Let's Talk About Us [Complete...

By marielicious

11.6M 337K 48K

X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET... More

Panimula
1. The Great Escape
2. Living Away From Home
3. Job Interview
4. Executive
5. The Contract
6. Signed
7. Meet the Family
8. Searching
9. Never get Away
10. Us
11. Fashion
12. Why Did You Leave Us?
13. Do's and Don'ts
14. Rest-assured
15. His Reason
16. Asaran
17. PDA Show
18. Family Tree
19. Baby Sister
20. She's Here
21. Old Enough
22. Take Care
23. Day-off
24. Change of Mind
25. Kunwari
26. Girlfriend
27. Dinner
28. Rants
29. What Was That?
30. Travel Alone
31. Stranger
32. Bar
33. I Won't Mind
34. As If
35. Dessert
36. Hugot ni Arthur
37. Big Catch
38. Got Your Back
39. Shopping
40. Clingy
41. Payong Kaibigan
42. Kidnap
43. Scared
44. Surprise
45. Just The Two of Us
46. Birthday
47. Mata sa Mata
48. Bothered
49. Lies
50. Senior Vice President
51. Old Time's Sake
52. Pun Intended
53. I'm Home
55. Spill The Truth
56. Come Home
57. Jigsaw Puzzle
58. Family Dinner
59. Sorry
60. We're Over
61. Team Evangelista
62. Go Home
63. Text Message
64. Lost in Thought
65. Pain
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Ikalawang Parte)

54. Hindi Kami

131K 3.8K 811
By marielicious

54. Hindi Kami

"Sorry na..."

"Ano pa bang magagawa ko?"

"Eto naman. Napipilitan ka lang yata e, boss babe e."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. I'm just trying to loosen up. Nasermonan na nga niya ako sa hindi pag charge ng phone ko for about 23 hours daw. E sa hindi ko nga nadala 'yong charger ko e.

"Alison..."

"Hmm?" Nakahiga ako sa kama habang nasa tenga ko ang cellphone na pinahiram sa akin ni Garrett. This is just so weird. Siya pa talaga ang tinawagan ni Arthur para lang macontact ako. Hindi ko naman siya masisisi. Wala naman siyang alam tungkol sa amin ni Garrett noon. Like does it even matter?

"I told you not to leave unless I said so. Bakit umalis ka?" his voice was very serious. I bet his face too. Hayy... Namimiss ko na talaga siya.

"It's work, Arthur. At isa pa, okay na rin ito para makabisita ako saglit dito."

"Where are you staying at?"

Instinctively, I gazed around my room. "My house..." but it doesn't feel like home. I'm damn homesick.

"It seems that you're with my cousin all the time." Napanguso ako sa sinabi niya. Ayoko mang bigyan ng ibig sabihin pero may pagkasuspiscious ang tono ng pananalita niya... or was it just me? "I was surprised you picked up my call for him."

His words as well as his voice bothered me immeasurably. "Bakit? Siya ba talaga dapat ang kakausapin mo?"

"No. I was really gonna ask him if he could let me speak to you because you were out of reach."

"Nagkataon lang na nagkita kami in this early hour tapos sabi niya sa akin tumatawag ka raw to check on me, and then you suddenly called. Binigay niya sa akin ang phone kaya ako na ang sumagot."

"Nagtaka lang ako na ikaw agad ang sumagot sa phone niya instead of him in this... what time is it there now?"

I glanced at the wall clock infront of me and said, "9:20 a.m." I suddenly felt guilty not to tell him na dito natulog sa bahay ang pinsan niya.

"Oh. I see. Kumain ka na ba?"

Wala naman siyang sinabing espesyal pero napangiti nalang ako. "Hindi pa..."

"O, bakit hindi pa?"

Bumangon ako at nag inat ng mga braso. To be honest, kumakalam na rin ang tyan ko sa gutom. Hindi ako nagdinner kagabi e.

"Actually, magbebreakfast na ako. Hmm, talk to you later nalang—"

"Wait. Wait. Don't hang up on me yet."

Nagtataka man ako ay hindi ko binaba ang cellphone ko. Bumangon lang ako sa kama at hinintay na magsalita siya ulit. Bigla kasi siyang hindi na umimik, pero ay may naririnig lang akong kaluskos sa kabilang linya.

"Arthur, are you still there?"

"Yeah... Alison, can you login to skype now?"

Automatikong hinanap ng mga mata ko ang laptop na madalas kong gamitin noon habang nakakunot ang noo. "As in, now na?"

"Yeah, make it fast."

"Wait lang."

Tumakbo ako patungo sa cabinet ko at hinanap du'n ang laptop ko pero imbes na iyon ang nakita ko ay iPad ko ang bumungad sa akin. I grabbed it and got to my feet, placing back the phone on my ear. "Maglalogin na ako..."

Umupo ako saglit sa kama para maglogin sa Skype. Buti nalang ay hindi lowbatt yung iPad kaya medyo mahaba haba pa namang gamitan ito. Arthur called me on Skype when I successfully logged in right away.

"Hey..." nakangiting bati ko sa kanya sa screen. I noticed he was sitting in a dining table infront of... a lot of food. "Nagdidinner ka?"

"Oo. Sabayan mo ako. I'm gonna grab my dinner, you grab your breakfast, alright?"

I bit my bottom lip to suppress my smile. Shet, how can he be so sweet despite our distance?

"Sige."

Hindi maalis ang tingin niya sa akin kahit noong lumabas ako ng kwarto. Para bang tinitignan niya ang lugar kung saan ako nakatira ngayon. Hanggang sa makarating ako sa dining area ay pinapanuod niya lang ako.

Na-conscious ako nang automatikong pinagsilbihan ako ng mga maids nang makaupo ako sa dining area. Arthur seemed impressed, nakangisi pa ang loko.

"Is that your house?" he asked and I nodded. "It's nice. Nandyan ba ang tiyuhin mo?"

For a second, napanganga ako. Uminom muna ako ng tubig at napangiwi nalang. "W...wala," I replied hesitantly.

"So, where's he?"

"I...I don't know."

"Okay. Kain na tayo?

Mabuti naman at hindi na niya ipinilit ang usaping iyon. We started our meal— mine is for breakfast and his is for dinner. Damn the timezone.

Para lang kaming nag uusap ng harapan. He told me about how his business trip was going. We talked about random things... the Michigan's weather, people and even places.

"So, how is it working in Astrid, Alison?"

Napatingin ako kay Arthur sa screen. Mukhang nasa akin na topic. "Hindi pa naman ako nagsisimulang magtrabaho. Kakarating lang kasi namin dito kagabi."

"I was actually the one who proposed this project. Nang magpunta kasi ako dyan noong summer ay napansin kong wala pang mall dyan," sabi niya bago tumayo para ligpitin ang kanyang pinagkainan. He then returned and sat back again. "I didn't know it'd be approved too soon."

"It's a great idea for Astrid. Hindi na nila kailangan pumunta sa kabilang bayan para mamasyal o mamili."

Arthur's eyes crinkled in a genuine smile. "I know you'll do well. Just remember if you need a hand or you feel in trouble, just give me a beep, Alison."

A sweet smile crept across my face as I clasped my hands over the table. "Salamat, Arthur..."

"It's nothing. Alam mo naman kung ano ka sa akin 'di ba? You don't have to thank me all the time."

But still... I want to thank him for being so thoughtful. Sinuklian ko nalang siya ng mas matamis pang ngiti.

"Basta behave ka lang dyan ah? Baka pagka logout mo, mag login ka naman sa night life dyan."

He gawked at me. "Night life? Ito na 'yong night life ko o. Kausap ang girlfriend ko."

Luh. Bolero ang boyfriend ko!

"Ikaw nga dapat dyan ang mag behave. Taga dyan ka. Who knows you might have tons of needle dicks there when you were in college," he said with a mocking chuckle.

Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. He might be right, pero grabe naman 'yong tons. Nag iisa lang naman 'yong ex kong umaaligid sa akin ngayon at 'yong pinsan niya pa.

"Whoa, whoa, whoa... Slow your roll, boss babe. I'm here for work and not for boys. At isa pa, may boyfriend na kaya ako!"

Ngumisi siya ng nakakaloko. "Who's your boyfriend then?"

"Hmm... He's smart a guy."

"And?"

"Gwapo."

Natawa siya. "Gwapo lang?"

"Edi napaka super duper to the hight level na gwapo..."

"Sounds good," he replied with a fish-eating grin. Wow, self-satisfied ah.

"... pero matanda na."

His face fell darkly. "What the f? Alison?"

"Aba, dapat nga maging thankful ka, Arthur. Ikaw ba naman magkagirlfriend ng ganitong kaganda. Para kang nanalo sa lotto!"

Umiling lang siya at nagparaya na. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya. "Okay... Thank you, my girlfriend," but his voice were laced of sarcasm.

"You're welcome, my boyfriend!" I giggled like a b1tch.

A knock on the door interrupted our hearty laugh. Si Yaya Caridad pala and her infamous straight face. Mukhang wala sa mood si Yaya.

"Yes, 'Ya?" sabi ko at napansin kong kumunot ang noo ni Arthur sa screen. "Excuse lang, Arthur. Si Yaya kasi..." Tumango naman siya.

"May bisita ka, Scarlett."

Wondering, I nodded my head as a response to her. "Okay po. Susunod na ako..." I waited for her to leave before I glanced back at my iPad. "Arthur, I need to go. May bisita ako."

"Sino raw?"

"I don't know."

"Manliligaw mo?"

Ngumuso ako. "Sira!" He just laughed out loud. "Talk to you tonight, I guess?"

"I'll try, babe. Ingat ka," he smiled as he waved a hand on me.

Pagka logout ko ay lumabas na rin ako kaagad sa dining area. Walang tao sa living room kaya dumiretso ako sa courtyard. Naabutan ko si Yaya Caridad doon na nagdidilig ng halaman.

"'Ya!" tawag ko sa kanya at lumingon siya. "Nasaan po ang bisita?"

"Wala ba sa sala?" papalapit na siya sa akin. Umiling ako. "Si Garrett?"

"Wala pong tao sa loob. Sino po ba 'yong bisita?"

Nagkibit balikat siya. Mukhang clueless talaga si Yaya. "Si Ma'am Sitti..."

My brow furrowed and I straightened. "Ba't 'di po tumuloy sa loob? 'Di bale nalang po. Pupuntahan ko nalang siya."

Pumihit na ako patalikod at lakad takbong pumunta sa garahe. I miss my car so much. Namimiss ko na rin ang pagdadrive dito sa buong Astrid.

Pagdating ko sa garahe ay natigilan ako. Wala roon ang black Camaro ko.

"Shet." A feeling of panic grew in me. Nawala lang ako, nawala na rin ang kotse ko. Lintek!

Padabog akong lumabas ng garahe nang makasalubong ko si Garrett. Parehas kong tumigil sa paglalakad. His eyes roved over my face, seemed to be studying my expression.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Nagpunta ako sa garahe. Nawawala ang Camaro ko!" My lips tremble in anger.

Nilagpasan niya ako at sinilip ang loob ng garahe. "Baka naman nakaparada sa rancho. Huwag kang magpanic. Ipapahanap natin 'yan sa mga tauhan niyo." Humarap siya sa akin. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang pagkilos niya na parang binabalewala ang inis ko sa kanya. "Saan ba ang punta mo? Ihahatid nalang kita."

I rolled my eyes and folded my arms across my chest. "Kay Sitti..."

He glanced on his watch and turned his back on me. "Nakalimutan kong kailangan nating pumunta sa site ngayon, Scarlett. Ipagpaliban mo muna 'yan. I'll give you 10 to prepare," sabi niya bago umalis.

Kunsabagay, hindi ito ang tamang oras para mamasyal. Priorities first!

***

Shet.

Napapa-shet nalang talaga ako sa isip ko nang malaman kong malapit sa tambayan namin noon ni Garrett itatayo ang mall. Hindi naman sa may naalala ako sa lugar na ito o kung ano pa man, it's just that nasasayangan ako. Naisip kong kapag tinayuan ng establishment dito ay masisira ang lugar. Ewan ko. Shet.

"Dito 'yong site?"

Tumango lang si Garrett nang makababa ako sa sasakyan.

"Sayang. Masisira 'tong lugar."

Nilingon niya ako bago nagkibit balikat. "Wala na tayong magagawa. Business is business. Tara."

Sinabayan ko siya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa site. Naabutan naming mukhang nagpupulong ang mga construction workers sa harap ng dalawang lalaking I assumed na engineer at architect.

Nakuha agad namin ang atensyon nilang noong nagsilingunan ang mga trabahador sa amin. Maraming pamilyar na mukha. Some of them smiled at me, other didn't.

"Good morning, Ma'am. You must be Ma'am Alison?" sabi nung nakapulang lalaki may thick rimmed glasses at nakasuot ng helmet. I courteously smiled as I nodded. "Nice to meet you. I'm Engineer Sammy."

Nakipagkamay ako pati na rin sa lalaking katabi niya.

"He's Austin, the architect..."

Pamilyar ang mukha nung Austin. I've seen him somewhere. Hindi ko tuloy maalis ang tingin ko sa kanya para alalahanin kung saan ko siya nakita.

"Wait, ikaw ba 'yong basketball player?"

Ngumiti siya ng alanganin. "Yeah, before." OMG! Sabi na e! Si Willard 'to. Ang best point guard sa Team Atlas!

"Sayang, nag-retire ka kaagad—"

May tumikhim sa likod ko. Si Garrett. "We're here for work. Let's get started," sabat niya at hindi ko mapigilan ang sarili ko na irapan siya ng palihim.

"Mini-meeting lang namin sila ngayon. Hinihintay lang namin ang go signal ninyo para magsimula," sabi ni Engineer Samonte.

May inabot naman sa akin ang malapad na papel si Austin. "Here's the blueprint. May copy na rin nyan ang management. We need your approval for this project soon, Ma'am Alison."

"Ako?" I gawked.

Tumango silang dalawa.

"Ako talaga?" nilingon ko si Garrett at nakatiim bagang lang siya.

The two bade goodbye short after we talked. May pupuntahan pa raw kasi sila. I decided to roam the site, exploring every corner.

"Sayang, 'no?"

Nilingon ko si Garrett. Regret evident his voice. "Oo nga e. Kung pwede lang huwag ituloy e..."

"Kung ayaw mo, huwag mong ituloy."

I chuckled like a fool. "As if pwede..."

"Nasa sayo naman daw ang desisyon."

"It's not like that. Nasa akin ang desisyon kung kailan magsisimula ang construction, 'yon ang ibig sabihin nila."

Nagkibit balikat siya at parang nagparaya nalang. "Where do you wanna go next?"

"Ha?"

Kinuha niya ang blueprint mula sa akin. "Wanna go for a drive? Ikot-ikot tayo dito. I'm sure you missed this place as much as I did..."

Nag-tsk ako't nag-iwas ng tingin. Going with my ex boyfriend out of work is considered to be cheating. "I want my Camaro back. Nasaan na ba 'yon?" sabi ko nalang.

"Nandyan lang 'yan, Scarlett. Let's go?"

Silence...

But somebody broke it and I'm thankful to him for that. "Ma'am Scarlett!" Nilingon ko ang boses. Napangiti ako nang makita si Pepito, 'yong anak ng driver namin. "Nagbalik na pala kayo at magkasama pa kayo a!"

Paisa isang nagsisilapitan sa amin ang ilang trabahador. Ngumiti lang ako sa kanya. "Oo, kagabi lang. Kamusta na, Pepito?"

"Ayos lang, Ma'am. Kayo ni Sir Garrett?"

Mabilis akong umiling. "Hindi, hindi kami." Ito ang mahirap sa probinsya e. Kilala nila ang bawat tao sa maliit na syudad na ito. Kaya kahit chismis ay may alam sila.

"Kinakamusta ko lang. Hindi ko naman tinatanong kung kayo pa ba. Ikaw, Ma'am ah!"

Nagtawanan ang lahat. Napa facepalm lang naman ako. Si Garrett ay pangiti ngiti lang ng alanganin. Teka, parang gusto ko na yatang umalis dito.

"Pero sayang kayo, Ma'am. Bagay pa naman kayo!" sabi nung isang trabahador.

"Oo nga! Akala nga namin, mag-asawa na kayo. Sayang naman..." segunda pa nung isa.

"Maganda ka, Ma'am. Gwapo naman si Sir. Naging kayo naman. Hindi imposibleng magkabalikan kayo." At nadagdagan pa!

I can't take this anymore...

"Naku, hindi po kami. At wala ng pag-asang magkabalikan kami dahil may boyfriend na po ako sa Maynila," sabi ko sa kanila nang nakangiti. Unti until tuloy humina ang mga boses nila hanggang sa katahimikan nalang ang naghari.

"Kaya nga. May iba na po siyang mahal. Wala na pong pag-asang magkabalikan pa kami. Magkatrabaho nalang kami ngayon. Hanggang dun nalang 'yon," sabi ni Garrett kaya napalingon ako sa kanya.

He was smiling so wide but it didn't reach his eyes. I even saw his lips tremble. Napakurap ako nang bumaling siya sa akin.

"Tara na..." sabi niya bago naglakad palayo.

Na-offend ko ba siya? Stupid, Alison! Magdahan dahan ka naman kasi sa bibig mo. Of course, he got offended. Sabihin ko ba naman 'yon sa harapan ng ibang tao e.

"Garrett!" Hinabol ko siya pero mabilis ang bawat paghakbang niya. "Garrett, hey!!"

Hindi man lang siya lumilingon. Diretso ang tingin niya patungo sa kanyang sasakyan.

"Hey—"

Napahinto ako sa pagsasalita nang may humintong black Ford sa harapan namin. As in, humarang talaga sa dadaanan namin. Umangat ang kilay ko sa kung sinumang iyon. Ang lawak lawak ng daan e!

Bumukas ang pinto sa driver's side at napatingin ako sa isang pares ng hitang bumaba mula doon. I was stoned to my feet when I realized it was Sitti with an aviator on.

"Hey, bestfriend. Welcome back..." There was something about her voice that made me cringe.

"Hi, Sitti." Lumapit ako sa kanya para bumeso. Lumapat naman ang tingin niya kay Garrett. "Hey, Garrett. It's been a long time."

Hindi siya nito sinagot, instead he looked to me with a poker-faced. "Una na ako, Scarlett," he said before he went off to his car.

"Nagmamadali?" sabi ni Sitti nang nakangisi bago bumaling sa akin. "Ikaw ah! Marami kang ipapaliwanag sa akin."

Lumabi ako. "Oo na. Ikukwento ko sa'yo lahat."

"Dapat lang." Umirap siya bago ako sinenyasan na sumakay na. "Hop in."

Pasakay na ako no'n nang pigilan niya ako. "Wait..." she held my arm and looked at me from head to toe. "Girl, sorry ah, pero ang dumi ng shoes mo. Baka madumihan ang car mats ko. Will you please take off your shoes first before you hop in?"

I stared at him, ridiculed. "Arte ah!" Natatawang sabi ko.

"Ganun talaga. Nag-iingat lang ako sa dumi. Brand new pa naman..."

Tinanggal ko ang sapatos ko bago sumakay. Sumakay na rin naman agad siya. Naninibago na talaga ako kay Sitti. She wasn't the best buddy I've been with before. She has changed a lot.

"Ba't magkasama kayo ni Garrett?" tanong niya habang nagsisimula nang magmaneho.

"You know, work."

"I'm confused. You're based in SG, right?" Hindi pa man ako nakakasagot ay nadagdagan na naman ng tanong. "May nasabi ba siya sayo?"

"What?"

She glanced at me and then smirked playfully. "Never mind. You better stay away from him, Scarlett. Concern lang ako sa'yo. Baka masaktan ka na naman."





Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 157K 37
[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Writt...
32.7M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
7.2M 249K 50
Emerald Prescott thought that her life was just normal. Not until her 18th birthday when a group of scary men took her parents and tried to kill her...