CASSY'S POV
We sat down sa isang corner and ate comfortably. Well, he's comfortable. My conscience is bugging me. I honestly want to tell him that he has a son pero for what? Para mawala siya sakin? Hell no. I would rather be pushed off a cliff.
"Is something bothering you?" He asked out of the blue. Am I that visible?
"Just overthinking. Sorry." I smiled and took a bite out of my food. I looked at his face--his perfect, flawless face. His features resemble those of Greek Gods. He's like a character from one of the fairytales my mom used to read to me. I wonder why we were destined to meet.
What exactly is my role in his life? Am I the Protagonist or am I the Antagonist?
"Stop overthinking, you're stressing yourself over insignificant problems." He sounded so sincere. Chiro Okuma, how can you be such a tease? If you still love Ayumi, why do you have to be with me? Why did you tell her that I was your girlfriend?
You're confusing me.
***
[A WEEK LATER]
AYUMI'S POV
Nakaligtas ako! Nagkaroon ng biglaang photoshoot si Cy kaya hindi niya nasabi kay Chiro yung tungkol kay Kinami. Hoho, more time for me to think of a plan.
"Mommy, I don't have classes today po." Sabi sakin ni Kinami.
"Really? Then that's good. Mag-rest ka sa bahay." Sabi ko sa kanya.
Bigla naman siyang umiling. "Ayoko po, I want to come with you sa office and visit tito Gab!"
Napangiti naman ako. Pumayag ako sa sumama siya sa office tutal wala naman kaming meeting ngayon at maluwag naman ang schedule dahil natapos ko na ang paperworks two days ago. Naghanda kami ng lunchbox para kay Kuya. Gusto daw kasi ni Kina na dalhan ang Tito niya ng lunch kasi matagal na daw silang hindi nagkikita.
"Okay na, Baby. Finish na yung Lunchbox." Sabi ko after kong ilagay sa corner yung bacon.
"No, it's not yet done po" Sabi ni Kinami.
"Huh? May Kulang pa?" Nagtatakang tanong ko. Tinignan ko yung lunchbox. Kumpleto na naman ah. May Bacon, Egg, Sliced Tomato & Rice.
Biglang nag-flying kiss si Kinami papunta dun sa lunchbox. "Ayan po, may love na yung lunchbox." Nakangiting sabi niya. Hala, ang cute ng anak ko! Ang sarap kagatin!
"Ang sweet naman ng baby ko! Saan mo natutunan yan ha?" Tanong ko sa kanya.
"K-Kay Bakekang, Mommy." Nahihiyang sagot niya.
Ginulo ko yung buhok ni Kina tapos pinisil ko yung pisngi niya. Naligo na kaming dalawa at pumunta na kami sa office. Pagdating namin dun, binati kaming dalawa ng staff. Kilala na din naman si Kinami dito. Aba, sapakin ko sila kapag di nila kilala ang anak ng boss nila.
Pinihit ko yung doorknob ng pintuan ng office ni Kuya. Sorry, wala akong manners eh. Tsaka boss naman ako ng kumpanya, walang katok katok. "TITO GAB!" Bumitaw si Kinami sa pagkakahawak sa kamay ko at tumakbo papunta sa tito niya.
"Oh, Kinami!" Kinalong ni Kuya si Kinami. "Long time no see, pare!"
"Tito, pinagluto ka po namin ni Mommy ng lunch" Proud na sabi niya.
"WOW, Ang sweet naman ng pamangkin at ng kapatid ko! Mahal na mahal talaga ako ng mommy mo noh?" Kung may kinakain ako, nabulunan na na ako.
"Pweh! Asa ka pa!" Sabi ko.
"Sakit ah!"
"Love hurts"
"Sabi na e, mahal mo talaga ako."
"Amalayer."
Bumelat nalang si Kuya at binalik niya yung atensyon niya kay Kinami. "Kina, sama ka muna kay Mommy mo ah? May gagawin lang si Tito. Promise, pupuntahan kita sa office ni Mommy mo tapos ililibre kita ng ice cream."
Sige po, Tito"
Lumabas na kami ni Kinami ng office ni Kuya. Busy daw, utot niya. Tapos na lahat ng paperworks niya at wala pa naman akong pinapagawang paperwork sa kanya noh. Tss. Habang naglalakad papunta ng elevator, bigla akong nakaramdam ng kilig. "Baby, C-CR lang ako ha? Wait mo ako dito."
Iniwan kong nakaupo si Kinami dun sa chair at pumasok ako sa loob ng CR. Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin, lumabas ako pero wala na si Kinami doon. Hala, asan yung batang yun?
"TUMAWAG KAYO NG SECURITY, BILIS NGA!" Rinig kong sigaw mula sa dulo ng hallway.
Anong meron? Naglakad ako papunta doon at nakita kong hawak ng isang babae si Kinami sa tenga. Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. "What the hell do you think you're doing?!"
"Nako Ma'am, buti nalang at dumating ka. Yung mga security natin, hindi ginagawa ang trabaho nila. May nakapasok na magnanakaw na bata. Eto oh, Ma'am. Ninakaw ba naman yung bracelet ko." Sabi niya.
Tinanggal ko yung kamay ng babae na nakahawak sa tenga ni Kinami at sinampal siya sa pisngi. "Magnanakaw? Ang anak ko? Sinong ginagago mo? Excuse me pero hindi pa naghihirap ang pamilya namin para magnakaw ang anak ko." Sabi ko sa kanya.
Nilapit ko sakin si Kinami at lumuhod sa harap niya. "Baby, what happened?" Tanong ko.
"Her bracelet fell when she passed in front of me, I picked it up and returned it. Then she started calling me a thief." Explain ni Kinami.
"Anong nangyayari?" Nakita kong hingal na hingal si Kuya Gab.
"Kuya, isama mo muna si Kinami sa office mo. I don't want him to meet the real bitch." Nakangiti kong sinabi.
Tumango si Kuya Gab at binuhat niya si Kinami papalayo. Hinarap ko naman yung babae na namingot sa tenga ng anak ko. "So where was I? Oh yeah, I was dealing with a judgemental animal." Sabi ko sa kanya.
"S-sorry po, hindi ko po alam na anak niyo pala yun. Sorry po."
"You're saying na if that was not my child, itutuloy mo parin ang katangahan mo? Alam mo ba ang naidulot ng katangahan mo? Nabulabog ang buong office ng dahil sayo at sinong nagbigay sayo ng karapatan na sumigaw sa teritoryo ko?"
Lumuhod siya sa harapan ko at umiyak. "Sorry po, Ms. Ayumi."
"Ilugar mo ang katangahan mo, pwede? Sorry? Kainin mo nalang yang sorry mo, baka sakaling magkalaman yang utak mo. Bobita." Sabi ko. "Call Security and tell them to escort this person sa Supreme court. No one is allowed to touch my son, especially not a person with filthy hands."