Dallen's Sweet Karma

By keired

2.4M 17.6K 585

WATTPAD FEATURED STORY Her name is Dallen dela Torre. Smart, rich, socialite, stunning and talented. Her mis... More

Dallen's Sweet Karma
Karma #2: Waking Up In Vegas
Karma #3: Philippines
Karma #4: Contract
Karma #5: Sick
Karma #6: Resorts World
Karma #7: Judgement
Karma #8: Caught
Karma#9: Training
Karma#10: Mix
Karma#11: Away
Karma#12: Rodrigo
Karma#13: Realize
Karma#14: Meet Again
Karma# 15:Truth
Karma #16: Honeymoon?
Karma #17: PMS
Karma #18: Decision
Karma #19: Karma
Karma #20:
Karma #21: New Start
Karma #22: Pride
Karma #23: Letter
Karma #23.5: Letter
Karma #24: Meeting Again
Karma #25: Search
Karma #26: Plan
Karma #27: Last Game
Karma #28: Sweet Karma
Dallen's Sweetest Karma

Karma #1: Welcome to Vegas

118K 848 22
By keired

Dedicated to Ate Che! siya yung gumawa ng description. I really love her. Hindi lang sa Wattpad ako tinutulungan. Pati rin sa paghahanap ng trabaho.

Chapter 1


Las Vegas...



Max's POV

'You cannot come back here if you don't bring your Dad.'


Hayy.. Pano ko naman mahahanap sa napakalaking Las Vegas ang pasaway kong ama? The Stip alone has a hundreds of Casino Hotel!


Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako naghahanap.


Ang hirap ng may sugalerong tatay, lalo na't mayaman. Hindi mo lang kasi makikita sa kanto kundi sa ibang bansa pa.


I'm staying here at Cosmopolitant Hotel,gusto ko na sanang matulog dahil pagod na ako pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Napagpasyahan ko na lang na pumunta sa The Chandelier, ang isa sa mga sikat na bar dito sa Vegas. Hindi ko ito palalampasin.


[ringtone]


Pagbaba ko pa lang ng taxi nag-ring na ang cellphone ko.


[Have you already seen your father?] Si Mama na naman, nangungulit.


"Hindi pa."


[What? Ano bang ginagawa mo jan Max? Baka nambababae ka lang jan? Pareho lang kayo ng ama mo!]

"I'm doing my best Ma. Napakalaki kaya ng Las Vegas. Wala rin akong babae dito. Bagong buhay na nga ako diba? Hintay ka lang jan."


[Pero nalulugi na ang kumpanya natin. Inuubos nyang pasaway mong ama ang ipon natin tapos walang magpapalakad sa kumpanya. Hindi ko kaya!]


Napangiti ako. Joking lang ng pamilya ko noh? Tatay ko sugalero, nanay ko bungangera tapos ako daw babaero.


"Relax lang Ma. Sabi ko naman sayong ako na lang hahawak ng kumpanya natin."


[Hindi kami papayag hanggat hindi ka pa nag-aasawa.]


Ano naman kayang connect nun pag-aasawa diba? "Bakit pa kailangan mag-asawa? Sige na nga Ma, ibababa ko na."


Nakarating ako sa The Candelier. Isa sya sa limang bar sa loob ng Cosmopotitant na kilala dito sa Las Vegas. Everything is elegant from the carpet up to the candelier ceiling. Para naman akong mayaman talaga dito.


"One martini please." Kagad na sabi ko ng makaupo sa sa stool ng bar counter.

"Isa pa ngang shot jan." Napalingon ako doon sa babaeng halos ilampaso na yung mukha sa counter. Nakubsob kasi ang ulo tapos gulo-gulo pa yung buhok.


"Lasing na kayo Ma'am."


"Isa pa!" Napabuntong hininga na lang yung bartender.


"Filipino?" Bago pa umalis yung bartender tinanong ko sya baka kababayan ko eh. Naiintindihan nya kasi yung sinabi noong babae.


"Opo."


"Cool! Pinoy din ako."


"Pati sya." Napaikot pa yung itim na mata noong bartender dahil sa babaeng katabi kong nakasubsob sa counter. "Order coming up."


Pinagmasdan ko yung babae. Pwede na. Sexy, matangkad... Uhmm.. Makinis ang balat. Bagay sa kanya yung red dress na yumayakap sa katawan nya pati rin yung sapatos nya. Oops! Sapatos nya? Nakatsinelas lang sya na pang hotel. Yun na yun e. Perfect na kaso sablay yung sapatos. Mapagkakamalang may sira sa utak itong babaeng 'to.


"Ang tagal!" Inagat nya yung ulo nya. "Nasan na yung order ko."


Kunot noo naman ako. Parang namamalik mata ata ako. Hindi baka binabangungut na ako.





Bakit nandito ang babaeng ito?!





Bakit nandito si Dallen dela Torre?


"Ikaw! Anong tiniti--" Nag freez sya ng makita ako. "Max Edward?"


"Buhay ka pa pala." Biro ko sa kanya. The witch is here! Takte! Sa dinami-dami ng pwedeng puntahan ng babaeng ito dito pa sa Las Vegas! And to be exact, sa The Candelier kung nasaan ako.


"Yeah! Alive and kicking." Matamlay nyang sabi. Obvious na may tama na sa kakainom ng alcohol.


Alis na lang kaya ako? As I remember, gulo lang ang nadala ng babaeng ito sa akin. "For almost six months na nawala ka dito ka lang pala makikita." Literal na naglaho nga sya pagkatapos noong aksidente sa hagdanan.

"I'm forgetting everything and changing my life?"


Natawa naman ako sa sinabi nya. "Sigurado ka? Kasi noong una mo akong kausapin ganyang ganyan ka."


-flashback-


"Miss." I'm poking this drunk girl. Nagpapatulog kasi yung kaibigan kong bartender na pigilan na ang babaeng ito sa paginom.


"Ikaw?!" Nagulat pa sya ng makita kung sino ako. Ako man nagulat.


"Oohh... Si Ms. Perfect pero masungit." Pang-aasar ko sa kanya. Kilala ko sya. Siya yung galit na galit kay Mia noon. Nadamay pa nga ako ng awatin ko silang dalawa. Ipapatalsik daw ako sa school nila.


"Anong ginagawa mo dito?"


"Masama bang nandito ako?"


"Ohh.. Mr. Yabang na kala mo kung sinong magaling at matalino kinakausap ako." Inasar din ako.


"Hindi ko alam na nakakatawa ka rin pala. Lalo na paglasing."


"Ako nakakatawa Mr. Max Edward? Baka gusto mong--"


"Mapatalsik sa school nyo? Hindi mo kaya. And by the way, you know my complete name? Cool! So may crush ka sa akin noh?"


Mukhang nairita naman sya kaya tumayo na. "My paymet. Keep the change." Iniwan nya yung wallet sa ibabaw ng counter.


Ikaw na maaksaya sa pera.


-end-

<3

"Shut up! Sinusundan mo ba ako?" Galit na naman sya gaya noong una ko syang nakausap.


"Ganyan nga rin ang naiisip ko."


"Aiishh! Max Edward wag ka nga!" Nag-iwan sya ng dollars at nagsimula na maglakad papaalis.


Tsk! Lasingera pala talaga sya.


"Asan na si Ma'am?" Sulpot noong bartender. Hindi ko na nasagot kasi nakita naman nyang nasa di kalayuan at may kausap na lalaki.


"Tsk!" Ininom ko na yung order kong drinks pero hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Naghihintay kasi ako ng kakaibang gagawin nya. Sya kasi yung babaeng predictable yet unpredictable. Yung tipong alam mo na may gagawin syang kalokohan pero hindi mo alam kung anong klaseng kalokohan ang gagawin.


The guy she's with right now is sure hitting her. Sa mga manyak na ngiti pa lang ng lalaki.


"Hey!" Napamasid tuloy ako ng husto dahil sa sigaw ni Dallen.


Nakita kong hinahawakan noong lalaki yung bewang ni Dallen. Noong una mukhang ayos lang naman pero napansin ko na pumapalag si Dallen.


She looks hopeless bangging the chest of the guy infront her. Para lang nyang nakikiliti yung lalaki kasi napapangiti pa.



Sa isip ko tuloy...





Tutulungan ko ba sya o hindi?





Bahala na.













"Let her go."


"Hey dude! Mind your own business." Sabi ng kanong sexual harassment kay Dallen.


"And she is my business." Seryoso kong sabi saka hinawakan yung braso ni Dallen at hinila sya papalabas sa bar na yun.


"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Binitawan ko nga sya noong makarating kami sa lobby. "Feeling mo na naman ikaw ang knight in shinning armor ko!" Yamot nyang sabi.


"Aba! Tinulungan ka na nga ikaw pa may gana magalit."


Iniwan ko na sya. Makapanik na nga lang sa room. Bwiset!


"WAIT!" "MAX!.... MAX EDWARD!"


Napatigil ako sa paglalakad. Anak ng! Sinong matinong babae ang isisigaw ang buong pangalan ko sa maraming tao?


Tiningnan ko sya ng masama, pano ba naman pinagtitinginan na kami. Pakiramdam ko tuloy yung malamlam na liwanag sa lobby nagliwanag sa direksyon ko.


Lumapit ako sa kanya. "Ano?!" Pabulong kong sigaw.


She smiled. Oh sh*t! Nakita ko na yang ngiting yan dati at sigirado akong delikado ang buhay ko. "Let's go!" Sya naman yung nanghatak sa akin.


"Hoy! Saan mo ko dadalhin?" Sakto may dumaang limo kaya sumakay kami sa loob.


She commanded the driver things I can't understand. Kasi naman inilusot nya yung ulo nya doon sa window sa pagitan ng driver at passanger seat.


Pagkatapos ngumiti na naman sya sa akin."Let's get lost in this City of Sin!"


Sabi ko na nga ba, she's predictable but unpredictable. Alam kong party-party ang trip nya dito sa Las Vegas pero ang isama ako? Tsk!


Inabot nya sa akin yung glass saka nilagyan ng wine. "Pasalamat ka at ikaw ang sinama ko. Libre kita buong gabi!"


Ininom ko yung wine tska ngumiti din sa kanya. "Anong libre? Hindi porque mayaman ka papayag na ako magpalibre. Lalaki ata itong kasama mo." For this night I let myself relax. May time pa naman para hanapin si Papa.


"egoistic monkey." She murmored.


"party animal." Bulong ko rin.


Sabay kami nagtawanan.


"Cheers?" She handed the glass.


"Cheers!"




First stop Coyote Ugly. May mga nakilala kaming mga party people din. Tawanan, kwentuhan. Syempre ang bida si Dallen. Akalain mong marami pala talaga sa kanyang nakakakilala dahil sa pag momodel nya.


Next, Diablo's Cantina, Carval Court, and Ri Ra.


Bar hopping to the max! May sayawan din sa iba.


I never saw Dallen this care free and wild. Mang-agaw ba naman ng sapatos ng may sapatos? Kasi naman umalis kagad kami ng hindi pa sya nakakapagpalit ng tsinelas pang hotel.


Next Score Vegas,


WTF! Dito talaga kami pupunta?


"Anong tinatayo-tayo mo jan? Lets go!" Utos ni Dallen habang papasok sa STRIP CLUB!


WTF! Napapamura ako dito. Nandito na ako, wala nang baback-out.


Inside evey girl who performes are Nude!


The dim light are the addition to the hotness of this strip club. Grabe! Hindi pa ako nakakapasok sa ganito and I'm very sure that this is heaven.


Nakaupo lang ako sa isang sulok. Mahilig nga ako dati sa party pero hindi talaga ako nakikisayaw, inom lang talaga.


Napatingin ako kay Dallen, she's girl! Lahat ata ng customer lalake kaya naman lahat napapatingin sa kanya! Damn! Bat ba nya ako dinala dito? Tibo ba sya at gustong pumunta dito?


Naabutan nya akong nakatingin sa kanya. Kaagad kong inilipat ang tingin ko. Shit! May almost nude na babaeng sumasayaw sa harapan ko. "Pervert! Ngayon ka lang ba nakakita nyan?"


Napalunok ako. Kahit kailan talaga. "Drink!" Pinainom ko na lang sya.



<3

"Wow! The best Strip Club I ever been." Malakas na sigaw nya ng makalabas kami.


"Lagi kang nagpupunta sa ganon?" Mukhang nagenjoy ang Homosexual na kasama ko.


"Not so. I've been in a strip club thrice I think. Ikaw ba?"


Namula ako. Shet? Yung totoo kasi first time ko. Wala namang ganito sa Pilipinas.


"Oh, so your first time? Okay lang yan. May natututunan ka sa Big Sis mo."


"Sayo? Big Sis? Parang elementary ka pa nga lang e."


"Sapak gusto mo? Hindi mo ako ginagalang ah. I'm older than you."


Ewan ko sayo. Sumakay na lang ako ng limo namin. Kakapagod.


"Saan tayo sa susunod?" Tanong nya noong makasakay sya.


Saan? "Casino." I smirked as I saw her smile. Right! Casino.


"Game! Casino!"


We went to The Fashion Show para bumili ng bagong damit. Sabi kasi nya 'We should look older and richer'.


Nang nakagayak na kami nagpunta kami sa The Bellagio.


From slot machine to poker. Number games and Table games. Sobrang swerte. Aba'y nakaka $2M na ang kaninang $50K namin.


"I told you I'm a lucky charm." Sabi nya habang nakaakbay sa akin at pinapanuod kung saan babagsak ang bola. "KYYYYAAAHH!! WE WIN!"


"YES!" Napatalon naman ako sa saya. May pinagmanahan talaga ako pagdating sa sugalan.


"We win!!!"


Natigilan ako ng yakapin nya ako. Maski sya napabitaw kagad.


"Mr. Edward it's nice to see you again." Bati noong casino personel sa kakarating pa lang na matandang lalaki. "Here is the chips."


"Thank you."


Para naman ako nanalo ng higit pa sa milyones ng makita ko ang hinahanap ko. "Pa!" Sya yung Edward na kausap.


"Kilala mo sya?" Napatanong si Dallen ng mapansinvang titigan namin ni Papa.


"Nakita rin kita sa wakas." Napangiti ako.


"Anong ginagawa mo dito anak?" Napakagandang bati nya sa akin.


"You know him?" Lumapit si Dallen at bumulong.


"My Dad."Bumulong din ako sa kanya.


"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?"


"Dallen dela Torre. Dallen, my Dad."


"HAHAHAHA!"Humalakhak lang yung tatay ko. Kaya napakunot ako ng noo. "Sya na ba ang papakasalan mo?"


"What?" Napasigaw tuloy si Dallen pero kaagad binawi ang pagkagulat nya at mas lalo pang lumapit sa akin.


"HAHAHAHA! Anyway, nawalan na ako ng gana maglaro. Aalis na lang ako. Nice meeting you Dallen and also my son." Nangingiti syang tumalikod sa amin.


"Saan ka pupunta?" I asked my Dad pero kumaripas na sya ng takobo.





Sh*t! Alam nyang sya ang pakay ko dito!










"Max Edward!"



----<3

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 77.8K 59
Story of Ran Martinez Romualdez (daugther of Jett and Clem of Blame Me Once) Para sa babaeng lagpas hanggang Mt. Everest ang kasungitan at madalang...
2.2K 246 45
Vasquez Series #1 Lianne Lualhati, a college student, finds herself captivated by the daily horoscope readings that seem to perfectly align with the...
25.8K 536 35
Can you still pretend that you're okay, but you're not? Can you still pretend that you have forgotten you're past, when you're not? (Kathniel po ito)
979K 23.2K 28
[The Chase and You: Part 2] People never care until it's too late. || Cover by: AkoyIsangPagong PART 1: [https://www.wattpad.com/story/11857008-the-c...