TDBS1: Darkest Touch - COMPLE...

By CeCeLib

23.5M 527K 56.4K

SYNOPSIS: KUNG may katawang tao ang tsismis, ang magiging pangalan niyon ay Jan Irish. She was a gossip eate... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 4

996K 22.8K 1.4K
By CeCeLib

CHAPTER 4

NASAPO ni Tegan ang ulo ng magising siyang parang pinupokpok ng martelyo ang ulo niya. Shit! He feels so bad, he want to punch someone. He groaned as he pushed himself up.

Nang makaupo siya sa kama, hinilot niya ang sintido at pinilit na makabangon sa kama kahit pa nga umiikot ang paningin niya. This is what happened when he consumed too much alcohol. Good fucking heavens!

Dumeretso siya sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagbihis siya at lumabas ng silid niya.

Masakit pa rin ang ulo niya habang naglalakad patungong kusina. "'Tay Berto?" Malakas ang boses na tawag niya ng makapasok sa kusina. "Puwede mo ba akong ipagtimpla ng kape—" Napatigil siya sa pagsasalita ng makita si Jan Irish. Kumunot ang nuo niya. "Anong ginagawa mo rito?"

"katulong mo sa isang linggo." Sagot nito saka nakita niyang may inilagay ito sa maliit na bowl at inilapag sa mesa saka tumingin ito sa kaniya. "It's Chicken Soup. Makakatulong 'to sa hangover mo." Tinanggal nito ang apron na suot at ibinalik sa sabitan niyon saka inayos ang medyo gusot na damit. "Sige, uuwi na ako sa bahay. May kailangan pa akong gawin e."

Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa mawala sa harapan niya si Jan Irish. Kapagkuwan ay bumaba ang tingin niya sa chicken soup na nasa mesa. It smell delicious but he's stunned. Pinagluto siya nito? Bakit?

Tamang-tama namang pumasok si Tay Berto sa kusina.

"'Tay Berto." Aniya.

Kaagad na umaliwalas ang mukha ng matanda. "Sir Tegan, kumusta ho? Sana nabawasan ang hangover niyo." Bumaba ang tingin nito sa soup na nasa mesa at bumalik ang tingin sa kaniya. "Pinapasabi pala ni Miss Jan Irish na kumain ka daw at huwag matigas ang ulo."

Umingos siya para itago ang gulat at pagtatakang nararamdaman. "Bakit ko naman siya susundin?"

"Kasi siya lang naman ang nag-alaga sayo ng mawalan ka ng malay sa sobrang kalasingan." Sumeryuso ang ekspresyon sa mukha nito. "Inalagaan ka niya, Sir, kaya makinig ka sa kaniya."

Confusion boiled inside him. "Anong klaseng pag-aalaga?"

"Binuhat ka namin patungo sa kuwarto mo at doon ay pinunasan niya ang katawan mo."

Holy shit! Namilog ang mata niya at bahagyang namutla sa kaba ang mukha niya. "N-nakita ba niya ang mga pilat ko sa katawan?" He asked, slightly panicking.

Umiling naman si Tay Berto at nakahinga siya ng maluwang. Thanks heavens.

"Pero tinawag mo siyang Stella dahil sa sobrang kalasingan." Ani Tay Berto.

Tegan face palmed. "Shit."

Ngumiti si Tay Berto at iminuwestra ang kamay sa soup. "Kumain ka na, Sir Tegan, si Miss Jan Irish mismo ang nagluto niyan para sa inyo."

Napatango nalang siya. Umalis si Tay Berto sa kusina at siya naman ay napatitig sa Chicken Soup.

Jan Irish cooked this? And she took care of him in his drunken state? Why does his heart felt like its beating so darn fast like a raging bullet?

NANG makabalik si Jan Irish sa simple niyang tahanan, napakagat-labi siya ng makita ang kaniyang ina na naghihintay sa kaniya sa labas ng pinto.

"Ma," gulat niyang aniya saka hinalikan ito sa pisngi bilang pagbati, "kumusta ho? Ano hong ginagawa niyo rito?" Nakakagulat na makita ito sa isang lugar na alam niyang hindi nito nakasanayan. "May kailangan kayo sakin?"

May ini-abot itong sobre sa kaniya. "Gusto kong pumunta ka. Kapag hindi ka nakarating, magtatampo ako sayo at ang Papa mo."

Natigilan siya at saka binuksan ang sobre. Lihim siyang napamura ng makitang imbitasyon iyon para sa nalalapit na kaarawan ng kaniyang ina at ang tema ay Masquerade Party.

Ibinalik niya sa loob ng sobre ang imbitasyon saka nginitian ang ina. "Sige, Ma, dadalo ako."

Ngumiti sa wakas ang Mama niya. "Thank you, Irish." Hinalikan siya nito sa nuo. "Sige, aalis na ako. Mag-iingat ka palagi, ha? At kung mag kailangan ka, huwag kang mag-aalangan na bisitahin kami, ha? You know that your Papa is just waiting for you to return home."

Nanatili siyang nakangiti. "I'll stay here for a while."

Her mother tapped her cheek, smile, bid goodbye, and then left.

Nakahinga siya ng maluwang ng mawala sa paningin niya ang Limousine na sasakyan ng kaniya ina.

Mabilis siyang pumasok sa Apartment niya saka naglagay ng ilang pares ng damit sa backpack niya. Kanina, nang mapagdesisyonan niyang umuwi, napadesisyonan din niyang manatili nalang muna sa bahay ni Tegan Galvante. Kukuha lang siya sa mga damit na isusuot habang naroon sa bahay nito.

Tegan Galvante made her a curious little cat. Gusto niyang malaman lahat ng tungkol dito. Kung sino at ano si Stella sa buhay nito. Kung ano ang nasa likod na kuwento ng mga pilat nito sa katawan. She has to know everything about him. At ito ang pagkakataon niya. She finally had the chance to know everything. This is an opportunity she wont miss.
Nang mailagay lahat ng kailangan sa backpack, kaagad siyang lumabas ng apartment habang dala-dala si Mittens. Kapagkuwan ay kumatok siya sa katabing apartment at kaagad naman iyong bumukas.

"Hi, Ursula." Magiliw niyang bati. "Puwede ko bang maiwan si Mittens sayo ng ilang araw?"

Ursula is a cat lover, kaya naman kampante siyang iwan si Mittens sa pangangalaga nito.

Ursula smiled. "Sige." Kinuha nito si Mitten sa braso niya saka hinaplos ang ulo nito. "Aalagaan ko siya."

"Maraming salamat, Ursula." Aniyang nakangiti. "Patingin-tingin din sa garahe ko, iniwan ko lang kasi doon ang sasakyan ko."

"Sige. Okay lang. Narito lang naman ako sa bahay." Anito.

"Thanks."

Nagmamadali siyang umalis at pumara ng Taxi saka nagpahatid sa bahay ni Tegan Galvante.

Time to work for a living.

UMAKTONG walang narinig si Tegan ng bumukas ang pinto ng bahay. Alam niyang si Jan Irish 'yon kasi kaagad niyang naamoy ang pamilyar nitong pabango.

"Miss Jan Irish, natutuwa ako at nakabalik ka na." Boses iyon ni Tay Berto.

"Ako rin ho." Napakagiliw ng boses nito. "Matutulungan ko na ho kayo rito sa bahay. Siya nga pala, Mang Berto, ang ganda ng harden niyo. Puwede ba akong tumulong minsan?"

"Ikagagalak ko iyon, hija." Masayang tugon ni Tay Berto.

Hindi napigilan ni Tegan ang sarili, nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila ni Jan Irish. Hindi niya alam na nakatingin pala ito sa kaniya. Kaagad itong nag-iwas ng tingin, siya naman ay lihim na napangiti.

So she's looking at me? Why? Wala namang magandang tanawin sa mukha niya.

"Miss Jan Irish, samahan ko na ho kayo sa Maid's Quarter—"

"No need." Sansala niya sa ibang sasabihin ni Tay Berto. Parang hindi niya kayang patulogin doon ang dalaga. "Ako na ang maghahatid sa kaniya."

Imahinasyon lang ba 'yon ni Tegan o talagang nakita niya na ngumiti ng tipid si Tay Berto? Oh well...

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa saka matiim na tinitigan si Jan Irish na nakatingin sa ibang dereksiyon.

"Come on." Aniya. "I'll show you to your room."

Nakita niyang tumango ito kaya naman nauna na siyang naglakad at sumunod naman ito sa kaniya.

Pinili ni Tegan ang kuwarto na katabi ng silid niya para doon muna pansamantalang manatili si Jan Irish.

Tegan opened the door. "Dito ka matutulog."

Sumilip ito sa loob ng silid saka tumingin sa kaniya. "sigurado ka? Akala ko ba maid mo ako sa loob ng isang linggo?"

Tumaas ang sulok ng labi niya ng marinig ang salitang maid. If only this woman knew what he was thinking when he made that "maid" deal with her.

"Sigurado ako." He took a step back. "Go ahead. Pumasok ka na tapos ipagluto mo ako ng Lunch. May ibang ginagawa si Tay Berto, e."

Tumango si Jan Irish saka pumasok sa loob ng silid. Nagalakad siya pabalik sa sala ng isara nito ang pinto ng kuwarto nito.

"Aasa na ba akong naka-move on ka na, Sir Tegan?" Anang boses ni Tay Berto na gumulat sa kaniya ng makabalik siya sa sala.

Humarap siya sa pinanggalingan ng boses saka nagkibit-balikat.

Ngumiti si Tay Berto. "Isang linggo lang bang mananatili rito si Miss Jan Irish?"

Doon siya napangiti sa tanong na 'yon. "Tingnan natin."

Mahinang natawa ang kausap. "Sana ma extend pa, Sir."

Tegan chuckled and sat on the single sofa. Kanina pa gumagana ang isip niya kung paano niya mapapanatili na matagal ang dalaga sa bahay niya.

PINALIBOT niya ang paningin sa kabuonan ng silid na pansamantala niyang tutulugan habang narito siya sa bahay ni Tegan.

Itinabi niya ang back pack saka naupo sa gilid ng kama. "Haaayyy..." pabagsak niyang ihiniga ang katawan sa malambot na kama. "Mukhang balak akong alilain ng lalaking 'yon kasi sa magandang kuwarto ako pinapatulog." Napasimangot siya. "Mukhang babawi ang loko sa pamamagitan ng silid na 'to. Hmp."

Bumangon siya saka lumabas ng silid. Nakasalubong niya si Mang Berto sa hagdan habang pababa siya at pataas naman ito.

"Mang Berto, ano ho bang paboritong pagkain ni Sir Tegan?" Tanong niya rito. "Pinapaluto kasi niya ako ng pananghalian."

Umaktong nag-isip ang matanda. "Hmm..." nag-isang linya ang kilay nito habang nag-iisip. "Wala namang paborito si Sir Tegan, pero masasabi kong marami ang nakakain niya kapag nagluluto ako ng sinigang na baboy."

Napangiti siya. "Piece of cake." Bigla siyang na excite. "Alam ko kung paano magluto ng sinigang na baboy."

Tumawa ang lalaki. "Sige, aabangan ko ang ulam natin mamayang hapunan."

Jan Irish grinned and excitedly went to the kitchen. Nuong nasa high school siya, palagi niyang kinukulit ang kusinera nila na turuan siyang magluto. Nakulitan siguro ito sa kaniya kaya tinuruan siya pero ng malaman ng Mama niya, pinatigil ang kusinera nilang turuan siya. But that didnt stop her. She was determined to learn and she did. Isa yong napakagandang achievement sa buhay niya.

Bago niya inihanda ang ingredients, hinanap muna niya ang pressure cooker para mas malambot ang karne kung iyon ang paglulutuan niya. pagkatapos ay inumpisahan na niyang magluto.

After an hour, luto na ang ulam. Naamoy na niyang masarap ang pagkakaluto niya. Thanks God. Hindi man niya aminin sa sarili niya, she wants to impress Tegan Galvante. At alam niyang hindi kasama ang mag pa impress sa trabaho niya.

Good God. Bakit ba kasi nagustuhan niya ang binata? Hayon tuloy, nagpapa-impress siya ngayon. Letse itong atraksiyon na nararamdaman niya para sa binata.

Huminga ng malalim si Jan Irish saka naghain sa hapagkainan. Pagkatapos ay hinanap niya si Tegan para sabihing handa na ang pananghalian. Natagpuan niya ang binata sa likod bahay, nakaupo ito sa isang swing, pero hindi ito gumagalaw.

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. Kaagad namang lumingon sa kaniya ang binata.

"Nakahanda na ang hapunan." Sabi niya sa pormal na boses habang nakatutok ang mata niya sa braso nitong walang parte na walang sunog na pilat.

Mukhang napansin iyon ni Tegan dahil kaagad nitong ibinalik mula sa pagkakatupi ang sweat shirt na suot nito para itago ang braso nito.
"Sige, susunod ako."

Tumango siya at akmang hahakbang na paalis ng marinig niyang nagsalita ito.

"On second thought," he said, "stay."

Bumaling siya rito. "Ha?"

Iminuwestra nito ang kamay sa isa pang bakanteng swing na katabi nito. "Sit."

Hindi na niya kailangan pang pilitin pa. Ang katawan na niya ang sumang-ayon para mas mapalapit pa rito. Umupo siya sa swing saka pilit na tinitikom ang bibig kahit pa nga ang dami niyang katanungan dito.

"Sabi ni Tay Berto," basag ni Tegan sa katahimikan. "Ikaw daw ang nag-alaga sakin kanina, nang nalasing ako." Bumaling ito sa kaniya. "Pinunasan mo raw ang katawan ko." Tumikhim ito. "Anyway, n-nakita mo ba ang mga pilat ko? They're disgusting to look at so i have to apologize. Sa susunod huwag mo nang gagawin 'yon, ha? Hindi naman parte sa trabaho mo na makita ang nakakadiri kong balat."

There he goes again, dragging himself down. Siguro sanay na talaga itong palaging issue sa mga taong nakakasalumuha nito ang balat nito na puno ng pilat at nandidiri ang mga taong 'yon. Good God.

"I was worried." Sagot niya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa swing. "But you dont have to worry about anything, your skin and scars dont disgust me. They amaze me, actually. Because i know that behind those ugly looking scars, lays a very painful memory. Still, you manage to survive and keep living. That what's amaze me." Pagkasabi niyon ay nauna na siyang naglakad pabalik sa kusina.

TEGAN often wonders why Stella left him. And he's sure as hell that it's about his ugly scars and disgusting skin. And then here comes a woman who never gets disgusted of how ugly he is.

She was even amazed by his scars. Dapat ba niya itong paniwalaan? O iyon lang ang paraan nito para mas makakuha pa ito ng maraming impormasyon tungkol sa kaniya.

She might be planning to charm his heart without him knowing it. Pero plano man nito o hindi na patibukin ng mabilis ang puso niya, sa tingin niya magtatagumpay ito.

His heart had been mowed and grind ever since he got the scars. Sobra-sobrang sakit na ang naramdaman ng puso niya. His heart is vulnerable yet cold. Someone just have to know where to hit the right spot. And looks like Jan Irish did.

Napailing-iling nalang siya sa tumatakbo sa isip niya. Holy hell. His life really is a living nightmare. And his heart is now in danger of falling into an unknown territory.

AUTHOR'S NOTE: Ito lang din ang kay Tegan ngayon. Hehe

Continue Reading

You'll Also Like

41.8M 743K 27
"You are invited to Temptation Island."
121K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
48.8M 806K 30
"You are invited to Temptation Island."
5.3M 133K 17
Clover Cinnamon Perez is a Matchmaker. Because of what she does for a living, she knew a Playboy when she sees one. At malayong-malayo pa si Alexus E...