Kizuna: The Bond Between us

By sayuriMa

472K 3.1K 443

They didn't plan to be together but there will be bond that will unite them forever More

KIZUNA
Author's note
Prologue
Hit 1 ~The Future Boss
Hit 2 ~Popular Group
Hit 3 ~Relationship
Hit 4~ Missing Piece
Hit 5 ~Alter
Hit 6~ Trigger
Hit 8 ~Conflict
Hit 9~Bully
Hit 10~ Decision
Hit 11~Yano's First Love
Hit 12~ Love Story of Cashmere
Hit 13~ The Competition
Hit 14~ The Party
Hit 15~RJ's First Date
Hit 16~ Apple Candy
Hit 17~Rumors
Hit 18~Public Apology
Hit 19~The Marriage
Hit 20~The Council
Hit 21~ The Break Up
Hit 22~How To Raise Child?
Hit 23~The Vacation
Hit 24~The Petal
Hit 25~New Faces
Hit 26~Number Eleven
Hit 27 ~Precious One
Hit 28~Ties
Hit 29 ~Glances
Hit 30~New Vows

Hit 7~ Other member

8.4K 96 14
By sayuriMa

Ang pinakainaabangang okasyon sa Yama Academy ay ang Twelve Groups Competition kung saan ipamamalas ng mga grupo ang kanilang husay sa limang uri ng Japanese martial arts.

Judo

(To either throw or takedown one's opponent to the ground, immobilize or otherwise subdue one's opponent with a grappling maneuver)

Karate
(A striking art using punching, kicking, knee and elbow strikes, and open-handed techniques such as knife-hands)

Kendo
(Art of sword-fighting based on traditional samurai)

Kyudo
(Art of archery)

Aikido
(To create an art that practitioners could use to defend themselves while also protecting their attacker from injury)

Noong nakaraang taon ay hindi nakasali ang grupo ni Yano dahil sa biglaang pag-alis ng isa nilang miyembro.
Maraming nagprisinta na sumali sa grupo niya bilang kahalili, ngunit masyado siyang pihikan. Mas pinili nIya na huwag na lang sumali kaysa magkaroon ng mahinang miyembro

Ang magwawagi sa naturang kompetisyon ay makatatanggap ng malaking halaga. Magkakaroon din sila ng tsansa na magbakasyon sa labas ng Tama.
Magandang oportunidad iyon para makita ang Pilipinas. Nasa rule kasi ng Yamato Clan na sa labas lang ng bansa puwedeng magbakasyon ang mga nasasakupan nila.

Ito ang bumubuo sa grupo ni Yano.

Jin Seo
Bihasa sa Judo.
Kilala ang kanyang ama bilang isa sa labingdalawang miyembro ng Yamato Council.
Pagmamay-ari nila ang ang pinakamalaking kompanya ng cosmetic brand sa bansa.
Si Monique Reyes ang kasalukuyang image model nila.

Ivan Delamare
Bihasa sa Karate.
Dating bahagi ng Yamato Council ang kanyang ama. Nagmamay-ari sila ng isang Automaker Company. Pambato si Ivan ng Equestrian Club, pero iniwan na niya ito matapos siyang tanggapin ni Yano sa grupo.

Rina Sawajiri
Bihasa sa Aikido.
Siya ang pinakasikat na babae sa school.
Isang mahusay na fashion designer ang kanyang ina, samantalang bahagi naman ng council ang kanyang ama.

Yamapi Fujimiya
Bihasa sa Kendo.
Parehong kabilang sa council ang kanyang mga magulang, pati na ang lolo niya.
Isang taon na rin mula nang lumipad siya patungong Thailand sa di malamang kadahilanan.

Yano Matsumoto
Bihasa sa limang Japanese martial arts na nabanggit, lalo na sa Kyudo.
Siya ang anak ng pinuno ng Yamato Clan. Tinaguriang susunod na leader.
Ang pamilya niya ang may ari ng Yama Academy.

"Yano, ano na bang balak mo?" tanong ni Ivan habang hinihimas ang ngayo'y itim na niyang buhok.

Tapos na ang klase nila kaya prenteng prente na sila sa kanilang silid.

Nagbabasa si Jin ang libro.
Si Rina naman ay nag i-internet sa cellphone.
Si Yano ay kumakain ng apple candy.

Inulit ni Ivan ang kanyang tanong "Ano na, Yano! Paano tayo makakasali sa competition kung kulang tayo ng isa?"

Sandaling tumigil si Jin sa pagbabasa para pangalawahan ang tanong ni Ivan. "Tama siya. Next month na ang Competition pero kulang pa rin tayo ng miyembro."

"Kung isali na lang kaya natin si Chen Yin, marunong na,an siya sa Archery, hindi ba?" suhesyon ni Rina.

"Bobo 'yon! Wala tayong mapapala ro'n!" agad na sagot ni Yano.

"May kilala akong magaling din sa kendo, gusto mong subukan?" tanong ni Ivan.

"Huh!" Napangisi si Yano. "Hindi na 'yon kailangan, dahil pabalik na naman siya!"

"Pabalik?"

Sabay sabay na napatingin aina Jin, Rina at Ivan kay Yano.

"Ang tinutukoy mo bang babalik ay si...Yamapi?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Ivan.

Ngiti ang naging tugon ni Yano.

***

Tapos na ang klase.
Pauwi na si Mia kasama sina Chen Yin at Cashmere.
Naglalakad sila sa may hallway nang may marinig silang usapan.

"Totoo, babalik na si Yamapi?" tanong ng isang lalaki.

"Oo, kaya nga hindi pa ako umuuwi para makita siya, " sagot naman ng pangalawang lalaki.

"Kanino mo ba 'yan nalaman?" Ang pangatlong lalaki naman ang nagtanong.

"Nalaman ko iyon sa kapatid ng bayaw ko. Nagta-trabaho kasi siya sa bahay nila. "

"Kung gayon talagang babalik na nga siya.Nakakatuwa naman!" sabi ng unang lalaki.

Napatingin si Mia sa mga kaibigan.
"Sino iyong Yamapi?" tanong niya.

Nagkibit- balikat si Chen Yin. Ngayon nya rin lang narinig ang pangalang iyon.

"Si Yamapi Fujimiya ang inactive member ng grupo ni Yano," sagot ni Cashmere.

"Inactive member?" ulit ni Mia.

"Seryoso ka ba, Cashmere? Matagal ko na kasing kilala si Yano, pero never ko pang narinig ang pangalang 'yon!" sabi ni Chen Yin.

Hindi umimik si Cashmere.

"Hoy, Caahmere! Magsalita ka pa! Sabihin mo kung sino talaga ang Yamapi na iyon!" pilit pa ni Chen Yin.

Si Mia rin.
Gusto niya rin may malaman tungkol sinasabi ni Cashmere na inactive member ni Yano.

"Wala naman akong masyadong alam sa kanya," simula ni Cashmere. "Ang alam ko lang, siya ang pangalawa sa huli na naging miyembro ni Yano at mahusay siya sa kendo. Last year, pumunta siya ng Thailand. At walang may alam kung bakit. Ang akala ko nga hindi na siya babalik..."

Napansin ni Mia na parang biglang nalungkot si Cashmere habangnagku-kuwento.

"Cashmere, close ba kayo?" bigla niyang tanong.

"Ha? Hindi!" Umiling nang madiin si Cashmere. "Paano ko naman makaka-close 'yon...Tayo na nga. Umuwi na tayo!" Nagmadali ito sa pag-alis.

"Huwag na muna tayong umuwi!" sabi ni Chen Yin.

Napahinto si Cashmere.

"Para kasing gusto kong makilala iyong Yamapi," dagdag ni Chen Yin.

"Pero Chen Yin... di ba pupunta ka sa bahay namin? Tutulungan mo ko mag-practice ng archery,"paalala ni Mia.

"Ay, oo nga pala! Oh, sige na nga umuwi na tayo!" Nagbago agad ang isip ng dalaga.

Muli na silang lumakad. Hanggang sa may marinig silang hiyawan.
Nakita nila ang itim na kotse na pumarada sa tapat ng building nila.
Mula roon ay bumaba ang isang guwapo at matangkad na lalaki.
Kulay tsokolate ang buhok nito at malamlam ang mga mata.
Pinagkaguluhan ito ng mga estudyante.

"Yamapi!" sigaw ng lahat.

"Ha? Si iyong Yamapi?" nasasabik na tanong ni Chen Yin. Tumingin siya kay Cashmere. Napansin niya na medyo napangiti ito.

Napanganga naman si Mia nang matanaw ang lalakinh tinatawag nila na Yamapi.

Ang lalaking iyon...Yamato din pala siya? nasambit niya sa isip. Bigla siyang napaatras bago tumakbo palayo.

"Uy, Mia! Saan ka pupunta?" habol ni Chen Yin.

Si Cashmere naman ay tumakbo rin palapit naman kay Yamapi.
"Cashmere!" tawag ni Chen Yin.

Nakipagsiksikan si Cashmere sa kumpol ng mga estudyante, pero bago pa siya makalapit ay dumating na ang grupo ni Yano.
Binigyang daan ng mga estudyante ang grupo.

"Yamapi!" salubong ni Ivan.

Masamang tingin ang isinukli sa kanya ni Yamapi. "Ano na namang ginawa mo sa buhok mo?" tanong nito.

"Hehe..." Ngisi ang naging tugon ni Ivan. "Cute ba? Bukas color red naman ang balak ko."

"Yamapi!" malambing na tawag ni Rina bineso ang lalaki. "Masaya ko na makita ka ulit!"

Tumango lang naman si Jin.

"Sa wakas... kumpleto na rin tayo," nakangiting sabi ni Yano. " Sigurado na ngayon ang panalo natin!"

Kumpleto na nga ang grupo ni Yano.

Mula sa malayo ay nakita iyon ni RJ Dela Vega.

Si RJ ay isang matangkad na lalaki na may clean cut na buhok. Moreno ang kulay nito at may singkit na mga mata. Mula si RJ sa Village II kaya kulay asul ang damit nito.

Ngayong bumalik na si Yamapi, siguradong maraming magbabago! naisip ni RJ. Aalis na siya nang mapansin niya ang kapatid na si Cashmere. Anong ginagawa niya r'on?

Lumapit si Cashmere kay Yamapi.

"Hoy! Sino ka?!" mayabang na tanong ni Yano.

Hindi umimik si Cashmere. Tumingin lamang ito kay Yamapi.
Tumingin din naman ito sa kanya.

"Bingi ka ba? Kinakausap kita!" nainis na si Yano.

"Yano, huwag mo siyang sungitan!" ani Jin sabay hawak sa balikat ng kaibigan. "Hindi mo ba siya nakikilala? Kapatid siya ni RJ."

"Kahit kanino pa siyang kapatid, wala pa rin siyang karapatan na bastusin ako!" sabini Yano.

"Alam ko... alam ko... pero pagbigyan mo na siya. Girlfriend kasi siya ni Yamapi!"

"Ano?" Nabigla roon si Yano. Agad itong tumingin kay Yamapi "Totoo ba 'yon Yamapi?"

"Si Cashmere, girlfriend ni Yamapi?"
Biglang nagbulong-bulong ang iba pang mga estudyante.
Hindi kasi nila alam ang tungkol sa bagay na iyon.
Totoo ba ang sinasabi ni Jin?
May namagitan nga ba kay Yamapi at sa kapatid sa labas ng student council president na si RJ?

"Hindi! Hindi ko kilala ang babaeng 'yan!" sagot ni Yamapi.

Biglang natigilan si Cashmere.

"Nagugutom na ko. Kumain na muna tayo!" sabi ni Yamapi.

"Sige. Pumunta na tayo sa cafeteria!" yaya ni Yano

Lumakad na ang buong grupo.

Nilampasan ni Yamapi si Cashmere at hindi na nilingon pa.

Nang makalayo na sila ay biglang may lumapit na grupo ng mga babae kay Cashmere.
Ito ang grupo ni Mimi, na tulad ni Cashmere ay mula rin sa Village II. Nakasanayan na ng grupong ito na I-bully si Cashmere.
At ang oangyayaring ito ay isang magandang oportunidad para sa kanila.

"Napakaambisyosa mo naman. Ikaw, girlfriend ni Yamapi?" pang-aasar ni Mimi.
Tinawanan niya kasama ng kanyang mga kaibigan ang kawawang si Cashmere.

Walang naging kibo si Cashmere.
Ganito naman kasi talaga siya. Sanay na binubilly. At hinahayaan niya lang iyon

Nakita ni Chen Yin ang ginagawa ng mga babae kay Cashmere.
Hindi niya iyon gusto kaya naman lalapit dapat siya para ipagtanggol ito, subaliy naunahan siya ni RJ.

"Itigil n'yo na 'yan!" sabi ni RJ.

"What? Are you serious, RJ? Ipinagtatanggol mo ba talaga ang babaeng iyan?" Hindi makapaniwala si Mimi.
Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na ipinagtanggol ni RJ ang kapatid.

Ginamit naman iyong pagkakataon ni Cashmere para tumakas.
Tumakbo siya palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

248K 5.1K 41
"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction A...
EMPATH By MIGUELITO

Teen Fiction

36.4K 1.6K 27
A young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that...
6.8K 379 107
Ziana Blythe Lightenia is a bubbly girl. Everything on her mind is just a piece of crazy jigsaw you cant even understand. Her life was a riddle. And...
87.7K 2.6K 49
|COMPLETE| school for you school for me school for us magic wizards witch are allowed welcome to White Tiger Academy school were you came stronger #...