HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

346M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks

3.5M 87.9K 169K
By maxinejiji

MAX'S POV

Hindi ko inaasahang sa isang tira ko ay maihuhulog ko ang nuebe.. Kadikit ko pa rin pala talaga ang swerte..

Pagkatapos na pagkatapos ng laban ay halos hindi magkamayaw ang mga tao..

Kakatalon..

Kakasigaw..

Kakapalakpak..

Kakahiyaw..

Kakakaway..

Kakakampay..

Aaminin kong hindi maganda ang kundisyon ng pag-iisip ko ngayon at hindi ko maintindihan ang emosyon ko..

Pakiramdam ko ay hindi ako maiintindihan ng mundong kinatatayuan ko ngayon..

Malungkot..

Masakit..

Napakaraming tanong ang nabubuo sa isip ko at alam kong sinuman ang lumapit sakin ngayon ay hindi makakatulong para masagot yon..

Naalala ko lahat ng sinabi ni Maxwell kagabi..

Lalo mo lang ginulo ang isip ko..

Namuo ang mga luha sa mga mata ko pero agad ko rin namang pinawi iyon..

Naagaw ang atensyon ko ng papalapit na saking si Naih..

Ang matalik kong kaibigang hindi saulo ang bawat liko ng bituka ko..

"Maxpein!" malakas pang sigaw nya. Pilit ang ngiting iginanti ko naman sa kanya. "Oh my God! Oh my God! Oh my gosh! Nakakaloka ka! Isang tira---Champion na!" masayang sigaw nya pa at saka biglang yumakap sakin!

"Huk!"

"Hindi mo alam kung gano mo ko napasayaaaaaaaaa!!!" mangiyak ngiyak na sigaw nya pa. "Huhuhuhu nakakainis ka! Yung patahi-tahimik mong yan hindi ko alam na may plano ka na palang mag-Champion talaga!!! Nakakaloka ka!!! Huhuhuhu.. Congrats sating dalawa huhuhuhu! Lalong lalo na sayo! Leche ka! Dagdag yabang na naman tuloy yan huhuhuhu!!!"

"Tss.. ang OA OA mo talaga.." pilit ang tawang sabi ko pa at kumalas naman sya sa pagkakayakap sakin at saka inis na tumingin sakin at ngumuso.

"Tse! Nakakainis ka! Huhuhuhu anggaling galing mo! Hindi mo man lang ako tiniran ng pwesto para may maipagyabang man lang ako!"

"Maganda ka di ba? Edi yan ang ipagyabang mo.. Tss.." sabi ko pa at saka natatawang tinalikuran sya at kinuha ang tako at case ko.

"C-Congrats.." biglang may nagsalita mula sa likuran.

Muli naman akong lumingon para tignan yun..

Si SAMANTHA.. at yung ka-double nya.

"Mmm.. Thank you.." pormal na sagot ko.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na kita matalo ngayon, Maxpein.." pilit ang ngiting sabi nya pa.

"Matatalo mo ko.. kung isasantabi mo ang pagyayabang mo.." mayabang na sabi ko. "Gaya ng sakripisyo kong isantabi ang yabang ko kapag ikaw ang kalaban ko.."

"Psh! Wala talaga akong gawa sa yabang mo!" nangingiting sabi nya pa. "Oh well.. tapos na ang laban.. Wala ng dahilan para hindi tayo magkasundo.. Haaaayyss.." huminga pa sya ng malalim habang nakangiti. "Masaya akong nakalaban ulit kita ng tunay na laban..."

"Mmm.. masaya rin akong nakalaro ulit kita.." nakangiting sabi ko pa.

"Oh e ang lagay e---kayo lang ang naglaban?!" biglang sarkastikong sabat ni Naih at nilingon naman namin sya.

"Hahahahahahaha! Ahh yeah! The ever demanding Zarnaih's reacting on the side.. Mmm yeah.. it was really nice----"

"Tse! Samantha, stop me! Wag mo kong ingles inglesin! Tapos na ang interhigh oh!" nakangusong pigil ni Naih sa kanya at saka ngumiti ng malaki! "Wag mo na kaming dadaragin ah!? Hahahahhaha!!!"

"Hahahahaha sure.. wala naman ng dapat paglabanan pa dahil talong talo na talaga ako sa inyong dalawa! Tsk!" nakangiting sagot pa ni Sam sa kanya.

At nagyakap sila.

"Oh well.. nanonood si Daddy at paniguradong katakot takot na pangsasabon na naman ang gagawin nya sakin dahil natalo ako ng isang Maxpein na dating tambay lang naman sa bilyaran namin hahahahahaha! Masakit pa rin pero.. sa tingin ko ay kailangan ko ng tanggapin.." baling sakin ni Sam.

"Wala naman akong pakialam kung sinong mas magaling.. ang mahalaga, kung sinong nanalo.. Wag kang mag-alala.. ikaw pa rin ang kauna-unahang babae'ng tiningila ko sa larangan ng bilyar bukod kay Black Widow at sa sarili ko.." nakangiting sagot ko.

"Sya sya.. Tama na ang mga pang-uuto mo! Matapos mo kong talunin e ngayon mo sasabihin yang mga papuri mo! Hmp! Kahit kelan ka! Halika nga dito! Give Samantha a big hug!!!" natatawang sigaw pa ni Sam sakin.

"Tss.. hindi na.." tanggi ko pa.

"Anong hindi na! Magyakap kayo! Punyeta!" sigaw ni Naih!

At pinagdikit kami!

Napayakap na lang rin ako kay Sam dahil sa pagkakatulak papalapit samin ni Naih at dahil na rin sa nahihiya akong lumayo pa.

*YAKAP*

"Thanks for the nice game.." bulong ko. Tinapik ko pa ang likod nya.

"Thanks for the experience!" bulong nya pa na tinapik rin ang likuran ko. "Psh! Pero hindi ko pa rin matanggap na nasayo ang makasaysayang tako!"

Napangiti ako sa sinabi nya..

At saka kami humiwalay sa pagkakayakap sa isa't isa at saka nagkamay.

"See you around.. 'Taguro Brothers'.." matamis ang ngiting sabi pa ni Sam na tumingin saming dalawa ni Naih at saka tumalikod.

Nakipagkamay lang rin samin yung ka-double nya at saka sumabay sa kanya paalis..

"Wooohhh! Akala ko magyayabang pa sya e hehehehe.." bulong pa ni Naih.

"Tss.. ang plastik mo talaga.. Sinabi mo yan kung kelan nakaalis na.." pang-aasar ko pa sa kanya.

At saka kami bumalik sa reyalidad ng ingay..

"Woooooooohhh!!!"

"BIIIIIIIIS!"

"Taguroooo Brotherrrss!!!!"

"Ang lulupet!"

"Astiiig!"

"Congraaaats!!!"

"I loooove youuu Maxxxx!!!"

"I loooovee youuu Naihhh!!!"

"Gooooo Tagurooo!!!"

"Parrroooottt!!!"

"BIS!!!"

"Thank youuuu!!! Oh my God! Thank youuuuu!!!! Oh! Hahahah! Thank youuuuu!!!!" malakas na sagot pa sa kanila ni Naih.

Salamat..

Panay ang kaway at wagayway sa kanila ni Naih at ako naman ay natuon ang paningin sa nakatingin rin sakin si Sensui..

Kahit nakangiti sya ay ramdam ko ang lungkot ng mga mata nya..

Paniguradong dinamdam nya yung treatment ko sa kanya mula pa kanina'ng umaga..

Bagay na hindi ko sinasadya..

Pasensya na..bulong ko pa sa isip ko at saka bumuntong-hininga.

At saka ako ngumiti at nag-PEACE sign sa kanya..

At saka bumungad ang matatamis na mga ngiti sa mukha nya..

Yung mga ngiti nyang kahit na anong iwas ko.. naiiwan sa isip ko..

Agad akong humarap sa papalapit na saming referee at announcer.

Natigilan na rin si Naih sa kakakaway at kakasigaw ng pasalamat sa mga tao'ng walang sawang nag-iingay..

"Let us all give a round of applause to the Champion of Billiards.. Brint International School!!!!!!" malakas na sigaw ng Announcer at nakipalakpak naman ang referee.

*P*A*L*A*K*P*A*K*A*N*

CLAP! CLAP! CLAP! CLAP!

"Wooooooohhh!!!"

"BIS!!!"

"We loovvveee youuu Taguro Brothers!!!!"

Lumapit kami ni Naih sa Announcer at Referee at saka nakipagkamay..

"Congratulations!" masayang bati nila samin..

"Thank you.." sagot ko na nakipagkamay sa kanilang dalawa.

"Congratulations!" baling naman nila kay Naih.

"Oh my God.. thank youuu! Thank youuu so much!"

At saka kami bumaling sa mga bleachers at kumaway..

"Kyaaaaaaaaaaaahh!!"

"Woooohhh!!"

"Anggaling nyooooo!!!"

"Idooooolll!!!!"

Matapos nun ay mabilis na naming kinuha ni Naih ang mga gamit namin at saka naglakad papunta sa mga kasama namin.

"Congraaaattttulaaatiooons mga bakla!!!" sigaw pa ni Migz at BJ.

"Congrats Max and Naih!" si Michiko.

"Thanks.." sagot namin ni Naih.

"Bilisan nyo!" salubong samin ni Migz kaya naman nagulat kami.

"Bakit?" si Naih.

"Closing Remarks na.. don daw sa quadrangle.." sigaw nya pa at saka nagmadaling maglakad papalabas.

Sinalubong naman kami nila Lee, Tob at Sensui.

"Congrats.." nakangiting bati ni Lee kay Naih.

"Yiiiieeee thank youuuu!!!"

"Congrats Max.." bati naman sakin ni Tob.

"Mmm.. thanks.."

"Congrats..." si Lee.

"Thanks.."

"Congrats Naih.." si Tob kay Naih.

"Thank youuu Tob!!!"

At nagpaulit-ulit ang pagko-congrats nila at pagte-thank you namin..

Kaya naman humarap nako kay Sensui at saka malakas na bumuntong-hininga.

Ngumiti naman agad sya sakin.

"Napagod ka ba??" nakangiting tanong nya.

"Hindi naman.."

"Tch.. malamang.. ang bilis mong tumira e.." nakangiti munit nakangusong sabi nya. "Nagmamadali ka ba?! Hahhahaha.."

"Mmm?? Mabilis ba??" mayabang na tanong ko pa.

"Tch.." singhal nya at saka umakbay sakin. "Congratulations.."

"Salamat.."

"Ayoooonn.. ganooon??? Matapos mong mag-emote emote kanina.. kikiligin ka ngayon?! Ganon!?" nakapamewang na pang-aasar sakin ni Naih at siniringan ko naman sya at saka tinapik si Lee.

"Tara.. Closing Remarks daw.." sabi ko pa at saka kami naglakad papunta sa quadrangle. Nagsisimula ng magsalita ang isang lalaking mukhang announcer.

DEIB'S POV

Pagdating sa quadrangle ay nanatili akong nakaakbay kay Taguro..

Saraaaaaaaappp..

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil ngayon lang namin ginawa 'to.. nang maraming nakakakita!!!

Sabagay.. nagyakap na nga kami sa harap nila e hahahahah!!!! Taguro.. Taguro.. Taguro..

"May we call on Mr. Faller, the head of Sports from Brint International School.."

~CLAP! CLAP! CLAP! CLAP! CLAP!~

"Thank you... Thank you.." nakangiting sabi pa ni Mr. Faller. "So.. hindi ko na kailangang pahabain pa ito para makapagcelebrate naman kayo'ng mga nanalo.."

"Wooooohhh!!!"

"BIS!!"

"Yeaaaahhh!!"

"Yes.. I would first like to congratulate all those whose efforts have led to your presence here today.. To all of the Students.. Schools.. Universities.. Colleges.. Academies.. To their, Teachers.. Professors.. And of course all of our players and their families! To those who participated in this event... And to the champions.. CONGRATULATIONS!"

"Waaaaaaaaaaaaaaa!!"

"BIS!!!"

"Woooohhh!!"

"Nais ko ring pasalamatan ang bawat namumuno sa bawat paaralang pinagdausan ng event na 'to.. Sa pamunuan ng South International School.. sa pamunuan ng Luna University.. Maraming maraming salamat.. Alam kong bawat manlalaro sa bawat paaralang dumalo sa sportsfest na 'to ay hinangad ang mag-Champion.. kaya naman nais kong pasalamatan at bukod don ay i-congratulate ang bawat manlalaro'ng nakilahok sa Interhigh na 'to.. At sa mga students ng Brint Inter-----"

"Kyaaaaaaaaaaaa!"

"Waaaaaaaaaaaaa!"

"B-I-S! B-I-S! B-I-S!B-I-S! B-I-S! B-I-S! B-IS! B-I-S!B-I-S! B-I-S! B-I-S! B-IS!"

Malakas na sigawan..

"Sa lahat ng players ng Brin----" hindi na naman naituloy ni Mr. Faller ang sasabihin nya dahil..

"Woooooohhh!!!"

"B-I-S! B-I-S! B-I-S! B-I-S! B-IS!"

"Students.. Students.. Please let me finish my speech first.." nakangiting pakiusap pa ni Mr. Faller. At kumalma naman ang crowd. "Sa bawat manlalaro'ng nakilahok mula sa Brint International School.. muli ay nais ko kayong batiin sa pagkakapanalo nyo.. Salamat ng napakami and.. CONGRATULATIONS!!!"

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Waaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Woooooooooohhhhh!"

"Yaaaaaaaaaaaaaa!"

"At para sa mga huling manlalaro'ng naglaro at nakapagpanalo sa BIS.. BIS Basketball Team and BIS Billiards Team.. Thank you and Congratulations.." nakangiting dagdag pa ni Mr. Faller at saka kumaway sa amin. "Thank you everyone! And enjoy the rest of the day! God bless us all!"

"B-I-S! B-I-S! B-I-S! B-IS! B-I-S! B-IS!"

Nagbatian ang mga tao na nandoon..

Kami rin ay nakipagbatian sa bawat student from other schools na makasalubong namin.

"Congrats.."

"Congratulations!"

"You deserve to win!"

"Champion na naman!"

"Walang kupas!"

"Hirap kalabanin talaga! Sarap nyan! Congrats!"

"Wooooohhh BIS is the best!"

"Born to become Champion!"

"Goooo BIS!"

Iba't ibang uri ng pagbating narinig ko mula sa kanila.

"Salamat.. Salamaat.. Thank you... Salamaaat.." paulit-ulit na sagot ko sa kanila.

"Ang galing galing mo Zarnaih!"

"We love youuu Zarnaih!"

"Go go go Zarnaih!"

"Ang astig nyo ni Maxpein, Zarnaih!"

"Oh my God---Oh my God! Thank youuu talaga! Hahahahaha! Don't stop me hahahahaha! Thank youuuu!"

Abnormal..

At saka ko nilingon si Taguro na tipid man ay nakukuha pa ring ngumiti habang nagpapasalamat sa bawat students and players na bumabati sa kanya.

"Congrats!"

"Anggaling mo Taguro.."

"Idol na kita.."

"Anggaling nyo ni Parrot.."

"Nice.. ngayon ko lang kayo nakilala pero ang astig nyo talaga.."

"Ang cool nyo.."

"Gusto ko na rin tuloy magbilyar kasi anggaling nyo.."

"Astiiiig talaga ang Taguro Brothers!"

"Ang cool nyooo! Autograph!! Pakilagay Jamaica na maganda!"

"Salamaaat.." tipid ang ngiting sagot ni Taguro sa isa-isa sa kanila..

At saka ako nakangiting lumapit sa kanya.

"Congrats ulit.." pigil ang ngiting sabi ko sa kanya.

"Mmm.. congrats rin.."

"Salamaaaaattt.." nakangiti pa ring dagdag ko.

"San mo gustong pumunta?"

Gulat akong napatingin sa kanya.

Magdedate ba kami???

Hahahahaha! Tsk tsk.. Badtrip naman oh! Hahahaa!!!

"B-Bakit mo naitanong yan??" pigil na naman ang ngiting tanong ko pa.

"Ayaw mo bang magcelebrate?" nakangiti ring tanong nya pa.

"Mmm.. that's a good idea.." nakangiting sagot ko. "Pero.. mas maganda kung masosolo kita.."

"Mmm.. hindi lang naman tayong dalawa ang nag-Champion di ba??"

"Tch! Oo nga pero.. may kanya kanyang love life na tayo ngayon, babe.. Hindi na nating kailangang magpasama pa sa kanila.."

"Pero mas masaya kung kasama natin sila.."

"Tsk.. Okay sige.." kunwaring napipilitang sagot ko.

"San mo nga gustong pumunta??"

"Bakit ako tinatanong mo? Ikaw ang magdesisyon dahil ikaw ang boss ko.."

"Tss.. kung sasabihin ko palang pumunta tayo sa impyerno.. gugustohin mo??"

"Malamang!"

"Eh?!" takang sagot nya.

"Kasi alam ko namang gagawin mong langit ang impyerno ko.. bwahahahahahahahahahahahaha! Ang tali-talino ko talaga.." taas-noong sagot ko pa! "Bwahahahahahahahahaha------"

"Maxpein.."

Peste naman 'to! Wrong timing!

SI RANDALL!

"Mmm?? Randall..." pormal na sagot ni Taguro sa kanya kaya naman bahagya akong lumayo sa kanya.

Bahagyang bahagyang layo lang naman na tipong isang maling galaw ko lang ay mayayakap ko na sya..

"Congratulations.. you did it.." nakangiting sabi pa ni Randall na mas lumapit pa kay Taguro!

Tumingin naman ako sa gilid ko at don nagmake-face!

You did it---your asssss!!!!

"Thank you.." nakangiting sagot ni Taguro sa kanya.

"I'm sure proud rin ang buong SIS sayo.."

"Talaga? Mmm.. edi salamat rin sa kanila.."

"Hahahahaha.. mukhang okay na kayo ni Sam ah??"

"Mmm.. okay naman talaga kami.. hindi lang kami okay kapag ganyang may laban.. Para walang bigayan.."

"Yeah right.. dati nyo naman ng gawain yan.. Ang magpayabangan bago at habang naglalaban.. Hahahahaha!" natatawang dagdag pa ni Randall at nakitawa naman si Taguro sa kanya!

E kung layasan ko kaya 'tong dalawa?! Bwiset!

Bumalik lang ako sa reyalidad nung biglang natahimik silang dawala..

Napatingin ako kay Taguro at ayun na naman yung salubong na mga kilay nya..

Pero hindi sya kay Randall nakatingin..

Kaya naman tumingin ako kung san sya nakatingin..

SA KAMAY NI RANDALL.

Anong meron don?!

Muli akong palihim na tumingin sa kamay ni Randall pero wala naman akong nakita. Kaya naman nilingon ko na lang ulit si Taguro na iniangat na rin ang paningin sa kanya.

"Anong nangyari sa kamay mo?" biglang tanong ni Taguro dahilan para muli akong mapatingin sa kamay ni Randall!

Ano bang meron don!? Wala naman akong makita----

A-Ano yan?

Nagulat rin ako nung makitang may mga bakas ng gasgas pa ang mamula mulang kamay ni Randall. Ipinakita nya ang isa pa at...

Haaaa???

Mas gulat akong makita ang pamamaga non!

Napatingin ako kay Randall pero nanatili kay Taguro ang paningin nya!

"Ahh hahaha.. Wala 'to.." pormal na sagot ni Randall sa kanya.

"Patingin.."

Agad akong napalingon kay Taguro dahil sa sinabi nyang yon!

Bakit kailangan mo pang lumapit kung makikita mo naman yan ng hindi lumalapeet!!!!!!

Ipinakita ni Randall sa kanya ang kamay nya habang nakangiti pa.. at doon nagsimulang madurog ang puso ko..

Peste!

"Wala 'to.. n-nagasgasan lang ako.." dagdag pa ni Randall at..

Andwae!!!

HINAWAKAN PA NI TAGURO AT MAS TININGNAN ANG MGA KAMAY NYA!

DA-LA-WANG KAMAY NYA!!

Hindi ko napigilang magsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanila!

Kaya naman hindi ko na rin nagawang itago yun nung biglang sulyapan ako ni Randall at tumama ang paningin ko sa mga mata nya!

Nanatiling blangko ang mukha ni Randall nung sumulyap sakin at kitang kita ko pa kung paanong pinag-aralan ng mga mata nya ang kabuuan ng mukha ni Taguro'ng abalang abala sa pagsipat ng mga kamay nya!

"A-Ayos lang ako.. P-Pein.." biglang sabi ni Randall na kusang hinigit ang mga kamay nya.

"Nakipagsuntukan ka..??" malumanay na tanong ni Taguro sa kanya dahilan para manlaki ang mga mata ni Randall. Nagpalitan naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Nakipagsuntukan ka.." animong siguradong siguradong dagdag pa ni Taguro at naiiwas ni Randall ang paningin nya sa kanya.

"A-Ahh.. h-hahahaha.. W-Wala yun... nagbibiruan kasi kami.. nagkapikunan sa huli kaya---"

"Hindi mo ugaling makipagbiruan.." natatawa pa kunwaring pigil ni Taguro sa sinasabi ni Randall!

Napatingin naman ako sa kamay ni Randall..

At kung ako ang tatanongin.. kung titignan ko ngang maigi ang kamay nya ay halatang nakipagsuntukan nya sya..

Natahimik si Randall at hindi nakatingin sa kanya.

"Sana walang kinalaman sakin yan.." pilit ang ngiting dagdag ni Taguro.

"P-Pein.."

"Tss.." singhal ni Taguro na tumingin pa sa iba bago muling tumingin sa kanya.

Walang namutawing palitan ng salita sa pagitan nila pero yung tinginan nila sa isa't isa ay parang nag-uusap!

Hindi ko maintindihan kung bakit parang pati ako ay nakukuha ko ang ibig sabihin ng mga tinginan nilang yon!

Si Taguro ang dahilan kung bakit sya nakipagsuntukan.. Tsk.. Hindi ko maintindihan kung matutuwa ba ako o maiinis! Tch!

Nanatili na lang akong nakatingin sa kanila kahit na ang awkward na ng sitwasyon ko!

Gusto kong umalis pero hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko!

"Tell me.." tipid munit maawtoridad na utos ni Taguro kay Randall.

"W-What??" natatawa pa kunwaring tanong ni Randall.

"Anong nangyari dyan?" tanong ni Taguro na itinuro pa ang kamay nya.

"A-Ahh... hahaha.." kunwaring tawa na naman ni Randall at saka tumingin kay Taguro at nung makita nyang seryoso talaga si Taguro saka dahan dahang nawala ang pilit na ngiti't tawang yun sa mukha nya.

At saka liningon ako..

Yung mga tingin ni Randall sakin na yun ay parang sinasabing.. UMALIS AKO SA HARAP NILA DAHIL MAG-UUSAP SILA!

"A-Ahh.. d-don muna ako.." paalam ko. "E-Excuse me---"

Gulat akong napatingin sa kamay ko nung biglang hawakan ni Taguro yon!

Dahan dahan kong naiangat ang paningin ko sa kanya pero nananatiling na kay Randall ang paningin nya!

Napatingin ako kay Randall at nakatingin rin sya sa kamay kong hawak ni Taguro!

Kaya naman dahan dahan akong bumalik sa pwesto ko at tumingin kay Taguro.

"Dyan ka lang.." mahinang utos nya pa sakin.

"Anong nangyari dyan??" pag-uulit nya ng tanong kay Randall.

Napabuntong-hininga pa muna si Randall bago nakapagsalita.

"H-Hinanap ko si Choco.." mahinang sagot nya at napabuntong-hininga rin ng mas malakas si Taguro.

Si Choco?! Kilala nya si Choco?!

Hindi nagsalita si Taguro at tumitig lang sa kanya na animong naghihintay ng iba pang ikukwento nya.

"P-Pero w-wala naman 'to kaya.. okay lang ako.." dagdag pa ni Randall.

Taka pa akong napatingin kay Taguro nung bigla syang luminga linga sa paligid. Napatingin rin ako sa paligid at tanging yung mga natitirang estudyante mula sa ibang schools na lang ang nandoon, maliban sa mga kaibigan naming panay rin ang sulyap samin mula sa di kalayaun..

"Kaya pala hindi ko nakikita si Choco ngayon dito.." halatang pilit ang ngiting sagot sa kanya ni Taguro at saka muling bumuntong-hininga. "Salamat sa ginawa mo.. pero sana hindi mo na ulitin yon---"

"Pein.."

"Randall.. hindi mo alam nag pinag-ugatan ng gulo namin.. Naiintindihan kong gusto mong makatulong at makaganti pero.. hindi mo alam kung anong dahilan ng gulo namin.. H-Hindi maganda'ng tignan na.. nakikisali ka sa gulo ng may gulo.. May ideya ka ba kung sino samin ang tunay na may kasalanan??" tanong ni Taguro at natigilan si Randall. Bumuntong-hininga namang muli si Taguro at saka tumingin sa kanya. "Salamat.. Salamat sa concern mo.. Pero sana.. w-wag mo ng uulitin 'to.. kasi ayaw kong madamay ka.."

Hindi ko maintindihan kung bakit may kaunting kuro akong naramdaman sa sinabing yun ni Taguro sa kanya!

Yung katotohanang sinabi nya sakin yon---at sinabi nya sa kanya..

Hindi ko yon nagustohan..

"You don't really have to worry about me.. a-alam naman na nila Daddy ang tungkol dito.. Tinutulungan na rin naman ako ni Chairman Moon.. at alam nila ang mga gulo'ng kinasasangkutan ko ngayon, kaya.. sa tingin ko sapat na rin sila para.. maging kumportable ako.." dagdag pa ni Taguro.

Hindi nakasagot si Randall sa kanya.

Ramdam kong napapahiya si Randall sa mga sinasabi ni Taguro.. Pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa kanya..

Palihim akong sumulyap sa kanya at wala kay Taguro ang paningin nya..

"Wag kang mag-alala.. sa susunod na kakailanganin ko ng tulong.. hindi ako magdadalawang isip na tawagan ka.." nakangiting sabi pa ni Taguro dahilan para muli syang tignan ni Randall. "Salamat talaga.."

"M-Mmm.. w-welcome.." pilit ang ngiting sagot ni Randall.

Hindi na sumagot si Taguro sa kanya kaya naman nakaramdam sya na kailangan nya ng umalis..

Pilit ang ngiting tumingin pa muna sya sakin at saka muling tumingin kay Taguro.

"Mmm.. I guess I should go now.. Congratulations ulit sa inyo.. D-Deib.." baling nya sakin at tumingin naman ako sa kanya.. "Congrats.."

Hindi ko maintindihan kung praning lang ba ako o talagang may DIIN yun pagkakasabi nya ng congrats!

May iba sa dating nung pagkakasabi nyang yun sakin!

Hindi ko na lang yun pinansin at ngumiti na lang rin ako sa kanya!

"S-Salamat.." sagot ko.

"Sige.. mauna na ako.." sabi pa nya at saka muling tumingin kay Taguro.

"Ingat.." paalam ni Taguro at saka sya nakangiting tinalikuran kami..

At doon naman ako nakahinga ng maluwang!

Wooooohhh!!!!

Iiling iling na napatingin ako kay Taguro na nananatiling nasa kanya ang paningin..

"Max, Deib! Tara na sa BIS! May party party na! Kanina pa nandon yung ibang players, tayo na lang hinihintay.." biglang sigaw ni Migz dahilan para sabay namin syang lingunin.

Napatingin naman muna ako kay Taguro at saka kami sabay na lumapit sa kanila.

Mabilis kaming pumunta sa BIS dahil maaga aga pa naman.

Pagdating sa BIS ay agad kaming winelcome ng mga BIS Students and Faculties..

At dahil kanina pa pala nagsisimula ang Program ay medyo late na kami.. May mga players ng iba't ibang sports, na kasama ng mga Coach nila ang umaakyat na sa Stage at binibigyan ng award, medals, trophy at kung anu-ano pa.

Eksaktong pagpunta namin sa gitna ng quadrangle ay tumugtog ang kantang WE ARE THE CHAMPIONS. Agad naman kaming lumapit sa mga team mates namin na nakaupo sa bandang likuran ng mga upuan sa harap ng Stage.

"Let us all welcome, the BIS Basketball Team!!!!" sigaw ng emcee. "And their Coach.."

"Kyaaaaaaaaaaaa!"

"Andyaaaaaan na silaaaaaa!"

"Waaaaaaaaaaaa!"

"Yaaaaaaaaaaaaaa!"

"Anggugwapoooooooooo!!!!"

"Waaaaaaaaaaaa marry me Lee!!!"

"I looooove youuuu Toooob!"

"Deib, sarangheeeeeeeee!!!"

Isa isa kaming nagsipagtayuan..

Nilingon ko naman muna si Taguro at tinanguan nya ako at sabay sabay na kami nung mga Team mates kong umakyat sa Stage.

"Teaaaaaaaaamm!!!" biglang sigaw ni Coach kaya naman sinalubong agad namin sya.

"Salamaaaatt Coaaaaccchh!!!!" malakas na sigaw nang Team namin. Nagsipagpuntahan kami sa gitna at isa-isa kaming pinagsasabitan ng medal ni Lolo.

"Congratulations.." bati pa samin ni Lolo.

"Thank you, Dean!" malakas at sabay sabay na pasalamat namin! Iniabot nung emcee ang mic kay Lolo at saka nagsalita si Lolo.

"I am very happy to be part of this huge success of talented students and it's an honor for me to present an award and trophy to these young achievers.. And to their Coach, you did a great job on keep your men on track.. Being the Champion for four consecutive years is indeed--one of our success.. Thank you and Congratulations..." sabi pa ni Lolo at saka iniabot ang trophy kay Coach.

"Thank you, Dean.. Thank you.." sabi ni Coach na yumakap pa kay Lolo at saka kinuha ang mic. "A-Ahh.. Una sa lahat.. gusto kong pasalamatan syempre ang BIS, Dean Enrile.. Chairman Enrile.. sa lahat ng sakripisyo, kooperasyon, gastos, suporta---basta sa lahat lahat! Simula umpisa nandyan na kayo para samin.. lahat ng pangangailangan namin--isang sulat lang sa papel bilang request---pirmado agad at kinabukasan nandyan na agad---salamat po.. Salamat po ng napakarami.. Kasi kung hindi dahil sa inyo.. hindi naman kami mananalo.. Hindi tayo mananalo kung hindi tayo nagkaisa.. Kaya salamaaaat ng napakarami.."

"Wooooohhh!!!"

"Gooo BIS!"

"Gooooo Coach!!!"

"Hahahahahaha.." tawa pa ni Coach sa mga sumigaw. "At syempre.. hindi ko rin makakalimutan ang lahat ng students na talaga namang kahit practice ay sumisigaw.. bilang suporta sa mga players natin salamat sa inyo.. Sa mga nag-ubos ng boses.. Gumawa ng ingay.. Naglabas ng pera.. Nakisama.. Nakiisa.. Tumulong.. Salamaat rin ng napakarami sa inyong lahat.."

"Yeaaaaaaaahhhh!"

"Goooo Deib!"

"Leeeeeeeeee!"

"Toooooooooobb!"

"Chriiiisss!"

"Ivaaaaann!!"

"Remsoooonn!!"

"Gooo BIS!"

"At syempre.." humarap samin si Coach. "Sa aking mga players.."

"Wooooooooohhh!!!!!"

"Waaaaaaaaaaaaaa!"

"Anggugwapooooo nyoooo!"

"Mahal namin kayooooo!!!!"

At muling tumugtog ang WE ARE THE CHAMPIONS

"Salamat rin sa inyo guys, you did a great job also! Salamat sa inyong hard work! Naging Champion tayo dahil pinagtrabahuhan nyo ang lahat ng itinuro ko.." masayang sabi ni Coach samin! "Ito na ang huling taon na maglalaro tayo as BIS Basketball Team.. pero nakakasiguro akong hindi ito ang huling taon na magkakasama tayo at makakapaglaro.. Tama??"

"Yeeeess Coaccccch!!!!" masayang sigaw namin ng mga team mates ko. At humarap ulit si Coach sa audience.

"Ahh.. Siguro may mga hindi pa nakakaalam sa inyo pero.. Ang BIS Basketball Team na 'to ay sunod-sunod na naging Champion at ikaapat na taon na yun ngayon.." masayang dagdag ni Coach.

"Woooohhh!"

"Yeeeeeeees!"

"At.. masasabi kong.. lahat 'to.." itinuro pa kami ni Coach. "Lahat ng mga players na 'to ang naging dahilan kung bakit natin nakamit ang pagiging Champion sa loob ng apat na taon.."

"Yeeeeeeeaaaahhh!!!!"

"4-0!!!"

"Woooohhh the best!"

Muling humarap sa amin si Coach..

"Masaya ako at ako ang naging Coach nyo.. hindi ako nagsisisi'ng hinawakan ko kayo.. Kahit pa may mga oras na pinag-iinit nyo talaga ang ulo ko.. inuubos nyo ang pasensya ko.. Kahit kailan hindi ako nagsisi na hinawakan ko kayo.. At nakakasiguro akong wala ng papalit pa sa inyo.."

"Awww nakakaiyak! Bwa--hahahahahahahahahahahahaha!!!!" pang-aasar ni Remson at pabirong binatukan naman sya ni Coach.

"Paniguradong may dadating namang magagaling na players sa inyo Coach.." sabat ni Chris.

"Yeah.. alam ko.. Chris, ikaw ang pinakamagaling na Captain na nahawakan ko.. hindi man ikaw ang star player ko hahahahahahahaha.. ikaw talaga ang pinakamagaling na Captain na nahawakan ko dahil kahit na maloloko 'tong mga bata mo e--napapasunod mo sila.."

"Salamat, Coach! Ikaw rin ang da best na Coach na humawak sakin!" sagot ni Chris kay Coach at nagyakap sila.

"Alam kong magkakaron pa ako ng mga players na mas magagaling pa sa inyo.. pero sino man sa kanila ay hindi matatapatan ang mga ginawa nyo sakin.. Walang makakapalit sa mga ibinigay nyong experience sakin.." nakangiti munit bakas ang lungkot na dagdag pa ni Coach at saka tumingin sakin. "Enrile.."

"Y-Yes Coach!?" nakangiting sagot ko pa.

"Waaaaaaaaaaaahh!"

"We loooovvveeee youuuuu, Deeeeib!"

"Goooo Enrile!"

"Kyaaaaa ang gwapoooo mo!"

"I looove you, Deib!!!"

"Ikaw man ang pinakamatigas na ulo sa lahat ng manlalaro ko.. wala sino mang papalit sa pwesto mo bilang Deib Lohr Enrile.. kasaysayan ka sa larang ng basketball dito sa BIS.."

"Tch! Pinapaiyak mo naman ako Coach e! Hahahahahaha!" biro ko pa sa kanya.

Gulat pa akong napatingin nung biglang lumapit sakin si Lolo kasama si Chairman!

"Good afternoon.." bati pa ni Chairman at nagsipagtahimikan naman ang audience. "This trophy represents the Most Valuable Player of this Season.. The person who will receive this award strived hard to achieve it and again.. he made it for this Season.. And it's an honor for me to present this trophy to the MVP to Mr. Deib Lohr Enrile!"

"Kyaaaaaaaaaaaaa!"

"Waaaaaaaaaaaa!"

"Wooooooooooohhh"

"Yeaaaaaaaah!"

"Our MVP for four consecutive years.. We are all proud of you.. Congratulations.." nakangiting bati pa ni Chairman kaya naman dali dali akong lumapit sa kanya at tumango habang inaabot yun.

"T-Thank you, Chairman.."

*P*A*L*A*K*P*A*K*A*N*

~CLAP! CLAP! CLAP! CLAP!~

"Thank you..." sabi ko sa mic.

"Kyaaaaaaaa!"

"Waaaaaaahh!"

"I love you, Deib!"

"Salamat.." nakangiting sabi ko pa sa mic at saka lumingon sa mga team mates ko. "A-Ahh.. hahahaha.. I really don't know what to say.. Hahahaha.. A-Actually.. hindi ko inaasahan 'to dahil.. alam nyo naman siguro yung nangyari nung nakaraan nung hindi ako nakapaglaro ng mga ilang araw.. pero.. talagang ako pa rin pala ang binoto nyo para maging MVP.. kaya naman, salamat.. Salamat talaga kasi.. talagang nakikita at nararamdaman kong sinusuportahan nyo ko.. I'd also like to thank God for guiding me all through out the game.. in each and every game.. To our Coach, thanks for the patience.. Eto kami.. kasi sya ang Coach namin.. To our team.. Mmm I'd like to say it's an honor for me to be around such great basket ball players here today.. Salamat sa inyo.. kita nyo naman---binoto nyo pa rin akong MVP kasi ayaw nyong masaktan ako hahahahaha! Masaya ako.. masaya talaga ako kasi, nakilala ko kayo.. na naging team tayo.. Ahh, lahat kasi kami ay Seniors na----"

"Aaaaahhhhhhh.."

"Huhuhuhu nakakainis naman!"

"Oo nga pala.."

"Huling laro na nila huhuhuhu.."

Nalungkot ang mga students kaya naman pilit akong ngumiti sa kanila.

"P-Pero tulad nga ng sinabi ni Coach kanina.. lahat kami ay hindi na nya mahahawakan pero hindi naman ibig sabihin nun ay ito na ang huling beses na magkakalaro kami.. kaya naman sinisiguro ko sa inyong.. kahit wala na kami ay babalik at babalik kami dito para maglaro.. Ahh malaki kasi ang naging tulong sakin ng Basket ball kasi.. nakasama ko 'to sa pag-aaral ko.. Natuto ako ng time management at prioritization.. Sa pamamagitan rin ng basketball, nailalabas ko yung mga stress ko at napapagaan rin nito ng loob ko minsan.. that's why I'm also thankful to all of you.. for supporting our team.. And for always being there for our team.. Masasabi kong.. walang makakatalo sa mga cheerers ng BIS hahahahaha.. Kasi kayo talaga yung pinakamalalakas magcheer don----"

"We love youuuu, Deeeeiib!!!"

"I love you, Deib!"

"Mahal ka namin!!!"

"A-Ahh hahahaha.. S-Salamat salamat.. Mahal ko rin kayo.." sagot ko sa kanila.

"Kyaaaaaaa!"

"Mahal nya daw ako!"

"Gaga lahat daw tayo!"

"Waaaaaaaaaaaaaaaa!"

"A-Ahh hahahahahaha.. A-At syempre.. s-sa inpirasyon ko sa paglalaro-----"

"Kyaaaaaaaaaaaaa!"

"Waaaaaaaaa!"

"Ayaaaaaaaaann naaaaa!"

"Huhuhuhu napakasweet naman nyaaaaaaa!"

"Sana ako na lang ang inspirasyon nya huhuhuhu!"

"L-Lahat kayo actually.. naging inspiration sakin at sa team mates ko kaya salamat.. Hahahaha! Pero syempre.. hahahahahaha.. m-may mga inspirasyon tayo na nagiging dahilan natin para maging asintado yung tira hehehehehe.. A-Ahh.. hahahahahahaha.." napapalunok pa ako dahil sa kabang nararamdaman ko habang tinutukoy si Taguro! Pero dahil masaya ang dulot nung kakaibang feeling na yun sakin ay napapangiti ako kahit hindi ko maexplain yung gusto kong sabihin. "..g-gusto kong pasalamatan 'sya'.."

"Kyaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Waaaaaaaaaaaaaaa!"

"Nakakainggit!!!"

"Huhuhuhu nakakaselos!"

"I'm brokenhearted na!"

"I-I'm already happy with what I have in my life.. but you made me happier.. much more happier.. I just want to thank you for inspiring me.. and for making me feel perfect for having you in my life.." nakangiting sabi ko habang nakatingin ng deretso kay Taguro.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Taguro pero unti-unti rin yung napalitan ng ngiti nung simulan syang biruin nung mga kaibigan nya.

"Yiiiiieeee!"

"Aaaahhh angsweeet ni Deeeeib!"

"Huhuhuhuhuhu.."

"And thank you for breaking my heart again, Deib! Huwaaaaaaaa!"

"Nakakaloka naman ang speech na yan!"

"Nakakamatay ng powsu! Huhuhu!"

"Thank you so much everyone!" dagdag ko pa at saka tumango sa kanila!

"Woooohhhh!!!"

"BIS!!!"

*P*A*L*A*K*P*A*K*A*N*

~CLAP! CLAP! CLAP! CLAP!~

"Thank youuuu!!!!" sigaw naming buong team at saka sabay sabay na nagsipagbabaan ng Stage.

Agad naman akong lumapit kay Taguro na lampas pa sa tenga ang ngiti ko..

"Lakas magpakilig ah!" biro pa sakin ni Parrot! "Congrats! MVP! Hahahaha!"

"Hahahaha.. salamat, Parrot!" biro ko sa kanya at saka lumapit kay Taguro.

"Yiiiiieeee..." panunukso pa nila.

"Oh.." kunwaring iniabot ko kay Taguro yung trophy ko.

"Tss.. ano yan?"

"Para sayo.."

"Bat sakin??"

"Kasi.. ikaw ang nagpanalo sakin.."

"Tss.. ako ba tumira para sayo?" nakangiting pang-aasar nya pero hindi ko magawang mapikon dahil hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa sayang nararamdaman ko.

"May we now call on our Billiards players..??? And their Coach.."

Napatingin ang lahat kila Taguro at Parrot..

"Tss.. kayang kaya ko ring magkaron nyan.." mayabang na sabi pa ni Taguro na itinuro ang trophy ko. At saka kumindat at naglakad papunta sa stage!

Nakangiti naman akong pinanood sya papunta doon.

"Wooohh! Ako na naman!" natatawang sabi ni Coach na nagsalita sa mic. Tatangu-tango syang humarap sa apat na players nya at saka ngumiti! "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko mailabas yung saloobin ko kung gaano akong kaproud na kayo.. kayo.." turo nya pa sa mga players nya. "..ang naging players ko.. Nagpapasalamat ako hindi lang sa BIS, kundi pati na rin sa inyo.. dahil ako ang naging Coach nyo.. napakagandang experience nito para sakin dahil kahit wala akong kaalam alam sa billiards.. natuto ako ng dahil sa inyo.. Salamat ng napakarami dahil hindi man ako nag-expect---hindi nyo pa rin ako binigo.. Kaya naman.. Salamat sa inyo.. at Congratulations!" bati nya sa apat at saka nakipagkamay sa kanila.

Agad rin namang lumapit sila Lolo at Chairman sa kanila at nagspeech bago magbigay ng trophy.

"Oh.." mayabang ring iniabot sakin ni Taguro ang trophy nya.

"Binibigay mo ba sakin yan kasi ako rin ang nakapagpanalo sayo??" bulong ko sa kanya habang nakaakbay sa upuan nya.

"Tss.. ako ang nakapagpanalo sa sarili ko.. ikaw lang talaga ang motivation ko hehehehehe.."

"T-Talaga??"

"Tss.."

"Hahahahahaha.. angganda ng puhunan natin ah?"

Maya maya pa ay ibang players naman ng ibang sports ang tinatawag at binibigyan ng award sa stage.

Nung matapos ang program ay nagspeech lang saglit sila Lolo at Chairman at mabilis rin naman kaming pinauwi.. Nagpaalam naman ako kila Mommy and Daddy na nanood rin doon na aalis kami nila Taguro..

"Saan tayo??" tanong ni Tob kay Michiko.

"E-Ehh sila na lang ang tanongin mo.. hihihihihi.." sagot ni Michiko sa kanya.

"San tayo?! Ano?! Hahahahaha!!!" tanong samin ni Tob.

"Parang bet ko doon sa TB, teh.. hindi namin masyadong na-enjoy ang TB nung pumunta tayo don kasi gumawa ka ng sariling eksene mo e.." pang-aasar ni Migz kay Taguro na agad namang ngumiti sa kanya.

"Sige.. may restaurant naman yun e.." sagot ni Taguro sa kanya.

"Oh.. treat nyo kami ah?! Champion e!" biro pa ni BJ.

Sa kotse ko sumakay yung dalawang bakla.. Sa kotse naman ni Tob sumakay si Michiko. Si Lee ay solo sa sasakyan nya at ganon rin naman ako dahil sina Parrot at Taguro ay may dalang motor..

Nung marating namin ang TB bandang alas kwatro ng hapon ay sinalubong kaming agad nung mga tagapag-alaga ni Taguro na mga bakla.

MAX'S POV

The Barb.

"Oh my God, look who's here.." si Jep.

"My babies.. hahahahahaha!!!" si Barb. "Come on.. hug me!!!" sigaw nya pa na inilapat ang dalawang kamay nya sa ere.

"Tss.. gutom kami.." salubong ko pa sa kanya.

"Halika dito at yakapin mo ko! Namiss kita!" sigaw nya pa na niyakap ako. Nginitian ko naman sya. Lumapit rin agad sakin si Jep at yumakap. Gayun rin sila kay Naih.

Agad nila kaming inalalayan papasok sa Resto. Pinakilala namang muli ni Naih isa-isa silang lahat at saka naupo. Ako naman ay dumeretso sa line at gulat naman si Beka'ng makita ako.

"Aayyy!!! Dumating ang Reyna ng mga gangstah!! Baklang Boy! Nandito ang Maxpein!" sigaw nya pa sa kusina.

"Kumusta?" tanong ko pa sa kanya.

"Eto.. pawisang dukha pa rin ang mga bakla hahahah! Kumusta naman?! Nasa iisang bahay tayo pero hindi man lang tayo nagkikita!" sabi nya pa habang nagpupunas ng vase.

"Mmm.. kasi panggabi ka.. Sa umaga nasa bahay ka.. nasa school naman kami.."

"Alam ko! Malamang iskedyul ko yun! Baklang 'to! Hahahaha.." biro nya pa sakin. "Oh.. ano bang inyo!?"

"Sa----"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung biglang may lumapit mula sa likuran ko at umakbay!

Napatingala ako at nakita ko si Sensui'ng ngitingngiti habang nakatingin sa menu..

"Gutom na ako e... pwede na ba akong um-order Miss Beautiful??" nakangiting tanong nya pa kay Beka.

"Of course!" sigaw ni Beka. "What do you want to order, Mr. Right-for-me? Hahahaha!" biro pa ni Beka kay Sensui.

"Mmm.. what do you want to have?" tanong nya pa sakin.

"Kahit na ano.. yung mabubusog kaming lahat.." sabi ko na tumingin pa kay Beka.

"Parang hindi ka naman gutom, beks.." biro nya pa sakin. "Aba! Kayo ang pumili.. malay ko kung anong gusto nyo.."

"Wala akong mapili e.." sabi pa ni Sensui.

"Tingin ka dito kaliwa.." sabi ni Beka na itinuro ang left side nung menu.

"Mmm.. ayaw ko ng mga yan.." tanggi ni Sensui.

"Ayaw mo nyan?? Oh.. tingin ka dito sa kanan.." sabi pa ulit ni Beka na itinuro naman ang right side nung menu.

"Ayaw ko rin ng mga yan e.."

"Kung gayon.. ako ang iyong tignan.. baka sakaling iyong magus--tu--han.."

"H-Ha?? Hahahahahahaha!! S-Sige.. y-yung Set 4 na lang h-hehehehe.." pilit ang ngiting sabi ni Sensui sa kanya. "D-Don na ako, babe.." bulong pa nya sakin at saka bumalik sa mga kaibigan namin.

"Matatakutin yung jowa mo noh?"

Napalingon ako sa likuran at papalapit na sakin sina Barb, Jep at Naih. Muli silang yumakap sakin.

"Mmm.. Balita ko nag-Champion kayo.. Congrats!" si Jep.

"Siguro naman ngayon.. makakapagtrabaho na kayo ng ayos?? Aba! Kakaiba kayo ah! Aapply-apply kayo dito--ni hindi nyo mapanindigan! Hahahahaha!"

"Tss.. hindi ko naman kasi alam na mapapasubo ako sa sportsfest na 'to.." sagot ko.

"Pero naipanalo mo ano?? Tsk tsk.. Oh e kelan nga ang balik nyo dito bilang trabahadora ko!?" si Barb.

"Edi balik sa dating schedule.." sabat ni Naih.

"Wushuuuu.. o sige sige.. aasahan ko kayo sa byernes ah!"

"Oo! Hehehehe.."

"Oh.. jowa nyo na ba yung dalawang yun??" taas-kilay na tanong ni Barb at nginitian ko naman sya. "Ayoooon... aba kamakailan lang nung nagkakakanta si Papa Randall dyan sa Stage ng bar ko tapos ngayon.. tsk tsk.. iba talaga ang ganda mo, Maxpein!"

"Oh ikaw, Zarnaih??" banat naman ni Jep sa kanya.

"Hindi pa.. hahahahaha! Pero malapit ko na syang sagotin hahaha.."

"E ang tanong.. nililigawan ka naman ba?!"

"A-Ano ka ba! O-Oo naman noh!"

"Mmm.. mabuti na yung nakakasiguro't assuming ka pa naman.. hahahaha.."

"Hahahahahaha at nagtawanan kami.."

Nung maiserve ang in-order namin ay agad kaming lumapit sa mga kaibigan namin at sabay sabay na kaming kumain.. Marami na rin ang nagsidatingang customers unlike kanina na kami lang ang tao.. kaya naman naging abala na rin ang mga bakla sa trabaho..

"Di ba, Michiko.. may sinasabi ka samin noon kapag nag-Champion sila Tob???" biro ni Migz at gulat namang napatingin si Michiko sa kanya.

"H-Ha?? A-Ano yun??" si Michiko.

"Ayy?? Maang-maangan lang teh?! Hindi ba't may sinasabi ka samin noon??"

"Ano yun?" takang tanong ni Tob na ngumunguya pa. Napapangiting napatingin naman kami sa kanya kaya taka syang tumingin samin. "H-Hoy.. a-ano yang binabalak nyo sakin ha??? Hehehehehehe!!"

"Bakit hindi si Michiko ang tanongin mo?? Ng makuha mo ang matamis na sagot mo?? Hahahahahaha!!!" biro ni BJ.

"Hahahahahahaha!!!" nagtawanan kami kaya naman napangiti ng malaki si Tob at naiilang pang tumingin kay Michiko.

"M-Michiko oh.. inaasar na nila tayo.. Pwede mo bang sabihin sakin kung ano yun?? Hehehehehe.." si Tob.

"E-Ehhh ang daya daya nyo naman e! D-Dapat sikreto 'to e!" napapahiyang sabi naman ni Michiko.

"Hahahahahaha! Taray mo magsikreto teh ah! Nauna yung revelation!" si Migz.

"Bwahahahahahahahahahhahahaa!"

"Go na teh! Sabihin na sa Tob yan ng makaramdam naman ng pagka-MVP tulad ng Deib!!!" si BJ.

"E-Ehhh.. nakakainis kayo.. nahihiya nako eeehhh..." si Michiko.

"Ayy.. ngayon ka pa nahiya gaga! Hahaha! Go na!!" si Migz

"Ano ba yun, Michiko? Hehehehe.. Sabihin mo na sakin please??" si Tob.

"E-Eh kasi..." nahihiyang sabi pa ni Michiko na animong kinikiliti sa pagkakatagilid. "A-Ano kasi e..."

"A-Ano nga yun???" ngiting ngiting tanong ni Tob na inilalapit pa ang mukha sa kanya.

"S-Sabi ko kasi s-sa kanila.. s-sasagotin na kita kapag nag-Champion kayo e.." napapapikit na sabi ni Michiko at naglitawan naman ang nagkikintabang mga ngipin ni Tob sa sobrang pagkakangiti sa sinabing yun ni Michiko.

"Talaga??" malambing na tanong pa ni Tob kay Michiko na idinilat ang isang mata.

"O-Oo..."

"Edi girlfriend na kita??"

"O-Oo.."

"Yeeeeeeeeeeessss!!!!" malakas na sigaw ni Tob dahilan para lingunin kami nung ibang customers na nandoon kasama na rin ang mga baklang nakangiting pinagmasdan pa kami!

Napatayo si Tob at hinila si Michiko papayakap sa kanya!

"I love you, Michiko..." malambing na sabi ni Tob sa kanya habang ngiting ngiting nakayakap sa kanya.

"I love you too, Tob.. eeeeehhh yiiiiieee.."

"Yeheeeeeeeeeeeeyyyy!!!!" sigaw ni Naih na nagpapapalakpak sa tuwa.

"Uyyyy.. ang Zarnaih nagpaparinig!!!" pang-aasar ni Migz sa kanya.

"Hahahahahahahahah!!!" malakas na tawa namin sa masamang tinging iginanti ni Naih sa kanya.

"Tse!"

"Hahahahahahah.. kunyari ka pa.. If I know.. yung padikit dikit mong ganyan sa Lee ay pahiwatig na! E hindi naramdaman?? Kaya more tayo and sigaw ng yehey ka para mas mapansin! Sooooosss.. yung mga ganyan style, teh.. knows na knows ko yan!" si Migz.

"Hahahhahahahahahahaha!!" malakas na tawanan ulit namin.

"I love you, Michiko.." pag-uulit ni Tob.

"I love you too, Tob.. yiiieee!"

"Hahahahhahaha! Grabe.. tsk.. Sagot ko na 'to!!!" masayang biro pa ni Tob na muling iniupo si Michiko kasabay nya at nagsimula muling kumain.

"Congrats dre!" nakangiting bati ni Lee kay Tob.

"Congrats, dre.." nakangiti ring bati ni Sensui kay Tob.

"Hahahahah pucha.. walang panama yung mga trophy nyo hahahahahaha!! Iba 'tong pagkapanalo ko dito! Wooohh ang sarap ng feeling hahahahahaha!!!" sigaw pa ni Tob at saka muling tumingin kay Michiko. "S-Salamat.. salamat kasi.. minahal mo muna ako bago mo ako sagotin.. salamat.."

"Yiiiieee ang sweet mo talaga.." nakangiting sabi pa ni Michiko na kunwaring tinapik pa sa balikat si Tob.

"Simula nung makilala kita, Michiko.. don ko narealized na.. hindi kailangang maging perpekto ng isang tao para malaman mong sya ang kailangan mo.."

"Yiiiiieeeeee... I love you..."

"I love you, too baby.."

At muling nagyakap sila..

Mula sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang nakapangalumbaba at parang batang tuwang tuwa sa pinapanood si Sensui..

Bading talaga..

Ngiting ngiti rin sya habang pinapanood sina Michiko at Tob na akala mo ay hinihiling na sana ay ganon rin sya..

Sumandal naman ako sa upuan ko at..

Napatingin ako sa ilalim ng mesa nung biglang hawakan nya ang kamay ko..

Dahan dahan akong napatingin sa kanya at nagtama ang paningin namin..

"Oh kayo dyan?? Kelan ba kayo aamin, ha?!" biglang biro samin ni BJ kaya naman sabay kami ni Sensui na napalingon sa kanila.

"Hahahahahahahahha!"

"A-Ahh hahahahaha.." biglang sabi ni Deib na pinipisil pisil ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Nililingon lingon nya pa ako na animong hinihintay na ako ang sumagot..

"Kayo na ba?!" si Migz.

"Uyyyyyy!!!!!" pang-aasar ni Michiko.

"Hoy teh! Magsabi ka! Kayo na noh!?" si BJ.

Sina Lee, Naih at Tob naman ay nakangiting nag-aabang lang ng isasagot namin.

Tumingin pa muna ako kay Sensui at hindi na maipinta ang mukha nya sa sobrang pagkakangiti..

Mukha pa naman syang clown kapag sumusobra ang ngiti nya..

"Hoy, Maxpein Zin del Valle! Umamin ka na!" sigaw pa ni Migz.

"Oo.."

"Kyaaaaaaaaaaa!" si Michiko.

"Waaaaaaaaaaa!" si BJ.

"OMG!!!!!!!!!" si Migz.

"Hahahahaha.." tawa nila Lee, Tob at Naih.

"Nakakaloka! Hindi nga?!" si Migz.

"Tss.. tatanong tanong ka e.. tapos hindi ka maniniwala?"

"Bakla ka! Hindi ko naman kasi ineexpect na sasagotin mo nga hahahaha! Echuserang 'to! Kaya pala ganon na lang maka-speech si Deib kanina! Alam mo bang noon e, thank you lang speech nyan!? Jusko.. kanina e nalusaw na sa init yung trophy nung ibang players e nagsasalita pa rin sya! My Gooood! I'm so happy for you bakla!!!" sabi pa ni Migz na tumayo at yumakap sakin. "I'm so happy for you, Deib.. I'm happy for both of you.."

"Hehehehe.. salamat.." sabi ni Sensui na inilabas mula sa ilalim ng mesa ang mga kamay naming magkahawak pa!

At saka nya inilapit yun sa kanya at hinalikan ang kamay ko!

"Yiiiieee ang sweet.." si Michiko. "Bagay kayo..."

"Oh.. sila Lee at Naih na lang!" pang-aasar na naman ni Tob.

"H-Hoy.. wag.. a-ano ka ba.." suway ni Naih sa kanya.

"Ayyy hahahaha! Makaarte ka teh akala mo naman pinipilit ka na! Hahahahahahaha!" si Migz.

"Tse!"

"Hahahahahahaha.."

"Zarnaih.." nakangiting tawag ni Lee sa kanya.

Agad naman nagkandalunok lunok si Naih bago makatingin sa kanya!

"A-Ano y-yun??" uutal utal pang tanong ni Naih kay Lee.

"Uyyyy.. umaasa!! Hahahahahaha!!!" pang-aasar ni BJ kay Naih.

"Hahahahahahhahahahahaha!!!"

Nakangiting nakatitig lang si Lee kay Naih.

"Naiinggit ako sa kanila.." nakangiting sabi pa ni Lee.

"Kyaaaaaaaaaa!!!" tili naman nila Michiko, BJ at Migz.

"H-Ha??" si Naih.

"I said.. naiinggit ako sa kanila.." ulit ni Lee.

"A-Anong gusto mong g-gawin ko??"

"Make me happy.." nakangitin pa ring sagot ni Lee. Lahat naman kami ay nakangiti ring nanood lang sa kanila at hindi gumawa ng alinman ingay.

"H-Ha??"

"I said.. make me happy.."

"P-Pano??"

"Be mine.."

"H-Ha??"

"I'm tired of repeating my lines, Zarnaih.." napapabuntong-hininga pa kunwaring sabi ni Lee munit bigla ring ngingiti.

"E-Eh kasi.."

"I'm waiting.. Zarnaih.."

"P-Pero.. P-Pano ba kasi?!"

"Huh??"

"H-How can I make you h-happy??"

"I'm in charge of how I feel.. so I'm choosing happiness.. You're my happiness.. so please be mine.. Then I'll be happy.." sabi ni Lee at gulat namang napatining si Naih sa kanya.

"H-Ha???"

"Tsh! Do I really have to translate it in Tagalog now??"

"N-No.. No! Hahahahahahaha! Y-Yes! Yes! Yes!"

"Yes.. what?"

"I-I'll be yours.. H-Hehe!"

Napapikit ako sa mga nakikita at naririnig ko..

Hindi ko malaman kung matatawa o mababaduyan ba ako sa mga naririnig ko..

Hindi ako mahilig makinig sa love story ng iba..

Dahil naman ako kiliging tulad nila..

Tumingin ako kay Sensui na parang babae pa ring kinikilig para sa kanila.. Matagal pa syang nakangiting pinapanood sila bago tuluyang tumingin sakin at muling kuminang ang mga mata nya..

Napangiti rin ako habang namamangha sa bawat anggulo ng gwapo'ng mukha nya..

"*I LOVE YOU*..."

Iniusal nya ang mga salitang yung ng walang boses!

Pero basang basa ko mula sa labi nya!

Parang huminto ang paghinga ko!

Continue Reading

You'll Also Like

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.1K 60 6
Outbreak Series #1 tvcn, 013024 | claudenella, 2024.
762K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.3M 45.3K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...