HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

345M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 127

3.8M 84.2K 126K
By maxinejiji

KEV'S POV

Hanggang ngayon ay hindi ko mabawasan ang mga tanong sa isip ko..

Sana nga ay nagkakamali lang ako.. na ang Taguro'ng tinutukoy ng kapatid ko ay ang Taguro'ng kinamumuhian ko..

"Tsk.." singhal ko pa habang naglalakad papalabas ng LU. Tulad ng nakasanayan.. maglalakad na naman ako pauwi mag-isa..

Hindi pa man ako nakakabawi ng lakas mula sa Interhigh at hazing ay may pasok na agad..

Napahinto pa ako at saka napailing dahil sa naiisip ko..

Imposible naman kasing dalawang magkaibang Taguro ang kilala ko at kilala ng kapatid ko!

Naiinis ako sa dami ng tanong na pumapasok sa isip ko pero ni isa sa kanila ay hindi ko masagutan!

Nung Championship habang pinapanood ko si Maxpein ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam lalo ng galit!

Pano nya nakilala si Bree?!

Bakit nya kami dinalan ng groceries!?

Pano nya nalaman ang bahay namin?!

Badtrip!

Nanginginig ang kalamnan ko sa twing mag-iisip ako ng hindi ko kayang sagutin!

Pano nya napasok ang buhay ko!

Muli kong inalala ang nangyari nung isang gabi..

~FLASHBACK~

Pareho kaming hindi nakadilihensya ni Nanay, dahil ang dati naming gawain ang magdispatser sa sakayan ng jeep malapit sa Mall ay doon kami pumunta, munit maggagabi na rin nung nakarating kami don dahil nilakad lang namin yun kaya naman lampas na ang oras ng uwian ng mga estudyante..

Mahigit bente singko pesos lang ang halagang naiuwi namin at tanging tuyo lang ang nabili namin..

Gayunpaman ay masaya kami ni Nanay sa tuyo'ng iniuwi namin.. Kaya masaya na rin ako.

Pagdating sa bahay ay agad kaming pumasok at tinawag si bunso..

"Bree??" tawag ni Nanay sa kanya na binuksan agad ang pinto at pumasok. Sumunod naman ako. Pumasok ako sa kwarto para hubarin ang sapatos at uniform ko.

"Naaaayy!!!" salubong ni bunso sa kanya at saka yumakap.

"Mmm.." nakangiting salubong sa kanya ni Nanay at yumakap rin. "May dala'ng pagkain si Nanay, gutom ka na ba??"

"Busog na busog na nga po ako e! Pinakain ko na rin po sila Ate at Tatay!"

Natigilan ako sa paghuhubad ng sapatos ko nung marinig ko ang sinabi ni bunso at lumabas ako mula sa kwarto ko.

"Kumain na kayo?? S-Saan kayo kumuha ng pagkain??" gulat pang tanong ko.

"A-Ahh.." hindi makasagot si bunso.

"Bree..." tawag ko pa sa kanya.

Kinabahan ako sa sinabi nya..

San sya kumuha ng pagkain?? Tsk! H-Hindi kaya... m-marunong na rin mangupit 'tong kapatid ko??

Nainis ako sa sarili kong naisip!

Lumuhod ako sa harap nya at saka tumingin sa mga mata nya at hinawakan pa sya sa magkabilang balikat nya.

"B-Bree.. s-sabihin mo kay Kuya.. s-san ka kumuha ng kinain nyo??" malumanay na tanong ko.

"A-Ang totoo k-kasi Kuya.. d-dumating yung kaibigan ko.."

"K-Kaibigan?! Kelan ka pa nagkaron ng kaibigan?? Magsabi ka sakin ng totoo.."

"Kev.." suway sakin ni Nanay dahil nagsisimulang tumaas ang tono ng boses ko.

"M-Magsabi ka kay Kuya ng totoo, bunso.." kalmadong tanong ko.

"Pero Kuya.. dumating po talaga ang kaibigan ko.."

"W-Wala ka namang kaibigan ah?? Kelan ka naman nagkaron ng kaibigan, bunso??"

"Natatandaan nyo po ba noon na umuuwi ako ng may pera?? Sila rin po yung nagbibigay sakin non.. At ngayon po, silang magkapatid ang pumunta dito at dinalan tayo ng napakaraming pagkain.. halika Kuya.." sabi nya na hinila ang kamay ko at kahit hirap ay mabilis akong nakatayo at sumunod sa kanya papunta sa lamesa sa kusina. "Eto, Kuya oh.. eto oh.. Nanay.. eto po oh.."

Natigilan ako nung makita ko ang mahigit limang plastic bags ng groceries na may kasamang dalawang boxes pa.. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko kaya naman lumapit pa ako doon at hinawakan isa-isa..

Nung buksan ko pa ang isang plastik na nahawakan ko ay parang kuminang pa ang mga de lata'ng nasa loob niyon sa paningin ko!

Agad akong napatingin kay Nanay at gulat rin ang reaksyon nyang tulad ko.. Kaya naman muli akong pumihit kay Bree at tinanong sya.

"Bunso.. kanino galing ang mga 'to?" malumanay ulit na tanong ko.

"Kuya naman e.. sa kaibigan ko nga po.. Sa kaibigan ko.."

"Sinong kaibigan mo??"

"E-Ehh.."

"Bunso??"

"E-Eh kasi.. Kuya sabi nya wag ko na daw sabihin kung kanino galing ang mga yan e.. s-sabi nya, s-sabihin ko na lang na hulog ng langit ang mga 'to.."

Nagkatinginan kami ni Nanay at hindi pa rin nawawala ang gulat sa mga mata namin..

Kaya naman si Nanay ang lumapit kay bunso at naupo sa harap nito..

"Bunso.. pwede mo bang sabihin kay Nanay kung sinong kaibigan mo ang nagbigay nito?? Para mapasalamatan man lang natin sila.." malumanay na sabi pa sa kanya ni Nanay. Agad naman akong lumapit sa mga plastik at tiningnan yun isa-isa.

"S-Si Ate Taguro po.."

Napahinto ako sa paghalungkat dahil sa narinig kong isinagot ni bunso!

Biglang pumintig ang puso ko at dahan dahan akong napalingon sa kanila!

"U-Ulitin mo nga ang s-sinabi mo.." mariing utos ko pa kay bunso. "S-Sino kamo y-yung k-kaibigan mo?"

"S-Si Ate Taguro po.."

S-Si Ate Taguro po..

S-Si Ate Taguro po..

Nagpaulit-ulit sa tenga ko yung sinabi ni bunso..

Napahawak ako sa upuang nandoon dahil pakiramdam ko ay mas nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa narinig ko..

S-Si Ate Taguro po..

Nakaramdam ako ng panlulumo kaya naman agad akong napansin ni Nanay.

"Ayos ka lang, Kev??" nag-aalalang tanong nya pa munit hindi ko sya pinansin.

"P-Pano mo nakilala ang Taguro na yan??" tanong ko kay bunso.

"K-Kuya.. wag mo na po akong tanongin kasi ayaw ko na pong sabihin---"

"Pano mo sya nakilala!!!!" hindi ko napigilan ang sumigaw at kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata nila! "Sinong may sabi sayong manglimos ka ng pagkain mula sa kanila, Bree?!"

"P-Pero Kuya---"

"Sinong may sabi sayong tumanggap ka ng pagkain mula sa kanila!" sigaw ko pa!

"K-Kuya.." usal nya pa na nagsimulang umiyak!

"Kev... ano bang nangyayari sayo???" suway naman sakin ni Nanay.

~END OF FLASHBACK~

Andami kong gustong tanongin kay Bree! Andami kong gustong malaman!

Pero pano?! Kapag nagsimula akong magtanong ay magsisimula ring magtanong si Nanay! At anong sasabihin ko sa kanya kapag nalaman nyang Moon si Taguro?!

Badtrip! Lumiliit ang mundo ko!

At talagang ipinaparamdam mo saking mayaman ka at eto lang ako! Peste ka sa buhay ko, Taguro!

Muling umaakyat ang galit sa ulo ko at kung anu-anong naiisip ko!

Kahit na hirap kami sa buhay ay hindi ko kailanman naisip na humingi ng tulong sa mga mayayamang tao sa mundo! Dahil bago ko gawin yun, uunahin ko ang Presidente dahil mukhang mas may mapapala pa ako sa kanya kesa sa mga mayayamang yan!

Mabigat ang loob na nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay..

Naabutan ko si Nanay na nagwawalis sa labas ng bahay..

"Nay.." salubong ko sa kanya at saka nagmano.

Hindi nya ako kinibo at taka naman akong napatingin sa kanya nung tignan nya ako mula ulo hanggang paa.

"B-Bakit po?" takang tanong ko pa.

"Tumalikod ka.."

"P-Po??"

"Tumalikod ka.."

"N-Nay.."

"Tumalikod ka sabi!"

Natigilan ako sa taas ng boses nya kaya naman napapailing na tumalikod ako sa kanya at mas napakapit ng mahigpit sa straps ng bag ko!

Sa bilis ng tibok ng puso ko, tingin ko ay alam ko na kung anong gagawin nya! Nang biglang..

~PAK!~

"A-Araaayy!!" napasigaw ako sa sakit!!!!!

Halos maramdaman ko ang pamumuo ng butil ng luha sa magkabilang gilid ng mga mata ko sa sobrang pagkabigla!

Naipikit ko ng todo ang mga mata ko at napayuko ako sa paanan ko ng biglang hatawin ni Nanay ang pwetan ko!

Kahit ayaw ko ay kusa akong nagpakahiga at napadakot sa lupa habang naghahabol ng hininga sa sakit!!!!

Unti-unti kong hinabol ang sunod sunod na hininga ko at saka ako maluha-luhang tumingin kay Nanay! Kitang kita ko ang ngalit sa mga mata nya kaya naman agad kong pinigilan ang mumunting luhang malapit ng pumatak..

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

"B-Bakit nyo po ginawa y-yon??" kabadong tanong ko!

Hindi man malakas ang pagkakapalo nya ay sobrang sakit pa rin ng naging epekto nun sa hita ko dahil namamaga at may pasa pa rin ang parteng yun ng katawan ko!

"Hindi ba't ikaw ang dapat kong tanongin nyan?"

Natigilan ako sa tanong nyang yun..

At hindi ako nakasagot..

"Gano ba kahirap para sayo ang mag-aral??" pormal na tanong nya dahilan para mas matigilan ako. Kitang kita ko pa rin ang galit sa mga mata nya kahit ayaw nyang ipakita yun sa mukha nya. "Gaano kahirap para sayo'ng mag-aral ng mabuti't kailangan mo pang magloko ng ganyan!" biglang sigaw nya!

Ito ang kauna-unahang beses na sinigawan ako ng Nanay kaya naman hindi ko alam kung paanong sasagot sa kanya!

Pano nya nalaman!?

Hindi pa rin ako nakasagot!

"At kailan ka pa natuto'ng bumarkada??" tanong nya pa at doon ko naiiwas ang paningin ko. Dahan dahan kong inayos ang sarili ko't naupo sa lupa. "Hirap na hirap ka na sa buhay mo pero mas pinili mo ang bumarkada kesa ang magpakatino???"

Naramdaman ko ang hinanakit nya..

Naiintindihan ko rin naman sya..

Pero ako ang hindi nyo maintindihan.. Ginagawa ko 'to para sayo, Nay.. Hindi para sa sarili ko..

"Sa pamilya'ng 'to ikaw lang ang kaisa-isang nakakapag-aral---hindi mo ba alam kung gaano kang kaswerte sa lagay mong yan?!" taas-tonong tanong nya. Munit nananatiling nasa usok ng siga ang paningin ko at nagpipigil ng galit para di sya masigawan at masumbatan. "Gusto'ng gusto ng mga kapatid mong makapag-aral pero si Dainty at baldado habang si Bree ay hindi pumapasa para maging iskolar! Tapos ikaw... ikaw?! Ikaw na inaasahan ko araw-araw!?"

Don ako nakaramdam ng kaunting guilt..

Tama sya..

Dahil saming lahat..

Ako lang talaga ang maaasahan nya..

Humupa ang namumuong galit sa dibdib ko at napalitan yun ng guilt..

"Anong nangyari sayo Kev?!" parang hindi makapaniwalang tanong nya pa.

Lalo naman akong napatungo at hindi makatingin sa kanya dahil kinakain na ako ng kaba habang pumapatong pa ang guilt na nararamdaman ko..

Ako ba talaga ang mali?? Tsk..

"Hindi kailanman pumasok sa isip kong.. sa ganitong sitwasyon ng buhay mo ay makukuha mo pang sumali sa mga frat frat na ganyan! Dahil kahit uso'ng uso yan.. alam kong hindi mo magagawang sumali sa ganyan dahil ang pagkakakilala ko sayo ay iba! Masyado kang masunurin at di mo kailanman sinira ang tiwala ko sayo.. pero ngayon.. H-Hindi ko na alam kung tama pa ba ang tingin ko sayo.. Disappointed ako sayo.."

Naiangat ko sa kanya ang paningin ko nang sabihin nya yun!

"N-Nay.." naiusal ko.

Bakas pa rin ang galit sa mukha nya munit ramdam ko at alam kong pilit nyang nilalabanan yun dahil ayaw nyang magalit sakin! At naging dahilan yun para mas bumigat ang pakiramdam ko!

Lalong namuo ang mga luha sa mga mata ko at unti-unti kong naramdaman ang pagsisi sa dibdib ko!

"H-Hindi po yun tulad ng iniisip nyo.. H-Hindi ko po 'to ginagawa dahil lang g-gusto kong magmukhang matapang.." pagdadahilan ko at gulat naman akong makitang ngumisi sya ng nakakaloko matapos marinig ang isinagot ko.

"Kung ganon.. bigyan mo ako ng isang magandang dahilan kung bakit 'kinakailangan' mong sumali sa fraternity??" pormal na tanong nya talaga namang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

Napailing ako habang napapalunok pa bago tumingin sa kanya.

"D-Dahil may gusto a-akong proteksyonan.." napapayukong sagot ko at pinakinggan naman nya iyon.

Napayuko akong muli dahil hindi ko kayang labanan ang talas ng mga titig nya at bukod doon ay hindi ko masabi ang totoo sa mismong mukha nya habang tumitingin sa mga mata nya.

"Proteksyonan??" kunwaring tanong nya pa pero hindi na ako sumagot. "Sa anong paraan ka naproteksyonan nang pagsali mo sa fraternity na yan at namaga ng ganyan ang binti't hita mo??"

Hindi ko ipinahalata sa kanya ang pagkagulat ko sa tanong na yun at nanatili akong nakayuko at hindi makatingin sa kanya!

"Hindi sa lahat ng oras ay tama ang mga bagay na tumatakbo sa isip natin, Kev.. Minsan akala natin ay para 'to sa ikabubuti natin pero kapag dumating yung bagay na pagsisisihan natin.. don palang natin malalaman kun tama ba 'to o hindi para satin.." dagdag nya na dumagdag rin sa bigat ng dibdib ko. "Hindi ako ang Nanay mo.. Hindi ko rin sinabi sayo'ng ituring mo akong tunay na Nanay mo.. pero.." bumuntong-hininga pa sya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "..hindi ko inaasahang ipaparamdam mo saking hindi ko nagawang alagaan at bantayan kayo ng tama.. kahit bilang pangalawang Nanay man lang.."

Bumilis ang tibok nang puso ko nung biglang mamuo ang mga luha sa mga mata nya dahilan para mabilis akong mapatayo mula sa pagkakaupo at mapahawak sa mga braso nya!

"N-Nay.." tawag ko sa kanya.. "S-Sorry.." pakiusap ko.

Ngumiti sya munit halatang pilit yun..

Nandoon pa rin ang mga namumuong luha sa mga mata nya na lalong bumababa kapag kumukurap sya..

"Kung ako ang nasa sitwasyon mo---pag-iigihan ko nalang ang pag-aaral ko.. Dahil nung panahon ko.. Kinakailangan ko pang manakit ng tao.. mabayaran lang ang matrikula ko.."

Natigilan ako sa sinabi nya..

Munit matapos ang huling linya nyang yun ay mabilis syang tinalikuran ako at pumasok sa loob ng bahay..

Dahil nung panahon ko.. Kinakailangan ko pang manakit ng tao.. mabayaran lang ang matrikula ko..

Dahil nung panahon ko.. Kinakailangan ko pang manakit ng tao.. mabayaran lang ang matrikula ko..

Napatingin ako sa pinto ng bahay namin kung saan pumasok si Nanay..

Pilit kong inaninag pa rin yun kahit wala na sya doon..

A-Anong ibig nyang sabihin??

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng tibok ng puso ko at ang lakas ng kabog niyon!

MAX'S POV

Dumeretso na ako pauwi pagkagaling kila Sensui..

Munit bago ako bumaba ng motor ko ay muling sumagi sa isip ko yung sinabi nya kanina..

Mahal na mahal kita, Taguro..

Mahal na mahal kita, Taguro..

Napapikit ako sa inis nung muling magpaulit-ulit yun sa tenga ko!

Badtrip!

Muli akong napahawak sa manibela ng motor ko at madiing pinisil yun..

A-Ano bang akala nya sa pagmamahal?! Sing bilis ng hangin!? Peste!

Mabilis kong hinubad ang helmet ko at inis na naglakad papasok ng bahay!

Munit napahinto ako sa mismong pintuan nung bigla kong makita si Maxwell!

Nakaupo sa sofa at nakatingin rin sakin!

Nung mapansin nya ang pagkagulat ko ay agad syang tumayo at tumango sakin.

"I w-was waiting for you.." mahinang usal nya pa.

Hindi ko naman sya sinagot at nilingon ko ang pinanggalingan ko dahil hindi ko napansin ang kotse nya!

Nung makita kong nakapark nga ang kotse nya sa kabilang kalye ay saka ako pumasok sa loob ng bahay..

"Haaaay sa wakas----dumating reeeen!!!" pagpaparinig ni Naih. Napatingin naman ako sa kanya! "Hindi kami makakain dahil wala ka pa! Ang tagal mo naman?! Ganon ba kahirap ang assignment ni Sensui!?"

Hindi ko sya sinagot at naupo ako sa sofa at isa-isang hinubad ang mga gamit ko..

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Maxwell habang nakatingin sa sapatos ko.

"H-Hwaga??" mahinang tanong nya.

*Translation: Are you angry?*

"Ani.." pabalang na sagot ko habang naghuhubad pa rin ng sapatos ko. At saka ko inangat ang paningin ko at deretsong tumingin sa mga mata nya. "Haengbokhe.." pilosopong sagot ko at parang napahiya naman sya.

*Translation: No.. I'm happy..*

"P-Pein.." mahinang tawag nya pa.

Tinignan ko lang sya ng masama at saka napapabuntong-hiningang umakyat ako sa taas..

Sumunod naman sya..

"P-Pein.. I-I'm sorry.." pakiusap nya pa habang nasa pinto ng kwarto ko at pabato ko namang inalapag ang sapatos ko at saka humarap sa kanya.

"Sabihin mo nga sakin.. mababago ba nyan ang nararamdaman ko?" pigil ang galit munit may diing tanong ko. Bakas ang pagkapahiya sa mukha nya at hindi sya nakapagsalita. "Gano ba kahirap sa inyong sabihin sa isang tao'ng naghahanap ng pagkatao nya ang tunay na pagkatao nya? Mahirap ba talaga sabihin saking may nalalaman ka tungkol sa kanila??"

"P-Pein.."

"Napag-usapan na natin 'to.. at naging malinaw naman sakin ang mga paliwanag mo.. Hindi mo na kailangang pumunta pa dito para dyan dahil hindi nyan mabubura ang galit na nasa dibdib ko.. Lumayo ka muna sakin.. hindi makakatulong ang pagpunta punta mo dito.." prangkang sabi ko at napabuntong-hininga naman sya.

"I u-understand.. I know that you need space.. I've thought about it but.. I was also thinking na baka sakaling m-magbago ang isip mo.."

"You can go.. take care.." sabi ko na lumapit sa pinto at isinara yun.

King inang buhay 'to kelan ba mauubos ang problema ko? Tss..

~KNOCK! KNOCK!~

Napaupo ako sa kama nung marinig ko ang katok na yun..

"Max??"

Si Naih.

"Oh?" sagot ko.

"Pwedeng pumasok?" tanong nya at hindi na ako sumagot. "Papasok nako ah??" tanong nya pa ulit at nahiga naman ako sa kama gamit ang dalawang kamay ko.

Tumitig lang ako sa kisame hanggang sa makapasok sya. Tumabi sya sakin at tinitigan ang mukha ko.

"Umuwi na si Maxwell.." mahinang sabi nya na bumuntong-hininga pa, nanatili naman akong nakatingin sa kisame. "M-Max.. may problema ba?? Nag-away ba kayo ni Maxwel??"

Napapikit ako sa tanong nya..

Ramdam ko pa rin sa mukha kong salubong ang kilay ko at dahil yun sa hindi ko mapigilang inis..

Ramdam ko rin ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko at sumisikip ang dibdib ko..

Nung imulat ko ang mga mata ko ay muli akong tumingin sa kisame..

"M-Max.." bakas ang tono ng pag-aalalang tanong nya pa.

"Alam mo bang nakita ko na ang Nanay ko?" tanong ko.

Hindi ako nakatingin sa kanya munit ramdam kong nagulat sya.. Hindi sya nakasagot agad..

"S-Seryoso??" tanong nya at tumingin naman ako sa kanya habang nakahiga pa rin.

"Ang gulo gulo ng utak ko ngayon, Naih.." pigil ang emosyong dagdag ko at bumalatay naman ang pag-aalala sa mukha nya. "K-Kung dati.. nagagawa kong hindi pansinin ang mga problema at pagkukulang sa buhay ko.. Ngayon pakiramdam ko.. s-sabay sabay silang dumadating.. Hindi na natapos tapos.. twing may mareresolba akong isa ay may kusang dumarating na iba pa.."

"B-Bakit kasi sinosolo mo, Max??" tanong nya at napabuntong-hininga naman ako. "Kaya nga ako nandito di ba?? Para pagsabihan mo??"

"Pakiramdam ko kasi.. mali lahat ang ginagawa ko kapag sa paningin ng ibang tao.. Twing magsasabi ako.. parating sinasabi nilang sana ganito.. sana ganyan.. Hindi ba talaga pwedeng gawin ko ang bagay na gusto ko? Tss.."

"K-Kasi Max.. h-hindi lahat ng ginagawa mo ay tama.."

"Pero hindi rin naman siguro lahat ng ginagawa ko ay mali.." sagot ko at napabuntong-hininga sya. "Hindi kami nag-away ni Maxwell.. pero nagalit ako sa kanya.."

"Ha?? B-Bakit?"

"Dahil may nalalaman pala sya tungkol sa Nanay ko.. pero hindi sya nagsabi.. Naiintindihan ko naman ang dahilan nya.. hindi ko lang talaga maiwasang hindi magalit.. kasi yun ang tunay na nararamdaman ko.. Nagagalit ako sa kanya.."

"Ano naman daw ang nalalaman nya tungkol sa Nanay mo? At b-bakit hindi sya nagshare?" tanong nya at kinuwento ko sa kanya ang lahat ng napag-usapan namin ni Maxwell nung gabing yun.

"Para daw sa kapakanan ko.. Baka daw kasi magrebelde ako at maglayas kapag nalaman ko ang tungkol sa nalalaman nya.." bulong ko at saka suminghal. "Tss.. kalokohan.."

Napabuntong-hininga sya at saka muling tumingin sakin..

"Naiintindihan kita.. kung ako man ang nasa posisyon mo ay mararamdaman ko rin siguro ang nararamdaman mo ngayon.." pagsang-ayon nya. "Naiintindihan ko kasi.. masakit yung paglihiman ka sa mga bagay na alam ng mga taong nakapaligid sayong hinahanap mo.."

Napailing ako at nagtama ang paningin namin..

"Si Heurt.." usal ko at saka bumuntong-hininga. "Sya ang Nanay ni Gonza.."

"Oh my God.." napatayo sya sa gulat at nagtakip ng bibig nya. Nanlalaki ang mga mata nya at umiiling pa na animong hindi talaga makapaniwala sa narinig nya. "Oh my God.."

Iniiwas ko ang paningin ko sa kanya at saka muling tumingin sa kisame..

"Kilala ko na si Gonza.. bago ko pa sya makilala sa Luna.." dagdag ko pa at nanatili syang gulat at nakikinig sakin. "Pero kung sino ako.. wala syang ideya.."

At kinuwento ko sa kanya kung paano kong nakilala at sinundan noon si Heurt..

"Oh my God.." maluhaluha pang usal ni Naih. "M-Max.. b-bakit hindi mo yan sinabi sakin??" tanong nya at bumuntong-hininga lang ako. "Haaaayyy Max!!!!" nakasimangot pang sigaw nya. "Huhuhuhu hindi ko alam ang sasabihin ko----pero sang-ayon ako.. Ang gulo gulo nga ng buhay mo!" malungkot na sabi nya pa munit bakas ang awa sa mga mata nya. Pilit naman akong ngumiti sa kanya at bumangon mula sa pagkakahiga.

"Ewan ko ba.. sa edad kong 'to.. Tss.. kung anu-ano ng naiisip ko.. masyadong pinatatanda ng mga problema ko ang utak ko.." makahulugang usal ko.

"Tsk.. hindi talaga kita masisisi kung bakit ganyan ang ugali mo.." nakangusong sabi nya. "S-Sana nga Max.. d-dumating yung time na.. matahimik ka na lang sa isang tabi habang ineenjoy ang kabataan mo.."

"Mmm.. at sisimulan ko na ngayon.."

"Ha??" takang tanong nya.

"Sisimulan ko ng ienjoy ang kabataan ko.."

"Talaga?! Pano?" masayang tanong nya!

"Umalis ka dito at patulugin mo ko.. sa ganong paraan.. maeenjoy ko ang kabataan ko---"

"Psh!"

"Aray!"

BINATUKAN NYA AKO!

"A-Ano ba!" inis na sigaw ko pa!

"Ayan! Yan na yan ka! Seryoso ang usapan biglang babanatan ng kayabangan!" sigaw nya at saka tumayo! "Hindi ka na ba kakain?!"

"Kumain na ko ng cake kila Sensui!" sigaw ko sa kanya!

Muli kong naalala yung nangyari kila Sensui kaya mabilis kong hinila sya papaupo sa kama!

"A-Ano ba!" sigaw nya pa sakin nung pabagsak syang napaupo sa kama ko.

"N-Naih.." usal ko pa at taas-kilay namang tinignan nya na ako. "Di ba kayo na ni Lee?" tanong ko at nagliwanag naman ang mukha nya!

"A-Ano ka ba! Hahahahaha! Bakit mo ba tinatanong yan?! Hindi ba't nandon ka nung sagotin ko si Lee?? Hehehehehe.. pinilit nya pa nga ako di ba?? 'Zarnaih.. naiinggit ako sa kanila.. Make me happy'.." panggagaya nya sa sinabi ni Lee. "Yiiiiieee! Aaawww!!! Hahaha! Hindi ako makamove on sa kilig! Hanggang ngayon tunaw na tunaw ang bilbil ko sa kilig hahaha!"

Napatingin ako sa kanya at hanggang ngayon ay namumula pa rin sya..

Matamis ang mga ngiti nya habang nakasulyap sa kisame at saka dahan dahang tumingin sakin at napasinghal naman ako sa kanya sabay pasiring na iniwas ang paningin.

"Bakit mo naitanong?" malanding tanong nya pa. "Gusto mo ikwento ko sayo lahat ng napag-uusapan namin?? Yung mga sweetness---"

"Hindi ako interesado.." seryosong sagot ko.

"Psh! Oh e bakit nagtanong ka pa!?" inis na tanong nya.

"M-May gusto lang akong malaman.." utal pang sagot ko.

"Ano naman yun!?" taas-kilay pang tanong nya. Napailing naman ako at muling napalunok bago muling tumingin sa kanya at magsalita.

"N-Nag.... 'I l-love y-you' na ba sayo si L-Lee??" kabadong tanong ko at nanlisik naman ang mga mata nya.

"Bakit mo tinatanong, ha?!"

"Tss.. sagotin mo na lang.."

"Akala ko ba ay hindi ka interesado!?"

"Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko.."

"Psh! Oh e bakit mo nga tinanong?!"

"Dahil dyan ako interesado.." mabilis na sagot ko at pinanlisikan na naman nya ako ng mga mata at saka maarteng ngumiti habang kinikilig.

"Hahahahahahahahahahahahahahaha! Oh my God.. hahaha! Hindi mo alam kung anong naramdaman ko nung----"

"So sinabi na nga nya yun s-sayo??" pigil ko sa pagsasalita nya at nakangiting tumingin sya sakin at nakangiti pa ring tumango!

At saka sya tumayo at itinaas ang dalawang kamay nya at sumayaw na akala mo prinsesa'ng nakagown..

"I love you, Zarnaih! Kyaaaaaaaaa! Yiiie! Hahahaha!" sigaw nya at saka yumakap sa sarili habang sumasayaw pa rin! "Feeling ko yun ang pinakamasarap na salitang kinain ko hahahahaha! Ang gwapo gwapo ni Lee tapos sasabihan ka ng I love you?! Waaaaaaa!!! Juskoooo hahahahahahahahaha! I love you Lord!!!"

Bakit ako.. h-hindi ganyan?!

'Tsk..

Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang habang napapaisip..

Mabilis naman syang naupo sa tabi ko at saka tinignan ako ng masama..

"Hmmmm... aaaaaat baaaaaaket ka naman nagtatanong?!" nakapamewang pang tanong nya.

"A-Anong naramdaman mo n-nung.. s-sinabi yan ni Lee sayo??" tanong ko at mas napangiti naman sya.

"Hahahahahahahahahahahaha! Nobody can stop me! Hahahahaha! Kahit ako?! I can't stop it!"

Inis akong napabuntong-hininga at ngumuso naman sya.

"Engot ka?! Syempre kinilig! Matik ng kikiligin ang tao kapag sinabihan sya ng tao'ng gusto ko mahal nya ng I love you! Timang ka ba?!"

"Tss.." singhal ko sa kanya at saka ngumuso! "P-Pano nga yung unang unang naramdaman mo??"

"Ano ka ba naman, Max?!" takang tanong nya! "Minahal mo naman si Randall noon di ba?!"

"Mmm.." tango ko pa.

"Nag-I love you rin naman sya siguro sayo, di ba?!"

"M-Mmm..." tango ko pa habang inaalala ang nakaraan.

"Edi kayang kaya mo ng sagotin ang sarili mo! Kung anong naramdaman mong kilig noon nung sinabihan ka ng I love you ni Randall ay ganon rin ang kilig na naramdaman ko nung sinabihan ako ng boyfriend kong si Lee ng I love you! Jusko naman 'to! Ang weird mo, alam mo ba yun!?"

Napailing ako at napabuntong-hininga na naman sa sinabi nya.

"T-Teka nga.." pigil nya pa sakin. "Don't tell me.. nakalimutan mo na yung feeling na yun!?"

"E-Eh??"

"Psh! Imposible namang hindi mo alam yung pakiramdam ng kinikilig?!"

"A-Alam ko.. syempre.."

"Oh e bakit ka ganyan?! Ang weird mo lang ngayon---alam mo ba yun!?"

"K-Kasi.. Tsk.."

"Baket?!" takang tanong nya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon yung naging epekto sakin ni Sensui kanina.. Hindi sya tulad ng dati nung si Randall ang nagbitiw sakin ng mga katagang yun..

Noon.. kaharap ko pa si Randall twing sasabihin nya yun..

Pero ngayon.. nakatalikod ako kay Sensui at hindi ko nakikita ang mga mata nya--lalo na ang mukha nya pero... ramdam na ramdam ko sya..

"Hoy Maxpein!" pumamewang na naman sya. "Sinabihan ka ni Deib ng I love you noh?!"

Nahihiyang napatango ako.

"Oh e bakit ganyan ka?! Hahahahaha! Hindi ba dapat ay kiligin ka??" natatawang tanong nya pa.

"H-Hindi ko nga alam e.."

"Ha?! Anong hindi mo alam?!"

"Tsk.. h-hindi ko maintindihan yung naramdaman ko.."

"Ha?! Panong hindi mo maintindihan.."

Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa mga mata nya..

"N-Naririnig ko na rin naman yun kay Randall noon at.. ramdam kong natutuwa ako sa twing sasabihin nya sakin yun.. hindi maalis sa mukha ko yung ngiti sa twing sasabihin sakin ni Randall yun n-noon pero.."

"Pero ano?!"

"Yung k-kay S-Sensui.. i-iba e.."

"Oh my God.. p-panong iba??"

"K-Kinabahan ako ng m-matinde nung.. s-sabihin nya sakin yun kanina.. H-Hindi sya nakatingin sakin p-pero r-ramdam na ramdam ko yung f-feelings nya.. N-Nakatalikod ako sa kanya pero parang sa harap ko nya mismo s-sinabe yon.. T-Tapos i-isang beses nya lang s-sinabi sakin yun pero ilang beses nagpapaulit ulit sa p-pandinig ko.." napapatungo pang sabi ko sa kanya. "H-Hindi ko maintindihan yung naramdaman ko.. p-parang huminto yung p-paghinga ko----"

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Gulat akong napatingin sa kanya!

"B-Bakit?!" tanong ko pa!

"Oh my God.."

"W-What?!"

"I think you're in love.."

"Eh?!"

"Oo nga! Maxpein.. trust me.. you're in love!"

"Tss.. kalokohan.."

"A-Ano ka ba! Maniwala ka sakin! Ganyang ganyan rin ako!"

"Yung feeling na nag-eecho sa tenga mo yung sweet lines na sinabi nya!? Kyaaaaa! Yung parang nagfaflashback sa vision mo yung mga magaganda at nakakakilig na moments nyo?! Yiiieee! Yung sa sobrang kaba mo feeling mo hindi ka na kinikilig pero sa twing maiisip mo mangingiti ka na lang kesehodang sangkatutak ang anonymous people sa harap mo!? They can't stop you from smiling dahil kinikilig ka sa mga naiisip---"

"Tss.. hindi ko ginagawa yan.."

"Oo dahil wala kang ginawa kung hindi ang sumeryoso! Salubong ang kilay! Simangot! Singhal! Angas! Letse ka! Kung hindi lang talaga mahaba ang buhok mo---lalaking lalaki ka na!"

"Tss.."

"In love ka nga.."

Napatitig ako sa kanya.

"In denial stage nga lang! Bwahahahahahahahahhaahahahhaha!"

"Tss.."

"Haaaay nako.. kaya pala todo emote ka kanina kasi sinabihan ka ng I love you ni Sensui?!"

"H-Hindi ah.."

"Psh! Mukha mo! Sinong niloko mo!" sigaw nya pa sakin! "At kaya ka nagkakanda-emote emote dahil naiilang ka sa kanya!"

"Tss.."

"Kita mo na! Zarnaih is right!!!!"

Bakit ba tinanong tanong ko pa 'tong bwisit na 'to! Tsk!

"Kalokohan yan!"

"Letse ka puro ka kontra! You can't stop me! Dahil ako, iba ang nakakakita sa inyo! Bakit?! Nakikita nyo ba ang mga sarili nyo para masabing hindi totoo kung ano kayo sa nakikita ko?! Ayshuuuuuu! In denial ka kasi! Hindi mo matanggap sa sarili mong naiinlove ka na rin kay Sensui! Hahahahahahaha! OMG.. sa wakas!!! Ang aming Maxpein ay naka-move on na sa wakas!!!! You're in love! Thank you Lord! She's in love!"

"In love?! Ako!?" tanong ko na nakaturo pa sa mukha ko.

"Yesssss!!! But you're a great pretender hahahahahahaha!"

"Tss.. kung in love ako ngayon kay S-Sensui.. A-Ano yung naramdaman kong 'love' kay Randall noon?!"

"Tuleg! Tuleg ka! Tuleg! Hindi ka lang naman isang beses magmamahal, noh! Sa itatagal mo sa mundong 'to! Hindi lang iisang tao ang mamahalin mo! Ang tao---kapag nasaktan.. makakamove on yan at magmamahal ng panibago! May mamahalin kang hindi matatapatan yung naramdaman mo kay Randall pero may mamahalin ka ring mas hihigit pa sa pagmamahal mo kay Randall!"

"Tss.. at anong alam mo dyan? E si Lee pa lang naman ang nagiging boyfriend mo?"

"Ouch! Maxpein! Ouch!" OA na sabi nya habang nakahawak pa sa dibdib nya! "Si Lee pa lang ang naging boyfriend ko pero hindi ibig sabihin nun ay wala na akong alam sa ganyan! Ano ka ba naman?! Tao ka pa ba?! Patingin nga ng mukha mo?! Baka nabibilang ka don sa mga sinaunang tao! Letse ka!"

"Tss.."

"In love ka nga, Max! In love ka na!"

"Tss.."

"Hindi ko naman kasi maintindihan sayo kung bakit nagrururuma-Randall ka pa----kung pwede namang si Deib na lang?! Bakit ba hindi ka na lang mag-move on dahil may syota na sya?! Di ba?! Ngayon mo pakiramdaman ang sarili mo! Baka masyado mo lang kinarir yung pagiging brokenhearted mo't nag-iinarte ka na lang! Mapanindigan mo lang yang cold personality due to heartbreak mo!!" mapang-asar pang dagdag nya!

"H-Hindi ko nga alam.. nalilito ako.."

"Pakinggan mo kasi ang puso mo.."

"Tss.. hindi nagsasalita ang puso ko.."

"Oh my God! Hindi ko akalaing yung yabang at talino mo'ng yan?! Simple'ng idiomatic expression hindi mo magets?! Ayyy.. jusko po!"

"Ibig kong sabihin ay alamin mo kung saan sang-ayon ang puso mo---kung saan payag ang puso mo---anong gusto ng puso mo! Malalaman mo naman kung gusto mo o hindi ang isang bagay o ang isang tao, di ba?! Kapag gusto mo---ibig sabihin sinasabi ng puso mo'ng gusto mo yun! Kapag ayaw mo---edi tatanggi rin ang puso mo! Ganon kasimple! Jusko! In love ka nga.. walang halong tokshiiiit.. in love ka nga.." tatangu-tango pang sabi nya! "Ang tao'ng in love.. nawawala sa katinuan e?! Tignan mo ko.. maya't mayang nabubuang!"

"Pinanganak ka na talagang buang.."

"Dahil pinanganak ako.. para mainlove sa isang gwapo'ng Lee Roi Gozon hahahahahaha.. Letse.. eto yung gabi gabi kong pinapanaginipan e.. Yung makatuluyan ang lalaking nuknukan ng gwapo at gusto'ng gusto ko hahahahahahahaha!"

"Alam na ba ni Yaz yan?"

"Eh?! Bakit?! Kailangan pa ba nyang malaman?! Psh!"

"Oo naman.."

"Hindi na.."

"Tss.."

"Oh e bakit ikaw?! Alam na ba ni Maxwell na kayo na?!"

Hindi ko sya sinagot..

"Teka.. may balak ka nga bang ipaalam sa pamilya mo ang tungkol sa inyo ni Deib!?"

"Meron naman.."

"Nice! Oo! Tutal.. mukhang boto naman sila sa inyo hehehehe!"

"Pero hindi pa ngayon.."

"Wala namang nagmamadali sayo hahahaha! Ako rin.. ipapakilala ko si Lee sa parents ko hehehehehe!" sabi nya pa at hindi na ako kumibo. Tumayo ako at kinuha ang towel ko. "Hindi ka na ba magdidinner?"

"Hindi na.. busog nako.. Gusto ko ng matulog.."

"O sige.. pero kung magutom ka.. kakain kami ni Ate sa baba.. Sige sige.."

"Geh.."

Pagkalabas nya ay saka ako nagsindi ng sigarilyo at dumungaw sa bintana ko..

Mahal na mahal kita, Taguro..

Pakiramdam ko ay nasa likod ko sya ngayon at binubulong yon!

In love na nga ba ako??

Hindi na ako nag-isip at naligo na lang ako at natulog..

♥ K ♥ I ♥ N ♥ A ♥ B ♥ U ♥ K ♥ A ♥ S ♥ A ♥ N ♥

DEIB'S POV

"Haaaaayyy! Ang sarap gumising hahahahahahahahahahahaaha!!!!" napapailing pa ako sa sobrang sarap ng pakiramdam ko.

Kinuha ko ang cellphone ko..

Wala man lang syang text! Sobrang sweet mo talaga Taguro! Sobrang sweet! Nakakamatay ang pagiging sweet mo! Tsk!

Nakanguso akong binuksan ang huling text nya nung isang araw pa..

Tch! Bakit ba ganito 'tong babae'ng 'to?! Tsk!

Pero ganon pa man..

"Hahahahaahahaha! Gustong gusto ko talaga sya!!!"

Suminghap pa ako ng hangin at saka nakangiting bumangon at tumuloy sa washroom at naligo..

Pagbaba ko.. Lahat sila ay nagbebreakfast na..

"Good morning!" nakangiting bati ko sa kanila.

"Good morning, baby.. Hihihihihi!" si Mom.

"Hi Mom!"

"Mmm.. mukhang masaya ka ah?" tanong ni Noona na nasa dyaryo ang paningin.

"Nabuhay ata ako para maging masaya.. hahahahahahahahahaha!" sabi ko pa at saka nagtuloy pababa ay humalik isa-isa sa kanila. "Good morning Manang! You're so sexy!"

"Ay sus! Ang bata'ng ito talaga.." natatawang sabi pa ni Manang.

"Binata, Manang.. Binata.."

"Ayy oo nga pala hahahahahaha! Binatang binata ka na ngang talaga!"

"Oo naman yes!" sabi ko na pinalo pa kunwari ang dibdib ko at saka ako naupo. "Hahahahahaha! Ang sarap sarap gumising sa umaga ng may hotdog na nakahain! Tara kain!"

"Para kang baliw.." si Noona.

Aga aga.. Tsk tsk..

"Wag ka masyadong magpakasaya't baka lungkot ang kapalit nyan.." nakangiwing dagdag nya pa.

"You know what?!" inis na tanong ko sa mismong mukha nya! "Ang aga aga mukhang stressed na stressed ka?! Kinakain mo ba ang stress?? Bakit hindi ka magjogging para mabawasan!? Ang taba mo na e!"

"Psh! Shut up!" inis na sigaw nya sakin at saka ibinaba ang dyaryo'ng hawak nya! "Tell me.. 'sino' naman ang nagpapasaya sayo!"

"Hahahahahah kailangan pa bang itanong yan ha, Noona?!" nakangising tanong ko sa kanya.

"Ang tanong e.. 'sinagot' ka na ba?!" natatawang tanong nya pa!

"E kung sabihin ko sayong... 'oo'??? Hahahaha!"

"Oh my God.." bulong pa ni Noona. "H-Hindi nga?!"

"Hahahahhaha!" tawa lang ang isinagot ko sa kanya!

"Hindi nga?!"

"Hahahahahhaha!"

"Hindi nga, Deib?!"

"Hahahhaha----"

~PAK!!~

"A-Aray!!!!" sigaw ko sa kanya sa lakas ng batok nya!

"Dein???" suway sa kanya ni Dad.

"Psh! Tinatanong ka ng maayos---sumagot ka ng maayos!" sigaw ni Noona na hindi pinansin si Dad!

"Sasagotin ka ng maayos kung hindi ka mambabatok!" nakangusong sigaw ko rin sa kanya!

"Ano!? Sinagot ka na ba?!" parang galit pang tanong nya!

Ngumisi naman ako sa kanya at saka bumungisngis!

"Hehehe.." nakangising tawa ka.

"Psh! You're crazy!"

"Crazy in love---yes!"

"Ha!" singhal nya pa. "Congratulations then.. Mukhang twice kang nagchampion.." nakangisi pang sabi nya at saka sinimulang kumain. Ngumisi lang ako sa kanya at saka kumindat kay Mom. "Mamaya ay dadaan kami ni Randall sa inyo.."

"Bakit!?" pigil ang inis na tanong ko!

"Bakit hindi!?" nanlalaki ang mga matang tanong nya at saka muling sumubo. "Sabay tayong maglunch.. Wala kaming klase at duty pareho.. Sasamahan nya lang akong magpatahi ng bagong uniform.."

"Tch.."

"I gained weight... kailangan kong magpatahi ng bagong uniform---"

"Dieta! Magdieta ka! Tch!"

"I said shut.. up.."

Nginisian ko lang sya at saka nagtuloy kumain..

~BRIZK! BRIZK!~

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan yun..

Si Taguro my one and only! Yeah!

Nakangiting binasa ko ang text message nya..

One Message Received
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Woi.. papasok nako..
Ingat ka pagpasok..
See you..
7:30am

dO___Ob

Ang aga naman nyang pumasok ngayon!? Mauunahan nya pa ata ako!

Compose Message
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Babe, ang aga mo
naman yatang pumasok
ngayon? Hehehehe!
Nagbreakfast ka na ba?
Message Sent!

Maya maya pa...

One Message Received
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Hindi naman..
Nasa bahay pa ako..
7:31am

Compose Message
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Ahh talaga?
Edi magkakasabay rin
tayo papasok???
Message Sent!

One Message Received
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Malay mo.. d^_^b
7:32am

Compose Message
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Kita tayo sa parking..
Hehehehehehe!
Para umaga pa lang..
Buo na araw ko hehe!
Nagbreakfast ka na??
Message Sent!

One Message Received
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Nagbebreakfast pa lang..
Papasok na kami after..
7:33am

Compose Message
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Hehehehe ganon ba?
Sige.. iisipin ko nalang..
Sabay tayong nagbe-
breakfast.. Para sweet..
d=))) ♥
Message Sent!

One Message Recived..

Ang sipag nyang magreply ngayon hahaha! Bawing bawi talaga! Tsk!

Taguro.. Taguro.. Taguro.. Hehehe!!!!

Dahan dahan ko pang binuksan yun habang nakangiti..

One Message Received
~♥♥♥Taguro♥♥♥~
Okay.
7:35am

Sana pala hindi ko na lang pinansin.. nausog pa! Amp!

Dali dali kong tinapos ang pagkain ko at saka nagpaalam sa kanila!

"Bye, Mom.. Dad.. Manang!" sigaw ko at saka naglakad papalabas ng pinto. "Pasok na po ko!"

"Ingat baby!" dinig kong sigaw ni Mom.

"Hoy! Mamaya ah! Sabay tayong maglunch!" sigaw naman ni Noona!

"Bahala ka sa buhay mo heheheh!" sigaw ko rin at saka tuluyang lumabas at sumakay sa kotse ko.

In-on ko ang music player ko at saka in-start ang kotse ko..

Inilabas ko ang cellphone ko at saka idinial ang number ni Taguro..

"Mmm??" mabilis na sagot nya!

Isang ring lang ah!?

"Hinihintay mo ba ang tawag ko?!" nanunuksong tanong ko.

"Eh!?"

"Isang ring lang kasi--sinagot mo na.. Kaya tinatanong kita kung hinihintay mo ang tawag ko?"

"Tss.. asa.."

"Sus! Hahahahaha! Magpakatotoo ka naman kahit minsan Taguro!"

"May katext kasi ako.."

Agad nagsalubong ang kilay ko at saka napatingin sa manibela ko!

"S-Sinong katext mo??" tanong ko.

"Bakit mo tinatanong?"

"S-Sino ngang katext mo?"

"Sikretong malupet.."

"Tsk! Sabihin mo sakin.. sinong katext mo!?"

"Woi.. parte ba ng pagiging girlfriend mo ang alamin lahat ng ginagawa ko----"

"Oo! Kaya sabihin mo sakin---sinong katext mo?!"

"Tss.. magkita na lang sa school.. Ingat ka--bye.."

~TOOT! TOOT! TOOT!~

Inis akong napatingin sa cellphone ko!

Tsk! Loko yun ah! Ako nga walang katext na iba tapos sya...

Aaaaaiiissssh!!!!!!

Inis akong ibinato sa tabi ko ang cellphone ko at saka nagdrive papasok!

Bahala ka sa buhay mo! Hindi kita hihintayin!

At salubong ang kilay na nagdrive ako papasok!

BIS Parking Lot.

Dahan dahan akong bumaba ng kotse ko at naglakad papunta sa parking nila Taguro..

Wala pa sila..

Inis akong tumalikod papalakad ng biglang..

~BRRRRROOOOOOM!!!!~

~BRRRRROOOOOM!!!!~

Mabilis na nagpark si Taguro at Parrot at saka mabilis ring naghubad ng helmet at lumapit sakin!

"Oh.. hinintay mo pa ako?"

Inis akong napatingin kay Taguro sa tanong nyang yun!

"A-Anong hinintay!? Tch! Asa!" inis na sagot ko sa kanya!

"Oh e anong ginagawa mo dito?"

"K-Kararating rating ko lang rin!" inis na sagot ko at taka naman syang sumulyap sa kotse ko at saka muling tumingin sakin!

"Dito ba sa parking ko ang daan papasok??" sarkastikong tanong nya!

~TAP! TAP!~

"Tsk tsk.. miss na miss??" sarkastikong tanong ni Parrot na tinapik pa ako sa balikat! "Tara pasok!" sabi nya na sumenyas pa papasok!

Inis naman akong tumingin kay Taguro!

"S-Sinong katext mo ha?!" inis na tanong ko ulit. Ngumisi naman sya.

"Kunsensya ko.."

"H-Ha?!"

"Tss.." singhal nya at saka nilampasan ako at naglakad pasunod kay Parrot!

"H-Hoy! Hintayin mo ko!" sigaw ko sa kanya at padabog na sumunod! "S-Sabihin mo na kasi sakin.." bulong ko pa kay Taguro.

"Wala yun.."

"Tsk! Kung wala yun e bakit hindi mo masabi?"

"Kelangan ba talagang lahat alam mo?"

"Hangga't maaari oo.."

"Pwes hindi pwede sakin yun.."

Natigilan ako hindi dahil sa sinabi nya..

Kundi sa sobrang seryoso ng mukha nya!

Napapangusong sumunod na lang ako sa kanya at hindi na nagpumilit pa..

"Galingan mo sa assignment mo.." bulong nya pa at hindi ko naman sya sinagot. "Kapag mataas ang nakuha mo.. kahit araw-araw tuturuan kita.." nakangiting sabi nya pa at hindi pa rin ako sumagot.

Padabog pa rin akong naglakad habang nakanguso at iniiwas ang tingin sa kanya!

Pilit kong ipinaparamdam sa kanyang galit ako!

Hanggang sa marating namin ang building namin..

Nauna ng nakaakyat si Parrot.

"Oh my God.."

"Ang sweet nila huhuhu.."

"Look, Daisy.. they're together.."

"Sila na nga kasi.."

"Pero Jhackie, bakit parang magkaaway sila??"

"Ha?!"

"Tignan mo, Noriel.. parang magkalayo sila.."

"Oo nga, Essie.. tignan mo.. parang nakasimagot pa si Deib.."

"Ano ba yan.. ke bago bago--away agad.."

Inis akong tinignan yung mga babae'ng nagbubulungan at nagitla naman sila at isa-isang nagsipagpasukan sa mga classrooms nila!

At saka ako nagtuloy sa pag-akyat hanggang sa marating ang floor ko..

"D-Dito nako.." nakangusong sabi ko habang nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ko.

Huminto naman sya sa paglalakad at saka tumingin sakin..

Pero hindi ko sya tinignan!

"Tss.." singhal nya at..

NAGTULOY SA PAG-AKYAT

'Grrrrrraaaa!!!!!!!!'

PESTEEEEEE!!!! Tsk!

Mangiyak ngiyak akong pumasok sa room namin at walang pinansin maski isa! MASKI ISA!!!!!!!!!

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

~RIIING!~

LUNCH BREAK!

~BRIZK! BRIZK!~

Kinuha ko ang cellphone ko nung magvibrate yun sa bulsa ko.

~Noona Calling. . . ~

"Hello?" sagot ko.

"Nandito kami sa Canteen nyo.. let's have lunch.."

"Mmm.. pababa na ako.." walang ganang sagot ko at saka ibinaba yun.

"Mr. Enrile?"

Napatingin ako kay Miss Agaser nung tawagin nya ako.

"Congrats.. Ikaw ang highest.."

"M-Miss??"

"Ikaw ang highest.. Good job! Sana magtuloy tuloy na.." nakangiting sabi ni Miss Agaser at saka lumabas ng room!

~CLAP! CLAP! CLAP! CLAP!~

Dinig ko ang palakpakan ng mga classmates ko pero nanatili akong gulat!

"Anak ng... highest?! Perstaym!!!!" pang-aasar sakin ni Tob na umakbay sakin at ginulo ang buhok ko! "Hahahahahahahahaha! Ang lupet namang teacher ni Taguro??" bulong nya pa!

"Nice, Deib.. This is unexpected hahahaha.. I expected you to pass, though.. Haha!" si Lee.

Napapailing akong naglakad papalabas ng room na yun at lutang hanggang makarating sa Canteen.

"Deib! Here!" dinig kong sigaw ni Noona kaya naman nilingon ko sya. Nakangiti syang kumaway sakin.

At nung makita ko si Randall..

Napabuntong-hininga ako.. Kaya naman walang ganang naglakad ako papalapit sa kanila.

"Hi Tob! Hi Lee!" bati pa ni Noona sa kanila.

"Hi Dein.." bati nung dalawa at saka naupo. "Hey, bro.." bati nila kay Randall.

"Hey.." si Randall.

"Sabay sabay na tayong maglunch.." nakangiting sabi pa ni Noona at saka tumingin sakin. "Oh bakit nakasimangot ka??" natatawang tanong nya at iniwas ko naman ang paningin ko sa kanya.

"Hon, excuse me.. may phone call.." biglang tayo si Randall at tinanguan naman sya ni Noona.

"Anong meron?" tanong ni Tob.

"Ahh wala.. wala kasi kaming pasok at dumaan lang talaga kami dito.. Galing kasi kami sa patahian.. Sinabi ko naman na kanina kay Deib na dadaan kami.. hindi nya ba nabanggit?" tanong pa ni Noona sa kanila at umiling naman sila kaya bumaling sakin si Noona. "Oh?? Hindi mo yata kasama yung dahilan mo para habang-buhay kang masaya??" natatawang tanong nya pa kaya naman inis akong tumingin sa kanya.

"Sumadya ka ba dito para lang mang-asar?" inis na tanong ko.

"Ayy.. anong nangyari sa mga ngiti mo kanina?! Hahahahaha! Bakit mainit ang ulo nito?!" tanong ni Noona kila Tob.

"Hahahahaha! Anong nangyari sayo, dre?!" si Tob. "Hindi ba dapat maging masaya ka?! Highest e.."

"Huh? Highest san??" takang tanong ni Noona. "Eat your food, Deib.."

"Sya yung highest sa recitation at assignment namin kanina..." si Lee.

"Yeah!? For real?!"

"Mmm.."

"Wooooww! I'm so proud of you dongsaeng!" bati nya pa! "Oh e bakit nga nakabusangot ka?!"

Inis akong inilabas ang cellphone ko at idinial ang number ni Taguro.

~TOOT! TOOT! TOOT!~

Napatingin ako sa cellphone ko at muling idinial yun..

~TOOT! TOOT! TOOT!~

Inis akong nilingon si Randall at eksaktong ibinaba nya ang cellphone nya at saka naglakad pabalik sa table namin! Napansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya naman mabilis kong iniiwas ang paningin ko nung tumingin sya sakin!

Hindi ko maintindihan ang biglang inis na nangibabaw sa kalooban ko!

Magkausap kaya sila?? Tsk.. Papatayin mo ko sa selos, Taguro..

"Oh.. eto na pala sila Max e.." si Tob. Pero hindi ko nilingon ang entrance kahit lahat pa sila ay nakatingin don. "Michiko!!!" sigaw ni Tob at saka tumingin kay Noona. "Dein.. I want you to meet my girlfriend.."

"Ahh talaga!? Sige.. Where is she??" excited pang tanong ni Noona. Eksaktong lapit naman nila Michiko. Mabilis na tumayo si Tob at inabot ang kamay ni Michiko.

"Ahh.. Dein.. Randall.. Girlfriend ko.. si Michiko heheheheheh!" pakilala ni Tob.

"Yiiieee! Helloooo po!!!" si Michiko.

"Hi! Ahhh you look so cute! Nice to meet you, Michiko.. Have a seat.. join us.." yaya pa ni Noona sa kanila. Naupo sila Migz, BJ at Parrot sa harap ko kaya naman nasilayan ko ang nakatayo pa ring si Taguro. "Oh.. Maxpein.." biglang tawag sa kanya ni Noona at tinignan naman sya ni Taguro. "Come and join us.."

Tumingin naman sakin si Taguro kaya mabilis kong iniiwas sa kanya ang paningin ko..

"Aren't you going to give her a seat??" tanong pa ni Noona kaya naman natinag ako.

"Here.."

Gulat akong napatingin nung biglang tumayo si Randall at iabot ang upuan nya kay Taguro!!! Biglang nagsalubong ang kilay ko at pinanood si Randall na kumuha ng panibagong upuan at bumalik sa table namin!

Inis akong tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang upuang binigay ni Randall kay Taguro!

"Dito ka maupo.." sabi ko kay Taguro at saka inalalayan syang maupo sa upuan ko at saka ko hinila ang upuang inabot ni Randall at ako ang naupo doon!

Lahat naman sila ay takang tumingin sakin pero hindi ko sila pinansin.

"Anong gusto mo?" pormal na tanong ko kay Taguro, blangko naman ang mukhang tumingin sya sakin.

"Mmm.. I thought, I've ordered enough.. Would you like to have some more, Maxpein??" si Noona.

"No.. thank you.." pormal na sagot ni Taguro at saka tumingin sa mga pagkain. Mabilis naman akong kumuha ng plate at saka ibinigay sa kanya. "A-Ako na.." sabi nya pa at saka naglagay ng foods sa plate nya.

Napabuntong-hininga ako at pilit kong nilalabanan ang galit na namumuo sa loob loob ko.. Sila sila na lang ang nagkwentuhan habang kumakain kami at kaming dalawa ni Taguro ay nananatiling tahimik sa kabila ng pag-uusap ng lahat! Alam kong napapansin nila ang pagiging tahimik namin pero hindi na lang nila sinisita dahil ramdam nila ang tensyon sa pagitan ng bawat isa.. Nung matapos kaming maglunch ay agad ring nagpaalam sila Noona na uuwi na kaya naman nakahinga na ulit ako ng maluwag..

Sabay kaming naglalakad ni Taguro pabalik sa locker ng walang pansinan! Nauna na ang mga kasama namin dahil paniguradong alam nila kung anong meron kami ni Taguro ngayon.. Hindi ko na sya kinibo at hindi na rin naman sya kumibo! Gusto kong malaman ang laman ng isip nya pero ayaw kong magtanong dahil masama ang loob ko!

Nagseselos ako!

Kaya naman mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at pabagsak na isinara ang locker ko at saka naglakad pabalik.. Pero bago pa man ako lumampas sa kanya ay huminto ako sa likuran nya..

"P-Pasok nako.." mahinang usal ko pa at saka naglakad-----

Natigilan ako..

At saka ko dahan dahang ibinaba ang paningin ko sa kamay ko....NA BIGLANG HINAWAKAN NI TAGURO!

Napatingin ako sa kanya..

Nagtama ang paningin namin at hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko..

"Wag kang mag-alala.." mahinang usal nya at taka naman akong napatitig sa kanya. "Ganito lang ako pero.. hindi ko hahayaang pagsisihan mong minahal mo ko.." mahinang usal nya habang nakatingin sa mga mata ko at saka dahan dahang binitiwan ang kamay ko at naglakad papalayo..

Taguro..

Hindi ko maintindihan pero kusang ngumiti ang mukha ko habang pinagmamasdan sya papalayo..

DISCUSS.

DISCUSS.

BREAK.

Mabilis akong bumaba sa Canteen kasabay nila Lee.

"Hahaha pucha dre, pare-pareho naman tayong inspired pero bakit parang luging lugi tayo dito ke Deib!?" natatawang tanong ni Tob kay Lee.

Inaasar nila ako dahil ultimong sa Math ay ako ang highest sa quiz..

~BLAAG!!!!!~

"Deib!" si Lee!

"D-Deib!" si Tob!

Dinig ko ang pagtawag nila pero hindi ko nagawang makasagot dahil sa hilo!!!!

MAY PUMALO SA ULO KO!

"Gago ka Choco!!!!" dinig kong sigaw ni Tob!

~PAAAAAAAAAAK!~

~PAAAAAAAAAAK!~

~BLAAAAAAAGG!~

~KABLAAAAAAG!~

Dinig na dinig ko ang karambulan ng mga gamit sa paligid ko pero dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang hilo ko ay hindi ko magawang imulat ang mga mata ko!!!

"Gago ka!" sigaw pa ni Tob!

~BLAAAAAAAAAAAG!~

"A-Ahhh!!!" napasigaw pa ako nung biglang may madiing dumaklot sa panga ko dahilan para mapatayo ako at dahan dahang iminulat ko ang mga mata ko! Agad na hinanap ng mga mata ko sina Lee at Tob at gulat na gulat akong makitang pareho na silang nasa sahig at uubo ubo habang nakahawak sa mga tiyan nila!

"Kung inaakala nyong natatakot ako sa inyo ay nagkakamali kayo! Hindi tayo dito matatapos, Enrile!" mahina munit madiing sabi ni Choco sa mismong mukha ko! "Pasensya na kung na-late ang pagbawi ko sa ginawa mo sakin nung hule.." sabi nya pa at saka inalayo ang mukha ko at bumwelong sasapakin ako!!!

AGAD KONG NAIPIKIT ANG MGA MATA KO!

"Deeeeeeiiibb!!!!!!!!" sigaw pa ni Tob!!!!

Pigil ang hiningang inantay kong dumapo ang kamao nya sa mukha ko!!!!

Pero ilang segundo na ay wala pa! Kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mata ko..

Kitang kita ko ang isang pamilyar na kamay ang nanginginig na pumipigil sa nanginginig ring kamao ni Choco!

Dahan dahan kong inilingon sa tagiliran ko ang mga mata ko!

SI TAGURO!

T-Taguro..' gusto kong iusal munit kakaiba ang daloy ng dugo sa ulo ko! Hilong hilo ako! Pakiramdam ko ay may tumutulo sa ulo noo ko!

"Bitiwan mo sya.." malumanay na sabi ni Taguro.

"Ha! Ngayon lang ako nakakita ng magsyota'ng babae ang nagliligtas sa lalaki?!" sarkastikong sabi ni Choco at saka ibinagsak ako sa sahig!

Binitiwan naman sya ni Taguro at saka dahan dahang niyuko ako at inabot ang magkabilang kamay ko.. Tumingin ako sa mga mata nya at kitang kita ko ang pagdoble ng paningin ko kaya naman napapikit ako..

"N-Nahihilo ako.." usal ko pa at binitiwan nya ang dalawang kamay ko.

Nung hindi sumagot si Taguro sa sinabi ko ay dahan dahan kong imunulat ang mga mata ko at kitang kita ko ang salubong na kilay nya.. Dahan dahan syang sumiring sakin at tumingin sa tagiliran nya.. Kitang kita kong hinawakan ni Choco si Tob sa kwelyo!

Dahan dahang tumayo si Taguro at lumapit kay Taguro..

"D-Deib.. Ayos ka lang!?" biglang lapit sakin ni Parrot!

"S-Si Taguro.."

"Anong nangyari?!" nag-aalala pang tanong nya at saka liningon si Taguro!

Hinila ni Taguro si Choco dahilan para mabitiwan nito si Tob at eksaktong pagharap ni Choco ay...

~BBBLLAGGGG!!!!!!!~

Malakas na sinapak sya ni Taguro!

MALAKAS na SAPAK!

At hindi pa nakuntento si Taguro! Nilapitan nya ulit si Choco at saka hinawakan sa kwelyo at tinulungang tumayo at...

~BBBLLLLLLAAAAGGGG!!!!!!!~

"M-Max! Tama na yan!" sigaw ni Parrot! Pero hindi sya nagpatinag! Muli nyang itinayo si Choco at...

~BBBLLLLLLAAAAAGGGG!!!!!!!~

Hindi ako makapaniwala sa lakas ng suntok nya! Hindi ko naisip na sa liit ng kamao nya ay magagawa nyang magpatumba ng isang tao'ng sing laki ni Choco!

Ito na ba yung sinasabi mo?? Na hindi ka gangster pero nananakit ka ng tao?!

Ayokong paniwalaan ang nakikita ko! Kahit na kitang kita ko na mismo sa harap ko ay ayaw kong paniwalaan ang nakikita ko!

Muli nyang dinaklot ang kwelyo ni Choco at itinayo ito! Pikit na ang isang mata nya at dumudugo na ang nguso't ilong nya! Munit nagagawa nya pa ring ngisian si Taguro! Bakas ang galit sa mukha ni Taguro nung hawakan nya ng magkabilang kamay nya ang kwelyo ni Choco!

"D-Don't touch me! Y-You'll pay for this!" galit talagang sigaw ni Choco sa kanya! "I swear you'll gonna pay for this!" diin pa ni Choco! "Pagsisisihan mong ginagawa mo 'to!"

"Do you always talk this much before you do it?!" mayabang na tanong pa ni Taguro. "You're weak.." pigil ang galit na sagot sa kanya ni Taguro. "But you survive.. because you're being protected by your kids.." ngingisi ngisi pang dagdag ni Taguro at saka sumeryoso. "Wag mong sisimutin ang pasensya ko sayo Choco.. dahil hindi mo pa nakikita ang tunay na ako.. Ako na kahit kelan ay hindi mo matatapatan dahil wala ka pa sa kalahati ng proseso'ng pinagdaanan ko.. Kapag sinaktan kita---maski aray hindi mo maisisigaw dahil mahihirapan ka.." at saka sya binitiwan ni Taguro!

Natahimik ang lahat ng nanonood at bakas ang takot sa mga mata at kilos nila!

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko..

Munit mas hindi ko mapaniwalaan ang mga nakita ko..

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
2M 133K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...