PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE...

By PsycheSpellCaster

1.1M 31.2K 5.7K

Totoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng ka... More

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE
PROLOGUE
CHAPTER 1: Chase
Chapter 2
CHAPTER 3: PLANONG PALPAK!
CHAPTER 4: Rason ng Pagbabalik
CHAPTER 5: TAKING ME OUT
CHAPTER 6: Friend's Conflict
CHAPTER 7: They Meet Again
CHAPTER 8: TIME TOGETHER
CHAPTER 9: KNOWING THE REAL STORY
CHAPTER 10:
CHAPTER 11: This I think would be the Last
CHAPTER 12: Skip Beat
CHAPTER 13: Trip to Tagaytay
CHAPTER 14: Getting Noticed
CHAPTER 15: Battle between Two Hearts
CHAPTER 16: Ways
CHAPTER 17: Hellard
Chapter 18: Nightmare
Author's Note
Chapter 19: What He Was
CHAPTER 20
Chapter 21: What He Feels
CHAPTER 22: A True Gentleman
CHAPTER 23: Calix and Tyrone
CHAPTER 24: Thoughts
CHAPTER 25: Truth Revealed
CHAPTER 26: The 5 Years Ago Incident
Chapter 27: His Whereabouts
Chapter 28:Found Him
Chapter 29: Text Messages
Chapter 30: Reminiscing Ava
Chapter 31: Four Men in One
CHAPTER 32: Hellard's Whereabouts
CHAPTER 33: Stella
Chapter 34: Out of the Island
Chapter 35: Ruthless Punishment
Chapter 36: Accidentally Meeting Her
Chapter 37: Testigo
Chapter 38: Add New Ones
Chapter 39: Identical
Chapter 40: Decisions Made
Chapter 41: Commencement Rites
Chapter 42: New York
Chapter 43: Miles Apart
Chapter 44: Regained Memories
ANNOUNCEMENT
Chapter 45: Hide and Seek
Chapter 46: Real Foe
Chapter 47: Patricia Chin
Chapter 48: Sudden Changes
Chapter 49: Unwanted Guest
Chapter 50: One Step Ahead
Chapter 51: Proposal
Chapter 52: Vacation Getaway
Chapter 53: Vacation Getaway (Part 2)
Chapter 54: Pagsuko
Chapter 55: Months Later...
Chapter 56: White Christmas
Chapter 57: Mascot
Chapter 58: Kidnapped
Chapter 59: Grief
Chapter 60.1: A Brilliant Disguise
Chapter 60.2: A Brilliant Disguise
Chapter 61.1: Makeover
Chapter 61.2: Makeover
Chapter 63: Batangas Shoot Part 1
CHAPTER 64: Batangas Shoot part 2
CHAPTER 65: BATANGAS SHOOT PART 3
CHAPTER 66: Reunited
CHAPTER 67: TRAP
Chapter 68: A Diversion Plan
CHAPTER 69: Unmasked
Chapter 70: Final Combat
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Invitation
Chapter 81
Chapter 82
Epilogue

Chapter 62: Bio-Data

15.2K 374 175
By PsycheSpellCaster



Dedicate this chapter to @MhaiMeeU and @nickiannaee . Hi sweetie, thank you for supporting PMS. Lovelots and keepsafe always sweeties. <3 



Chapter 62: Bio-Data



[CHASE]



Napapalatak ako sa sobrang inis dahil sa sinabi ni Shane sa akin. Masuka-suka na ako sa opisina kanina dahil sa nakakadiring tingin na pinupukol sa akin ng gagong Dale na yun. Gusto niya pang makipagkamay sa akin muntik ko na siyang bigwasan sa panga.



"Fvck!" nasipa ko na naman ang pinto ng restroom sa ikapitong pagkakataon. Mabuti na lang at walang pumapasok dito sa CR ng mga babae. Kanina ko pa tinatawagan si Cris pero di niya sinasagot ang tawag ko. Mukhang tulog pa ata. Yung dalawang kaibigan ko naman di ko mahagilap.



Nasaan ba ang mga taong 'yun kapag kailangan mo?!



"Chaselle?" napatalon ako sa cubicle na pinagtataguan ko ng kumatok mula dito si Shane. Dali-dali kong isinuot ang wig ko tsaka inayos ang sarili. Kunwari ko pang finlash ang toilet para kapani-paniwala na ginamit ko nga yung banyo.



Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle tsaka siya sinalubong ng malawak na ngiti.



Mabuti na lang talaga at napapawi ang badtrip ko kapag nakikita ko itong babae sa aking harapan. Pagtatyagaan ko na lang ang tyanak na yun, tsaka na lang ako mag-iisip ng pwedeng gawin para despatyahin ang lalaking yun.



"Okay ka lang ba huh? Kanina ka pa kasi nandito, hinahanap ka na sa studio." nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya at libong boltahe namin ng tuwa ang dala nito sa aking dibdib. Hindi pa rin siya nagbabago, siya pa rin ang maalagang Shane na kilala ko.



"Tara na?" tumango na lamang ako sakanya tsaka sumunod palabas ng restroom. Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya palabas pero ano naman ang idadahilan ko sakanya, kaya pinigilan ko na lamang ang sarili.



Dumiretso kami sa studio katabi lang ng opisina at pagpasok doon ay busy na ang mga tao sa pag-aayos ng studio, maging ang ilan sa mga models ay mini-make up-an na din sa gilid.



"Chaselle. Bring this will you? This is Shane's stuffs. You are incharge of that." bungad ni Manager Ruby tsaka iniabot sa akin ang mga damit, bag, lagayan ng sapatos ni Shane. Malugod ko naman itong tinanggap tsaka sumunod kay Shane na dumiretso sa mga make up artist na mag-aayos sakanya.



"Upo ka na lang muna dyan Chaselle. Dyan mo na lang ako hintayin." turo ni Shane sa mahabang bangko kaya naupo naman ako dito at inilapag ang mga gamit sa katabi ko. Hinanap naman ng mga mata ko ang Manager ni Shane at mukhang wala pa ito dito. Sinigurado ko ding wala si Dale sa paligid dahil baka magsimula na namang uminit ang aking ulo.



Tinuon ko na lamang ang pansin kay Shane na sinisimulan nang ayusan ng mga make up artist niya. Kumuha pa ako ng iilang stolen shots at ginawa kong wallpaper ng phone ko. Di na nga ako makapili kung alin ba ang pipiliin ko dahil lahat ng kuha niya maganda.



"That one looks nice."



"Ay baklang kwago!" muntikan ko nang maitapon ang phone na hawak ko ng bigla na lang sumulpot sa aking tabi si Dale. Gulat ang mukhang pinakatitigan ko siya at di pa rin bumabalik sa normal ang aking paghinga sa sobrang pagkagulat.


"Haha. Did I startled you? I'm sorry Chaselle. Hehe. I didn't know you were Shane's fan." Oh fvck! Now his starting a conversation again and worse nakita niya din yung picture ni Shane sa phone ko. Pero wala namang masama dun diba?



"O-Obvious ba? H-Hindi ako mag-aapply na PA kung hindi. I've always idolized her ever since, kahit noong hindi pa siya sikat."



"You mean you've known her before? How come?" sandali akong napaisip sa tanong niya at nang mapagtanto ang sinabi ko'y nagsimula akong mabalisa.



Bakit ba kasi matabil ang lalaking 'to eh? Ganito ba talaga siya kadaldal? Nakakairita na? Kung anu-ano tuloy ang nasasabi ko. Dyahe talaga oo!



"W-Wag ka ngang tanong ng tanong!" singhal ko sakanya tapos bigla na lang siyang natawa. Siya lang ang kilala kong taong sinigawan na nga natawa pa. Ayos, may sayad siya sa utak.



"Sorry. Gusto ko lang kasing makausap ka pa ng matagal. Hey, can I tell you something?" napabuntong hininga na lang ako. Ang akala ko kasi'y titigil na siya sa kakadakdak at aalis pero heto na naman siya, nagbukas na naman ng bagong topic.



"Alam mo bang may gusto ako kay Shane?" nanlalaki ang mga matang tinapunan ko ulit siya ng tingin. Nagkikislapan ang mga mata nito't malawak ang pagngiti. Akala mo nanalo sa lotto. Pero teka nga! Akala ko ba ako ang gusto ng kumag na 'to? Hindi sa gusto kong ako ang gusto niya pero yun yung sinabi niya kanina! Kahit nakakasuka at nakakabakla!



"Hehe. Noon. Noong una ko kasi siyang makita sa shop namin, nakuha niya na agad ang atensyon ko. Hanggang sa halos araw-araw ko na ata siyang nakikitang pabalik-balik sa shop doon na ako nagkalakas ng loob na lapitan siya. She was sad at that time when I saw her at alam mo ba ang una kong naisip non? That I wanted to erase her sadness away and be the reason for her smiles."



"She was a bit annoyed at that time pero that attracts me more. Hanggang sa marealize ko nga na crush ko na pala siya. I wanted to pursue her, I tried pero mahirap kasi makipagkompetensya sa lalaking mahal niya." habang nagkukwento si Dale ay isa-isa namang bumabalik sa isipan ko ang mga pangyayaring kanyang nabanggit. Doon sa shop, sa picnic groove at marami pang cases na nagtatagpo ang landas naming tatlo.



Gusto kong malaman kung alam niya ang nangyari sa aming dalawa ni Shane pagkatapos... Gusto ko lang malaman kung ano ang masasabi niya tungkol doon. . .



"Y-Yung lalaking sinasabi mo na mahal niya...N-Nasaan na siya?" I think Dale did not see that coming. Bigla na lang kasi akong nagkainteres sa kwento niya gayong kanina ay iritable ako sa ginagawa niya.



"W-Well...I don't really know what happened between the two of them..." tumigil siya sa pagsasalita at napatingin sa kinaroroonan ni Shane kaya ganoon din ang ginawa ko. "When I heard about the news that she's married to Arkin, questions suddenly rushed in my mind. Sure, Arkin is inlove with her pero his love is unrequited dahil ang alam kong mahal niya noon ay si Chase." isang malakas na pagkabog sa aking dibdib ang naramdaman ko at may dala itong sakit. Napayuko ako't napaisip.



Everyone knows its me... Alam ng lahat na ako ang mahal ni Shane. Kahit si Dale nabigla din sa nangyari sa amin. Well kung hindi lang talaga ako nagpakagago hindi ito mangyayari, sana kami pa rin hanggang ngayon...Sana masaya na kaming dalawa ngayon at nagpaplano na para sa future naming dalawa. . . Sana ako ang asawa niya at hindi siya. . .Sana ako. . .Pero lahat ata yun hanggang sana na lang. . .



"I tried to ask her about it pero nang malaman kong nagkaroon pala siya ng trauma at depression noon hindi na ako nangahas pang magtanong. Though, I'm really curious, pinabayaan ko na lang. I've never heard about Chase's whereabouts for this past months, I hope I had a clue baka sakaling sakanya may malaman ako." bumuntong hininga si Dale pagkatapos at mapait na napangiti. Ako naman sa kabilang banda ay bumalik sa pagkayukod at napapikit.



"Dale!" pareho kaming napaangat ng tingin ni Dale at napatingin sa baklang papalapit sa amin.



"Mag-ayos ka na."



"Okay." balik siglang sagot ni Dale dito tsaka tumayo at liningon ako. "Thanks for listening and sorry kung naiirita ka man sa pagiging madaldal ko. I hope next time makapag-usap ulit tayo, I want to know more about you Chaselle. Sige, see you around." at bago tuluyang umalis ay tinap muna nito ang aking ulo at ngumiti.



I sighed in relief nang tuluyan na siyang makaalis at napasandal ako sa upuan. Piniling ko ang aking ulo sa kinaroroonan ni Shane at masaya lamang itong nakikipagkwentuhan sa mga nag-aayos sakanya.



"Manager Flinston is here." sigaw ng floor director sa loob ng studio. Napatingin ako agad sa may pinto at mula doon ay pumasok si Manager Flinston na may dala-dalang maliit na kulungan. Dumiretso ito sa kinaroroonan nila Shane at binigay dito ang blue little kennel na dala niya.



Excited namang binuksan ni Shane ang kennel at isang maliit na kulay tsokolateng aso ang lumabas mula rito.



Napatakip ako agad ng bibig nang makilala ang tsokolateng aso na iyon.



"C-Chane???" K-Kung ganon...Inaalagaan niya pa rin pala ng mabuti ang asong ibinigay ko noon sakanya...



Di maibsang tuwa ang naramdaman ko't nagsimulang mag-ulap ang aking mga mata. Parang gusto kong lumapit ngayon sa kinaroroonan nila't yakapin silang dalawa ng mahigpit. Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng nangyari sa aming dalawa, may isang bagay pa din na mula sa akin ang pinakaiingatan niya. . .



[SHANE]



"Manager, I thought Chane is not allowed in the studio, why did you bring him here?"



"Jackson is out for a meeting...So no ones left to take good care of it. I brought it's little cage incase it started to play around." paliwanag ni Mrs. Flinston na nginitian ko na lang tsaka binuhat si Chane at hinalikan ito sa noo.



"Wag kang magpapasaway dito Chane okay?" pakikipag-usap ko sakanya tsaka maingat na hinaplos ang kanyang balahibo.



"Where's Chaselle?" tanong ni Manager sa akin kaya agad ko namang itinuro ang pinag-iwanan ko kay Chaselle.



"Chaselle! Come here please." tawag niya dito kaya agad naman itong lumapit sa amin.



"B-Bakit po?" nakayukong tanong nito. Hmm...Mahiyain pa rin but I find it really cute.



"You take care of Chane while Shane is on her photoshoot. Just let him stay inside the cage or he might bit you. His not very friendly with people he just met so just bare with it for a while." natatawang sabi ni Manager sakanya na tinatanguan lamang ni Chaselle.



Well, what Manager said is true. Hindi ko alam dito kay Chane kung bakit pagdating sa ibang tao eh parating nananahol at galit. Iilan lang kaming nakakahawak at nakakalapit sa asong ito kaya nga ngayon, natatakot ako't baka bigla na lang magpasaway itong si Chane sa studio. Hindi naman siya ganito noong bata pa siya ewan ko ngayon. Sa sobrang bilis pa naman nitong tumakbo mahihirapan kang hulihin siya.



"O-Okay po... Ahhmm... Mrs. Shane, ako na po muna ang bahala sakanya." tumango lang ako sakanya tsaka na sana ibabalik sa kulungan si Chane pero bigla na lamang itong lumikot at tila nagpupumiglas sa hawak ko. Hindi ko na napigilan ang paglilikot nito kaya bigla itong nakawala sa kamay ko't pumunta sa paanan ni Chaselle.



Nagsimula na akong kabahan dahil baka bigla niya na lang kagatin si Chaselle pero instead of doing that, he has done the other way around. Nagpaikot-ikot lamang ito sa paanan ni Chaselle na parang naglalambing...Tumatalon-talon pa ito habang gumagalaw ang maliit na buntot na akala mo'y kilalang-kilala niya na ito.



That's so odd.



"Hmmm. That's funny. I think Chane likes you." puna ni Manager kaya napatingin kaming lahat kay Chaselle na tila namumutla na. Kita ko ang pagkailang at pangamba sakanyang mga mata at di ko maintindihan itong nararamdaman ko.



"Then I guess, wala na palang problema. Chaselle can take good care of the dog while you're doing your photoshoot Mrs. Shane." bulalas ng isa sa mga make up artist ko kaya sandali ko siyang tinapunan ng tingin pabalik ulit kay Chaselle.



Nagsimula ang photoshoot namin at hindi ko maalis ang titig ko kay Chaselle sa gilid habang nilalaro si Chane.



How could that possibly be...Habang lumalaki itong si Chane ay witness ako sa mga pagbabagong naganap sakanya. His been very aloof sa ibang tao and never will they be able to touch him. There are even certain cases where in muntikan ng makakagat ng tao itong si Chane pero mabuti na lang at naaagapan pa namin. He is well vaccinated oh yes, pero may dala pa ding danger.



How did Chaselle manage to tame my dog? I really can't help but be interested in her. I don't mean it the sexual way, I mean, she's mysterious for me and it feels like I knew her all along.



* * &&& * *



"That's all for today! Thank you so much models! See you tomorrow." isa-isa nang nagpaalam ang mga models maging ang mga staffs sa amin tsaka sila lumabas ng studio. Naiwan naman ako kasama si Chaselle at Manager Flinston dahil di ko pa naliligpit ang mga gamit ko.



"By the way Shane. Next week, you'll be having your photoshoot in Batangas. Pack your stuffs and you as well Chaselle." natigil ako sa pagbabalik ng gamit sa bag na dala ko tsaka tumingin kay Chaselle na abala pa rin sa paglalaro sa aso ko.



"Chaselle?"



Nang tawagin siya muli sa pangalawang pagkakataon ay tsaka pa lang ito tumingin kay Manager. "P-Po?"



"I said, you also need to pack up your things for next week. Shane's photoshoot will be in Batangas. You need to come okay?" nakakita ako ng pag-aalinlangan sa mukha niya pero tumango din naman makailang segundo.



"Okay. You okay now Shane? Let's go." nauna nang lumabas ng studio si Manager at kami na lang ni Chaselle ang naiwan. Tumayo na ako sa couch tsaka isinukbit ang bag sa aking balikat at binalingan ng tingin si Chaselle na isa-isa na ding binibitbit ang mga bags ko. Lumapit ako sakanya para sana tulungan siya sa mga ito ng bigla na lang magkabungguan ang kamay naming dalawa.



Napatitig ako sakanya lalo na sa mga mata niyang di ko alam kung kumikislap. I can't help but notice that everytime I looked at her, her eyes sparkles. Palagi ko din siyang nahuhuli na nakatitig sa akin, somehow, naiilang ako dahil dun. I mean, sanay na akong tinitingnan ng mga tao dahil isa akong modelo pero may kakaiba kasi sa mga titig niya.



Ewan ko ba. Masyado lang siguro akong nag-iisip.



"Ako na magbubuhat nito Chaselle." putol ko sa nakakailang na atmospera sa aming dalawa. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at nauna ng maglakad. Mabilis namang humabol sa akin si Chane at nakasunod lamang ito sa aking paanan.



Paglabas ko ng pintuan ay sakto namang pagdating ni Dale. "Si Chaselle?" bungad na tanong niya kaya itinuro ko si Chaselle sa loob. Nagpasalamat lang siya sa akin tsaka lumapit sa dalaga.



"Ako na magbubuhat nito Chaselle."



"Hindi okay lang Dale. Kaya ko. Si Shane na lang tulungan mo."



"Mas mabigat ang dala mo. Akin na yung dalawa."



"Ako na nga sabi."



"Please just let me, okay? Hindi dapat pinagbubuhat ng mabibigat na bagay ang mga babae." lihim akong natawa sa iritadong pagmumukha ni Chaselle. Di ko alam kung bakit ganon na lamang siya kay Dale. Gwapo naman ang kaibigan ko.



"Oh edi ayan! Dapat ikaw na lang nag-apply na PA ni Shane. Nakakahiya naman sayo. Dyan ka na nga. Kainis." umiwas na ako ng tingin sakanilang dalawa dahil di ko na napigilang mapahagikhik sa tawa. Nagpatiuna na ako sa paglalakad sa pasilyo, sinusubukang alisin sa isipan ang eksena kanina para di na ako matawa.



Bigla namang may humablot ng bag na dala ko sa aking kaliwang kamay at nang tingnan kong sino ito ay si Chaselle pala. "Bawal daw magbuhat ng mabibigat na bagay ang mga babae kaya ako na lang magdadala nito."



Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Eh babae ka din naman ah." napasinghap siya bigla sa sinabi ko at napakamot ng batok.



"Oo nga pala." ani niya tsaka tumawa.



Pinagkibit balikat ko na lang ito at tumingin sa unahan.



Sabay-sabay na kaming sumakay ng elevator papunta sa parking lot kung saan naroon ang van na sasakyan namin. Nakaupo na sa loob si Manager Flinston at naghihintay na lang sa akin.



"Thank you sainyong dalawa. Ingat kayo pauwi. See you tomorrow."



Nauna nang magpaalam si Dale at sumakay sa sasakyan niya. Bumusina pa ito bago tuluyang umalis kaya kumaway lang kami sakanya. Si Chaselle naman ay nanatiling nakatayo sa labas ng sasakyan at nakatanaw lamang sa papalayong sasakyan ni Dale.



"Chaselle di ka pa ba sasakay sa sasakyan mo?"



"Hihintayin ko muna kayong makaalis bago ako sasakay sa kotse ko." nagkatinginan kaming dalawa ni Manager tsaka ko ibinalik ang tingin sakanya.



"O-Okay. Sige, mauna na kami, ingat ka sa pagmamaneho. See you tomorrow." kumaway ako sakanya sa huling pagkakataon tsaka isinara ang pinto ng van. Di ko magawang alisin ang pagkakatitig sakanya hanggang sa tuluyan na nga kaming makaalis sa parking lot.



"What's the matter Shane?" tanong ni Manager sa aking tabi.



Hinaplos ko ang balahibo ni Chane sa aking kandungan bago nakapag-isip na tamang isagot sa tanong ni Manager. "She's a bit odd."



"Who? Chaselle?"



"Yeah."



"How'd you say so?"



Huminga ako ng malalim tsaka tumingin sa harapan ng sasakyan bago sumagot, "The way she acts, its not of a girl thing to me. Even the way she looks at me, I feel like her eyes is telling me something. When our skin touched, I felt shivers. Isn't that odd? And Chane...I didn't know they'll get along that easily."



"Hmmm...Maybe she's just like that. Expressive and gentle and caring...I mean...I-I don't know but I think she's someone who can be trusted. She looks fine to me." I'm not convinced. Alam kong hindi ako maiintindihan ni Manager dahil di niya naman nararamdaman ang nararamdaman ko sa tuwing nasa tabi ko si Chaselle. Ewan ko ba...Nakakabaliw.



Well. One best way to settle this feeling...Is to know everything about her.



[TARA]



Nandito ako ngayon sa bar dahil nagkayayaan ang magbabarkada na uminom. Nandito sina Cris, Ken, Eric, Hell, Ava at Stella. Good thing, wala si Chase. Matagal na din ng huli kaming magkita at magkausap. Hindi ko alam kung napatawad ko na ba siya o ano, hindi ko malalaman yun unless makita ko ulit siya.



"Hindi ka pa rin ba nagpapakita kay Shane magpahanggang ngayon Tara?" pukaw ni Stella sa atensyon ko kaya napatingin ako sakanya.



"Ha? Para saan pa? She's better off without me. Matagal niya nang pinutol ang ugnayan naming dalawa." walang kainte-interes na sagot ko tsaka nilaklak ang alak sa aking baso.



"Isang taon na ang nakalipas Tara di ka pa rin makapagmove on. Dapat nga naiintindihan mo yung rason kung bakit niya yun ginawa. Malalaki na tayo Tara, hindi na tayo mga bata na pabebe pa. Kalimutan mo na lang ang nangyari noon at magfocus ka sa kung ano meron ngayon. Magaling na si Shane, for sure kung magkikita man kayo ulit, she'll explain and say sorry." para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Stella. Ngayon ko lang napagtanto na napaka-immature ko dahil pinapairal ko ang sobrang galit pero di rin naman ako nagsisising maramdaman ang galit na iyon dahil may karapatan ako.



"Oh. Oh. Chill Stella. Nandito tayo para magsaya hindi para mag-away. Nga pala. Nasaan na daw si Chase?"



"He's on his way." sagot ni Hellard sa tabi niya na kakatungga pa lang ng alak sa baso sakanyang baso.



Sinubsob ko na lamang ang sarili sa upuan at napapailing. Akala ko naman kasi di siya pupunta dito. Bahala na nga. Matagal na din naman noong huli ko siyang makita, siguro panahon na rin para magharap harap kami.



At di nga tumagal ng ilang minuto ay dumating na din si Chase. Nakasuot lang siya ng simpleng blue v-neck shirt na medyo fitted at ragged pants. Naupo siya sa tabi ni Cris at ng magtama ang tingin naming dalawa ay di ko inaasahang bigla niya akong ngingitian.



"Long time no see Tara." para akong nagkaroon ng bigik sa lalamunan at hindi alam ang isasagot sakanya. Buong akala ko magiging awkward para sakanya na makakasama niya ako ngayon pero the way I see it parang ako na lang talaga ang di pa nakakapagmove on sa mga nangyari noon.



"Oh kamusta ang first day of work mo? Ayos ba bro?" tanong ni Eric sakanya.



Tipid namang tumawa si Chase bago sumagot sa tanong nito. "Hehe Dyahe bro. Unang araw pa lang may sabit na."



"Ano? Bakit? Kwento na yan!" kita ko namang parang naging interesado ang mga kaibigan namin sa ikukwento niya kaya kahit parang nalilito ay nakinig na din ako.



"You remember the guy named Dale? Isa siya sa mga models ng clothing line na pinagmo-modelan ni Shane ngayon. And guess what, na-love at first sight pa siya kay Chaselle!"



"WHAT?!!!" in unison na tugon ng mga kaibigan ko kaya napalayo ako bigla. Di ko talaga maintindihan ang pinagkukwentuhan nila pero teka nabanggit nila si bessy.



Eh sino si Chaselle?



"Seriously dude?! I knew it! His gay!" bulalas ni Ken tsaka sumandal sa upuan at humalukipkip.



"Idiot! Ofcourse he doesn't know that Chaselle is Chase. Tsaka isa pa, it only means na successful talaga ang transformation ni Chase because he caught Dale's attention." What did just Cris said? Chaselle is Chase? Okay...Nahihilo na ako sa usapang ito.



"Teka nga sandali guys!" natigilan sila sa pakikipagdiskusyon sa isa't-isa at napatingin sa akin. "Ano bang pinag-uusapan niyo? Hindi ko maintindihan eh." narinig ko silang napabuntong hininga at si Ava na ang nagpaliwanag sa akin tungkol sa pinag-uusapan nila.



"Tara. Nagpapanggap si Chase na babae para muling mapalapit kay Shane. Pumasok siya bilang PA ni Shane at ngayon kilala siya bilang si Chaselle."



"Ano? That's absurd. Para saan pa at ginagawa mo yan Chase alam mo naman nang malabo na kayong magkabalikan pa. Shane is married and so do you sa baliw mong asawa! Plano mo na naman bang saktan si bessy dyan sa childish play mo huh?!"



"Tara enough!" natigilan ako sa pagsasalita ng si Hellard na mismo ang sumuway sa akin. Di ko na nagawang kontrolin ang galit ko kaya napasigaw na ako. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at lihim na ikiniyom ang mga kamao.



"Di niyo ba maisip ang pwedeng mangyari kapag nalaman ni Shane ang tungkol dito? Siya na naman ang masasaktan dahil sa mga pinaggagagawa niyo. Di niyo ba alam ang salitang TAPOS NA? o kaya ang salitang TAMA NA?" ibinalik ko ang tingin sakanilang lahat partikular na kay Chase na nakatingin sa akin.



Puno ng lungkot at sakit ang mga mata niya habang tinititigan ko ito pero wala na akong maramdaman na awa.



"Maawa ka kay Shane. Kung ikaw, di mo pa matanggap ang sinapit ng relasyon niyong dalawa, sigurado akong si Shane, tanggap na ang naging kinahinatnan ninyong dalawa. Maayos na siya, patahimikin mo na lang si bessy." puno ng pagsusumamong sabi ko sakanya. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata.



Hindi ko gustong masaktan si Chase sa mga salitang sinabi ko pero di ko mapigilan ang aking sarili. Naging witness ako sa mga pinagdaanan ni bessy noon at sa isiping iyon pa lamang ay kusa nang dinedepensahan ng utak ko si bessy. Nanghihinayang din naman ako sa kinahinatnan ng relasyon nila pero kung tapos na, sana naman matanggap na lang nila.



Paano ko ba mapaparating sakanila ang nararamdaman ko at ang gusto kong sabihin? Paano ko ba mapapaintindi sakanila ang side ko? Ang hirap ng ganito.



[SHANE]



I was suddenly awaken by a nice dream. Naupo ako sa aking kama at sumandal sa headboard nito. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang napanaginipan si bessy. Well it was more like a memory to me back to our highschool days. Yun pa yung mga oras na pinagtatanggol ko siya sa mga insecure na babae sa school.



Maganda kasi si bessy, one reason kung bakit mas ginusto ko siyang protektahan noon sa mga babaeng insecure at mga lalaking manyak. She's too fragile and girly for me at that time pero bigla na lang kaming nagkapalit ng estado. Ako na ngayon yung fragile type at si bessy naman yung maangas type.



Bakit ko nga ba winakasan ang pagkakaibigan namin kung wala naman siyang kinalaman sa mga bagay na nakasakit sa akin noon? I'm just too stupid and coward that is.



Napabuntong hininga na lang ako at napapikit.



Kamusta na kaya siya? I miss her. . .



K I N A B U K A S A N



As usual, naging busy na naman ang team ko para sa photoshoot. This is our third week at ilang araw na lang ay matatapos na ang project ko dito. I'll be going back to New York again at plano ko sanang magpahinga muna ng ilang araw bago magbalik trabaho doon.



But before the New York thing, may mga bagay pa akong dapat pagtuunan ng pansin kaya di ko na lang muna iyon iisipin. Una sa lahat, gusto kong malaman ang pagkatao nitong si Chaselle. Pinakuha ko sa isa sa mga staff ang bio data niya na hindi ko man lang nagawang tingnan ng mag-apply siya bilang PA ko. Its weird at wala man lang ibang naging applicant para sa PA position.



While we are on our way papunta sa interview ko ay binabasa ko ang resume kasama na ang bio data ni Chaselle na nakalagay sa folder.



Her complete name is Chaselle Dela Cruz, She graduated from a four year course sa Adamson University. She's 21 years old, active sa pagsali sa mga beauty pageants sa school at madalas idayo sa iba't-ibang school para sa mga quiz bee competition. Her hobbies are cooking, playing basketball, playing x-box and exercise sa gym. Pumasok na din siya sa pagmomodel at the age of 19 but apparently stop because of family problems.



I wonder why mas ginusto niya pang mag-apply bilang PA ko kaysa sa pagiging model? But it's odd that she was a recent model, para kasing hindi siya sanay maglakad sa heels. Ma-muscles din ang mga paa niya at lalaki kung maglakad. Her voice sounds weird as well, parang dwende na di mautot. Ewan ko ba.



Mula sa kinauupuan ko dito sa unahan ay napatingin ako kay Chaselle na nakatulog na sa pinakalikurang bahagi nitong van. She look so tired at parang kanina pang wala sa sarili. Nag-inom ba siya kagabi?



But anyway... Tatanungin ko na lang siguro siya mamaya.



3 PM sharp ng marating namin ang venue para sa kaliwa't-kanang interview ko. Sunod naman nun ay ang mga tv guestings ko at fan meet and greet. I can't find time to talk to Chaselle dahil everytime na tatangkain kong lumapit sakanya palagi na lang susulpot si Manager out of nowhere. It's kinda' frustrating dahil maraming bumabagabag sa utak ko but I guess it can wait.



Maggagabi na at nasa byahe na ulit kami papunta sa isang party na inorganize para sa akin. Nakapagpalit na din ako ng evening gown para sa gabing ito maging si Manager Flinston. I don't know why Manager drag Chaselle all the way to this event gayong kaya ko na din naman ang sarili ko.



She's acting a bit odd simula pa kaninang umaga.



Well anyway, mukhang mage-enjoy din naman si Chaselle sa party. Here gown fits her perfectly as well...She look so stunning. . .



I'm quite sure, siya ang pagkakaguluhan sa party instead of me.



[CHASE]



Oh great! Now what situation did I put myself into?! Parang nawala bigla ang hangover ko sa pag-inom namin kagabi dahil sa gown na suot ko. Sobrang bigat at haba nito. Idagdag pa ang six inches stilleto na pilit pinasuot ni Shane sa akin kanina.



Kingina naman yan oh! Paano ako makakapaglakad nito mamaya?! Baka naman mabalian ako ng buto sa paa kapag natapilok ako! Ang haba pa ng red evening gown na suot ko...



Bullshit talaga! Tumanggi na lang sana ako o kaya nagdahilan na hindi maganda ang pakiramdam para wala ako ngayon dito. Pero kasi party ito. Kailangan kong bantayan si Shane...No scratch that...Kailangan kong bakuran si Shane sa mga male models na pwedeng umaligid sakanya. Mahirap na. Arkin is not around so Shane need someone to protect her.



"We're here. Elle, I'm sure you'll gonna love this party." and yes that was me. Naisipan na din ni Shane na bigyan ako ng nickname dahil sobrang haba daw ng pangalan ko kapag binabanggit, so she came up with Elle. She will never choose the first name, 'Chase' ofcourse. That'll remind me of her.



Unang bumaba ng van si Manager, kasunod ni Shane. Ako naman ay nanatili pa ring nakaupo sa loob ng van at di alam kung ihahakbang ang mga paa paabante. Nangangatog kasi ang tuhod ko at pakiramdam ko, unang hakbang pa lang knock out na agad ako.



"Elle, what's the matter? Masikip ba yung stilleto na pinahiram ko sayo?" Gustong-gusto kong sabihin kay Shane na hindi masikip yung stilleto kundi mahirap ilakad pero di ko magawa. Pahamak kasi ang lintek na bio data na yan na ginawa ni Cris. Nilagay ba naman doon na madalas akong sumali sa pageants noong college at highschool years ko. Napasubo tuloy ako! Nak ng!



"Ahh ehhh, m-medyo namanhid kasi yung p-paa ko..." palusot ko na lang.



"Ohh...Then I'll help you stand up." muling pumasok sa loob ng van si Shane at inalalayan nga ako nito palabas ng van. Umacting naman akong kunwaring nasasaktan sa paglalakad dahil sa pamamanhid kaya libre kong nahahawakan ngayon si Shane.



Her cologne scent turns me on and so as her soft bare shoulder. Naka-akbay kasi ako sakanya at nakahawak naman siya sa bewang ko. Oh how I miss being this close to her.



Kusa na akong nagpadala sa masarap na pakiramdam kaya pumikit na lang ako't kinabisado ang amoy niya.



"Elle. Will you stop sniffing my shoulder? Ano bang ginagawa mo?" para akong tinakasan ng dugo nang idilat ko ang aking mga mata at takang nakatingin sa akin si Shane. Tiningnan ko ang ginagawa ko't halos madikit na pala ang mukha ko sa balikat niya dahil sa pag-amoy na ginagawa ko sakanya.



"S-Sorry...A-Ang bango mo k-kasi Mrs. S-Shane...Hehe...Hehe..." peste! Nakakahiya! Mukha akong manyak!



"Ang weird mo talaga. Kaya mo na bang maglakad?" mabuti na lang at di niya masyadong binigyan ng kahulugan ang ginawa ko. Akala ko kasi gigisahin na naman ako ng tanong mula sakanya.



"H-Hindi pa eh...Pwede po bang, paalalayan na lang po ako hanggang sa makaupo tayo sa loob?" nahihiyang hingi ko sakanya ng pabor. Ako dapat kasi ang umaalalay sakanya pero ako pa itong inaalalayan. Mukhang siya pa ang naging PA ko nito.



"Okay. Let's go." nahihiya man ay mahigpit pa rin akong kumapit sa balikat ni Shane papasok ng party hall. All eyes sa amin ang mga tao maging ang flashes ng mga camera dahil sa pagpasok ni Shane.



Ayoko namang maging panggulo kay Shane ngayon pero kapag bumitaw ako ngayon mapapahiya ko lang siya lalo.



Tiniis ko na lamang ang kahihiyang nararamdaman sa sarili hanggang sa makaupo kami sa reserved table para sa amin. Labis akong nakahinga ng maluwag ng ligtas naman akong nakarating dito mula sa labas.



"T-Thank you Mrs. Shane."



"No biggy." ngiti nito sa akin kaya ngumiti din ako sakanya pabalik.



Hindi rin naman ganoon katagal ng makasama ko si Shane sa table namin since party niya nga ito ay maraming mga stars at kapwa model ang yumayaya sakanya sa iba't-ibang table. Nanatili lamang akong nakabantay at nakamasid sa kinaroroonan niya kung sakali mang may mangyari sakanyang masama. Mahirap na, baka masalisihan pa ako ng mga kalalakihan.



Mabuti na lang talaga at wala dito si Dale, walang isturbo at mangungulit sa akin. May nagagawa din palang mabuti ang isang yun eh.



"Hi." napatalon ako bigla sa gulat ng may bigla na lamang magsalita na lalaki sa aking tabi. Nang tapunan ko siya ng tingin ay may dalawa pa pala itong kasamang lalaki. Obviously, they are male models, wala nga lang akong pake kung mula saang agency.



"You need anything?" pagpapaliit ko sa aking boses tsaka pilit na ngumiti sakanya.



"Ahm. I'm Sky, this is Brenan and that is Kristoff. We just happen to notice you habang papasok kayo sa venue. You were with Shane right?" tumango lang ako sa tanong niya dahil tinatamad akong magsalita.



"Your beautiful. You are?" gusto kong sumagot ng pabalang dahil naiirita ako sa mga titig na pinupukol nila sa akin pero iniisip ko din naman ang maaaring kahinatnan ng gagawin ko.



Sa bandang huli ay naisipan ko na lang sabihin sakanila ang pekeng pangalan ko. Di pa sila nakuntento naupo pa sa tabi ko at dumada ng dumada. Nakakabanas at wala akong ibang magawa kundi ang ngumiti ng peke sakanila.



"Are you a model as well? Hmmm...Maybe we could hang out sometimes. Where do you live? We want to know you more Chaselle, uhm, can we get your number?"



"Chaselle?" napalingon kaming apat sa nagsalita at si Dale pala ito.



"Are you okay?" Tanong niya sa akin na hindi man lang tinapunan ng tingin ang tatlong lalaki sa aking tabi. Nice. Mukhang ngayon lang ako nasiyahan na dumating ang isang 'to ha.



"Okay lang." nababagot na sagot ko sakanya tsaka ininom ang juice sa tapat ko.



"Excuse me. I would have to steal her away now." may halong kayabangan sa boses niya habang sinasabi niya iyon kaya napangisi ako. Inalalayan niya ako patayo tsaka siya nagpaalam sa mga lalaki. Hindi ko na sila tinapunan ng tingin at minabuti na lang na hanapin si Shane.



"Salamat."



"Wala yun. Why were you alone anyway? Maraming mga bastos na model dito kaya dapat wag kang lalayo sa mga kasama mo. Naiintindihan mo?" oh great. That should be my line. Nasaan na ba si be?



"Don't mind me. Hanapin na nga natin si Shane. Hindi ko siya makita eh." tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang suot kong stilleto. Mabuti na lang at mahaba itong gown hindi makikita na nakapaa ako.



"Hey? Why are you taking that off? Madudumihan ang paa mo." hindi ko siya pinansin at inunat ang paa ko.



At last! Sumakit yung paa ko. Sh*t!



"You wait here." binalingan ko ng tingin si Dale at tumakbo ito palabas ng dance hall. Hindi ko na lang siya inintindi at nagsimulang suyudin ng tingin ang buong dance hall.



Good thing at nakita ko na siya sa may bandang dulo ng hall at may mga kausap na babae. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti tsaka na sana maglalakad papunta sa kinaroroonan niya pero may biglang humawak sa braso ko.



"Oh bakit Dale?" takang tanong ko sakanya.



"Well uhm...I bought you something. Napapansin ko kasi na hindi ka sanay magsuot ng wedge o heels. So uhm...H-Here... Ako na magsusuot sayo." hindi ko na siya napigilan ng lumuhod na siya sa harapan ko at inilabas mula sa kahon ang pares ng flat shoes na binili niya.



Itinaas niya ng bahagya ang laylayan ng gown ko at kinuha ang isa kong paa.



"T-Teka nga! Ako na magsusuot!" nakakabakla naman ang ginagawa ng kumag na 'to!



"Let me do it please?" oh crap. He's making a scene! Nakatingin na sa amin halos karamihan ng tao dito sa party. Pahamak talaga ang kumag na 'to.



"A-Ako na lang kasi. Tayo na dyan. Kaya ko naman magsuot ng sandal mag-isa." pagmamatigas ko dito tsaka pilit na inaabot ang sapatos sa kamay niya pero nilalayo niya lang ito sa akin.



"Just this once please."



"Ang kulit mo naman eh! Ako na nga!"



"Ako na please... Amin na yung paa mo."



"Wag na nga sabi eh."



"Dali na kasi. Para matapos na 'to oh." pakshet talaga ang lalaking 'to, pinapainit ang dugo ko, kunti na lang mabibigwasan ko na 'to sa panga eh.



"Eh kung di ka na lang kasi nagmamatigas edi sana tapos na. Akin na kasi. Pinagtitinginan na tayo oh!"



"Hayaan mo na lang kasi akong matapos para matapos na 'to."



"Eh ako na nga kasi sabi. Wag na kasing makulit..." hinila ko ulit pabalik ang paa ko sa loob ng gown na suot ko tsaka pilit na inabot ang sapatos na hawak niya pero pilit din naman niya itong inilalayo.



Nainis na ako sa kaartehan ng lalaking ito kaya yumuko na ako at inabot ang sapatos sa kamay niya. Nagawa ko naman itong makuha sakanya pero bigla na lamang niyang hinila ang braso ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya ay di ko nagawang balansihen ang sarili kaya unti-unti akong bumagsak papunta sakanya.



Napasinghap lahat ng tao sa party maging ako ng mapagtanto na ang laswa ng posisyon naming dalawa dahil nakapatong ako sakanya.



Pinanlalakihan ako ng mata at unti-unting tinatakasan ng dugo dahil sa kahihiyang unti-unting umaakyat sa buong sistema ko. Napalunok ako ng matindi dahil sa lapit ng mukha ni Dale sa mukha ko.



Mukhang tanga. Natulala na ang gago. Tsk. Nakakahiya talaga 'to.



"Elle, Dale... Are you okay?"



Lumapit si Shane sa kinaroroonan namin at inalalayan ako patayo, meron na ding tumulong kay Dale para makatayo tsaka nagpagpag ng suite na suot niya.



Nag-iwas ako ng tingin at napapahiyang napapatakip na lamang ng mukha. Mabuti na lang talaga at wala ang mga kaibigan ko dito dahil kung nagkataon naging laughingstock na ako ng mga yun partikular na si Eric at Ken.



Badtrip! Di ko talaga ikukwento sakanila ang tungkol dito!



At sa bandang huli nga ay napilitan na lang si Dale na ibigay sa akin ang lintek na flat shoes na yun tsaka siya humingi ng dispensa sa nangyari. Nagkunwari na lang ako na kinalimutan ko na ang nangyari pero ang totoo gusto kong bigwasan ang pagmumukha niya dahil sa kahihiyang sinapit ko.



"Peste. May araw ka din Dale."



. . . . .

Continue Reading

You'll Also Like

550K 7.1K 42
"One word can change everything. And you can't take it back anymore." I'm Alicia Kennedy. a.k.a one of the most flirt in our school. I change boys al...
63.6K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
394K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...