W/N-Hi this is dedic sayo, gumawa kpa ng watty account para asarin lang ako hehehe pro natutuwa ako kasi nrramdaman kong isa k sa tunay na buhay n sumusuporta sa akin, diba balak mong gumawa ng MY CHILD-LESS WIFE? hehehe salamuch Jason love you love you, alam kong d mo ito mbabasa bleh! pahug ulit ha.
CHAPTER 9-MY PERFECT WIFE (book 2) part 3- Our castle;)
ANENG'S POV
Isang umaga nagising ako ng wala siya sa tabi ko na bihirang mangyari. Kung alam niya kasing antok pa ako ay hindi nga niya ako ginigising pero bago siya umalis ay tinitiyak niyang alam ko at nagpapahatid pa nga siya sa may garahe, pero ngayong umaga ay umalis na lamang siya ng walang paalam, nalungkot tuloy ako saglit, mga 7.5 seconds lang naman hindi naman kasi nag tagal iyon dahil may nahagip ang aking mata na isang note na nasa drawer sa may bedside. Agad ko itong binasa syempre alangan namang kanin ko diba? Di pa naman ako gutom.
Happy Birthday Doraneng
Ilang taon kana ? 36? 48?
Gurang na ang Nengneng kong panget! hahaha
Oh paano ba yan? Kitakits mamaya.
Uwi akong maaga.
PS. don't worry, kiniss kita bago ako umalis.
Oo pala birthday ko na yehey!!! kumakanta ako ngayon sa harap ng salamin gamit ang hair brush as mic.
Appeee birthday to me-(clap clap clap)
Appeee birthday to me-(clap clap clap)
Appeee birthday appeee birthday, appee birthday toooo meeeee.
If you're happy and you know it clap your
hands.(CLAP,CLAP)
If you're happy and you know it clap your
hands.(CLAP,CLAP)
If you're happy and you know it and you really want to
show it,
If you're happy and you know it clap your
hands.(CLAP,CLAP)
Ang saya ko talaga ngayon habang hinihintay ang hushbeee ko, excited na talaga ako^__^
May gift kaya ako sa kanya? Sana Dollhouse yung complete set.
Tingin niyo? Meron kaya? Hindi na ako makapag hintay^__^ Sana may birthday party din ako tapos fairy ang theme gagayahin ko ang costume ni Tambolina, teka fairy ba siya?hindi ata si Tingkerbel pala yung fairy. Tama! Tango tango.
Habang hinihintay ko siya ay nag Toy Story movie marathon muna ako habang nakahiga na yakap si Doraemon sa may salas kaya hindi ko namalayan ang oras at gumagabi na pala. Teka ito ba ang sinasabi niyang maagang uuwi? Sa kabilang banda medyo kinakabahan din ako kung naalala niyo kasi yung nangyari dati iling iling ako man din ayaw kong isipin pang mangyayari ulit yon eh.
.
Tumawag ako sa opisina niya pati sa celphone niya gamit ang telepono sa bahay pero walang sumasagot, malamang wala na siya dun, pauwi naman na siguro siya diba?
Pero sabi niya maaga siya uuwi diba?Pero Gabi na eh. Huhuhuhhu
Dahil naalala ko yung nangyaring aksidente dati at baka maulit pa ay nag alala na ako ng husto kaya napagdesisyunan ko ng pumunta kina mommy at daddy baka may alam sila.
Tutal hindi naman kalayuan nag-lakad na ako papunta sa kanila at ininda ko ang dilim at posibilidad na makasalubong ang bestfriend kong mga aso.
Lakad.
Lakad.
sa dilim
hindi ako natatakot
kahit madilim
ako ay matapang at walang kinatatakutan.
pakanta kong sabi kayo na mag isip ng chant.
Huhuhuhhu
Lakad lakad pa ng konti
Liko
Oops!!
PRENO! Enk!
Nandito na ako at mabilis akong pumasok. Agad na napukaw ng atensyon ko ang Castle place namin na hushbee dahil sa matingkad na ilaw na nanggagaling dito. Ibang klaseng ilaw ang nakita ko. Sa unang tingin aakalain mo ay parang may piyesta ang mga fireflies dito pero nung nakalapit na ako ng husto mas naisip ko ay para atang nahulog ang ilang bituin sa langit at bumagsak sa lugar na ito. Umupo ako sa may swing at hinawakan ko ang mga nakapalibot na maliliit na ilaw sa hawakan ng duyan. Ang saya dito at ang ganda talaga, dito ata sinaboy ng langit ang mga sobrang bituin sa itaas hihihi.
Waaah!! gusto ko mag slide. Ito ang favorite ko sa lahat ang taas kasi ng slide pero ngayon parang mababa nalang ito sa akin. Kung dati aabot ng 5seconds or more bago ako bumagsak sa lupa ngayon aabot na ng 15seconds. bakit? Kasi medyo hindi na ako kasya dito bumabara na ako. Ang saklap! Sliding sliding...
Umakyat ako sa hagdan ng sliding na napapalibutan din ng maliit na mga ilaw na siyang nagiging ilaw na ng paligid.
Slideeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.
Weeeeehhhhhhh!!!
Sa pagbagsak ko ay parang may nasagi ang paa ko na kung sino..
Ay may paa!
Naka white and black chuck taylor Converse shoes siya, paa niya kasi ang una kong nakita eh.
Iniangat ko pa ang tingin ko at nakita ko siyang nakasuot ng faded dark blue jeans
at nakacross arms siya habang nakasuot ng off white ata na coat.
Parang kilala ko ito kaya iniangat ko pa ang tingin ko
Pero bago ko pa siya makita ng tuluyan ay nag salita na siya na siyang ikinapitlag ko.
How many times do I have to tell you na ako lang ang pwedeng mag laro dito?
-----------------
W/N- see multimedia kung sino ang nakita niya.......
oh paano sa uulitin ulit^^