Napatingin pa ako kila Max at Deib na kasalukuyang magkaharap habang kumakain!

Parang kami'ng lahat pa maliban sa kanilang dalawa ang naiilang para sa kanila!!!!

Pareho lang silang walang kibo at ni hindi man lang nililingon ang isa't isa!

Hindi rin sila tulad namin na animong nagpapakiramdaman!

Natural na natural ang kilos nilang dalawa at walang bahid ng pagkailang!!!!

Akala mo ay parehong hindi nag-eexist ang isa't isa para sa kanilang dalawa!

Ang weird! Ang weird weird ng feeling!

Nakakailang sa part namin pero wala kang mararamdamang awkwardness sa pagitan nila! Napakaweird lang sa part namin!!!!

Maya maya lang ay bumalik si Migz.

"Migz, inorderan na kita ng foods.." salubong sa kanya ni Tob.

"Aaawww.. Super thanks Tob! So sweet of you.." si Migz.

"Basta ikaw.. Hehehe.."

"Oh?? Anong nangyari, bakla?" tanong ni BJ kay Migz.

"Ayon.. more patawag na naman ang Lolo Faller mo.." si Migz.

"Bakit ka nga daw pinatawag??" si BJ.

"E yung tungkol doon sa Regional Sportsfest.. Pinayagan na daw sumali ang Private Schools at kasama na ang BIS.. Ininform nila ako ni Coach.." si Migz.

Dahan dahan pa akong napalingon kay Max!

Pero wala man lang nagbago sa ekspresyon ng mukha nya!

"M-Max.." tawag pa ni Migz kay Maxpein kaya naman nilingon sya nito! "K-Kakausapin ka daw nila Dean, Coach at Mr. Faller m-mamaya..."

"Anong oras?" walang ganang tanong ni Max!

"A-After lunch.." utal pang sagot ni Migz at tumango lang si Max at saka nagtuloy sa pagkain!

Gulat pa akong makitang patapos na sya!

"T-Tapos ka na??" tanong ko pa!

Chicken---Spaghetti---Sandwich??? Tapos na nya?! Pakingshet!

Hindi nya ako sinagot at nagpunas lang sya ng bibig nya!

"Nakalimutan kong bumili ng inumin.." sabi nya pa at saka tumayo.

"Oh.."

~DUUUG!~

Sabay sabay kaming napalingon sa biglaang paglalagay ni Deib ng tubig sa harap ni Max!!!!

Parang may humaplos sa dibdib ko sa eksenang yon!

Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko!!!

At meron sa loob loob kong humihiling na sana ay MAGBATI na sila!!!!

King ina ka, Zarnaih! Yung mga eksena mong yun sa party---nasan na!!!!!!! Bakit ganyan ang nararamdaman mo ngayon!!

Hindi ko maintindihan!

Parang huminto ang paligid!

Nakatayo si Maxpein at blangko ang mukhang napatingin sa bote ng mineral water na yun na biglang pabagsak na iniabot ni Deib sa harap nya dahilan para matigilan sya sa pagtayo dahil asta syang aalis para bumili ng maiinom!

Hindi sila nakatingin sa isa't isa pero ang lakas lakas ng IMPACT nila sa dibdib ko!

Halos ang lahat kami ay nagpalipat lipa ang paningin sa kanilang dalawa munit nanatiling blangko ang mukha nilang dalawa!

Nagtuloy lang ang pag-ikot ng mundo nung DEADMAHIN ito ni Max at saka dumeretso pa rin sa line!!!!

Aaminin ko..

NANLUMO AKO..

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko! Ako yung galit na galit kagabi!

Pero parang ako rin ang nagsusumamo ngayon at nagmamakaawa ang mga dugo dugo sa dibdib ko!!!

Para bang pati ako ay nasasaktan sa mga iniaasta nila kahit na sa isip isip ko ay hindi dapat ito ang nararamdaman ko!!

Ang inaasahan ko ay kapag nakita ko si Sensui ay magsusuper saiyan ako!

Pero hindi..

Napatingin ako kay Sensui at bakas ang pagkapahiya sa mukha nya..

Napayuko sya munit hindi na nya nilingon pa si Maxpein na kasalukuyan ng kumukuha ng maiinom sa counter.

Muling nagtuloy sa pagkain si Sensui at gayon rin naman kami..

Pabalik na si Max sa table namin nung harangin sya nang dalawang LALAKE! Ilang hakbang nalang ang layo nya samin!

Naibaba ko pa ang kutsara't tinidor ko at bahagya ko pang naingat ang pwet ko!

"Bakit?" mahinang tanong pa ni Lee na agad na nilingon ang tinitignan ko. Ang F3 kasi ay nakatalikod sa counter at nakaharap sa Entrance, kaming magkakaibigan naman ay nakatalikod sa entrance at nakaharap sa line!

"Ano yun?" tanong pa ni Migz na sinulyapan rin si Maxpein!

Natahimik ng bahagya ang paligid at napatingin ang karamihan sa kanila!

"Pwedeng magpakilala??"

Halos mapanganga pa ako nung marinig ko ang tanong na yun nung isa sa dalawang lalaki!

May itsura----GWAPO pala sya! Matangkad at mukhang may sinasabi rin ang pamilya!

Blangko ang mukhang tinignan lang sya ni Maxpein at saka tumungga sa tubig na iniinom nya!

"A-Ako nga pala si Harlon.." pakilala nung isa. "S-Sya naman si Potchi.. b-bestfriend ko.."

Matangkad yung Harlon at maliit naman yung Potch! Mas gwapo yung Harlon kumpara don sa Potchi! Pero pareho silang sumisigaw ang aura'ng MABAIT sa mukha!

Palihim kong sinulyapan si Deib at bumalatay ang SELOS sa mukha nya!

Muli kong sinulyapan si Maxpein habang pinipigilan ang mga ngisi sa mukha ko.

"M-Matagal ko na kasing gustong m-magpakilala s-sayo.. n-nahihiya lang ako.. A-Ang angas kasi ng dating mo---"

NAPAHINTO SA PAGSASALITA YUNG NAGPAKILALANG HARLON NUNG ILAHAD NI MAXPEIN ANG KAMAY NYA SA KANYA!

Ganyan nga, Maxpein.. Sya naman ang patayin mo sa selos!!!! Eeeeekkkk!!!

Hindi ko malaman kung bakit meron pa rin sa loob loob kong kinikilig para sa kanila! Hahahaha!

Traydor ka Zarnaih! Traydor ka!!

"Maxpein.." pakilala pa ni Max!!!

"A-Ahh.. ang totoo, m-marami na akong alam tungkol sayo.." sabi pa nung Harlon.

"Talaga?" walang emosyong tanong pa ni Max sa kanya!

"Oo, h-hehehehe.."

"Pero mas maganda kung ako mismo ang magpapakilala sayo, di ba??" nakangiting tanong pa ni Max at biglang nagliwanag naman ang mukha ni Harlon!

"T-Talaga??"

"Mmm.."

"P-Pano?"

"Tanongin mo ko.. sasagotin ko.."

"M-May boyfriend k-ka pa ba---"

"Wala.."

PARANG AKO RIN ANG NASAKTAN!

Wala sa sarilng nailingon ko ng kusa ang ulo ko Sensui at kitang kita ang pagkakahigpit ng hawak nya sa bote ng mineral water nya!! Hindi nya nilingon sila Maxpein pero halata sa porma nyang nakikinig rin sya sa usapan nila! Hindi naman sinasadyang lakasan nila Max ang usapan nila pero dahil nga ilang hakbang nalang rin ang layo nila samin ay dinig na dinig namin sila!

Nakaramdam agad ako ng pagkahabag sa kanya!!!!

Huhuuhu! Bakit ganito ang puso ko huhuhu! Naaawa ako kay Sensui!!! Kahit nababadtrip ako sa kademonyohan nya---gusto ko talaga sya para kay Maxpein!!!!

Parang umiiyak ang puso ko para sa kanilang dalawa!

"Sa susunod na lang tayo ulit, mag-usap.. May kakausapin pa kasi ako e.." si Max.

"A-Ahh.. g-ganon ba?? I-Isa na lang.. hehehe.."

"Mmm, ano yun?"

"P-Pwede ko bang kunin ang n-number mo?"

Gulat akong napatingin kay Sensui sa biglang LINGON nito kay Maxpein!!

Waaa!!! Maloloka ako sa eksena nila!!

Makikita mo ang matindi tinding pagsalubong ng mga kilay ni Deib habang deretsong nakatingin kay Maxpein na kasalukuyan namang nakatagilid sa kanya kaya hindi sya nakikita!

Ngiting ngiti si Harlon kay Maxpein na kasalukuyan namang ganon pa rin ang dating.

"Number mo na lang ang kukunin ko.." pormal paring usal ni Maxpein at saka inilabas ang cellphone nya. "Itype mo nalang dyan.."

"S-Sige.. I-Itetext mo ko??"

"Oo ba.."

Hindi ko maintindihan kung sinasadya ba ni Maxpein 'to!

Hindi man bakas sa postura nyang pinagseselos nya si Deib!

Yun ang pagkakaintindi ko!

At natutuwa ako sa nakikita ko!

Humarap na muli si Deib sa pagkain nya at saka madaling ipinagpatuloy yun! Kami rin ay nagsipagbalikan na sa pagkain.

Habang si Max naman ay nakipagngitian at muling nakipagkamay don sa dalawa bago tuluyang bumalik samin! Wala syang kaalam-alam sa paglingon ni Deib sa kanya kanina!

"Migz, okay lang ba'ng puntahan ko na sila Mr. Faller ngayon?" tanong pa ni Max kay Migz.

"A-Ayy.. nako, Max, lunch time pa e.. baka naglalunch rin ang mga yon.. Kung gusto mo hintayin mo na lang kami tapos sabay sabay tayong pumunta don after namin dito.. Maupo ka muna, teh.." si Migz.

"Ganon ba? O sige.." walang emosyon na namang sabi ni Max at saka naupo sa mismong tabi ni Migz!

Sabay sabay pa kaming napalingon nung ilabas nya ang cellphone nya st nagsimulang magpipindot doon!

"W-Wag mo syang itetext.."

Sabay sabay naman kaming napalingon kay Deib!

Oh my God.. Oh my God!!

KINIKILABUTAN AKO SA NANGYAYARI!

Naghahalu-halo ang emotions ko!

Yung pakiramdam na kinakabahan ka---kinikilabutan ka---kinikilig ka!! Oo!

Yan ang nararamdaman ko ngayon!

Napatingin si Maxpein kay Deib munit nananatili paring blangko ang mukha nya! Si Deib naman ay non pa lang tumingin sa kanya!

"Wag mo syang itetext.." pag-uulit pa ni Deib!

Gumewang pa ang ulo ni Maxpein sa kanya at tinignan sya na animong hindi sya makilala!

At saka sya ngumisi at nagtuloy sa pagpipindot sa cellphone nya!

OMG..

Parang ako na naman ang nasaktan!

Sabay sabay kaming napatingin kay Deib munit bakas na bakas ang pagkapahiya sa mukha nya!

Napayuko sya sa kinakain nya munit hindi nya na ipinagpatuloy pa ang pagkain!

Inilayo nya pa ang plate nya sa sarili nya at saka tumulala. Wala ni isa sa amin ang makapagbitiw ng salita!

"Quarter na.." biglang sabi ni Max at napatingin na naman kami sa kanya. "Baka ma-late tayo sa subjects natin, ako na lang ang pupunta kila Coach---"

"H-Hindi na.." pigil ko sa kanya at saka lumingon sa mga plates ng iba. "T-Tapos na rin naman kaming lahat.. Sasamahan ka na namin.."

"Sige.. Kayo bahala.." sabi nya pa at saka nagpaumunang tumayo kaya naman dali dali rin kaming nagsipagtayuan!

Leche ka, Maxpein, ah! Kapag ikaw naging okay---ikaw naman ang gagawin kong sunud-sunuran!

Nagmamaunang maglakad ang Maxpein!

Para kaming mga tangang kumpulan at mga nakasunod sa kanya!

Oo! Kasama pa rin namin yung tatlo!

Kasabay ko si Lee habang kasabay naman ni Michiko si Tob! Magkasabay rin si BJ at Migz kaya naman, SOLOISTA ang eksenahan ng Deib Lohr!

Nakarating kami sa Office ni Mr. Faller at nagpaumunang pumasok si Migz. Hinintay naman namin sya sa labas ng office.

"S-Sweetiiee!!" malanding tawag ko pa kay Lee! Yung sa sobrang landi ay pati si Deib mapapalingon!

Wag kang mag-alala dahil sinadya ko yan!

"Mmm, sweetie?" si Lee.

"Date naman tayo.." nakanguso kunwaring yaya ko at nagliwanag naman ang mukha ni Lee kaya naman kinilig rin ako kahit pano.

"Sure.. Where do you wanna go??"

"Mmm.. Gusto ko lang kumain kahit saan.. Alam mo namang makasama lang kita, masaya nako!" sabi ko pa na talagang mas ipinarinig ko pa kay Deib ito!

"I know.. So, kailan mo gusto??" malambing pang tanong ni Lee.

"Mmm.. mamaya??"

"Nice.. Sige.."

"At saka bukas.. at saka sa susunod pang bukas.. at susunod pang bukas na bukas.. at sa susunod na susunod na susunod pang bukas na bukas na bukas---"

"I love you.." pigil ni Lee sa sinasabi ko!

At sa hindi inaasahan..

Eeeeeekkkk!! Kainis! Hahahahha!!

KINILIG AKO!

Oh my.. Oh my.. Oh my..

Maya maya pa ay lumabas na si Migz, kasunod si Coach.

"Ayon nga po, Coach.. Pero kasi, mas maganda pa rin kung may excuse letter na manggagaling sa inyo para po kay Max, if ever.." dinig pa naming sabi ni Migz kay Coach. Hindi naman kami nakarelate.

"Oh eto na pala sila e.." sabi pa ni Coach habang nakatingin sa quadrangle.

Kaya naman isa-isa kaming napalingon doon..

'Anong ginagawa nyan dito?!'

SI RANDALL!!

Kasama si SAMANTHA!

Inantay pa namin silang makalapit samin at saka kami napatingin sa kanilang lahat!

"Oh Del Valle.." baling ni Coach kay Max! "Kilala mo naman na sila.. Sila ang makakasama mo sa Regionals kung sasama ka.."

K-Kasama si Randall?!

Napatingin ako kay Randall at nginitian nya naman ako!

"K-Kasama ka??" pabulong na tanong ko pa kay Randall at nakangiting tumango naman sya!

Oh my God!

Napatingin na naman ako kay Sensui munit nananatiling nakayuko sya munit masisilip mo ang matalas na mga mata nya!

"Napag-usapan nga namin ni Migz na, hindi ka excused sa mga klase mo, dahil ang Regionals naman ay hindi naman na parte ng Academic Events natin.. Actually, ang isang 'to ay bilang participation natin sa kabuuan ng Laguna.. Pero kasi, kinausap na rin namin si Dean at ayaw nyang panghawakan ang mga salitang binitiwan ng mga namumuno sa Sportsfest na 'to.."

"Pero pano po ang safety nila Max, Coach??" tanong pa ni Migz.

"Ayun nga.. Bale, may kasama kayong mga personnel ng school natin.. Pero kasi, this time ay hindi schools ng BIS at SIS ang pangalang dadalhin nyo---kaya nga Regionals, dahil pangalan ng Laguna ang dadalhin nyo.." paliwanag pa ni Coach. "Magsasign kayo ng waiver.. Tapos magdadala tayo ng mga magiging assistant nyo.. Hindi rin willing ang Dean na maglabas ng budget masyado para dito, kaya naman magsasama sama kayong tatlo sa kwarto---"

"W-What?!" si Deib!

Napapahiyang napayuko rin si Deib matapos naming gulat na lingunin sya!

Nagseselos sya..

Ayon na naman yung kirot na may bahid ng awa'ng nararamdaman ko para kay Sensui.

DEIB'S POV

Magsasama sama sila sa iisang kwarto?!

Gago ba 'to si Coach!

Gusto kong tumanggi sa mga sinasabi ni Coach!

Unang una ay walang kasiguraduhan ang safety nila Taguro don!

Pangalawa, ayokong makasama nya ang Randall na yan sa iisang kwarto lang!

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko!

Gusto kong magalit pero nag-aalinlangan ako!

Anong karapatan ko?! Ako ang may gusto nito, di ba?! Bakit ako magagalit!?

Kanina pagkakita ko pa lang sa mukha nya ay parang ako'ng hihimatayin sa tuwa!

Pero nung magsimula na kaming magkasama at maramdaman ko ang sobrang panlalamig nya..

Unti-unti na namang nadudurog ang puso ko..

Pero anong magagawa ko? Desisyon ko 'to e..

Nung may lumapit at nagpakilala sa kanya ay parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang pagpipigil ng emosyon ko!

Gustong gusto ko syang lapitan para pigilan sa ginagawa nya pero hindi ko rin magawa! Natakot ako sa kanya! Natatakot ako sa panunumbat na magagawa nya!

At ngayon..

Sobrang kaba ang nararamdaman ko..

Gusto kong sumigaw sa harap nila at sabihing hindi ako papayag na sumama sya doon!

Pero sino ba ako para gawin yun??

Ikaw ang nang-iwan, Deib..

Ikaw ang nakipagbreak..

Ikaw ang nagmatigas..

Ikaw ang magdusa..

"Continue, Coach.." dinig kong sabi pa ni Taguro at naiangat ko naman kay Coach ang paningin ko.

"Sa Hotel pa rin naman tayo tutuloy, magaganda pa rin naman ang accomodation na matatanggap natin---pero hindi na yun individually.. Kung anong matatanggap ng isa ay yun lang rin ang matatanggap nating lahat.. Magsasama sama nga kayo sa isang Executive Suite pagdating nyo doon sa Venue.. Ultimong si Reycie ay makakasama nyo sa Suite, kasi ipapadala rin sya ni Dean para mabantayan kayo.." paliwanag pa ni Coach. "Ako at ang ibang personnel ay sa isang common room lang, pero doon pa rin naman sa Hotel na yon.."

"P-Pero hindi pa pumapayag si Max, Coach?" singit ni Parrot kaya naman biglang nabuhayan ako!

Napatingin pa ako kay Taguro munit ayon pa rin ang napakalamig na presensya nya at ang blangkong mukha nya!

"Kinausap ko rin si Dean tungkol sa issue mo, at ang desisyon nya nga ay tayo ang gagawa ng excuse letter tapos ay pipirmahan nya na lamang.. Pati ako at si Mr. Faller ay pipirma rin.. Tatlong araw tayo doon kaya naman tatlong excuse letter rin ang kinakailangan nating gawin.. Hindi daw papayag si Mr. Ciufan ng iisang excuse letter lang.. sabi ni Reycie.." paliwanag pa ni Coach at saka muling bumaling kay Taguro. "Kailangan ko ang sagot mo ngayon, Del Valle.. Papayag ka bang sumama?? Kasi bukas ay maagang maaga ang lakad natin.."

Tumingin ako kay Taguro at ramdam ko sa loob loob ko ang pagwewelga..

Wag kang sasama, please..

"Etong si Echavez kasi ang representative natin sa Male Division, isa lang naman kasi ang kailangan.. Tapos si Samantha at ikaw Maxpein sa Female Division dahil doubles na naman ang labanan.. Kaya kung gusto mo---"

"Sasama ako, Coach.."

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

Sasama ako, Coach..

Sasama ako, Coach..

Muling nagpaulit-ulit yun sa tenga ko!

Dahan dahan akong napatingin kay Taguro munit na kay Coach ang paningin nya!

Para akong nanlumo ng sobra!

Gusto kong matumba sa sobrang panghihina ko!

Maiisip ko palang na makakasama nya si Randall don..

Napayuko ako at masyadong naging malata ang pakiramdam ko..

Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang pag-iisip..

"Oh e pano?! Sigurado ka na ba dyan, Del Valle?!" excited pang tanong ni Coach at tumango naman si Taguro. "Pag-igihan nyong tatlo dahil scholarship ang kapalit nito.. Bukod sa cash price daw ay may trophy at scholarship kayong matatanggap.."

"Oo nga, Coach.." nakangiting sabat ni Randall.

"So, pano?? Ayos na ba sa inyo'ng magkasama sama kayong tatlo??" tanong pa ni Coach at nakangiting nilingon naman ni Samantha at Randall si Taguro!

"Oo naman, Coach.. Close naman kami ni Maxpein.. at mas close ang dalawang yan! Hahahahahaha!" sabat pa ni Samantha!

"So sa tingin ko ay hindi nyo na kailangan pa ng practice, ano??" nakangiti pang tanong ni Coach.

"Tsh! Bukas na yun, Coach e.. Hindi na.." sabat naman ni Randall. "May warm-up naman yun panigurado.."

"Very good.. So, bukas.. Magkita kita tayo dito ng 5:00 sharp!!"

"Yes, Coach.." sagot nung tatlo.

"Wag kayong mag-alala, mas may budget naman tayo sa foods.." natatawang sabi pa ni Coach.

"Hindi rin naman tayo pababayaan ni Samantha at Randall, Coach.." natatawang sabi pa ni Taguro!

"Natutuwa talaga ako, Del Valle at pumayag ka.." sabi pa ni Coach kay Taguro.

"Oo naman, Coach.. Ang hinihintay ko lang naman ay yung kasiguraduhang hindi ako idadrop ng monster kong Lec.." si Taguro.

"Hahahahahaha! O sya sya, sige na.. Magsibalik na kayo sa klase nyo.." turo pa samin ni Coach. "Kayong dalawa??" baling pa ni Coach kina Sam at Randall.

"Vacant ko.." si Sam.

"Tara na Sam, sumabay ka na sakin.." si Randall.

"Sige.."

"Ahh.. Pein.." biglang tawag ni Randall kay Taguro pero hindi ko na sila magawang tignan pa, pasimpleng tumalikod na lang ako. "Susunduin na lang kita bukas sa kanto village nyo, para sabay na tayong pumunta dito.."

"Dumeretso ka na sa bahay.. Isang deretso lang ang bahay namin simula sa gate, nasa harap kami ng mismong Park.." dinig kong sabi pa ni Taguro.

"Sige.. I'll see you tomorrow, umuwi ka na agad after ng class mo.." habilin pa ni Randall.

Parang naninikip ang dibdib ko..

Yung bagay na dapat ay ako ang gumagawa.. Tsk..

Nasasaktan ako..

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko..

Parang bawat salitang binibitiwan nila ay tumutusok sa dibdib ko..

Kung ito ang kapalit nung mga ginawa ko.. s-sige lang, saktan mo lang ako.. P-Pero tatalikod ako hindi dahil sinusukuan na kita.. Masyado lang masakit sa dibdib ko.. h-hindi ko kaya..

At saka ako naglakad papalayo sa kanila..

Batid kong natigilan sila sa ginawa kong paglayo munit sino man sa kanila ay hindi ako nagawang sundan..

Pigil ang emosyong naglakad ako pabalik sa building namin.. Andami daming tumatawag sakin pero wala akong nagawang pansinin maski isa.. Sa dami rin ng sinasabi nila ay hindi ko na nagawang pakinggang isa-isa.. Parang dinudurog ang puso ko..

Bakit ba kasi ang hirap hirap sa parte kong makita silang magkasama!?

Wala naman silang ginagawang masama, Deib!

Ang sabihin mo.. wala ka talagang tiwala kay Taguro!!

Hindi ko maintindihan kung bakit bawat hakbang ko ay naging mabigat para sakin..

Parang wala sa sariling narating ko ang classroom naming kakaunti pa lang rin ang tao..

Naupo ako at muling ipinasak ang earphones sa tenga ko at nakinig na lang sa musika..

Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay magagamit ko ang salitang TIWALA.. Kahit sobrang dami ng tiwala ko, kung hindi ko naman magawang pigilan ang sarili kong masaktan.. Anong magagawa ko?

Now Playing: If She Only Knew by 98 Degrees

♫ ♪ "If she only knew.. What I knew but couldn't say.. If she could just see.. The part of me that I hid away.. If I could just hold her in my arms again.. And just say I love you.. But she's gone away, maybe she'd stay.. If she only knew.. If she could just feel.. What I feel here in my heart..She'd know it was real.." ♪ ♫

Meron sa loob loob kong naghahanap ng taong masisisi ko..

Pero ako lang ang dapat na sisihin dito..

Nagdadalawang-isip akong puntahan sya para habulin..

Nasasaktan rin ako..

♫ ♪ "Pure and true right from the start.. But I'm just a man who didn't understand.. What she was going through.. But she's gone away, maybe she'd stay.. If she only knew.. And how, how did I let her get away?? 'Cause love, love is so easy to feel.. But the hardest thing to say.." ♪ ♫

♫ ♪ "If she could just see.. What I see when I close my eyes.. All that I dream.. Surely she would realize.. But like a fool I waited much too long.. To let her know the truth.. She's gone away, maybe she'd stay.. If she only knew.." ♪ ♫

Kinakain ako ng pride ko at ayaw kong lapitan sya para suyuin..

Natatakot rin akong baka hindi nya na ako pansinin..

Itinitikom ko ang bibig ko sa twing mararamdaman kong tutulo ang luha ko..

Kalalaki mong tao--napakaiyakin mo..

Pero.. hindi ko maiwasang maging emosyonal.. Kapag si Taguro na ang iniisip ko..

Masyadong masakit sa dibdib ang isa'ng 'to..

♫ ♪ "How, how did I let her get away? 'Cause I guess that love.. Love is so easy to feel.. But the hardest thing to say.. Say, say, say, say.. If she only knew.. What I knew but could not say.. If she could just see.. The part of me that I hid away.. If I could just hold her in my arms again.. And just say I love you, "I love you!".. She's gone away, maybe she'd stay.. If she only knew, if she only knew.. Maybe she'd stay but she ran away.. Why she had to go away?? 'Cause of what I didn't say.. Don't know what to do.. Oh God how I wish that she knew.." ♪ ♫

Maya maya pa ay dumating rin sila Lee at Tob pero tinignan lang nila ako..

Kaninang umaga pa man ay tahimik na ako at walang kibo sa kanila..

Alam ko namang alam nila ang pinagdadaanan ko..

Alam nila ang ugali ko at pag ganitong tahimik lang ako..

Alam nilang ayaw kong pag-usapan ang mga bagay na pinagdadanan ko..

Mabilis na dumating ang Lec at nagsimulang magturo..

Magdamag lang akong natingin sa mga nagtuturo sa harapan..

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

BREAKTIME.

Parang ayaw ko ng bumaba dahil pakiramdam ko, sa twing makikita ko si Taguro ay lalong sumasakit ang dibdib ko..

Pero wala akong choice.. Tumayo na sina Lee at Tob at saka tinawag ako.

"Tara, Deib! Baka nandon na sila Michiko.." sabi pa ni Tob kaya naman dali daling tumayo na rin ako.

"Ayos ka lang ba, Deib??" si Lee.

Yumuko lang ako at hindi na nagsalita...

"Pareho nyong pinahihirapan ang sarili nyo.. Tsh.. Pareho nyo namang alam kung pano mawawala ang sakit na nararamdaman nyo.." mahinang dagdag nya pa at napabuntong-hininga nalang ako.

"Mas madali'ng magselos kapag nasa loob kayo ng iisang relasyon, Deib.." makahulugang sabat naman ni Tob at mas lalong hindi ko naman sya pinansin.

Bumaba agad kami sa Canteen at tulad ng nakasanayan na, kaliwa't kanan na naman ang bati samin at papuri.. Kaliwa't kanan rin ang mga babae'ng papansin at mga lalaking masama ang tinign.. Maraming tao at masyadong maingay pa rin ang Canteen..

Pero meron napakalaking kulang sa kabuuan ko!

Kahit na nakasanayan ko na at paulit-ulit na lang ang buhay ko sa school na 'to..

Merong kulang sa pagkatao ko...

Taguro..

Parang tanga'ng naitingala ko ng todo ang ulo ko at pabagsak na inilaylay yun sa batok ko!

Gusto ko ng hawakan ang mga kamay mo.. Maamoy ang panlalaki mong pabango.. Ang mga pambabara mo.. Ang matatamis mong salita na tumatatak sa puso't isip ko.. Ang napakalambot mong labi..

Lumo'ng lumo ako at pakiramdam ko ay gusto ko na lang humiga ngayon sa kinatatayuan ko..

Nangingilid na naman ang mga luha ko at parang nahihirapan na akong huminga..

Gusto na kitang makasama..

"H-Huy.. A-Ayos ka lang ba??" bakas ang pag-aalala sa tono'ng tanong ni Tob.

Itiningala kong muli ang ulo ko at saka nagpakawala ng isang napakalalim na hininga at nagtuloy sa line..

Ayun na naman ang mabibigat kong hakbang..

"Ano sayo, Sir?" tanong nung server. Huminga muna ako ng malalim at saka sya muling tinignan.

"Y-Yung sandwich nalang.." sagot ko.

"Drinks, Sir?"

"Iced tea.." sagot ko at mabilis 'tong kumilos para iabot sakin ang mga yun.

Naglalakad na ako pabalik sa table nung biglang..

Nandoon na naman yung HARLONG na nagpakilala sa kanya kanina! Ang masama pa nun---don sya nakaupo sa pwesto ko kanina! Sa mismong harap ni Taguro!

Peste'ng Harlong 'to!

Inis akong nagtuloy sa paglalakad ko hanggang sa marating ko ang table nila Taguro!

"Excuse me.." madiing sabi ko at tiningala naman ako ng Harlong na yon.

"O-Oh.. Deib.. Hehehe.." sabi pa ni Harlong at saka tumayo. Halos magkasing tangkad lang kami kaya naman naglevel lang ang paningin namin. Tinignan ko sya ng masama. "Dito ka ba nakaupo??" nakangiting tanong nya pa.

Ewan ko ba kung bakit napagkaayos naman ng tanong nya munit napakasama ng dating sakin!!!!

Lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong masaktan!

Hindi ko sya sinagot at naupo na lang ako.

Biglang tumayo si Taguro at kinuhaan sya ng upuan!

"Maupo ka.." sabi pa ni Taguro at nagliwanag naman ang mukha ng kumag na Harlong na 'to!

Buuuuuset!

"S-Salamat, M-Maxpein!" naglalaway sa pagkautal pang sabi ni Harlong!!!!

Tumayo naman si Taguro at sumenyas na oorder na sya.

Napailing naman ako at naiiwas ang paningin ko kay Harlong na ang tigas nang mukha---nakuha pang maupo sa tabe ko!

"A-Ahh, D-Deib.. A-Alam ko naman yung sa i-inyo ni M-Maxpein, pero ang d-dinig ko kasi ay b-break na kayo.. k-kaya naman naglakas-loob na akong lumapit sa kanya.." mariing usal ni Harlong sa tabi ko at hindi ko naman sya sinagot.

Matigas na matigas ang pagkakakagat ko sa sandwich ko at saka ngumuya lang ng ngumuya sa harap nya!

"A-Ahh hehehe.. H-Hindi mo kasi naitatanong.. u-unang beses pa lang na nakita ko sya.. p-para bang nakakita ako ng isang itim na anghel sa kanya! H-Hahahahaha! Ang weird ko lang, di ba?? Pero kasi.. a-alam mo yun?? Parang anghel yung mukha nya pero yung personality nya---asteg?? A-Alam mo ba yun, pare??" namamanghang tanong nya pa.

Hindi naman ako sumagot at nanatiling ngumunguya nalang.

Isang salita mo pa---yari ka sakin!

"H-Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko twing makikita ko sya---parang yung mga mata nya hinihigop yung pagkatao ko! P-Parang meron sa mga mata nya na ako lang ang nakakakita-----!!!!"

~BLAAAAG!!!~

PABAGSAK KONG INILAPAG ANG BOTE NG ICED TEA KO!!

Gulat naman akong nilingon nila Lee at Tob. Kaming apat lang ang nakaupo sa table na yung dahil um-order sila Taguro kasama yung mga kaibigan nya!

Sinamaan ko ng tingin si Harlong habang inuubos ang laman ng bibig ko!

"Sino ka ba??" malamig ang pagkakatanong ko at natigilan naman sya bago pa man ngumiti!

"A-Ahh.. h-hindi pa pala ako nakakapagpakilala.. A-Ako nga pala si Harlon.." nakangiting pakilala nya pa na tumingin pa kila Lee at Tob at saka nakipagkamay!

"Lee, pare.." si Lee.

"Tob, dre.." si Tob.

"Harlong.." mariing usal ko.

"A-Ahh.. h-hehehe.. H-Harlon lang Deib.. Harlon." nakangiting pagdidiin nya pa.

"Wala akong pakialam kung Harlon ka---Harlong ang gusto ko.." pormal na sabi ko. "Lumayas ka sa harap ko.."

"H-Ha?!" gulat pang tanong nya.

"Si Taguro ang gusto mong makasama, di ba?!"

"O-Oo.."

"Umalis ka sa harap ko.."

"B-Bakit??" kabadong tanong nya.

"Dahil isang salita mo pa---masasapak na kita.." madiing sabi ko at lalong natigilan sya.

"D-Deib.." dinig kong bulong pa ni Lee pero ni hindi ko man lang sya nilingon. Hindi ko inalis kay Harlong ang paningin ko.

Nanginginig sa takot na napatayo si Harlong at saka dahan dahang umalis sa harapan ko..

At doon ko lang uli ipinagpatuloy ang pagkain ko..

"L-Loko ka.. K-Kaibigan ni Maxpein yun.." dinig kong sabi pa ni Lee.

"Edi sila ang magsama.." sagot ko.

"N-Nasa table nila tayo, dre.." si Tob.

Hindi ko na sila kinibo pa at nagtuloy na lang ako sa pagkain ko.. Maya maya pa ay bumalik na sila Taguro at mga kaibigan nya..

"Oh? Nasan na si Harlon?" tanong pa ni Parrot.

"A-Ahh.. M-May lakad ata sya k-kaya umalis na.." pagsisinungaling ni Lee. Naiiwas ko naman ang paningin ko sa kanila at saka ako nagtuloy tuloy lang sa pagkain.

"Tatlong araw pala nating 'hindi' makikita si Maxpein.." dinig kong pagpaparinig ni Migz.

"Oo nga, teh.. mami-'miss' ka namin.." sabi naman ni BJ bakla.

"Sure ka bang okay ka lang don na kasama mo si Kuya Randall???" sabat naman ni Michiko!

Napabuntong-hininga ako ng matinde..

Talagang may diin pa ang mga salita nila!

Hindi ko pa rin pinansin ng mga sinasabi nila at nagtuloy lang talaga ako sa pagkain.

"Nako..!!! Nako! Nako! Nako! Hahahaha! Okay na okay lang si Max don! Paniguradong hindi naman sya pababayaan don ni Randall! At isa pa---magkasama naman sila sa iisang kwarto! Yun naman si Sam wala namang pakialam yun sa mundo! Hahahaha! Kaya paniguradong matututukan ni Randall ng todo todo don si Maxpein!!! Baka nga hindi nya pa maiwan si Maxpein at 'maya't maya nya pang dikitan! Hahahaha! Kaya naman kalmadong kalmado akong nasa mabuti syang kamay kapag nandon sya sa malayo... Hehehe!!!" si PARROT.

Buseeeeet!

Talaga namang itinodo nya ang pagkakadiin diin ng mga sinabi nya!

AT TALAGANG INILALAPIT NYA PA SA MUKHA KO ANG MUKHA NYA TWING DIDIINAN NYA ANG SASABIHIN NYA!

Parrot!!!

Yung pakiramdam na nangingilid ang mga luha mo sa GALIT at naninikip ang dibdib mo sa SAKIT!

YON!

Yon ang nararamdaman ko ngayon!

Huminga ako ng sobrang lalim at saka nagtuloy muli sa pagkain munit naging napakahirap sakin!!!

"Ahh basta.. tutulungan kitang mag-ayos ng mga damit mo mamaya, Max! Kailangan.. yung magaganda ang isusuot mo hehehehe! Sasabihin ko kay Ate, pahiramin ka nung mga damit nyang 'sexy'!!! Hahahahaha! Ang balita ko ay maraming bigtimes na pupunta don e.." si Parrot na naman!

"Manahimik ka na.." biglang sabat ni Taguro at natigilan ako.

"Psh.. Kunwari ka pang ayaw mo! Hahahaha! E ikaw nga ang nagsabi saking turuan kitang magmake-up!"

Bakit sya magmemake-up!!!

Naiangat ko ang paningin ko kay Taguro pero nakatungo sya!

"Mas gusto ko yung masosolo ko sa kwarto.." nakangising sagot ni Taguro kay Parrot at biglang nanginig sa galit ang panga ko!

~BLAAAAG!!!!~

Ibinagsak ko ang magkabilang kamay ko sa harap ni Taguro at tumingin ako sa mukha nya!

Gulat silang napatingin saking lahat munit si Taguro ay nananatiling blangko ang mukha at inosenteng tumingin sakin!

"Patayin mo na lang kaya ako!?" madiing tanong ko kay Taguro!

"Bakit?" walang reaksyong tanong nya!

Hindi ko na sila pinansin at inis akong naglakad papalabas ng Canteen na yun!

Dali dali akong umakyat sa room at nagsoundtrip!

Pinigilan ko ang mga luhang nagkukumawala sa mga mata ko!

H-Hindi ko kayang makita kang may kasamang iba Taguro..

Parang pinipiga sa sakit ang puso ko..

Naninikip ang dibdib ko at parang punong puno ang lalamunan ko na animong sasabog na ito!

Mabilis na tumakbo ang oras at hindi ko na yun pinansin. Simula nung magsimula ang panghuling klase ay hindi ko na kinausap pa sina Tob at Lee.

Nung mag-uwian rin ay nagpaumuna ako sa kanilang lumabas ng room at dumeretso sa locker ko! Agad ko na lang iniwan doon ang mga gamit ko at hindi na nag-atubili pang alalahanin kung anong mga gamit ang kakailanganin kong iuwi sa bahay. Iniwan ko ang lahat ng gamit ko at saka ako nagmadaling pumunta sa kotse ko at UMUWI..

Pagdating ko sa bahay..

"Omo! Ang aga aga'ng umuwi ng baby ko! Tama'ng tama! Gumawa si Mommy ng napakaaaasarap na dessert! Mag-aaral ka mamaya, di ba----"

Hindi nya natapos ang sasabihin nya..

Dahil bigla akong YUMAKAP sa kanya..

"D-Deib.. Anak.. w-what's wrong?? Huh??" nag-aalalang tanong nya pa.

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko na napigilan ang mga luhang nagmamadaling umagos sa mga mata ko..

Parang sasabog na ang dibdib ko..

Hindi ko na kayang pigilan pa ang emosyon ko.. Masyado na akong nasasaktan!

"D-Deib, anak?? A-Anong nangyari??"

"K-Kung h-hindi ba sya d-deserving m-masaktan.. i-ibig bang s-sabihin nun ay d-deserving akong masaktan ng ganito, Mom??"

"H-Hindi, anak.. hindi.. D-Deib.. a-anong nangyari??"

"A-Aalis si Taguro, Mommy.. I-Iisipin ko palang na.." hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil kinakailangan kong huminga dahil sa sobrang pag-iyak na nagagawa ko.

"Oh my God.." pabulong pang sabi nya.

"N-Naiisip ko pa lang na m-makakasama nya si R-Randall, n-nasasaktan ako, Mommy.." parang batang iyak ng iyak na usal ko pa at hinimas himas naman ni Mommy ang likod at ulo ko.

"A-Anak.."

"P-Pero dahil k-kasalanan ko 'to.. w-wala naman akong karapatan m-magreklamo.. L-Lalo na ngayon.. h-hindi ko na sya girlfriend.."

"D-Deib, anak.. B-Boyfriend ng Noona mo si Randall.. B-Bakit mo sya pinagseselosan ng ganyan??"

"H-Hindi ko alam, Mommy.. K-Kusa kong nararamdaman---hindi ko m-mapigilan.."

"Oh my God.." pabulong pang sabi nya.

Ramdam ko ang pakikisimpatya nya..

Umiyak lang ako ng umiyak.. Hindi ko alam kung gaano katagal pero nung matapos ako.. Gumaan ang pakiramdam ko.. Ako ang kusang humiwalay sa pagkakayakap kay Mommy at pilit ang mga ngiting tinignan ko sya..

"Thanks, Mommy.." pilit ang mga ngiting sabi ko pa na sinuklian nya rin ng pilit na ngiti.

"S-Sana magkaayos kayo.."

"M-Malabo na yatang mangyari yun, Mom.."

"H-Ha?? B-But w-why??"

"M-Mas cold na sya sakin ngayon.. k-kesa noon.."

"Oh my God, Deib.."

"N-Nagsisisi ako sa g-ginawa ko pero.. a-ayaw magkusa ng katawan kong balikan sya.. Nasasaktan ako ng sobra pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kayang puntahan sya at magmakaawa sa kanyang balikan ako.."

"B-Bakit, anak??"

"Hindi ko alam.." pilit ang ngiti'ng sagot ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata nya. "Dahil siguro.. n-nararamdaman kong.. ipinagpipilitan ko masyado ang sarili ko sa kanya.."

Hindi nakasagot si Mommy.

Huminga ako ng malalim at saka muling tumingin sa kanya..

"S-Salamat ulit, Mom.. Gumaan yung pakiramdam ng bading mong anak.. T-Tch.. Wala e.. Iyakin ako pagdating sa kanya.. N-Nakalimutan ko ata'ng magtira para sa sarili ko.." nangingilid pa ang mga luha'ng sabi ko at saka lumapit sa kanya at humalik sa pisngi nya. "Aakyat nako Mommy.. Kailangan kong ipagpahinga ang utak ko.. Wag nyo nakong gisingin mamaya.. Marami nakong nakain---"

"P-Pero..."

"I'm not okay, Mom.. Pero gagawin kong okay ang sarili ko.. Yung lang naman ang choice na meron ako ngayon e.." pilit ang ngiting sabi ko at saka tinalikuran sya. "Goodnight, Mom.."

Ayun na naman yung mabibigat kong hakbang hanggang sa makarating sa taas..

Naligo lang ako at saka humiga sa kama ko..

Wala naman akong ginawa pero parang napakabigat ng katawan ko.. May masakit pa rin sa dibdib ko at kung anu-ano pa rin ang pumapasok sa isip ko.. Pero hindi ko na yun pinansin at natulog na lang ako..

Munit makalipas ang mahabang oras..

Naramdaman ko at naririnig ko ang dahan dahang pagbubukas ng pinto ko gamit ang susi..

Nagising ang diwa ko munit nananatiling nakapikit ang mga mata ko at hindi gumalaw ang katawan ko..

"A-Ayaw nyang kumain e.. A-Ayaw nya ring magpagising.." dinig kong bulong ni Mommy. "L-Late na, b-buti nakarating ka pa.." dagdag pang sabi nya.

Sino bang kausap nya?

"H-Hindi ho ko magtatagal, Tita.. Gusto ko lang syang makita.."

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

Muling naghabulan ang tibok ng puso ko!

Alam na alam ko kung kaninong boses yun!

"O sige, Maxi.. S-Sana maging okay na kayo.." dinig na dinig ko pang bulong ni Mommy!

"Sige ho.." bulong rin ni TAGURO!

Hindi ko iminulat ang mga mata ko at nanatili lang ako sa pwesto ko! Pinigilan gumawa ng anumang galaw dahil ayaw kong ipaalam sa kanyang gising ako! Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay parang nilalamon na nito unti-unti ang lakas ko!

Nararamdmaan ko ang dahan dahang paglapit sakin ni Taguro. Kaya naman pigil ang hiningang kinalma ko ang sarili ko..

Hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo nya sa kama ko.. Nandoon sya sa bandang likuran ko!

Parang gustong mangilid ng mga luha ko!!

Gusto ko syang harapin at yakapin.

Taguro.. Huhuhuhuh..

BAHAGYANG NAPASINGHAP AKO NG HININGA SA BIGLAANG MARAHANG PAGHAPLOS NG MGA DALIRI NYA SA PISNGI KO!

"A-Aalis ako ng mga ilang araw.." mariing bulong nya pa habang patuloy pa rin ang paghaplos nya sa pisngi ko! "A-Alam ko namang kahit hindi ko sabihin ay hihintayin mo ko.." dagdag pa nya kaya naman mas kinalma ko ang sarili ko!

MATINDING PAGPIPIGIL SA SARILI ANG GINAWA KO!

Hindi na nasundan pa ang mga sinabi nya at huminto rin ang paghaplos sa pisngi ko ng mga daliri nya. Bigla ko na lang ring naramdaman ang pagtayo nya mula sa pagkakaupo sa kama! Dahan dahang bumagal ang tibok ng puso ko.

"Mahal na mahal kita, Deib.."

NAGTAYUAN NG MGA BALAHIBO KO MULA ULO HANGGANG PAA!

Matapos nyang ibulong yun ay hinalikan nya ako sa pisngi!

~KLAK!~

At narinig ko ang muling pagsara ng pinto ng kwarto ko..

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko munit nananatiling nasa ganoong posisyon ako. Nakayakap sa unan at bahagyang nakadapa..

Mahal na mahal kita, Deib..

Mahal na mahal kita, Deib..

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang mga bulong na yun ni Taguro malapit sa mukha ko..

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 23K 36
PUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-f...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...