Kizuna: The Bond Between us

By sayuriMa

472K 3K 443

They didn't plan to be together but there will be bond that will unite them forever More

KIZUNA
Author's note
Prologue
Hit 1 ~The Future Boss
Hit 2 ~Popular Group
Hit 3 ~Relationship
Hit 4~ Missing Piece
Hit 5 ~Alter
Hit 6~ Trigger
Hit 7~ Other member
Hit 8 ~Conflict
Hit 9~Bully
Hit 10~ Decision
Hit 11~Yano's First Love
Hit 13~ The Competition
Hit 14~ The Party
Hit 15~RJ's First Date
Hit 16~ Apple Candy
Hit 17~Rumors
Hit 18~Public Apology
Hit 19~The Marriage
Hit 20~The Council
Hit 21~ The Break Up
Hit 22~How To Raise Child?
Hit 23~The Vacation
Hit 24~The Petal
Hit 25~New Faces
Hit 26~Number Eleven
Hit 27 ~Precious One
Hit 28~Ties
Hit 29 ~Glances
Hit 30~New Vows

Hit 12~ Love Story of Cashmere

7.9K 75 4
By sayuriMa

Lunes hanggang Biyernes isang oras naglalakad si Nino mula Village I hanggang Village III. Mas mabilis sana kung magta-taxi o bus siya ang kaso may kamahalan ang pamasahe kaya naglalakad na lang siya. Iyon ay para puntahan si Yano sa bahay nito.

Pagdating ni Nino sa Matsumoto Residence, hihintayin niya ang paglabas ng kotse ni Yano mula sa gate. Parating eksaktong six fifteen ng umaga ito kung lumabas.

Hihinto ang kotse, then sasakay na si Nino.

Hindi pa man siya nakakapuwesto ng upo, ibabato na ni Yano ang bag at mga libro nito sa kanya.

Siyempre wala nang magagawa si Nino kundi ang kunin ang mga iyon. Dala-dala niya iyon hanggang sa makarating sila sa school.

May pahinga naman si Nino tuwing Sabado at Linggo. Huwag lang susumpungin si Yano dahil minsan ay tinatawagan siya nito para lang pabilihin ng pagkain ng aso.

Mabuti na lang dahil malapit na ang Twelve Group Competition.

Bibigyan ang lahat ng grupo ng tatlong araw na bakasyon para maghanda. Bahala na sila kung saang lugar sila mag-eensayo.

Akala ni Nino makakapagpahinga na siya ng tatlong araw dahil magsasanay nga ang grupo ni Yano. Hindi niya akalain na pasasamahin siya sa training.

Ibig sabihin ay wala pa rin siyang pahinga.

Ang napili ng grupo ni Yano na pag-ensayuhan ay ang Matsumoto Campsite. Nasa loob lang iyon ng Tama kaya malapit lang.

May kaniya kaniyang specialty ang bawat miyembro ni Yano kaya naging kaniya kaniya rin ang training nila.

Si Nino mismo ang nakakita kung gaano kaseryoso ang bawat isa. Masasabing bahagi talaga ng buhay nila ang mga napiling martial arts.

Yano-Kyudo

Jin - Judo

Ivan -Karate

Rina-Aikido

Yamapi-kendo

"Teka lang, bakit may mga musical instruments dito?" tanong ni Nino matapos makakita ng marami nito sa loob ng isang silid.

Kasama niya sa silid na ito sina Chen Yin at Monique. Wala kasi silang magawa kaya naisip nila na mamasyal.

Sinagot ni Chen Yin ang tanong ni Nino. "Sa last day ng Twelve Groups Competition required ang mga participants na mag-perform sa stage. Hindi mo ba alam iyon?" tanong ni Chen Yin bago ito kumuha ng drum stick.

Napanguso si Nino. "Anong ibig mong sabihin na magpe-perform?"

"Bahagi iyon ng competition. Bukod sa limang Japanese martial arts, kailangan din magpakita ng ng talent sa music ang bawat grupo," paliwanag ni Monique.

Naguluhan si Nino. Bakit ganoon? Dati siyang secretary sa student council pero hindi niya alam ang tungkol doon. Hindi niya nabasa sa student hand book.

"Ang boss mismo ang nag-isip ng ideyang ito kaya kahit maraming tutol, wala na silang nagawa. Naalala ko last year iyong nanalong team ay sumayaw in the tune of Monster ng Arashi, hindi mo ba napanood iyon?" mahabang litanya ni Monique.

Siymepre hindi iyon napanood ni Nino. Kailan lang ba sila dumating sa Tama? Pero kung obligadong mag-perform ang mga kalahok, ibig sabihin hindi lang pala martial arts ang dapat nilang paghandaan.

"Actually magandang ideya 'to,'" sabi ni Chen Yin. "Hindi lang kasi sa larangan ng palakasan makapagpapakitang gilas ang mga participants, maipapamalas din nila ang galing nila in terms of music."

"Pero marunong ba silang kumanta o sumayaw? Sina boss, marunong ba sila?" curious si Nino.

"Marunong mag-guitar si Ivan," sabi ni Monique. "Si Jin naman may alam sa keyboard, si Yano sa drums at si Rina magaling siyang kumanta."

"Talaga? Puwede pala silang magbuo ng banda kung ganon."

"Iyon nga talaga ang balak nila!" nakangiting sagot ni Monique "Ang kaso may problema..."

"Problema? Anong problema?" tanong ni Nino.

"Medyo paos kasi si Rina kaya kailangan niya ng back up na vocalist," sabi ni Monique.

"Eh sinong magiging back up niya?" tanong ulit ni Nino. "Ikaw ba Miss Monique o ikaw Chen Yin?" tumingin siya kay Chen Yin.

Sabay na ngumiti ang dalawang dalaga.

"Hindi ako puwedeng maging back-up! Hindi naman kasi ako bahagi ng grupo nila," sabi ni Chen Yin.

"Ako rin," sagot ni Monique.

"Kung hindi kayo, sino ang magiging back-up?"

Isang mahabang katahimikan, bago sinabi ni Monique ang sagot. "Eh, di ikaw!"

"Sabi ko na nga ba," mahinahonng wika ni Nino. "Hindi n'yo kasi nabanggit si Yamapi kaya sa tingin ko siya ang---" Napatigil si Nino. Si Yamapi talaga ang nasa isip niya pero hindi pangalan nito kundi ikaw ang sinabi ni Miss Monique.

"Teka..." Biglang napaatras si Nino. "B-Bakit ako? Si Yamapi na lang!"

"Tutugtog siya ng guitar," sabi ni Monique.

"P-Pero... hindi ako marunong kumanta!" Parang gusto nang umiyak ni Nino.

"Huwag kang mag-alala, tuturuan ka naman namin," sabi pa ni Monique, pero balaewala iyon kay Nino.

"Ang mabuti pa, simulan na natin ang practice," aya ni Monique

"Kahit turuan n'yo ko, hindi agad ako matututo!" reklamo ni Nino.

"Pero Nino, mas maganda nang kumanta ka kaysa maglinis ng kural ng baboy," biglang singit ni Chen Yin.

"Ano namang kinalaman dito ng paglilinis ng kural ng baboy?" amok ni Nino.

"Noon kasing sinabi ni Yano na pakakantahin ka nila, umangal ako. Siyempre dahil nangako ako kay Mia na po-protektahan kita. Ang kaso ang sabi ni Yano kung hindi ka raw kakanta ipalilinis niya raw sayo iyong kural ng baboy sa school," paliwanag ni Chen Yin.

Napangiwi si Nino.

Utos pala ng boss niya ang pagkanta.

May choice pa ba siya?

***

"Kumusta na kaya si Nino?" tanong ni Mia habang namamahinga sila ni Cashmere sa greenhouse. "Ah. Bakit pa ba ko nag-aalala? Sigurado namang tutuparin ni Chen Yin ang pangako niya na poprotektahan niya si Nino." sabi ni Mia bago siya tumuon kay Cashmere. "Nagbabasa ka na naman?"

Tama. Nagbabasa uli ng libro si Cashmere. At hindi ito maabala.

Pinagmasdan ito ni Mia.

Hmmm... Ang cute pala ni Cashmere? Matangos ang ilong, bilugan ang mga mata. May kissable lips din at kapansin pasin ang magandang cheekbone.

"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo?" biglang tanong ni Cashmere nang mapansin ang pagtitig ni Mia.

Napangiti na lang si Mia.

"Para kang sira," sabi ni Cashmere bago muling nagbasa.

Naisip ni Mia na magcellphone na lang muna. Nagbukas siya ng facebook. May isang post sa news feed niya na kumuha sa kanyang atensiyon.

Ex ba talaga ni Yamapi si Cashmere o tsismis lang?

Napatingin si Mia sa kaibigan. Ex siya ni Yamapi?

Binasa ni Mia ang mga comment sa nasabing post.

Hindi raw, sabi ni Yamapi.

Naging sila kasi nakita ko sila na magkasama dati.

Hindi naman sila bagay.

Marami pang kung anu- anong comment, pero hindi na binasa ni Mia. Naisip niya na tanungin na lang si Cashmere.

"Cashmere, nakita mo na ba itong post na ito?" Ipinakita ni Mia ang post.

Sinilip lang iyon ni Cashmere. "Wala lang iyan," sabi nito bago nagpatuloy sa pagbabasa.

"Sigurado ka, wala lang ito?"

"Oo."

"Kung wala, bakit may nag-post? Saan nila nakuha ang idea na 'to?"

"Puwede ba Mia, tumahimik ka na nga!" Tumaas ang tono ni Cashmere. "Inaabala mo ko sa pagbabasa ko!" naiinis nitong sabi bago ito tumayo at umalis.

"Sandali, Cashmere! Huwag kang umalis!" Tumayo si Mia para habulin ang kaibigan, pero nadulas siya.

"Aray!" napasigaw si Mia.

Nilingon siya ni Cashmere. "Napakatanga mo talaga!" sabi nito bago siya tinutulungang tumayo.

"Ikaw naman kasi bigla kang nagalit. Nag-alala tuloy ako," sabi ni Mia.

"Sorry." Ang tanging nasabi ni Cashmere. Muli itong naupo at sa wakas ay nagsalita na. "Hindi iyon katulad ng love story na iniisip n'yo," simula ni Cashmere. "Walang kahit na anong romantikong bagay na nangyari sa amin ni Yamapi," pagtatapat nito.

"Pero, naging magkaibigan kayo, tama?" tanong ni Mia.

"Ang lahat ay kasinungalingan lang!" sagot ni Cashmere.

Kasabay noon ang pagbalik ng isang ala-ala.

Nasa green house noon si Cashmere. Tahimik na nagbabasa nang biglang may tumamang bola ng soccer sa ulo niya. Nadali noon ang kanyang hairpin kaya tumalsik.

"Sorry, hindi ko sinasadya," sabi ni Yamapi. Ito ang may ari ng bola.

Paulit ulit itong humingi ng sorry, pero hindi siya pinansin ni Cashmere.

Ang focus ng dalaga ay ang mahanap ang nawawalang hairpin. Mahalaga ito sa kanya dahil ito na lang ang natira sa kanya matapos sirain ni Mimi ang lahat ng accessories na meron siya.

Nakita naman niya ang hairpin, pero sira na.

Tiningnan niya nang masama si Yamapi bago siya umalis.

Nang gabing iyon, may natanggap na tawag si Cashmere.

Nagpakilala ang caller na lalaking nakasira ng hairpin niya.

Naging malaking tanong tuloy kay Cashmere kung paano nito nalaman ang number niya. Isa pang mas malaking katanungan dahil nalaman din nito ang bahay nila. Nasa labas daw kasi siya.

Ano namang ginagawa niya rito? tanong ni Cashmere bago siya nagpunta sa may gate nila. Pinaalis niya ang lalaki.

"Umalis ka!" sabi niya.

Nakita sila ni RJ.

Biglang tinawag ni Yamapi si RJ. Sinabi nito na si RJ talaga ang sadya niya.

Napahiya tuloy si Cashmere. Pero alam naman niya na nagkukunwari lang si Yamapi kaya nga nadoble ang galit niya rito.

Gayunpaman, simula noon ay hindi na tumigil si Yamapi sa pagbuntot sa kanya.

Tulad noong nasa library siya at nagsusulat. Biglang lumitaw si Yamapi at kinuha ang kanyang isinusulat na nobela.

"Ang galing mo palang magsulat. Naalala ko sayo iyong sikat na author na si Saigo Ichi," sabi ni Yamapi.

"Tatay ko 'yon!" sagot ni Cashmere sabay kuha sa kanyang manuscript.

"Tatay mo pala si Saigo Ichi? Kaya pala magaling ka rin. Siguradong magiging sikat kang writer!"

Iyon ang kauna-unahang papuri na natanggap ni Cashmere sa buhay niya. Oo, honor student siya, pero balewala naman iyon. Ang pagiging matalino kasi ay natural na sa kanilang pamilya. Kaya nga sinikap niya na tumuklas ng mga talento, pero wala siyang nakita maliban sa pagsusulat. Pero secret lang iyon.

Ngunit kahit na napataba ni Yamapi ang kanyang puso, hindi niya pa rin ito pinakitaan ng maganda, nagsuplada pa rin siya.

Kasunod noon ang hindi niya pagpansin sa mga tawag nito.

Isang araw, nakita ni Cashmere si Yamapi kasama ang pinakamaganda sa buong campus na si Rina Sawajiri. Doon niya natuklasan na bahagi pala si Yamapi ng grupo ni Yano.

Magmula noon, nagbago na ang lahat.

Parang click ng kamera, ganoon kabilis. Biglang naisip ni Cashmere na gamitin ang lalaki.

"Sa kagustuhan ko na makuha ang mga gusto ko, naging malambing ako kay Yamapi," amin ni Cashmere.

"Kung gayon, inakit mo ba siya?" tanong ni Mia.

"Hindi ko naman kinailangang gawin 'yon dahil siya ang unang lumapit sa akin," paglilinaw ni Cashmere. "In-entertain ko lang siya. Nakipag-date ako sa kanya at nakinig sa mga kuwento niya. Sa ganoong paraan, nakuha ko ang gusto ko. Naipakita ko sa pinsan kong si Mimi na lamang ako sa kanila. Ingit na ingit nga siya dahil sinasamahan ako ni Yamapi. Hanggang sa..."

"Hanggang sa ano? Anong nangyari?"

Huminga muna nang malalim si Cashmere bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Dahil sa laging pagsama sa akin ni Yamapi. Dahil sa lagi niyang pagbabasa sa mga kuwento ko at sa lagi niyang pagngiti sa akin, naisip ko na itigil na ang pagpapanggap. Oo. Nagdesisyon ako na totoohanin na ang lahat hanggang sa mangyari iyon."

Ikinuwento ni Cashmere ang pangyayari na naganap bago umalis si Yamapi.

Bago ito mawala ay tumawag pa ito kay Cashmere. Magkita raw sila sa greenhouse dahil may ibibigay ito sa kanya.

Naghintay si Cashmere, pero walang Yamapi na dumating. Sinubukan niya itong tawagan, pero hindi nito sinasagot. Kinabukasan, nabalitaan niya na lang na nagpunta na pala si Yamapi sa Thailand.

"Hindi ka na ba niya ki-nontact mula noon?" tanong ni Mia.

"Hindi na," sagot ni Cashmere. "Noong una nagtaka ako, pero kalaunan ay nalaman ko rin ang dahilan ng pag-iwas niya. Kinausap pala siya ni Mimi kaya nalaman niya ang tunay kong pagkatao. Dahil doon kaya iniwasan na niya ko."

"Dahil lang doon? Hindi ka man lang niya kinausap?"

Umiling si Cashmere.

"Mali siya! Dapat kinausap ka niya. Dapat ikaw ang pinaniwalaan niya!" nanggigigil na sabi ni Mia.

"Ayos lang iyon. Totoo naman kasi na ginamit ko lang siya, kaya tama lang na magalit siya sa akin."

"Pero mahal mo na siya, hindi ba?"

Iyon ang tanong na hindi nasagot ni Cashmere.

"Malapit nang matapos ang breaktime, bumalik na tayo sa classroom natin," sabi ni Cashmere bago ito tumayo.

Tumayo na rin si Mia.

Paalis na sila nang may maalala si Mia.

Iyong araw na nabugbog ni Nino si Yamapi. Kung hindi siya nagkakamali ay may dala noong hairpin si Yamapi.

Hindi kaya...

"Cashmere, halika pumunta tayo sa bahay!" Hinila ni Mia ang kamay ni Cashmere.

"Teka Mia, may klase pa tayo!"

Hindi na pinakinggan ni Mia ang kaibigan. Lumabas sila at sumakay ng taxi patungo sa Village III.

"Nasaan na ba iyon?" Hinanap iyon ni Mia sa drawer, aparador at sa kung san saan pa.

"Ano bang hinahanap mo?" tanong ni Cashmere.

"Nakita ko na!" Itinaas ni Mia ang bagay na hinahanap.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Cashmere nang makita iyon.

Isang hairpin.

"Ito iyong hairpin na nahulog ni Yamapi. Sayang nga dahil binali niya, pero dinikit ko para magamit pa."

Kinuha ni Cashmere ang hairpin. Halos maiyak siya habang tinitingnan ito. "Ang hairpin na ito. Katulad na katulad noong hairpin ko na nasira ni Yamapi."

"Cashmere..."

"Bakit ba kasi ako nagsinungaling? Bakit hindi ko pa inamin ang lahat? Kung naging matapang lang sana ako noon, eh di sana kasama ko pa rin si Yamapi." Bigla nang napaiyak si Cashmere.

"Cashmere." Niyakap siya ni Mia.

Sa pagkakataong ito ay si Mia naman ang dadamay sa kanya.

***

Tapos na ang unang bahagi ng training ng grupo ni Yano.

Inabot din sila ng gabi kaya pagod na pagod sila. Sa katunayan ay tulog na agad si Yano. Mag-isa lang ito sa kuwarto. Hindi kasi ito sanay na may kasama.

Si Rina ay bagsak na rin. Ang kasama naman nito sa kuwarto ay sina Chen Yin at Monique.

Sa kabilang silid naman ay magkasama sina Nino at Ivan. At sina Jin at Yamapi.

Lumabas mula sa banyo ng kanilang silid si Yamapi. Wala pa itong pang-itaas na damit kaya kitang kita ang matipuno nitong katawan.

"Yamapi!" Tinawag ito ni Jin.

"Ano 'yon?" sagot ni Yamapi, pero hindi nito nilingon si Jin. Naghanap ito ng isusuot na damit mula sa dalang maleta.

"Kumusta na kayo ni Cashmere?"

Dito na tiningnan ni Yamapi ang kaibigan. Isang masamang tingin.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?"

"Hindi ka ba talaga titigil sa kababanggit ng tungkol sa babaeng 'yon?" medyo tumaas ang boses ni Yamapi.

"Nag-aalala lang naman ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kayo nag-uusap."

"Hindi ko na siya kakausapin. Kahit kailan!" sagot ni Yamapi sabay kuha ng isang t-shirt. Mabilis niya iyong isinuot, tapos ay nahiga na siya sa kama na nasa tabi lang ng kama ni Jin. Kumuha rin siya ng unan at itinakip sa kanyang mukha.

Dahil sa ikinilos na iyon ni Yamapi, mas napatunayan ni Jin na hindi pa talaga ito nakakalimot.

Paano nga naman nito makakalimutan ang babaeng sobrang kinabaliwan?

"Yamapi, bakit mo kasama ang babaeng 'yon?" tanong ni Jin nang makita niya si Yamapi sa greenhouse.

"Natamaan ko siya ng bola. Kilala mo ba siya?"

"Parang siya iyong kapatid ni RJ."

"Kapatid siya ni RJ? May number ka ba niya?"

"Paano naman ako magkakaroon ng number niya?"

"Sige, ako nang bahalang umalam," sabi ni Yamapi bago ito umalis.

Sumunod sa kanya si Jin. "Hey... don't tell me tinamaan ka sa babaeng 'yon?"

"Hindi!" agad na sagot ni Yamapi. "Aasarin ko lang siya. Ang tagal na rin kasi mula nang mang-asar ako ng babae. Huwag mong sasabihin kina Yano ang tungkol dito, ha?"

"O sige," maisking sagot ni Jin.

Iyon talaga ang plano ni Yamapi---ang asarin lang si Cashmere, pero hindi niya iyon napanindigan.

Hindi niya akalain na magkakagusto siya kay Cashmere. Ang masama pa ay nahumaling siya rito.

"Mahal kita!"

Parang sasabog ang puso ni Yamapi nang sabihin iyon ni Cashmere. Hindi na siya nag-isip, bigla na niyang niyakap ang dalaga.

"Mahal din kita, Cashmere."

Naging girlfriend niya ito, pero wala siyang pinagsabihan. Kahit kina Yano ay hindi niya muna ipinaalam. Pero siyempre wala siyang balak na manatili sila sa ganoong sitwasyon.

Tinawagan niya si Cashmere at sinabing magkita sila sa greenhouse.

Ang plano ay re-regaluhan niya ito ng hairpin para ipaalala rito ang una nilang pagkikita. Pagkatapos ay ipakikilala na niya ito sa lahat bilang girlfriend niya.

Papunta na siya noon sa greenhouse nang makasalubong niya ang pinsan ni Cashmere na si Mimi. Sinabi nito sa kanya ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Cashmere.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit magkasing edad sina Cashmere at RJ? Actually parehas sila ng birthday! Anak kasi sa labas si Cashmere. Anak siya sa isang non-Yamato na prostitute. Kaya nga gaya ng nanay niya ay manggagamit at sinungaling din siya. Hindi ako sigurado kung maniniwala ka, pero ginagamit ka lang niya. Ginagamit ka ng babaeng iyon para lang maging sikat siya. Sa palagay ko nga kung hindi ka naging bahagi ng grupo ni Yano ay hindi ka niya papansinin."

Hindi ipinahalata ni Yamapi, pero nasaktan siya sa sinabi ni Mimi. Hindi rin pala kasi naiiba ang baabeng nagustuhan niya.

Tulad din ito ng iba na kaya lang siya kinilala ay dahil nakakabit sa kanya ang pangalan ni Yano.

Doon lang naman kasi siya kilala, sa pagiging miyembro ni Yano. Gusto rin naman niyang makilala bilang siya. Bilang si Yamapi Fujimiya.

Hindi na tumuloy si Yamapi sa pagpunta sa greenhouse, bagkus ay lumabas na lang siya ng Tama. Dito na nga niya naka-engkwentro si Nino.

Nang mga sandaling sinuntok siya nito, wala siyang ibang nasa isip kundi ang panloloko ni Cashmere. Kahit noong bugbog na siya, si Cashmere pa rin ang laman ng kanyang isipan.

Kaya nga siya umalis para makalimot, pero hindi pala iyon madaling gawin.

"Yamapi!" Tinawag siya Jin.

Inalis ni Yamapi ang unan sa mukha niya. "Bakit ba?"

"Bakit hindi mo siya kausapin?"

"Ha?"

"Kausapin mo si Cashmere para maayos na ang lahat."

Napakadaling sabihin noon, pero hindi iyon madaling gawin, naisip ni Yamapi.

Samantala.

Sa isang bahagi ng Campsite ay magkasama sina Ivan at Monique.

Magkahawak sila ng kamay at hindi nangangamba na baka may makahuli sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

439K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)
535K 6.3K 88
Kung sakaling bumaliktad ang mundo at mangibabaw ang mga babaeng gangsters, gugustuhin mo pa bang mabuhay sa mundong 'yan? Kung sakaling mabuhay ka...
87.6K 2.6K 49
|COMPLETE| school for you school for me school for us magic wizards witch are allowed welcome to White Tiger Academy school were you came stronger #...
24K 2.7K 62
The GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay...