Kizuna: The Bond Between us

By sayuriMa

472K 3K 443

They didn't plan to be together but there will be bond that will unite them forever More

KIZUNA
Author's note
Prologue
Hit 1 ~The Future Boss
Hit 2 ~Popular Group
Hit 3 ~Relationship
Hit 4~ Missing Piece
Hit 5 ~Alter
Hit 6~ Trigger
Hit 7~ Other member
Hit 8 ~Conflict
Hit 9~Bully
Hit 10~ Decision
Hit 11~Yano's First Love
Hit 12~ Love Story of Cashmere
Hit 14~ The Party
Hit 15~RJ's First Date
Hit 16~ Apple Candy
Hit 17~Rumors
Hit 18~Public Apology
Hit 19~The Marriage
Hit 20~The Council
Hit 21~ The Break Up
Hit 22~How To Raise Child?
Hit 23~The Vacation
Hit 24~The Petal
Hit 25~New Faces
Hit 26~Number Eleven
Hit 27 ~Precious One
Hit 28~Ties
Hit 29 ~Glances
Hit 30~New Vows

Hit 13~ The Competition

7.8K 80 13
By sayuriMa

Nagsimula na ang Twelve Group Competition.

Ginanap ang opening ceremony nito sa loob ng auditorium.

Ang vice president ng student council ang naging host ng opening ceremony. Isa siyang magandang babae na matagal nang may gusto kay RJ, pero kahit minsan ay hindi siya napansin nito.

Sa opening ceremony, nagsalita ang isa sa boss ng Yamato Council. Si Boss Seo, ang tatay ni Jin. Isa itong guwapong lalaki na may magandang pangangatawan . May katandaan na ngunit hindi halata sa itsura. Paano ba naman, may ari ito ng isang sikat na kompanya ng cosmetic brand.

Isa sa pinunto nito sa kanyang speech ay ang tungkol sa moralidad ng mga kabataan. Nabanggit niya si Monique bilang isa sa mga kabataang babae na hinahangaan niya.

Napangiti si Monique. Isa iyong karangalan para sa kanya.

Idinagdag pa ni Boss Seo ang kaniyang kasiyahan dahil si Monique ang magiging asawa ng kaniyang anak.

Sinabayan iyon ng palakpakan ng mga estudyante. Boto kasi ang lahat sa relasyong Monique at Jin.

Tnawagan pa nga ng host sina Monique at Jin sa stage.

Nagkantiyawan ang mga estudyante, kaya napilitan ang dalawa na pumanhik na.

"Wow! Ang cute naman nilang tingnan. Bagay na bagay sila!" masiglang sabi ni Nino.

"Huh!" Umismid si Ivan bago tumalikod.

"Oh, Ivan! Saan ka pupunta?" tanong ni Nino.

Hindi siya pinasin ng lalaki. Umalis ito palabas.

"Sandali, Ivan!" tawag ni Nino.

Dito na napansin nina Rina, Yano at Yamapi ang paglabas ng kanilang kasama.

"Anong nangyari sa kanya?" Nagtataka si Nino. Madalas kasi niyang makita si Ivan na laging nakangiti. Ngayon lang ito nagkaganoon.

"Sundan mo siya!" utos ni Yano.

"Susundan ko?" ulit ni Nino.

"Bingi ka ba? Gusto mo ulitin ko pa?"

Galit na si Yano kaya nagmadali na si Nino sa pag-alis.

Naisip ni Nino na wala namang ibang pupuntahan si Ivan kundi sa silid ng grupo nila kaya doon na siya nagpunta.

Nakita niya roon si Ivan na nakaupo sa may bintana.

"Ivan, ayos ka lang ba?" tanong niya.

Hindi sumagot si Ivan. Ni hndi nilingon si Nino.

Lumapit sa kanya si Nino. Ang totoo ay may hinala na si Nino kung bakit bigla itong nag-walk out. Siguro ay may gusto ito kay Monique, pero hindi siya sigurado.

"Oo, gusto ko siya!" biglang sabi ni Ivan.

Napanganga si Nino. Kailan pa natutong magbasa ng isip si Ivan? Pero hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay ang sinabi nito.

"Talaga? May gusto ka kay Miss Monique? Pero girlfriend na siya ni Jin, paano 'yon?" May pag-aalala sa tono ni Nino.

Umismid si Ivan. "Ako ang totoong mahal ni Monique!" amin nito.

"Ano?" nagulat si Nino, pero unti unti'y parang naiintindihan na rin niya. Maaaring katulad lang ito ng mga napapanood niya tungkol sa dalawang tao na pinagkasundo na may iba naman talagang mahal.

***

"Nasan siya?" tanong ni Monique nang makababa na sila sa stage.

"Kasama siya ni Nino. Sa tingin ko nasa room natin sila," sagot ni Rina.

Tumakbo na agad si Monique paalis.

Sinundan lang naman siya ng tingin ni Jin.

"Hindi mo ba siya pipigilan?" tanong ni Rina kay Jin.

Ngumiti lang si Jin. Ngiting nagpapahiwatig na walang rason para pigilan niya ang dalaga.

"Kaya siya nawala sayo, dahil sa ugali mong 'yan!" sabi ni Rina.

"Ivan!"

Humahangos na dumating si Monique sa silid ng grupo nina Yano.

"Monique?" Mukhang hindi makapaniwala si Ivan. "Bakit ka nandito? Bakit mo iniwan si Jin?"

Mahigpit na yakap ang naging tugon ni Monique. "Huwag mo sanang isipin na hindi ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita, Ivan."

Mukhang kailangan nilang mag-usap kaya nagpasya si Nino na lumabas. Maingat niyang isinara ang pintuan.

Pagkalabas niya ay nakita niya si Yamapi.

"Yamapi..."

"Ngayon alam mo na. Nabigla ka ba?"

Napakamot ng ulo si Nino."Medyo."

"Isa ito sa mga sikreto ng grupo namin. Ang relasyong Ivan Delamare at Monica May Reyes. Sana ilihim mo ito."

Hindi na kailangang pakiusapan pa ni Yamapi si Nino. Siyempre, hindi niya iyon ipagsasabi.

Pero si Yamapi kaya?

Napatingin si Nino kay Yamapi.

May girlfriend na rin kaya ito?

"Bakit mo ko tinitingnan?" tanong ni Yamapi.

"Ah, wala. Iniisip ko lang kung may girlfriend ka na rin?"

Isang mahabang pause, bago nakasagot si Yamapi. "Oo, dati."

***

Twelve Group Competition

First game: KARATE

Mabilis naipanalo ni Ivan ang laban at alam ng mga kasama niya na dahil iyon kay Monique. Ito ang naging inspirasyon niya.

"Ipapanalo ko ang laban, sa ngalan ng kulay platinum kong buhok!" pangako ni Ivan. Platinum na uli ang buhok niya. Iyon kasi ang kulay nito nang una niyang makilala ang pinakamamahal na si Monique.

Bukod kay Ivan, mabilis din naipanalo ni Jin ang laban niya sa Judo. Si Rina sa Aikido at siyempre si Yano sa Kyudo.

Maganda rin ang performance ni Yamapi sa kendo.

Nang sumunod na araw, nagpatuloy ang kompetisyon.

Mahuhusay ang lahat ng kalahok, ngunit walang sinoman ang nakalamang sa grupo ni Yano.

Nagawa ni Ivan tuparin ang panagako niya. Siya ang nagkampiyon sa larangan ng karate. Napataob naman ni Jin ang lahat ng humamon sa kaniya sa judo. Sa Aikido, bagama't babae ay si Rina pa rin ang nagwagi. Sa Kyudo naman, walang kahirap hirap nakuwa ni Yano ang kampiyonato.

Ang natitira na lang na laban ay ang kendo.

Kapag nanalo rito si Yamapi, automatic na ang pagiging kampiyon ng grupo nila, ngunit kapag natalo siya posibleng mag-second o third na lang sila. May puntos din kasi ang music performance sa last day at hindi sila umaasa na manalo roon.

"Hindi ka na ba talaga pupunta rito? Last day na ngayon."

Tinawagan ni Cashmere si Mia para alamin kung pupunta pa ito sa school. Mula kasi nang magsimula ang competition ay hindi pa ito nagpapakita.

"Pasensiya na Chen Yin, hindi ko na talaga kakayanin na makapunta riyan. Umalis kasi ang parents ko kaya ako ang nagawa rito sa bahay. May mga assignment din ako na kailangan ko pang tapusin."

Ang daming dahilan ni Mia.

"Sige, ganito na lang. Pagkatapos ng game ngayon, pupunta ako sa bahay n'yo. Tutulungan kitang gumawa ng mga homework."

"Talaga Chen Yin? Ang bait mo talaga. Salamat," masayang sabi ni Mia habang nasa kabilang linya.

"Sasabihan ko na rin si Cashmere. Siguradong sasama rin 'yon."

"Sige."

"Kita na lang tayo mamaya. Bye."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon, hinanap na agad ni Chen Yin si Cashmere.

Pinuntahan niya ito sa office ng student council pero wala ito roon. Wala naman siyang mapagtanungan dahil sobrang busy ng mga tao na naroon.

Naisip niya na tawagan na lang ito, pero hindi sumasagot kaya tinext na lang niya.

"Cashmere, pupunta ako kina Mia mamayang 5pm. Sama ka?"

Hinintay niya ang reply nito, pero wala.

Hanggang sa i-announce na ang huling laban.

Last game: KENDO (championship)

Laban ni Yamapi.

Hindi kaya naroon si Cashmere? Biglang naisip ni Chen Yin.

Hindi naman siya nagkamali.

Kabilang nga si Cashmere sa maraming mga manonood na nakaabang sa laban ni Yamapi.

Inasahan ng lahat na ito na ang mananalo, pero hindi.

Natalo ito ng isang puntos.

***

Nagdiretso si Yamapi sa dressing room pagkatapos ng laban.

Music showdown na ang susunod kaya kailangan niyang magpalit ng pormal. Hindi niya alam kay Rina, pero ito ang naisip nito na suotin nila.

Paglabas ni Yamapi, natigilan siya nang makita si Cashmere.

"Yamapi."

Wala sa kondisyon si Yamapi na kausapin ang dalaga kaya tiningnan niya ito nang masama, pero hindi ito natinag.

"Gusto lang kitang tanungin kung anong nangyari. Bakit ka natalo?"

"Wala ka nang pakialam do'n!" pabalang na sagot ni Yamapi bago ito tumalikod. Akala niya titigil na si Cashmere, pero hindi.

"Hindi ka ba parurusahan ni Yano?" habol nito.

Lumingon si Yamapi. Tinitigan si Cashmere. "Bakit mo ba tinatanong? Sino ka ba?"

"Ah! Pasensiya na." Iyon na ang nagpatahimik kay Cashmere. Tumalikod na ito.

"Sinabihan ako ni Yano na magpatalo," biglang sabi ni Yamapi. Kasabay noon ang pagtungo niya. Bakit niya iyon sinabi? Ang dating ay parang hinabol niya ang paalis na si Cashmere.

Huminto si Cashmere at muling humarap sa kanya. "Anong sinabi mo?"

Ayaw na sanang sumagot ni Yamapi, pero bumuka ang bibig niya. "Mas exciting daw ang ganito. Sa music performance na lang daw kami babawi."

Napaismid si Cashmere. "Hindi! Nagsisinungaling ka. Hindi ako naniniwala na magpapatalo ka dahil lang sinabi ni Yano!"

"Nagsisinungaling? Ako?"

"Ah." Biglang natahimik si Cashmere. Siya nga naman. Sa kanilang dalawa, sino ba ang sinungaling? "Aalis na ko," sabi niya na lang.

"Sandali!" Tinawag siya ni Yamapi, pero nagdire-diretso na siya.

"Sinabi nang sandali!" Hinawakan ni Yamapi ang braso niya. "Mag-usap tayo!"

"Ano pa bang pag-uusapan natin? Alam mo na naman ang lahat, di ba? Naniwala ka na kay Mimi!" sagot ni Cashmere.

"Oo, kaya nga gusto kong mag-usap tayo, para side mo naman ang mapakinggan ko."

"Matagal na iyon, hindi na iyon dapat pag-usapan."

"Cashmere... Makinig ka!" Hinigpitan ni Yamapi ang pagkapit sa dalaga. "Kaya hindi kita tinanong noon ay dahil natakot ako."

"Ano?"

"Dahil kung sayo ko mismo maririnig ang mga sinabi ni Mimi, siguradong hindi ko iyon kakayanin."

Walang nasabi si Cashmere. Napatingin lang kay Yamapi.

"Magiging matapang na ako ngayon. Pakikinggan ko na ang side mo," giit ni Yamapi bago binitiwan ang dalaga. "Ngayon sabihin mo... kaya mo lang ba sinabi na mahal mo ko ay dahil bahagi ako ng grupo ni Yano?"

Hindi nakasagot si Cashmere.

"Sige na, sabihin mo na. Kahit anong maging sagot mo maluwag ko iyong tatanggapin."

Tama.

Ngayon ay handa na si Yamapi.

Sa palagay niya ay sapat na ang matagal na panahong hindi nila pagkikita ni Cashmere para matanggap niya ang katotohanan.

"Kailangan pa ba talagang manggaling ang sagot sa bibig ko?" tanong ni Cashmere.

Tumango si Yamapi.

"O sige, sasabihin ko na sayo..."

Sa puntong ito ay bigla nang kinabahan si Yamapi. Tama ba ang desisyon niya na pagsalitain pa si Cashmere?

Pero huli na ang lahat para iurong pa ito.

Nagsalita na si Cashmere. "Oo, tama si Mimi. Kaya ko lang sinabi na mahal kita ay dahil gusto kitang gamitin. Kaiinggitan kasi nila ko kung tulad mo ang magiging boyfriend ko."

Biglang lumamig ang pakiramdam ni Yamapi matapos iyong marinig.

So, tama pala.

Talaga ngang niloko lang siya nito.

Pero kahit ganoon, alam niya sa sarili niya na mahal niya pa rin ang manlolokong babae na ito.

Pero katangahan na kung ipagpapatuloy niya pa iyon.

Dapat na niyang tanggalin nang tuluyan sa buhay niya ang babaeng ito.

"Ganito na lang... Iisipin ko na walang namagitan sa atin—na laro lang ang lahat. Ayos ba iyon?" mungkahi ni Yamapi.

Hindi umimik si Cashmere.

Ngumiti na lang si Yamapi bago tumalikod. Pero desidido na siya. Gagawin niya ang lahat para tuluyan niyang makalimutan ang babaeng ito.

"Yamapi!"

Napahinto si Yamapi.

Bigla rin siyang napapikit at napabuga ng hangin. Para kasi siyang baliw.

Kasasabi lang na kalilimutan na si Cashmere, pero naito, isang tawag lang ng babae ay bigla na siyang napahinto.

Bago pa man siya makalingon ay bigla nang nakalapit si Cashmere sa kanya at binigyan siya ng isang banayad na halik.

Bahagi na naman ba ito ng panlilinglang niya? naisip ni Yamapi. Sinabi rin ng kanyang isip na itulak niya ito, pero hindi niya magawa. Katunayan ay natutukso siya na suklian ang pahhalik nito, pero siyempre pinilit niyang labanan.

Lumayo siya sa dalaga.

"Isipin mo na lang na kabayaran iyon dahil niloko kita," sabi ni Cashmere. "Sige. Aalis na rin ako."

"Ang galing mo!" Bigla iyong lumabas sa bibig ni Yamapi.

Napakunot ng noo si Cashmere.

" Ang galing mo talagang magpanggap," dagdag ni Yamapi bago ito nagtaas ng dalawang kamay. "Ayoko na. Suko na ako. Eh, ano kung niloko mo ko? Wala na kong pakialam!" Biglang hinatak ni Yamapi si Cashmere palapit sa kanya.

"Y-Yamapi..." nasambit ni Cashmere.

Tinitigan siya ni Yamapi. Isang nakakatunaw na titig.

Kasabay noon ang isang halik. Binigyan ni Yamapi ng masiil na halik si Cashmere.

No! Mali ito, naisip ni Cashmere. Itinulak niya palayo ang lalaki.

"Patawarin mo ko kung iniwan kita. Patawad!" biglang sabi ni Yamapi.

Halos maiyak naman si Cashmere. Hindi niya lubos akalain na sa kabila ng kanyang ginawa ay ang lalaki pa ang hihingi ng tawad. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili. Niyakap niya si Yamapi.

Ang totoo, gusto niya rin naman niyang humingi ng tawad. Gusto niya ring mag-sorry at pagsisihan ang nagawa.

"Cashmere!" Biglang dumating si Chen Yin, pero natigilan ito sa nakita. "N-Naku! Mukhang nakaabala ako. Sige maiwan ko na muna kayo."

"Sandali, Chen Yin!" tawag ni Cashmere sabay kalas mula sa pagkakayakap kay Yamapi. "May sasabihin ka ba?"

"Ha? Ako ba?" Hindi makapagsalita si Chen Yin. Hindi pa rin kasi siya maka-recover dahil sa nakita. "Yayayain lang sana kitang pumunta kina Mia. Tulungan natin siya sa assignment niya."

"Ah..." Sumulyap muna si Cashmere kay Yamapi bago muling tumingin kay Chen Yin. "O sige, punta tayo. Ngayon na ba?"

"Oo sana."

"Sandali!" awat ni Yamapi. "Malapit nang magsimula ang Music Showdown. Manood muna kayo."

"Aba! Oo nga pala. Kakanta roon si Nino!" biglang naalala ni Chen Yin. "Cashmere, ang mabuti pa manood muna tayo no'n bago tayo dumiretso kina Mia."

"Sige," sagot ni Cashmere.

***

Eksaktong alas kuwatro ng hapon nang simulan ang Music Performance Showdown.

Tulad ng dati ay ang vice president pa rin ng student council ang host.

"Ngayon naman panoorin natin ang grupo ni Yano!"

Kasabay ng pagpapakilalang iyon ay ang pagpanhik sa stage ng grupo ni Yano. Pangpito na sila na mag-p-perform.

Nahuhuli sa pag-akyat si Nino. Kinakabahan kasi siya.

"Sumabay ka kay Rina," bulong sa kanya ni Yamapi.

"Bakit?" tanong ni Nino.

"Ako ang kakanta. Mag-s-second voice kayo."

"Ano?" Tumingin si Nino kina Rina at sa iba pa. Nakita niya na nakangiti ang mga ito. Sa umpisa pa lang pala ay si Yamapi na talaga ang kakanta. Tinakot lang siya ng mga ito.

Kayo talaga... nasabi na lang ni Nino.

Bago mag-umpisa ang tugtog, nagsalita muna sa mikropono si Yamapi.

"Ang kantang ito ay inaalay ko sa babaeng pinakamamahal ko."

Maraming nag-react sa sinabing iyon ni Yamapi.

"Babaeng mahal? Sino kaya 'yon?"

"Ang swerte niya naman!"

Kahit si Nino ay napatanong. "S-Sino?"

"Para sayo to, Cashmre Dela Vega!"

Pagkasabi noon ay nagsimula na ang tugtog.

Umawit na rin si Yamapi.

"Cashmere!" bulalas ni Chen Yin sabay yakap sa kaibigan. "Ang suwerte suwerte mo. Ang guwapo ng boyfriend mo!"

"Puwede ba, lumayo ka nga! Huwag mo kong yakapin," angal ni Cashmere. Medyo nahiya siya dahil madaming nakatingin sa kanya kabilang na ang kapatid na si RJ.

"Ibabalita ko ito kay Mia." Kinuha ni Chen Yin ang cellpnone niya at kinontact si Mia. Sinabi niya agad dito ang mga nangyari.

"Bilisan n'yo! Pumunta na kayo rito para marinig ko nang personal ang kuwento," nasasabik na sabi ni Mia.

"Oo,sige. Pupunta na kami!" sagot ni Chen Yin bago nito tinapos ang tawag.

Muli itong tumingin kay Cashmere. Siniko pa niya ito.

Napangiti naman si Cashmere bago tumuon sa umaawit na si Yamapi.

Salamat, nasabi niya.

Sa bahay nina Mia.

"Mabuti na lang at maayos na sina Yamapi at Cashmere," nakangiting sabi ni Mia nang bigla siyang makarinig ng ingay galing sa ibaba.

"Sino iyan?" Bumaba siya para tingnan iyon.

May nagbubukas ng pinto.

Imposibleng ang mga magulang niya iyon dahil sumama ang mga ito sa retreat ng mga taga Village III kaya bukas pa ang uwi. Hindi rin naman puwedeng maging si Nino o sina Cashmere dahil ayon nga kay Chen Yin ay nasa school pa sila.

Kung hindi sila, sino ang tao sa may pinto?

Medyo kinabahan si Mia kaya kumuha siya ng walis para gawing pamalo in case na masamang tao ang papasok.

Dahan dahan siyang lumapit sa may pintuan.

Sa pagbukas nito, nagtaka si Mia dahil wala namang tao.

"Paano nangyari iyon?"

"Hoy!"

"Aaah!" Bigla siyang napasigaw nang may maliliit na kamay na biglang humawak sa binti niya.

Continue Reading

You'll Also Like

199K 11K 60
[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ...
87.3K 3.4K 49
Hearts don't have eyes, ears nor mouth. No one can tell you what is right or wrong. You just have to listen to its every beat. Because simply, heart...
939K 34.2K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...