Let's Talk About Us [Complete...

By marielicious

11.5M 336K 47.9K

X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET... More

Panimula
1. The Great Escape
2. Living Away From Home
3. Job Interview
4. Executive
5. The Contract
6. Signed
7. Meet the Family
8. Searching
9. Never get Away
10. Us
11. Fashion
12. Why Did You Leave Us?
13. Do's and Don'ts
14. Rest-assured
15. His Reason
16. Asaran
17. PDA Show
18. Family Tree
19. Baby Sister
20. She's Here
21. Old Enough
22. Take Care
23. Day-off
24. Change of Mind
25. Kunwari
26. Girlfriend
27. Dinner
28. Rants
29. What Was That?
30. Travel Alone
31. Stranger
32. Bar
33. I Won't Mind
34. As If
35. Dessert
36. Hugot ni Arthur
37. Big Catch
38. Got Your Back
39. Shopping
40. Clingy
41. Payong Kaibigan
42. Kidnap
43. Scared
44. Surprise
45. Just The Two of Us
47. Mata sa Mata
48. Bothered
49. Lies
50. Senior Vice President
51. Old Time's Sake
52. Pun Intended
53. I'm Home
54. Hindi Kami
55. Spill The Truth
56. Come Home
57. Jigsaw Puzzle
58. Family Dinner
59. Sorry
60. We're Over
61. Team Evangelista
62. Go Home
63. Text Message
64. Lost in Thought
65. Pain
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Ikalawang Parte)

46. Birthday

156K 4.6K 902
By marielicious

46. Birthday

Kung kailan umamin na ako, hindi pa ako narinig. Tinulugan pa ako. Kaya kayo, huwag kayong magcoconfess sa taong lasing dahil mababalewala lang ang pag-amin tungkol sa nararamdaman mo.

Ehem. Nabalewala man ang confession— or should I say sagot ko sa confession niya, it made no difference naman. Sige, sabihin na nga nating may naging difference naman at iyon ay ang extra sweetness ni Arthur sa akin.

Would you believe that? Hindi man narinig ni Arthur ang pag-amin ko sa kanya pero simula nung sumunod na araw naman ay pinaramdam niya sa akin na totoo ang sinabi niya. I was supposed to feel frustrated pero mas lalo lang yata akong kinilig sa actions niya. Hindi na rin naman naungkat ang nangyari nung gabing iyon pero pinatunayan niya namang isa ako sa mga taong ayaw niyang mawala sa buhay niya. Kulang nalang ay idikit niya ako sa katawan niya. Weird, right? Pero ang sarap sa pakiramdam.

August 5 came. The much waited birthday of Venice happened. Sa isang engrandeng hotel ginanap ang party. To be honest, medyo nadisappoint ako hindi dahil sa setting ng party kundi sa sarili ko. Ako dapat ang nag-asikaso nito e. Ako dapat ang naghanda ng lahat. 'Yon pa naman ang bilin sa akin ni Arthur.

Habang naghihintay ang lahat na mag-umpisa ang party ay nakaupo lang ako sa isa sa mga upuan, pinapanuod ang ilang attractions ng party sa mga bata nang maramdaman ko ang pag-akbay ng isang matipunong braso sa balikat ko.

Nilingon ko ito at napangiti nalang. Si Arthur. "Come with me. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."

Hinawakan niya ang kamay ko at nagpahila sa kanya sa dulong bahagi ng reception ball. Napansin kong may kanya-kanyang kasamang babae ang mga barkada ni Arthur sa lamesang iyon. By the way, nung araw na nasa Batangas kami ay nauna na rin palang nagsiuwian ang mga barkada niya nung gabi rin ng birthday ni Arthur. Naghihintay daw kasi sa kanila ang mga asawa't girlfriends nila way back home. Ganu'n ba talaga kapag may asawa?

"Nandyan na pala si Arthur," sabi ni Derrick na may katabi ring babae. Medyo intimidating dahil may pagkamasungit ang aura nito.

"Ipapakilala kita sa kanila, Alison." Humigpit ang hawak sa kamay ko ni Arthur sabay ngiti. "Siya si Lyza. Derrick's wife..."

Tipid na ngumiti lang ito at bahagyang kumaway sa akin.

"That plumpish lady beside Dustin—"

Nalipat ang tingin ko sa katabing babae ni Dustin nang sumimangot ito. "Plumpish ka dyan, Arthur?!" Well, to add up, she's pregnant and a pretty one.

Tumawa lang silang lahat pati na rin si Arthur. "Sorry, no pun intended. Anyway, siya si Chloe. Dustin's wife."

"Hi there!" bati niya at ngumiti naman ako ng pabalik.

"Fiancee' naman ni Alex 'yong katabi niya, si Yasmin."

Pamilyar 'yong Yasmin sa akin. Parang nakita ko na siya kung saan pero hindi ko lang maalala. Kumaway nalang ako't ngumiti sa kanya.

"And next to Kent is Sandy. Yung sumunod naman ay si Lovely, fiancee ni Brent. I believe you've met them already, haven't you?"

Mabilis akong tumango kay Arthur. With enthusiasm naman akong binati nina Sandy at Lovely. Naaalala ko sila. Hindi pwedeng makalimutan ko sila dahil sila yung tumulong sa akin na mag-ayos nang una kaming magkita ni Venice. Sosyal nga kasi, may sarili silang boutique.

"Hello, Alison!" Si Sandy.

Kumaway din sa akin si Lovely. "Nice to see you again!"

"And that girl beside Jake is..." Arthur said and I automatically looked for Jake's presence. Nalaglag ang panga ko sa nakita ko. "Teka, si Emma ba 'yan?"

"Yeah," Jake replied coolly.

Dahek. Pinakatitigan ko ang babaeng kasama ni Jake. Hindi ko pa nga halos makilala agad dahil naging brown na ang dating black hair niya. Idagdag na rin natin yung bangs niya. What the fvck?

Napatingin sa akin si Arthur saglit, parang ineexamine ang reaskyon ko. Medyo ngumisi siya nang makitang nabigla ako.

"Hi, Alison." At may gana pa talagang bumati sa akin ang bruha? Mamaya ka sa akin, Emma Jane Sevilla!

"Anyway, guys. Si Alison nga pala..." Bumalik ako sa wisyo nang lumapit sa balikat ko ang braso ni Arthur at saka ako idinikit sa katawan niya. "– Asawa ko."

"ASAWA?!"

Sabay-sabay na sambit nila... ay, ewan. Basta yung mga girls lang except syempre kay Emma. Nakaramdaman tuloy ako ng severe na hiya.

Bumitaw si Arthur sa akin at medyo nag-lean forward sa mesa. "Sshh... Ang totoo, girlfriend ko palang. It's not the right place to narrate about what happened pero si Alison—" sabay sulyap sa akin. Napalunok tuloy ako. "— she stands as the mother of my daughter and moreover, my wife."

Tumuwid muli ng tayo si Arthur. Mga pilyong ngiti naman ang ipinukol sa amin ng mga lalaking barkada niya. I swear, I felt my cheeks burning. This is the first time Arthur introduced me as his girlfriend infront of anyone.

Kami na nga talaga... officially.

"So, sana welcome siya sa barkada natin," Arthur added as he put his arm again across my shoulders.

"Of course!" Chloe remarked as she raised her glass of juice in mid-air. "Let's toast to that!"

Inangat din ng iba ang kani-kanilang baso. Maging kami ay naki-toast na rin ni Arthur. I felt so welcomed. Mukha naman silang mababait.

"Welcome to the barkada, Alison!"

"Salamat."

Medyo nagkakwentuhan pa kami ng mga new found friends ko. I learned the reason why Yasmin is so familiar to me. Isa pala siyang sikat na author. Si Chloe naman ay housewife with two kids. Lyza seemed so aloof, mukhang hindi siya ganun ka-close sa kanila. She chose to attend her son sa party kaysa ang makipagkwentuhan sa amin. About Sandy and Lovely, sila naman ang pinaka-maingay. Pansin ko lang, medyo conyo silang dalawa. And last but not the least, si Emma... Si Emma na hindi ko pinapansin kanina pa. Naiinis kasi ako dahil hindi siya nagrereply sa texts ko lately.

"Ay, Alison. Puntahan ko lang yung anak ko sa harapan ha? Maiwan na muna kita," sabi ni Chloe kaya tumango ako't hinayaan siya.

Hinawakan naman ako ni Yasmin sa braso kaya napatingin ako sa kanya. "Ako din, beh. Puntahan ko lang si Zach." That must be his son.

Ngumiti ako. "Sure."

"I have to go to the powder room pala," tumayo si Sandy at sinenyasan si Lovely. "Samahan mo naman ako, Lovely."

"Okay, maiwan muna namin kayo here ha?" Lovely said before they left.

And now, we're 3 seats apart ni Emma. 'Yung mga boys ay humiwalay kanina ng mesa at nagsarili ng usapan. Nagkatinginan kami ni Emma pero mabilis akong umirap. Nag-iinarte ba ako kung sabihin kong nagtatampo ako sa kanya?

"Uy, Alison..." Lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin, looking so guilty. "Sorry na. Hindi ko sinabi sayo kasi alam kong magagalit ka."

"Talaga. Sinabi ko naman sayong chickboy yun e," umismid ako at saka uminom ng tubig.

Kumapit siya sa kamay ko. Agad ko naman 'yong inalis. "Sorry na, Alison. Gusto ko naman kasi talaga si Jake. Sayang e. Nakahuli na ako ng salmon, papakawalan ko pa ba? Baka sa susunod na makahuli ako, sa tilapia nalang ang bagsak ko!"

Tinignan ko siya ng matalim. "Gusto mo ba talaga siya?" mapanghamong tanong ko.

"Oo."

"Pero ilang araw palang kayong nagkakilala."

She raised her right hand as though giving a pledge. "Pero hindi pa naman kami. We're just dating, promise," pagdadahilan niya.

I sucked in a breath in surrender. Kunsabagay, bakit ko ba siya pinapakielaman? Daig ko pa ang parents niya e. Hayyy... Concerned lang naman ako.

"Okay."

"Thank—"

Tinaas ko ang hintuturo ko sa tapat ng bibig niya. "Pero mag-iingat ka sa kanya! 'Wag kang shushunga-shunga!" paalala ko.

She smiled playfully to me. "Oo naman. Mag-iingat ako. Gagamit ako ng proteksyon..." she winked and I gasped loudly.

"What the—"

"Joke! You and your dirty mind, Alison. Ang ibig kong sabihin, maglalagay ng imaginary wall sa puso ko. And uh... uh, hindi lang puso ko kundi pati utak ko."

Umirap lang ako sa kanya at for some reason ay napatingin sa table ng boys. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

"Ano bang meron kay Jake at nagustuhan mo siya?"

Nabigla ako nang hinampas niya ako sa braso. "Mabait siya, super. Matalino rin at may sense kausap. Ang galing pang sumayaw..."

"Sinayawan ka na niya?"

"Oo. Nakakadehydrate siyang panuorin!"

Natawa nalang ako't binaling ang tingin sa mesa nila. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9...

Mukhang kumpleto sila ngayon. Nandito na si Toffer—

"Kurt?"

Speaking of, bigla nalang napasambit si Toffer ng pangalan. At wait, nakatingin silang lahat sa likod ko kaya naman out of curiousity ay sabay kaming napalingon dun ni Emma. At... sh1t to the deepest pit of hell.

"Akala ko, maququota na ako sa hotness ng siyam na 'yan, may dadagdag pa pala, Alison." Nagdedaydream na naman si Emma... okay, pati ako. Inaamin ko, namesmerize din ako.

Sinundan namin siya ng tingin habang palapit sa lamesa ng mga boys nang makita kong nakatingin sa akin ng matalim si Arthur. For a second, nadistract ako pero ibinalik ko rin kaagad kay Kurt ang tingin ko. Ang gwapo talaga ng pinsan niya.

"Hi, my apologies for being late. Busy sa opisina e," sabi nito at narinig kong umirit sa kilig si Emma sa tabi ko.

"Ang gwapo, Alison."

"Kaya nga—"

"Tara, Alison. Puntahan na natin si Venice?" Nabigla ako nang sumulpot si Arthur sa gilid ko at hinila ako patayo.

"Wait— uy!"

Ngunit hindi niya ako pinakinggan. Hinila niya lang ako sa harapan at pumwesto sa lamesa ko kanina. I looked at him, and his brows were pulled together in a straight line.

"Uy, may problema ba, Arthur?"

"Gusto ko, maging permanenteng endearment na natin ang 'boss babe'." Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Hindi lang sa bahay kundi sa office o kung saan pa man. I want you to call me that way."

I stared at him momentarily, waiting for him to say he's just kidding pero wala. Wala siyang sinabi.

"Seryoso?"

"I'm serious as fvck."

Suminghap ako sa gitna ng maingay na birthday party. "What's with the random thought, Arthur?" medyo natatawa na ako.

"I was serious the night I told you I love you. Kaya kapag sinabi kong huwag kang tumingin sa ibang lalaki, huwag kang titingin. Kapag sinabi kong tawagin mo akong 'boss babe', tawagin mo akong 'boss babe'."

Double gasp. I was speechless... dumbfounded too. Lahat ng nakakagulantang na expression ay nasa sistema ko na. Sh1t ka, boss babe. Huwag kang ganyan. Mas lalo lang akong naiin love e!

"O-okaaay."

Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan. Medyo minasahe niya pa ang kanyang sentido, mukhang na-stress yata.

"Alison, one question... Ayaw mo ba akong maging boyfriend?"

GUSTO! Gusto ko yung sabihin pero natameme na naman ako. Ay, shunga, Alison! Sabihin mo! Hindi ka nga niya narinig nung gabing iyon diba? Take this darn chance!

Bumuntong-hininga siya at ngumiti. "Hindi nalang pala kita tatanungin. Basta girlfriend na kita. As if you have a choice to decline me. 'Wag ka nang umangal..."

I wish I could tell him what's on my mind but somebody interfered in.

"Sir, Ma'am... Magsisimula na po ang party. Kailangan po kayong parents sa grand entrance."

***

The theme of the party is 'Sophia the first'. Nakabihis si Venice na kamukha ni Sophia the first and I swear, she's so pretty. Sa katunayan, simula nang mag-umpisa ang party ay nakailang kuha na ako ng photos sa kanya.

"Venice, look at me!" At ito nga, kinukuhanan ko ulit siya ng picture habang nakatayo sa harap ng Sophia the first inspired cake niya. "Smile!"

Ngumiti naman siya at nagpose. I feel so proud of her kahit na hindi ko siya nasaksihang lumaki. Just seeing her genuine and sweet smiles makes my heart flutter.

"Let's sing her a happy birthday altogether!" sabi ng emcee kaya naman ang mga bata ay nagsipagkumpulan sa paligid ni Venice. Arthur pulled me towards Venice back and together, we witnessed her special day.

"Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ Happy birthday, happy birthday... Happy birthday, Venice!" at isa pang ulit, mabilis naman.

Nakakatuwang mapakinggan ang pagkanta nila para kay Venice. Maging kami ni Arthur ay nakikanta't nakipalaklak rin. As the song ended, the emcee told Venice to make a wish.

Venice turned her head to us and gave us a sweet smile before she looked again at her birthday cake.

"I wish that Mom and Dad will be with me forever and ever..." sabi nito bago niya hinipan ang kandila at niyakap kami.

Nagkatinginan nalang tuloy kami ni Arthur sa gitna ng masigabong palakpakan. Hindi naman siguro imposibleng tuparin ko ang hiling niyang 'yon, dahil maging ako, 'yon din ang hiling para sa aming tatlo. I don't want to get away from them...

The party officially started. Sobrang saya ni Venice habang nag-uumpisa na ang mga palaro. Nagpasiklab din ang magicians at clowns sa performances nila. Andyan din 'yung mga palarong trip to Jerusalem, walang kamatayang bring me, patagalan sa pagbigkas ng 'happy birthday Venice' greeting, pahabaan ng gamit atbp.

Ako naman itong busy sa pagdodocumentary ng birthday party kahit na may videographer naman. Wala lang. Gusto ko lang talagang i-document ito. Sa katunayan, iniisa-isa ko pang lapitan ang mga cute na batang nakasuot din ng fantasy inspired costumes nang...

"Tara, Alison!" Hinila ako ni Arthur papunta as harapan. Napansin ko lang, pati ang ibang adults ay nandun din; sina Kent, Sandy, Brent, Lovely, Jake at Emma.

"Anong gagawin? Bakit?" Wala akong idea!

Bilang pagsagot, tinuro lang sa akin ni Arthur ang emcee at saka ako sinenyasan na tumahimik.

"Okay, now that the adult participants are complete, let the game begin!"

Teka. Anong game???

Nagtaka ako nang may ilagay na sampung piraso ng Stick-O sa harapan ng bawat magkakapartner. Hinawakan ako ni Arthur sa magkabilang braso at ipinuwesto ako sa harapan niya.

"Ano bang laro?" Naguguluhan talaga ako!

"Makinig ka nalang sa Emcee."

Dinemonstrate naman ng emcee ang instruction. Naningkit ang mga mata ko nang marinig na kailangan naming kumagat ni Arthur sa magkabilang dulo ng stick-O at unti-unting kainin iyon hanggang sa maubos. Paramihan pala ng makakain na Stick-O sa loob ng isang minuto. Dahek! Automatikong napatingin tuloy ako kay Emma. Sasali talaga siya dito?

"In the count of 3... 2...1!"

"C'mon," sambit ni Arthur at siya na mismo ang naglagay nun sa bibig ko. Paunti-unti kaming kumagat pero mabilis. Sa tuwing lalapit ang labi niya sa akin ay pinuputol ko na ito at kumukuha na ng panibagong Stick-O. Napapangisi nalang tuloy si Arthur.

Leche! Nakakakaba naman ang larong ito. Idagdag pa sa tension 'yung tilian ng mga tao. Jusko, dapat yung ganitong laro, nilalaro lang sa private e. Yung kaming dalawa lang ni Arthur... yung walang batang nanunuod.

"10... 9..."

Kumuha ulit ako ng isa. Pang-anim na namin ito. Kagat dito, lunok do'n.

"...8...7...6..."

Another Stick-O. Ewan ko ba pero natatawa nalang ako. Ano bang premo nito at naging pursigido si Arthur? Parang nanggigigil e.

"...5...4..."

Halos mabilaukan ako nang malapit ko nang maubos ang Stick-O.

"..3...2..."

At nabigla ako nang sa pagputol ko sa Stick-O ay siyang may tumulak naman kay Arthur mula sa likod niya. Lumapat tuloy ang kanyang labi sa mga labi ko.

"Sorry, dude!"

Nag-init ang buong mukha ko lalo na nang lumakas ang tilian ng mga bisita. Even through my peripheral vision ay nakipalakpak din sina Mama at Lola.

"...1! And the winner is... Mr. and Mrs. Evangelista!"

Teka. Bigla yata akong nanghina.

***

"This is the best day ever!"

Napangiti nalang ako nang masayang sinambit iyon ni Venice habang nasa gitna kami ng pag-uunwrap ng mga regalo niya. Tinulungan na naman siya ni Arthur sa pagbubukas dahil ang lalaki ng mga gifts niya.

"Wow! A hover board!"

Nakitulong din sa pag-alis nito sa karton si Arthur. "Who gave you this?" he asked.

Hinanap naman ni Venice ang card. "It's from Tito Jake!"

My faced formed a frown upon hearing that name. Speaking of, siya pala ang nagtulak kay Arthur kanina during the game. Nagalit pa nga ako kay Emma kung bakit niya ito tinulak pero sabi niya ay hindi naman daw talaga niya ito tinulak. Sinadya raw talaga ni Jake na tamaan si Arthur. Haayyy... nakakahiya tuloy.

Anyway, after the party, kumain pa kami privately ng barkada ni Arthur. They're all complete. Pansin ko lang sa kanilang lahat, sina Toffer, Wayne, at Kurt lang ang walang dalang girlfriend o asawa. Sabi ni Arthur, busy daw sa wedding preparation ang fiancée ni Toffer, si Wayne naman ay in a complicated relation and lastly, Kurt is single.

Single man o hindi si Kurt, basta na kay Arthur lang ang atensyon ko. Ayoko namang magselos ulit siya, 'no. Wait, nagselos nga ba siya kanina? I think so.

May kumatok sa pintuan ng kwarto ni Venice kaya napalingon ako. Si Manang Betchay pala.

"Maabala ko muna kayo. Arthur, may package daw sa front desk sa baba. Kailangan mo raw pumirma."

"Sige po," sabi ni Arthur at tumayo. "I'll be back."

Natapos nalang kami sa paguunwrap ng mga gifts at nakatulog nalang si Venice ay hindi pa rin nakakabalik si Arthur. Kahit na babagsak na ang mga mata ko't gusto ko nang tumabi sa pagtulog kay Venice ay pinilit ko pa ring lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Arthur na kakapasok palang ng penthouse.

"Bakit natagalan ka? Ano raw 'yon?"

Nilingon niya ako at matipid na ngumiti. Pumanhik siya sa hagdanan at lumapit sa akin para hilain ako papunta sa kwarto namin.

"Wala naman. Tulog na ba si Venice?"

"Oo..." Napansin kong may hawak siya na paper bag. "Kay Venice ba 'yan?"

"Yes. Regalo lang ng kliyente. Tulog na tayo?"

For some reason, bigla akong napasimangot. Napansin iyon ni Arthur kaya naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.

"Oh, what's with the frown?"

"Arthur—"

Sumeryoso ang tingin niya sa akin. "We've talked about this, haven't we, babe? Where's the boss babe in your sentences?"

Ngumiwi ako. Sh1t, alam kong corny pero bakit mas kinikilig ako. "Edi boss babe..." Tumikhim ako. Ngumiti naman siya. "Wala lang. Naguguilty ako. Wala akong gift kay Venice."

I sucked in a deep breath as I pulled free from Arthur's grip.

"Anyway, magshoshower na muna ako..." sabay talikod patungo sa bathroom.

"Gusto mo ba ng gift para sa kanya?"

Nilingon ko siya nang nagtataka. "Oo, kaso wala ng oras e." I didn't have so much time lately dahil naging busy ako sa pagsend ng invitations sa mga friends ni Venice. Nakalimutan ko tuloy bumili ng regalo.

"We all have the time in the world, babe."

"Anong gift?" He sounded so playful I can't trust him. Sa ganitong oras ng gabi? Seriously?

He smirked, "A baby brother."

Nanlaki nalang ang mga mata ko."E-ewan ko sayo!"

"Joke lang," he laughed out loud at my reaction. Ang saya mo talaga mag-joke, boss babe. Note sarcasm.




Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 34.2K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
84.9K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
6.6K 107 8
When you have all the money in the world, people immediately assume you're always problem-free. But when it comes to love, not even the high society...
466K 8K 81
↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko...