[Book 1] Warning: Bawal Ma-fa...

By marielicious

14.4M 502K 147K

AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion Madrigal (Wayne's younger... More

Warning: Bawal Ma-fall [Prologue]
1. Anime
2. Pula
3. Party
4. Reminiscing
5. Red and Blonde
6. Red Hair No More
7. Friend Requests
8. Guilty
9. Sad Smile
10. Now Hiring
11. G-tec
12. Fall For You
13. Volunteer
14. Manly
15. Warning
16. Formal Introduction
17. Just Dance
18. First Session
19. Kakaiba
20. Falling
21. Bati Na Tayo
22. Commute
23. Spur Of The Moment
24. Confusion
25. Charot
26. Jealous-type
27. Change
28. Own Intentions
29. May Gusto Ka Ba?
30.1 Outbound Tour
30.2 Outbound Tour
30.3 Outbound Tour
30.4 Outbound Tour
31. What Was That?
32. Badtrip
33. Manhid
34. Oh my gosh
35. Straight
36. Suitors
37. Fall
38. Dad's Permission
39. Nakakainis
40. Move On
41. 1-1
42. Oo
43. Wide Awake
44. Decision
45. A Date To Remember
46. Urgent
47. Adventure
49. No Wonder
50. 17th Birthday
Epilogue
Special Chapter

48. Tama Na

167K 6.4K 1.2K
By marielicious

#WBMF
Last 3 updates before we bid goodbye. :)

Chapter 48

Tila nagising ako nang maramdaman kong may palad na humaplos sa likod ko. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko na sumandal sa balikat ni Zion at du'n ay bumagsak na naman ang mga luha mula sa mata ko.

"Everything's going to be alright, Misty. Magpahinga ka na. Sasamahan kita."

Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na halos nahihirapan na akong huminga. "Zion, what if malubha yung sakit ni Daddy? Hindi ko kakayanin. Kaming dalawa lang pa naman ang nandito sa Pinas. Wala si Mommy. Wala si Kuya—"

"Sshh..." He silenced me bu placing his thumb across the thin line of my lips. "'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Ano bang sabi ng doktor sa'yo?"

Ngumuso ako at inalala ang mga sinasabi sa akin ng doktor kanina nang pahangos-hangos kaming dumating dito sa Jimenez General Hospital. Nakaka-frustrate lang kasi hindi ko ma-gets yung sinabi ng doktor na nakausap ko kanina. Ang haba ng paliwanag but in the end, he said that Dad is now recovering.

"Sabi niya may recovering na raw si Dad. Basta ang alam ko... ang alam ko..." Hindi ko masabi. Hindi ko kasi sigurado kung tama ba yung narinig ko kanina. "Heart failure daw. Kay mommy niya nalang daw ipapaliwanag."

"Oh? Natawagan mo na ba ang mommy mo?"

Dahan-dahan akong tumango. Tinawagan ko siya kanina pero ang secretary lang nito ang sumagot sa tawag ko. I tried to call Kuya Kurt also but the line was busy. 'Yan ang dahilan kung ba't sobrang bothered ako ngayon.

"'Yun naman pala e," he caressed my back again in a comforting motion. "Uuwi na 'yun panigurado dito. Ang mabuti pa ay umuwi ka muna at nang makapagpahinga ka na. I know you're tired, I am too. Tara, iuuwi na kita."

Tumayo siya. Hindi ako kumilos. Sinapo ko lang ang mukha sa aking palad at hindi na umimik.

"Ganito talaga siguro kapag sobrang saya mo, 'no? May kapalit na kalungkutan."

Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga niya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko at ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

"Misty, your Dad's not going to be happy if you'd stay here and be in your silent resentment overnight."

Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, pagod na pagod na pagod na ako galing sa mahabang araw na ito pero hindi ko magawang magpahinga dahil hindi ko maipikit ang mga mata ko.

"Umuwi ka na, Zion. I'm fine here. Sasamahan ko si Daddy."

He let out another deep sigh again before he took my hand in his. Dahil dun ay tinignan ko siya. "Hindi nalang ako uuwi. Sasamahan nalang kita. Du'n na tayo sa kwarto ng Daddy mo."

Inalalayan niya ako papunta sa kwarto ng Dad ko. Parang kinurot ang puso ko nang makita ang kundisyon ni Daddy. Hindi ako sanay na makita siyang nakahiga sa isang hospital bed na maraming apparatus na nakakabit sa kanya. I am used to my Dad being a strong and energetic man.

Tumulo na naman tuloy ang mga luha sa mga mata ko. "Misty..." alo sa akin ni Zion. Humila siya ng upuan at pinaupo ako sa gilid ng kama ni Daddy.

"Naaawa ako sa itsura ni Daddy e. Bakit maraming nakakabit sa kanya?" Nagdulot yun sa akin ng matinding kaba. Naalala ko kasi si Kuya Kurt nang ma-comatose ito ng ilang buwan. Marami ring nakakabit sa kanyang aparato gaya nito.

"It's for his own good."

Huminga ako ng malalim at ibinagsak ang ulo ko sa kama. Tinitigan ko si Daddy at naghari na naman ang katahimikan. Nasabag lang ito nang marinig kong nag-ring ang phone ni Zion.

"Yes, Ma. . . Nasa ospital po ako. . . Don't worry, hindi ako. Si Tito Lucas po. . . Yeah, I'm not going home. I'll stay with Misty. Wala siyang kasama. . . Okay, thanks. Mom. . ."

Pagkatapos nun ay nilingon ko si Zion nang hindi pa rin inaalis ang ulo ko sa kama.

"Si Mama, tumawag."

I looked to him worriedly. "You can go home. Kaya ko naman mag-isa dito e."

Mariin siyang umiling bago humila ng upuan at tumabi sa akin. "Dito lang ako. Hindi kita iiwan."

I stared at him, and I felt my heart beating faster. "Sure ka?"

"Oo naman. Ngayon pa ba kita iiwan kung kailan kailangan mo ng masasandalan?"

Despite the worries, I still managed to smile anyway. "Thank you, Zion. . ." With him, I feel safe and protected.

"O sige na. Tulog ka na. Hindi ako aalis..."

And with that, I fell into a deep slumber soon after I closed my eyes.

***

The next day, I tossed my head back because I felt a bit uncomfortable. Malambot naman ang hinihigaan ko pero bakit kakaiba? Kumilos pa ako pero nabigla ako nang bumagsak ako sa malamig na sahig. My eyes blinked and opened, slowly focusin on the white ceiling. Naalarma ako dahil puti ang kisameng nakikita ko. Hindi puti ang kisame sa kwarto ko kundi beige. Nasaan ako?

And then, I remembered what happened last night. Nasa ospital nga pala ako! Tumingin agad ako sa direksyon ng kama ni Daddy, and there, I saw him. His solemn gaze roved over my face. He seems weak, and his eyes are dull.

"Daddy!" I got up and ran into him. Niyakap ko siya at narinig ko ang tawa niyang parang nanggaling sa kailailaliman ng katawan niya. "I hate you! Bakit hindi mo sinabing may sakit ka palang iniinda?"

He just laughed his heart out like what he normally does. "I'm good. Ano ba... Over-fatigue lang."

I frowned, my gaze at him an unspoken question.

"Oo nga. Over-fatigue lang. Hindi ba sinabi sa'yo ng doktor kagabi?"

Ngumuso ako, still inconvinced. "Pero sabi niya po, heart failure."

He laughed and I don't know why I didn't feel any humor in it. "Over-fatigue nga. Baka nagkamali lang si Doc. Anyway, don't worry about me. I'm all good."

I frowned, still perplexed. "Are you sure?" Hindi ako convinced. Why would that Doctor tell me that he's got a heart failure when the truth's not? Ano yun, nagkamali lang? I breathed out in relief. Sana nga nagkamali lang talaga siya or else, I wouldn't know what to do.

"Yes, I am. Katawan ko 'to, Misty. Bagets pa ako," he joked and I couldn't help but laughed along. He studied my look and he instantly frowned. "Wait. Hindi ka pa ba umuuwi sa bahay? Why are you still wearing your uniform?"

Hindi ako sumagot. Napakamot nalang ako gulo-gulo kong buhok. And then, Zion flashed into my mind. Oo nga pala. Where is he?

"Si Zion po?"

And as if on cue, bumukas ang pinto. Pumasok si Zion na may dala-dalang pagkain. Lihim tuloy akong napangiti. Hindi nga talaga siya umuwi para samahan ako dito.

"Ayan na pala ang hinahanap mo e."

Sumimangot ako sa sinabi ni Dad kasabay nun ay ang pag-init ng mukha ko. Ewan ko ba pero conscious kong inayos ang sarili ko.

"Hindi ko po siya hinahanap 'no!"

Dad just laughed at my remark. Baka lumaki pa ang ulo ni Zion. Though, I am really thankful for having him by my side overnight.

"Hmm, good morning everyone. Tamang-tama, gising na pala si Misty." Nilingon ko si Zion pagkasabi niya nu'n. A slow smile worked its way across his face and into his eyes. And from that moment, I know that he's up for something.

Hindi siya umaalis sa pinto. Sa katunayan, nakahawak lang siya sa door knob nito. "Anong meron?" I asked cluelessly.

He did not answer but instead, he wrapped his hand around the doorknob, and pushed the door open. Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang taong nasa labas nito.

"MOMMY!" I cried in joy as I ran into her to give her a tight hug. "I miss you!"

I felt her hug me back as tight as I did. Nakita ko rin ang matamis na ngiti ni Zion habang nakatingin sa amin.

"I miss you too, Misty. How's your dad?"

Awtomatikong nilingon ko si Dad. He was all smiles as though he hasn't been sick. "Nagsakit-sakitan lang talaga ako para makauwi ka, Hon." I knew it was a joke but geez, I'm still my Mom's finally here. Nasaan kaya si Kuya Kurt?

***

Dad insisted me to go home and get some rest. Nilaglag kasi ako ni Zion na hindi raw ako nakatulog ng maayos kagabi sa ospital. Sinesenyasan ko na nga siya to shut him up pero wala e. Hindi ko siya masisisi. Actually, super bangag ako ngayon. Nahihilo pa nga ako dahil medyo hindi ako nakatulog ng maayos.

Hinatid ako ni Zion sa bahay para makabawi na ng tulog pero ewan ko ba kung bakit hindi ako mapakali at mas pinili ko nalang na pagkatapos maligo ay pumasok sa E.H.U. Pangalawang araw palang ng second semester tapos aabsent na ako? No way. Sayang ang attendance.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa College of Business nang maramdaman ko ang pagguhit ng kirot sa sentido ko. Napakurap ako dahil sa sakit. Sheez, bigla tuloy akong nahilo. Pagmulat ko, parang umiikot ang paligid ko. Mabuti nalang ay may natanaw akong malapit na upuan kaya naglakad ako palapit du'n pero. . .

"Misty!" Bigla akong bumagsak. Hindi. Hindi sa lupa kundi sa taong sumalo sa akin. Pagtingin ko sa mukha nito ay natigilan ako. "Ayos ka lang ba?" Si Tyrone.

Ngumiti ako ng pilit at saka ako tumayo ng tuwid, sapo-sapo pa rin ang ulo ko. "Oo, ayos lang. Nahilo lang ako. Puyat e. Sige na, Tyrone. Una na ako sa klase ko."

"Ihahatid na kita."

"Uh... Sige."

Patuloy pa ring gumuguhit ang kirot sa sentido ko kaya naman ay pasimple akong napapapikit. "Hindi ka ayos, Misty. Tara, dadalhin kita sa clinic."

"Tyrone— AH!" Nabigla ako nang buhatin niya ako sa mga braso niya. Gusto ko mang promotesta pero nangibabaw sa akin ang pagkahilo.

DINALA ako ni Tyrone sa clinic gaya ng sabi niya. He laid me on the cot and covered me up with a blanket. Humingi siya ng gamot at ointment sa nurse at nag-volunteer na bibigyan niya ako ng head massage.

"Makakabuti 'to para mawala ang sakit ng ulo mo," sabi niya habang nilalagyan niya ng ointment and sentido ko.

"Tyrone, salamat. Ayos na ako dito. Baka mahuli ka pa sa klase mo."

Nakafocus lang siya sa pagmamasahe ng sentido ako. "Dinismiss na kami ng maaga ng prof. Ano bang nangyari? Bakit napuyat ka?"

I sighed deeply. "Galing kasi ako sa byahe kahapon tapos ayun, napuyat na rin."

"Kumain ka na ba? Baka nagpalipas ka ng gutom."

Hindi ko alam pero imbes na sagutin ang tanong niya ay ibang salita ang lumabas sa bibig ko. "Tyrone, tama na. . ."

Natigilan siya sa pagmamasahe at pinakatitigan ako sa aking mga mata. "Bakit? Masakit ba ang pagmasahe ko? Sorry, dadahan-dahanin ko ba?"

"Hindi, Tyrone. Mabuti pa siguro kung tigilan mo na ang panliligaw sa akin."

Bumagsak ang palad niya sa kama dahil sa sinabi ko. He stared at me in mute silence. "B...bakit? Tungkol ba 'to kay Reishel, Misty?"

Hindi ako sumagot. Umiwas lang ako ng tingin at pinaglaruan ang sarili kong mga daliri. My heart was heavy I couldn't take it.

"Misty, ikaw na yung gusto ko. Wala na siyang magagawa kung ikaw na talaga. Kinausap ko na siya. Siguro hindi niya pa tanggap ngayon. At wala naman siyang ibang choice kundi tanggapin nalang at irespeto ang nararamdaman ko dahil hindi ko na pwedeng ipilit pa sa kanya."

He reached for my trembling hand, drew it toward him, and gave in a kiss.

"Hindi ako titigil sa panliligaw sayo. Naumpisahan ko na, at kung may tatapos man nito, ako yun." He said in a tenderly sad voice. "Bakit naman ako magpapakatanga sa kanya kung alam ko naman talagang ikaw na at hindi siya?"





Continue Reading

You'll Also Like

16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
42.9M 843K 83
"Break na 'yan sa Sabado!"
1.2M 54.1K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...