The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Walo

43.1K 914 27
By thesuchness

Noong Lunes ay maaga akong pumasok. Si Lucy nanaman ang aking katabi habang nag-iintay kami ng padating ng prof.

"Bagay sa'yo 'yang headband mo," puna ko sa kaniyang telang supil.

"Ha?"

Tumitingkad ang dalawang linya ng blue sa buhok nitong light brown tapos ay makinis pa si Lucy. Nagkibit-balikat ako, "boho."

"Ano? Boho?" Kumunot ang noo ni Lucy habang nagsusulat ng notes.

Humagalpak ako at tinakpan ang bibig. Kinawit ko ang buhok na kailanman ay hindi ko naglalagyan ng style bukod sa pag-pony nito kapag shift ko sa bistro. Wala naman kasi akong time para mag-ayos. Busy ako.

"Anong boho?" Nakakunot pa rin ang noo ni Lucy.

"Bobo!" sigaw ng kaklase namin sa gilid. Humagalpak ako sa katatawa.

"Oh, what the shit? Inaano kitang malandi ka? Malandi!" sigaw ni Lucy pabalik.

Sumisingkit ang mga mata ko dahil sa malakas na hagalpak. Sinukbit ko ang dalawang kamay sa welt pocket.

Habang nag-iintay ay maraming chinichismis sa akin si Lucy. Katulad na lamang noong pre-game ng Agriculture at Accounting para sa nalalapit na Intramurals. Nang maalala ito ay huminga akong maluwag. Isang linggong pahinga rin sa wakas!

"Hindi ba't nangungulit sa'yo si Eamonn? Eamonn...Alcantara?"  Kinagat nito ang labi at namula ang pisngi.

"Kaibigan ko lang siya. Pero, oo, Alcantara nga. Bakit?" Tinaasan ko ng kilay si Lucy.

"Noong pre-grame, naku! Sinigaw daw 'yung pangalan mo bago maka-score. 'Yung huling seconds na? Kaya nanalo 'yung Accounting!"

Nang wala akong reaksyon ay binungangaan ako nito.

"Gusto mo bang mag-cartwheel ako? Ha Lucy?" sabi ko.

Na-iimagine ko ang sariling nagka-cartwheel habang naka-uniform. Humagikgik ako. Naiisip ko rin ang kalokohang nagawa ko kagabi, lalo na ang mga kawawang roses na nakakalat sa kalsada. Nawala ang aking mga ngiti. Napanguso na lamang ako.

"I heard the news, Chrissy. Panalo daw ang Accounting thanks to you." Lumapit bigla ang ka-block kong si Marion. 

Binaba ko ang binabasang notes, "look, Marion, wala akong kinalaman d'yan. 'Wag mo 'kong titigan, okay?"

"Fine," kumanta si Marion at sumayaw pa pabalik sa armchair nito.

Saglit kong tinitigan ang kulay violet na buhok ni Marion. Hindi naman ito barkada nina Clarisse at Kristal. Random classmate lang. Nagkibit-balikat ako.

"Sabi ko sa'yo, 'di ba, Chrissy? Baka tantanan ka na nila Clarisse kasi may Eamonn ka na," walang prenong drama ni Lucy.

Kumalabit sa tenga ko ito. Oh, kung may Eamonn ako ay wala na ang Jerard? Pinapatawa yata ulit ako Lucy.

Dumaloy ang oras. Madalas akong mag-take down notes. Kailangan ay prepared ako sa midterms. Malapit na ang midterms. Tuwing naiisip ko iyon ay gusto ko na lamang umungol. Wala nanamang tulugan sa shift, wala ring tulugan sa pag-aaral. Sa taon-taon kong ginagawa ito ay hindi man lang ako masanay-sanay.

"One fifty muna ang contri natin...sa ngayon, para sa mga gastusin," tango ni Zelda sa aming lahat.

"One fifty?" Napakamot ako sa ulo habang nakatingin sa aming leader. Sa isang subject ay wala nang exam ngunit may project naman kami sa aming prof na sariling model ng human anatomy. Hindi man magpupuyat ay butas naman ang bulsa!

"Bakit, Chrissy? Mataas ba masyado?" Napakamot na rin sa ulo si Zelda.

"O, sige, sige. Pwede na siguro 'yan," iling ko.

Masyadong malaki ang halagang one hundred fifty. Fifty pesos nga lang nagagastos ko araw-araw bilang pabaon! Napailing ako. Kanina lang ay nangolekta nanaman ang aming bwisit na treasurer para sa nalalapit na mga events. Banners, flags at mga silbato. Nakakapanghinayang!

Matapos pumayag sa anak ng pating na contribution ay binalikan ko si Lucy sa canteen. Mukhang hindi ito nag-iisa.

"Ito na pala si Chrissy! Napakatagal talaga," sabi niya sa lalaking katapat. Naka-jersery itong itim at puti ang pagkakasulat ng 'Alcantara 02'. Kusang umabante ang panga ko sa numero.

"Oh! Hi, Chrissy..." Humarap si Eamonn.

"Hello..."

"Bye, Eamonn. Bye, Chrissy! See you tomorrow! Hmmm! Kapag 'yan napahamak, bubuntalin ko angkan mo, Eamonn," akbay ni Lucy sa'kin.

Humalakhak si Eamonn. Dramatic ang pag-sway ng buhok nito. Pwede siya sa commercial ng shampoo o kaya ay toothpaste, toothbrush, o baka pwede na rin sa pabango dahil naaamoy ko na rin malinis sa ilong niyang cologne.

"Don't worry, Lucy. Chrissy's safe with me," kumislap ang mga mata ni Eamonn.

Hinarap ko lang ang mukha nitong parang palaging nakangiti. Nakangiti pa rin ito at nai-stretch ang labi sa mala anghel na paraan. Sinigaw nito ang pangalan ko, huh? Baka hindi naman totoo. Ayokong maulit nanaman iyong nangyari sa roses...na...na hindi naman pala ako ang taong pinagbigyan ay tuwang-tuwa ko pang inako. Baka maulit nanaman.

Nakaalis na si Lucy. Naging tamad ang ngiti ni Eamonn sa akin. Bumaba ang kaniyang mga kilay at binasa ang labi. Sure ako na galing lang ito sa practice dahil sukbit pa ang gym sack, at may bimpo pa sa leeg. Pulang-pula ang mukha nito at basa ang buhok dahil bagong paligo.

"May problema ba, Eamonn? Gusto mo akong kausapin?" sabi ko agad.

Tumaas ang dalawang kilay ni Eamonn at nalaglag ang panga. Kumurap ito. "W...what?"

"Sabi ko...may sasabihin ka ba, Eamonn? May trabaho...uhh... trabaho pa kasi ako. Alam mo na...working student..." Sinubukan kong maging magaan. Ayaw ko naman itong abalahin at ayaw ko rin syempreng maabala. Hindi sa abala si Eamonn, well, ah basta!

Natauhan si Eamonn. Sumimangot ito ngunit napalitan muli ng ngiti pero hindi gano'n kalaki kanina. "Gano'n ba, Chrissy? Sayang naman. I don't know, ihatid na lang kita?"

"Bakit...Eamonn? May...pupuntahan ba dapat...tayo?"

"Yeah. If its okay with you? Yayayain sana kitang mag...uhh...early dinner? Dinner lang naman." Mukhang constipated ito sa kaniyang ngiti. Mukhang anghel at hindi makakabasag pinggan. Sumakit ang puso ko sa maaari kong sasabihin.

"Ganoon ba..." Namuo na ang guilt sa akin. Pero, hindi ko naman pwedeng iwan ang trabaho ko. "Naku...Eamonn...sorry talaga. P-Pasensiya ka na! May trabaho talaga ako..." sabi ko dahil totoo akong may shift pa mamaya, at kung sakali mang pumayag ako sa gusto ni Eamonn ay mahihiya lamang ako dahil siya ang magbabayad ng pamasahe namin kung ihahatid niya ako.

"O-Ohhh. O-Okay! How about...merienda? Yup! Merienda na lang. Please...?" pakiusap nito.

Napanguso ako. Sinulyapan ko ang mga ibon sa langit at pinakinggan ang kumakanta sa university canteen. Nagkibit-balikat ako. "Okay."


Nakaparada raw sa maingate ang kotse ni Eamonn. Niyaya ako nitong maglakad para sa daan kami kakain. Masaya siyang kumakain ng prinisintang scramble at fishball.

"So, working student ka pala?" aniya.

Tumango ako. Nilaro-laro ko lang mga rainbow na sprinkles sa scramble.

"Hey, its a good thing. Right, Chrissy? Independent ka na. You can perfectly manage by yourself."

"Maganda ba 'yon?"

Tumango sa akin si Eamonn. "I really think so, yes. 'Di ba? These people in our lives, they won't be there for forever. We need to learn things on our own, I guess."


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Panay ang kwento ni Eamonn habang ako ay tinatanaw ang estatwa na simbolo ng aming school. Tanaw ko na ang main gate.


"Minsan, kailangan din natin ng taong gagabay bago sila umalis. Hindi 'yung mag-isa mo lang talaga kasi malungkot," sabi ko.

"Oo naman, Chrissy. Its always better to have somebody than being alone and all by yourself. Its always better having someone..." Pinakatitigan ako ni Eamonn.


Ngumiti lamang akong tipid ito. 

May pader naman ang lahat ng tao ngunit sapat na ito. Wala naman akong galit sa sarili at mundo. Ganoon lamang ako talaga - nag-iingat lang. Nasa likod lang ako ng aking mga pader, naghahasa ng mga sandata at sa magandang parte ng mundo tumatanaw.


Nakarating na kaming gate. Sa labasan nito ay mayroong grupo ng mga estudyante. Base sa kaniyang lanyard ay napag-alaman kong Engineering sila. Umasim kaagad ang aking mukha.

"Hi, Chrissy!" Hinarang ako ni Karlo.

Kumaway lamang ako kay Karlo na kumpol ng barkada at babae.

"Hi...Chrissy..." Sa gilid, namulsa si Jerard habang maigi akong pinagmamasdan. Kuminang ang stud nito sa kaliwang tainga. 

Naglipat ang kaniyang tingin kay Eamonn sa tabi ko. Dumilim ang mukha ni Jerard at pagkatapos ay minata ang kaliwa't kanan nito. Umigting ang kaniyang panga.

Tumango lamang ako kay Jerard. Hindi ko man lang nasabi ang kaniyan pangalan.

"Chrissy? Cristina Cajucom of Nursing?The Chrissy? Uh-oh! Dude!" sigaw ng barkada nina Jerard.

May tanong sa mga mata ni Eamonn nang bumaba ang tingin sa'kin.

 "Nice, Jerard. Real nice, man..."

"Stop fucking ogling her, Jim! Tsk!"

Mas binilisan ko na kaagad ang lakad. Mabuti naman at sumunod si Eamonn. Tumanaw na ako ng xlt sa kabilang kalsada ngunit umiling si Eamonn.


"No way, Chrissy. Sabi ko kay Lucy ay ihahatid kita kaya ihahatid kita. Look, if those freaks bothered you again, I can---"


"Eamonn! Walang nangyari, okay? Salamat sa merienda, uuwi na 'ko."

Pinagdikit nito ang mga labi at dahan-dahang tumango. Tumango na rin ako at umakyat ng overpass.

Nakalubog na ang araw nang ako ay makauwi ng apartment. Medyo distracted ako dahil sa nangyari. Napahilamos na lamang ako ng mukha at nagpalit na ng uniporme para sa shift.

"Hi, Chrissy!", masiglang bati ni Janina sa reception.

"Hi..." tamad kong bati. Buti at hindi ito tulog?

Dimmed lahat ang malalaking ilaw. Tumataginting ang pula at asul na aming lighting. Sa background ay kumakanta ang naka-set na band para ngayong gabi. Occupied halos lahat ng tables ng mga estudyante, businessman at mga couple o pamilya. 

"Oh, Chrissy? Ngayon ka lang?", bungad ni Mirna sa counter.

Hindi ko sinagot si Mirna at tumuloy lang sa paglalakad. 

Dumiretso ako sa maingay na kitchen. Nagkikiskisan ang metal sa metal, nadinig ko ang sinisilabang mga pagkain. Abala si Lito, isang chef, sa paggawa siguro ng pesto.


"Okay ka lang, Chrissy?" ani Ivan.

"Ayos lang..." Ngumiti akong tipid dito.

Tumango si Ivan. Narinig ko ang pagbukas ng traffic door ng kitchen sa aking likuran. Bumaba ang aking mga balikat. Yumuko na lang ako.

"Uhhh..." Tumagilid ang labi ni Ivan at bumalik sa pagmo-mop. Mas naging abala ang kitchen pero mas organized at tahimik na.

"Sir Ram..." bati ko rito at unti-unti itong nilingon.

Naroon siya sa aking likod at suot nanaman ang kaniyang mga pormal at mamahaling damit. Binabaan lamang niya ang ng tingin.

 Naglakad na ito sa bawat istasyon ng mga cook at ininspekto isa-isa ang kanilang gawain. Nakakagulat dahil kaya naman pala nilang maging maayos at mabilis. Pagkatapos sa kaniyang round ay tumungo ito sa aking harapan.

Ngayong nakatayo ito sa aking harapan, sobrang panliliit ang nararamdaman ko. Siguro ay six footer ito. Hirap ko itong tiningala habang siya ay nakababa lamang ang tingin sa akin, ang iritasyon ay nakasulat sa kaniyang mga mata.


"You are one and a half hour late, miss. Should I make myself more clearer that I don't tolerate tardiness? Ayaw...ko...sa...tamad..." Suminghal si Sir Ram. Naramdaman ko kaagad ang kaniyang hininga sa ituktok ng aking ulo. 

Pumikit akong mariin. Pinagtitinginan na siguro ako ng aking mga kasamahan!


"Pasensiya na po, Sir Ram. Na-traffic lang po---"


"Do I look like I care? Ano pang ginagawa mo rito? Go! Make yourself busy and stop making yourself look stupid. Employee ka ba talaga rito, ija?" 


Nanginig ang mga labi ko. Napatalon ako nakasigaw niyang boses at sa madilim na ekspresyon.

Kahit kailan, hindi pa ako nasesermonan ng ganyan ni Joel. Nakikita niya na nagtatrabaho ako ng maigi at kapag late ay alam niyang sa school lang ako galing! Bumugso ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko mula sa mga emosyong kanina ko pa kinakalsuhan. 

Tumahimik ang buong kitchen. Nawalan ng galaw doon dahil nakatingin silang lahat sa akin. Kinagat ko ang labi upang pigilin ang nakakainis na mga luha.

"What the hell are you all waiting for? Tapos na ang panonuod. Back to work!" kumukulog na sigaw ni Sir Ram sa buong kitchen.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 826 38
Cara Mallari, a high school student who prefers to spend her time alone at the library. Her miserable life has no effect on her positive outlook on t...
627K 11.7K 53
Para kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman...
6.2K 306 46
Astraea Felisse Galve, the rebellious girl of Manila will transfer to Esmeris National Highschool, a troublemaker, a teacher's enemy at higit sa laha...
4.2K 310 43
[COMPLETED] After the death of her parents, Scarlett Natasha Romero or Sha sha seems to have died as well with all the pain and hatred she feels. Wal...