The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Sampu

40.6K 810 49
By thesuchness

Dumaan ang mga araw sa mabilis na panahon. Ang dating iniintindi kong pagtatrabaho at pag-aaral ay nadagdagan na. Ngayon, pati ang aking mabilis mag overheat na boss ay isa na rin sa aking mga iniintindi. Sa kaniyang pamamalakad sa bistro ay ay humigpit ang mga patakaran dito. Naging mahirap na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.

Ilang gabi rin akong hindi pinatulog noong huling nangyari sa amin. At kung makapagsalita naman ako ay para bang totoo ngang may nangyari!

Sa bawat gabi, bago ako matulog at sa bawat umaga, bago ako umalis ay naalala ko ito. Ang baritonong boses ng aking boss noong gabing iyon, at ang gahiblang layo namin sa isa't isa. Napeperwisyo na ako dahil ang kahit na anong init na aking nararamdaman ay hindi tumumbas sa init ng kaniyang mga bisig noon.

Ahh, naalala ko nanaman!

Mahina akong napamura sa hanging namamayagpag dito sa oval. Dito naisipang magpatipon si Zelda, ang aming group leader na puros project ang nasa bokabularyo.

"Chrissy! Nakikinig ka ba?" Minulagatan niya ako ng mga mata habang sa inaayos ang mga cut outs. 

Napanguso ako rito  at tumango. Kung anu-ano pa ang kaniyang sinabi tungkol sa mga hindi pagsipot sa mga overnights. Hala, siya kaya ang magkaroon ng boss na utak ostrich at ang puso ay nagliliyab sa lamig! Hindi ko na ito pinakinggan sa kaniyang mga dada.

Natagpuan ko ang sarili na nagbabasa ng mga texts ni Eamonn. Mabait naman ito at mukhang hindi palamunin. Kung sana ay pagiging kaibigan ang habol niya.

Sa aking pagbabasa ng mga texts ay mayroong dumating na bago. Agad ko itong binuksan.


Mirna:

Punta ka na now sa bistro. ASAP. 


Kumunot ang aking noo. Huwag niyang sabihing...my goodness! Sa broad daylight talaga? As in ngayong napakataas ng tirik ng araw? 

Mabilis akong nag-reply.


Ako:

Naglasing ka ba kagabi o ASAP iyan talaga?


Nagulantang ako habang naghihintay ng pagdating ng reply nito. Ding!


Mirna:

Ulol umaga lang pasok mo ngayon. Magpunta ka na rito. ASAP.

Napamura ako ng tuloy-tuloy habang malakas na dumukdok sa bakal na mga upuan. Si Sir Ram! Si Sir Ram nanaman ang dahilan! Iyan nanaman kasi ang dahilan, si Sir Ram nanaman ang dahilan, ang boss naming needy nanaman. Needy na, at clingy pa!

"Zelda...Uy, Zelda..." Kinalabit ko ang aming leader habang nakangiti nang pang-anghel.

"Ugh! Ano nanaman, Chrissy? Aalis ka nanaman? Palagi ka na lang MIA!" bulyaw nito sa bistado kong mga alibi.

Minura ko si Mirna sa isip dahil nasa kaniya ang aking schedule. Alam niyang bumawi lamang ako sa free day ko para makatulong dito sa project namin.

Sa maikling byahe ay nakadukdok lamang ako sa aking mga hita, nagkukunwaring tulog upang hindi makapagbayad. Ganoon din ang ginawa ko kaninang papunta dahil hindi naman kasama sa budget ang panggastos ko ngayong araw.

Nang datnan ko ang bistro ay para itong sinabugan ng granada at ang mga nasa loob ay palakad-lakad dahil hindi alam ang gagawin.

Naglaho ang aking planong magpaulan ng apoy sa second floor ng bistro dahil sa aking nasaksihan.

Alam mo ba ang hitsura ng wet market sa pampublikong palengke na namamayagpag sa katirikan ng araw?

Mainit, masikip, malagkit, basa, at nagkalat ang mga sumisigaw na tao. Hindi sapat na sabihing nalaglag ang aking panga dahil nasa lupa na ito. Panay ang labas-masok ng aking mga katrabaho sa kitchen. Ibig ko silang bigyan megaphone dahil ang mga litid sa kanilang leeg ay bibigay na sa kahihiyaw.

"Anong nangyayari? Tanghali pa lang, ha? Bakit andito silang lahat?" puna ko sa complete attendance ng crew. Para silang robot na may short circuit. Nagkalat silang lahat sa bistro.

Sina Japeth at Ivan sa aking gilid ay pawis na pawis na sa kakalampaso ngunit ang mga tumatapong likido ay walang humpay. Tumagilid ang aking labi sa awa.

"Chrissy! Buti't dumating ka! Tumulong ka na rito sa kitchen para mas mabilis matapos." Mas mabilis pa sa alas kwartong lumipad si Kurt patungo sa kitchen. 

Lumaki ang aking mga mata. Hindi ko lubos maisip kung paanong nagkasiya silang lahat diyan at kung paano sila nakakagalaw sa dami ng mga kamay sa bawat istasyon. Trahedya. Trahedya ang nangyayari ngayon.

"Naku, Chrissy! Buti dumating ka!" Humahangos si Mirna sa aking harapan. 

Napaawang ang aking bibig,"ang haggard mo!"

Binalewala ako. Nagsimula niyang ipaliwanag ang sanhi ng trahedyang ito na si Janina, ang aming receptionist ang may dahilan. Dahil sa ugali niyang pagtulog sa trabaho ay nakaligtaan daw nitong ipa follow up ang mangyayaring reception ng binyag ngayong araw sa ala una y media ng tanghali.

"Buti't pinaalala ni Japeth kanina. Kasama rin siya noong kausap 'yung mga magulang, e!" Napailing si Mirna at nang makita si Janina na maputla sa gilid ay, "ang tanga-tanga mo!" sigaw nito.

Napatingin ako sa aking relos. Alas diez na!

"Nandiyan ba si Sir Ram sa itaas?" Dahil kung nariyan siya at ayaw niyang bumaba ay papatunayan niyang hindi lamang ako ang 'inefficient' at 'unproductive', siya rin mismo!

Umiling si Mirna at napatalon sa gulat. "Wala pa nga! Iyon nga ang problema kaya nagkukumahog kaming lahat! Kapag nalaman niya ang nangyari... Oh my god, ayaw kong isipin?!"

Lumaki ang aking mga mata sa gulat. Sa segundong iyon ay tila ba umikot ang aking mundo at sumerko na parang pendulum. Mas malala pa pala kung wala si Sir Ram diyan. Kaya naman pala parang binagyo ang buong bistro!

Kapag nalaman ni Sir Ram ay uulan ng yelo at apoy. Maghahalo ang putik at ang lahar, at umiigting na kapinsalaan ang madudulot. At kung tama nga ang aking hula, baka ipataw pa nito ang pinakamalubha at ang lubos na kinatatakutan naming mga empleyado:

Kaltas sweldo.

Hindi na ako nagsayang pa ng panahon. Tumungo na akong kitchen at hinagilap sina Colofer at Kurt na magkatulong. Habang nanunulay sa kanilang mga kunot-noong dulot ng concentration ang mga pawis ay masugid akong nakikinig ng mga gagawin.

Tumulong ako sa pag-aayos ng stage at sa catering. Panay ang aking panik panaog at nakailang balik na rin ako sa aking tray dala ang mga kagamitan sa table setting at buffet. Ang lahat ay sobrang busy at noong nasama na ako sa agos ng pagtatrabaho ay hindi na ako nakawala pa.

"Sabihin mo sa boyfriend mo, bawasan niya ang libido niya sa umaga para hindi ka tulog ng tulog sa gabi! Oh kaya, mag mariang palad na lang siya!" buong lakas na sigaw ni Mirna habang tinutulungan niya ako sa mga lamesa.

Humagalpak sa tawa sina Japeth at Ivan na walang humpay sa kakalampaso. Napailing na lamang ako habang kinakabit ang mga Batman na balloons na hinatid kanina noong party organizer.

"Aba'y totoo naman ang mga sinasabi ko. Isa pa, concerned ako sa health niyang si Janina. Kapag madalas, lumuluwag---"

Tinampal ko ang mga kamay ni Mirna nang makababa ako.

"Nagsalita ang masikip..." Dumaan ang malditang si Jamel sa aming harapan, dala ang mga gagamiting tray mamaya. 

Lumaki ang mga mata ko. Ang bruha! Lintik, anong gusto niyang mangyari? Gusto niya bang dito na kami mismo sa Batman-themed na reception magsabunutan ko sa labas?

Ang walang makakapigil na ekpresyon ni Mirna habang sumusugod ay isang mirakulo, napatigil sa kalagitnaan ng daan patungo kay Jamel. Nabitiwan ni Ivan ang kaniyang mop, at sa isang gilid ay may nakahulog sa mga silverware.

Umugong sa nakakabinging katahimikan ang pagkalentong ng mga pilak na kubyertos. Representasyon lamang ito ng aming guguhong career - ang bawat sa isa sa amin - sa pagpatak ng ala una y media, isang oras na lamang ang lalabi.

"Sir Ram, hindi ko po talaga sinasadya! Hindi ko po talaga napansin pero alam kong naisulat ko naman! Wala po talaga akong kasalanan, sir! Huwag niyo pong babawasan ang sweldo ko---"

Napatikom nang bibig si Janina nang mula sa seryosong mukha ay kumunot ang noo ni Sir Ram.

Kung sasabihin kong nagulat ito sa kaniyang pagpasok ay kulang. Hindi lamang siya gulat na gulat ngunit nasindak ito sa kaniyang kaguluhang inabutan.

Sa entrada ng bistro, unti-unting nalulukot ang mukha ni Sir Ram habang pinapakatitigang mabuti ang senaryo sa kaniyang harapan.

Napanguso ako. Gusto kong bumunghalit ng tawa ngunit kinabahan na ako kaagad sa reaksyon ni Sir Ram. Pakiramdam ko ay mga estudyante kaming inabutan ng isang matanda at masungit na adviser.

Nang nag-angat ako ng tingin ay nagtama ang mga mata namin ni Sir Ram. May gulat at mangha roon dahil sa nangyari. Napanguso ako ulit at nagyuko ng ulo.

Walang sinabi si Sir Ram at tinawag lamang si Colofer at Kurt sa isang matigas na ingles. Nang makaakyat silang tatlo ay dinig ko hindi lamang ang aking buntong hininga kung hindi ang karamihan.

"Dapat ba nating sundan sina Colofer at Kurt doon? Kawawa naman sila..." 

"Hindi! Okay na 'yun na sila lang ang papagalitan kaysa naman tayong lahat!"

"Oo nga!" sigaw ni Janina ngunit maraming bumara sa kaniya.

Nagpatuloy ang lahat kahit na tensyunado. Nagpatuloy ako sa aking paglambitin sa mga tubo habang kinakabit ang mga balloons. Ilang minutos pa ay bumabang muli sina Colofer, Kurt at si Sir Ram.

Dahil nauuna si Colofer, tahimik itong nag-thumbs up. Sa ikalawang pagkakataon ay nakabuntong hininga kaming muli.

"Sana itinawag niyo sa akin kaagad para magiging mas maayos..." kalmado man ang boses ni Sir Ram ay namamayagpag ito ng awtoridad.

Tiningnan ko ito at napunang wala na ang kaniyang kulay alapaap na necktie.

"Hindi ka galit, sir? Hindi mo babawasan ang sweldo namin--" 

Tinakpan ko ang bibig ni Mirna. Kanina pa sila sabi ng sabi na bawasan ang sweldo, sila pa nag nangunguna! Mamaya ay kaltasan nga!

Habang nakikinig kay Sir Ram ay pinahid ko sa pantalon ang palad. 

Napuno ng katahimikan ang apat na haligi ng malaking silid, at ang mga mata ay Sir Ram lamang ang tingin. Ngayong nag-uutos aaynagsasalita na siya ng english ulit. Nakikiliti ang aking tenga. Sa sobrang fluent at sa accent nito ay tila ba duduguin ang aking ilong, ngunit sa hindi rin malaman na kadahilanan ay masarap iyon sa tenga.

Nagsimula na kaming muli, ngunit sa isang mas organisado at kalmadong atmospera. Naroon ang komunikasyon na hindi na kailangan pang sumigaw at kooperasyon.

Nang naparaan akong kitchen ay tumingkayad ako upang makasilip. May isang istasyon ay naroon si Sir Ram at pinapagitnaan ng dalawa pang chef. 

Nakarolyo na ang sleeves ng kaniyang polo at ang relo naroon pa rin. Habang nagluluto ito ay kumikintab ang mga butil ng pawis sa gilid ng kaniyang noo. Dikit ang dalawang kilay nito sa concentration at bahagyang umiigting ang panga tuwing masyadong mainit ang niluluto.

Kahit sina Colofer at Kurt ang nangungunang chef doon, at ahit pa man normal na puting apron lang ang kaniyang suot ay mukhang siya ang head chef. Simula nang tumapak si Sir Ram sa loob ay mukhang five star kitchen na ito dahil sa kaniya.

Habang nakasilip ay pinipigilan ko ang pagngisi. Napapanguso na lang ako. 

Tila ba nararamdaman ang aking pagsilip ay napatigil si Sir Ram sa pagtikim ng sobrang sarap siguro na kalderetang luto niya. Tumayo ito ng maaayos at luminga. Nagtagpo ang aming mga mata kaya naman mabilis akong umupo.

Muntik na!

Ngunit ang papasok sa kitchen na si Japeth ay sadyang pahamak. Pinasok nito ang tinutulak na tray  kaya nakita akong muli ni Sir Ram. 

Tumaas ang kilay nito sa aking nakaupong pigura. Napanguso na lang ako atsaka dali-daling nagpunta sa aking gawain.



Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
3.7K 826 38
Cara Mallari, a high school student who prefers to spend her time alone at the library. Her miserable life has no effect on her positive outlook on t...
56.2K 945 38
ME Series #1 : NOTICE ME a novel written by: MiaBellaHart Kapag nagmahal ka, Kapag nagmahal ka, nagpapansin ka. Kapag nagmahal ka, lahat gagawin mo...
69.4K 217 5
Shae Miramontes is a lady who values her private life, takes pride in her principles, is a loving daughter to her Dad and Step-Mom, is a cool sister...