Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

13th

78 5 0
By lesanlaine


13

LESLIE

Kahit dalawang araw na ang nakalipas magmula nang pumunta sina Gio sa bahay namin kasama si boss (papa nya) sariwa pa rin sa utak ko 'yung mga sinabi ko sakanya e. Fresh na fresh, daig pa ang bagong ligo.

Naiilang pa rin ako kapag katabi ko si Gio lalo na kapag kinakausap niya ako. Naiisip ko kasi 'yung mga sinabi kong porn na 'yan. Lecheng patolang salita na 'yan.

Kagagaling ko lang ng library, bwiset naman kasi 'yung biglaang quiz namin. Foundation week na sa Lunes may quiz pa rin? Mga Sir at Ma'am naman.

Doon ako nag-aral ng mag-isa kapag sina Diwata at Dyosa ang kasama ko hindi ako makapag focus. Napapadaldal rin kasi ako.

"Kanina pa kita hinahanap" nakasalubong ko si Angel.

"Bakit?"

"Tawag ka ni Ms. Luna, may sasabihin sa'yo. Nasa Faculty room"

Kinabahan na ako.

Si Ms. Luna ipapatawag ako? Hindi pa naman ako babagsak sa Accounting namin di ba? Pasado naman ako last quiz kahit mas mataas 'yung ibang kaklase ko sa'kin.

Nag-aaral naman akong mabuti.

Hindi ako nag hohokage sa jeep, tamang pamasahe ang binabayad ko.

Umuuwi rin ako ng tama sa oras, namamaintain ko pa naman 'yung Dos policy. Mawawala na ba ako sa Dean's list?

Huwag po.

"Namutla ka bigla, wala namang masamang balita. Ikakagulat mo nga lang"

Sa sinabi ni Angel pakiramdam ko mas naging mukhang espasol ang mukha ko. Pinagpawisan agad ako.

"Ano ba kasi 'yung dahilan? Kinabahan ako sa'yo"

"Sisihin mo si Diwata, siya talaga promoter. Fan na fan mo kasi"

"Teka, oy saan ka pupunta?"

Umalis nalang siya bigla. Wala siyang balak na samahan ako gano'n? Anong gagawin ko?

"Sa CR. Pumunta ka na sa faculty. Good luck"

Grabe.

Parang may nagawa akong kasalanan sa professor ko.

Ngayon lang ulit ako ipapatawag ng professor.

--

Kalma.

Hingang malalim.

Kaya ko 'to.

Pagpasok ko sa faculty, mas lalo akong kinabahan. Ang lamig kasi sa loob, umaapaw ang aircondition dito.

I need fresh air.

Nakatingin na sa'kin si Ms. Luna kahit wala pa ako sa tapat ng table niya.

Nakangiti naman siya sa'kin.

Malapad na ngiti. Jusko!

"Good afternoon po, Ms Luna" ngiti lang Les. Pinipilit kong ngumiti sa abot ng makakaya ko.

"Good afternoon, Ms. Benitez. Nasabi na ba sa'yo ni Mr. Dimabilang ang good news?"

Mr. Dimabilang ay si Diwata mga kaibigan.

Malalagot sa'kin ang baklang 'yon kapag hindi good news ang sasabihin ni Ms. Luna sa'kin. Naku talaga!

"Sorry Ms. pero hindi pa po e, ano po ba 'yon?"

"Ikaw na ang representative sa pageant this foundation week. Absent kasi si Ms. Tuazon kaya ikaw nalang ipapalit namin, si Mr. Dimabilang ang nag suggest sa'yo. Kaya mo naman daw 'yon"

OMG.

OMGG.

OMGGG.

ANO 'TONG NARINIG KO?

AKO?

AS IN AKO TALAGA?

KASALI SA PAGEANT NG SCHOOL?

HINDI LANG SCHOOL, BUONG SCHOOL TALAGA.

'YUNG TIPONG BUONG SCHOOL ANG MAKAKAPANUOD.

Teka, kailangan kong mag relax. Nababato ako sa mga narinig ko.

"Ms, ako po talaga?" taking taka kong tanong sakanya.

Anong meron sa'kin na wala kina Angel o kaya kay Nadine o kaya doon sa ibang kaklase kong babae.

Si Aica naman kasi, bakit kasi umabsent pa siya? Ano bang nangyari sakanya at hindi siya napasok?

Siya dapat 'yung nandito e.

Siya dapat ang lalaban hindi ako.

Paano na 'to?

"Why? May problema ba?"

"Ahh. Ano po..wala naman kaso po..ano kasi-"

"Wala naman palang problema. So it's settled, bukas ng umaga ang photoshoot niyo. Si Mr. Ramos ang partner mo"

OMG!

Siya 'yung crush ni Dyosa na nasa kabilang section.

Si Dyosa nalang kaya ipalit sa'kin?

Hindi ko naman kaclose si Ralph. Bakit 'yon pa?

Pinilit ko nalang ngumiti bago lumabas ng faculty room.

Patay sa'kin si Diwata!

Humanda na ang golden hair niya, makakatikim siya ng totoong sabunot sa'kin.

Alam ba niya 'yung pinasok niyang pageant na 'yan?

Lintek na langgam naman oh. Bakit kasi ako pa?

Kinakabahan na kaagad ako. May Q and A pa doon, may modeling eklabu pa, magsusuot pa ng gown at ang pinaka ayaw ko sa lahat 'yung swim suit nila na hindi naman masyadong revealing pero kita 'yung tyan.

Baka kapag nalaman ni Kuya na may gano'n pagsuotin ako ng saya o kumot.

--

Nagmamadali akong bumalik sa classroom. Si Diwata ang unang una kong lalapitan kapag nakapasok ako ng room.

Nakuuuuu talaga, nanggigigil ako sakanya. Malinlintikan sa'kin 'yung bangs niya.

Gupitin ko 'yon e.

Badtrip!

Pagbukas ko ng pinto ng room namin "Ay bakla!" ito na naman ako sa baklang 'yan, lahat nalang nasasabihan ko ng bakla at palaka sa tuwing magugulat ako.

"Sorry"

Siya pa ang nag sorry sa'kin kahit ako 'tong sobrang nagmamadali sa pagpasok kaya kulang nalang magkapalit ang mga mukha namin dito. One inch closer nalang ito mga ate!

Kaagad naman akong napaatras, huwag ganyan oy! Wala akong balak gumawa ng slow motion love story with matching sparks dito sa room.

Sobrang nakakagulantang lang ng mga pangyayari.

"Sorry din"

"LESLIE, GIRLY DUMATING KA RIN MAY GOOD NEWS AKO SA'YO" tuwang tuwang lumapit sa'kin si Diwata.

Tuluyan nang lumabas ng room si Gio.

Woah! Nakalusot na rin sa pahiya effect ko no'ng isang araw.

Ngumiti muna ako kay Diwata. Ngiting papatay ng wala sa oras.

Hindi pa naman ako makukulong dahil 17 years old palang ako.

"Anong good news?" painosenteng tanong ko sakanya.

"Yung pageant..ikaw na ang kasali. Mabuhay!"

Nagpipigil na 'yung mga kamay ko dito sa gilid.

Gustong gusto ko nang mahawakan 'tong buhok niya lalong lalo na ang bangs niya.

Nakahalata yata si Dyosa na kanina pa akong namemeke ng ngiti kay Diwata.

Hinawakan niya si Diwata "Bakla, patay tayo nito" rinig kong sinabi niya.

"Talagang patay kayong dalawa sa'kin, bakit niyo naman ako sinali do'n sa pageant? Mga baliw na ba talaga kayo? Hindi ako pwede do'n"

Iniisip ko palang na maglalakad ako sa gitna ng stage at ngingiti sa harap ng maraming tao, hindi ko na makaya ang mga nakikita ko sa hinaharap.

Paano kung matapilok ako doon?

Tapos pagtawanan ako ng maraming tao, edi mas malaking kahihiyan ang nagawa ko?

Kaloka!

"Ano ka ba, girly. Hindi ba naisip ng nyutak china mo na mapapanuod ka ni Harvey? Girl, mapapansin ka niya"

Oo nga noh? Ay hindi!

Wala na nga akong pakialam kay Harvey, erase Harvey, tanggalin na talaga si Harvey sa utak ko.

Pero Les, chance mo na nga 'di ba?

Grabe naman 'tong si kumareng konsensya kung makapag suggest. 'wag gano'n, nagdadalawang isip ako.

"Pretty, pumayag naman mga kaklase natin pati si Ralph nandito sa room kanina gusto kang makita, sayang wala ka" pangongonsensya ni Dyosa sa'kin "Ako tuloy ang nasilayan niya. I'm so kinikilig"

"Mga leche kayo, paano na 'ko? Si Aica dapat dito e"

Para akong bata na nagpipigil umiyak nang malakas.

Gustong gusto ko nang magpapadyak dito, nahiya lang ako sa mga kaklase ko.

"Les, kaya mo 'yon. Ichi-cheer ka namin"

"Gagawa kami ng maraming banners and posters mo"

"Tapos ishashare namin sa Facebook 'yung mga pictures niyo bukas, galingan mo ah!"

"May tiwala kami sa'yo, kayang kaya mo silang ilampaso"

Salamat sa mga words of encouragement niyo.

Pero hindi pa rin ako matutulungan ng mga 'yan kapag nasa stage na ako.

Grabeeee, ako pa ang maglalampaso sa mga kalaban ko? Kung ako nalang kaya ang maglampaso ng gagamiting stage para quits nalang lahat?

Huhuhu. Mama, ayaw ko ng ganito.

Unang beses kong sasali sa ganito, dapat nandito si Mara e. siya 'yung may experience, mas sanay 'yon kaysa sa'kin.

"Salamat. Wish me luck bukas"

Kailangan ko nalang talagang tanggapin na kahit matulog ako mamayang gabi at magdasal ng sampung beses mamaya walang mababago sa desisyon ni Ms. Luna, ako na talaga ang ilalaban nila.

Ako na talaga, wala ng iba. Ikaw lang Les, ikaw.

Waaaaaah!

"Pwede bang mag back out?"

"HINDIIIIIII!" sagot nilang lahat sa'kin.

Oh my gulay na talaga ito.

Patola, kalabasa, labanos at mustasa.

Wala ng atrasan, sige na.

Tatanggapin ko na nang hanggang sa bituka ko na ako ang kasali.

Baka tapos na ang pageant hindi pa rin ako makapaniwala na nakasali ako sa ganitong event.

Taga cheer lang ako dati e, tapos ngayon yung sarili ko na ang nasa gitna ng stage.

---

"Anong masasabi mo?" –Angel.

Kasama ko silang dalawa ni Joshua sa school caf., busy na kasi sina Diwata at yung iba kong kaklase na magpaikot-ikot lang ikot-ikot lang ikot-iko, charing, sa buong school namin para makapag kolekta ng piso o kahit magkano para sa'kin.

Palakihan kasi ng malilikom na pera, may dala silang kahon ng sapatos na hiningi pa ni Dyosa sa bebe niyang marino. Siya daw yung nagregalo ng sapatos na 'yon kaya alam niyang meron.

"Kinakabahan ako"

"Kaya mo naman 'yon, kung ayaw mo talaga si Angel nalang" binibiro ako ni Joshua. Pwede ko naman daw ipasa kay Angel kung ayaw ko talaga.

Tiningnan sya ni Angel, killer look ay naka-on "May sinasabi ka, Joshua?"

"Wala. Sabi ko kaya mo namang i-cheer si Les. Kasali ako sa cheering squad nyo"

"Dapat lang, kapag narinig kong chineer mo yung pambato niyo. Lagot ka sa'kin" pagbabanta ni Angel sakanya.

Nakakaawa si Joshua, hindi pa nga sila nagiging underdog na si Garcia.

Tumatawa nalang si Joshua sa mga sinasabi ni Angel sakanya, na dapat daw makikita niya 'to na icheer ako. Kapag daw hindi niya nakita, huwag na daw papakita si Joshua kay Angel.

"Gusto mo gawan ko pa ng banner si Les, e" pagprisinta ni Joshua.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, baka wala pa nga akong makuhang place tapos masayang lang 'yung banner.

"Gagawa ka talaga, gusto ko 'yung malaking malaki"

Grabe. Kung makapag demand itong si Angel parang siya ang kasali sa'ming dalawa.

Tahimik nga lang akong nakikinig sakanilang dalawa. Natatawa nalang ako kapag tumatawa rin si Joshua, tapos 'yung mga binibigay niya pang reaksyon kay Angel. Nakakatawa rin, 'tong dalawa 'to may pag-asa pang mas tumagal yung 'friendship' na tinatawag nila.

"Ay, Les. Alam mo na ba na kasali si Harvey sa Dota competition?" tanong ni Joshua sa'kin.

Kasali nga siya? Talagang napasok pa pala ang isang 'yon.

"Pumapasok pa rin sya?" si Angel ang nagtanong.

"Oo, palagi pa rin napasok. Mawawalan sila ng future kung pareho silang titigil"

Oo nga naman, hindi na nga napasok si Cheska dapat siya naman ang mag-aral. Hindi naman siya 'yung lalaki ang tiyan.

Tsaka kasalanan na rin naman nya 'yon o nilang dalawa. Best wishes nalang sa kasal nila.

"Kailan ba ang Dota competition?" tanong ko.

Gusto ko lang malaman, wala akong balak panuorin siyang maglaro.

"Sa Lunes pagkatapos ng Chess competition"

"Kasali ka do'n?" dapat wala talaga ako dito.

Silang dalawa lang naman ang nag-uusap.

Kasali raw sa Chess competition si Joshua, mahilig siyang maglaro ng chess kaysa mag dota. Buti pa ang isang bata na 'to, kahit papaano ang bait-bait tingnan. Mabait naman siya, makakatagal ba si Angel na kasama 'to kung hindi.

"Sainyo ba sinong kasali?"

"Sino nga ba sa'tin, Les?" sa pagtatanong ni Angel agad ko namang nakita si Gio kasi pumasok siya ng caf.,

Hindi niya kami nakita pero mag-isa lang siya ngayon na nakapila. "Yon, 'yung nasa huli ng pila. Kita niyo?" sabi ko sakanila.

Sabay silang napalingon doon sa pila sa kanilang likuran.

"Si Gelo? Naglalaro pala ng chess 'yon?" gulat na tanong ni Angel.

"Oo, nakalimutan mo na? Nakita natin siyang kalaro 'yung nerd"

Wala lang kasiguraduhan na magaling siyang mag chess, hindi ko naman nakausap si nerd guy kaya wala akong ideya.

Pero sa palagay ko naman kaya ni Gio na maglaro ng chess to the best power.

Sa opinyon ko kasi yung mga taong mukhang seryoso ang magagaling sa larong gano'n e. Tapos tahimik pa siya, mas nakakapag-isip siya kapag naglalaro.

Sana lang manalo siya.

At sana makayanan ko lahat ng mga ipapagawa sa'kin.

--

KENN

Ang sabi ko alas dose kami aalis ni Jewel sa school para makabisita pa ako kay 'keso', ang problema ko lang dito sa kaibigan ko mas inuna pang maglaro ng dota.

"Iiwan na nga kita dito" sabi ko sakanya, nagmamadali na ako. nakakahiya na sa nanay ng girlfriend ko, pinag-aantay ko na.

Hindi niya ako pinapansin, tuloy lang siya sa pagmumura niya doon sa kalaban niyang kaklase rin namin.

"Hoy, Jewel. Kapag lang si Les hindi mo dinaanan sa school, doon ka na sa apartment mo umuwi"

"Tol, susunduin ko 'yon. Pamasahe?"

Nanghingi pa ng pamasahe sa'kin, wala akong binigay sakanya. "Marami kang pera, loko, nakakapag dota ka nga"

"Nagbabaka sakali lang naman, sinong susundo kay Kitt?"

"Ako na. Saglit lang naman ako sakanila"

"Sakanila?" tumigil siya sa paglalaro "Akala ko nandoon pa rin sya, sabi ni daddy"

"O? Nakausap mo na daddy mo?"

Tinuon na ulit niya ang pansin sa pagdodota.

Kung makaastang galit sa tatay niya wagas. Hindi naman matiis ang ama, ay nako! Kung ako ang ama nito matagal ko nang hindi binigyan ng baon ang batang 'to, hindi nga siya nauwi sakanila pero hindi naman siya matiis ng soon to be step mom niya. Loko 'to e, ayaw nalang tanggapin na mag-aasawa na ulit daddy niya.

"Kahapon, nagkita kami, palagi naman siyang nando'n"

"Malamang doon nagtatrabaho, una na nga ako sa'yo"

"Ingat, tol. I love you! kumusta mo nalang ako kay keso"

Napailing nalang ako sa mga sinabi niya. Ganyan siya ka-good mood kapag mananalo na sa dota, kahit 'yung lalaking nagbabantay ng computer shop nasasabihan na ng I love you.

Ang lakas ng saltik ng 'sang 'yon, may computer naman siya sa bahay nila. May laptop sa apartment pero iniwan at hindi na ginagamit.

Gustong gusto ko nang ipagtabuyan ang isang 'to, pinapalayas ko na nga sa bahay. Masyadong umaabuso sa'kin, akala niya hindi ko alam mga ginagawa niya sa bahay.

Kahit ilang beses pa siyang magpaka-Superman, walang mangyayari. Wala siyang kapa, wala siyang abs at muscles at higit sa lahat hindi siya nalipad.

Hindi magkakagusto sakanya 'yung pinopormahan niya.

--

"Good afternoon, hijo. Ikaw na muna bahala dito, darating naman mamaya si Myco" kadadating ko lang nang makasalubong ko si tita sa hallway.

Busy na naman siguro sya ngayong araw kaya maagang-uuwi. Nakakatagal naman siya ng hanggang gabi dito pero ngayon maaga siyang uuwi.

"Sige po. Hintayin ko nalang si Myco"

"Hindi mo yata kasama 'yung kaibigan mo"

Napansin na naman niya na wala si Jewel. Palagi niya akong nakikita na kasama 'yung bakulaw na 'yon e, ngayon lang talaga hindi. Kailangan niyang magpaka-kuya sa mga kapatid ko ng mga tatlong linggo.

Isang linggo nalang naman ang kailangan niya para gawin 'yon.

"Susunduin po kasi 'yung kapatid ko"

"Ah gano'n ba, sige I'll go ahead. Kung may kailangan ka may nurse naman sa labas na nagbabantay"

"Sige po, ingat po sa pag didrive"

Isa lang talaga ang kailangan kong gawin ngayon, mag-aral ng mabuti para madali akong makasakay sa barko. Bibili ako ng kotse, nakakabawas sa pagkalalaki ko na mas marunong mag drive 'yung girlfriend ko kesa sa'kin.

Ako pa ang tinuturuan na magmaneho.

Nagkaroon lang ng lisensya nakakarating na kung saan-saan.

Pumunta na ako sa kwarto niya, dahil siya lang naman 'yung tao na nandoon hindi nakakailang na magtagal ako sa loob.

Kapag kasi nandito 'yung nakatatandang kapatid niya, si Myco, napapatahimik nalang ako kahit kinakausap niya ako.

Kinakabahan ako na kapag may nagawa akong mali bigla nalang may sabihin na nasa batas at ikulong pa ako o kasuhan. Kapag nga raw pinagpalit ko sa iba 'yung kapatid niya mararanasan ko 'yung tinatawag na Reclusion Perpetua.

Nag papa-good shot na nga ako sakanya, kapitan kasi ng barko 'yon may pag-asa pa na baka maipasok agad niya ako. Nagpapakabait talaga ako.

"Hi, kumain ka na?" tanong niya s'kin pagpasok ko sa loob.

Palagi nalang niya akong nauunahan sa pagtatanong ng ganyan.

"Alam mong pupunta ako?"

"Hindi na kailangang alamin, pupunta ka naman talaga 'di ba?"

"Pa'no kung 'di ako pumunta?"

"Gagawa ka ng paraan, sabi mo 'yon"

Kung minsan napapaisip nalang ako na mas matanda siya sa'kin.

Siya 'yung mas malawak ang pang-unawa sa'ming dalawa.

Hindi ko man lang narinig na may sabihin siyang 'nagseselos ako sakanya, layuan mo siya' o kaya naman nagalit kasi nahuli ako ng dating sa usapan naming oras.

Sa'ming dalawa talaga siya 'yung mapagpasensya.

Kahit ilang beses na 'kong nainis doon sa palagi niya kasama, sasabihin niya lang na 'kaklase ko', 'kaibigan ko lang 'yon' wala na akong magagawa. Sa totoo naman, ako lang 'tong malakas magselos.

"Gusto mo nang umuwi?" tanong ko sakanya.

"Iuuwi mo na 'ko sainyo?" parang walang sakit kung makapagbiro.

"Baka naman pumayag 'yung Kuya mo. Sa bahay niyo, hindi ka ba naiinip dito?"

"Sobrang naiinip na. Uwi na tayo mamaya"

Gusto ko na rin naman na umalis na siya dito. Ako lang 'yung naaawa sakanya, sa kalagayan niya.

Isang araw lang na hindi siya nakapagparamdam tapos ganito na 'yung nangyari sakanya. Dalawang linggo na halos siyang nakakulong lang dito, walang ibang pwedeng gawin kundi matulog at kumain.

Kung wala pang bibisita sakanya hindi siya mabubuhayan ng loob. Pakiramdam daw niya kasi mamamatay na siya no'ng nag 50-50 sya.

Nagising na lang siya kasi umiiyak 'yung mommy niya at sobra namang natuwa kasi nagising pa siya. Nag-iisa na nga lang na babae kukunin pa agad sakanila, hindi ko rin naman alam kung paano ako mag rereact kung mawawala agad siya.

Hindi pa nga siya nakikilala ng mga kapatid ko gano'n na agad ang mangyayari.

Salamat pa rin kay Bro kasi hindi niya kami binigo sa mga dasal namin sakanya.

"Ano na namang tumatakbo sa utak mo?" tanong niya sa'kin, nakatingin lang kasi ako sakanya. Kapag ganitong inaantok ako nawawala talaga ako sa sarili.

"Sa sabado kaya nandito ka pa rin?"

"Anong date na ba ngayon?"

Sinasabi ko na nga ba, wala siyang ideya sa araw ngayon at sa mga nangyayari sa labas.

Sabado—first year anniversary namin 'yon.

Foundation week rin namin sa sabado, pangalawang araw.

Plano pa naman niyang pumunta sa school.

"January 23 na"

Kasasabi ko palang ng date ngayon hindi na niya alam kung paano magrereact sa sinabi ko.

"Shit, seryoso ka?"

"Mukha bang nag joke lang ako?"

"Sungit, boyfriend ba talaga kita?"

Sa tuwing itatanong niya iyan hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

Hindi ko rin inaasahan na sasagutin niya ako, nag take lang ako ng risk.

Nahiya pa nga akong kausapin siya no'ng magkita kami sa school, nakalimutan ko na rin kung bakit siya nasa school no'ng araw na 'yon.

Wala na kasi akong naririnig sa mga sinasabi niya, nagsasalita siya pero wala akong naririnig. Nakatingin nga lang ako sakanya.

Kung hindi pa dahil kay Jewel hindi ko malalaman na nasa school siya.

Nakita niya kasing naglalakad siya na mag-isa papunta sa student's council office ng school namin. Inakala pa ni Jewel na nag-aaral rin siya sa school namin.

"Tingnan mo, 'pag ako 'yung nang-aasar sa'yo para ang bilis mong mapikon" nagrereklamo na naman siya,

Sa'ming dalawa naman siya na ang nang-asar siya pa ang unang napipikon.

Kahit may pagkamakulit ang isang 'to mabilis rin magtampo kapag hindi ko nasabayan ang trip niya.

"Oo na, pagaling ka nalang agad. Para makapunta ka sa school"

"I will. Bibilisan ko pa na maging okay, miss ko na ang school"

"School ba talaga?"

Kapag ganyan ang mga ngiting ginagawa niya nagmumukha siyang walang sakit.

Ang hilig mang-inis.

Alam kasing nagseselos ako sa tuwing binabanggit 'yung pangalan ng lalaking 'yon.

"School talaga, ang dami kong naiwang lessons. Hirap humabol"

"Kaya mo 'yon, tulungan kita"

"Sus. Papogi ka na naman, may tutor ako kapag Friday"

Tutor?

Wala akong nabalitaan na may kinuhang tutor 'yung mommy niya.

Hindi ko rin nakikita na pumupunta dito ang sinasabi niyang tutor.

"Kumukunot na naman noo mo. Tutor talaga 'yon, hindi si Gelo"

"Wala naman akong sinasabi na sya 'yon" pagtanggi ko.

Siya lang naman unang papasok sa utak ko na pwede niyang tutor.

Kung pareho lang kami ng course nito baka naturuan ko na sya matagal na.

Kahit wala ng bayad, araw-araw akong magtuturo.

"Yiee si cheesecake nagseselos na naman. Ang cute mo talaga 'pag nagseselos"

Cheesecake?

Talagang pinanindigan niya ang cheesecake, mabuti at kaming dalawa lang ang tao dito sa loob. Kung kasama ko si Jewel ngayon nagsisimula na siyang mang-asar.

Sa dami naman kasi ng pwede niyang itawag sa'kin bukod sa pangalan ko naging cheesecake pa.

"Hindi na ba magbabago 'yon? Cheesecake talaga?"

"Ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw pero...okay. Kailan ba ako nanalo sa'yo?"

Nanaginip lang daw siya na marami akong binigay sakanyang cheesecake kaya naging ganyan na ang tawag nya sa'kin.

Kapag talaga sinusubukan kong gamitin ang tawagan na 'yan sinusigurado kong wala si Jewel sa paligid. Mas maganda ba daw kung keso nalang ang itawag ko sakanya, wala naman akong magagawa kasi 'yon ang gusto niya. Sumusunod lang ako.

"Yehey! Cheesecake na talaga, 'pag bake mo 'ko ng gano'n 'pag mabilis akong nakarecover ah?"

"Nix, marine engineering 'yung course ko hindi culinary arts"

"Bawal na mag-aral mag bake? You'll try 'di ba?"

Susubukan.

Kung makakaluto ako na makakabuo ng makakain nyang cheesecake.

Kailan ko ng tulong ni Leslie at ni bakulaw, kahit ang sarap nyang palayasin sa bahay may silbi naman sya pagdating sa pagluluto.

"I will but don't expect too much"

"I won't. Gusto ko na syang makita"

Seryosong usapan na, paano 'ko ba sya ipapakilala kung magkakilala na naman sila.

Nag-aabang lang naman ako ng tamang tiempo.

Pinapakiramdaman ko rin yung kapatid ko kung anong maaari nyang masabi sa'kin kapag pinakilala ko na sila sa isa't isa.

Kung si Kitt lang naman din ang ipapakausap ko, walang kaso sakanya. Baka saglit palang silang nagkita magkalaro na sila kaagad.

"Kaya nga magpagaling ka agad, ipapakilala na kita"

"Di nga?"

"Ayaw mo? Sa foundation day isasama ko sya sa school"

Kita naman sa reaksyon ng mukha nya na gulat na gulat sya sa sinabi ko. "Gano'n ka bilis?"

"Kailan mo ba gusto?"

"Kapag sa tingin natin okay na ang lahat, baka kasi hindi nya ako magustuhan o kaya naman..basta..ang dami kong naiisip na pwedeng mangyari"

Ngayon pa ba?

Nagawa nyang makilala sina mama at papa. Wala naman naging problema sakanilang dalawa. Okay naman kami pareho sa mga magulang namin, maliban nalang talaga sa kuya nya at mga kapatid ko.

Parang ang sakit ko na nilalang sa mata kapag nakikita ng kuya nya e.

O ako lang ang nag-iisip ng gano'n?

"Anong oras ba dadating si Myco?"

"Myco na ngayon, plastik. Sumbong kita do'n"

"Ayaw naman nyang tinatawag ko siyang Kuya Myco, hindi daw kami magkapatid"

Magmumukha lang na magkapatid kaming dalawa kapag tinawag ko siyang Kuya.

Kapag naman tinawag ko siyang Sir Myco, ayaw niya rin kasi pinapamukha ko naman daw na sobrang tanda niya kahit totoo naman.

Ang gulo nga. Hindi ko na alam ang itatawag ko sa kapatid niya. Cheesecake nalang din kaya? Baka mabigyan ako ng black eye no'n.

"I'm just kidding, siguro on the way na 'yon. Bawal ba talaga akong gumamit ng phone? Nakakabagot na talaga dito"

"Huwag makulit, mahahawakan mo rin 'yon 'pag okay ka na?"

"Miss mo na 'ko?"

"Hindi"

Dalawang linggo na siyang hindi nagtetext at tumatawag, sino ba naman hindi makakamiss sakanya no'n. 'Yung mga kaibigan niya nga na hindi lang siya nakita ng ilang araw sobrang namimiss na siya ngayon. Ako pa kaya na nakasanayan ng kausapin siya araw-araw kahit walang kakwenta-kwenta ang mga pinag-uusapan namin at kahit paulit-ulit na, hindi ako nakakaramdam ng pagkasawa.

"You're good at faking emotions 'no? Kaya hindi ako kinikilig sa'yo. Balikan mo na lang ex mo"

Naungkat na naman ang issue sa nag-iisang ex girlfriend ko. High school palang ako no'n, malay ko nga na may naging ex girlfriend na ako.

Sinabi nalang sa'kin nung babae na makikipaghiwalay na daw siya sa'kin.

Daig ko pa talaga ang napikot no'ng araw na 'yon. Saan siya nakakuha ng lakas ng loob na makipaghiwalay sa taong hindi alam na boyfriend niya 'to.

"Hindi daw" mas lumapit ako sakanya para doon maupo sa tabi ng kama, "How come that I get the yes of this beutiful girl beside me?" pinaka ayaw niya sa lahat kapag sobrang malapit ako sakanya. Naiilang daw siya sa'kin kahit na boyfriend niya pa ako. Hindi lang daw siya sanay na sobrang clingy ko kung minsan.

"Masamang espirito layuan mo si cheesecake. Seryoso na 'ko, 'di na ako mag jojoke. Layo na kasi" tinutulak niya ako palayo.

"Wala pa nga akong ginagawa sa'yo"

"Kenn, seryoso na talaga ako. Hindi na kita biburuin, masama kang mainis. Alam ko 'yon, kaya please lang...layo na. Bata pa ako"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumawa na talaga ako. Gusto na nuyang magtago sa ilalim ng kumot, para siyang batang nakakita ng multo. "HAHAHAHAHAHAHAHA. Yayakapin lang naman kita miss na kita, 18 ka na oy. 'di ka na bata pwede na nga tayong ikasal"

Hindi pa rin nababago 'yung tingin niya sa'kin.

Kamukha na siya ni Ursula ngayon. "Ayusin mo 'yang utak mo, Kuya! Makikipaghiwalay ako sa'yo"

"Nasaan si Myco?"

"Oshit. Malala ka na, what the hell happened to you?"

"Namiss lang talaga kita. Miss na rin ng mga kamay ko 'yung kamay mo"

Ang korni ko.

Pero siya na rin ang nagsabi sa'kin na 'Your hands are made to hold mine'.

"Boss, nandito ka na naman?"

This is shit. Nandito na si Myco. Kailangan ko na naman gawin ang salute for my future brother-in -law.

Tuwang tuwa na 'yung isang bata dito sa tabi ko, pwede na niyang ipagawa lahat ng gusto niya sa'kin. Kapag nandito kasi 'tong si kapitan hindi ako makatanggi kahit ilang beses pa niya akong paakyatin at pababain ng hagdanan.

"Maaga po kasing umuwi si Tita kaya ako na ang nagbantay sakanya"

"Aba, talagang nagpapagood shot ka pa rin sa'kin, 'no? Kumusta pag-aaral mo?"

"Ayos naman po, graduating na"

Nakatingin lang siya sa'min ng Kuya niya, pinapanuod niya kaming mag-usap.

Pangiti-ngiti nalang siya sa isang tabi. Kitang kita ko reaksyon ng mukha niya sa gilid ng mga mata ko.

Trip na trip ako nito kapag kausap ko si Myco.

"Kailan ang kasal?"

"Kuya! Kasal ka dyan, antayin mo naman na makagraduate ako" pagrereklamo niya.

"May sakit ka 'di ba? Bakit ang taray mo pa rin?"

"Magaling na 'ko. Uuwi na nga ako"

"Mas mauunang uuwi 'tong boyfriend mo"

Hanep talagang magtaboy 'tong si Myco. Huwag naman niyang ipahalata na ayaw niya sa'kin. Tinatago ko na nga lang sa sarili ko na ayaw ko rin sakanya, respeto naman.

"Kadarating niya lang, Kuya. Sabay na kayong umuwi mamaya" pagkontra sakanya ni Nix.

"Osige, saglit lang naman dapat ako dito pero sige, babantayan ko na rin kayong dalawa. Baka kung anong milagro ang ginagawa niyo dito"

Wala pa nga akong ginagawa.

Mga iniisip ni kapitan, hindi pa nga nakakadamoves dumating na siya agad. Sana man lang nagpatraffic pa siya sa labas o kaya naman hindi na muna siya pumunta dito.

Nawalan tuloy ng pagkakataon.

"Kuya, umuwi ka na nga lang. Isama mo na si Kenn, pareho ko kayong hindi maintindihan"

Saglit palang kaming nag-uusap pero bakit ang bilis ng oras?

Ang tagal ko na pala dito sa loob.

"Nix, uuwi na ako susunduin ko pa si Kitt. Babalik nalang ako bukas"

"Agad? Pwedeng mamaya ng konti?"

Magbabyahe pa kasi ako. Kung malapit lang dito 'yung school ng batutang 'yon pwede na mamaya pa ako umalis.

Kaso malayo, malapit lang kasi sa bahay kaya mas malayo kung magmumula pa rito sa ospital.

"Monica, magkikita pa naman kayo bukas payagan mo na. Kahit maghapon kayong magkasama bukas pwede pa"

Napayuko nalang siya sa sinabi ng kapatid niya.

Problema lang kasi baka hindi rin ako makapunta bukas dito.

Card giving kasi nila Kitt, ako ang kailangan kumuha. Mas meeting pa bago magbigay ng card.

"Okay, ingat" pagpapaalam niya sa'kin na hindi ako tinitingnan.

"Sige na magpaalam ka na rin, huwag lang madrama boss hindi ka bading 'di ba?"

Umiling ako agad. Kapag naging kapitan rin ako ng barko tatawagin na rin akong boss. Tunay na boss na talaga.

"Alis na 'ko, Nix"

"Gano'n nalang 'yon? Akala ko pa naman hahalikan mo sa noo o kaya yayakapin. Wala ka pala e"

Si Myco ba talaga 'to?

No'ng una niya akong makita na kasama si Nix halos palayuin ko sa kapatid nya ng limang kilometro tapos ngayon nasabi nya pa 'yon?

Nakakahiya naman kasi sakanya, kapag si tita ang nandito o 'yung asawa niya hanggang 'Sige ingat' lang talaga ang pagpapaalam ko.

"Ano kasi po-"

"Dumaan din ako sa ganyan, alam na alam ko na 'yang mga ganyang galawan. Lalabas nga muna 'ko, nasisira ko na moment niyo. Magpapaalam lang, boss. Ayusin mo"

"Sige po" takot ko nalang sakanya kung hindi ako mag-aayos.

Sa laking tao nito nakikita ko na sa hinaharap ang magiging hitsura ni Jewel kapag naging kapitan rin siya ng barko.

Katatakutan 'to sa daan kung gabi.

Pagkalabas ni Myco ng kwarto kinausap niya na 'ko "Babalik ka bukas 'di ba?"

"Susubukan kong bumalik"

Sabay-sabay kasi ang mga gagawin.

May foundation pa next week ang school namin kaya naghahapit 'yung mga professors sa pagtuturo para umabot sa exam week namin.

Ang dami ko pa rin kailangang ayusin para sa graduation. "Okay lang kahit 'wag ka na pumunta, I understand na busy ka"

"Papuntahin mo nalang si Gelo dito bukas"

Para magkaroon siya ng makakausap. "What?"

"Hindi ka bingi, alis na 'ko baka kung ano nang iniisip ng kuya mo sa labas"

"I know he's listening. Eavesdropper 'yon, cheesecake"

Napapangiti rin naman ako ng cheesecake niya. Kung kailan seryoso siya tsaka niya babanggitin 'yon. Natatawa nalang tuloy ako.

"Cheesecake...I think it's time for me to get used to it. See you later or the next day, Nix. I love you"

No saying good byes just see you later, tomorrow or the next day.

And I gave her the sweetest kiss a guy could give to his girl.

"I know. You take care and don't forget my cheesecakes, okay?"

We're living in the world full of love in slow motion.

--

LESLIE

Breathe clear and let it out. Kanina ko pa nagawa ang inhale at exhale na 'yan hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako.

Hindi ko pa rin sinasabi kina kuya at Jewel na may sasalihan akong event sa school. Mang-aasar lang ang mga 'yon. Si mama lang ang nakakaalam sa bahay, 'wag na rin ipaalam kay Kitt kasi mas madaldal pa siya sa'kin.

Maswerte na sana ako ngayong araw dahil excuse ako sa lahat ng klase namin ng dahil sa pictorial, ang masamang balita...walang magkaklase ngayong araw.

"Go girly! Kami ang number 1 and 2 cheerleader mo" pagsuporta nila Diwata sa'kin.

Si Angel kasama si Joshua, tinotoo pala ng lalaki na 'yon na gagawa siya ng banner para sa'kin.

Nandoon silang dalawa sa pagawaan ng tarpaulin.

"Hanggang pag chicheer nalang ba kayo? Kinakabahan pa rin ako"

"Kaloka naman ang baklang 'to, pictorial palang, 'te. Hindi pa pageant"

"Be confident, pretty ka kaya. Brainy pa o 'di ba ikaw na talaga, girl"

Pag-uuntungin ko ang dalawang 'to.

Wala ng ibang ginawa kundi ang mag cheer at mambola. Wala namang nababawas na kaba sa'kin.

Confident na lecheng 'yan. Paano ako magiging confident kung ang gaganda ng mga kalaban ko? Higher year pa 'yung iba, mas may experience na siguro.

"Oo na, confident na nga ako ng lagay na 'to"

"Girl, ang dami ng laman ng box mo para sa charity ng school" pagmamalaki ni Diwata, hindi nila dala 'yung box ngayon nasa faculty room daw. Iniwan nila doon para hindi mawala pero kukunin ulit nila mamaya.

"Magkano naman nilagay nyo?" tanong ko sakanilang dalawa.

Nagtinginan sila "Ay, kailan ba namin magbigay?"

'yung blood pressure ko tataas ng dahil sa dalawang 'to. Kung sino sinong hinihingian nila kahit hindi nila kilala tapos silang dalawa kahit piso wala pang nabibigay? Kaloka.

"Baka naman balak niyong magbigay, hindi naman para sa'kin 'yon"

"Ay wait lang, Les. Punta muna kami sa faculty room"

Mabuti 'yan, umalis muna sila sa harapan ko.

Hahanapin ko muna si Ralph ngayon. Kailangan kasama ko sya kapag inayusan kami.

--

"Bakit 'yung sainyo t-shirt lang tapos pants?" pagrereklamo ko kay Ralph.

Ang unfair ng suot namin, pareho lang naman kami ng suot ng t-shirt. Blue tee na may design ng pageant theme ngayon tapos may nakalagay na candidate sa likod ng shirt.

Ang kinapuputok ng butsi ko dito bakit naka short ang mga babae tapos 'yung tee na suot namin hanggang makalagpas dibdib lang. Kita ang pusodbels ko. Nakakailang.

Hindi ko alam kung payat lang ba talaga ako o mukhang tingting na 'tong katawan ko.

"Pinapatawa mo 'ko, gusto mo naka boxers kami?"

"Hindi naman pero kasi...tingnan mo naman 'yung suot ko"

Mas pinaiksi pa ng handler ko. Bagay naman daw sa'kin 'yung ganito, wala kasi akong masyadong taba sa tiyan.

"Bagay sa'yo. Huwag mo ipahalatang naiilang ka sa suot mo"

Ngayon lang kasi ako magsusuot ng ganito.

Napapakamot nalang ako sa ulo.

Nasaan na kasi sina Diwata? Kung saan-saan nakakarating ang mga 'yon.

"Les, dito ka na. Ayusin ko na buhok mo" tawag sa'kin ng handler ko.

Bakla rin siya pero mas bakla sina Diwata kaysa sakanya.

Kinikilig sina Dyosa at Diwata kay Ralph pero 'tong handler ko kalmado lang kapag kaharap na si Ralph, kinukulit pa naman siya ng lalaking 'to kapag nagsawa na akong kausap siya.

Dito kami sa classroom inaayusan, walang masyadong gagawin sa partner ko kasi lalaki naman sya. Isang ngiti niya lang pak! Tapos na ang pictorial, sa mga babae, kailangan maayos ang buhok at naka make up.

Magsusuot nga rin ako ng high heels. Hindi na naman ako sanay sa gano'n. huling pagsuot ko no'n ay JS prom namin no'ng fourth year.

"Ako?" tanong ni Ralph sa handler namin.

"Maupo ka muna dyan, pagagandahin ko ang partner mo"

"Maganda na 'yan, ayusan mo lang"

Na-flattered naman ako sa sinabi niya.

Bolero kasi ang isang 'to, hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya.

Habang inaayusan ako ni handler dumating na sina Diwata dala na yung box.

"Girly, omg! Sobrang dami na nitong laman" kaagad na sinabi sa'kin ni Dyosa nang makaupo sya sa tabi ko.

"Kainis si Giobels, hindi nagbigay" himutok ni Diwata.

Si Gio hindi nagbigay? Grabe naman siya.

"Bakit daw?" tanong ko naman.

"Ayaw niya daw"

Siguro kasi ako 'yung lalaban, kung si Aica siguro ang ilalaban namin ngayon baka siya pa ang kauna-unahang nag donate.

Hindi ko pa nga ulit nakikita si Gio.

"Hayaan mo na sya, huwag mo nalang isipin" –Dyosa.

Okay lang naman, wala namang pilitan sa'min. Kung gusto mo lang magbigay pwede. Kung ayaw mo naman, di ka namin pipilitin.

Pero, kaklase ko kasi sya. Bakit naman gano'n? parang ayaw nya akong suportahan. Hays.

---

Nakapag pictorial na kami. Saglit lang naman yung ginawang pictorial, may picture na magkasama kami ni Ralph tapos may tig-isa kami na magkahiwalay para sa banner.

May isang magkakasama naman lahat ng candidate, ilalagay kasi 'yon sa labas ng school. Yung mga pictures naman na isa lang kami, sa loob ng campus sa labas ng bawat building.

Nakapag practice na rin kami ng isang beses lang. nagmamadali na kasi yung organizer ng event dahil may anim na araw nalang kami para mag practice. Sa huling araw pa naman ng foundation ang pageant, 'yon ang pinaka main event.

"Kain muna tayo?" tanong ni Ralph sa'kin, binigyan kami ng thirty minutes na break para makapag-ayos at kumain.

Hanggang sa practice 'to pa rin ang suot namin na damit. Plus ang mataas na heels.

"Mauna ka na lang, kukunin ko pa 'yung flats ko sa room. Sakit na sa paa ng sapatos na 'to"

"Ilang inches ba 'yan?"

"Five?"

Nakakaawa kasi ako, ang liit ko kapag katabi si Ralph kaya ganitong kataas ang sapatos na suot ko.

"Taas, patangkad ka. Sige una na 'ko, kita tayo sa gym mamaya"

Aww. Pinaka ayaw kong advice ang patangkad na 'yan e. ilang buwan nalang 18 na ako, may pag-asa pa naman siguro akong tumangkad.

Hindi rin naman ako gano'n kaliit. Sadyang matatangkad lang ang mga lalaking kilala ko.

Dumiretso na ako sa room para kunin muna ang sapatos ko. Gusto ko na rin magpalit ng damit, para naman akong model nito na pakalat kalat sa campus.

Sana hindi nawala doon ang sapatos ko. Umuwi na agad sina Dyosa, si Angel naman hindi ko na rin nakita.

Wala naman sigurong nagklase na kanina, lahat naman ng prof. busy na kanina.

Pagpasok ko ng room, leche, anong ginagawa niya dito? Doon pa talaga siya nakauwi sa upuan ko.

"Oy" bati niya sa'kin, oy siya dyan. Che! Hindi ka nagbigay doon sa donation box tapos may gana ka pang bumati ng oy? Wow lang.

Hindi ko siya pinansin, kinuha ko lang yung sapatos ko. Pati na rin 'yung naiwan kong paper bag na may lamang pamalit kong damit mamaya.

"Sungit" rinig kong sinabi niya.

"Pareho lang tayo"

"Nag practice na kayo?"

Aisht! Yung damit nga pala na suot ko, nahiya naman ako. Gusto ko tuloy ibaba yung tshirt ko "Oo" sagot ko sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, wala naman kaming klase kanina. Siya nalang ang natira na kaklase ko sa room.

"May hinihintay" pero tumayo na rin sya pagkasabi nya no'n, "Mukhang hindi naman na darating, sabay na ako sa'yo palabas. Pauwi ka na?"

Umiling lang ako. Mga alas sais pa kami matatapos. Papasundo nalang ako kay Kuya o Jewel mamaya.

Nauna na siya sa'kin na lumabas ng room, inayos ko muna 'yung tshirt ko. Binaba ko muna siya, ipapaayos ko nalang sa handler ulit mamaya. Naiilang ako kay Gio. Parang hindi siya makatingin ng ayos sa'kin kapag kausap ako.

"Anong oras uwi mo?"

"Six? O seven? Depende"

Wala naman siyang sinabi. "Ako na" kinuha niya 'yung paper bag na dala ko.

"Ako na, magaan lang naman"

"Ako na" hawak niya na rin naman 'yung bag, tapos ayaw pang ipaagaw sa'kin.

Hinayaan ko nang dala niya.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko, naglalakad kami pababa na walang nagsasalita kaya ako na nagtanong, mahaba habang lakaran pababa ang galing sa third floor.

"May hinintay ako, pauwi na rin ako mamaya"

Wala naman siyang kausap kanina. Sabi niya rin na hindi na dadating 'yung hinihintay niya.

Nauuna pa rin siyang maglakad sa'kin, ang bilis naman kasing humakbang nito.

Likod nalang niya ang tinitingnan ko. Ang linis tingnan ng kulay putting tshirt sakanya. Kahit naka tshirt lang siyang puti araw-araw, wala kasi kaming uniform, sakanya. Nagbabago lang 'yung tshirt nya kasi nagkakaroon ng design.

"Les" may tumawag sa pangalan ko. Napatigil pati si Gio sa paglalakad.

Paglingon ko sa likod, OMG! Harvey!!

Kalma. Huwag kang mamumula. Kalma lang. "Bakit?" tanong ko sakanya.

'Yung puso ko, tumatalon na naman kahit hindi bagong taon. Nagmomove on nga ako. Bakit ka ganyan?

"Panyo mo, sa'yo yata 'to" hawak niya 'yung violet kong panyo.

Sa'kin talaga 'yan, mag burda pa ng pangalan ko 'yan at kulay violet, ako talaga may-ari niyan.

"Sa'kin nga, thanks" inabot nya sa'kin 'yung panyo at kinuha ko lang 'to na parang hindi kinikilig ang mga laman loob ko.

"You're welcome, good luck sa'yo" pwede na akong kiligin kasi umalis na siya.

Naman e! Bakit ganyan siya? Wala na akong nasabi nang magsalita ulit siya kanina bago umalis, sinabihan niya ako ng good luck. Jusko, pwede na akong matalo.

"Nakalayo na, tinitingnan mo pa rin"

Balik sa realidad, nagulat ako sa pagsasalita ni Gio. Bigla nalang siyang napunta sa harapan ko. Nakatingin rin siya sa daan na pinuntahan ni Harvey.

"Sorry naman, nabigla kasi ako sakanya"

"Siya 'yung Harvey?"

"Paano mo nalaman?"

"Namumula ka kanina habang kausap siya, 'di naman mainit ah"

Napahawak nalang ako sa pisngi ko.

Namula talaga ako?

Nakakahiya kay Harvey, sana hindi niya napansin. Lumalandi na naman ang mga mata ko.

"Oy, Gio saglit" nang-iiwan nalang siya bigla.

Kainis naman.

--

Pagdating namin ni Gio sa gym, sumama pa rin siya hanggang sa gym dahil dala niya si paper bag ko, nakapila na 'yung mga kasama ko sa pageant.

Nagmadali tuloy akong nagpalit ng sapatos. Ipapaayos ko pa tshirt ko, "Gio, sa'yo muna 'yan. Pwede?" binalik ko sakanya ang paper bag, wala kasi akong malalagyan dito na hindi ko makakalimutan. Baka kasi maiwan ko nalang mamaya kapag tapos na kami.

"Pwede. Dito lang ako"

"Manunuod ka?"

"Bawal ba?"

Naku naman, ayaw ko ng may audience na kakilala ko kaya ng pinauwi ko na sina Diwata. "Hindi naman sa bawal pero—"

"Les, halika ka na dito" rinig kong tawag ni Ralph sa'kin. "Psh. Sige na nga, diyan ka lang ah"

"Dito lang ako. Kaya mo 'yan" nakangiting sabi niya sa'kin.

Bawing bawi ka na sa hindi mo pag dodonate kanina.

"Kakayanin"

Go girly na talaga ngayon. Kailangan maging confident. Para sa BSA.

--

Someone's POV

-- Dear someone,

Am I close to you now? 'Cause I felt that everything I said all sound awkward. Hope it makes sense. —

--

LESLIE

"Hatid nalang kita"

Leche naman kasi si Ralph, may date pa pala sila ng girlfriend niya kaya nagmadaling umuwi. Paano naman ako?

Hindi ko matawagan si Kuya tapos wala rin akong number ni Jewel.

"Huwag na, gagabihn ka"

"Di ah, ayos lang. Tara?"

Sasabay ba talaga ako kay Gio?

Wala naman akong aabangan na dadating dito para sunduin ako e. "Seryoso ka, ayos lang sa'yo?"

"LESLIEEEEE! OY, BARNEY!"

Sabay pa kaming napalingon ni Gio doon sa tumawag sa'kin.

Dadating naman pala siya e, paano 'to nakapunta dito ng hindi ko naman sinabihan?

"Ang tagal mong lumabas, buti pinapasok ako ni guard"

"Kanina ka pa sa labas?"

"Oo, five ako dumating. Akala ko kasi five ka uuwi, anong ginawa mo dito?"

Tiningnan niya lang si Gio, wala rin naman sinabi si Gio sakanya.

"May practice kami kanina, uwi na tayo. Inaantok na 'ko"

"Ako rin, ang lamok doon sa labas. Wala pang malapit na comp shop, kanina ko pa gustong mag dota"

Oo na, ang dami pang sinabi e. Nagrereklamo lang siya na ang tagal ko lumabas ng school.

"Maiiwan mo pa 'to" inabot ni Gio 'yung paper bag ko, ay oo nga!

Kinuha na naman niya 'yon kanina matapos kong magpalit ng damit. Buti hindi ako nakita ni Jewel na nakasuot ng tshirt para sa mga candidates.

"Ay oo nga, salamat pala. Ingat ka pauwi"

Tumango lang siya tapos umalis na rin. Nauna pa talaga siyang mag walk out kaysa sa'min.

"Bakit mo naman kasama 'yon?" kung makapagtanong naman siya mala-Kenn the second.

"Masama? Kaklase ko, eh"

"Close kayo?"

Tinanong ko na nga rin 'yon sa sarili ko.

Alam ko na sagot ngayon, hindi pa kami gano'n ka-close..hindi siya nagdonate para sa'kin kasi wala lang naman ako sakanya. Seatmate lang sa ibang subjects at dakilang kaklase lang naman ako ni Gio.

"Hindi ah"

"E tayo, close ba tayo?"

"Ewan sa'yo! Uwi na kasi tayo"

Hinigit ko na siya palabas ng gym. Kanina ko pa gustong mahiga sa kama ko.

--

Continue Reading

You'll Also Like

76.4K 180 15
SPG
176K 9.9K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
Lilac Mist By ‎

Short Story

701K 23.3K 80
an epistolary