Kizuna: The Bond Between us

Від sayuriMa

472K 3.1K 443

They didn't plan to be together but there will be bond that will unite them forever Більше

KIZUNA
Author's note
Prologue
Hit 1 ~The Future Boss
Hit 2 ~Popular Group
Hit 3 ~Relationship
Hit 4~ Missing Piece
Hit 5 ~Alter
Hit 6~ Trigger
Hit 7~ Other member
Hit 8 ~Conflict
Hit 9~Bully
Hit 10~ Decision
Hit 11~Yano's First Love
Hit 12~ Love Story of Cashmere
Hit 13~ The Competition
Hit 14~ The Party
Hit 15~RJ's First Date
Hit 16~ Apple Candy
Hit 17~Rumors
Hit 18~Public Apology
Hit 19~The Marriage
Hit 20~The Council
Hit 21~ The Break Up
Hit 22~How To Raise Child?
Hit 24~The Petal
Hit 25~New Faces
Hit 26~Number Eleven
Hit 27 ~Precious One
Hit 28~Ties
Hit 29 ~Glances
Hit 30~New Vows

Hit 23~The Vacation

7.2K 68 18
Від sayuriMa

Kotse, handa na!

Mga bagahe, handa na rin.

Handa na si Mia kasama Yuki at Yano para sa kanilang out of town.

Isa na lang talaga ang kulang, si Trojan.

"Ilang oras pa ba tayo balak paghihintayin ng Trojan na 'yon?" galit na tanong ni Yano. Halos umusok na ito dahil mahigit isang oras na silang naghihintay.

"Lady Yuki, eto po..."

Isang matandang babae ang nag-abot kay Yuki ng basket. Nakita ni Mia na mga oranges ang laman noon.

"Salamat," mabilis na sagot ni Yuki.

Ngumiti ang matandang katulong. Ganoon din naman ang tatlong butler at dalawang maid na nasa likod niya.

"Hindi na ko makakapaghintay! Umalis na tayo!" suhesyon ni Yano. Papasok na siya sa kotse nang mamataan ang kapatid.

"Ayan na si Trojan!" nakangiting sabi ni Mia. Bigla lang siyang napakunot ng noo nang makita ang porma nito.Nakapang hiphop. Hawak rin nito ang tali ng alaga nilang aso.

"Hoy! Huwag mo ngang dagdagan ang init ng ulo ko! Talaga bang balak mong isama ang aso 'yan?" naiinis na sabi ni Yano.

Ngumiti si Trojan. "Pagbigyan mo na ko. Na-miss ko kasi talaga itong si Azul kaya gusto ko siyang makasama sa bakasyon. Gusto niya rin sumama. Hindi ba Azul?" Tiningnan niya ito.

Malutong na tahol ang sagot nito.

Kasabay ng tahol na iyon ay ang biglang pagtakbuhan at pagtatago ng mga katulong na siyang ipinagtaka ni Mia.

"Huwag ka nang magulat. Takot talaga sila kay Azul," sabi ni Yuki.

"Bakit po?"

"Dahil for the past two years limampung tao na ang napatay niya," bunyag ni Yuki.

"Ano!" Gulat na gulat si Mia. Paano nangyari na nagawang pumatay ng isang aso?

"Ganoon talaga si Azul. Mabangis! Kaya nga lagi siyang nakakulong. Sa aming mga Yamato at Matsumoto lang siya maamo," paliwanag ni Yuki.

Biglang napaatras si Mia at dali daling nagtago sa likod ng kotse.

"Mia, hindi mo kailangang magtago," sabi ni Trojan.

"Hindi ka sasaktan ni Azul dahil sinabi ko sa kanya na dinadala mo ang anak ni Yano," dagdag nito.

Sandaling sumilip si Mia. "Totoo ba ang sinasabi mo?"

"Siyempre naman!" sagot ni Trojan. "Halika, subukan natin."

Nagdududa si Mia kaya hindi pa rin siya lumalapit.

"Ayaw mong maniwala? O sige lalapit kami sayo."

Lalapit na si Trojan nang biglang sumigaw si Yano.

"Itigil mo nga iyang kalokohan mo!"

Napanguso si Trojan. "Bakit nakasigaw ka na naman diyan?"

Hindi siya sinagot ni Yano, sa halip ay inagaw nito ang tali ni Azul.

"Hoy teka! Anong gagawin mo?" angal ni Trojan.

Dire-diretso lang si Yano. Ibinalik niya sa cage ang alagang aso. Naiwan tuloy luhaan si Trojan.

"Puwede ba Trojan, tama na iyang drama mo. Umalis na tayo na!" sabi ni Yuki bago ito pumasok sa loob ng kotse. Siya ang mag da-drive kaya doon siya sa unahan. Pumasok na rin si Mia. Sumunod na sa kanya si Trojan. Magkatabi sila sa passenger seat.

Si Yano ay sa tabi ni Yuki umupo.

Hindi pa talaga natatanggap ni Mia ang pagiging may bahay ni Yano, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasang maramdaman na bahagi na siya ng pamilya nila.

Ate na ang tingin niya kay Yuki at nakababatang kapatid naman kay Trojan.

Dear Chen Yin,

Nabasa ko na ang email mo. Talagang masaya ko dahil okey ka na riyan sa Japan. Ako, ayokong aminin pero unti-unti na rin akong nagiging komportable kasama si Yano. Mabait din naman kasi siya pati na ang pamilya niya. Actually ngayong araw magbabakasyon kami sa labas ng Tama...

"Teka. Ang alam ko sa ibang bansa lang puwedeng magbakasyon, ah?"

"Tama iyon," sagot ni Trojan.

"Kung gayon bakit natin gagawin? Baka mamaya maparusahan tayo. Alam kong anak kayo ng boss pero hindi naman ata tama na lumabag sa batas," mahabang litanya ni Mia.

Ngumiti si Trojan. "Alam mo ang cute mo. Ang dami mong sinabi. Ang bilis mo pang magsalita," pang-aasar ni Trojan.

"Seryoso ako! Yano! Ate Yuki.Huwag na tayong tumuloy. Ayokong maparusahan!"

Walang tugon sina Yuki at Yano.

"Mia, masanay ka na sa'min. Pasaway talaga kami," nangingiting sabi ni Trojan sabay akbay kay Mia.

Bigla tuloy nawala ang payapang isip ng dalaga. Ang inakala niyang masayang bakasyon mukhang magiging kritikal pa dahil takas lang sila. Hindi ma tuloy siya mapakali.

"Oh, ito. Kumain ka na lang muna." Inabutan ni Trojan si Mia ng orange.

Natigilan si Mia. Biglang na-focus sa orange ang kanyang mga mata. "Mia, okey ka lang?" tanong ni Trojan.

Dito lang siya parang natauhan. "O-Oo! Ayos lang ako." Ngumiti si Mia at kumuha ng isang orange.

Bakit parang may something sa prutas na ito? naisip niya. Biglang sumakit ang kanyang ulo.

Sandali niyang nilingon si Trojan. Abala na ito sa paglalaro ng games sa phone. Nagmamaneho si Yuki at si Yano ay diretao lang ang tingin.

Kung sasabihin niya na masakit ang kanyang ulo baka makaabala lang siya kaya minabuti niya na ipikit na lang ang kanyang mga mata. Baka sakaling mawala rin ang sakit ng ulo niya.

"Mia. Mia!" Boses iyon ni Trojan. Ginising na nito si Mia. Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na pala siya.

"Malapit na tayo," sabi ni Trojan.

Tumingin si Mia sa bintana. Natanaw niya ang isang Village. "Diyan tayo pupunta?" tanong niya.

Papalapit na ang sasakyan nila roon.

Nang medyo malapit na ay saka niya lang nabasa ang nakasulat sa arko nito. Yamato Village.

"Yamato Village? May isa pang Yamato Village?" nagtatakang tanong ni Mia.

"Mas maliit ang isang iyan kumpara sa kilalang Village. Ang lugar na iyan ang unang tinirahan ng mga pioneer natin," sabi ni Yuki.

Namangha si Mia. Hindi niya lubos akalain na bukod pala sa Tama ay meron pang ibang village ang Yamato Clan. "Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa lugar na 'yan."

"Napaglumaan na kasi 'yan. Sa ngayon kilala 'yan bilang annex ng Village I," dagdag ni Trojan.

Wala nang masabi si Mia kundi wow! Dahil talagang humanga siya.

Hindi pa nila nararating ang pinakatarangkahan, pero tanaw na tanaw na agad kung gaano ito kaganda.

"Kung diyan pala tayo pupunta ibig sabihin hindi talaga natin lalabagin ang batas ng clan. Gumaan ang loob ko!" nasabi ni Mia.

Katahimikan.

Kaunti na lang ay makakapasok na sila sa nasabing village. Ano kayang klase ng mga tao ang nasa Village na ito? Kinabahan si Mia, pero nasabik din.

Malapit na sila. Malapit na malapit na nang biglang kumaliwa si Yuki. Iniliko nito ang manibela palayo sa village.

"T-Teka... Bakit?" Napakunot ng noo si Mia.

Hindi kasi itinuloy ni Yuki ang pagpasok sa Village. "Yeah! Ayos!" galak na galak na sabi ni Trojan.

Napangisi lang naman si Yano.

Dito natiyak ni Mia na talagang pasaway ang magkakapatid.

"Hay...." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Mia.

Dumiretso na nga sila sa isang mamahaling hotel.

Mag-asawa sila ni Yano kaya isa lang ang naging kuwarto nila.

Naupo si Mia sa gilid ng kama habang si Yano naman ay inayos ang mga gamit nila.

"Hay..." napabuntong hininga uli si Mia.

Paano niya ba mae-enjoy ang bakasyon na'to? Bukod sa labag sa batas, ang makakasama niya pa ay si Yano. Paano na lang kung may gawin itong masama sa kanya? Nakakatakot.

"Ah!" Nagulat si Mia nang makita ang masamang tingin ni Yano. Sa isip lang naman siya nagsalita, pero bakit parang narinig ni Yano ang sinabi niya?

"B-bakit ka ba nakatingin?"

"Alam ko ang nasa isip mo. Mula naman nang magpakasal tayo ganyan na ang laging laman ng utak mo. Iniisip mo na baka my gawin ako sayo."

Bingo! Iyon nga ang nasa isip ni Mia. Gifted ba talaga si Yano at alam niya iyon?

"Kung iniisip mo na gifted ako kaya ko iyon nalaman, nagkakamali ka. Napakabilis lang n'on hulaan. Pero buntis ka na. Hindi ka na dalaga kaya wag kang pa-virgin diyan!"

"Uhm!" Binato siya nig unan pero nakailag siya. Binato ko siya ulit. Ayun, sapul siya sa mukha.

"Aba.. mukhang nagkakasiyahan na kayo ah," sabi ni Trojan. Naiwan pala nilang bukas ang pinto kaya nakapasok ito at si Yuki.

"Aalis ako, baka gabi na ko makauwi," sabi ni Yuki.

"Ako rin, kaya malaya kayong mag-happy-happy," dagdag ni Trojan bago sila umalis.

"Halika, bilisan mo," biglang sabi ni Yano.

Napakunot si Mia ng noo. "Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Saan pa eh, di sa labas. Mamamasyal tayo!" Hinila ni Yano ang kamay ni Mia.

"Puwede bang malaman kung anong pinakamalapit na pasyalan dito?" tanong ni Yano sa receptionist ng hotel.

Ngumiti muna nang sobrang tamis ang receptionist bago sumagot. "Burnham park po ang pinakamalapit dito sir."

"Salamat!" sabi ni Yano bago umalis.

Naiwan niya ang receptionist na halatang kilig na kilig.

Ang arte niya, hindi naman maganda, naisip ni Mia.

"Hoy!" Nilingon siya ni Yano. "Ano pa bang ginagawa mo riyan? Halika na!"

"Oo nandyan na ko, ho-ney!" Sinadya ni Mia na tawagin itong honey para asarin ang feelingera na receptionist.

"Nakalimutan ko palang itanong kung paano ang pagpunta sa Burnham park." Babalik si Yano sa hotel.

"Teka!" Hinawakan siya ni Mia sa braso. "Bakit ka babalik?"

"Sinabi ko na di ba, nakalimutan kong itanong ang pagpunta sa Park---bitiwan mo nga ako!" sagot ni Yano.

Binitiwan naman siya ni Mia. "Pasensiya na, pero hindi mo na kailangang magtanong sa kanya. Isang sakay lang naman kasi ang pagpunta sa Burnham park simula rito."

"Isang sakay ng ano?"

"Nang bus."

"Bus?" ulit ni Yano.

"Oo, bus. Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakasakay ron?"

"Paano naman ako makakasakay sa bus, eh wala naman n'on sa bayan natin."

"Kung gayon, iga-guide kita."

Pinangunahan ni Mia ang pagsakay ng bus.

Napapangiti si Mia dahil halatang first time nga ni Yano na sumakay. Hindi na lang siya nagbigay ng komento.

Pagdating nila sa park bumungad sa kanila ang isang maaliwalas at luntiang paligid.

Maraming mga tao na namamasyal dito, meron din namang mga nagtitinda ng iba't ibang bagay gaya ng mga accessories at bulaklak.

"Ang ganda naman dito," komento ni Mia. "Ikaw Yano, anong masasabi mo?" Pagtingin niya kay Yano nakita niya ito na nakangiti.

Ngayon lang nakita ni Mia na ngumiti nang ganoon si Mia. Parang napaka puro.

Tiningnan niya ang direksyong pinagmamasdan nito. Nakatingin pala ito sa mag-asawang masayang nilalaro ang baby nila.

"Ang saya nila," sabi ni Yano.

Napangiti si Mia at napahawak sa kanyang tiyan. "Huwag ka nang mainggit diyan, hindi magtatagal magagawa mo na rin makipaglaro sa batang dinadala ko."

Tumingin sa kanya si Yano. "Tama ka," sabi nito sabay tingin sa tiyan niya. "Nasasabik na ko."

Musika sa pandinig ni Mia ang sinabing iyon ng lalaki. Ibig sabihin ay tanggap na talaga nito aang magiging anak nila.

Pagkatapos ng site seeing at kaunting pamimili na rin, humanap naman sina Yano at Mia ng café na puwedeng makainan.

"Yano kilala mo ba si Achilles?" tanong ni Mia habang kumakain.

Napataas ng kilay si Yano sa tanong na iyon, pero sumagot din naman siya. "Character iyon sa The Illiad, di ba?"

"Oo, doon nga. Alam mo kasi paborito ko si Achilles kaya naisip ko na iyon ang ibigay na pangalan sa magiging anak natin."

"Ano? Teka, sigurado ka na bang lalaki ang magiging anak natin?"

"Hindi, pero lalaki ang gusto kong maging anak. Hayaan mo kapag naging babae 'to Erika ang ipapangalan ko!"

Sumama ang mukha ni Yano. "Ano bang pinagsasasabi mo r'yan?" Dahil sa reaksyong iyon, napatunayan ni Mia na hindi pa rin nag-iiba ang damdamin nito. Mahal pa rin nito si Erika.

Siya rin naman. Nasa puso niya pa rin si Brian, pero tanggap na niya na hindi sila ang para sa isa't isa.

Biglang tumayo si Yano. "Teka... tapos ka na bang kumain?" tanong nito.

Hindi sumagot si Yano, dirediretso itong umalis. Halos seven minutes itong nawala. Pagbalik nito ay may dala na itong tatlong red roses. "Oh, para sayo!" Iniabot niya iyon kay Mia.

Natigilan si Mia.

Hindi siya makapaniwala na kaya lumabas si Yano ay para ibili lang siya ng bulaklak.

"S-Salamat," nakangiti niyang sabi.

"Mabuti naman at ngumiti ka. Iyan kasi ang dahilan kaya ibinili kita ng bulaklak."

"Ha?" Namula si Mia. Nagkata kung bakit iyon ginawa ni Yano. Hindi kaya inlove na ito sa kanya?

"Gusto kitang mapangiti dahil dinadala mo ang anak ko," linaw niya.

Ah. Siya nga naman. Siyempre iyon lang ang dahilan.

Imposibleng magkagusto sa kanya ang lalaki.

Продовжити читання

Вам також сподобається

Clash of Academy [COMPLETED] Від Ciera Shanley

Підліткова література

41K 1.2K 46
Sila ang mga taong may iba't-ibang ugali pero nagsasama-sama sa iisang school at ang masaklap sa iisang classroom pa. Walang ibang ginawa kundi magba...
Jersey Number Nine Від em

Романтика

167K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
284K 5.7K 33
"There's no other woman I want to be with but just Courtney. I love her even after it hurts, even if it always hurts." Courtney Raven Weinlord met Ki...
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol Від syd

Підліткова література

140K 3.6K 42
*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinaba...