Said I Love You, But I Lied

By master_anoch

13.2K 285 70

Kwentong puro kaartehan at kabaklaan. Naniniwala ka ba sa kasabihang 'If you love someone, set him free'? Ka... More

Said I Love You, But I Lied - Chapter 1
Said I Love You, But I Lied - Chapter 2
Said I Love You, But I Lied - Chapter 3
Said I Love You, But I Lied - Chapter 4
Said I Love You, But I Lied - Chapter 5
Said I Love You, But I Lied - Chapter 6
Said I Love You, But I Lied - Chapter 7
Said I Love You, But I Lied - Chapter 8
Said I Love You, But I Lied - Chapter 9
Said I Love You, But I Lied - Chapter 10
Said I Love You, But I Lied - Chapter 11
Said I Love You, But I Lied - Chapter 12
Said I Love You, But I Lied - Chapter 13
Said I Love You, But I Lied - Chapter 14
Said I Love You, But I Lied - Chapter 16
Said I Love You, But I Lied - Chapter 17
Said I Love You, But I Lied - Chapter 18
Said I Love You, But I Lied - Chapter 19
Said I Love You, But I Lied - Chapter 20
Said I Love You, But I Lied - Chapter 21
Said I Love You, But I Lied - Chapter 22
Said I Love You, But I Lied - Chapter 23
Said I Love You, But I Lied - Chapter 24
Said I Love You, But I Lied - Chapter 25
Said I Love You, But I Lied - Chapter 26
Said I Love You, But I Lied - Chapter 27
Said I Love You, But I Lied - Chapter 28
Said I Love You, But I Lied - Chapter 29
Said I Love You, But I Lied - Chapter 30
Said I Love You, But I Lied - Chapter 31
Said I Love You, But I Lied - Chapter 32
Said I Love You, But I Lied - Chapter 33
Said I Love You, But I Lied - Chapter 34
Said I Love You, But I Lied - Chapter 35
Said I Love You, But I Lied - Chapter 36
Said I Love You, But I Lied - Chapter 37
Said I Love You, But I Lied - Chapter 38
Said I Love You, But I Lied - Chapter 39
Said I Love You, But I Lied - Chapter 40

Said I Love You, But I Lied - Chapter 15

278 10 1
By master_anoch

Chapter 15:

JAYPEE’s POV

Hapon na ng matapos ang meeting ko with the company’s VP. Nang sumulyap ako sa aking relong pambisig, past five na.

Nasaan na kaya ang secretary ko? Ano kaya ang ginawa nya habang wala ako? Sino ang kasama nyang kumain kanina? Malamang magkasama silang  naglunchbreak ni Dennis. Narinig ko ang usapan nila kanina sa hagdan, nagpapangganp lang akong walang naririnig.

Patungo na ako sa aking opisina ng maalala kong naka-off nga pala ang phone ko. Isa-isang nagpasukan ang mga text messages pagkabukas ko pa lang ng phone. Unang hinanap ng mata ko kung may text galing kay Toni, at hindi naman ako nabigo.

From:   Anna Maritoni

Nauna na kong umuwi, tumawag si Karen eh. Ingat ka sa byahe.

PS. Sensya na kanina. Promise, wala lang yon. Kilala mo naman ako di ba?  Smile ka na. Bawal ang nakasimangot.

Sa huli ng text nya may smiley na nakalabas ang dila. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Alam na alam nya kung paano ako pangingitiin. Kakalimutan ko na lang ang napansin ko kanina. Baka nga tamang hinala lang ako.

Pagpasok sa loob ng opisina agaw pansin ang isang dilaw na box na nasa ibabaw ng table ko. Agad akong lumapit, hindi naman halatang excited ako. Alam ko kung kanino ito galing.

Pagkabukas sa box tumambad sa akin ang bilog na chocolate cake, may smiley na nakalabas ang dila sa gitna. Hinanap ko kung may kasamang note.

Hindi bagay sa’yo ang seryoso. SMILE!

PS. Madaya ka! Wala akong kasamang kumain kaninang lunch.

Yan ang nakasulat sa note. Kahit walang pangalan  alam ko na kaagad kung kanino galing ang cake. Patunay ang  signature nyang smiley. Kilalang kilala na nya talaga ako. Lalo lang tuloy lumawak ang ngiti ko. Pero dagli rin akong nakonsensya ng mabasa kong wala syang kasamang kumain kanina. Ibig sabihin, hindi sya sumama kay Dennis?

Halos liparin ko ang papuntang parking lot. Gusto ko na kaagad makarating sa bahay. Nakita ko sa parking si Dennis, saktong papasok na rin sya sa sasakyan nya.

“Jaypee mukhang nagmamadalai ka atang umuwi ngayon?”  Pag nasa labas kami ng company saka lang kami nagtatawagan sa first name. Iba kapag nasa loob kami ng kumpanya. Boss ko pa rin sya at empleyado nya lang ako. Para tuloy ngayon napapaisip na ako.

“Hindi naman. Baka kase maipit ako sa rush hour traffic.”

“Hindi mo ata kasama si Anna ngayon?” medyo sumilip pa sya sa likuran ko.

 Hindi nakaligtas sa pandinig ko ng tawagin na naman nyang Anna si Toni. Parents nya lang ang tumatawag sa kanyang Anna. Why? Dahil ayaw nya. Parang ang fragile daw, mahina at ayaw nya ng ganon. And now, maging si Dennis tinatawag na syang Anna.

“Nauna na syang umuwi. May lakad sila ni Khaye.” Saka sya tumango-tango bilang sagot. Naalala ko na naman iyong narinig ko kanina sa hagdan, about sa lunch nila. “How’s your lunch with Toni kanina?” Medyo na-off guard sya ng tanong ko, bigla syang natigilan.

“Hindi kami natuloy. Biglang nawala si Anna kanina. Medyo nagtataka nga ako kung ano ang nangyari.” Lihim akong nagdiwang dahil sa narinig.

“I just want to ask--”

“I just want to ask--”

Sabay pa naming nasabi.

“Sige mauna ka na.” –Ako

“Gusto ko lang malaman, since kayo ang laging magkasama ni Anna. May boyfriend na ba sya?” Hindi ako makapaniwala na maririnig ko mula kay Dennis ang tanong na ‘yon. Parang sinagot na rin nya ang gusto ko sanang itanong sa kanya.

“Wh—why did you asked?” halos magkandabuhol-buhol ang dila ko sa pagtatanong.

“I like her. Plain and simple.”

Nasa bahay na ako pero paulit-ulit pa rin sa pandinig ko ang sinabi ni Dennis kanina.

I like her. Plain and simple.

I like her. Plain and simple.

He likes her!

May gusto sya kay Toni. Takte naman, tinagalog ko lang.

Dapat na ba akong kabahan?

Nasaan kaya sya ngayon?

KHAYE’s POV

“Honey, honey

I can see the stars all the way from here

Can't you see the glow on the window pane?

I can feel the sun whenever you're near

Every time you touch me I just melt away”

Naririnig ko si Beyonce mula sa Ipad kong nakapatong sa table na nasa garden ni Tita Alice. Sinasabayan ko ang bawat lyrics na may kasama pang damoves. Tulad ni Beyonce tumatalbog talbog din ang aking balakang habang may panakaw na sulyap sa kabilang pader. Hanggang balikat ko lang ang pader na nakapagitan sa dalawang bahay.

“Now everybody asks me why I'm smiling out from ear to ear

But I know

Nothing's perfect, but it's worth it after fighting through my tears

And finally you put me first”

Kunware nagtatanggal ako ng mga tuyong dahon ng mga alagang roses ni Tita. Pero ang totoo, sinisilip ko lang talaga ang aking sinta sa kabilang bahay. Hihihi. Kung bakit naman kase umalis si Perlita, di sana kanina pa ako nasa kabila.

Naku! Naku! Sayang, makakapiling ko na naman sana ang aking mahal. Kung hindi lang ako nag-aalalang baka atakihin ng nerbyos si Tita Alice kapag nakita nya na kaming dalawa lang ni Mahal ang nasa bahay, naku, Im telling you guys, mabilis pa sa ala-una andon na kagad ako.

Pero hindi eh, eto ako ngayon pa-Maria Clara effect. Kuntento na sa patanaw tanaw lang sa kabila. Pero ang totoo nyan, hindi talaga ako kontento sa tanaw lang. Kanina pa ako kating-kati na puntahan si Mahal, lalo na nakikita kong nasa sala lang sya at mukhang nanonood ng tv.

“Baby it's you.

You're the one I love.

You're the one I need.

You're the only one I see.”

Hindi ko inaasahan ang biglang pagbukas ng pintuan sa kabila. Muntik pa akong mahuli  buti mabilis akong nakayuko, nauntog tuloy ako sa pader. Awwts! Ang sakit, sabay hilot ng noo kong nasaktan.

Si Papa PJ lumabas. Teka saan naman sya pupunta?

“Hi PJ!” tawag ko sa kanya sabay ngiti, kita lahat ng mapuputi kong ngipin kasama na dimple.

“Khaye ikaw pala.”

Bakit para atang malungkot sya ngayon?

“Hindi mo kasama si Toni?” nakakunot ang noo nya. Pero kahit ganon loves ko pa rin sya.

“Hi—hindi eh.” Lalo lang nadagdagan ang kunot ng noo nya. May problema kaya?

“Ahh---Kanina magkasama kami. Pero sabay din kaming umuwi.”

“Ganon ba!” walang gana nyang sagot.

San na naman kaya nagpunta ang babaitang ‘yon? Lagot sya sa akin kapag nakita ko sya. Pinag-aalala nya ang mahal ko.

“San ka pupunta? Hahanapin ko si Bakekang? Teka! Sama ako!”

Halos takbuhin ko na ang palabas ng gate ng makita ko syang dumiretso sa kanyang sasakyan. Hindi ko na rin sya narinig sumagot sa dami ng tanong ko sa kanya. Hahaha. Naabutan ko na lang sya sa labas ng bahay. Uyy, hinintay nya ako. Kilig ako!

“Sama ako.” Hindi sya sumagot. Saka nya lang pinaandar ang sasakyan ng maayos na akong nakaupo. Take note, nakapagseatbelt pa ko non ha. Buti na lang girl scout ako, laging handa. Ako na ang nakapang-alis.

Tahimik lang sya habang nagdadrive. Hindi na ko nangulit dahil parang wala sya sa mood. Inaabala ko na lang ang sarili ko sa pagtetext. Hindi nagrereply si Anton, kaya tinawagan ko na sya. Pero hindi nya rin sinasagot ang tawag ko. Bakit kaya? Tinitext ko na rin si Maki. Baka magkasama sila. Hindi pa kase umuuwi ang mahal kong pinsan slash karibal.

“Hindi sinasagot ni Anton ang tawag ko.” Basag ko sa katahimikan. Para lang may topic. Nakakabingi ang sobrang tahimik. Pero hindi naman sya sumagot.

“Nag-away pa kayong dalawa?” tanong ko. Napatingin sya saglit sa side ko, saka muling binalik ang tingin sa daan.

“Hindi naman.”

Hindi naman pala sila nag-away pero bakit bakit parang may kakaiba kay mahal ngayon? Kabisado ko sya kaya alam na alam ko kung may kakaiba sa kanya. Kahit siguro mabawasan sya ng isang buhok sa kilay alam ko. Ganyan ako kafocus sa kanya. Bawat detalye alam ko.

Pinanuod ko lang sya habang nagdadrive. Wala akong pakialam kung matunaw man sya sa titig ko, basta gusto ko syang tingnan.

Kelan mo kaya ako titingnan tulad ng mga titig ko sa’yo? Maganda naman ako. Mabait. Im trying my very best na matutong magluto, para kapag mag-asawa na tayo lagi kitang ipagluluto ng mga paborito mong pagkain. Kaibigan ko pa ang babaeng tinuturing mong kapatid. Iyon nga lang, hindi ko pa namimeet ang panganay nya. Pero I know, magiging close ko rin si Anne Marjorie. At higit sa lahat mahal kita. Tunay at busilak ang pagmamahal ko sa’yo. Ano pa ba ang hahanapin mo sa akin?

*SCCCRRRRAAAATTTCCCHHH*

Muntik na akong tumilapon sa dashboard ng sasakyan ng bigla syang magpreno. Salamat kay seatbelt.

“Anong nangyari?” Tanong ko saka tumingin sa unahan.

“Biglang tumigil iyong kotse na nasa unahan. Okey ka lang ba?”

“Okey lang ako. Kahit siguro mamatay na ako ngayon, basta kasama kita okey lang ako.” Wala sa sariling nasabi ko.

KHAYE?!” medyo nagulat ako sa lakas ng boses nya. Seryoso syang nakatingin sa akin.

“Syempre joke lang yon. Magpapakasal pa tayo sa simbahan eh.”

“Ikaw talaga. Puro ka na lang biro.”

“Hindi naman ako nagbibiro. Seryoso kaya ako.” Hinding hindi talaga ako magsasawang titigan sya.

Halos tumalon ang puso ko ng tumingin sya sa akin. Ngumiti lang ako. Bakit ang love? Nanggugulat.

Kaya siguro nauso ang atake sa puso. Di kaya?

“Andito na tayo.” Napatingin ako sa labas ng sasakyan.

Nasa labas kami ng bar na pinagtatrabahuhan ni Anton. Don’t tell me andito sya? Matapos magpark ng maayos naglakad na kami papasok. Bago dumiretso sa loob, hinubad ni irog ang kanyang suot na jacket at ipinatong sa katawan ko saka ako hinawakan sa kamay. OH MY!

Magkaholding hands lang naman kami. Buti na lang pala medyo sexy ang suot kong blouse, para ko na tuloy syang yakap yakap. Ang bango nya, este ng jacket nya. Promise, simula ngayon hindi na ako magsusuot ng may manggas.

TONI’s POV

“Uy bruha ka tama na nga yan. Naglalasing ka ba?” inagaw ni Mikki ang alak na nasa kamay ko.

“Naku malabong malasing yan. Malaki ang bahay alak nyan. Saka di yan basta basta malalasing. Close sila ng alak.” Narinig kong boses ni Darwin.

Sa bar ako dinala ng aking mga paa kanina ng umalis ako sa bahay. Bumuntot lang sa akin si Mikki kaya kasama ko sya. Pero hindi ko sya pinapayagang uminom. Hindi ako kunsintidor na kaibigan. Nagsalin ako ng alak sa panibagong baso dahil hindi na binitawan ni Mikki ang baso ko.

Sinunod-sunod ko ang pagtungga. Oo, tungga talaga ang ginawa ko. Gusto kong malasing kagad. Naiinis ako kapag naaalala ko ang eksenang nakita ko kanina. Naiinis ako kay Dennis. Malandi sya. Mas malandi nga lang ang babaeng kahalikan nya. Nakakainis talaga. Gusto ko silang pagbuhulin.

“Hoy Anton! Umamin ka nga. May problema ka ba?” seryoso na ang boses ni Mikki.

“Ako? May problema? Wala akong problema. Gusto ko lang uminom.” Sabay tungga ulet.

“Walang problema? At sa tingin mo maniniwala ako sa’yo?”

“Eh di huwag kang maniwala.”

“Teka nga pala. May hindi ka pa sinasabi sa akin. Ano ng nangyari sa lunchdate nyo ni Papa Cologne? Sabi mo ininvite ka nyang maglunch kanina.”

“Sinong Papa Cologne?” -Darwin

Dapat pala hindi ko na lang sinabi kay  Mark Anthony iyong tungkol sa lunch. Kung bakit kase sobrang ligaya ko kanina, napa-gm tuloy ako sa kanila ni AnnaKareNina. At naalala ko na naman ang eksena kanina. Haaist! Sarap maglaslas ng pulso. Gawin ko nga kaya? Kung bakit ba naman kase nagkakaganito ako ng dahil lang sa lalaking iyon. Para akong nakulam.

“Siguro hindi kayo natuloy noh?”

“Wala akong pakialam sa lalaking ‘yon.”

“Uy bago yan ah. Ikaw? Walang pakialam sa lalaking iyon? Hoy Ateng! Hindi lang sya basta lalaki. Sabi mo mahal mo sya.”

“May sinabi ba akong ganon?”

“Eh kung saktan kaya kita?”

“Mabuti pa nga siguro. Sige saktan mo ako.” Kung makakaramdam siguro ako ng pisikal na sakit baka mawala rin ang sakit na nararamdaman ko sa lintik na dibdib ko.

Humarap ako kay Mikki, pero bigla lang syang napalayo.

“Seryoso ka Te?”

“Mukha ba akong nagbibiro?”

“Toni tama na nga yan. Mukhang seryoso ka ngayon. Pag-usapan na lang natin. Ang problema hindi nadadaan sa pag-inom ng alak. Siguro nga  kapag nalasing ka ngayon,  mawawala ang sakit na nararamdaman mo. Pero pag gising mo kinabukasan, ganon pa din ang mararamdaman mo. O mas malala pa nga. Idagdag mo pa ang hang-over.”

“Ang vongga ng lines mo Tol ah. San mo nagetching yan?”

“Okey ba? Line ko yon para sa play namin sa school.”

Napailing na lang ako sa naririnig kong pag-uusap ng dalawang kaharap ko. Buti naman nagkasundo din sila. Kanina pa kami magkakasama pero hindi naman pala sila magkakilala. Parang mga sira.

Ipinagpatuloy ko lang ang pag-inom. Kung kailangan kong ubusin lahat ng alak ngayong gabi gagawin ko. Para lang mawala sa isip ko ang bwisit na lalaking yon.

“Anton uwi na tayo. Inaantok na ako.” Nakahiga na si Mikki sa sofa. Pero imbis na umuwi, ipinagpatuloy ko lang ang pag-inom. Tinatamaan  na rin ako. Pero gusto ko pang uminom.

“Ano ba kaseng problema mo lalaki ka?”

“Problema ko talaga ang bwisit na lalaking yon. Dahil bwisit sya. Bwisit. Bwisit. Peste!” Blur na ang kita ko kay Mikki. Kaming dalawa na lang ang nasa loob ng room na yon, dahil si Darwin bumalik na sa trabaho nya.

“Sabi ko na nga ba may pinagdadaanan ka.” Medyo naaaninag ko pa ng bumangon si Mikki, at may kung anong bagay syang itinutok sa mukha ko. “Anong nangyari? Bakit bwisit times four ka kay Papa Dennis?”

“Inaya nya kong maglunch kanina. Treat nya daw saken, kase nga empleyado na ako don sa kumpanya nya. Pero itong si Kupal, may girlfriend na pala.”

“WOW! That’s news! At kupal na ngayon ang tawag mo sa kanya.”

“Oo Kupal. Dahil Kupal sya. Sinakyan nya ako. Gago sya. Don pa sila naghalikan ng babae nya. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata.”

“Correction lang Ateng. Kung girlfriend nya nga ‘yon, hindi nya babae yon.”

“Bakit ba marunong ka pa? Babae nya pa rin yon. Ano ba yan?” Tinabig ko ang bagay na tinutok nya sa mukha ko.

“Oh! Ano pang masasabi mo kay Kupal?”

“Wala na. Basta gago sya. At Kupal sya.”

“Pero mahal mo?”

“Mahal ko? HAHAHAHAHA!”Dinampot ko ang alak na nasa harapan ko, kasabay ng pagbagsak ng likido mula sa aking mga mata. “Oo! Mahal ko si Gago.”

Wala na kong pakialam kung makita man ako ni Mikki na umiiyak ngayon. Alam kong wasted na rin ako pero wala rin akong pakialam. Tutal naman nagdrama na ako, lulubusin ko na. Iinumin ko na ang laman ng basong hawak ko ng biglang may pumigil sa akin. Hinawakan nya ako sa kamay, at inagaw ang baso.

“Tama na yan. Lasing ka na.” sabi ng boses lalaki. Tiningnan ko sya pero hindi ko makilala kung sino. Biglang pumasok sa isip ko ang hitsura ng lalaking dahilan ng lahat ng ito ngayon.

“Hoy Kupal ka. Alam mo bang mahal kita? Hindi mo alam? Siraulo ka pala eh. Mahal kita pero sinaktan mo ako. Ang sakit sakit.” Saka ako tumawa na parang nasisiraan ng bait. Wala na kong pakialam sa paligid ko. Gusto ko lang mailabas lahat ng nasa loob ko.

“Toni ano bang sinasabi mo?”

Teka?

Bakit naririnig ko ang boses ni Karen?

Asan na si Mikki?

Continue Reading