As She Dance With The Devil (...

By lavenderjaiz

12.8K 525 41

HIGHEST RANKING: #92 IN GENERAL FICTION Book 2 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherh... More

As She Dance with the Devil
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24

Kabanata 3

1.2K 39 8
By lavenderjaiz

Kabanata 3

"Where the hell are you, Irhia Fabregas?" Iyon agad ang ibinungad niya sa nakababatang kapatid na umalis nang walang paalam kaya siya itong pinepeste ng mga magulang niya para paghawakin ng kompanya.

"I'm sorry, Kuya. I'm here in US. I came here to attend on my bestfriend's wedding. Don't worry, after a week I'm going home. Pero pwedeng hindi na rin." Anito dahilan ng pagtatangis ng bagang niya.

"Get back here as soon as possible! I don't want to handle that fucking company!" Nanggagalaiting aniya, naihampas pa niya ang kamay sa lamesa niya sa bar.

"Na-uh. Kuya, for all we know, dapat ikaw ang humahawak niyan, hindi ako!" Agad nitong sagot. "Right! I'm not going home. You should be the one doing that. Bye Kuya! Good luck handling and managing the company. Love you!"

"Irhia! Hey, dimwit!" Aniya sa kabilang linya, ngunit hindi na ito sumagot doon.

"What the fuck?" Galit na aniya sabay padarag na ibinagsak ang cellphone sa sobrang galit niya.

He massaged his temples. His head was pounding from the extreme stress. He didn't know how to live peacefully with the life he had. He also didn't know if he should stop or not in searching for that mysterious woman who kept chasing him... whether he was asleep or awake.

Ilang beses na rin niyang inakala na ang mga babaeng nakikita niyang kaparehas ng postura, katawan at buhok nito ay ang babaeng iyon. But he always failed kaya halong galit, iritasyon at frustrasyon ang araw-araw niyang kasama.

Bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa noon si Gwen na mukhang kinakabahang pumasok at kausapin siya.

"S—Sir Ashton?" Mautal-utal nitong tawag sa kanya kaya tiningnan niya ito.

"What?" Iritadong tanong niya.

"Nandito po si Señora Adora." Pahayag nito.

"Tell her I'm not here." Utos niya rito.

"Sir, pasensya na po pero hindi raw po maniniwala si Madam." Mabilis na anito, napatungo na lang nang matapos sabihin iyon.

Nagbuga siya ng marahas na buntong hininga.

"Fine." Was all he said.

Tumango at lumabas si Gwen. Pumikit din muna siya saglit at nagpasyang harapin ang ina.

She's doing it again. Alam niya kung anong pakay nito. Mukhang kinausap na yata ito ng magaling niyang kapatid.

Agad siyang tumayo. Wala na ring nagawa kung hindi daluhan ang ina na prenteng nakaupo habang sumisimsim ng tsaa na isinerve dito.

Umaga pa lang nang araw na iyon kaya restaurant ang itsura ng bar niya ngayon. Kung titingnan, hindi aakalain na isa itong bar tuwing gabi. Mahusay ang kinuha niyang engineer at architect para itayo ang fancy restaurant bar niya.

It was his pleasure to work with Engr. Marco Villamor who's now the President of Villamor Engineering and Construction Firm. Ipinasadya niya ring ipa-architect ang itsura ng bar niya kay Architect Lienzo Saldivar na may ari naman ng Saldivar ArchiFirm. They are really the best kaya kapag may mga propyedad siyang balak ipagawa, hindi siya magdadalawang isip na sa mga ito muling ipagawa. It was beyond his expectation. Hinding hindi siya nagsisi.

"Son!" May pagkamanghang pambungad na bati ng kanyang ina na agad tumayo para halikan siya sa pisngi.

"What are you doing here, mom?" Iritadong tanong niya.

"Is that the right way to greet your mother, young man?" Anang kanyang ina, nakataas ang isang kilay nito, tila hindi nagustuhan ang pambungad na ginawa niya.

Umupo itong muli at pinagkrus ang mga binti at striktang nakatingin sa kanya.

Sopistikadang sopistikada pa rin talaga ang dating ng kanyang ina kahit na may edad na ito. Hindi na rin siya nagtaka na naging modelo ito noon dahil sa edad nito. Tila hindi man lang kumupas ang ganda kaya maingay pa rin ang pangalan sa alta-sosyalidad. Kaya naman pati pangalan niya ay palaging nasa tabloid at news dahil sa kasikatan ng ina hanggang ngayon.

"If you just came here to force me to manage the company, my answer is still a no. I'm busy, mother. I have a business to run to." Seryoso niyang sambit. 

She smiled at him as if she had some evil plan in mind, causing him to furrow his brow and wait for what she was about to say. Hindi niya iyon nagustuhan.

"Then should I took this restaurant from you?"

Mas lalong lumalim ang gatla sa pagitan ng mga kilay niya.

"What do you mean?" Agad niyang tanong sa sinabing iyon ng ina niya.

"Well, your sister told me if you won't follow me, I should better wreck this restaurant."

"What the hell!" Bulalas niya, hindi makapaniwala sa narinig sa ina.

"Watch your mouth, young man. I didn't raise you to act indecently to your mother!" Nagbabantang sinabi nito kaya naihilamos na lang niya ang palad sa mukha niya.

She can't be this serious, right? Damn it.

"You will destroy this then you're expecting me to calm? Really, mom?" Sarkastikong tanong niya.

"Accept it. You know, your father couldn't make it anymore. I don't want him to do stressful activities. I don't want to put your father's health at stake, so please, son, take it. Manage our company." Tunog nagmamakaawang anito.

"No, mom. I can't do it. I have my own business to run. Labas na ako riyan. We both know why." Umiiling na aniya.

The last time he handle that company, they almost lose it. Muntik na iyong malugi nang dahil sa kanya kaya takot na takot siyang hawakan ang kompanya nila.

If it weren't for his dad, their situation wouldn't have improved. He deeply regretted that and hated himself because he didn't know what to do that time. He felt like such a failure kaya naman matapos iyon ay hiyang hiya siya sa mga magulang at hindi kayang humarap sa mga ito. Isa rin iyon sa naging dahilan kung bakit nagpursigi siyang pag-aralan ang bawat aspeto ng negosyo. He learned from his mistakes and promise he would never allow himself to experience it again.

"Then, are you ready to see this restaurant fa—"

"No!" Agad niyang putol.

"Oh fuck." Mahina niyang pagmumura, hindi na alam ang gagawin.

"Ashton, iho. I know you're still afraid from what happened back then pero hindi ikaw ang may kasalanan. They sabotage us. Ilang beses na naming ipinaliwanag ito sayo. Please, anak. Ikaw ang inaasahan namin ng daddy mo. Gusto mo bang makitang nahihirapan ang daddy mo?"

"Fine!" Iritadong aniya, wala ng nagawa dahil ginamit na nito ang ama niya.

"Alright. We're settled. I'm expecting you tomorrow at our company." Masayang sinabi ng ina sabay niyakap siya nito nang mahigpit.

Agad din naman itong umalis kaya naiwan siyang nangungunot ang noo at nakasabunot sa buhok dahil sa pinasok niyang iyon.

Bumuga siya ng marahas na buntong hininga at tumayo para bumalik ng opisina. Napailing na lang siya.

Damn his life! It's not getting good anymore.






Naging maayos ang pagsasama nila ni Brix na lubos niyang ikinatuwa. Apat na buwan na rin ang nakalipas magmula nang maikasal silang dalawa at kuntento na siya sa buhay na meron sila. Naging maganda rin ang trabaho niya. Na-promote siya bilang isang general manager sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya kaya masayang masaya siya at nagawa pa nilang icelebrate iyon ni Brix.

Honestly, she still doesn't know how Brix change. Wala siyang maisip na dahilan kung paano nangyari iyon. Hindi naman niya ito pwedeng komprontahin dahil hindi nito alam na alam niya kung anong mga kagaguhang ginagawa nito sa likod niya noong mga panahong magkasintahan pa lamang silang dalawa.

Nasa opisina siya ng asawa. Dinalhan niya ito ng lunch at sinadya niyang paborito nito ang iluto dahil alam niyang lubos na matutuwa ito sa dinala niya. Gusto rin kasi nito ang mga luto niya kaya alam niyang magiging magana ito pagdating.

Nagbabasa-basa lang din muna siya ng magazines para pangkitil ng oras. Naayos na rin kasi niya ang mga kalat sa opisina nito.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa tungkol sa article ng brotherhood na iyon nang marinig niya ang pagpihit sa seradura ng pinto.

Bahagya niyang naibaba ang magazine at agad tumayo nang biglang bumukas ang pinto ng office. Sinalubong niya ng yakap si Brix habang nakangiti. Hinagkan naman siya nito kaya natawa siya.

Laking gulat niya nang bigla siya nitong buhatin dahilan ng pagtili niya. Hinampas naman niya ito't sinimangutan kasabay ng pag-deposito nito sa kanya sa ibabaw ng lamesa.

"Still so gorgeous." Nakangising anito kaya mas lalo niya lang sinimangutan ang asawa.

"Even when you frowned, I'm so smitten, Luna. I can't resist you, my beautiful wife." Sabi pa nito kaya ngumuso na lang siya para magpigil ng ngiti dahil kinikilig siya.

Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. Hindi pa siya nakakabuwelo ay siniil na siya nito ng halik.

She smiled and closed her eyes, letting him kissed her. But memories of her kissing that man across her mind. It's not Brix, but a man she doesn't know that she bury a long time ago, a man who's a stranger she doesn't want to pull out in her mind again.

Guilt ate her. Siya rin ang unang nagbitaw sa halik na iyon ni Brix na hindi man lang niya natugunan nang maayos.

Malungkot siyang ngumiti dahil palagi na lang ganito ang nararamdaman niya. She doesn't liked his husband's kisses. Her body is like betraying her. Napagtanto niya lamang iyon nang gabing sinubukan niyang makipagtalik kay Brix. Pero halik pa lamang ay hindi niya maatim, kaya agad din siyang bumitaw at naghanap ng excuses.

Ayaw ng katawan niya sa asawa and she has been frustrated because she didn't know how to respond with his kisses na noon naman ay ginagawa na rin nila, magkasintahan pa lamang sila. Kaya bago pa niya mabigo ito, palagi siyang bumibitaw agad.

"How's your day?" Pagod na anito.

She gently caressed his face. Kinuha nito ang kamay niya't dinala sa labi nito.

She sighed and stared her husband's weary face, looking at her with a tender care.

"Fine. But I think you're not. You look tired." Mahina niyang sinabi. "How's the surgery?"

Umupo ito sa upuan nito. Hindi rin ito umimik. Bagkus ay nanatili itong nakahilig doon at nakapikit.

"Brix?" Tawag niya rito nang hindi ito sumagot.

She stood up pero agad siya nitong nahila kaya napaupo siya sa kandungan nito.

"I'm tired, love. I need energy from you." Pagod nitong sinabi, mahigpit ang yakap sa kanya na tunog nagmamaktol kaya napailing na lang siya habang nakangiti.

Tumayo muli siya at hinila na ito roon. Pagod naman itong sumunod. Nang dalhin niya ito sa mahabang sofa roon, pinahiga niya ito sa kandungan niya.

"You're really tired, huh?" She said, chuckling.

Hinaplos na rin niya ang buhok nito, marahan at maingat. Hanggang sa kinuha nito ang kamay niya at nakatitig sa wedding ring nila. Kapagkuwan, hinalikan nito iyon.

"I better take a leave as soon as possible. I want to make it up to you. I will ask Dad to handle this for a while. What do you think?" Namamaos niyang sinabi, nakatingin pa rin sa singsing niya habang nilalaro nito iyon.

"It's fine Brix. I understand your work. Alam kong ganito ang mangyayari umpisa pa lang kaya naiintindihan ko. Hindi mo kailangang bumawi. Just rest." Malambing niyang sinabi habang nakangiti para ipakita ritong wala itong dapat problemahin sa kanya.

Kung tutuusin ay sapat na sa kanya na magkasama silang dalawa, masaya sila at wala silang pinoproblema kundi ang trabaho nila at ang oras nito para sa kanya. Pero hindi naman iyon hadlang sa kanya, sa totoo lang. As long as she know that he's doing it for people's sake, tanggap niya ang trabahong meron ito.

Iyon nga lang, mas dumami ang responsibilidad nito dahil ito na ngayon ang mamamahala ng hospital. Ibinigay na ng ama nito ang posisyon sa asawa niya. Kaya naman triple ang pagod nito.

But the biggest problem is herself. Iyon ang lubos niyang pinoproblema hanggang ngayon dahil parang hindi na siya 'yong dating Luna na hindi kayang mawala si Brix.

She have no idea what's going on with her. Isa lang ang naiisip niya kung bakit. Nagsimula lang naman ito nang nagdesisyon siyang lumipad patungong Pilipinas. Kung saan doon niya isinuko ang sarili sa estrangherong lalaki na hindi niya lubos maintindihan kung bakit hanggang ngayon apektado pa rin siya kapag naiisip niya ito.

She knew it was wrong and she felt guilty. Pero hindi niya maipagkakaila na nagustuhan niya ang init na pinagsaluhan nilang dalawa. Tandang tanda pa rin niya kung paano siya nito inangkin, and how he made her a woman.

Matagal na niya iyong ibinabaon sa kailaliman ng utak niya pero tuwing malalim ang iniisip niya o tuwing hahalikan siya ni Brix o magtatangka silang gawin ang gawain ng mag-asawa, ang lalaking iyon ang pumapasok sa isip niya.

God knows how she regretted it so much. At kahit hindi na naman naulit iyon, pakiramdam niya nagtataksil pa rin siya kay Brix dahil sa halip na ito ang isipin niya na gumagawa noon sa kanya, ang lalaking iyon ang hinahanap hanap ng katawan niya.

Hindi niya maintindihan pero iyon ang eksaktong nararamdaman niya.

Palagay niya ay ang lalaking iyon lang ang may karapatan sa katawan niya. At hindi niya nagugustuhan ang nangyayaring ito sa kanya. She wanted to free herself on that memories. Hindi niya rin alam kung paano niya tatapusin ang kahibangang iyon.

Ano bang dapat niyang gawin?

"Four months had been passed, Luna yet I still didn't give you a proper honeymoon after our wedding because of my work. I still couldn't fulfill your happiness. I feel like I'm a bad husband." Bigong anito, marahang nakatingin sa kanya.

"No, you're good..." tanging naiusal niya.

Ayaw niya na ganito ito. Alam niya kung gaano rin nahihirapan si Brix sa pagsasama nilang dalawa dahil akala nito nagkukulang ito sa kanya.

"I already book a ticket for us. I will just wait Dad's approval about it. Sigurado naman akong papayag siya dahil alam niya na hindi tayo nakapag-enjoy after the wedding. Pero makakahintay ka pa ba?"

Wala siyang maintindihan sa ibig sabihin ng asawa. Anong ticket ang pinagsasasabi nito? Balak ba nitong mag-out of town?

Ayos na naman siya rito. Marami namang pwedeng puntahan sa lugar nila. They can still have a honeymoon here. Pero bakit mukhang malayo pa yata ang pagbabakasyunan nila?

She's not having a good feeling right now. Masama ang kutob niya. Parang hindi niya gusto ang sasabihin nito. Idagdag pa ang ngisi sa labi nito na ikinapagpatindig ng balahibo niya.

"Ticket for what? Saan tayo pupunta?" Tanong niya, nakakunot noo pa rin.

He chuckled. Mas lalo siyang kinabahan. Her instinct is telling her not to trust this time. Palagay niya, hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya. And he's excited for goodness sake!

Bigla tuloy siyang nagsisi na parati niyang sinasabi na gusto niyang doon magbakasyon. Huwag naman sana iyon!

"You mentioned wanting to vacation in the Philippines, right? I've actually been thinking about going there. After all, my family still owns property there. We could stay there. I also know of a beautiful place to visit there. It's in Saint John, Batangas. There's a beach resort there. From what I've researched, it's really nice. I'm sure you'll love it there."

Halos tumigil ata ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Pati lalamunan niya parang binarahan nang marinig ang bansang ngayon ay takot na niyang puntahan, sa takot na makita niya ulit doon ang lalaking umangkin sa kanya.

Kung hindi siya nagkakamali, maaaring makikilala siya nito kung sakaling magkrus muli ang mga landas nila.

"Love?" Brix snapped her out. Nagising naman siya sa malalim na pag-iisip kaya nabalik siya sa katinuan kung saan titig na titig sa kanya ito habang nakakunot noo.

"Are you sure? I mean sure na bang Philippines talaga?" Paninigurado niya, nagbabaka sakaling mali lang ang dinig niya, na kahit imposible iyon, iniisip niyang baka nag-iilusyon lang siya't gawa-gawa lang iyon ng pag-iisip niya.

"Uh-huh! Isa pa ay may kailangan din akong kausapin at bisitahin doon. So, I decided that's the perfect place to have our honeymoon." Tunog excited na anito na mas lalong ikinabagsak ng balikat niya, hindi niya lang ipinahalatang apektado siya roon kahit na kinakain na siya ng matinding kaba.

"Kung ayaw mo naman sa resort na tinutukoy ko, may mga isla naman si Reeve. We can rent one of his island if you want a peaceful vacation."

Nabuhayan siya ng pag-asa. Biglang nagliwanag at nangislap ang mga mata niya roon, sa isip na kung doon sila mananatili buong bakasyon, malabong makasalamuha niya ang lalaking iyon.

Tama! Iyon na lang siguro ang pipiliin niya. Siguro naman ay silang dalawa lang ang nando'n kung rerentahan nito ang buong isla ni Reeve.

"Is that your cousin from there?" Tanong niya, nang maging pamilyar ang pangalan ng may ari ng islang tinutukoy nito.

"Yeah. You met him once when he went in our wedding. Sila na lang ang natitirang kapamilya ni mommy doon." Sagot nito kaya tumango-tango naman siya.

"So, you excited?"

Pagak siyang natawa. Ni hindi niya magawang tingnan ito, ayaw ipakitang hindi niya gusto ang ideyang iyon kahit na naaakit talaga siyang magbakasyon doon.

"Oo n—naman." Hilaw na aniya, natawa na lang kahit pilit iyon. "When is it?" Tanong niya kapagkuwan.

"After this week." Pinal nitong sinabi na ikinaawang ng labi niya.

"That fast?"

She pursed her lips upon realizing she sounded like she's disappointed, bothered and seems like she doesn't like the idea of it. Ni hindi man lang niya naisip ang posibleng magiging epekto no'n. Kaya hindi na siya nagtakang nakakunot noo na sa kanya si Brix.

"May problema ba?"

"Wala! Just thinking about your work." Palusot niya.

He smirked. Nakagat naman niya ang labi niya, kabang kaba pa rin sa posibleng pwedeng mangyari. Pero sa isla lang naman sila pupunta. Malabong magkita sila ng lalaking iyon.

"Ako na ang bahala roon." Anito kaya tumango na lang siya't wala ng nagawa.

Kaya naman nang dumating ang araw na iyon at makalapag ang eroplanong sinasakyan nila, abot abot ang tahip ng dibdib niya. Halos igala niya ang mga mata sa paligid sa pag-aalalang baka narito ang lalaking iyon.

Posible kasing bigla na lang niya itong makita, gayo'ng hindi naman niya alam kung sino ito at kung saan ito nagtatrabaho.

Sa sobrang paranoid, tinakpan niya ang buong mukha niya. Hindi naman siya nakabalabal pero naisip niya rin iyon kaso baka ma-weirduhan sa kanya si Brix.  She wore sunglasses instead and putted a mask on her face just to hide her whole face.

Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong si Brix kung bakit ganito ang itsura niya. Hindi niya rin kasi alam ang isasagot kung sakali.

"Finally, it's good to be back." Makahulugang sabi nito na ikinangunot ng noo niya dahil kakaiba ang tingin at ngiting iyon ng asawa.

Continue Reading

You'll Also Like

653K 10K 43
[The Architects Series #2: Lauren Del Valle] Traumatized by her past love, Lauren Del Valle still manages to move on and have a good career-the pri...
89.7K 2.1K 57
Pierce Andrew Gallegos, the male vocalist of Phoenix, was heartbroken by his first love. His world turned downside when the only girl who made his he...
961K 30.6K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.9K 502 38
Stolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to...