8ET: Sweet Temptation (COMPLE...

By MyJaff

1.2M 29.3K 794

* Eight Evil Torturer Book 5 @MyJaff WARNING: SPG Jaguar Chui "Torturer Lover.. Hate that I love you.." More

EIGHT EVIL TORTURER
Prologue
1. Nurse R. Makalaylay
2. Mr. Dreamboy
4. Robbie's Seduction
5. Worst Day
6. Dream Date
7. Rode to Heaven
8. Reality
9. Chances
10. Until forever ends
11. The Battle Begins
12. Property
13. Contented
14. Love, Enemy, Desicions
14. Hurt
15.Broken Robina
16. Chasing My Man
17. Strong enough to make me scream
18. I won't leave you again
Special Chapter
19. Not Again
20. It's Over Now
22. Broken Hearted?!
23. The Awarding
24. Love conquers all

3. I hate you

44K 1K 59
By MyJaff

~

SINAMAHAN ni Jaguar si Demon sa Makalaylay Mental Institution. Nagkaroon kasi ito ng pagtatalo kay Aisne, sa babaeng mahal nila pareho. Damn! Pero tanggap na ni Jaguar na si Aisne ay para kay Demon lang hindi na iyon magbabago kahit kailan. Isa pa, masaya na siyang masaya na ang dalawa. Well actually, nag aaway pala ang dalawa ngayon kaya nga lumayas si Aisne di ba? At ang mas nakadagdag ng excitement ni Jaguar ay ng malaman niyang konektado pala si Aisne sa mga Makalaylay. Damn! What a co-incident, panigurado siyang makikita niya ngayon dito si Robbie or should he say Robina Ayana.

Fuck! Hindi niya maiwasan mapigilan ang kanyang halakhak. That woman and her funny name. No offense but it sounds funny in his ears plus that woman is really funny.

"What are you laughing at?!" Tanong ni Demon.

Agad naman siyang umiling. "Wala Master. I feel so cool today." Nag whistle pa siya.

Hindi na siya inimik pa ni Demon hanggang sa makarating sila sa MMI. Mukhang mainit pa din ang ulo ng Master nila dahil nagkagulo pa sa lobby area ng hospital.

Maya-maya ay lumabas na ang isang lalaking naka-lab gown. Napataas ang kilay niya. Sa itsura ng lalaki ay mukhang kamag anak ito ni Robina. Pfft! Fuck! Natatawa nanaman siya!

Bigla ay may naisip siyang maganda at sigiradong ikaka-bwesit ni Ayana sa kanya.

NALUKOT ang mukha ni Robbie ng makita niya kung sino ang kasama ng sumusundo kay Aisne. That fucking ugly chinky eyes! Oh, God! Ano nanaman ba ang ginagawa nito? Ganito na ba kaliit ang mundo at kakilala pa ni Aisne ang lalaking iyon. Bwesit talaga! That man is an eye sore for her. Damn it!

"Anong ginagawa ng lalaking iyon dito?" She whispered.

Akala niya ay narinig siya ni Aisne dahil napatingin ito sa kanya. Hindi naman ito nagsalita. Nakahinga naman siya ng maluwag. Mabuti naman, baka mamaya ano pa ang sabihin nito sa kanya.

Napailing nalang si Robbie, ilang saglit pa ay umalis na ang dalawang lalaki. Nakita niyang pumasok na sa loob ng Hospital building ang Kuya niya, agad siyang lumabas para salubongin ito at itanong kung anong nangyari. Kinukutoban kasi siya ng hindi maganda.

"Kuya!" Sigaw niya.

Nakasalubong niya ito sa hallway di kalayuan sa silid na tinutuloyan ni Aisne.

"Don't run Robina!!" He hissed.

Napa-face palm siya ng marinig niyang tinawag nanaman siya nito sa tunay niyang pangalan.

Habol ang hininga niya ng tumigil siya sa mismong harapan ng kapatid niya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ng unahan siya nito. "My office.!"

Nagtatakhang sumunod nalang siya sa kapatid niya. Mukhang seryoso kasi ito. Hindi naman siya kinakabahan sa kung ano mang sasabihin nito dahil alam niyang hindi naman u-obra sa kanya ang kapatid niya sa kanya kahir na mas matanda ito sa kanya.

Humalukipkip siya pagkapasok na pagpasok nila sa opisina nito.

She flipped her hair. "What? Quit being serious Robin! Hindi bagay sayo! Mukha kang tanga!"

Umirap naman ito sa kanya. "Seriously, Robbie? Nanliligaw ka sa lalaki?!"

Nagulat siya sa narinig. Her face was priceless. Her mouth was a little bit parted as she looked stunned at his brother. Nangmakahuma ay saka lang nagsalita.

"Who the hell told you that?!" She exclaimed.

He smirked. "The man with a chinky eyes."

Napakunot ang noo ni Robbie. Unang pumasok sa isip niya ang modelong si Blaze Chua na kinahuhumalingan niya. Syete lang! Kinikilig siya, ampota! Malamang ay binibiro lang siya ng kapatid niya.

She smiled, iyong pigil na pigil at halatang kinikilig. Hinampas niya pa sa balikat ang kapatid niya.

"Eeeee! Robin ah! Kinikilig ako! Alam kong maganda ako at balak kong ligawan si Blaze pero di pa kami nagkikita in person! Kyaaaah!" She scream like a teenage girl who just saw her crush.

Her brother tsked. "Bobo hindi iyong pantasya mong modelo!!" He shook his head. "Iyong kasama ni Demon."

Agad na nawala ang ngiti niya ng marinig ang sinabi ng kapatid. Umasim ang mukha niya, God! Hindi talaga siya titigilan ng lalaking iyon? He was getting into her nerves, damn it!

Umingos siya sa kapatid. "Tsk! Naniwala ka naman?!" She rolled her eyes. "Ikaw ang bobo kasi naniwala ka sa ambisyosong iyon! Duh! Hindi ako papatol sa mga katulad noon noh! That man and his ugly chinky eyes! Argggh!" she storm out at his office.

Mag tutuos sila ng lalaking iyon.

LUMABAS siya ng Hospital para bumili ng siopao sa inconvenience store sa tapat ng Hospital nila kung saan madalas siyang bumili ng mga pagkain doon. She actually love eating, specially when it comes to Chinese food. Addict na addict siya sa pagkain ng mga Instik dahil kay Blaze. Sa isip kasi ni Robbie, ikakasal sila ni Blaze anytime soon kaya kailangan na niyang sanayin ang sarili niya.

Planadong planado na niya ang lahat. Mula sa pinakamaliit na detalye ng kasal nila ni Blaze, nakasulat na iyon sa journal niya. Sinimulan na nga niyang magpatahi ng wedding gown e.

She playfully blinked her eyes when she saw Blaze's poster again in front of the Store. "Hi my loves! Kamusta?!" Nag flying kissed pa siya dito.

Pa-sway sway pa siyang pumasok sa loob ng store. Binati agad siya noong cashier na si Melody.

"Hello Doctora! Blooming po kayo ah!"

Pa-simple niyang inilagay ang buhok niya sa likod ng tenga niya. "Nako naman Melody! Masyado kang bolera! Matagal na akong blooming ano!" she said while flipping her hair.

Humagikgik naman si Melody. "Kayo talaga Doctora!"

Kinindatan niya lang si Melody. Pumunta na siya sa mga rocks ng store. Bibili din kasi siya ng cup noodle spicy seafoods flavor.

Kumuha siya ng apat cup noodles. Mamaya kasi ay magpupuyat nanaman siya dahil marami siyang aasikasohing pasyente. May oras kasi ang pag papa-inom niya sa mga gamot ng mga pasyente nila at paminsan ay hindi ito ma-handle ng mga nurses nila kaya kailangan niya ding tumulong.

Yumuko si Robbie para kuhain ang isang plastic ng junk food, Oishi spicy iyong flavor. Saktong pagbent niya ay may bumunggo sa puwetan niya kaya napa-ayos siya ng tayo.

"Ano ba! Tumingin ka n-- IKAW NANAMAN?!" Galit na singhal niya dito.

Jeez! Itong ambisyosong lalaki nanaman ang nasa harapan niya. Iyong walang hiyang humalik sa kanya at nagsabi sa tatanga-tangang si Robin na nililigawan niya daw ito. She doesn't know his name and she don't wanna know it anyway.

Marahas niyang hinawi ang buhok niya at humalukipkip. "Ha! Sabi ko na nga ba at type mo ako e! See? You even stalked me!"

Hindi niya alam kung bakit ang init init ng dugo niya sa lalaking kaharap niya ngayon. Naasar kasi siya sa pagmumukha nito. Bwesit talaga.

Ngumisi naman ito sa kanya. "The last time I remember, I was leaving beside that Hospital." Itinuro nito ang malaking building sa tabi ng Hospital nila. Isa ito sa mga sikat na condominium sa bansa. "So tell me? Bakit ko naman ii-stalk ang babaeng.." Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "... katulad mo."

Pakiramdam ni Robbie ay umurong ang dila niya. Damn! Ang daldal daldal niya pero bakit kapag dating sa lalaking ito ay pakiramdam niya ay lagi siyang mauubosan ang sasabihin.

She lifted her chin and arched an eyebrow. "Malay ko ba! Sa ganda kong ito hindi na ako magtatakha kung magkakaroon ako ng stalker."

Muling ngumisi ang binata at umiling
iling. "Bilib din naman ako sayo hindi lang bangko ang binuhat mo, pati yata iyang buong Hospital niyo! Tsk! Gandang ganda ka sa sarili mo ah!"

Iningusan naman niya ito. "Duh! Maganda naman kasi talaga ako!" Ungot pa niya.

"Yeah!"

Nagulat siya sa pagsang ayon nito sa kanya. Papalakpak na sana siya sa sobrang tuwa ang kaso ay napatigil siya dahil sa sumunod na sinabi nito.

"Ikaw ang pinaka maganda sa paningin ng mga bulag." Naka-ngising anito bago naglakad papalayo sa kanya.

Arghh! That brute! Ang kapal ng mukha nito para sabihan siya ng ganoon. Nagkukuyupos siya sa galit dahil sa sinabi nito. Nawala na tuloy ang bright niyang mood kanina, napalitan na ito ng sobrang pagkainis.

Hinabol niya ang binata na sakto namang nasa labas palang ng inconvenience store. Nawala na sa isip niya ang tungkol sa pagbili ng siopao. Geez! Hindi niya hahayaang tapak tapakan nalang ng pangit na lalaking iyon ang kagandahan niya.

Duh! Hindi ba ito marunong mag appreciate ng totoong meaning ng ganda? Goodness! The real meaning of the word beautiful is no other than, Robina Ayana Gomburza-Makalaylay. Don't mind the name, just the face only. Lol.

Nagmartsa siya papalapit sa binata at namewang sa harapan nito. Napairap siya ng bigyan lang siya nito ng poker face reaction.

Tinaasan niya ito ng kilay. "At bakit mo pala sinabi sa kapatid ko na nililigawan kita! Ha! Over my dead sexy, hot, gorgeous and perfect body!"

Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. "Really? Did you actually call your body sexy and hot?!"

"Oo bakit? Totoo naman ah!" Sabi niya pa dahil pansin niyang hindi kumbinsido ang binata.

"Sexy? Hot? Look at you, you don't even have a boobs, did you even call that a boobs? It's obviously flat."

Aba't! "How dare you!"

Inilagay niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Fuck! Hindi naman totoong wala siyang boobs ah! Hindi totoong flat, hindi lang talaga ganoon kalakihan ang hinaharap niya. Iyong katamtaman lang sa slim niyang katawan.

"Ugly pervert!" She gave him a death glare.

"Seriously! You're not my type. Sa itsura mo palang iyan, paniguradong wala ka ng ibubuga sa kama."

Napaawang ang labi niya sa narinig. Fuck! Nagulat siya sa bluntness ng binata. Oo madaldal siya pero ang ganoong usapin ay hindi niya kaya. Duh! She's a fucking virgin for Pete Sake. Lalo na't isa pa siyang pabebe, kaya kunwari naiilang siya.

"I hate you, Ugly pervert!" she yelled.

He then grinned. "The feeling is mutual, flat chested."

Argh! Sa sobrang inis ni Robbie ay siya na mismo ang naunang umalis at bumalik nalang sa Hospital building nila.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon na insultohin siya. Sinabi pa nito na wala siyang maibubuga sa kama.

Syet! Hindi siya papatalo! Kailangan niyang mag search mamaya sa Google kung ano-ano ang mga sex position at kung paano mang-seduce ng lalaki.

Sisiguraduhin niyang hindi na siya iinsultohin ng lalaking iyon. Hmp.

**

Continue Reading

You'll Also Like

10.4K 435 16
Brat and stubborn iyan palagi ang sinasabi nila kay Tiffany Mariah Calderon dahil palagi kung anong gusto niya ay pinipilit niyang makuha. Wala siya...
1.1M 25.8K 26
** Eight Evil Torturer Book 6 @MyJaff WARNING:SPG Leon Chui "Loosing the wrong one.. Just found the right one.."
122K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...