HE'S INTO HER Season 2

maxinejiji द्वारा

346M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... अधिक

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 137

3.6M 86K 169K
maxinejiji द्वारा

 DEIB'S POV

SAPAKIN AKO NGAYON NA!

HINDI AKO MAKAPANIWALANG SINAGOT AKO NG "OO" NI TAGURO!

Hindi ko maintindihan ang sarap sa pakiramdam na nararamdaman ko!

Hahahahahahaha!

Hindi ko mipalawanag yung butil butil ng tusok na kumikiliti sa puso ko!

Bwahahahaha!!

At hindi ko rin napigilan ang sarili kong tumakbo PAYAKAP sa kanya dahil sa sobrang tuwa!

Gusto ko syang ihagis hagis sa ere sa sobrang tuwa hahahahaha!!!!!

"Hahahahaha! Mahal mo na ko talaga?!" hindi pa rin talaga makapaniwalang tanong ko pa!

"Tss.."

"Hahaahaha! Parang lalabas yung puso ko at sabay kaming tatalon hahhaha! Magkaharap pa, Babe!"

"Ang kulet mo.." natatawang usal nya pa habang nakayakap rin sakin.

Malumanay na inilayo ko naman sya sa pagkakayakap ko at saka ngiting ngiting sinilip ang mukha nya..

"B-Babe.. Uulutin ko.. s-sagotin mo ko ng totoo ah??" pilit pinapaseryoso ang sariling tanong ko pa. "Mahal mo na ako??" pigil na naman ang mga ngiting tanong ko at napasinghal sya ng nakangiti.

"Oo nga.."

"Hahaha!!"

"Tss---"

"Hahaha!!! Parang mamamatay nako bukas---ang saya saya ko ngayon hahha----"

"Ang OA mo.."

"Wala kang pakialam! hahaha!"

"Sige na.. pumasok ka na.. Late na.." nakangiting usal nya pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi alisin ang mga ngiti sa mukha ko habang nakatingin sa kanya. "Hihintayin na lang kita bukas sa bahay.. aagahan ko dahil maaga kang dadating dahil sa labas tayo mag-aagahan.." tuloy tuloy na sabi nya pa.

"Teka, Babe.." malambing na sabi ko pa at saka muling yumakap sa kanya. "Hindi ko pa ata kayang maglakad---nanghihina ako sa sobrang tuwa hahahahaha!!!"

"Tss, baliktad ka talaga! Dapat nga mas lalakas ka pa---"

"Parang tinutunaw kaya ang puso ko! Hahaahaha! Pano kaya ang mararamdaman ko kapag sinabi mo na talaga saking Mahal kita, Deib Lohr Enrile-----buwaaha!!!"

"Ang ingay mo, Deib.."

"Wala kang pakialam sabi hahahahahaha.. E kailan mo ba ako tatawagin ng babe?"

"Babe.."

INILAYO KO SYA SAKIN AT SAKA TINIGNAN SYA SA MUKHA!

Ipaulit mo, dre! Ipaulit mo!!=

"U-Ulitin mo nga.." malumanay na pakiusap ko pa.

"Babe.."

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

SAPAKIN AKO NGAYON NA!

"Hahaha!!!!! Isa pa..."

"Babe.. Babe!"

"Isa pa----"

"Tama na.. Pagod na ko e.."

Nginusuan ko sya at ipinakitang malungkot na malungkot ako..

At ngumiti naman sya..

"Pumasok ka na, Babe.. Uuwi pa ko e.."

"Ihahatid kita.." nakangiiting sabi ko pa.

"Tss, ano ka ba??" salubong ang kilay munit malumanay na tanong nya at ngumuso na naman ako. "Wag na.. wag na makulet ha? Para kang bata.." nakangiting sabi nya pa.

"Ayaw ko na yatang humiwalay sayo hehehehehehehe.. Dito ka na lang sakin.."

"Hahaaha! Ano ka ba!? Hindi pwede yun.."

"Bakit?" nakangusong tanong ko.

"Tsk.. wag ka ng matanong, naririnde ko sayo.."

"E hindi ko nga yata kayang humiwalay sayo---lalo pa ngayon!? Tch! Hehehehehehe!"

"Hindi na.. sige na pumasok ka na, baka hinihintay na ako ni Naih.."

"Tch! Buti pa si Naih iniisip mo.."

"Ayy.." biglang seryosong sabi nya.

"Hehehehe.. Joke lang, Babe.."

"Sige na, pumasok ka na.."

"Pakita ka muna kila Mommy.."

"Hindi na.."

"Kahit saglit lang??"

Bumuntong-hininga sya at sumandal sa motor nya kaya naman hindi na ako nagpumilit.

"S-Sige na nga! H-Hindi na.. hehehehe.. Susunduin kita bukas ah??" sabi ko pa.

"Mmm.. hihintayin kita.."

"Sige na.. Mag-iingat ka.. Itext mo ko kapag nakauwi ka na.."

"Sige.."

"I love you.." sabi ko at saka lumapit at hinalikan ng ilang segundo ang noo nya. "I love you, Maxpein.."

Sinilip ko ang mukha nya at nakangiti sya..

"Mahal mo na ko---"

"Nakakarindi ka hahahaha.." bulong nya pa.

"Mahal na mahal kita.." mariing usal ko pa at saka inilapit ang mukha ko sa mukha nya na ikinagulat naman nya..

Gulat syang inilayo ng bahagya ang mukha nya kaya naman inilapit ko ulit ang mukha ko at mas umatras na naman sya hanggang sa umiwas na sya!

Hahahaaha!

"O sige na.. uwi ka na.." bulong ko pa at hinalikan ang pisngi nya. "Wag mo kakalimutan yung sinabi ko ah?? Mahal na mahal kita.."

"Oo na.. Sige na, pumasok ka na.."

"Umalis ka na.. papanoorin kita maka---"

"Pumasok ka na.."

"B-Babe naman e, parang ako naman ang babae nyan e---"

"Ikaw naman talaga.. hahahahahahahaha!"

"Tch.." nakangusong singhal ko at saka hinawakan ang kamay nya. "Sige na, papasok na ako at iisipin na kita magdamag hehehehe.. Itext mo ko ah??"

"Oo na.."

"Babe.."

"Sige na.."

"Babe nga kasi!"

"Oo na! Sige na! Babe!"

"Parang napipilitan ka naman nyan e---"

"BEEEEHHHEEEEYYYYBBB." napakalambing kunwaring usal nya pa kaya naman napangiti pa ako!

"Pasok nako ah??" tanong ko pa.

"Mmm.."

"Bukas.."

"Mmm.."

"Goodnight.."

"Goodnight.." nakangiting sabi nya pa at saka ako nagsimulang lumayo habang nakahawak pa rin sa kamay nya..

Dahan dahang nagbitiw ang mga kamay naman hanggang sa mga daliri namin pareho.

Parang yung sa palabas hehehehhehe..'

Bading amp!

"A-Ahh hehhehehe.. Pasok nako.." ulit ko pa at saka tuluyang tinalikuran sya at naglakad papasok.

Nung makarating ako sa main door ay muli ko syang nilingon at kinawayan nya naman ako..

Kung ganito naman kasarap sa pakiramdam ang pagbawi mo.. Mas gugustohin ko ng magalit lagi sayo hehehehe..

Pagkapasok ko sa loob..

"BWAHAHAHA!!!" malakas akong tumawa at saka tumalon!!!

~CHA!~

"Yes!!" mahinang sigaw ko pa na sumuntok pa sa ere!

"Ohhh.. Our baby is here already.."

SI MOMMY.

"Hi beautiful lady.." nakangiting sinalubong ko sya.

"Aaaaahhh... hihihihihihi ang sweet sweet ng baby ko.." sabi nya pa at saka sinalubong ako ng yakap.

"I love you, Mom.."

"I love you, baby.. Bakit late ka na yata??" tanong nya pa nung ilayo ako sa kanya.

"Nag-date kami ni Max, Mom.." nakangising bulong ko pa na hindi magawang isara ang bibig sa lawak ng ngiti!

"Omo! Talaga???" tuwang tuwang tanong nya at tumango-tango naman ako habang nakangiti pa! "Yie! Kwentuhan mo ko!!!" sabi nya na hinila ako papalapit sa sofa!

"Hahahahaha!" tumawa ako ng malakas at inilapit ang bibig ko sa tenga nya. "Tinanong ko sya kung mahal nya ako.. sinagot nya ako ng oo.." bulong ko.

"Kyaah!! Yie! Mahal ka rin nya, baby?? Wow! I'm so happy for you..." animong kinikilig na usal nya pa.

"Ang saya saya ko, Mommy! Hahahah.." nakangiting sabi ko pa. "She showed me her feelings before letting me know.. I can feel that she likes me too, and I can feel that she loves me too.." tuwang tuwang bulong ko pa.

"Kyaa!! Talaga? Yiiiieeeeee... Edi ibig sabihin.. girlfriend mo na sya??" ngiting ngiting tanong ni Mom at ngiting ngiting sunod sunod na tango naman ang isinagot ko sa kanya! "Kyaaa!!!"

"M-Mom." pigil ko sa kanya sa lakas ng pagkakasigaw nya!

Pero...

TUMALON TALON ANG MOMMY KO!

M-Mom.. M-Mom.." pigil ko pa sa kanya pero nagtatalon pa rin sya!

"Yiee! Binata na ang baby ko! Binata ka na, baby!!"

"Mom.. sshh!!!"

"Yiiee..." at saka huminto sya sa pagtalon at saka nakibulong sakin. "Ssshhhh!!!! Ssshhhh!!!!" sabi nya pa na inilagay ang hintuturo'ng daliri nya sa bibig nya. "Hihihhihi!!!! Ang saya saya ko, baby.. Kailan pa??" excited na tanong nya.

"Mmm mag-2 weeks na, Mom, I g-guess.."

"What!?"

"M-Mom.."

"At hindi mo man lang sinabi sakin??" nakangusong sabi nya pa.

"E-Eh kasi Mom, m-mas gusto kong ipaalam kapag k-kasama ko sya e.. i-ipapaalam ko sana sa b-birthday party ko pa---"

"Kyaa!" sigaw na naman nya.

"M-Mom.." pigil ko pa sa kanya at saka lumingon sa paligid. "N-Nasan ba yung mga tao dito??" tanong ko pa.

"Naggrocery sila hihihihi, naiwan ako mag-isa dito, pauwi na ang mga yun.. Nagluto kasi ako.. Kwentuhan mo ko, baby please??? Ano pa?? Ano pa??? Did you already kiss?"

Nabigla ako sa tanong na yun ni Mommy at talaga namang napalunok ako ng matindi!

Nakakatuwa yung excitement at saya na nasa mukha nya pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya dahil syempre..

T-That's private.

"Baby!?" excited pa ring tawag nya na inuga pa ang braso ko. "Did you already 'kiss'??? Huh?? Huh???" pangungulit nya pa.

"Y-Yes---"

"Kyaaaaaa!!!"

"How was it, baby?" excited pang tanong nya at napailing naman ako sa hiya!

"M-Mommy naman e.." inis kunwaring sita ko sa kanya.

"I'm so happy for you baby!!!! I was so worried kasi na, Maxi doesn't like you back.. I mean, may konting feeling ako noon pa that she likes you pero---may something kasi e hahahahah! I cannot explain it---that's why I'm this happy! Finally! Hahahahahahahaha! I really like her for you baby.. I swear.." nakangiting sabi nya at ngumiti rin ako. "I'm so happy for you, super happy.. I'm super duper happy! Hihihihihihihihi! Finally, nakikita kong masaya ka talaga.. tunay na masaya.."

"Tch! Ganyan rin sinabi mo sakin noon nung si Kim nililigawan ko, Mom e.." nakangusong sabi ko pa.

"Excuse me---hindi noh! Well yeah, maybe sinabi kong I'm happy for you, back then but.. I don't recall saying that I like her for you.." mataray na sabi nya pa at natawa naman ako!

"Hahahaha.. Why? You don't like Kim?"

"Well.. hindi naman sa ganon.. gusto ko lang talaga si Maxi! Hihihihihihihi.." masayang sabi nya at ngumiti naman ako sa kanya at saka nakangiting bumuntong-hininga.

"She's very different, Mom.." mahinang sabi ko pa na iniimagine ang mukha ni Taguro habang nakatingin sa kawalan. "She's very different from other girls.. I didn't expect to like her this much.. Hahahahahahaha!"

"Yiiiiieeeee! I told you---she's different! Hmp! Ikaw naman kasi---may pa-Kim Kim ka pa!"

"R-Recently ko lang naman nakilala si Max, Mom.. Nung First Day of Class lang.."

"I know.. hihihihihihi! Edi sana nung unang araw pa lang na yun ay ginusto mo na sya!"

"Hahahahahaha! No Mom.. mas gusto ko kung pano kami nagsimula bago mauwi sa ganito.." nakangising sagot ko.

"You're so in love, baby.."

"I know.. hahaha!" masayang sabi ko at saka bumuntong-hininga at ngumiti. "Andami dami nyang bagay na ginagawa sakin na hindi ko akalaing kaya'ng nyang gawin--lalong lalo na ng isang babae.. Hahahaha! Imbes na ako yung magpakilig ng magpakilig sa kanya---parang ako pa yung kinikilig! Bwahahaha!!!!"

"Really??"

"Mm! Hahhaha! Nakakahiya mang sabihin but yeah.. hahaha! Akala ko nga hindi kinikilig ang mga lalaki pero ngayon hahahahahaha napatunayan ko na! Hindi lang tuwa ang nararamdaman ko hahaha! Mas higit pa don!" napayuko pa ako at saka bumusal ng ngiti. "Hindi sya expressive tulad ng nakasanayan ko ng makita sa ibang babae.. pero once naman na sabihin nya yung feelings nya.." at saka ako nakangiting tumingin kay Mom. "...t-tagos e! Tagos na tagos, Mom! Hahahaha! Alam mo yun?? Yung lalabas sa bibig nya at derederetsong tutusok sa dibdib ko at papasok sa puso ko?? Hahaha! Tapos magdamag na yun na nandon, Mom! Tapos yung utak ko ay magiging sirang plakang uulit-ulitin yung sinabi nya! Hahaha!!!"

"Ayie. you're really really in love.. Para kang Daddy mo noon!"

"Talaga, Mom??"

"Mmm.. ganyan rin kung matuwa sakin ang Dad mo.."

"E-Edi ibig sabihin ikaw rin ang nagpapakilig kay Daddy noon??"

"No.. hihihihihi.. Pero yung mga sinasabi ko ay malaki ang effect sa buong pagkatao nya!"

"Hahaha! Ganyan nga, Mom! Ganyang ganyan si Taguro! Hindi nya ugaling sabihin yung nararamdaman nya---most of the time, kilos lang sya ng kilos.. Pero kapag nagsalita sya.. BAM!!! Damaged ang buong pagkatao mo.. Hahaha!!" masayang sabi ko at saka nakangiti pa ring nilingn si Mommy na nakangiti rin habang tuwang tuwang nakatitig sakin.

"Yiiee... excited na tuloy ako sa birthday mo..."

"Hahaha! Mas excited ako bukas Mom! Susunduin ko sya at ako na rin ang maghahatid sa kanya----sa labas na kami magbebreakfast.."

"Omo! Really?? Yiiiieeeee! That's good.. mas magkakaron kayo ng time together.."

"Syempre naman yes, Mom! Hehehehehe! Oh sya, pinakamagandang Mommy on Earth! I think I should go to my room and study hahahahahahahahaha! Masyadong matalino ang girlfriend ko para magpakahina ako.."

"Omo! Sure, baby! Sige! Tatawagin na lang kita kapag dinner na ah??"

"Hindi na ako gutom, Mom.. Nag-date kami e.. hehehehehe! Andami naming kinain.."

"Dessert??"

"Hindi na rin Mom, hahahaha sya na yung dessert ko kanina e hahahaha! At yung sweetness nya, hindi mo makikita sa ibang bansa! Nandito lang sa pinas! Hahahha!!!"

"Woooow! Yiiiieeee! O sige na sige na.. Mag-aral kang mabuti ha??"

"Oo naman yes Mom!" sabi ko pa at saka kami sabay na tumayo.

"Dadalan na lang kita ng milk mo mamaya doon, okay??"

Milk??

"M-Mommy naman.."

"Oh?? Why??"

"M-Malaki na ako e-----"

"Pangmaliit lang ba ang milk, baby??"

"Ayan pa---yang baby na yan.. Mommy---ang gwapo gwapo ng anak mo oh??? Look.." sabi ko na ipinakita pa ang magkabilang gilid ng mukha ko. "Gwapo'ng gwapo'ng binata na ako.. kaya wag mo na po ako tawaging baby.. at ayaw ko na rin ng milk.." sabi ko ay ngumuso naman sya.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko e.." malungkot na sabi nya. "Once you enter a relationship, you'll forget about me na.."

"M-Mom, n-no.. Ako pa rin 'to.. Yung gwapo'ng anak mo na maraming nagkakagusto---hahahahahah! It's just that.. Gusto ko'ng tawagin mo po ko sa pangalan ko na hehehehehe.. Deib Lohr.. Napakagandang pangalan hahahaha! Pangalan pa lang tinitilian na hahahahaha!"

"Hmp.."

Ngumuso sya sakin at natawa naman ako kaya naman nilapitan ko sya at niyakap.

"You're still the most precious person for me.." bulong ko pa at saka inilayo sya, ngumiti naman sya sakin kaya natuwa ako. "Kahit si Maxpein ay hindi ka matatapan hehehehe.. Hindi ako magbabago Mommy.. At mas mamahalin pa kita k-kung h-hindi mo na ako tatawaging baby, promise---"

"No.."

"You're still my baby---kahit mag-asawa pa kayo ni Maxpein!"

"Gusto mo'ng mapang-asawa ko sya Mom??" nakangising tanong ko pa.

"Oo naman! Kung pwede nga lang na ngayon na e hihihihihi!"

"Hahha!!! You're the best, Mom!"

"I know! Hihhi..."

Nung matapos kaming mag-usap ni Mommy ay nakangiti pa rin akong umakyat sa kwarto ko at naupo sa sofa ko saka hinubad ang sapatos ko at nakangiting sumandal..

Ang sarap sarap sa pakiramdam. Hehe.

Pakiramdam ko ay nakalutang ang puso ko sa sobrang tuwa!

Hahaaha! Nababaliw na ako sayo Taguro.. Tsk! Bakit ganito ang epekto mo sakin??

"Tsk tsk tsk.."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung may text sya..

At MERON nga!!!!

One Message Received
~♥♥♥ Taguro ♥♥♥~
Woi, nakauwi na ako..
d^_^b
8:39pm

Masayang idinial ko ang number nya at maya maya lang...

"Oh?" sagot nya.

Parang lagi namang may kaaway 'to! Tsk!

"A-Anong oh?!" inis na tanong ko. "Sinabing Babe e!"

"Tss.." natatawang singhal nya at napangiti naman ako.

"Namimiss na agad kita.."

"Ang bilis naman??" taka pa kunwaring tanong nya.

"Aba---oo naman! Tch! Mas matagal pa yung ipinasok ko kay Miss Agaser kesa makasama ka! Tsk! Kung pwede'ng ikaw na lang ang Lecturer ko kahit 24 hours kang magklase sa hita ko ayos lang.. Hehehehe.."

"Sa hita??"

"Oo hahahaha! Uupo ka sa hita ko at magdamag akong tututok sayo! Promise yan! Bawat salita mo ay papasok sa utak ko at maiipon sa puso ko---"

"Puro ka kalokohan.."

"A-Anong kalokohan naman don?!" nakangusong tanong ko.

"Namiss rin kita.."

"Pupuntahan na ba kita dyan??" nakangising tanong ko pa.

"Tss.. Wag mong ugaliing kasama ako---baka manawa ka.."

"Andwae! Hahahahaha! Maldo andwae!"

"Marunong ka pala mag-Korean?"

"Yun lang.. hahahaha!!!! Paulit-ulit lang na ganon! Bwahahahahahaha!"

"Pero nakakaintindi ka di ba??"

"Oo naman.. Hindi ko lang talaga kaya'ng magsalita.. Kasi naririnig ko lang noon kila Lola at Chairman kapag nag-uusap sila.. tinatranslate lang ni Noona.."

"I see.. Oh e ano ng ginagawa mo?"

"Bukod sa kausap at iniisip ka.. Nakangiti at nakaupo.. Hehehehehe! Nagpapahinga.. Nag-usap pa kasi kami ni Mommy.. Sinabi ko na sa kanya.."

"Na ano?"

"Na girlfriend na kita at mahal mo ko.."

"Hahahaha.. anong sabi nya??"

"Ayun, kilig na kilig.. Tch! Daig ka pa ng Mommy ko kung kiligin!"

"Hahahaha.."

"Bakit ba hindi mo ipinapakita mo saking kinikilig ka, Babe?? Gusto kong makita e.. Hehehehe.. Parang kinikiliti yung puso ko kapag nakikita kong kinikilig ka e---"

"Ang bading mo.."

"Wag mo nga akong tawagin ng tawagin ng bading?! Tch! Sinisira mo naman ang gwapo'ng reputasyon ko eh.."

"Hanep.. Gwapo'ng gwapo sa sarile??"

"Hahahahaha! Bakit?! Hindi pwede?! E patay na patay ka nga sakin!"

"A-Ah??" parang gulat pang tanong nya at saka.. "Hahahahahahaha!!!!" malakas na tumawa. "Hanep sa paniniwala ah?? Anong kulto ka?!"

"Tch! Hehehehehehehe! Sige nga, sabihin mong hinde!?"

"Hinde.."

"Anak ng... Hindi mo ko mahal?!"

"Hahahahahah.. wala naman akong sinabi ah? Wag ka ngang TH.."

"Tch! Wag mo na subukang patayin ang puso ko hahahaha.."

"Parang may kakayanan naman akong patayin yan??" natatawang tanong nya pa.

"Tch.. Kung alam mo lang.. Hahahha.." kunwaring tawa ko pa.

"Hindi ko gagawin yun.."

"T-Talaga??" napapangiting tanong ko pa.

"Kasi mauunang mamamatay ang puso ko kapag nagkataon, hahahaha!"

Hahaaha! TAGOS na naman!

"Hay! Sarap! Hahaha! Grabe ka talaga magbitaw ng salita, Taguro.. San mo ba nakukuha ang mga linya mong ganyan?? Hahaha! Iba dating sakin e! Parang tinutunaw ang puso ko.."

"Tss.. lahat yun kusang lumalabas sa bibig ko.."

"Talaga?? Hehehe.."

"Mmm.."

"E yung mga payabang na linya mo?? Hahahaha! San galing ang mga yun??"

"Kusa rin hahahaha.."

"Tch!" kunwaring singhal ko pa. "Pero gusto ko lahat yan hehehe.."

"Halata naman e.."

"Tch! Feel na feel mong may gusto ako sayo, no??" madiing tanong ko!

"Tss.. Nakita mo na ba sarili mo?!"

"O-Oo naman!"

"Edi nakita mo na kung gano ka kagwapo??"

"Hahaha! Minu-minuto, Babe!" mayabang na sagot ko!

"Oh e.. ngayon mo sabihin sakin kung paano'ng hindi ko ikakayabang ang pagkakagusto mo sakin?? Hahahaha!" natatawang sagot nya at nakitawa naman ako.

"Hahahahaha.. Alam mo? May point ka talaga hahaha!"

"Tss.. kita mo na? Mas feel na feel mo..."

"I love you.." mariing bulong ko. At saka dahan dahang nawala ang mga ngiti sa labi ko..

Syempre.. hindi ka na naman nya sasagotin, Deib..

Inilayo ko pa ang cellphone para hindi nya marinig ang buntong-hiningang pinakawalan ko..

"Mmm.. masyado akong napagod.. Gusto ko ng matulog.. ayos lang ba??" tanong nya pa.

"O-Oo naman.. Sige.. Magkikita pa naman tayo bukas e.."

"Maliligo lang ako.. tapos matutulog na ako ulit.."

"S-Sige.."

"Matulog ka na rin ah??"

"O-Oo naman yes.." bitin na ang saya'ng sagot ko.

"Goodnight, Babe.."

At saka ako napangiti..

"Goodnight, Babe.." sagot ko.

~TOOT! TOOT! TOOT!~

"M-Mahal na mahal kita... haaay.."

Parati na lang ba'ng ganito???

Twing sasabihin ko sayo'ng mahal kita---wala akong makukuhang sagot??

Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot sa dibdib ko at naisandal ko sa sofa ang batok ko..

Nabawasan ang nag-uumapaw na saya ko bago ako maupo dito..

At bigla kong naramdaman ang panlulumo at pagod..

Kaya naman muli akong bumuntong-hininga at tumayo para maligo..

Hindi na rin ako nakaramdam pa ng sipag para magbasa gaya ng sinabi ko kay Mommy kanina nung matapos kong maligo..

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama..

Hinablot ko si Tagsen mula sa gilid ng kama at iniangat sya sa ere..

"Mahal ba talaga ako ng Mommy mo??" nakangusong sabi ko pa. "Hindi nya pa kasi sinasabi sakin na mahal nya ako.. Tch! Hindi ko tuloy malaman kung dapat ko bang paniwalaan 'tong nararamdaman ko.."

Magdamag akong nakatiti kay Tagsen at umaasang sumagot ito at saka ako kusang nakatulog..

♥ K ♥ I ♥ N ♥ A ♥ B ♥ U ♥ K ♥ A ♥ S ♥ A ♥ N ♥

Miyerkules

"A-Aaahh!!" nagstretch pa ako at saka dahan dahang iminulat ang mga mata ko.

Kinapa ko ang dibdib ko at..

Mahal ko talaga si Taguro hehehe!!

Muli akong nagstretch pagkabangon at saka tuluyang tumayo at tumingin sa wall clock.

6:00am...

Gising ng binata'ng in love.. Tsk tsk tsk..

Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinignan isa-isa ang mga texts doon..

Hindi man lang nagtext hmp!

Masama ang loob na naglakad ako papasok ng washroom at muling tumingin sa salamin..

"Tch.. anggwapo mo nga, mukhang hindi naman patay na patay sayo yung girlfriend mo.." mahinang bulong ko sa sarili ko at saka bumuntong-hininga at naghubad ng sando at saka muling ngumuso sa sarili sa harap ng salamin. "Tch! Bahala sya sa buhay nya! Hindi ko rin sya itetext!!!!"

Maramot! Makasarili! Tamad! Manhid!

Munit maya maya'y napaisip rin ako..

"Pero... hehehehehehehehehehe.." mukhang tangang nagpakawala ako ng isang nakakalokong tawa!!! "Ngayon.... may dahilan ako para lambingin nya ako mamaya! Hehehehehehehehe!!!! Magpapanggap akong galit!" at galit na tumingin ako sa sarili ko sa salamin!

Grrrrrr!

"Ha! Tapos.. magkakandarapa kang suyuin ako----buwahaha!!!!!!!"

Todo ngiti'ng nagsimula akong maligo hehehehehe!!!

At nung matapos ay nakangit pa rin ako habang nagbibihis at sinusulyapan ang saraili ko sa salamin!

"Ang gwapo ko na nga---sinabihan nya pa akong gwapo! Nak nampucha---sinong hindi maniniwala?! Di ba?! Hahahaaha!!! Wooh!!"

"Deiib!!!"

Oh?!

SI NOONA!

~KNOCK! KNOCK!~

"A-Ano!?" inis na tanong ko munit hindi binubuksan ang pinto! "Nagbibihis ako!"

"Gising ka na ba?!"

"M-Malamang!!! Sasagutin pa ba kita kung tulog pa ko!? Engot!" inis pa ring sigaw ko!

"Bilisan mo dyan! Magbebreakfast na!"

"Umalis ka na dyan! Inaabala mo ko!"

"Bilisan mo dyan!"

"Tch.." singhal ko at hindi na sya sinagot.

~BLAAAAAG!~

Napalingon pa ako nung hampasin nya ng malakas ang pinto!

"Tsk.. anong problema nun!?" takang tanong ko pa habang nakatingin sa pinto!

Kaya naman nagmadali akong ayusin ang sarili ko at saka ako bumaba.

"Oh.. bihis na pala si Deib. Good morning, son.." si Dad.

"Morning, Dad.." at lumapit ako sa kanila ni Mom. "Morning, Mom.." nakangiting bati ko pa at saka humalik sa kanya. At saka ako bumaling kay Noona. "Hoy! Dein! Ang aga aga ang ingay ingay mo!"

"Hooooyyy!!! Hino-hoy hoy mo na ako ngayon!? At ano?! Ano kamo?! 'Dein'????" inis at may dii'ng tanong nya habang nakapamewang pa kaya naman nginisian ko sya!

"Waaaaaag mong sirain ang araw ko hahahahahahahahaha!!!!" biglang bawi ko ng tawa sa kanya!

"Psh! Today's just a normal day! Maupo ka na---"

"Oops! Sorry.. hahahaha! I won't be able to join you today.." nakangising sabi ko pa.

"Huh? Bakit?!"

"Dahil..." sinulyapan ko pa si Mom. "Susunduin ko pa ang special someone ko! Hehehehe!" nakangiti at taas-noo'ng sabi ko.

"Special someone!? Si Maxpein?!"

"A-ha!" taas-noong sagot ko na naman!

"Psh! Mabuti naman at ikaw na ngayon ang susundo sa kanya.. Muntik ko na talagang isipi'ng ikaw ang nililigawan nya.." tatawa tawa'ng bulong nya at nginiwian ko naman sya.

"Alam mo, Noona.. Maaaring nakakatawa para sayo yung ganong ginagawa namin pero.. hahahahaha! Masasabi ko lang.. subukan mo munang sunduin ang boyfriend mo bago ka magbigay ng ganyang nakakaloko'ng tawa.. Para malaman mo kung anong magiging epekto kay Randall.. Dahil kung ako ang tatanongin?? Kulang ang salitang nakakatuwa.." masayang kwento ko sa kanya. "Nakakatuwa sa pakiramdam ang makita sa kanya yung mga bagay na kadalasan ay kaming mga lalaki ang gumagawa.. Wala namang masama kung susubukan mo e hehehe.. At least, masasabi ko, 'sya' lang talaga ang nakagawa sakin non.. Bakit kaya hindi mo subukang ipakita rin yun kay Randall?? Na hindi lang sya ng sya ang susundo sayo---dahil magagawa mo rin syang sunduin.. Na hindi lang sya ng sya ang susuyo sayo---dahil kaya ka rin nyang suyuin.. Na hindi lang ikaw ang kaya nyang pakiligin---dahil kaya mo rin syang pakiligin.. Dalawang tao ang nasa relasyon, Noona.. Hindi ka nag-iisa! Hahahahaha!!!!"

*CLAP!*CLAP!*CLAP!*CLAP!*

Gulat akong napalingon kila Mom and Dad!

At laking gulat ko nung makita ko si Mommy na pumapalakpak habang nakatayo pa!

"Ang galing galing ng baby ko!!! Hihihih!!" tuwang tuwa pang sabi ni Mom!

"A-Ahh.. H-Hehehehe.." pilit na tawa ko sa kanya at saka muling bumaling kay Noona. "Oh pano?? Pupuntahan ko muna ang girlfriend ko?? Hehehe---"

"Teka!" pigil nya sakin at nilingon ko na naman sya habang nakangiti pa rin.

"Bakit?! Hehehehe.."

"G-Girlfriend mo na talaga si Max?"

Natigilan ako!

Engot! Bakit mo sinabi!?

"Deib?!" tawag pa sakin ni Noona.

"O-Oo.." nakangusong sagot ko at natigilan sya.

"S-Sure na yan??"

"A-Anong sure na yan?! Malamang! Tch!"

"Psh.." singhal nya kaya naman tinignan ko sya ng masama.

"Tch! Epal ka.." bulong ko pa. At saka tinalikuran sya at lumapit kila Mom and Dad.

"Goodluck!"

Inis na nilingon ko sya munit nakangisi lang sya habang iniinom ang coffee nya!

Hindi ko naman maintindihan kung bakit kinabahan naman ako bigla dahil sa sinabi ni Noona!

Tch! Sinasabihan ka lang ng goodluck! Anong nakakakaba don!? Binabati ka nga e!

"M-Mom.. Dad.. Mauna na po ako.." baling ko kila Mom and Dad. "Susunduin ko pa po si Maxpein, sa labas na kami magbebreakfast.." biglang ngiti ko.

"Mmm.. sige.. Kumain kayo ng marami ha??" si Mom.

"Of course Mom.." nakangiting sagot ko. "I'll see you later!"

"Ingat ka.."

"I love you, Baby!"

"I love you all!!" sigaw ko pa at saka tuluyang lumabas. "Manang, pasok na po ako.." baling ko kay Manang na nagdidilig pa.

"Oh, ang aga mo naman ata ngayo'ng bata ka??"

"Maaga ring nainlove Manang e hahahahahahahahaha!!!" biro ko.

"Ikaw talagang bata ka, oo! Sya sige, mag-ingat ka sa byahe.."

"Oo naman yes, Manang!"

"Ikumusta mo ako sa nobya mo.."

"A-Alam mo na, Manang???" gulat na tanong ko.

"Ang alin, iho?"

"Na k-kami na ni Max??"

"Hahahahahahahahaha! Sa tingin mo ay maloloko mo kami kapag sinabi mong hindi?? Tsk tsk.. Sya sige na't baka hinihintay ka noon.."

"Hahahahahahahahaha!!! Halata ba, Manang?! Sige po.. Mauna na muna ako hehehe! See you later, Manang!"

Nakangiting minaneho ko ang kotse ko papunta kila Taguro..

♫ ♪ 'You tell me you're in love with me.. Like you can't take your pretty eyes away from me.. It's not that I don't wanna stay.. But every time you come too close I move away.. I wanna believe in everything that you say.. 'Cause it sounds so good.. But if you really want me, move slow.. There's things about me you just have to know.. Sometimes I run (sometimes).. Sometimes I hide.. Sometimes I'm scared of you.. But all I really want is to hold you tight.. Treat you right, be with you day and night.. Baby all I need is time.. I don't wanna be so shy.. Every time that I'm alone I wonder why.. Hope that you will wait for me.. You'll see that you're the only one for me.. I wanna believe in everything that you say.. 'Cause it sounds so good.. But if you really want me, move slow..There's things about me you just have to know..' ♫ ♪

Kahit paulit-ulit kong pinapatugtog ang kantang yan sa kotse ko, pakiramdam ko ay parati yong bago sa pandinig ko!

Heheheheehe!

Ilang minuto kong tinahak ang daan papunta sa bahay nila Taguro at nung makarating ako..

~KNOCK! KNOCK!~

Nakangiting kumatok pa ako sa pinto nung makita silang lahat na nag-aayos na..

Pero wala si Taguro..

Yung magkapatid lang at dalawang bakla ang nandoon..

"Uyy! Deib! Pasok.." si Parrot. "Ang aga mo naman yata??"

"Mmm.. Good morning.. Susunduin ko si Max.." nakangiting sagot ko.

"Ayyy ang taray ng agahan ng bakla'ng Maxpein.." dinig kong bulong nung isang bakla at nginitian ko naman sya.

"Ahhh.. hehehe.. Pababa na yun.. Upo ka muna, dito ka na magbreakfast.. Nakaluto na si Ate.." dagdag pa ni Parrot.

"Ahh hindi na, k-kakain kami sa labas e.. baka gusto mong sumama?"

"Ganon ba?? Nako.. Hindi na hahaha! Mas maganda yung naeenjoy nyo ng solo ang moments nyong dalawa hahaha!"

"Hehehehe.."

"Oh ayan na si Max.."

At pinanood ko si Taguro na bumaba ng hagdan..

Tumayo ako nung tuluyan syang makababa. Ngumiti ako ng matindi sa kanya na agad naman nyang sinuklian ng tipid na ngiti pero matindi ang epekto sakin!

Hahaha!!!! Parang isang taon kaming hindi nagkita! Haaay..

"Good morning.." nakangiting bati nya pa sakin at saka lumapit at..

HUMALIK SA PISNGI KO!

Nasa amin ang mata ng lahat kaya naman pakiramdam ko ay mapapaupo na naman ako dahil nanghina ako sa ginawa nya!

Saarap!!

"Lolo mo.. baka hindi na makakain---mukhang nabusog sa halik mo.." biro pa ni Beka.

"Tss.. Mauna na kami.." nakangiting paalam ni Taguro sa kanila.

"M-Mauna na kami.." pigil ang mga ngiting paalam ko rin.

"Sige sige.. Ingat.. Kita na lang tayo mamaya sa school, Max!" nakangiting paalam rin ni Parrot.

"Geh.."

At nakangiting inalalayan ko sya palabas.

"H-Hindi ko inasahan yung ginawa mo ah.." pigil pa rin ang ngiting bulong ko habang inaalalayan sya papasok ng kotse ko.

"Ngayon lang yan.. bukas hindi na.." nakangising sabi nya at saka sumakay.

Gulat naman syang napatingin sakin nung bigla ko akong yumuko at lumapit sa mukha nya..

"Kung ganon.. pwede ko rin palang gawin yun..??" nakangising tanong ko at kitang kita ko naman ang paglunok nya.

"Ang a-alin?"

"Halikan ka kahit may ibang tao.."

"T-Tss.."

Nginitian ko lang sya at saka pinindot ang ilong nya. Nakangisi pa ring pumasok ako sa kotse ko.

"San tayo, Babe!?" ganadong tanong ko.

"Sa TB.. masarap ang tapsi don.."

"Sige.."

Nakangiti pa ring sinimulan kong magmaneho papuntang TB..

"Kumusta tulog mo?" tanong ko pa.

"Mmm.. ayos naman.."

"Hehehehehe.. Ako kasi.. heaven! Hahahaha!"

"Oh? Buti nakababa ka pa? Haha.."

Tsk!

"A-Ang sama talaga ng ugali mo, Taguro!"

"Biro lang e.."

"Wag mo kong bibiruin kapag naglalambing ako---dahil masaket!"

"Tss! Ang OA OA mo! Hahaha!"

"Tch! Hehehehehe.. May kasalanan ka pa nga sakin e.." biglang ngusong sabi ko a tinaasan nya naman ako ng kilay. "Hindi mo man lang ako naalalang itext!" sumbat ko pa.

"Tss.. magkikita naman tayo, bakit itetext pa kita?!"

"A-Ano ka ba?! Ganon ang dapat na ginagawa ng couple! Magtetext bago matulog at magtetext pagkagising!"

"Eh?!" parang hindi pa makapaniwalang tanong nya!

"At yun ay parte ng pagiging sweet sa isa't isa! Ang engot mo talaga!"

"Masyado kang maraming kaartehan---alam mo ba yun?? Tss.. Para sakin, ang cellphone ay ginagamit lang kapag emergency.."

"Kuripot! Ang cellphone ay ginawa para makipagcommunicate!"

"Tss.. makapanumbat ka parang ikaw naman e nagtext?!" kinuha nya ang cellphone nya at nagpipindot doon! "Hindi ka rin naman nagtext oh!"

Napatingin pa ako sa cellphone nya.

Wala man lang sweetness sa katawan!

"A-Alam mo.. sa lahat talaga ng babae ikaw ang kakaiba! Wala ka man lang kasweetness sweetness sa katawan!"

"Wow ahh?! Hahahaha! Alam mo bang yung ginawa ko kanina e sayo ko lang ginawa?! Tapos ako pa ang walang sweetness sa katawan?! Tss.. Masyado ka lang talagang maraming arte!"

Hindi ko na sya kinibo pa at nakangusong ipinagpatuloy ko na lang ang pagdadrive hanggang sa makarating kami sa TB.

"Welcome---Ayy! Eksena ah.. Mmm, anong maipaglilingkod ng mga bakla sa inyo??" bungad samin ni Barb, lumapit naman si Taguro sa kanya at saka humalik sa pisnge!

Akala ko ba, sakin nya lang ginawa yun?!

Siraulo!

"Breakfast.. dalawang tapsi at maraming kamatis hehehe.. Bilisan mo, baka ma-late kami.. Kape narin para samin.." sabi pa ni Taguro sa kanya at saka bumalik sakin. "Dito tayo.." yaya nya sakin sa unang table.

Couch ang upuan doon kaya naman nagtabi kami sa isang mahaba. Sumandal ako at inilingkis ang kaliwang braso ko sa bewang nya.

"Akala ko ba sakin mo lang ginagawa yun??" inis na tanong ko at lumingon naman sya.

"Ang alin?"

"Y-Yung kiss sa pisngi!" nakangusong sagot ko at nagsalubong naman ang mga kilay nya at saka lumingon kay Barb.

"Ahh.. Sanay na akong ganon ang batian namin.."

"Edi hindi mo nga lang sakin ginagawa yun---"

"Beso beso yung sa kanila.. Wag ka ngang TH.. Hahahaha! Andami dami mong napupuna, noh!?"

"Hehehehehe.. Maiba lang.." nakangising sagot ko at saka nagpandikwatro at nagpangalumbaba sa harap nya at tumitig sa kanya. "Ang sarap sa pakiramdam na ikaw agad ang kasama ko ng ganitong kaaga.."

Hindi nya ako sinagot at tinawanan nya lang ako.

Pinagmasdan ko naman ng malapitan ang kabuuan ng mukha nya..

"Masaya ka ba satin??" wala sa sariling naitanong ko. Hindi agad sya sumagot.

Sumandal sya sa couch dahilan para masandalan nya rin ang braso kong nakahawak pa rin sa bewang nya at saka pormang nag-iisip.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Mmm.. Biglang pumasok sa isip ko e.." tipid ang ngiting sagot ko. Muli syang tumitig sakin at saka ngumiti kaya naman ngumiti rin ako sa kanya. Bumuntong-hininga pa sya bago nagsalita.

"Masaya ako kapag hindi ka nagagalit sakin.." nakangiting usal nya at tumingin lang ako sa kanya. Muli syang bumuntong-hininga. "Nalulungkot kasi ako kapag nagagalit ka sakin.."

"Bakit mo naman nararamdaman yon??" nakangiti pa ring tanong na napapakagat pa sa pang-ibabang labi ko.

"Ewan ko, kusa kong nararamdaman e.."

"Twing kelan ka masaya?"

"Kapag ganitong okay tayo at magkasama---"

"Nararamdaman mo na masaya ka sakin?"

"Paikot-ikot ka lang, napansin mo?" biglang inis na tanong nya at sumimangot naman ako.

"Alam mo, ikaw?! Ang ikli ikli ng pasensya mo!" nakangusong sumbat ko.

"Tss.. sinong hahaba ang pasensya sayo e paulit-ulit ka lang.."

"Akala ko ba masaya ka sakin! Tch!"

"Hahaha.. ang cute mo.." natatawa talagang sabi nya kaya naman mas nagpacute pa ako sa kanya.

Maya maya pa ay dumating ang order namin at sabay naming kinain yun. Hindi rin kami nagtagal doon dahil may klase pa kami. Kaya naman nung matapos kami ay mabilis kaming pumasok. Sabay rin kaming pumunta sa locker at inihatid ko pa sya sa floor nila.

"Sabay tayo ng lunch ah??" paalala ko pa sa kanya.

"Mmm.. Kita na lang tayo sa baba.."

Matapos naming magpaalaman ay pumasok na ako sa klase ko...... ng may ngiti sa mga labi!

DISCUSS.

DISCUSS.

Nakakadalawang subject pa lang kami nung biglang bumuhos ang napakalakas ng ulan..

~FUUUU..~

Dinig na dinig hanggang sa kinauupuan ko ang lakas ng sipol ng hangin..

"Oh my God.. its raining.." si Liel.

"Ang lakas ng ulan.." si Tob. Nilingon ko naman sya.

"Bigla bigla naman yatang umuulan?" tanong ko.

"May bagyo kasi.." biglang sabat ni Lee at napatango naman ako sa kanya at saka muling tumingin sa labas. Sobrang lakas ng ulan, halatang may bagyo nga sa sobrang lakas. Sumisipol ang hangin sa sobrang lakas nito, kasabay ang sobrang lakas ng biglaang buhos ng ulan. Ramdam ko rin ang biglaang lamig ng paligid.

"Wheew! Lameeeegg!!" sigaw pa ni Tob na niyakap ang sarili nya.

"Class! Class! Attention!!" sigaw pa ng Lec kaya naman muli kaming napatingin sa kanya. "If X and Y are----"

~KNOCK! KNOCK!~

Sabay sabay na namang napunta sa pinto ang paningin naming lahat nung biglang may kumatok.

SI MIGZ BAKLA!

"Excuse me, Sir.." sabi pa ni Migz at nilingon naman sya nung Lec. Pumasok sya ng bahagya sa pinto at saka tumingin sa lahat. "Suspended na po ang klas----"

"Yes!!" hindi natapos ni Migz ang sasabihin nung biglang magtayuan at sumigaw ang mga classmates namin, nagkatinginan naman kami nila Lee at Tob na bakas rin ang tuwa sa mukha!

"Suspended na daw po ang klase, may bagyo kasi ngayon. At bukas ay half-day ang klase. Students, mag-iingat pauwi.. Yung walang service ay magpahatid daw sa school bus.. Dahan dahan na lang pababa kasi sabay sabay ang baba ng mga students, mag-ingat kayo at madulas ang floors! Thank you!" dagdag pa ni Migz at saka lumabas! Sabay sabay na nagsipagtayuan ang buong klase.

"Class! Class!!! Remain---Class!!" sigaw pa ni Lec! "Answer your workbook, Exercises 10-18! Show your solution! Okay dismiss! Be safe!" at saka lumabas.

"Tch.. half-day nga lang daw bukas e! Anong exercise ang sinasabi nun?!" inis na singhal ko at saka tumingin kina Lee at Tob.

"Nasan kayo?? Suspended na ang klase hehehehe.." si Tob, mukhang kausap si Michiko sa phone. "Ahh sige sige, bababa na kami dyan.. Sige.."

"Nasan daw sila??" tanong ni Lee sa kanya.

"Nasa baba, P.E. Class daw nila.."

"Ha?? E umuulan ah?!" nag-aalalang tanong pa ni Lee. "Baseball pa naman ang P.E. nung mga yun.."

Nasan kaya si Taguro?

Kinuha ko ang cellphone ko, pero walang text si Taguro. Habang pababa kami ay nakita kong abala sa pagtetext sina Lee at Tob..

Hindi naman ako mahilig magtext talaga.. Pero mas matutuwa ako kung maya't maya, katext kita..

Bumaba kami at saka tumakbo papunta sa Gym para doon sumilong. Maraming students ang nakasilong rin doon kaya naman ang ingay ingay doon. Nakita namin doon sila, BJ, Michiko at Parrot na mga naka-P.E. uniform pa at nakasilong.

"Oh?? Bakit nandito kayo?" tanong ni Lee kay Parrot.

"Suspended ang klase.. Hindi ba kayo nasabihan ni Migz?? Magru-room to room daw sya sabi nya?? Baka dahil nasa taas pa kayo kaya hindi nya napuntahan agad ang room nyo.." sagot ni Parrot habang pinupunasan ng towel ang braso nya.

"Ahh oo.. kaya nga bumaba na kami e, pumunta si Migz sa room.." si Lee.

"Nakakainis nga e! P.E. namin nung biglang bumuhos yung ulan! Nabasa tuloy kami!" si Michiko kay Tob.

"Haaaay naloka ako kakaakyat sa mga rooms!!!! Buti naman nandito na kayo----nasan si Max?!" biglang lapit ni Migz. Napalingon naman ako sa kanya. "Hindi nyo ba kasama??"

"Nasan si Taguro??" nag-aalalang tanong ko.

"Baka naiwan don sa field??" si BJ. "Bigla kasing bumuhos yung ulan e! Nagtakbuhan kami dito kasi pare-pareho kaming walang payong.. E fielder sila nila Carlo kanina e.."

"Sunduin nyo si Max don, malakas ang ulan oh! Baka napano na yun!" dagdag pa ni Migz! "Teka na muna, pupuntahan ko na muna yung driver ng school bus, andami ng students oh.."

*FIELDER: Posisyon sa laro'ng Baseball kung saan ito ang SUMASALO ng tinira'ng bola ng Batter. Sila yung mga humahabol sa bola na natira ng malakas. Meron Left, Right at Center Fielder.*

Tinanaw ko ang field at halos hindi ko makita ang daan papunta don sa sobrang lakas ng ulan! Napailing ako at saka napabuntong-hininga!

"Sinong may payong? Pahiram nga.." malumanay na tanong ko sa kanila.

"W-Wala nga kaming payong e.." malungkot na sagot ni Parrot.

"Here.."

Sabay sabay kaming napalingon sa gilid nung biglang may magsalita! Naibaba ko ang paningin ko sa hawak nya at nakita ko ang isang payong. Nung iangat ko ang paningin ko ay nagtama ang paningin namin ni Kim.

"Use mine.." dagdag pa ni Kim.

"A-Ahh.. No, its o-okay---"

"Use it.. Baka basang basa na si Max don.." nakangiti munit bakas ang pag-aalala sa tono'ng sabi nya pa kaya naman napangiti rin ako sa kanya.

"Thanks.. Ibabalik ko na lang---"

"It's okay.. May payong pa naman ako sa locker.. Sige na, baka nilalamig na si Max don.."

"Ang bait talaga ni Ate Kim.." puri pa ni Michiko sa kanya na ginantihan nya lang ng ngiti at haplos sa balikat nito.

"S-Susunduin ko muna si T-Taguro.." mahinang paalam ko pa muna sa kanila, tinanguan naman nila ako bilang sagot. "T-Tob, sayo muna 'tong bag ko.." sabi ko na inabot ang bag ko na kinuha nya agad kaya mabilis akong naglakad papunta sa field!

Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang ampyas ng malakas na hangin kasabay ng ulan sa katawan ko!

Wag kang magpapaulan! Tsk..

Hindi ko pa man nakakalahati ng quadrangle ay basang basa na ang pants ko!

Munit minadali ko pa rin ang paglalakad papunta sa field at nung tuluyan kong marating yun ay saka ko iginala gala ang paningin ko sa posibleng tambayan ni Taguro doon. Pero hindi ko sya makita sa ilalim ng mga puno!

Kaya naman naglakad pa ako papunta sa pathway sa gilid ng field pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay natanaw ko na si Taguro..

Nakaupo sya sa umbrella..

Nakapandekwatro'ng pambabae at magkakrus ang dalawang braso habang...

Natutulog??

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid..

Walang tao maski isa.. At ang tanging nakikita ko lang ay ang malabong parte ng school namin dahil sa sobrang lakas ng ulan..

Ang cute cute nya sa P.E. uniform nya.

Mabilis ko syang pinuntahan munit nagdahan dahan ako bago ko sya tuluyang lapitan..

Nakangiting inilapit ko ang mukha ko sa kanya munit..

Dahan dahang bumukas ang mga mata nya!!!!

Pakiramdam ko huminto ang ikot ng mundo ko nung biglang MAGTAMA ang paningin namin! Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin!!!!

"Anong ginagawa mo?" matalas ang tingin at pormal ang tono'ng biglang tanong nya! Amoy na amoy ko ang cheap na bubble gum na mula sa bibig nya sa sobrang lapit namin sa isa't-isa!

"A-Ahh.. g-gigisingin l-lang sana kita.."

"Ganyan ba manggising?" pormal pa ring tanong nya at naiiwas ko naman ang paningin ko sa kanya habang nananatiling nakaharap sa kanya ang mukha ko! Napalunok ako at saka muling tumingin sa kanya!

Deretsong deretso ang tingin nya na parang nanghihigop sa lalim!!!!!

"Natulala ka na naman.. tsk tsk tsk.. Hindi ka ba nangangalay??" mayabang na tanong nya pa kaya naman ngumuso ako at saka tuluyang tumayo ng maayos.

"Sinundo kita dahil ang lakas lakas ng ulan!" inis na sigaw ko sa kanya at saka ako lumingon sa paligid. "Ano bang ginagawa mo dito!?"

"P.E. namin kanina.. Tss.. sasambot sambot ako ng bola, pagbalik ko wala ng tao ang king ina.." galit at seryosong usal nya kaya naman natawa ako sa kanya.

"Hahahahahaha! Ang angas mo.." natatawang sabi ko at saka iniabot ang kamay ko sa kanya. "Suspended na ang klase, may bagyo kasi.." at hinawakan nya ang kamay ko.

Ramdam ko pa ang pagbigat ng kamay ko ng ituon nya don ang lakas nya kaya naman tinulungan ko syang tumayo..

"Tara na.. iuuwi na kita.." nakangiting usal ko pa at saka nginitian sya. Masyado pa ring seryoso ang mukha nya kaya naman mariing tinitigan ko pa rin sya. Muli kong inilapit ang mukha ko sa kanya at ang sumunod na nangyari ay hindi ko na inaasahan..

Parang nagslow motion sa paningin ko ang naging paglapit sakin ng mukha nya..

At naramdaman ko na lang..

ANG MARIING PAGSIIL NG LABI NYA SA PANG-IBABANG LABI KO..

Nagsimulang magkarambola ang bawat tibok ng puso ko!!!!

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

Ramdam na ramdam ko sa dibdib ko ang pino'ng pino'ng sunod sunod na haplos sa puso ko na nagbuhat ng napakasarap na pakiramdam sakin!

Naipikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang masarap na pakiramdam sa loob loob ko..

Para akong lumulutang sa sobrang sarap sa pakiramdam..

Dahan dahan kong hinapit ang katawan nya papalapit pa sakin at saka mariing siniil rin ang labi nya..

Ano mang diin ko sa labi nya ay ramdam na ramdam ko pa rin ang lambot niyon.. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti sa sobrang tuwa'ng nararamdaman ko..

Dahan dahan nyang binitiwan ang labi ko kaya naman dahan dahan ko ring iminulat ang mga ko at nung magtama ang paningin namin ay pareho na kaming nakangiti sa isa't isa..

"I love you.." mahinang usal ko pa at saka hinalikan ang ilong nya habang nakayakap pa rin sa kanya.

"I love you, too.."

Ramdam na ramdam ko ang pagkawala ng mga ngiti sa mukha ko at deretso akong napatitig sa kanya..

I love you, too..

I love you, too..

Muling nagpaulit-ulit ang mga katagang binitiwan nya sa pandinig ko!

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

"M-Max...." hindi ko naituloy ang sasabihin ko sa matindi at hindi maipaliwanag na kaba'ng nararamdaman ko!

Nananatiling nakatitig kami sa isa't isa at masyado pa ring seryoso ang mukha nya bagaman parang nakangiti sakin ang sinsero nyang mga mata! Halos hindi ko na marinig ang malakas na buhos ng ulan sa sobrang lakas ng tibok ng puso kong parang nagwawala sa dibdib ko! Sunod sunod ang naging paglunok ko habang nakatitig sa mga mata nya!

At ang sumunod na namalayan ko na lang ay NAKAYAKAP NA AKO SA KANYA.

"H-Hahahaha!" naibubulalas ko sa sobrang saya'ng nararamdaman ko! Napakagat ako sa labi ko habang nararamdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko! "I love you, Babe.. I love you.." mahinang sambit ko pa.

"I love you, too.." mahinang sagot nya kaya naman tuluyang tumulo ang luha ko sa naging pagpikit ko.

Ninamnam ko ang pagyakap ko sa kanya bago tuluyang ilayo ang katawan ko sa kanya.

"Tss.. sinabi ko bang umiyak ka?" salubong ang kilay na tanong nya kaya nama natigilan ako at napatitig sa kanya. "Hindi ba't sabi ko.. wag kang iiyak sa harap ko?"

"Tch! T-Tears of joy ang tawag dyan!"

"Bading.." nakangiwing singhal nya at napangiti naman ako ng sobra!

"Sobrang saya ko, Taguro.." pigil na naman ang mga ngiting usal ko.

"Masaya ka pala e, tara.. Nilalamig nako e.."

At doon ko lang tuluyang nakita ang kabuuan nya! BASANG BASA ang katawan nya!

"N-Naulanan ka?!" gulat na tanong ko!

"Nagkabiglaan e.. Hindi ko naramdaman yung mabilis na buhos nung ulan.." nakangising sagot nya at nagsalubong naman ang kilay ko at saka marahang tinuktok ang noo nya!

"Pano kung magkasakit ka?! Tsk tsk! Tara na nga!" sabi ko at saka inakbayan sya! Binuksan ko ang payong at sabay naming tinahak ang daan papunta sa parking lot. "Ipapasok ko yung kotse ko sa loob, susunduin natin sila.." sabi ko pa at yun nga ang ginawa namin.

"Mababasa ang upuan mo, basa ako e.." malumanay na sabi nya pa.

"Ayos lang yan, matutuyo naman yan.. Pumasok ka na.." sabi ko pa na inalalayan sya papasok at saka ko isinara ang pinto ng passenger's seat.

Binuksan ko ang backdoor at kinuha don ang maliit na extra towel ko at saka ako muling lumapit sa kanya at pinunasan ang mukha nya.

"Thanks.."

"Magpunas ka, baka magkasakit ka.." at saka ako pumasok at nagdrive. "Kuya, pakibuksan ang gate.." utos ko pa sa guard na agad namang ginawa nito.

Hindi na mawala ang mga ngiti sa labi ko habang nagmamaneho ako pabalik sa loob ng school..

Pakiramdam ko ay nararamdaman ko pa rin ang malambot na labi nya sa labi ko..

"Taguro.." tawag ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at saka ngumisi ng nakakaloko! Sinamaan nya naman ako ng tingin. "P-Pwede ko ba'ng kaadikan y-yung halik mo??"

Nagkatinginan kami at bakas ang namumuong hiya sa pagitan namin.. Munit sa loob ko ay lamang pa rin ang tuwang nararamdaman ko!

Taguro.. Taguro.. Taguro.. Tsk tsk tsk..

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
Chasing Hell (PUBLISHED) KIB द्वारा

रहस्य / थ्रिलर

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
1.3M 45.4K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
737K 26.2K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.