Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

25th

61 5 0
By lesanlaine

25

ANGEL

Ngayon na ang pinakahihintay namin lahat na araw.
Ang aga naming pumasok kahit 5pm pa ang pageant, sa campus ang daming makikita na banners ng mga candidates. Maraming malalaking banners, buti nalang may dala si Joshua para kay Leslie. Si Charmaine na pambato ng ECE ang laki ng banner sa labas ng campus may sariling pagawa. Bukod pa 'yung mismong banner sa pictorial nila.

Nakita na rin namin ang ibang candidates, mga naka dress na 'yung iba. Wala pa nga si Leslie at Ralph.

"Oy, anong high score mo dito?" tanong ni Joshua sa'kin, magkakatabi kami sa upuan.

Si Diwata, Dyosa, Joshua at ako. Wala pa si Monica at kuya ni Leslie pati na rin si Jewel.

Ang tinatanong nya pala sa'kin 'yung sa color switch. Hindi ako makataas sa 1.

"1"

"Huh? 1 lang?"

"O ngayon?" tinarayan ko sya, hindi na ako makaalis sa 1 e. sya lang rin naman ang nag pasa sa'kin ng laro na 'yon.

"Wala, kapag ako nakataas sa 15. Tayo na?"

"Mukha mo!" hinampas ko pa 'yung mukha nya ng panyo ko "Ano ako nilalaro mo lang?"

"Joke, willing to wait ako. My Angel"

"Psh. Bakulaw"

Tuloy lang syang maglaro. Nanunuod lang ako sakanya, nakakarating sya ng 7 at 9 pero hindi makaalis sa 15. Tinatawanan ko nga syang maglaro, naiinis kasi kapag nabalik sa simula.

"Yung dalawa oh, ang cheesy" pang-aasar nila Diwata.

Hindi kasi namin sila pinapansin, may mga dala silang lobo tapos paingay na gagamitin nila mamaya.

Si Joshua naman naka ready na ang banner na gagamitin mamaya. Hindi nga sya nakaupo sa tabi ng mga kaklase nya.

"Baks, 'yung nakita natin h'wag mo nalang sabihin sa iba"

Sabi ko kahit na parang hindi sya nakikinig. "Narinig mo?"

"Opo, Angel"

"Sa'tin lang ah?"

Tumango lang sya, nakita ko kasi talaga. Naming dalawa, ano bang meron kay Gio at Leslie ang gan'on silang kumilos? Magkasama pa palagi. Nakakahalata na ako ah.

"Baks, may ipapakita ako sa'yo" kinuha ko ang phone ko sa bag, may bago akong wallpaper.

Hindi sya, 'yung crush ko sa Hashtags, si Mccoy my bebelove. "Sino 'yan?" tinigil nya ang paglalaro.

Yan, buti naman tumigil rin sya. Hindi ko makausap nang maayos e. "Si Mccoy"

"Anong course?"

"CE"

"Dito? Anong year?"

"MAPUA"

"O bakit kilala mo?"

Natatawa ako sa reaksyon ng mukha nya "Sira, artista 'yan"

"Ay buti naman. Akala ko kung sino na, sige ayos lang. Pero kapag tayo na dapat ako na ang nandyan ah"

Ang lakas talagang makapag feeling ng isang 'to e. sya ng, hindi pa kami ako na ang naka wallpaper sa phone nya, minsan kaming dalawa na magkasama.

Hindi na ulit sya naglaro ng color switch. Nakipag kwentuhan sya sa'kin, pinag-uusapan namin kung sinong mga posibleng manalo mamaya.

Nagagandahan sya doon sa candidate ng Psychology tsaka na rin sa candidate ng course nila "Pero mas maganda ka pa rin, dapat ikaw naman next year lalaban"

"Ayaw, hindi ako magsusuot ng damit na maiksi"

"Hindi naman ako magagalit, si Gio nga 'di nagagalit e"

Halos makalipat ako ng upuan sa sinabi nya, si Gio na naman at Leslie? "Bakit sya?"

"Edi ba naporma 'yon kay Leslie?"

"Huh? Hindi!"

"Ay! Parang, palaging naka duty"

Naka duty, palaging magkasama gano'n. sya lang rin ang nagsabi sa'kin noon. Ganoon rin kasi sya sa'kin dati hanggang ngayon na kahit magkaiba kami ng sched nagkakasama pa rin kaming dalawa.

Si Kenn at Monica rin naman, nagkakasama palagi siguro.

"Angel! Hi, oy hi Joshua" dumating na si Monica, sa tabi ko sya naupo. Kasama nya si Kenn at Jewel na magkatabi rin sa gilid namin.

"Hi, akala ko malalate kayo"

"Sinundo pa ako ni Kenn, ready na kaming mag cheer mamaya"

Ngumiti lang si Kenn, nakatingin kasi ako sakanya. Si Jewel naman parang may hinahanap.

"Si Les?" tanong ni Monica sa'kin.

"Wala pa nga e, hindi pa namin nakikita"

"Baka parating na"

Nagkukwentuhan sina Dyosa tungkol doon sa Jerome ang naririnig ko nang biglang... "OMG, ANG SEXY MO GIRLY. OY, GIRLY!"

May pagtayo pa si Diwata sa upuan nya, dumating na si Leslie kasama si Ralph, magkasunod silang dalawa kasama rin 'yung handler nila.

Ang ganda ni Leslie, hindi pa sya nakaayos pero ang ganda nya. Bagay ang suot nya sa itsura nya ngayon, iba talaga e.

"Ang gwapo ni Ralph" sabi ko, narinig naman ni Joshua, walang kaso sakanya 'yon. Nagsasabi kasi ako ng totoo.

"Kung sumali ka next year?" tanong ko sakanya.

"Pwede, cheer mo 'ko"

"Oo ba"

"Ang ganda ni Les, Kenn. Tingnan mo kasi" rinig kong sabi ni Monica, hinigit nya pa si Kenn para ituro si Leslie na papunta sa back stage.

"Si Gio pala?" hanap ko, hindi sya kasama ni Monica ngayon.

"Kasama ni Charmaine, sa backstage"

"Na naman?"
"Wala e, close 'yung dalawa"

Sila naman ang magkasama ngayon ah. Si Monica dati tapos may Charm naman, marami na syang babae. Dapat nga dispatsahin na sya ni Diwata, sagabal na sa sparks na sinasabi namin e.

Boto pa naman ako kay Gio para kay Leslie.

-~-~-~-

Nagsimula na ang event, sa unang paglabas ng mga candidates sobrang sigawan sila. Mga lalaki ang naririnig ko na sumisigaw, mas masakit sa tenga ang tili nila Dyosa.

Ang gaganda ng mga babaeng kasali. Number 3 si Les, grabe talaga! Iba sya ngayon, ang laki ng pinagbago nya.

"Ang ganda nya" sabi ko sa katabi ko.

"Magaganda talaga kayong magkakaibigan, 'no?" sabi ni Joshua sa'kin, aba totoo 'yan. Kami pa ba, iba talaga kami e.

"GO LESLIE! GIRLY, ANG GALING MO DYAN. GRABE GIRL"

"LESLIE, GO GIRL! WIN THIS PAGEANT. AYYYYY. I LOVE YOU NA MORE AND MORE!"

Sina Diwata at Dyosa lang naman ang nag-iingay, hanggang sa cheer lang din kami na hindi naman kaaganong kalakas. Sila may may hinahampas pa sa upuan.

Sa gitna ng pageant dumating si Gio, sya lang mag-isa. Sa tabi sya ni Diwata naupo. Naririnig ko nga na nag chicheer din sya, pinilit kasi ni Diwata.

Kapag si Charmaine ang nasa stage, cheer. Kapag si Leslie, cheer din.

"ANG GWAPO MO RAMOS" rinig kong cheer ni Gio sakanya, ang loko talaga no'n. ngiti lang si Ralph nang ngiti, ang lakas ng dating ng isang 'yon e.

"Pwede syang manalo" sabi ni Joshua, katabi ko pa nga pala 'to.

"GO BEBE RALPH! WE LOVE YOU NA" sabay na nag cheer sina Dyosa.

Hindi naman paawat 'yung mga kaklase ng girlfriend ni Ralph. May banner rin sila e, ang lalakas pa ng boses.

"GO BABE!" puro ganyan ang naririnig ko kahit hindi naman girlfriend ni Ralph ang nag cheer.

Tuloy lang 'yung mga nangyayari. Sunod sunod rin naman 'yung paglabas ng mga candidates, ang gaganda ng suot nilang lahat. Pati na rin sa mga lalaki. Gusto ko 'yung sports wear nila Les at Ralph.

"Hakot award mamaya si Ralph" komento ni Joshua.

"Bakit?"

"Basta. Sya gusto kong manalo"

"Si Les?"

"May chance"

Sa gitna ng katahimikan, narampa pa rin ang mga candidates na babae. Napagod lang sigurong mag cheer 'yung mga tao.

"LESLIE BENITEZ FOR THE WIN! GALING MO" sabay kaming napatingin ni Joshua doon sa nag cheer. 

Si Gio!

"KAPATID NI KENN. KAYA MO 'YAN, BARNEY! ANG GANDA MO!"

Sa kabila naman ako napatingin si Jewel naman ngayon. Ang nangyari, silang dalawa nalang ang nag chicheer kay Les, tumigil na rin sina Dyosa e. kapag may sinabi si Gio sasagutin naman ni Jewel.

Napapatingin nga sakanila si Les kahit nasa stage, mas lalong napapatingin 'yung mga nanunuod. Nakatayo kasi silang dalawa pareho.

"GO ATE! SI DLAN SAN MIGUEL 'TO" may narinig pa ako nag cheer mula sa likod namin. Hindi ko nakita kung sino e.

"Sino 'yon?" tanong ko kay Monica.

"Hindi ko kilala e. Kaibigan ni Les, siguro"

"GO LESLIE!"

Nag cheer na rin ako. May ganap na ako ngayon. Pinakahinihintay ko 'yung evening gown nila.

-~-~-

Nagpasama ako kay Diwata sa caf, nauuhaw ako sa pagsigaw ko kanina. Iniwan ko na muna si Joshua, nasakanya kasi bag ko.

"Garcia, feeling ko may chance manalo si Les kahit runner up"

"Champion sana, bakit?"

Naghahanap pa ako ng bibilhin, kaunti lang ang tao ngayon sa caf, lahat nanunuod sa may gym.

"Kasi, nanalo si Giobels sa dota chuhucu ganern e ang prize 10k girl. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na lahat 'yon dinonate nya para kay Les at Ralph?"

Huh? Seryoso? Gulat na gulat ako sa nalaman ko.

"Tunay?"

"Dalandan real na real"

"Grabe, pwede syang manalo"

"Sabi sa'yo e, ang ganda nya pa ngayon"

Oo nga e, iba sya ngayon. Mukha na syang dalagang dalaga sa pagdadala nya ng mga damit. Kapag hindi sya nanalo mag poprotesta talaga ako. Ang galing nyang maglakad, mag project ang ganda nya pang ngumiti.

"Bakit hindi nya sinasabi sa'tin?"

"Ayaw nya lang e. Pero sa faculty nya binigay 'yung pera"

Si Ms. Sanchez lang ang nagsabi kina Diwata, naka 12k daw sina Les o mas mataas sa 12k. grabe. Pwede na talaga syang manalo mamaya.

"Ang bait naman nya hindi nagtira para sa sarili"

"Feeling ko may gusto sya kay girly"

Hindi lang feeling, ako rin parang meron na akong nahahalata sakanilang dalawa e.

"Meron 'yon"

"Eh? How sure ka?"

"10%? Abangan nalang natin"

Ayaw kong sabihin sakanya, baka mapahiya lang si Les kapag nalaman ni Diwata. Mahihiya 'yon sigurado ako, lalo na kay Gio baka mag-iwasan silang dalawa.
Ang lakas talaga e, bakit nya ginawa 'yon? Nakakahilo silang dalawa.

-~-~-~-

"Leslie Benitez, 18 years of age. Daughter of Mr. Lito and Marilie Benitez. Her dream is to become a CPA someday. She believes in the saying beauty is dangerous but intelligence is lethal"

Nagsimula na 'yung sa evening gown. Si Leslie ang nasa stage ngayon, violet ang gown nya. Hanggang sa gown ba naman violet, backless pa ang lola nyo. Grabe, tapos 'yung sa taas ng gown nya see through pa.
Wala pa yata syang suot na panloob, 'yung flower lang na design ang nagtatakip sa taas na parte.

Tiningnan ko kung anong reaksyon nila Monica at Gio. Si Gio napapakumot ng noo, si Monica naman nakangiti.

"Ang ganda e" sabi ni Monica. Sang-ayon naman si Kenn.

Narinig ko nga rin ang sinabi ni Jewel na hindi raw nagmana si Les kay Kenn. Mas maganda ang lahi ni Leslie. Ang loko ng isang 'yon.

Para syang si Elsa na nasa gitna, ang ganda nya lang. wala na akong ibang masabi e.

-~-~-

Question: What can you say about the mistake last Ms. Universe 2015?

Tanong kay Leslie, walang kaba na nakikita sakanya ngayon. Dinaan sa ngiti ang lahat e. nakasali sya sa top 5. Sobrang saya namin kanina na halos kaming lahat napatayo sa upuan namin. Si Diwata sa mismong upuan tumayo at nagsisigaw.

Answer ng lola nyo: In my opinion, Ms. Universe 2015 just prove to everyone that second chance exist. Everybody deserves to be given a second chance especially Steve Harvey. Not every mistake can be taken for granted. For sometimes it can be corrected. That's all, thank you and good evening.

Pagkasabi nya noon nagpalakpakan na kaming lahat, buong JPIA ata ang nag cheer sakanya. Grabe lang.

"Panalo na 'yan!" sigaw ni Jewel.

"Go girly! Ang galing mo"

"Mana ka sa'min, Les"

Sina Dyosa na naman ay nabuhay sa pag chicheer. Kami ang kinabahan sakanya sa pagsagot kanina, pero ang ganda rin ng sinabi nya. Pwede nga naman na may second chance ang lahat.

"Sabi nya kanina Harvey" –Joshua

"Ay, nanunuod rin si Harvey 'no?"

"Oo, nasa unahan sila alam ko"

Ooh, nakita nya si Les. Haha! Ano sya ngayon, ang ganda ng babaeng hindi nya pinapansin, ang talino pa.

Magsama nalang sila ng Cheska nya.

Proud na proud kami kay Les ngayon.

"Kapag nanalo si Les kahit 1st runner up, libre ko dinner nyo mamaya"

Hamon ni Monica sa'min, lahat kami narinig 'yon. Pumayag naman kami, kami pa ba? Mananalo naman sya. Naniniwala kami sa prayers! Mananalo 'yan, si Mara nga nakaranas na rin ng ganyan e, pinalad naman.

"Si Gio manlilibre din" sabi ni Monica sakanya

"Kasama ko sina Charm mamaya"

"I hate you!" inis nyang sabi kay Gio.

Charmaine na naman?
Isa pa 'yon e, ang galing nya ring sumagot kanina.

Si Ralph rin, nararamdaman ko rin na mananalo sya. Unang una nga syang natawag sa top5 kanina. Ang mga awards naman mamaya pa ibibigay lahat. Sabay sabay.

-~-~-

Hakot kung hakot ang peg ni Ralph.

Best in formal wear.
Photogenic.
Best in swim wear.
Ilan lang sa nakuha nyang award, naka anim na sash si Ralph e.

Sa best in evening gown may nakuha si Les at sa formal wear rin.

'yung Charmaine, parang pareho sila ni Ralph ng nakuhang award. Pati na rin 'yung babae sa IT marami rin nakuha.

Ang dami kasing pinamigay na awards ngayon halos lahat ng nasa top 5 may nakuha.

~

Sobrang nagsisigawan na kami ngayon. Sa lalaki, hindi kayo maniniwala na si Ralph ang nanalo. Sa sobrang tuwa ng girlfriend nya ang lakas ng sigawan nilang magkakaibigan kanina. Pati ang buong JPIA nagbunyi sa pagkapanalo sya.

Si Les at Charmaine ang naiwan sa stage, isa sakanila ang 1st runner up at ang pinaka winner.

"Kapag si Les ang nanalo. Who you si Harvey sakanya" asar ni Diwata kay Harvey,

Kanya kanyang cheer ang mga tao sa loob. Full support kami kay Les, hindi na rin masama kung makuha nya ang 1st runner up award.

~

"Gigi"

Ito na naman sa Gigina 'yan, pinagmumukha isda si Gio.

Nagmamadaling tumakbo si Charmaine papunta kay Gio, mas mauna pa sya kesa kay Les, wala pa rin si Ralph busy pa sa picture taking.

Niyakap ni Charmaine si Gio "Gosh. Didn't expect this" turo nya sa crown.

"Galing mo kanina. Congrats"

"Thanks. Dinner mamaya sa bahay?"

"Akala ko resto"

"Ah sige, I'll tell mom. Umuwi sya ngayon. Wait ah"

Nag congrats lang rin kami sakanya. Ngumiti at nag thank you sya sa'min. well, maganda rin naman sya.

"OMG. LESLIE!" ito na.

Kasama nya si Ralph, ang sama ng mukha ni Les ngayon nakasimangot.

"O bakit ganyan mukha mo?"  tanong ni Kenn sakanya.

"Leche 'tong si Ralph"

"Ako na naman? Una na ako, si Krisha naghihintay e"

"Congrats!" sabi namin sakanya. Nagpasalamat sya bago umalis.

Inaasar raw sya ni Ralph kanina na muntik nang malaglag sa hagdanan sa back stage sa sobrang kabado matapos ng Q and A. doon pa sya kinabahan, nang gulat rin kasi si Ralph kaya mas lalo syang kinabahan.

"Siraulo talaga 'yon e, nanalo lang"

"Uy, ikaw ah! Galing mo kanina congrats, sis"

Pagbati ni Monica sakanya, maiba naman ang mood. Kailangan nyang ngumiti.

Bago kami kumain sa labas nag picture pa kaming lahat, pagtatabihin sana ni Diwata si Gio at Les kaso naunahan sya ni Jewel.

"May karibal pala e" bulong ni Joshua sa'kin.

"Matagal na 'yan"

"Kaano ano nya?"

"Kaibigan ni Kenn. Boto ka?"

"Doon ako sa chess master at dota champ"

Iba rin e, ayaw kay Jewel. Eh hanep rin sa dota at basketball ang lalaki na 'yon kwento ni Les sa'min. mukha rind aw 50 shades.

"Gigi, tara?" lumapit si Charmaine sa'min.

Aalis na rin kami e, kakain sa malapit na resto dito sa school si Kenn at Monica ang manlilibre. Kaso hindi makakasama si Gio kasi sinasama na sya ni Charmaine.

"Bawi ako next time, treat ko. Guys, una na ako sainyo"

"Okay lang, Cha. Congrats!" bati ni Les sakanya.

Nag thank you si Charmaine at niyakap lang rin si Les. May sinabi si Gio sakanya, kay Les, pero silang dalawa lang ang nagkaintindihan sigurado kami.

"Girl, anong say ni Giobels?" pag usisa ni Dyosa.

Walang sinabi si Les. Ngumiti lang sya e.

Si Jewel naman ang bantay nya ngayon, parang si Ms. U ang binabantayan, ayaw paawat kapag pinaghihiwalay namin silang dalawa.

-~-~-

Lift your head baby, don't be scared~ ♪

Kumakanta si Joshua habang naglalakad kaming dalawa pauwi.

Baby, you don't have to worry 'cause their ain't no need to hurry.
Girl, I'll stay thru the bad times even if I had to fetch you everyday ♪

Pauwi na kaming dalawa, nauna na kami sakanila. Si Kenn at Monica kasama pa sila Diwata at Les. Ako kasi pinapauwi na ni mama. Mag 9pm na rin kasi e hanggang 10pm lang ang paalam ko.

Naglalakad na kami papunta sa bahay, madilim kasi ng mga 3 kanto lang naman ang kailangan kong lagpasan bago makarating sa'min, wala na kasing trike sa labas ng ganitong oras.

"Maganda naman pala boses mo"

Minsan nya lang ako kantahan, kapag kakanta Bahay Kubo ang kinakanta. Nahihiya raw sya sa boses nya, mas gugustuhin nyang mag gitara.

"Weh?"

"Oo nga, pamatay ng daga, baks"

"Grabe ka sa'kin"

"Joke, hindi rin naman ako nakanta ng kaboses ni Ariana Grande"

Gustong kanta ko kasi 'yung With a Smile ng E-Heads, lahat ng kanta nila gusto ko.

Sa banyo lang ako nakakakanta ng ganyan e.

"Regular class na sa Lunes 'no?"

"Oo, bakit?"

"Aalis kami sa Lunes, 'di kita masasamahan pauwi"

"Okay lang"

Palaging sya nalang kasama ko ngayong foundation week. Kaming dalawa na nga lang minsan ang magkasama.

"Hindi mo itatanong kung saan ako pupunta?"

"Saan ba?"

"Ihahatid namin si Papa, aalis na ulit e"

"O? Abroad na naman si tito? Ingat nalang pasabi"

"Nga e"

Malungkot na naman sya, sobrang close nilang dalawa ng Papa nya. Kaya ngayon malungkot na naman sya kasi two years mawawala ang Papa nya, sila na naman ng Mama nya ang magkakasama.

May kapatid sya pero hindi na sakanila nakatira.

"Sumunod ka sakanya 'pag graduate mo"

"Maiiwan kita dito"

"O ngayon? Okay lang naman. Basta magbabait ka sa abroad"

"Ba! Ayaw, may aaligid e. Dito lang ako"

"Baliw"

Bantay sarado ako sa lalaking 'to e, lalo na sa IE na lumapit sa'kin no'ng foundation week. Niyaya akong magpakasal sa marriage booth, hindi ko kinaya ang lakas ng loob ni kuyang IE na 'yon. Graduating na daw sya e, last chance na daw para makausap ako.

Grabe, hindi ko naman inaasahan na may nagkakagusto pala sa'kin sa ibang course. Nagulat na lang ako nang lumapit sya sa'min e nasa caf kami ni Joshua.
Sinabi nga nya na ikakasal rin kami kaya hindi pwede, totoo naman. Nag marriage booth rin kaming dalawa.

"Dapat pala nagpakilala akong boyfriend mo"

"Tapos na 'yon, paalis na rin ng school si kuya"

"Kuya na ngayon, kahapon IE lang tawag mo doon"

"Selos?"

Hindi ko nga inalam ang pangalan ni kuyang IE. Tumanggi lang ako sa alok nya. Ayos lang naman daw sakanya, nag Hi at Bye nalang sya sa'kin.

-~-~-~-

LESLIE

  ♪  Come on girl and let me embrace you
I know that I'm causing you pain too
But remember if you need to cry I'm here to wipe your eyes ♪

Sa bahay.

Kasama ko sina Jewel at kuya, nandito kanina si Aica pero umuwi rin sya kaagad.
Kumakanta si Jewel, may hawak syang phone tapos nandoon daw ang lyrics.

"Malungkot ka?" tanong ko sakanya.

"Hindi, sinasaulo ko 'yung kanta"

Sobrang natuwa ako sa nangyari kanina. Ang saya kasi hindi ko inaasahan na mananalo ako, lalo na si Ralph. Inakala nya na hanggang sa stage nalang sya at hindi makakarating ng Q and A tapos sya pa ang nanalo.

Grabe talaga, wala na akong ibang masabi.

Masaya. Nakakaiyak. Nakakailang.

Halo halo na ang emosyon ko. Dapat kanina hindi pa nga ako magpapakita kay Gio, nailang ako bigla doon sa ginawa nya kahapon baka halikan na naman ako kanina pero hindi naman nangyari.

Sinabi nya lang na "Ang ganda mo na naman ngayon. Congrats!" 'yan, 'yan mismo 'yon e.

♪ They don't about the things we do
They don't know about the I love you's
But I bet you if they only knew
They would just be jealous of us ♪

Nag-iba na naman sya nang kinakanta. Bawat linya hindi na nya matapos.

"Huy! Gabi na" saway ko sakanya.

Tumabi sya sa'kin sa sofa "Dito ako matutulog"

"I know"

"Sus/. Ganda e"

"Che"

Masaya lang ako ngayon. May chika na naman ako kay Mara bukas.

"Oy"

"Oh?" sagot ko. Inaantok na ako pero pinipilit ko lang na magtext, kausap ko si Ike at Dyosa.

Si Jewel naman nakiki epal lang, kanta nang kanta.

"I wanna tell the world that I like you, girl"

"Anong kanta 'yan?"

"Hindi 'yon kanta"

Sheetofpaper. May sinasabi sya?

"Joke" sabi ko, dugtong ko sa sinabi nya kahit hindi naman totoo na joke 'yon.

"May gusto nga ako sa'yo, ayaw mo naman maniwala"

Natameme ako .
Anong isasagot ko sakanya?
Kuya! Lumabas ka ng kwarto ngayon na. iniwan nya kaming dalawa ni Jewel dahil inaantok na sya.

"Les, makinig ka muna. Please?"

Aalis na kasi ako e, ayaw ko ng ganito. Maiilang na naman ako sakanya.

"Jewel naman"

"Makinig ka muna, okay? Hindi ko naman sinasabi na magkagusto ka rin sa'kin pero mas okay kung magkakaroon ka rin ng feelings. Kasi, ano e hindi ko alam kung kailan ulit tayo magkikita o may pagkakataon pa para masabi ko sa'yo 'to. Oo, alam kong mabilis, magulo. E wala na akong naisip na araw, baka nga hindi ka pa sumama sa 14. Nagpaalam pa ako kay Kenn para lang ngayon"

Yung ulo ko, napupuno ng mga tanong. Maraming gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Kahit isang salita wala akong masabi sakanya.

"Alam ko naman na wala kang gusto sa'kin"
"Bakit ako?"

Naupo ulit ako, sa harapan nya.

Hindi ko nga sya tinitingnan. "Ewan. Hindi ko rin alam. Tinatanong nga rin ako ni Kenn e"

"Tulog na tayo"

"Leslie naman"

"Bukas nalang tayo mag-usap"

"Aalis na ako bukas"

"Sa Lunes"

Gusto ko syang kausapin ngayon nang matagal pero mas nangibabaw 'yung pagkailang at pagkabigla e. bakit kasi ngayon pa sya nagsabi sana sa 14 nalang nya sinabi para hindi agad ako magkaroon ng dahilan para iwasan sya kaagad.

"Sasama ako sa 14 kahit wala si kuya, promise. Bukas nalang talaga"

"Galit ka?"

"Hindi! Bakit naman ako magagalit. By the way, thank you"

"Saan?"

"Sa feelings? HAHAHAHA. Nakakatawa ba ako?"

Pasasalamat lang ang pwede kong ibigay sakanya e. wala ng iba. Siguro 'yung friendship na may kaunting pagbabago pero magkaibigan pa rin kaming dalawa.
Tawagin ko na kaya syang kuya Jewel? Kaso, makakahalata syang nag-iiwas ako.

"Thank you nalang?" ang seryoso nyang magsalita.

"Hay, may feelings pero hindi admiration. May something pero hindi paghanga, ang gulo ko 'no? Ang astig mo kasi, parang kuya kita"

"Walang pag-asa?"

"Bawal kang manligaw ah"

Kahit payagan sya ni Papa, Mama, Kitt, Kenn at ng mga tito, tita ko hindi pwede. Hindi ko kaya, hindi kami para sa isa't-isa.

"Ayaw mo lang e"

"Bawal nga 'di ba?"

"Pumayag si Kenn"

Ano?!
Gusto ko nang tumayo at pumasok sa kwarto ni kuya ngayon. Pumayag sya? Nasa tamang pag-iisip pa ba sya?

"Di pwede"

"Wala ka pa kasing 18? Naghihintay naman ako"

"Jewel, para kang si kuya. Kuya lang din tingin ko sa'yo e"

Ang hirap naman nito, nasaan na ba ang utak ko?

Kapag ba sinabi kong ayaw ko sakanya nasaktan ko na sya? Nabasted ko na?

Ito na ba yung rejection?

"Good night"

Umalis nalang sya bigla sa harapan ko.

Ang hirap naman e.
Paano na? Anong gagawin ko?
Bakit kasi nararanasan ko 'yung ganito ngayon e.
Wala namang ganituhan oh, hindi ako sanay.

"Jewel, labas tayo bukas gusto mo? Libre kita"

Pampalubag loob man lang, nang makabawi ako sakanya.

"Hindi ako pwede bukas"

"Sa Sunday? Pupuntahan natin si Gille 'di ba?"

"Hindi ko rin sigurado"

Teka, bakit parang sya ang naiwas sa'ming dalawa? Ako dapat ang ganoon e. nasa plano ko na nga rin na hindi na muna ako lalabas ng kwarto kapag nandito sya sa bahay.

Kaya pala ang lakas nyang mang-asar, may iba nang ibig sabihin 'yon.

Kaloka naman si Jewel, kung may pagsasabihan ako si Angel at Mara nalang. Huwag na huwag makakarating kina Diwata at Dyosa.

-~-~-

Ako: Angel, anong gagawin ko?

Gabi na pero katext ko pa rin si Angel, kinuwento ko sakanya lahat lahat. Simula sa umpisa hanggang sa kanina.

Angel: Wala akong magandang iaadvice, huwag mong iiwasan. Kawawa sya.

Ako: Balak ko na ngang gawin.

Angel: Maging mabait ka naman sakanya.

Diwata: Ganda, text mo naman 'to 09123456789

Ako: Sino 'yan?

Diwata: Veve ko na marino, tanong mo kung sya si Angelo

Ako: Angelo lang?

Diwata: Yes please?

Ako: Teka.

Nakalimutan ko bigla 'yung sinasabi ko kanina kay Angel e. tinext ko muna si Angelo na veve ni Diwata.

Ako: Angelo?

Diwata: Natext mo na?

Ako: Walang reply.

Diwata: Baka tulog na. good night ganda! =) congrats again. ♥

-~-~-

Inabot na ako ng umaga sa pagtetext kay Angel, ang dami pa naming pinag-usapan.

09123456789: Hi! Sino to? Sorry late reply, lobatt ako kanina.

Time check, 01:56am.

Tapos nagreply pa si Angelo ni Diwata.

Ako: Ikaw si Angelo?

09123456789: Oo. Sino to ulit?

Grabe. Anong sasabihin ko naman dito?
Hindi na muna ako nagreply, inaantok na rin ako e. bukas ko nalang itetext si Diwata na nagreply na si veve nya.

Mahihiga palang ako nang may narinig ako nag start ng kotse, si Jewel lang naman ang may kotse sa bahay. Aalis sya?

Sinilip ko sa bintana....may kausap syang babae sa labas, pareho silang nasa labas ng kotse. Sumakay na sya ng kotse tapos 'yung babae naman hindi sa passenger's seat naupo. Sino naman 'yon?

-~-~-

06:53am

Pogi: Pst. Good morning. =)

Ang aga kong gumising para mag charge ng phone.

Ako: Good morning rin, umalis ka na?

Pogi: Oo kanina pa, dumating si insan. Sinamahan ko sakanila. Bat gising ka na?

Ako: Ginising mo.

Pogi: Ay sorry.

Ako: Joke. Mag charge ng phone.

Pogi: Okay, mamaya nalang.

Hindi ko na sya nireplyan.

Pogi: Walang ilangan. Kahit may malisya na. hahaha, okay?

Hindi ko alam kung kaya ko na walang ilangan. Napaka imposible na hindi ko sya maiiwasan.

-~-~-

Someone's POV

-- Dear Someone,
I love it when you do the desires of your heart. 
I love it when you say what you want to say.
I love it 'coz you don't fear other's people judgment. 
Here's to more letters, I will not stop writing about you. --

Continue Reading

You'll Also Like

138K 212 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
Gapang By vhfc_13

Short Story

12.5K 35 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
523K 19.1K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content