Said I Love You, But I Lied

By master_anoch

13.2K 285 70

Kwentong puro kaartehan at kabaklaan. Naniniwala ka ba sa kasabihang 'If you love someone, set him free'? Ka... More

Said I Love You, But I Lied - Chapter 1
Said I Love You, But I Lied - Chapter 2
Said I Love You, But I Lied - Chapter 3
Said I Love You, But I Lied - Chapter 4
Said I Love You, But I Lied - Chapter 5
Said I Love You, But I Lied - Chapter 6
Said I Love You, But I Lied - Chapter 7
Said I Love You, But I Lied - Chapter 8
Said I Love You, But I Lied - Chapter 9
Said I Love You, But I Lied - Chapter 10
Said I Love You, But I Lied - Chapter 11
Said I Love You, But I Lied - Chapter 12
Said I Love You, But I Lied - Chapter 13
Said I Love You, But I Lied - Chapter 14
Said I Love You, But I Lied - Chapter 15
Said I Love You, But I Lied - Chapter 16
Said I Love You, But I Lied - Chapter 18
Said I Love You, But I Lied - Chapter 19
Said I Love You, But I Lied - Chapter 20
Said I Love You, But I Lied - Chapter 21
Said I Love You, But I Lied - Chapter 22
Said I Love You, But I Lied - Chapter 23
Said I Love You, But I Lied - Chapter 24
Said I Love You, But I Lied - Chapter 25
Said I Love You, But I Lied - Chapter 26
Said I Love You, But I Lied - Chapter 27
Said I Love You, But I Lied - Chapter 28
Said I Love You, But I Lied - Chapter 29
Said I Love You, But I Lied - Chapter 30
Said I Love You, But I Lied - Chapter 31
Said I Love You, But I Lied - Chapter 32
Said I Love You, But I Lied - Chapter 33
Said I Love You, But I Lied - Chapter 34
Said I Love You, But I Lied - Chapter 35
Said I Love You, But I Lied - Chapter 36
Said I Love You, But I Lied - Chapter 37
Said I Love You, But I Lied - Chapter 38
Said I Love You, But I Lied - Chapter 39
Said I Love You, But I Lied - Chapter 40

Said I Love You, But I Lied - Chapter 17

258 7 0
By master_anoch

Chapter 17:

A/N:

Naguluhan ba kayo sa Third Person’s POV? Ako din eh. Hahaha! ‘Yaan nyo guys next time, mas paguguluhin ko pa. ^___________*

Enjoy reading <3

-Master_Anoch

TONI’s POV

Mahahanap mo lang ang tunay na kaligayahan, kapag natutunan mong bitawan ang dahilan kung bakit ka nasasaktan.

Totoo kaya ‘yon? Paano kung ang tanging nagpapasaya sa’yo ay ang dahilan  kung bakit ka nasasaktan? Handa mo bang kalimutan ang lahat?

Mukhang mahirap gawin , pero kakayanin ko. Hindi ko naman siguro ikamamatay ang sakit di ba? Tulad ng halaman kapag hindi nadidiligan, namamatay. Ganon din ang pag-ibig, namamatay. Sa una lang mahirap. Ganon naman talaga sa lahat ng bagay.

“Aalis ka ba Iha?” may hawak na gulay si Manang, mukhang nagluluto na sya ng para sa pananghalian.

“Diyan lang po ako sa kabilang bahay. Nakakainip dito.”

“O sya sige. Tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako.”

Hindi na ko pumasok sa opisina, at hindi na kailanman. Tutal naman next week babalik na si Diane. Kayang-kaya na ni Jaypee ang trabaho doon. Sa totoo lang, ako ang nakiusap sa kanya na kung maaari hindi na lang ako pumasok, pumayag naman sya. Para hindi ko na rin makita si Dennis. Mabuti na  iyon para mas mabilis ko syang makalimutan.

Para lang akong tanga di ba? Wagas ma-broken hearted. Ni hindi nga naging kami pero heto ako OA kung maka-emote. Wala eh, nasaktan ako. Sino ba ang may gustong masaktan? Hindi ko ito ginusto. Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin alam kung bakit ko minahal ang lalaking iyon ng ganon kabilis.

“Oh Toni, napasyal ka. Hindi ka pumasok sa trabaho mo ngayon?” nasalubong ko si Tita Alice sa may labas ng gate nila. Mukhang mamamalengke ata , dahil may dala syang basket.

“Hindi na po ako nagtatrabaho kay Jaypee Ta. Sa bar na po ulet ako.”

“Bakit? Anong nangyari?” saglit na natigilan si Tita Alice saka tumawa. “Hahaha! Huwag mo na lang sagutin ang tanong ko. Pupunta ka ba sa bahay?”

“Opo Ta. Wala kase akong makausap sa bahay. Nakakainip.”

“Naku! Wala ring tao sa bahay, hindi pa bumabalik si Khaye. Nagpasa ng kanyang mga designs. Dumaan sya kanina sa inyo, tulog ka pa nga raw.”

“Ayy ganon po ba?”

“Ang mabuti pa sumama ka na lang sa akin sa palengke----pero huwag na lang kaya, mapapagod ka lang. Diyan ka na lang sa garden ko, kausapin mo ang mga bulaklak.”

“Tita naman. Di kaya ako mapagkamalang baliw non?”

“Naku! Huwag mong isipin ang iisipin ng ibang tao. Kanya-kanya ng trip lang yan.”

“Hahaha! Tita ikaw talaga.”

“Oh sya pumasok ka nasa loob, mainit dito. Ako naman ay mamamalengke na.”

“Sige Ta. Ingat po kayo.”

Naupo ako sa upuang kahoy na sadyang pinagawa ni Tita Alice sa kanyang garden. Nasa gitna ito ng kanyang tanim na mga rose. Sa unang tingin, walang mag-aakala na may tao doon dahil natatakpan ng mga bulaklak. Para tuloy akong butterfly na nasa gitna ng mga bulaklak. Nakakagaan ng pakiramdam.

“Hoy Rosas anong tinitingin tingin mo dyan?” para akong sirang kinakausap ang mga bulaklak sa paligid, pero wala akong pakialam. Wala namang nakakakita at nakakarinig sa akin.

“Pinagtatawanan mo ba ako? Aba loko ka ah! Baka gusto mong ubusin ko ang mga dahon mo?”

“Sige ka. Baka mamaya sumagot na talaga sa’yo ang mga bulaklak.”

“KHAYE!” mabilis akong napatayo ng makita ko ang ulo ni Khaye na nakasilip mula sa itaas ng mga bulaklak.

“Anong ginagawa mo dyan?” nakangiti nyang tanong

“Wala naman---sabi kase ni Tita Alice kausapin ko raw ang mga bulaklak nya.”

“Sinabi rin ba ni Tita na ubusin mo ang mga dahon ng alaga nyang bulaklak?”

“Hahaha! Hindi naman.”

“Tumayo ka na nga dyan. Muntik na akong mapatakbo kanina sa takot ng may marinig akong nagsasalita dito sa garden.”

Sumunod ako kay Khaye at pumasok kami sa loob ng bahay. Binuksan nya ang tv saka kami naupo sa sofa.

“Khaye?”

“Hmmm!” nakatingin sya sat v.

“Huwag mong sabihin kay Tita Alice iyong narinig mo kanina ha?”

“HAHAHAHA! Hindi. Promise!”

“Kumusta lakad mo?”

“Ayon wala pang kasiguraduhan. Tatawagan na lang daw nila ako kapag nagustuhan ng may-ari ng company ang mga designs ko.”

“Hindi ka ba napapagod?”

“Hindi. Saka bakit naman ako mapapagod? Eh ito naman talaga ang gusto ko.”

Napaisip ako sa sinabi ni Khaye. Hindi naman patungkol sa akin ang sinabi nya pero feeling ko tinamaan ako. Sapul na sapul. Bull’s eye pa.

Hindi sya napapagod sa pagpapasa ng kanyang mga designs sa ibat ibang company kahit kadalasan ay narereject. Pangarap na ni Khaye ang maging fashion designer kahit noong bata pa sya. Kaya kahit maraming beses na syang nabigo, hindi pa rin sya sumusuko. Hindi tulad ko, hindi ko alam kung ano ang talagang gusto ko sa buhay.

Dati sabi ko, susundin ko na ang talagang nararamdaman ko, pero ngayon, ayoko na. Ayokong sumugal, At lalong ayokong masaktan. Nasasaktan na ako ngayon at alam kong mas masasaktan pa ako.

“Sorry nga pala.”

“Ha?” takang napatingin ako kay Khaye.

“About the other night.”

“What about it?” medyo nahihiya pa syang tumingin sa akin. Ako naman naguguluhan sa mga sinasabi nya.

“Akala ko kase si PJ iyong sinasabi mong mahal mo.”

“WHAAT!” Saka sya nagyuko ng ulo. “HAHAHAHAHAHA!”

“Bakit ka tumatawa?”

“Eh kase naman nakakatawa ka.” hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

“Ganyang ganyan din ang reaksyon ni Maki sa akin kahapon. Hindi mo naman ako masisisi di ba? Alam mo naman na mahal ko si Jaypee noon pa, tapos makikita kitang nagcoconfess sa harapan nya.”

“Anong confess? Lasing lang ako non. Saka bakit naman ako magcoconfess kay Jaypee? Ano ka ba, mahal ko si Jaypee pero pagmamahal bilang kapatid. Hindi bilang lalaki or whatever.”

“Im really sorry. Nasaktan talaga ako. Nagselos.”

“Nagalit ka ba sa akin?” seryoso kong tanong.

Ang laki pala ng kasalanan ko kay Karen. Muntik ng magkalamat ang aming pagkakaibigan ng dahil lang sa maling akala. Hindi ko alam na mangyayari pala ang ganito. And to think  na si Jaypee pa. I love him pero bilang kapatid lang. Hindi na hihigit pa don.

“Seriously?” –Khaye

“Not seriously. Honestly.”

“Honestly,  ng marinig ko ang mga sinabi mo sa harapan ni PJ, isa lang ang pumasok sa isip ko. Is this the end? Dapat ko na bang kalimutan ang lalaking ito? Hindi ako nakaramdam ng galit, selos, Oo. Looking at the both of you that night, parang nahati ang puso ko. I don’t know if I still should follow my heart or forget everything about him.”

“Gagawin mo talaga iyon?” hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Karen.

I know how much she like, love Jaypee pero it never occurs to me na magagawa nyang isuko si Jaypee ng ganon na lang.

“I know it’s hard and it will hurt me big time but I don’t a have a choice. I can’t love a guy who loves someone else. Ganon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao, lahat gagawin mo para sa kanya. Lahat gagawin mo para lang maging maligaya  sya, kahit ang ibig sabihin ng kaligayahan na iyon ay ang mawala ka sa buhay nya.”

Napahawak ako sa ilong. Baka nosebleed na ako hindi ko pa alam. Parang ibang Karen ang kaharap ko ngayon. Hindi ko inaasahang magmumula sa kanya ang mga salitang narinig ko. Bigla syang naging matured. Sa pag-iisip at sa pananalita.

“Wala akong ibang lalaking nagustuhan kundi si PJ. Siya lang. Kaya kahit nga naiwan na ako ng parents ko dito, andito pa rin ako. Kase andito ang taong mahal ko. Kahit araw-araw ko syang sundan gagawin ko, hinding-hindi ako magsasawa para lang  mapansin nya ako. Kahit ipagtulakan nya ako palayo, hindi ako susuko. Kahit sabihin nyang ang kulit kulit ko, lalo ko lang syang kukulitin.”

“Pero Khaye hanggang kelan? Hanggang kelan ka aasa at maghihintay?”

“Hanggang kelan nga ba? Sa totoo lang, hindi ko rin alam eh. Ilang taon na ba akong nakabuntot sa kanya? Hindi ko na nga halos matandaan kung kelan pa nagsimula. Basta matagal na. Kahit kaibigan lang ang tingin nya sa akin keri lang. Ang mahalaga lagi ko syang nakikita at nakakasama, at alam kong wala pang babae ang nagmamay-ari sa kanya.”

“Hindi ka ba napapagod?”

“Bakit naman ako mapapagod? Nag-eenjoy pa nga ako sa ginagawa ko. Saka ang makita ko lang sya, masaya na ako. Para syang charger kapag nalolowbat ako.”

“Lahat ng bagay may hangganan. Tingnan mo ako, hindi pa nga nakakafirst base nasa ending na kaagad.”

“Tama ka. Lahat ng bagay may hangganan. Ipagdarasal ko na lang, na  sana hindi dumating ang araw na iyon. At kung hindi man dinggin ng Diyos ang dasal ko, alam ko namang busy sya, wala akong magagawa kundi tanggapin na lang ang totoo. Alam mo bang hindi unfair  ang life? Sinasabi lang nilang life is unfair pero hindi naman talaga. Una-unahan lang yan. Lahat naman tayo ginawan ni God ng kalove team. Siguro iyong para sa atin, naligaw ng daan tapos nahihiya lang magtanong ng direksyon  o di kaya naman nawalan ng pamasahe kaya naglakad na lang. Pwede ring natrapik kaya natagalan. Life is fair. Hindi porke’t hindi ka mahal ng mahal mo unfair na kaagad. Pano kung iyong mahal ng mahal mo hindi rin pala sya mahal? Eh di quits lang! O di ba?”

“HAHAHAHAHA! Puro ka talaga kalokohan. Akala ko pa naman nag matured ka na.”

“Bakit matured naman ako ah? Pero sa totoo lang--” ilang segundo muna syang natahimik, tumingin sa taas  saka ngumitio ng hindi abot sa mata. “Isusuko ko lang si PJ kapag sinabi nyang may mahal na sya. At—at hindi ako!”

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa para kay Karen, at the same time proud din ako para  sa kanya. Naaawa ako sa kanya dahil alam ko kung gaano nya kamahal si Jaypee, kung pwede ko nga lang utusan si Jaypee na mahalin si Karen matagal ko ng ginawa, pero hindi eh. Hindi natin pwedeng utusan ang puso kung sino ang pwedeng mahalin.

Alam ko kung sino ang mahal ni Jaypee, pero hindi ako nakakasiguro kung sya pa rin  ang nasa puso nya. Kapag nagkataon, talagang masasaktan si Karen.

Matapang sya dahil kaya nyang palayain ang taong mahal nya. Tama nga siguro ang kasabihang ‘If you love someone, set him free.’

“Ano ba yan---tinalo ko pa si Papa Dan sa mga emote ko. Ikaw naman ang magkwento. Sino iyong sinasabi mong mahal mo? Kilala ko ba?” bumalik ang dati nyang sigla. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasan ang malungkot.

Paano kung hanggang ngayon mahal pa rin pala ni Jaypee ang babaeng iyon? Paano na si Karen?

“Ang mabuti pa mag-mall na lang tayo. Baka mamaya magka-iyakan pa tayo dito. Talo pa natin si Kim Chui at Maja Salvador.” Pinatay nya ang tv saka tumayo.

“Correction! Hindi tayo tulad nila. Dahil hinding hindi tayo magkakasira ng dahil lang sa lalaki.”

“Awww! Touch naman ako. Pakiss nga!”

“Sira ka talaga. Ibalik mo na nga lang iyong kausap ko kanina. Mas may sense pa kausap ‘yon kesa sa’yo.”

KHAYE’s POV

Nagpunta nga kami ni Anton sa mall. Pakiramdam ko nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ng mailabas ko lahat ng mga nasa look ko kanina lang. I feel relieved, lalo na ngayon alam kung wala akong kaagaw sa atensyon ni PJ. I knew I was wrong. Nakakahiya nga lang ng konte. Pero ngayon okey na ang lahat. Wala na akong dapat pang ipangamba.

Bago dumiretso sa mall, tinawagan ko ang kaisa-isang nilalang na nakikiagaw sa lalaking mahal ko. Walang iba kundi ang mahadera kong pinsan. Susunod na lang daw sya after class. Nagshopping muna kami at nang mapagod, tumambay kami sa paborito naming coffee shop.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino ang lalaking mahal ni Anton. Matagal na kaming magkakilala pero never ko pa syang nakitang nakipagdate. Wala pa rin akong nakitang guy na madalas nyang kasama. Well, except don sa lalaking kasamahan nya sa coffee shop. Pero I know, deep inside, hindi sya iyon.

“Asan na raw si Pansit Canton?” tanong nya habang nagbabrowse sa hawak na Ipad, saka humigop ng kape.

“On the way na raw---and speaking of the devil--”

Nakasimangot na naglalakad palapit sa table namin si Maki, which is unusual. For sure may nangyaring kakaiba kaya sya ganyan. Pabagsak syang naupo sa couch at nang-agaw ng kape.

“AKIN YAN!” mabilis na agaw ni Toni sa kape nyang kinuha ni Maki. Inabot ko na lang ang sa akin. Mukhang may nangyari nga, dahil hindi man lang sya nagreact o nakipag-agawan.

“Anyare? Bakit ganyan aura mo?” tanong ko

Imbyerna akes. May na-kayt akes na ansyamey na girlilet sa school. Nawindang akes, halos maloss ang dugochi ko. Betchay daw nya akes. Nakaka-ansya.

[Badtrip ako. May nasalubong akong baliw na babae kanina sa school. Halos maubusan ako ng dugo. Type daw nya ako. Nakakaloka.]

Biglang napabulalas si Maki. Namumula pa ang kanyang magkabilang pisngi dahil sa blush-on. Malandi talaga ang pinsan kong ito. Tinalo pa ako. Hindi na rin ako magtataka  kung one day kasali na sya sa Bb. Pilipinas. Hindi namin sya pinapansin pero nagpatuloy pa rin sya sa paglalabas ng hinanaing. Napapasecond look tuloy ang mga taong napapadaan sa table namin.

Pretty gurl naman kahit wit juklay pero Dear Lord ko naman. Di ba nya ma-knows na Dyosa  akes? At mas bonggay-cious akes sa kanya ng truly. 

[Maganda naman sya kahit mukhang hindi nagsusuklay, pero Diyos ko naman. Hindi ba nya naamoy na Dyosa  ako? At mas maganda ako sa kanya ng di hamak.]

Iyong mga nakakarinig sa pagdadalamhati ng pinsan ko, ayun kanya kanyang kuha ng panyo. Dugo ang ilong.

“Iinom mo na lang ng kape yan. Kulang ka lang sa nerbiyos.” Suhestiyon ni Anton.

“Mabuti pa nga Couz. Magtake ka na rin ng dalawang chocolate brittle para kay Tita  at isang chocolate cake para kay Mahal.”

Hindi pa rin nagbabago ang aura ni Maki ng tumayo. Wala syang pakialam kung may nababangga sya. Badtrip nga syang talaga. Sino ba namang babae ang nagkalakas ng loob na magtapat sa kanya? Eh mas maarte pa sa maarte ang pinsan kong yan.

“Hello girls! Hi Anna!” napatingin ako sa lalaking lumapit sa amin.

He looks familiar---ah tama! Siya iyong Boss ni Mahal. Napatingin ako sa gawi ni Anton kaya hindi nakaligtas sa akin ang bigla nyang pagsimangot. Pabagsak nya rin nilapag ang hawak na IPad.

“Hindi na kita nakikita sa office.”

“Karen let’s go!”

“HAA?” nagulat ako sa naging reaksyon ni Anton, kaya hindi ko sya napigilan ng bigla na lang syang magwalk-out. Mas gulat naman ang naging reaksyon ni –-ano nga bang pangalan nito— sinundan na lang nya ng tingin ang papalayong si Anton.

“Anong nangyari don?” tila wala sa sariling tanong ko.

“Oh anong nangyari don?” nakabalik na pala si Maki, at nakatingin rin sya sa  nagwalk-out.

“May problema ba?” muling tanong ng lalaki.

“Dennis?” bakit tila gulat na gulat si Maki ng makita si Dennis? Tama! Dennis nga pala ang pangalan nya. “Ayy teka---girl wait for meee!”

“Hey wait--” awat ko kay Maki pero nakaalis na sya. Problema non? Bakit bigla rin syang nagwalk-out?

“May problema ba?”

“I----I don’t know!” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Dennis. Naiwan akong clueless.

Bakit ganon na lang ang reaksyon ni Anton ng makita ang gwapong si Dennis?

At ito namang pinsan ko, sa halip na lumandi, na usually nyang ginagawa kapag nakakakita ng gwapo, eh sumunod pa sa nagwalk-out na si Anton?

Hmmmm!

Muli kong tiningnan ang lalaking naiwan sa piling ko. Bakit parang affected sya sa walk-out schene?

Di kaya sya?

Pero imposible!

Pero bakit ganon ang inasal ni Anton? First time!

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...