Let's Talk About Us [Complete...

By marielicious

11.5M 336K 47.9K

X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET... More

Panimula
1. The Great Escape
2. Living Away From Home
3. Job Interview
4. Executive
5. The Contract
6. Signed
7. Meet the Family
8. Searching
9. Never get Away
10. Us
11. Fashion
12. Why Did You Leave Us?
13. Do's and Don'ts
14. Rest-assured
15. His Reason
16. Asaran
17. PDA Show
18. Family Tree
19. Baby Sister
20. She's Here
21. Old Enough
22. Take Care
23. Day-off
24. Change of Mind
25. Kunwari
26. Girlfriend
27. Dinner
28. Rants
29. What Was That?
30. Travel Alone
31. Stranger
32. Bar
33. I Won't Mind
34. As If
35. Dessert
36. Hugot ni Arthur
37. Big Catch
38. Got Your Back
39. Shopping
40. Clingy
41. Payong Kaibigan
42. Kidnap
43. Scared
44. Surprise
45. Just The Two of Us
46. Birthday
47. Mata sa Mata
48. Bothered
49. Lies
50. Senior Vice President
51. Old Time's Sake
53. I'm Home
54. Hindi Kami
55. Spill The Truth
56. Come Home
57. Jigsaw Puzzle
58. Family Dinner
59. Sorry
60. We're Over
61. Team Evangelista
62. Go Home
63. Text Message
64. Lost in Thought
65. Pain
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Ikalawang Parte)

52. Pun Intended

142K 4K 420
By marielicious

52. Pun Intended

Habang tumatagal ay nagiging abala na ako bilang acting Senior Vice President ng A.E Mart. Hindi maalis ang mga mata ko sa nameplate na naka-display sa desk ko habang sapo-sapo ko ang aking kumikirot na ulo.

Scarlett Alison Ramirez

- Acting Senior Vice President, Finance and Operations

A part of me regretted in taking over Arthur's position in the company even just for two weeks. Dahek. I wasn't informed na sakop ni Arthur ang dalawang department; una ay ang Operations at sunod ang nakamamatay na Finance.

Naalala ko noong nasa college pa ako, parang suntok sa buwan ang maipasa ko ang Finance exams ko. Tatlong semester na nakalatag sa curriculum namin ang subject na iyon at sa unang semester palang ay naisumpa ko na iyon sa hirap. Pwede pa ako sa Accounting e, pero sa Finance? Nah. Hindi ako deserving sa posisyong ito lalo na't undergrad lang ako ng Business Management. As if I have a choice, right? Nandito na ako, naatasang maging substitute ni Arthur sa posisyong ito. Wala na akong masabi sa utak niya. For a 26 year old man, he sure has what it takes to succeeed in this field.

Nag-unat ako ng mga braso at ini-stretch ang aking leeg na medyo nangangawit na. Malakas ang loob kong tumulala sa kawalan dahil natapos ko na lahat ng trabaho ko ngayon. Na-check ko na rin yung operations ng Finance department kanina. Actually, daily ko naman 'yong ginagawa ever since I got into this. Yun nga lang, mas naging abala ako ngayon dahil kanina ay nag-meeting kami ng Finance department para makipag coordinate tungkol sa LOB financial planning for this quarter. It turned out successful though. Thanks to the guidelines na iniwan ni Arthur to my assistant who happens to be Garrett.

Speaking of Garrett, pagkatapos ko siyang makausap nung isang gabi ay naging civil nalang siya sa akin. 'Yung para bang walang namagitan sa amin noon. Just pure work which is great dahil nababawasan ang pagkailang ko sa kanya.

Isasandal ko sana ang ulo ko sa desk para sana umidlip saglit nang biglang mag alarm ang phone ko. Pagkatingin ko rito ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig.

"Sh1t!" Napamura nalang ako nang maalala kong may appointment pala ako ng alas-dos with the CEO— si Kuya Ezekiel.

Dali dali kong isinuot ang 4 inches white pumps ko at inayos na rin ang bahagyang umaangat na pencil skirt ko bago ko nilisan ang office ko.

Nang makarating ako sa floor ni Kuya Ezekiel ay naabutan ko si Garrett na nakahawak sa door knob. Marahil napansin niya ang presensya ko kaya agad niya akong nilingon.

"Pinatawag ka rin ni Kuya Ezekiel?" Tumikhim siya at nagpamulsa. "I mean ni Sir Ezekiel?"

Tumango ako habang palapit na sa kanya. Bigla tuloy akong kinabahan. Dahek. May nagawa ba kaming kapalpakan ni Garrett recently?

"Sabay na tayo," aniya bago kumatok at binuksan ang pinto. Naabutan namin si Kuya Ezekiel na umiinom ng kape.

"Good afternoon." Bumati ako ng nakangiti kahit parang nagwawala na ang puso ko sa kaba.

Tumango lang siya't sinenyasan kaming dalawa ni Garrett na maupo kaya pumwesto agad kami. My palms were sweating cold nervously. Bakit kaya kami pinatawag?

"Coffee?" alok niya. Nagkatinginan kami ni Garrett. Kilala ko si Garrett. hindi siya umiinom ng kape.

"No, thank you," baling ko pabalik sa kanya.

He stood and gulped the rest of his coffee before he glanced back at us. "I am going to make this quick because I have other appointments to attend to today," aniya at may inabot na folder mula sa mesa't iniabot sa akin.

I sank into stormy contemplation, clueless how to handle his newest challenge for me. Pinapahirapan talaga ng kuya ni Arthur. Ugh.

"This is the latest project for the 3rd quarter of the year. Dapat si Arthur ang mag aasikaso n'yan but since he's in the States now, I'm trusting you into this matter, Alison."

Oh, sh1t. Masyado naman yata siyang nagtitiwala sa akin. Nakaka stress tuloy.

"We just got the approval of the municipal of Astrid for the new branch last Monday..."

Nanliit ang mga mata ko sa narinig. Nagkatinginan din kami ni Garrett na para bang nagtatanong sa isa't isa kung tama ba ang narinig namin. Damn it. Don't tell me...

"Astrid, Sir?" nagtatakang tanong ni Garrett. "Did I hear it right?"

Ngumiti naman bago tumango na animo'y nagmamalaki si Kuya Ezekiel. Is it just me or is he doing it all these sh1ts on purpose?

"Yes, we're gonna establish a new branch in Astrid in partnership with M Mall. Gusto kong kayo ni Alison ang mag asikaso nito habang wala pa si Arthur." Nilingon ako ni Kuya Ezekiel nang may mapaghamong tingin. "Is that okay with you, Alison?"

Gusto kong mag walk out. Gusto kong tutulan ang panibagong trabahong binigay niya sa amin pero sino ba naman ako para tanggihan iyon? Is it about time to resturn to my hometown?

I took out a deep breath and slowly let it out. "No, i-it's fine..." Wala naman akong magagawa.

Nakita kong umawang ang bibig ni Garrett marahil bakas sa akin ang pagkabahala ngunit mas pinili niyang ibagsak nalang ang tingin sa sahig.

"It's settled then. Bukas na bukas din ay kailangan niyo nang pumunta sa site. I guess you have no problems on where to stay 'cause you're basically from there, aren't you?"

Tumango lang ako at ganun din si Garrett.

"Good. Kailangan niyong i meet ang engineer at architect ng site, Alison. You have also an appointment with the city mayor on Monday. Call me if you need something. That's all."

Tumikhim si Garrett kaya tinignan ko siya. Sinesenyasan niya akong lumabas na. Tatayo na sana ako nang magsalita muli si Kuya Ezekiel.

"Stay for a while, Alison. May pag uusapan pa tayo," he said with a smile that sent shiver down my spine.

Tumango lang si Garrett bago lumabas ng office. Inangat ko ang tingin sa nakakatandang kapatid ni Arthur na ngayon ay nakaupo na sa kanyang upuan.

"Kamusta ang trabaho, Alison?"

Lumunok ako para maalis kahit papa'no ang panlulumo ko sa aking narinig kanina. "Ayos lang naman. Mahirap at nakakapressure pero nakakaya ko naman," sagot ko.

Tumango siya at bahagyang ngumiti. Hindi ko alam pero sa tuwing ngingiti siya ay kinakabahan ako.

"Ayaw kitang pahirapan pero gusto kitang subukan," seryoso pero malumanay niyang sabi. "I know you're smart, Alison. I trust you but I need to test you more to verify if you're really qualified. I'm sure you're still not satisfied as a pretend mom of my niece, right?"

Sinalubong ko lang ang kanyang mapanghamong tingin. Now, I get it. He wants me in his company.

"Right, Alison?" tanong niya muli.

"Yes..."

He beamed gratefully before extended his hand out to me. "Great. We don't want to waste someone like you, Alison." He said while I shook his hand. "So, let's end this discussion here. You will probably stay in Astrid for a week or so, kaya magpaalam ka ng maayos kay Venice."

***

Maaga akong umalis sa opisina para makasama si Venice ngayong araw. Sa katunayan, ako na ang sumundo sa kanya sa school. Ipinasyal ko rin siya sa mall bago umuwi. Gusto kong i release ang tension at stress kahit ngayong araw lang dahil alam kong magiging mahirap para sa akin ang bumalik sa Astrid.

"I'm soooo tired!" daing ni Venice matapos ko siyang i-half bath. Sinuklayan ko saglit ang buhok niya bago ako nahiga sa tabi niya sa kama.

"Venice..."

"Yes, Mom?"

Tinignan ko siya. She was looking at me, waiting for what I was about to say. "Aalis muna ako saglit, baby."

"Okay." Venice let out a tenuous giggle that evoked a twisted smile from me. "Go ahead, mom. But please wait for me to fall asleep first, okay?"

Ngumuso ko. Geez. Ang hirap tuloy iwan ng batang ito. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Venice. I'll be gone for five to seven days."

She quickly sat up and crossed her arms, glaring down at me. "You're not gonna do that, mom."

I got up, rubbing my nape in frustration. "Venice, it's about work e. Binigyan ako ng Tito Ezekiel mo ng work out of town. Don't worry, baby. I'll be back naman as soon as I finished my work. Promise yan!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko.

Umirap siya. Ganitong ganito siya nung unang araw ko siyang nakita. Ang sarap tuloy pisilin ng pisngi niya sa kanyang cuteness pero naalala kong nagtatampo nga pala siya sa akin.

"Baby, please let me do my job." Malambing kong sabi habang nakikipagtitigan sa kanya. "Please?"

"I don't want!"

Napakamot ako sa ulo ko. Kung pwede nga lang na bitiwan yung posisyon ay ginawa ko na. Ang hirap pa namang paamuhin ng batang ito. Manang mana sa tatay niyang ubod ng... well, gwapo.

"Dad left me and then now, you? Mom, no!" she whined madly.

"Venice, babalik naman ako. Parehas lang kaming may work ng daddy mo."

Ngumuso siya. Halos magkasalubong na rin ang dalawang kilay. "What if you won't come back?"

Napangiti nalang ako't pinisil ang dalawang mapintog niyang pisngi. I just find her really cute. "If I would have another choice, I'd rather stay here with you forever. But your uncle gave me a task, so I have to get it done."

Natahimik siya ngunit lalo lang humaba ang kanyang nguso sa pag protesta.

"Venice, babalik ako."

"Promise?" she said, showing her pinky finger and we did a pinky promise. "But still, you have to call dad about this, Mom. If you'd get his permission, I'll let you."

Kinurot kong muli ang dalawang niyang pisngi. Nakakagigil kang bata ka! Bakit ang tali talino mo? Anyway, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Arthur. Matapos ng tatlong ring ay sinagot niya ito.

"Hello, babe... I miss you too!"

Napangiti nalang ako sa narinig ko. Mabilis kong ini switch sa handsfree ang phone para marinig ni Venice.

Tumikhim ako. "Wala pa akong sinasabing miss kita," I said and he chuckled. 

"Inunahan na kita. Ganun din 'yon. Anyway, what made you call? Si Venice, tulog na ba?"

Nagkatinginan kami ni Venice. She was staring at me with those piercing eyes.

"It's actually about Venice—" I trailed off. Biglang sumingit kasi si Venice.

"Hi, Dad! I miss you."

"Oh, namiss din kita, Venice. How are you doing?"

"I'm not good because mom's gonna leave me."

"Sh1t..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Arthur kasabay ng malakas na kaluskos sa kabilang linya. Geez, mukhang nagdadrive siya sa kasalukuyan.

"What did he say, mom?"

Mabilis kong pinatay ang handsfree habang nakadikit ang phone sa tenga ko't nakatingin kay Venice. "Uh... Sabi niya, sheet daw. He was asking for a sheet of paper." Geez! Magmura raw ba.

Tumango-tango naman si Venice sa akin.

Bahagya akong tumagilid sa pwesto ni Venice sa kama. "Arthur, you okay?" tanong ko. I think we called on a wrong timing!

"I'm fine. Nakaloud speak ba 'yang phone?"

Ngumiwi ako. I could sense urgency in his voice.

"No—"

"Damnit! Saan ka pupunta, Alison? Iiwanan mo na kami ng anak ko?" His sudden outburst made me more anxious.

Sinulyapan ko si Venice na masuring nanunuod sa akin. I faked a smile at her before I got up. "Relax, okay?" Lumapit ako sa floor to ceiling window at binuksan ang curtains.

"Relax? Are you kidding me? Bakit ngayon pa kung kailan wala ako?"

Napasapo nalang ako sa sentido ko. Nai stress na talaga ako. Lintek! "I'm not gonna leave for good, Arthur. Kung umuwi ka nalang kasi dito para matapos na 'tong pag sub ko sa posisyon mo, edi sana hindi ako aalis."

Biglang natahimik sa kabilang linya. Sunod sunod na paghinga nalang ang narinig ko. Mukhang kalmado na si Arthur. Thank goodness!

"Arthur," nilambingan ko ang boses ko. "Binigyan ako ng task ng kuya mo. I'll be gone for a week para asikasuhin ang itatayong branch sa Astrid." Halos mapalunok ako nang banggitin ko ang lugar.

"Where the hell?"

"Astrid..."

Silence... "Kasama si Garrett?"

Bumuntong hininga ako na para bang may nakabarang kung ano sa aking lalamunan. "Oo, kasama ko siya."

"Tsk. Kakausapin ko si kuya. You're not gonna leave unless I tell you so," he said before he hung up. Napatingin nalang tuloy ako sa phone ko. Sana nga ay mapapayag niya si Kuya Ezekiel. Kung babalik man ako sa Astrid, mas mabuting si Arthur ang kasama ko.

"Mom, did dad allow you to go?"

Nilingon ko ang malumanay ngunit puno ng kuryosidad na boses ni Venice. I smiled as I approached her to bed.

"Let's wait for his decision. For now, let me sleep beside you..."



KINABUKASAN, nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa braso ko. Naalimpungatan ako't bumangon bago minulat ang mga mata ko.

"Alison, pasensya ka na kung pumasok ako dito sa kwarto." Si Manang pala. "Kanina ko pa kasi naririnig na tumutunog ang cellphone mo. Baka importante 'yan."

Papungas pungas kong inabot ang phone sa bedside drawer. Nilingon ko pa muna si Venice na mahimbing pang natutulog bago sagutin ang tawag nang hindi tinitignan ang screen.

"Yes, hello?"

"Scarlett..." Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko sa pamilyar na boses na narinig ko sa kabilang linya. "Nasa lobby ako ng condo mo. We have to go now."

Halos magdugo na ang ibabang labi ko sa kakakagat ko. "Sh1t," bulong ko at pagkatapos ay tumakbo ako sa banyo.

"What's wrong?" Bakas sa boses ni Garrett ang pagtataka.

Natataranta ako. Dammit! Paano niya nalaman ang tinutuluyan ko?

"What? Ngayon na?" tanong ko at mabilis na tinignan ang oras sa phone ko. It's almost 9am.

"Oo. Roughly 6 hours ang byahe patungong Astrid, Alison. Mahirap ang maabutan ng dilim sa daan. Fiesta pa naman sa dadaanan nating baryo. Maiipit tayo sa traffic."

Naupo ako sa saradong toilet bowl. Ayoko talagang sumama. Hindi pa ako handang bumalik sa Astrid.

"W-wala bang nasasabi si Kuya Ezekiel sa'yo?"

"Sa akin? What do you mean?"

"Na change of plans. Na baka hindi matuloy or..." I trailed off. Kung may naiba man sa plano, edi sana naka receive na ako ng balita mula kay Arthur. Mukhang hindi yata siya umubra. "Never mind. Wait for me. Mag aayos lang ako."

"Sure."

Pagkababa ko ng cellphone ay lumabas na ako ng banyo. Naabutan kong inaayos ni Manang Betchay ang mga nakakalat na libro sa sahig.

"Manang..." tawag ko sa kanya. Lumingon naman agad siya. "May business trip po ako. Nasabi ko na po ito kay Arthur. Mawawala ako ng ilang araw."

"Alam ba ni Venice?"

Lumapit ako kay Venice. Ginawaran ko siya ng halik sa pisngi. "Opo. Nakapagpaalam na ako kagabi. Kayo na pong bahala sa kanya, Manang."

Ilang damit lang ang dinala ko. Hindi ko na nga dapat kailangan na magdala ng damit dahil marami akong damit sa Astrid. Naligo lang ako't nagbihis ng kaswal. Nagsuot lang ako ng casual maong dress, sneakers at aviator. Wala na akong ibang bitbit kundi ang cross body purse ko't envelope na ipinaubaya sa akin ni Sir Ezekiel.

Pagkabukas palang ng elevator ay sumalubong agad sa paningin ko si Garrett na nakaupo sa lounge area. Habang papalapit ako ay nag angat siya ng tingin. He was wearing his all time favorite attire— a simple white shirt underneath his sweater and a pair of jeans. At kagaya ko ay naka aviator din siya.

He stood up and smiled at me. "Good morning," sabi niya bago ako pinasadahan ng tingin. "'Yan lang ang dala mo?"

"Yep. I don't think I need to bring a lot," I timidly said and gave him a nod. "Let's go?"

Nagpunta kami sa parking lot kung saan naka park ang kotse niya. I was stunned to find out he's got a new car.

Napansin niya yata ang pagkamangha ko kaya narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Mitsubishi Strada. Uh..." Tumikhim siya bago ako pinagbuksan ng pinto sa passenger's side. "This was supposed to be my brother's wedding gift for us."

Natahimik ako. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay nalang. Pinanuod o siyang umikot para sumakay sa driver's seat.

"Sorry for bringing up that topic, Scarlett. Ayokong mailang ka sa akin. Forget about it," he said sounded really sorry. "I just couldn't control my effin' mouth."

"It's okay..."

Bago pinaandar ang kotse ay tinuro niya ang seatbelt ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang i buckle up ko ang belt. Dammit, I hate this strange feeling.

"Ayaw mo sigurong tanggapin ang project na ito, ano?" Hilaw ang kanyang tawa. "Kahit ako, ayoko rin. Handa ka na bang bumalik sa Astrid, Scarlett?"

Bumaling ako sa bintana. Sa totoo lang, may parte sa akin na namimiss na ang Astrid. Buong buhay ko ay dun ako nanirahan. Kahit na mga chismoso't chismosa ang mga tao du'n ay namimiss ko na rin sila.

Natatakot lang ako sa mga sasabihin nila. Oo na, maldita na ako. Oo na, maaaring iyon ang dahilan kung ba't iniwan ako noon ni Garrett sa araw ng aking kasal. Natatakot akong marinig muli ang katotohanan.

"Namimiss ko na rin ang Astrid," mahina kong sabi.

"I'm sure everyone misses you too."

Nilingon ko si Garrett. Sumusulyap siya sa akin habang nagmamaneho siya. "Hindi," tumawa ako ng mapakla. "Who would miss a b1tch like me?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ang alam nga nila, kaya mo ako iniwan sa kasal natin ay dahil hindi mo maatim ang ugali ko. Tapos sasabihin mong namiss nila ako? 'Wag mo nga akong bolahin, Garrett."

He clenched his jaw. "You know that's not true, Scarlett."

Ngumiti ako sa kanya. Mukhang naguilty siya sa sinabi ko pero 'yon naman talaga ang totoo e. I used to be a real b1tch. Nagbago lang ako nang makilala ko sina Arthur at si Venice.

"Don't be a bummer, Garrett. Ayos lang talaga. At least, I've changed, right?" I proudly said to him, no pun intended.

Bumuntong hininga siya. His eyes were filled with dysphoria and regret. "You were the best girl I ever had and I was very stupid to lose you."

Natigilan ako sa sinabi niya. His lips were trembling. Naalala ko noong kami pa, I would jump at him and wrap my arms around him when he started to be this vulnerable.

Umiwas agad ako ng tingin at nagkunwaring humikab ng malakas. "That sounds bullsh1t, really..." Tumawa ako ng sarkastiko. "You should have thought about that before you cheated on me. Kunsabagay, mas pipiliin mo naman talaga ang sarap kaysa sa pahirap na katulad ko."

Through the rear view mirror, I saw him looking so offended. I won't buy anything he would say. Malulugi lang ako. Tama naman ang sinabiko 'di ba? Siguro mukhang anghel ang ipinalit niya sa mala demonyitang tulad ko.


"Scarlett—" His voice sounded hurt.

"Oopps, sorry. Pun intended..." I murmured before I decided to shut my eyes close.

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 844 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
1M 13K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...
1.5M 34.1K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...