Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 3

418 10 0
By PollyNomial

CHAPTER 3 — Animated Movies


It wasn't so hard to avoid Conrad. Siya rin naman yata ay iniiwasan ako. What we're doing to each other was really obvious. Ngunit kami lang yata ang nakakapansin niyon dahil kami lang din naman ang nakakaalam ng alitan namin.

"Hindi ulit sa atin sasabay si Con," ani Celine nang sabay kaming naglalakad patungong canteen hall.

Tinagilid ko sa kanya ang aking ulo. "Siguro ay sasama uli sa kanyang team," matabang ang aking pagsagot.

At tama ako ng naunang hinala. He was with his team when we entered the hall. Napatingin siya sa amin habang humalakhak. Patuloy ang kanyang pagtawa habang pinapanood kami ng kapatid niya. Walang habas siyang nagtaas ng kilay sa akin. O baka sa kanyang kapatid. I don't know and I don't care.

Inilipat ko ang paningin sa ibang direksyon ng hindi kumukurap.

He's been joining his teammates lately during breaktimes. Hindi na ito bago kay Celine dahil simula pa lang nang sumali ito sa basketball team ng school, ay madalas na ang pagsama nito sa mga kalaro. He said he wants to build a good friendship with his teammates. Isa raw kasi iyon sa mga makakatulong upang pagdating sa court ay gumanda ang kanilang coordination sa paglalaro.

That's why he has not been with us for months. Paminsan minsan naman ay sinasabayan niya kami pero bilang lang ang mga pagkakataong iyon. Bilang lang din ang ilang beses naming pag-uusap. Sa dahilang pagsama niya sa teammates, nalihis tuloy kay Celine ang isiping nag-iiwasan kami ni Conrad.

It had been months since we last argue. Iyong pagtatalo namin na nauwi sa pag-iyak ko buong gabi sa bahay. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa akin ang mga kaganapan sa hapong iyon. Hindi ko na yata iyon makakalimutan dahil iyon ang unang beses na may sinabing masama ang isang tao sa akin mula nang umalis ako sa Amerika. And the worst was it came from a friend. I haven't heard an apology from him. Kahit hindi na nga lang siya magsalita ng sorry, sana kahit sa kilos man lang niya tuwing magkakasama kami ay maipakita niyang nagsisi siya. Pero wala kahit katiting na bakas ng pagsisisi sa kanya.

"Bumili ka na. Hindi pa kasi ako nagugutom," sambit ko kay Celine. Tinuro ko ang mahabang pila ng canteen at agad siyang tumakbo upang maiwasan ang mas lalong paghaba niyon.

Kumain ako kaninang recess ng rice kaya naman bundat pa ang tiyan ko. Hindi ko na kasi naabutan si daddy nang magising ako kaya tinamad na akong mag-almusal. Ang resulta, gutom akong pumasok ng school at nagpakabusog ako sa unang breaktime.

Naghanap ako ng mauupuan. We usually sit near the entrance but the table was already occupied. Nasa tabi, kung saan naroon ang team ni Conrad, ang libreng mesa na mas malapit sa kinatatayuan ko.

Diretso ang aking tingin nang tumungo roon. Umupo ako at tulalang naghintay kay Celine.

"Ang bilis mo naman—" natigil ako sa pagsasalita nang ibang tao ang nakita kong may-ari ng nahagip na anino.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ngunit pinakawalan agad nang mapagmasdan ko ang mukha ni Conrad.

"Sinong akala mo?" tanong niya kasabay ng pag-upo sa harap ko.

Saglit kong sinulyapan ang kanyang grupo. They're busy laughing about something. I shrugged and avoided his brooding eyes. "Sino pa ba? Edi si Celine," hilaw kong sabi.

Naramdaman ko ang bahagyang paghilig niya sa akin. Wala sa sariling lumipat sa kanya ang aking paningin. He's leaning on me. Ang mesa lang ang nakatulong para ibsan ang distansya.

"Why are you sarcastic?" tanong niya.

Ngumuso ako. Inirapan ko ang kanyang mapanuyang titig. "Eh kasi kung magtanong ka parang may iba pa dapat akong kasama. You've seen me enter the room. I was only with Celine," mas tumabang ang pananalita ko.

I stared at him like what he's doing. Doon ko napansin ang mga pagbabago. We are just grade seven but Conrad resembled the features of a grade twelve teenager. Katutungtong pa nga lang niya sa kanyang teenage years. He's just thirteen but look at his masculine characteristics. Masyadong mabilis umusbong ang pagiging matipuno at makisig ni Conrad. And I just can't avoid noticing every change.

"Malay ko ba kung may iba nang sumasama sa inyo," pagsasalita niya.

Bumaba tuloy ang titig ko sa labi niyang medyo pinkish. What does he do to look this good, huh? Nagpapa facial kaya ang lalaking ito? Mas makinis pa ang mukha niya sa akin. Mas mapula pa ang labi kaysa sa akin. Hindi naman naiba ang kutis ni Celine sa kanya. Only that he's fairer and he's a boy...

"Kung may ibang sasama, probably some of our girl classmates," matabang kong sagot. "'Wag kang mag-alala. Bantay sarado ko rin ang kapatid mo. No one is courting her at the moment," nilihis ko ang pagtitig sa kanyang mukha. Baka kung ano pang maisip niya.

Kaunting singhap ang narinig ko mula kay Conrad. Nang sulyapan ko siya ay hindi pa rin napuputol ang mas bumigat pa niyang titig.

Binalik ko nang tuluyan ang paningin sa kanya. "Anyway, why are you here? Hindi ka ba sasabay sa kanila?" Tinuro ko ang kanyang mga kaibigan sa kabilang table.

Umiling siya at pinanatili pa rin ang walang habas na pagtitig sa aking mukha. Ni hindi tinapunan ng atensyon ang tinutukoy ko. "Parati ko naman silang kasama. I thought I'd join you this time." Hinanap ng mga mata niya si Celine sa pila.

Celine's already at the center of the line. Baka matagalan pa ito? Why are they slow anyway?

"Si Celine ang bibili ng pagkain mo?" tanong niya.

Nag-kibit ako ng balikat. "Hindi ako kakain ngayon. Busog pa ako dahil rice ang kinain ko kaninang recess," sabi ko.

Tumango siya roon. Kaunting katahimikan bago siya muling nagtanong. "Mamaya siguro ay kakain ka naman, 'di ba?" tanong niya. Ang tinutukoy siguro niya ay ang 'mamaya' bago ako pumuntang library.

"Siguro. Kapag nagutom ako," tipid ang aking mga sagot. This is so awkward. This is the first time we talk since the fight.

"Kumain ka..." aniya. Nagbaba siya ng tingin.

I think he's looking at my chest? Tumalim ang titig ko sa kanya.

"Namamayat ka na..." aniya.

Doon ko lang napansin na ang katawan at hindi dibdib ko ang tiningnan niya kanina. The hell, Elaine? Why would you think that he's looking at your chest?

"Nawala lang ako..."

Tumalim ang titig ko sa kanya kahit na hindi naman nakakagalit ang kanyang sinabi. Tumigil siya sa pagsasalita at tumitig pang lalo sa akin. Ni hindi man lang natinag.

And so what? Ano ngayon kung namamayat ako? Why is he so nosy by the way? Kailan pa siya nagkaroon ng pakealam sa katawan ko?

I ignored his comment. Nanahimik ako hanggang sa siya na mismo ang magsawa at maubusan ng sasabihin.

"How about your favorite cheesecake before your library work? Ibibili kita..." lulamlam ang kanyang boses.

Naiangat ko ang mga mata. How can he still remember my favorite cake? Ganoon ba kadalas ang pagkain ko niyon upang mapansin at matatak sa isip niya?

Nanlambot ang kamay kong nakapatong sa mesa. Gusto ko sanang itago iyon pero naunahan akong kumilos ni Conrad. He looked at my hands. Sumulyap siya sa kung saan, siguro kay Celine, bago bumalik ang mga mata sa kamay ko.

I gasped when he enveloped my hands with his. Nag-init ang buong mukha ko. I felt some strange tremor within me.

"I'm sorry..." bulong niya, halos hinga na lang.

Lumundag ang puso ko sa simpleng salita. It took him so long to say those words to me. Ang tagal tagal kong hinintay iyon. He was supposed to say sorry after the incident. Ganoon parati. Hindi niya hinahayaan na matapos ang araw na hindi siya nakakahingi ng tawad kapag may kasalanan siya sa akin. This should have happened a long time ago. He should have apologized ages ago.

Pinilit kong kunin ang kamay ko ngunit kinulong niya iyong maigi. I panicked. Tiningnan ko si Celine na walang kaalam alam sa mga pangyayari. She didn't know anything about the incident. She didn't know that I was avoiding his brother. She didn't know anything about us. At kapag nakita niya ito ay siguradong magtataka siya. Bumilis ang mga paglundag sa aking dibdib.

"Con..."

"I'm sorry," ulit niya sa dalawang salitang iyon.

Jesus Christ, please. Siguradong magtataka ang mga makakakita. Pasimpleng sumulyap ako sa kabilang table kung saan ang kanyang mga kaibigan. "Bitiwan mo ang kamay ko, please," nagsikap akong bumulong para lang hindi kami marinig ng mga katabing mesa.

Napaawang ang bibig ni Conrad. Ginawa niya ang pakiusap ko. Ngunit hindi naman niya nilayo ang mga kamay. He placed his hands near mine. The tips of his fingers touched the back of my hand. Ang kamay ko na mismo ang aking nilayo.

Napapikit siya at huminga ng malalim. What is his problem now? Galit na siya? Suko na siya?

"Alam ko, dapat dati pa ako nag-sorry. Pero kasi... galit din ako. I figured that if I apologize and you didn't accept it, mas magagalit lang ako sa'yo. Kaya pinalipas ko muna. I'm not mad anymore. Kaya lang mas mali yata na pinatagal ko. Ikaw tuloy ang galit ngayon..."

"Hindi ako galit," nasabi ko iyon ng hindi man lang nag-iisip. Hindi ako galit? I was mad! I am mad until now! Pero bakit iba ang sinabi ko sa kanya? Bakit biglang nawala nga ang galit?

"Talaga?" Lumiwanag ang mga mata niya. 'Yong para bang nagkaroon ng pag-asa.

Umiling ako. Not knowing the meaning of the gesture.

Isang ngiti lang niya ay natunaw ng tuluyan ang kinimkim kong galit sa kanya. Siguro nga wala lang iyon. Siguro nagtampo lang ako dahil kaibigan ko siya at masakit ang sinabi niya. Siguro nga napaka sensitive ko lang kahit na simple lang ang pinag-awayan namin.

Ako raw si Elaine na kunyaring mahinhin ngunit nasa loob ang kulo. It was just a small insult. Bakit ba ako nasaktan doon? Bata pa talaga ako. Masyado pang mababaw kapag nagalit. At mababaw lang din dahil madaling magpatawad.

"So... sa inyo na ako sasabay araw araw tuwing breaktime?" marahan at malambing niyang tanong.

Where is his twin? What's taking her so long?

Tiningnan ko siya nang may kunot sa noo.

"Ibig sabihin, kaya ka hindi sumasabay..."

"Kasi akala ko ayaw mo akong kasama. O makita. O makausap. O..."

"Conrad," suway ko sa humahaba niyang sinasabi.

Isang maikling tawa ang lumabas sa bibig niya. Napaawang ang aking bibig nang makita ang ngipin niyang lumalabas sa tuwing tatawa siya. Ang pagkagat niya ng labi upang pigilan niya iyon. At ang pagkislap ng mga mata niyang nakatitig sa akin.

Ibinalik ko ang aking kamay sa mesa. Tiningnan niya iyon. Mabibigat ang kanyang titig na pati ang kamay ko ay hindi iyon kayang tiisin. Dumampi ang isang daliri niya sa dulo ng hintuturo ko.

"Bati na tayo?" tanong niya habang patuloy ang pagdikit ng mga daliri namin.

Hindi ko nakayanang pigilan ang ngiti ko. Ganoon ko kabilis napatawad ang isang Conrad Mario Ricaverte.

On that same day, I knew that something was wrong with me. Hindi ko mapuna kung ano bang mali, basta mayroon. I thought it was wrong because the feeling was strange and it has no name. Ang mga bagay na kakaiba sa iyong pakiramdam ay walang kasiguraduhan. Like what others say, do not entertain strangers because they might harm you. At dahil nga stranger ang pakiramdam na ito sa akin, hindi ko ito sinubukang i-entertain.

I focused on my studies instead. Hindi naging madali ang paglundag mula grade seven patungong grade eight. The exams were really weird. Hindi ako katalinuhan para maintindihan ang lahat ng itinuturo ng aming guro. I can say that I belong to the average intelligence. Hindi bobo, hindi matalino. Sakto lang. Kaya hindi gaanong mahirap at hindi rin naman sobrang madali ang makapasa.

"At least pasado," ani Celine nang magsimula kaming ikumpara ang results ng aming last quarter exam. Gaya ng dati, ako ang kulelat.

Ngumiwi ako sa malaking difference. In Business Math, Celine got 58 out 60 while I got the score of 39. What a disgraceful score!

"Kahit na..." nanlulumo ang aking boses. Papipirmahan ko kay dad ang exam paper ko mamaya at isasauli ito bukas sa aming guro. Ano kayang masasabi ni daddy sa mga scores ko?

"Anyway, ang importante ay grade eight na tayo sa susunod na taon!" aniyang tuwang tuwa.

Natuwa na rin ako para sa sarili. It's another year of studying here in Philippines. It's another year of convincing my mother that I want to stay here. Hindi naging mahirap ang pagkumbinsi. Daddy helped me. Isa pa, kailangan ang kanyang presensya sa lumalago niyang negosyo. Ang linya ng negosyo ni daddy ay supermarkets at nagsisimula na itong kumalat sa iba pang bahagi ng Metro Manila.

"We won't visit your mother until next year, Elaine. I hope its fine with you? Masyadong maraming kailangang asikasuhin sa negosyo ngayon," ani dad nang minsang mapag-usapan ang pagbabakasyon sa L.A.

I don't want to live in Los Angeles, but of course, I still want to visit my mom. Kadalasan ay sa telepono ko na lang ito sa nakakausap at bibihira lang masyado ang mga video calls dahil abala siya sa trabaho. I was busy studying for the finals too. Pero ngayong tapos na at bakasyon ay ipinaliwanag ni daddy kung bakit walang oras para sa mas mahabang pag-uusap.

"You're mom is busy anyway. Hindi rin natin siya makikita kung magbabakasyon tayo roon," sabi pa ni dad.

"Pero maayos naman po ba ang alaga niya?" tanong ko. Kahit na naiinggit ay nag-aalala pa rin ako. It was a natural feeling, I guess. To feel sympathy for people in need. Kaawa-awa ang alaga nitong may sakit.

"She said the kid's getting well," ani daddy matapos ay tumalikod. May mga niligpit siyang papeles sa kanyang mesa. Tiningnan ko iyon ngunit naitago na niya sa isang envelope ang mga iyon.

Kawawa naman ang bata. Mom's taking care of a kid who, unfortunately, has cancer. Sayang dahil ang bata bata pa nito. Nalaman ang sakit nung isang taon lang at unti unti raw itong lumalala ngayon. I didn't know the exact type of cancer. But it was cancer we are talking about. Kahit ano pang uri ay masama.

Now I feel guilty for getting mad at the family where my mom works. Siguro nga ay mas kailangan nila ang aking nanay kaysa sa akin. I have daddy with me. Si mommy ay kailangan doon bilang taga-alaga habang nagtatrabaho ang mga magulang ng mga bata. Habang ako, umaga at gabi ay kasama ko si dad. Nagkakahiwalay lang naman kami kapag pumapasok ako ng school.

Pero ngayong bakasyon ay madalas na akong maiwang mag-isa sa bahay. Kaya imbes na magmukmok mag-isa ay nagpapahatid na lang ako kay daddy kayla Celine sa tuwing papasok na siya sa trabaho.

"Thank you, Enrico. Pakitingnan na lang muna ang anak ko," ani daddy sa papa nila Celine.

Mabait ang papa nila Celine at kahit madalas ako rito ay hindi nito tinatanggihan si daddy. "Oo naman, William. Dito lang naman sila ng mga anak ko," ani Tito Enrico.

Naglakad na ako papasok habang naiwan naman ang mga tatay namin ni Celine sa labas. Siguro ay pinag-uusapan nila ang narinig kong pag-invest ng papa nila Celine sa negosyo ni daddy. Minsan ko nang napakinggan ang kanilang usapan at walang naging problema kay dad ang pakiusap ni Tito Enrico. Aniya'y masipag naman ito.

"Celine, Conrad!" tawag ko sa kambal na nasa kanilang living room. Pareho silang nasa mahabang sofa. Si Celine ay prenteng nakaupo habang si Conrad ay nakasalampak ang likod at nakataas ang paa sa kwadradong mesa.

"Oh, nakahanda na ang DVDs. Mamimili ka na lang," ani Conrad na tumayo matapos akong makalapit.

Ngumuso ako sa apat na DVD na maayos na nakalatag sa mesa. "Anong mas malaking boto?" tanong ko.

We did our usual way of choosing a movie. Magtatanong kami sa kanilang papa at lola kung ano sa tingin ng mga ito ang magandang panoorin. Kahit pa wala silang ideya sa palabas. Minsan ang basehan ay 'yong mas magandang cover. Habang kaming tatlo ay mamimili ng mga sariling gusto namin. Ang pinakamataas na boto ang aming panonoorin.

Lumapit si Conrad sa tabi ko. Pareho kaming lumuhod sa harap ng mesa. Tiningnan ko si Celine at tinaasan ng kilay.

"High School Musical 3 ang akin," aniya.

"Damn. Ayoko nun, e." singhap ni Conrad sa aking tabi.

Nagkatinginan kaming dalawa. Napansin ko ang nangungusap niyang mga mata na huwag kong pipiliin ang napili ni Celine. Sa tagal namin itong ginagawa, bawat gusto at disgusto sa kanyang mga mata ay alam ko na. Sa tingin ko ay alam niya rin ang akin.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga dvd. Well... we have here High School Musical 3, Despicable Me, Hannah Montana the Movie, and Camp Rock 2. Pare-parehong musical drama ang tatlo sa mga palabas. Siguro ay doon na lang ako sa naiiba at mas bago. And I think animated movies are funny to watch.

"Despicable Me..."

"YES!" Naputol ang aking pagsasalita sa biglang pagtayo ni Conrad. Sumuntok siya paitaas sa hangin na parang nagwagi.

"Psh. Pinagkakaisahan niyo talaga ako parati pagdating dito," ani Celine sa naaasar na boses.

Nanunuyang lumingon si Conrad. "Kahit naman anong piliin ni Elaine ay Despicable Me pa rin ang papanoorin natin. Mas lamang iyon, e," aniya at pinulot na ang DVD para isalang.

Bumuntong hininga si Celine. Umupo naman ako sa tabi niya. Nakadikit sa akin ang kanyang mga mata.

"What?" tanong ko.

Kuryoso ang kanyang mga titig hanggang sa nagkibit siya ng balikat. Pinanood ko ang paglipat niya ng tingin kay Conrad. Dumiin sa isang linya ang kanyang labi. Hindi siya dumaldal kahit batid kong marami siyang kwento.

Nag-init ang aking pisngi at may namuong kaba sa aking dibdib. 




Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 1.3K 62
La Felicidad Series #1 (Completed) Talia Amanda Flores isn't fond of the attention that her family gets. As the daughter of the mayor of La Felicida...
453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
64.4K 1.8K 50
The Captivating Chaos Series #1 | Unpleasantly Captivating | COMPLETED Kyst Hames Lozano is the main vocalist and guitarist of The Captivating Chaos...