A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Deign

Special Chapter - Leximir

9.4K 343 107
By littlemissselle

"Dad, I got a perfect score in Math again!" bungad sa akin ng panganay na anak ko pagkauwi na pagkauwi ko.

Kinuha ng kasambahay namin ang bag ko at dinala sa itaas. Binuhat ko naman si Ace.

"Really?" He nodded and insisted to go to his room to prove that he got it perfect. At hindi nagsinungaling ang anak ko nang ipakita sa akin ang test paper niya.

"Where's Mom? I wanna show her this." He pouted.

Napabuntong hininga na lang ako. Alex and I fought over something petty a while ago kaya pinilit niya na doon muna siya uuwi sa nanay niya.

"Ando'n siya kanila Lola mo." He asked me why pero hindi ko naman pwedeng sabihin na nag-away kami pero wala naman akong mai-dahilan sa anak ko. "Hindi niya ako trip makita ngayon."

He gave me a confused look pero ginulo ko ang buhok niya at isinama na lang siya papunta sa kwarto ni Art. Ang bunso naman ang binuhat ko at nilaro-laro. Nakakagaan ng pakiramdam sa tuwing nakikita kong tumatawa itong mga anak ko.

Narinig namin ang ingay sa baba kaya naman lumabas na kami ng kwarto. Naabutan namin ang kambal na nagsisigawan nanaman.

"Ang hirap kasi sa 'yo, hindi ka matino kausap!" singhal ni Phillip.

"Nag-text ako sa 'yo! Sabi ko hindi na ako sasabay kasi nga magdi-dinner kami ni Deign!" sagot naman ni Gia na naka-pamaywang.

"Nagreply ako 'di ba? Ang sabi ko, ayos lang kasi ako aattend ako ng training. Eh 'yang magaling mong boyfriend tumakas nanaman para sa 'yo!"

"'Yon na nga eh! Sabi mo ayos lang. So I assumed na mauuna ka ng umuwi!"

Napapalo si Phillip sa noo niya. "Ayan tayo sa pag-a-assume eh! Assume nang assume imbes na manigurado! Sana man lang sumagot ka sa mga text at tawag ko kanina!"

"Naka-silent nga 'yong phone ko! Alangan namang text ako nang text habang magkasama kami ng boyfriend ko!"

Halatang nanggigigil na itong si Phillip. "Isa pa, Gia. Paghintayin mo pa 'ko ng matagal sa school, malilintikan ka na talaga sa 'kin!"

Sasagot pa sana ulit si Gia pero sumabat na ako at baka hindi pa sila matapos mag-away. "Isa pang sigawan niyo, sa labas kayo matutulog."

Laging ganoon ang eksena sa bahay. Panay ang sigawan ng kambal at panay naman ang awat ko maski nga anak kong si Ace ay nakiki-awat na rin sa dalawa. At ganoon din, sa tuwing magkakatampuhan kami ng asawa ko, susuyuin ko siya.

Madalas siyang magtampo dahil sa isang client namin na pinaghihinalaan niyang may gusto sa akin. Eh kung may gusto man nga talaga sa akin 'yon, wala naman akong pake. Trabaho lang. No feelings involved. Hindi ko lang maintindihan kay Alex eh masiyado niyang pinapahalata sa kliyente na ayaw niya sa kaniya. Bigating kliyente iyon at baka makasira pa sa image ng company kung hindi namin pakikitunguhan ng maganda.

Sa tuwing mag-aaway kami ay awtomatikong magte-text sa akin si Axel na andoon sa bahay nila ang ate niya na siya namang kinaiinis nung isa dahil pakiramdam niya sa akin pa kumakampi ang kapatid niya.

Sa tuwing nagkakaaway kami at umuuwi siya roon ay hinahayaan ko siyang matulog doon ng isang gabi at susunduin ko na lamang siya kinabukasan. We kept on fighting over the same thing.

Andito na ako sa tapat ng bahay ng magulang ni Alex. Pinagbuksan ako ng step father niya at pinapasok. Nag-a-almusal sila pero wala ang misis ko. According to Axel, tulog pa ang Ate niya sa kwarto niya kakaiyak buong gabi. Lagi naman siyang nakikitulog sa kwarto ni Axel. Mabuti na lamang ay 'di ito nagrereklamo. Inaya nila akong kumain na muna pero tumanggi ako at umakyat na para puntahan ang asawa ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumabi sa kaniya na tulog na tulog pa rin. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya at mahina siyang kinantahan.

"Nais ko ay magpakilala sa iyo at ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko." Mukhang nagising siya dahil kita ko ang maliit niyang ngiti. Nagpipigil pa ang isang 'to. Nagpapalambing lang. Pinagpatuloy ko ang pagkanta at marahang hinila ang braso niya payakap sa 'kin. Hindi naman siya pumalag at niyakap ko rin siya ng mahigpit. I kissed her head upon finishing the song.

"Bati na tayo?" She shook her head. "Bakit?"

"Galit pa rin ako sa 'yo."

"Kiss na lang kita." I claimed her lips before she can even react. "I love you."

Hinampas niya ang braso ko. "Nakakainis ka naman eh!"

"Kasi 'di mo 'ko matiis?" I grinned.

"Oo kahit ikaw, natitiis mo 'ko."

I gave her a look. "Sino nagsabi? Sapakin ko."

"Lagi mo 'ko hinahayaan makatulog nang 'di tayo nagkakaayos!" Bumangon siya at umupo tapos ay sumimangot.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siyang muli. "If I talked to you last night, would you listen to me? Sobra kang galit at mas gusto kong hayaan kang palipasin muna ang galit mo para mas makapag-usap tayo."

Nag-iwas siya ng tingin at mukhang badtrip pa rin siya. "You always have an excuse."

"That is not an excuse. I am making a point here, my dear wife."

"Whatever. Shut up." Tumayo na siya pero hinila ko siya. "Casimir, nagugutom na 'ko!"

Inakap ko siya ng mahigpit. "Ito na nga oh. Andito na breakfast mo." I smirked.

Nagpalinga-linga siya at tinignan ang table kung may dala ba akong pagkain pero wala siyang nakita. "Siraulo. Na saan?"

I spread my arms. "Ako." She rolled her eyes at tuluyang tinungo ang pinto para lumabas. "Oh c'mon, Alex! I know you want to!"

"Ang aga-aga, 'wag mo 'ko binu-bwisit!" sigaw niya na nakalabas na ng kwarto.

Matapos ko makikain sa kanila ay umuwi na rin kami. Wala ng ligo-ligo si Alex, hindi ko na rin naman siya hinayaan dahil paniguradong 'pag nagtagal pa kami ay 'di nanaman ako titigilan ng mga anak namin sa pangungulit kung na saan na ang nanay nila.

Ganoon pa rin ang senaryo sa opisina. Good mood ang asawa ko kapag wala si Ms. del Valle, ang pinagseselosan niya. Well, she's an independent type of woman, nice figure and pretty face. Pero wala pa ring tatalo sa misis ko. Pakiramdam ko nga araw-araw gumaganda 'yon eh, iba talaga 'pag kasing gwapo ko ang mister.

Alex and I were having lunch together with the rest of the team sa pantry. Sinagot ko na ang lunch nila, nagpa-deliver ako ng pagkain sa office kasi maganda ang gising ng asawa ko. Ayaw kong masira nanaman ang mood niya at mag-away pa kami.

Ngumunguya ako nang tumunog ang cellphone ko at bumungad ang mukha ni Geoff sa screen kaya hinayaan ko na muna siya hanggang sa mainip siya. Kumakain 'yung tao, istorbo siya.

"Bakit 'di mo sinagot si Geoff?" Alex asked.

"Bayaan mo siya, kumakain pa 'ko." Natawa na lang siya at nagpatuloy na rin sa pagkain.

Natapos kaming kumain at nag-prisinta naman ang iba na sila na ang magliligpit ng pinagkainan, bagay na hindi ko tinanggihan.

Pagbalik ko sa opisina ko ay tumunog na muli ang cellphone ko at nakita nanaman ang mukha ni Geoff sa screen. Hay, buwisit!

"Ano?!" iritado kong sagot. Mukhang napataas pa nga ata ang boses ko dahil nagulat ang asawa kong pabalik na sa upuan niya.

Yes, I don't want her too far from me so I insisted to have her desk inside my office. Wala rin naman akong nililihim sa kaniya so wala akong pake kung marinig niya lahat ng pinaguusapan namin ng mga kliyente, not until Regina del Valle came into the picture.

"Easy, brad. Galit ka nanaman sa kagwapuhan ko eh." Hindi naman ako nagdalawang isip na murahin siya. "You free on Friday night?"

In-on ko ang speaker para naman nakakagawa pa rin ako ng trabaho kahit na kausap siya.

"Anong meron?"

"Alak at babae." Agad akong napatingin sa asawa kong nakataas na ang kilay ngayon. "Joke! Alex, naririnig mo 'ko? Nararamdaman ko eh, abot hanggang dito 'yung radar mo." Tawang-tawa naman si gago. "I am planning to have a simple night out para sa birthday ni Belle. Game kayo?"

Ngumiti naman si Alex at tumango. Nakahinga ako ng maluwag. "Oo raw. Text mo na lang kung saan."

"Of course! 'Wag niyo na dadalhin mga anak niyo unless gusto niyong turuan na natin uminom ng alak mga 'yon."

Hindi pwedeng isang beses lang murahin si Geoff. Kahit ilang beses mo pa siyang murahin 'di makakaramdam 'yon na kailangan na niyang itikom ang bibig niya.

Hindi na kami nagpaalam pa sa kaniya at in-end call ko na agad. Tumunog naman muli ang cellphone ko at may message si Geoff na siyang kinatawa ko ng sobra.

From: Geoff
Summa Cum Laude na hindi marunong mag-bbye! Walang hiya

Friday night came. Geoff and the girls were busy preparing some balloons and flowers and cake for Belle while she's still not here. Busy rin sa pag-labas ng hinain itong si Geoff kung gaano ka-nagger ang asawa niya.

"Galit na galit siya sa 'kin dahil hindi ko raw siya sinundo papunta rito at kailangan pa niya mag-cab. Eh malamang 'di ba, inaasikaso ko 'tong surprise para sa kaniya. Atsaka, may Grab car o Uber naman ah, pakaarte talaga no'n." Inayos niya ang cake at bulaklak sa gitna ng lamesa. "Buti na lang madali kausap anak ko."

"How is she na nga pala?" tanong ni Des.

"Ayon, nagmana sa nanay niya sa pagka-bratinella. Imagine, bago pumasok, pagkauwi, bago matulog, hawak-hawak ang iPad niya! Hindi ko na talaga maintindihan generation ngayon."

Tumawa naman si Henry. "Eh siraulo ka pala eh, bakit mo kasi binilan kung ayaw mo naman palang ipagamit sa kaniya?"

"Eh hindi naman ako titigilan kung hindi ko bibilan."

"Ang sabihin mo, under ka sa mag-ina mo."

Nakipag-apir ako sa sinabing iyon ni Henry dahil na-tumbok niya. Naka-reserve ang isang table para sa amin at nag-uumpisa na ring dumami ang mga tao dito sa bar pero wala pa ring Belle na dumarating. Hindi naman niya sinasagot ang tawag ng asawa niya pero nang si Alex ang tumawag ay sumagot ito kaya naman badtrip na badtrip si Geoff.

Natagalan si Belle dahil sa traffic. As usual, fail ang surprise. Bopols kasi nito ni Geoff. Napagkamalan niyang si Belle 'yung babaeng nakatalikod kasi magkakulay ng damit, kaya nagamit na agad ang party poppers sa maling tao. Nainis si Belle pero nang makainom na ay naging malambing na rin naman ito sa asawa at na-appreciate niya naman daw talaga ang effort nito.

Nang medyo nakakarami na si Alex nang inom ay binulungan ko siya. "Last na 'yan." She smiled then nodded.

Nagkakatuwaan kaming lahat nang may tumawag sa pangalan ko. "Gosh, Casimir!"

At dahil nasa gilid lang ako ng daanan ay nalapitan niya ako agad at nakapag-beso. "Hey."

She's wearing a bright red dress na sobrang fit kaya kitang-kita ang hugis ng balingkinitan niyang katawan. Napalunok ako hindi dahil naaakit ako kundi dahil paniguradong magagalit nanaman ang misis ko.

Agad kong tinignan ang asawa ko at kitang-kita ko ang pagkainis sa mukha niya kaya naman hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"What are you doing here?" She beamed.

"It's my friend's birthday." Pinakilala ko naman isa-isa ang mga kaibigan ko. Magiliw naman siyang nakipag-kamay sa mga ito.

"That's why. Alam ko namang you're really not the type na pupunta rito just to have fun."

"He-he." Tangina. Wala akong masabi eh, nakakatamad din gumawa ng small talk kaya inubos ko 'yung laman ng baso ko.

Narinig ko ang pagtawa niya at 'di nagtagal ay nagpaalam na rin siya dahil baka hinahanap na raw siya ng mga kaibigan niya.

"May kaibigan ka pala." Bulong lang iyon ni Alex pero narinig ko. Sana lang ay 'di na iyon umabot kay Regina.

Aalis na lang siya lahat-lahat pero may pahaplos-haplos pa siya sa balikat ko. Deputa. Lagot nanaman ako nito sa asawa ko kahit wala naman akong ginagawa.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at dinagdagan ng alak ang baso niya. Sinaway ko siya pero 'di siya nagpapigil. Mukhang natuwa naman ang mga kaibigan namin at chineer pa siya.

"Mga kumag! 'Wag niyong nilalasing asawa ko!"

"KJ mo, ulul!" Sagot sa 'kin ni Geoff na muntik ko ng bangasan.

"Alex, tama na. Uuwi na tayo." Hinihila ko ang braso niya pero nagpupumiglas lang siya.

"Casimir, halos kauumpisa pa lang natin. 'Wag ka ngang KJ!"

Aba't! Nakuha pa talagang sumagot.

"Hinihintay tayo ni Ace at Art! They won't sleep without us." I reminded her.

"Sinabihan ko na 'yung kambal kanina na sila na muna ang bahala sa mga bata."

At lalo ko lang ginustong umuwi dahil doon. Baka mamaya kung ano nanaman ipapanood ni Phillip sa dalawa, siyempre wala namang magagawa si Gia kapag napagkaisahan.

Hindi ako mapakali at hindi ko rin mapahinto itong asawa ko sa pag-inom. "Hindi ka ba talaga mapipigilan ha, Alex?" Iritable kong tanong.

Bumanghalit ng tawa si Geoff. "Pabebe kasi siya!"

Sinamaan siya ng tingin ni Alex at batid kong tinapakan siya nito sa paa. "Bakit ka ba ganiyan?" Nasapo ni Belle ang noo. "Isip bata ka pa rin hanggang ngayon."

"Isip bata agad? Hindi ba pwedeng I am just having fun?"

Nang mapatingin ako sa mag-asawang Desiree at Henry na walang imik ay napailing na lang ako. Ayon, naglalandian este naglalambingan. Kung makaasta akala mo mga wala pang anak.

"Fun. 'Yan, diyan kayo magaling. Puro kayo fun. Akala niyo nakakatuwa pa kayo pero hindi! Sukat ba namang maglandian sa harap ko pa! Nasa opisina pa naman puro yapusan at may hagod pa! Hindi na nahiya sa asawa at mga anak!"

Tulad ng mga kaibigan ko, ako rin ay napatingin kay Alex na bigla na lamang bumabanat sa kinauupuan niya.

"'Te, anong hinuhugot mo diyan?" tanong ni Desiree.

"Edi ayang si Casimir. Akala ko pa naman tatanda kaming wala akong po-problemahing babae pero wala bumigay din sa babaeng 'yon na tila lumaklak ng isang litrong glutathione at naka-ilang balik kay Belo para sa boobs at pwet niya. Che! 'Di naman niya kinaganda 'yon!"

Sunod-sunod niyang sabi. Confusion is written all over their faces as they looked at me.

"Okay. I'm done having fun." I gave emphasis to the last two words. "I don't owe anyone an explanation."

Hinampas naman ako bigla ng asawa ko sa kaliwang braso. "Ano! You still owe me an explanation!"

I shot her a glare. "I owe you? I gave it too many times but you never listen."

She shook her head. "Sabihin mo na lang na di mo na talaga ako mahal."

"What? Don't use that against me when we're fighting. That is not the issue here."

Binagsak niya ang baso niya sa lamesa at natumba naman ito kaya natapunan ang puting dress niya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang damit niya pero tinabig niya rin ang kamay ko agad.

She started crying at halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa pag-iyak. "Maybe you just don't love me that much. Nagpapatukso ka sa tulad niya. I thought you were better than this, Casimir. But I was wrong all along."

May kumirot sa puso ko at gusto kong magalit sa kaniya pero mas nangingibabaw ang pagmamahal. Hindi ko gusto at kailanman hindi ko gugustuhing nakikitang umiiyak ang asawa ko.

Pinunasan ko ang luha niya bago matabang na sinabing, "don't you question my love for you."

Galit akong tumayo at lumabas ng bar. Sumakay ako ng kotse at napagdesisyunang doon ko na lamang siya hihintayin. Ayokong makarinig pa ng kung anong 'di maganda mula sa kaniya.

Ang sakit lang marinig na nagkulang pala ako. Nagkulang ako sa pagpapakita ng pagmamahal ko sa kaniya. Ang sakit lang na hindi siya nagtitiwala sa akin. Hindi siya nagtitiwala sa pagmamahal ko sa kaniya.

Never kong nakita si Regina ng higit pa sa isang kliyente. Purong trabaho lang ang pakikitungo ko sa kaniya. Sinabihan ko na rin siya tungkol sa pagkilos niya sa harap ko at sa harap ng asawa ko pero ang sinagot niya lang sa akin ay, "I am that friendly sa mga tipo kong lalaki. You can't stop me, Casimir. Bigyan man ng malisya ng iba, problema na nila 'yon."

Problema ko rin iyon! Problema ko na hindi nagtitiwala sa akin ang asawa ko dahil sa mga ikinikilos niya. Tumunog ang cellphone ko at nabasa ang mensahe ni Gia.

From: Gia
Kuya, sorry to bother you again. Hindi kasi makatulog si Ace gusto raw niya marinig 'yung kinakanta mo sa kaniya. Ano ba 'yon?

Imbes na reply-an pa ang kapatid ko ay tinawagan ko na lamang siya. Pinakiusapan ko siyang ibigay ang cellphone niya saglit sa anak ko.

"Dad? What time are you going home? I miss you and Mommy."

"They're still having fun baby eh. Don't wait for us anymore, okay? You better sleep na."

"They? Are you not with them?"

"Ay, KJ kasi 'yang tatay mo. Alam mo na, sign of aging." Narinig ko ang sinabing iyon ng kapatid ko.

"Tell Tita Gia that I heard that." Sinabi nga ng anak ko at natawa na lang ang kapatid ko. "Hey, Ace. You sleep already para lumaki ka."

"Can you sing that song for me?" Mana talaga itong batang 'to sa nanay niya. Gustong-gustong naririnig ang boses ko bago matulog.

Pinagbigyan ko ang anak ko at kinantahan siya na tulad ng kinakanta ko kay Alex. Naging ganyan siya nang marinig niya isang beses na kinakantahan ko ang Mommy niya nang may sakit ito para makatulog ng mahimbing.

Maya-maya ay boses na ni Gia ang narinig ko para sabihing nakatulog na ang anak ko. Nagpasalamat ako sa kaniya at pinutol na ang tawag.

Ilang oras din ako naghintay hanggang sa makita kong lumabas na ang mga kaibigan ko at ang asawa kong mugto ang mata. Sasakay na sana si Alex sa kotse ni Henry nang businahan ko sila. Nakilala naman niya ang sasakyan ko at sumakay din sa kotse ko.

Nag-seatbelt siya at hindi umimik. Marahan ang pagmamaneho ko dahil ayaw kong ma-tense siya. Gusto kong maski sa pagmamaneho ko man lang ay pagkatiwalaan niya akong hindi ko siya ipapahamak.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay pinababa ko na siya.

"Ikaw? Hindi ka papasok?" Tanong niya na naka-kunot ang noo.

I shook my head and smiled a little. "May gagawin pa ako."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong gagawin mo? Sinong kasama mo?"

"Si Regina."

Sasagot pa sana siya pero bumaba na lang ako agad at pinagbuksan siya ng pinto. Ako na rin ang nagbukas ng gate para sa kaniya.

"Seriously, Casimir? You're really doing this?"

"You really don't trust me."

She groaned. "Don't expect na makikita mo pa kami ng mga anak natin pag-uwi mo."

That frustrated the hell out of me. Hindi naman pwedeng basta-basta gano'n na lang. Bakit kailangan umabot sa mga anak namin?

Umiling na lang ako at umalis. Mabilis akong nagmaneho, wala ng pakialam kung may huhuli sa akin o ano. Agad akong nakarating sa opisina at nabigla naman ang guard sa pagdating ko at pinagbuksan ako ng pinto. Ilang beses ako humingang malalim bago inumpisahan ang trabaho.

Inaral kong mabuti ang revisions na gusto ni Regina. In-apply ko lahat iyon sa una kong nagawa. Ang goal ko lang ngayon ay matapos na ang lahat ng ito.

Tinawagan ko si Regina. Hindi siya sumagot sa una kong tawag pero sa pangalawa naman ay sumagot din siya. Garalgal ang boses niya at tila may tama pa.

"Kakauwi mo lang ba?" I asked.

I almost heard her smile. "Why? Concerned?"

"Asa." I rolled my eyes. "I emailed you another draft based on the revisions you want. Paki-check."

She groaned. "Casimir, kakauwi ko nga lang 'di ba? Malakas pa tama ng alak sa 'kin. Pwede bang sa Monday na 'yan?"

"No. Check it now."

"Ayaw ko."

"Regina! Do it! Let's finish this project as soon as possible."

"Make me do it."

Napahawak ako sa sentido ko. "This is not the right time to play, Regina."

"This is not the right time to work, Casimir. But if you insist, you can drop by here in my place...to work?"

This woman is just full of tricks. I am not going to play with her. "Check your fucking email right now, woman."

I heard her curse and opening a laptop ata or something, baka sumunod na. Mabuti naman. "You know na pwedeng-pwede kitang isumbong kay Daddy at kay Tito Daniel dahil dito ah."

"Who the fuck cares?"

I was able to make her do it kahit na halata sa boses niyang inaantok na siya. I wonder kung may maalala pa siya bukas tungkol dito sa trinabaho namin pero ang pakialam ko lang talaga ngayon ay ang matapos ito at makausad sa project para kumaunti naman ang dahilan na magkita kami at mabawasan ang isipin ng asawa ko.

Nagustuhan naman niya ang ginawa ko at naka-plano na ang susunod na meeting. I will leave everything to our secretary at i-a-update niya na lang ako. Pupunta lang ako sa sa meetings kung talagang urgent at kailangang-kailangan ako.

Alas sais na kami natapos ni Regina. Bigat na bigat na rin ang mga mata ko. Tinawagan ko si Phillip pero mas mukhang inaantok pa siya kaysa sa akin kaya naman si Gia na ang pinagtanungan ko kung nasa bahay ba ang mag-i-ina ko pero gulat na gulat siya na wala raw sa kwarto ang mga ito. Napabuntong hininga na lamang ako.

Naghilamos ako at dumiretso agad sa parking lot. Hahanapin ko pa ang pamilya ko. Dumaan ako sandali sa Starbucks para bumili ng kape at magising ang diwa ko. Tinanong ko rin si Axel kung andoon ba sila Ate niya pero wala raw. Pinagtatanong ko rin ang mga kaibigan namin pero mga wala rin silang alam. Pinuntahan ko na lahat ng posible nilang tuluyan pero bigo ako.

Napahinto ako sa isang tabi at inisip ang mga nangyayari sa 'min. Napangiti ako ng mapait at naiyak. Ang tahimik sa loob ng kotse ko. Wala 'yung anak kong nagsisimula pa lang magsalita. Wala 'yung nagyayabang kong anak. Walang boses ng madaldal kong asawa. Iniisip ko pa lang na hindi ko sila makakasama, ang bigat na sa pakiramdam.

Isang tao na lang pag-asa ko para mahanap sila.

I gave Ace a small phone in case of emergency. Hindi ito smartphone kaya nasisiguro kong hindi siya maaadik sa paggamit nito. Tinawagan ko siya at napatayo ako mula sa pagkakaupo kaya naman nauntog ako sa bubong ng kotse ko.

"Daddy?"

"Anak, na saan kayo? Si Mommy mo?"

Narinig ko ang paghikbi niya. "Daddy...hindi mo na ba kami love?" Gustong-gusto kong yakapin ang anak ko nang marinig ko ang boses niya.

"Sino naman nagsabi sa 'yo niyan?"

"Mommy kept on crying since last night. 'Di ba you told me na 'pag love mo hindi mo dapat pinapaiyak? So 'di mo na kami love?"

I tried my best na hindi iparinig sa anak ko ang pagiyak ko. "Ace, you know that I love you very much. Love na love kayo ni Daddy. Pupuntahan ko kayo. Can you tell me where you guys are?"

"Tagaytay, Daddy. Sa favorite hotel ko kasi kitang-kita 'yung taal lake."

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at biglang naputol ang tawag.

Agad akong nagmaneho papuntang Tagaytay. Sana lang ay maabutan ko pa sila doon. I hope my son will help me to fix this. They're too young for this mess and I will never ever let this happen again.

Nang makarating ako sa hotel na tinutukoy niya ay naka-check in pa rin naman sila, umalis lang daw sabi nung isang staff. Humingi ako ng spare key para makapasok sa loob ng kwarto. Nang bumungad sa akin ang kama ay tila tinatawag ako nito at agad akong dumapa roon. Inamoy-amoy ko ang unan at mangiyak-ngiyak ako kasi kumapit ang amoy ni Alex dito at miss na miss ko na siya. Hindi ko na matagalan 'tong napapadalas naming away.

Namalayan ko na lang na nakatulog pala ako nang maramdaman kong may dumantay sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko ang maliliit na braso at hita ng mga anak ko na nakayakap at nakadantay sa akin habang natutulog. Mangiyak-ngiyak akong muli nang makita ko sila. Inakap ko silang dalawa ng mahigpit na nasa magkabilang braso ko.

"What are you doing here, Casimir?" tanong ng nakapamewang kong asawa.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa mga anak ko para bumangon at yakapin naman ang asawa ko. Hinila ko siya papunta sa terrace at sinara ang sliding door para hindi maistorbo sa pagtulog ang dalawa.

Diretso naman sa pambibintang itong si Alex nang makalabas kami.

"How dare you na magpakita pa sa 'min matapos mong mangaliwa? Magdamag kayo magkasama ng babae mo. Casimir naman..." She strated to cry, again. And it breaks my heart. "Akala ko ba tayo lang? Partner mo nga ako 'di ba? Dapat tayo lang eh. Dapat tayong dalawa lang. Bakit mo nagawa 'yon? Bakit harapan mo pa 'kong niloloko? Ganoon mo na ba kaayaw sa 'kin?"

I was trying to get a grip of her hand but she won't allow me to. I want to say something but I can't even say a word.

"Ano bang mali, Casimir? Kung kailan dalawa na ang anak natin tsaka ka nagka-ganyan. Ano, 'di ka nanaman magsasalita? Tuwing mag-aaway laging ako na lang 'yung nagsasalita. Ako na lang ba talaga may pakialam sa relasyon na 'to, ha?" Gusto kong punasan ang mga luha niya pero tinalikuran niya ako. "Lagi na lang tayong ganito. Nakakasawa na."

Agad ko siyang niyakap mula sa likod. "Alex...sorry na. Sorry na kahit wala naman akong ginagawa. I swear, walang namamagitan sa amin ni Regina. Please 'wag mo naman haluan ng malisya 'yung trabaho. Alex, please. Tinapos ko na 'yung revisions para sa project natin sa kaniya para minimal na lang ang pagkikita namin at para mabawasan na 'yung iniisip mo tungkol sa amin. Babe, please believe me. Please..."

Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap ako. "Tama na muna, Casimir. Kawawa lang 'yung mga bata. I promise you na 'di ko naman sila itatago sa 'yo eh."

"Ha?" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "You're not serious. You're not going to do that. Hindi mo ilalayo sa 'kin ang mga anak ko. Hindi tayo maghihiwalay. Hindi kayo lalayo sa 'kin."

She gave a sad smile and a tear fell again from her eye. "I've always imagined na magiging katulad tayo ng lolo't lola mo. Na kahit matanda na, kahit kailan hindi nila iniwan ang isa't isa. I thought you love me that much. I thought tatanda rin tayo ng masaya at nagmamahalan tulad nila. Pero hindi pala." Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko. "I love you, Casimir. Pero please hayaan mo na muna kami ng mga anak natin."

She kissed my right cheek at binuksan ang sliding door pero bago pa niya ako tuluyang iwan doon ay sinabi ko 'yung bagay na kinasasama ng loob ko. "Talagang hindi tayo magiging katulad nila Lolo kasi hindi mo 'ko kayang pagkatiwalaan."

Sobra-sobra rin ang stress ng kambal dahil sa nangyari sa aming mag-asawa. Hindi ko hinayaan na maapektuhan ang trabaho pero may mga oras talaga na napapatulala na lang ako kaya I decided na mag-leave.

Nakarating na rin kay Papa ang ginawa ko kay Regina; na pinagtrabaho ko siya ng lasing at madaling araw pa. Puro sermon siya sa akin sa telepono pero 'di ko naman iniintindi ang sinasabi niya dahil naiisip ko ang mga anak ko.

Masaya kaya sila? Meron kaya silang gustong bagong laruan? Nakaka-attend ba sila sa soccer class nila? May pancakes kaya sa umaga si Ace? Ano kayang bagong dino-drawing ni Art? Kahit stick figure pa lang kaya niya, alam ko na may future artist akong anak.

Ang asawa ko kaya? Nami-miss niya rin kaya ako? Mahal niya pa kaya ako?

Hindi ko nanaman napigilan ang umiyak sa kakaisip sa kanila.

"Sa dinami-daming beses kitang pinagalitan, kung kailan tumanda ka tsaka ka umiyak? Anong meron, Casimir? May problema ka ba, anak?"

Mas lalo akong naiyak sa lambing ng boses ng tatay ko nang tawagin niya akong anak. "Pa...papa. Gustong-gusto ko na sila makita. Gustong-gusto ko na silang yakapin at halikan. Pero putangina, Pa. Kailangan ko respetuhin 'yung desisyon niya eh."

"Putangina, ano ngang meron? May hindi ka ba naku-kwento sa akin? I promise, hindi kita isusumbong sa nanay mo."

Ikinuwento ko na ang lahat sa kaniya at nagmura na muna siya bago siya nagbigay ng payo. He wants me to talk with Alex and fix it. Baka naman daw kasi namimiss na rin ng asawa ko ang paghahabol na ginagawa ko sa kaniya katulad dati. Baka namimiss na niya 'yung mga effort ko para mapansin niya.

"Ang mga babae minsan gusto nilang sinusuyo pa rin kahit gaano na kayo katagal. Subukan mo lang anak, 'wag mong tigilan, mahal mo naman eh."

Nagpadala ako ng flowers para kay Alex. Kinabukasan, pinadalhan ko naman siya ng chocolates. At nung sumunod na araw ay nagluto naman ako ng Sinigang para sa kanila, kahit hindi naman ako talaga masarap magluto. Sumunod naman ay sumulat ako ng isang madamdaming letter kung saan sinasabi ko kung gaano ko siya kamahal. Isang gabi naman ay nagsend ako sa kaniya ng voice record, just in case na hindi siya makatulog.

Ngayon naman ay pinagpuyatan ko ang isang artwork na alam kong magugustuhan niya. I drew our family portrait and I am sure na mamahalin niya ulit ako 'pag pinakita ko sa kaniya 'to.

Pumunta ako sa condo unit ni Axel dahil pansamantalang ang mag-i-ina ko ang gumagamit noon pero wala sila. Baka sinundo nila si Ace sa school. Dumiretso ako sa school ni Ace pero kumunot agad ang noo ko nang makita ko ang asawa kong naghihintay habang may kausap na ibang lalaki. At hindi lang siya basta ibang lalaki. It's her fucking ex-boyfriend na itago na lang natin sa pangalang hinayupak.

Inis na inis akong lumapit sa kanila at kinarga ko pa ang bunso naming si Art. Baka kasi hindi nakikita nitong hinayupak na ito na may mga anak na kami.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"Naghihintay?"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hanggang ngayon ba naman, abangers ka pa rin?" Napaisip tuloy ako kung singular form ba ang paggamit ng 'abangers' o plural?

"Huh?"

"Ito oh, anak namin. Actually, pangalawa na 'to. 'Yung panganay nasa loob pa. 'Wag ka na umasa." Tinapik ko ang balikat niya at tinawanan lang ako ng hayup na ito.

"C'mon, wala ka pa ring pinagbago." Napa-iling pa siya.

Bago ko pa siya bangasan eh hinila ako ng asawa ko sa isang tabi. "Casimir, ano bang ginagawa mo? Nag-uusap lang kami ni Jeremy. Ngayon na lang kami ulit nagkita eh."

"Wala akong pake. Mainit pa rin ang dugo ko sa kaniya. Period."

Binatukan naman niya ako. "Sinusundo rin niya anak niya. Siraulong 'to. Mind you, ikaw lang 'tong nangangaliwa sa ating dalawa."

Matapos niyang sabihin 'yon ay dumating naman si Ace na tumatalon-talon pang lumapit sa amin. "Dad! Uuwi na ba tayo sa 'tin?"

"Hindi, anak! Gusto ka lang makita ni Daddy mo," agad na sagot ni Alex. Defensive.

"Wanna eat?" I asked Ace.

"Yes! I also wanna watch a movie and buy a new toy! Is it okay, Dad?"

I ruffled his hair. "Of course!"

"How about you, Art?"

"Pencil. Crayons." He gave me his sweetest smile.

Nagpaalam sila kay Jeremy na bitbit na rin ang anak pero inirapan ko lang siya.

Ginawa at binili namin ang lahat ng gusto ni Ace at Art. Nagpumilit si Ace na sa bahay namin umuwi ngayong gabi kaya wala na ring nagawa si Alex. Tulog na tulog na ang mga ito nang dalhin sa mga kwarto nila.

Pinipilit pa niyang sa tabi na siya ni Art matutulog pero hinila ko siya papunta sa kwarto namin.

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya nang makita ang ginawa ko. Pina-frame ko kasi ang family portrait na iginuhit ko at pinalagay sa kwarto naming dalawa.

Nagsituluan ang mga luha niya at niyakap ako. "Nakakainis ka naman eh."

"You like it?"

She shook her head. "I love it."

"Eh ako?"

Lumayo siya ng kaunti sa akin at ngumiti habang umiiyak pa rin. "Ha?"

"Love mo ba 'ko?"

Natawa siya. "Para ka namang bata eh."

"Sagutin mo na lang kasi."

She nodded, "yes. I love you so much." Mag-e-explain pa sana ako ulit sa kaniya ng tungkol kay Regina pero bigla niya akong hinalikan. "Alam ko na. Alam ko na kung ano 'yung totoo. I'm sorry din kung hindi ako naniwala sa 'yo. Naunahan kasi ako ng selos eh. I'm sorry kung pinaabot ko pa sa ganoon 'yung nangyari. I'm sorry, Casimir. I love you so much."

I kissed her tears. "I love you so damn much. And please don't question that. It fuckin' hurts like hell 'pag naririnig ko 'yon mula sa 'yo."

She nodded. "I'm sorry." I asked her kung bakit 'di pa rin sila bumabalik kung alam na pala niya ang totoo at sinabi niyang, "I was just waiting for you to do something that will trigger me to kiss you so bad because I miss you so bad."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Did you like the flowers?" She nodded. "The chocolates? Ah, of course you liked it." Hinampas naman niya ako. "Eh 'yung Sinigang ko, kumusta?"

She laughed. "Pwede na rin. Edible naman eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sobra ka ha. Masarap naman 'yung nagluto no'n eh."

Nanlaki ang mata niya at pinaghahampas ako pero 'di ko pa rin tinanggal ang pagkakahawak ko sa magkabilang baywang niya. "Bibig mo, Casimir!"

"Why, don't you miss me? All of me?" Kitang-kita ko ang pamumula niya na siyang kinatawa ko. "Kidding. I just wanna hug you and kiss you."

"I missed you."

"I missed you, too. And I promise that I will never do anything or let anything or anyone to destroy our family. I love you, Alex. Always and forever."


***

Damn, I missed writing Leximir moments na kasama tropa nila huhu. 

Hi guys! Remind ko lang dun sa mga gustong sumali sa paggawa ng trailer ng either TD or ALL, deadline is on January 31 :) Post it on youtube and send me the link (pm me here in wattpad) so I can check it out. Thanks much!


Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
43.3K 3.2K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...