[Book 1] Warning: Bawal Ma-fa...

By marielicious

14.4M 502K 147K

AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion Madrigal (Wayne's younger... More

Warning: Bawal Ma-fall [Prologue]
1. Anime
2. Pula
3. Party
4. Reminiscing
5. Red and Blonde
6. Red Hair No More
7. Friend Requests
8. Guilty
9. Sad Smile
10. Now Hiring
11. G-tec
12. Fall For You
13. Volunteer
14. Manly
15. Warning
16. Formal Introduction
17. Just Dance
18. First Session
19. Kakaiba
20. Falling
21. Bati Na Tayo
22. Commute
23. Spur Of The Moment
24. Confusion
25. Charot
26. Jealous-type
27. Change
28. Own Intentions
29. May Gusto Ka Ba?
30.1 Outbound Tour
30.2 Outbound Tour
30.3 Outbound Tour
30.4 Outbound Tour
31. What Was That?
32. Badtrip
33. Manhid
34. Oh my gosh
35. Straight
36. Suitors
37. Fall
38. Dad's Permission
39. Nakakainis
41. 1-1
42. Oo
43. Wide Awake
44. Decision
45. A Date To Remember
46. Urgent
47. Adventure
48. Tama Na
49. No Wonder
50. 17th Birthday
Epilogue
Special Chapter

40. Move On

222K 7.5K 2.2K
By marielicious

Chapter 40

Point deducted from Zion.

Hindi ko alam kung sinadya ba talaga ni Zion na isama si Reishel sa barkada getaway namin. This is supposed to be a barkada trip pero ngayong nandito si Reishel, ewan ko nalang kung maeenjoy namin ang bakasyong ito. Hmm, siguro maeenjoy ko naman ito kahit papaano pero yung iniisip ko lang ay si Tyrone. Ayoko namang habang nagsasaya ang lahat ay heto siya't hindi kumportable sa mga nangyayari. Tsk! Kasalanan kasi talaga ni Zion 'to e. Gaano ba sila ka-close ni Reishel para isabit sa out-of-town trip namin?

Speaking of, kanina pa siya palingon-lingon sa akin. Kaya heto ako't napapaismid nalang. Sa totoo lang, pagkatapos naming magkasagutan kanina nung nag-stop over namin ay mas lalo akong nabadtrip sa kanya. Badtrip na nga ako tapos trumiple pa. Gusto niyang kasama si Reishel, edi fine. Magsama sila! Hmp!

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa paglalaro ng Pou sa phone ko. Hindi ko alam kung napatagal ba ang paglalaro ko dahil naramdaman ko nalang ang pagkalam ng tyan ko. Tinanaw ko sina Sab at Eunice sa middle seat. Hihingi sana ako ng pagkain kaso tulog pala yung dalawa. Napansin yata ni Zion ang pagtanaw ko dahil nilingon niya ako. As usual, umismid ako at sumandal nalang sa kinauupuan ko.

Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ulit ang pagkalam nito. "Gutom na ako," bulong ko sa sarili.

"Gutom ka na?" Sa totoo lang, pinaparinig ko yun kay Tyrone since siya ang katabi ko sa upuan pero hindi ko alam kung may sa daga ba ang tenga nitong si Zion dahil mas nauna siyang nagreact.

Nakalingon pa siya sa akin kaya inirapan ko siya. "Ito oh, bumili ako ng sandwich kanina," sabay abot sa akin ng sandwich. Argh, gusto ko sana 'yong kunin kaso nakita ko si Reishel na lumingon din sa akin.

Poker faced, umiling ako. "Ayoko n'yan," pagsusuplada ko.

"Ito nalang, Misty. Pork Empanada," alok naman ni Tyrone sa tabi ko. Pagkabukas palang niya sa food container nito ay nalanghap ko kaagad ang masarap na amoy nito.

Kumuha agad ako at ngumiti sa kanya. "Salamat, Tyrone."

"Ako ang gumawa n'yan," sabi niya kaya nag-form ng 'O' ang mga labi ko sa pagkabigla. Kumagat ako ng kaunti at napa-'hmmm' ako sa sarap nito. "Ang sarap naman!"

Narinig kong tumikhim si Reishel sa harapan namin, maging yung pagkalukot ng mukha ni Zion ay nakita ko rin. Nagkatinginan kami saglit ni Tyrone. I eyed him as though asking him 'aalukin ko sila, okay lang?' and he nodded his head right away. Buti pa si Tyrone, mabait.

"Reishel," dumukwang ako at pinakita ko sa kanya ang food container ng empanada. Nilingon niya naman ako kaagad. Para ngang nagulat siya e. "Gusto mo? Kuha ka."

"Ay, sige. Salamat nalang," nahihiyang sagot niya. "Busog pa ako." Nakita kong pinamulahan pa siya ng pisngi. Napaisip tuloy ako. Dati rin ba siyang ginagawan ng empanada ni Tyrone? Teka, bakit ko nga ba yun iniisip?

Lumipat naman ang tingin ko kay Zion na nakatingin din sa akin. Bumalik sa pagka-poker face ang expression ko. Aalukin ko sana siya pero umatras ang dila ko nang iabot niya kay Reishel ang inaalok niya sa aking sandwich kanina.

"Reishel, oh. Sayo nalang," sabi niya. Tumaas tuloy ang kilay ko.

Ngumiti si Reishel at hindi nagdalawang isip na tinanggap ang sandwich. Pabagsak akong sumandal sa upuan ko at saka ako huminga ng malalim. Kalma, Misty. Kalma...

Kumagat ako ng malaki sa empanadang hawak ko. Dun ko nilabas yung inis ko kay Zion. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko ma-explain kung bakit, basta nakakainis siya!

"Sarap talaga," sabi ko nang bumaling ako kay Tyrone na nakatingin sa akin. Through my peripheral vision, nakita kong gumalaw na naman ang leeg ni Zion para lingunin ako. Ngumisi ako sa sarili. Inienjoy niyang kasama si Reishel, pwes ako din, 'no.

"Kain ka rin, Tyrone."

"Ha?— oomph!" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita dahil sinubo ko na agad sa kanya yung empanadang hawak ko.

Natatawa tuloy siyang nginuya yung kinagat niya. Natawa na rin ako dahil pulampula ang mukha niya.

"Teka, 'wag mo na ako subuan, Misty."

Ngumuso ako pero agad ding kumagat ulit sa empanada. "Ang talented mo talaga. Magaling ng kumanta, mag-gitara at magluto. Ang galing mo pa sa Math kaya bilib ako sayo e," tapos sinubuan ko ulit siya pero iniwas agad niya ang mukha niya habang natatawa. "Kagat na ulit!"

He laughed out loud. Na-relieve tuloy ako nang marinig ang pagtawa niya. Kanina pa kasi siya tahimik. "Edi 'wag," natatawang sabi ko at inubos na ang empanada.

Naubos ko yung dalang empanada ni Tyrone. Solved na! Para tuloy akong napagod sa ka-hyper-an kong pangungulit kay Tyrone. As much as possible kasi ay hindi ko hahayaang maramdaman niyang uneasy siya. Gusto ko, mag-enjoy din siya katulad ko.

"Tubig," alok niya sa akin kaya ininom ko kaagad yun. Binalik ko kaagad sa kanya nang makakalahati ako dun.

"Salamat."

Ang tahimik. Sobrang tahimik sa loob ng van. Busy si Butler sa pagdadrive. Sina Sab at Eunice naman ay natutulog. Kamusta naman daw yung dalawang nasa harapan namin? Nasa magkabilang window's side sila. . . nakadungaw, parang malalim ang iniisip.

Sa sobrang tahimik ay napahikab ako. Inantok ako bigla. Sumandal ako sa seat at nakidungaw sa bintana. Sinandal ko ang ulo ko sa salamin at natulala sa bawat dinadaanan naming lugar.

"Inaantok ka na?" tanong sa akin ni Tyrone sa tabi ko. Tumango ako nang hindi siya tinitignan. Siesta time na kasi kaya siguro ako biglang inantok. Ewan ko ba.

"Haayy..." Humikab ulit ako.

Nilingon ako ulit ni Zion. "Gusto mo, lipat ako dyan?"

"At bakit?"

"W...wala. Para makasandal ka sa akin," sagot niya na nagpaningkit sa mga mata ko. "Tyrone, 'tol, pwedeng palit tayo? Dito ka, dyan ako."

Nakita kong lumingon si Reishel. Si Tyrone naman ay tumingin sa akin. Argh, ano bang kalokohan na naman ang iniisip ng isang 'to?

Sinimangutan ko si Zion. "'Wag na. Makakasandal din naman ako kay Tyrone," sagot ko at tumabi sa kanya. Sinandal ko ang ulo ko't ipinikit agad ang aking mga mata. "Pasandal, Tyrone ha?"

I felt his hand move to my head na para bang inaalalayan ang ulo ko. "Sige lang," malambing na sabi niya na nagpangiti sa akin.

Hindi pa man ako nakakatulog ng malalim ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Pasimple kong chineck ito sa pag-aakalang si Dad ang nagtext kundi iba.

From: Zion

Beastmode na ako.

Napangisi nalang ako sa sarili ko. Ayan, quits lang kami. Beastmode ako, beastmode din siya.

***

"Misty..."

Ngumuso at bahagyang kumilos. Ginalaw ko pa ang paa ko at isinandal sa malambot na bagay ng yakap ko. It feels comfortable!

"Aish. Misty, gising."

Kumamot ako sa ulo ko at tinakip ang yakap-yakap ko sa mukha ko. Istorbo!

"MISTY!"

"AY!" Sa pagkabigla ko ay napamulat ako. Babangon sana ako kaso muntik na akong mahulog sa kung anumang hinihigaan ko. Sheesh, para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa pagkataranta. Bumungad pa sa akin ang iritableng mukha ni Zion. Teka, nasaan si. . .

"Si Tyrone?" kusa nalang iyong lumabas sa bibig ko.

Nalukot ang mukha niya at hindi pinansin ang tanong ko dahil umalis na siya. Tignan mo yung taong yun! Kinakausap pa e.

"Misty."

Nagulat ako sa boses na tumawag sa akin. Pagkaangat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang nakangiting si Tyrone. Teka, ba't siya nasa taas ko? Diba nakasandal ako sa kanya? Hala, ba't nakahiga na ako ngayon? And then, it hit me. Nakaunan pala ako sa lap niya.

"Ay! Sorry, Tyrone." Bumangon agad ako at conscious na inayos ang nagulo kong buhok. Oh, my gosh. Nakakahiya. Ba't nakaunan na ako sa lap niya?! Not totally sa lap. May unan sa lap niya at dun ako nakahiga. Argh! This is embarrassing!

Ngumiti lang siya sa akin sabay iling. "Ayos lang. Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Ah, oo. Ba't 'di mo ako ginising? Nakakahiya. Baka nangalay—"

Naputol ang sinasabi ko dahil may biglang kumatok sa bintana sa side ko. Si Zion pala na sinesenyasan kami na lumabas na. Ugh.

"Labas na tayo. Nandito na tayo," sabi ni Tyrone at naunang lumabas na ng van.

Huminga ako ng pagkalalim-lalim. Gusto kong tumakbo palayo dahil kahiya-hiya yung ginawa ko. Nakasandal pa ako kanina pero anong nangyari at nakahiga na ako sa kandungan niya?

Napa-facepalm ako saglit at kinuskos ang mukha ko sa kahihiyan nang tawagin ako ni Tyrone.

"Misty, tara na."

Lumabas na ako ng van nang walang dala ni isang gamit. Wala na kasi sa seats yung gamit. Siguro ay nailabas na rin. Si Tyrone naman ay sukbit sukbit na guitar bag sa likod niya. Napangiti tuloy ako.

"May dala ka palang gitara," sabi ko.

Tumango siya sa akin. "Oo, jamming lang."

Lumakas ang simoy ng hangin kaya hinawi ko ang buhok kong tumatakip sa aking mukha. Tumingin ako sa harap namin at dun ko lang napansin na isang bakuran ang pinasok namin. May tatlong bahay na gawa sa kawayan ang nasa kanan at bukod dun ay may duyan pa na nakasabit sa kaharap nitong puno. Puting buhangin ang tinatapakan namin at kulay asul na dagat ang bumungad sa akin mula sa kinatatayuan ko. This is what you called vacation!

"Kyaaah! Ang sarap!" sigaw ni Eunice na tumatakbo sa dalampasigan.

Humakbang na rin kami papasok at dumiretso dun sa bahay na gawa sa kawayan. Not bad. . . simple man ang bahay pero mukhang kumportable naman. Ang importante ay maganda yung beach!

Lumapit sa amin si Butler na bitbit ang gamit namin mula sa van. "Ma'am Misty, ito pala yung nabili kong lupa 3 years ago. Dito ako nagbabakasyon paminsan-minsan."

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kagandahan nito. "Ang ganda po, Butler."

"Salamat. Okay lang ba kung dito kayo mamamalagi? Kung hindi, pwede kayong mag-check in sa hotel na malapit dito."

"Butler, okay na po dito. Kung sa hotel tayo ay hindi natin masosolo ang beach," sabi ni Tyrone at bumaling sa akin. "'Di ba, Misty?"'

"Oo. At saka, maganda naman po dito. Saan nga pala po ang kwarto ko?"

"Dalawa lang ang kwarto dito. Okay lang ba na magkasalo kayo ni Sir Zion, Sir Tyrone?"

Tumango si Tyrone tapos inayos niya yung naksukbit na gitara sa likod niya. "Wala pong problema. Saan po ba?"

Tumuro si Butler sa kaharap naming pinto. Bale tatlong bahay na kawayan iyon na magkakadikit. Probably, yung first door ay yung kusina.

"Dito ang mga lalaki at dito sa kaliwa ang mga babae," magiliw na sagot ni Butler.

Tumango si Tyrone at sumenyas sa akin na papasok siya saglit sa kwarto. Hinayaan ko siya't papasok na rin sana sa kwarto namin nang may tumawag sa akin.

"MISTY! Tara dito!" Si Sab.

Mukhang nagkakasiyahan na sila sa dalampasigan kaya tumakbo na ako palapit dun. Palubog na ang araw nung mga oras na 'yon kaya nafocus dun ang mga mata ko. Imbes na kina Sab ako lumapit ay humakbang ako papunta sa bangka na nandun sa pampang. Nilabas ko ang phone ko't tinapat agad sa magandang sunset ang camera nito. Pang-instagram lang.

Tap!

"Ang ganda, 'no?"

Halos mapatalon ako sa gulat sa boses na narinig ko. Hindi ko na kailangan lumingon dahil alam ko na kung sino siya. "Nambibigla ka naman, Zion!" Umirap ako sa hangin.

"Alam mo, kanina ka pa nagtataray sa akin." Lumapit siya sa tabi ko habang nakapamulsa ang isang kamay sa shorts niya. "Tapos kay Tyrone, ang sweet sweet mo. Si Tyrone pa talaga ang un among hinanap pagkamulat ng mga mata mo. How sweet naman." Puno ng sarcasm ang boses niya.

I'll get along then. "Syempre, sweet ako e!" sabay sulyap sa kanya na nakatingin din sa palubog na araw.

"Oo nga. Ang sweet niyo, kasing sweet ng leche. . ." ngumisi siya at saglit na tumigil. Nagsalubong tuloy ang kilay ko. ". . . flan."

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Napansin niya yun dahil bumaling na siya sa wakas sa akin na may innocent look. Mas lalo tuloy akong nainis.

"Oh? Ba't ka ganyan makatingin?" he said, laughing a bit.

"E kasi—" hinampas ko siya sa braso. "Nang-iinis ka dyan. Pa-leche leche ka pa!"

"Leche flan yun!" Humagalpak siya ng tawa kaya mas lalo akong napikon. Tumikhim siya nang umiwas ako ng tingin. Saglit kaming nanahimik kundi lang siya ulit nagsalita.

"You're jealous," deklara niya na nagpalaglag ng panga ko. What the. . .

"Hindi—"

"I told you we're just friends," diin niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Siya naman ay seryoso lang na nakangiti sa akin. Gusto kong sumabog sa kapreskuhan niya.

"Hindi ako nagseselos, 'no! What made you think about that?"

"Basta. I can sense that you are jealous of me and Reishel," his voice was sure. Nag-init ang buong mukha ko. "Don't worry, quits lang tayo. Nagseselos ka sa amin ni Reishel, nagseselos din ako sa inyo ni Tyrone."

Napaawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko. Napapaypay tuloy ako sa sarili ko gamit ang palad ko. Kahit malakas ang hangin ay nag-iinit ang buong mukha ko.

"A...ang kapal mo naman! Ha!" Argh! Yun lang ang nasabi ko. Defend yourself, Misty!

"Basta nagseselos ka," ngisi niya.

"Hindi nga sabi ako nagseselos!"

"Selosa," asar niya.

Humakbang ako paatras at tinignan siya ng matalim. "'Wag kang feeling, Zion. Hindi tayo kaya hindi dapat tayo nagkakaselosan."

"Hindi pa. . . sa ngayon. Sooner or later, magiging tayo rin. Pinapatagal mo lang."

Napalunok ako. Nakakastress ang mga pinagsasabi niya, guys. OMG. Check ko lang ha, yung hangin ba ay galing pa rin ba sa dagat o baka naman galing na sa lalaking preksong nakatayo sa harapan ko.

"Alam mo kung anong tawag dyan, Zion?" Umiling ako at matalim siyang tinignan. ". . . Panaginip. Bahala ka nga dyan."

Pumihit na ako at akmang maglalakad na pabalik sa bahay nang marinig ko ulit siyang nagsalita.

"Kung panaginip man 'to, aba, ayoko nang gumising. Sweet dreams e," he said laughing out loud.

Nilingon ko siya for the final wave. "Sweet dreams mong mukha mo! Tse!" At tuluyan nang tumakbo paalis. Eeeh! Naiinis ako pero bakit parang. . . kinikilig ako?

"Nakita namin 'yon!" Nagulat ako nang salubungin ako ni Sab kasama si Eunice.

Lumingon ako kay Zion na ngayon ay nakaharap sa sunset at muli akong bumaling kina Sab. "Ang alin ang nakita? Yung kay Zion? Pinipikon lang ako nu'n."

"Hindi," sagot ni Eunice na may mapang-asar na ngiti. "I mean, yung smile mo habang tumatakbo ka. Yiheee."

I was taken aback with what Eunice has said. Nakangiti ba ako? Hindi ako aware. "Uy, hindi ah," deny ko.

Sinundot naman ni Sab ang tagiliran ko kaya umiwas ako. Argh naman oh! "Kwento ka naman. Anong sabi ni Zion habang palubog ang araw?" bulong niya.

Sinabi niya lang naman na nagseselos ako sa kanila ni Reishel pati na rin siya sa amin ni Tyrone. Hindi ko naman sinasadyang pagselosin siya. Wala namang malisya yung treatment ko kay Tyrone. Teka. . . ba't parang feeling ko ay naguguilty ako? STOP IT!

"Uyyy. Namumula!" asar pa ni Sab.

Napangiti tuloy ako. Ewan ko ba pero natutuwa ako kapag nagseselos si Zion. "Ano, lamang siguro si Zion kaysa kay Tyrone, 'no?"

Natamaan ako sa sinabi ni Eunice. Naalala ko tuloy yung imaginary scoreboard ko kina Zion at Tyrone. One point si Zion pero nadeduct agad dahil sa ginawang niyang pang-iinis sa akin ngayong araw.

"Hindi 'no. Wala pa silang puntos," I said defensively. Nagkatinginan ang dalawa tapos nagtilian na parang baliw.

"Ang haba talaga ng hair mo! Maputulan nga habang natutulog ka mamaya," biro ni Sab na nagpatawa sa akin.

Ganun lang kaming tatlo hanggang sa tuluyan nang dumilim sa paligid. We talked about girly things under the tree. Ini-enjoy namin ang simoy ng hangin na galling sa dagat. Everything is refreshing until someone barged into our talk.

"Hi!"

Sabay-sabay kaming lumingon. Si Reishel, palapit sa amin. Tumikhim si Eunice, si Sab naman ay napilitang ngumiti.

"Ang ganda dito, 'no?" sabi niya. Mabilis akong tumango pero napakunot noo ako nang sumenyas sa akin si Eunice.

"Misty, aayusin ko pa pala ang mga gamit ko. Tara, Sab."

"Okay."

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Reishel nang makaalis na sina Sab at Eunice. Halata kasing ayaw din nina Sab at Eunice sa pagsama ni Reishel sa out of town trip namin. Sa aming lahat, mukhang si Zion lang ang may gustong nandito siya. I can't help but feel guilty. Nakakaawa tuloy siya.

Tumikhim nalang ako at humarap sa madilim na dagat. "Ang ganda nga dito," nakangiting sabi ko. "First time mo rin ba dito sa Quezon, Reishel?"

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko. "I don't want to ruin your trip," sabi niya dahilan para bumaling ako sa kanya. "Pasensya na kung sumama ako."

Lumunok ako. "Ayos lang." Okaaaaay, and that was plastic. Hindi yun ayos lang, Misty!

"Salamat, Misty." Yumuko siya at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya. "Hindi ko dapat ito sayo sinasabi dahil alam kong nililigawan ka na ni Tyrone pero. . ." Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ko, ". . . gusto ko lang namang mapalapit ulit sa kanya."

Suminghap ako. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Alam kong labas ako sa issue nilang dalawa pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi magtaka. Kung gusto niya ulit mapalapit kay Tyrone, bakit niya ito pinagtabuyan sa simula palang?

"Reishel—" tawag ko pero naputol iyon nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likod.

"Misty." Lumingon ako at mabilis na napabitaw sa akin si Reishel nang makita si Tyrone. "Kakain na raw."

I was silent over the dinner. Para akong spy na nag-oobserba kung ilang sulyap ang nagawa ni Reishel kay Tyrone habang kumakain ito. Kahit masarap ang ulam na niluto ni Butler ay hindi ako nakakain ng mabuti. Pagkatapos ng lahat na kumain ay dumiretso agad ako sa labas para magpahangin.

Habang naglalakad-lakad ay napapaisip ako. Kung kanina ay concern lang ako kay Tyrone, ngayon naman ay naging concern na rin ako kay Reishel. Tama nga siguro ang sabi sa akin noon ni Zion. Hindi ko alam ang puno't dulo ng relasyon nila. Hindi ko dapat i-judge si Reishel pero ano 'tong ginawa kongpinag-initan agad siya dahil nasa side ako ni Tyrone. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit malapit si Zion kay Reishel. He heard her side already and I heard Tyrone's too.

"Misty, ba't nag-iisa ka rito?" nabigla ako sa boses ni Tyrone sa likod ko. Tinabihan niya ako't sabay na naupo sa troso.

"Nagpapahingin lang."

"Hinahanap ka ni Zion du'n."

Saglit na katahimikan. Napayakap ako sa katawan ko dahil habang tumatagal ay lumalakas ang hagod ng hangin sa balat namin. Kumilos si Tyrone at hinubad ang suot niyang jacket para iabot sa akin. Tinignan ko lang iyon at umiling. "No, thanks."

"Sige na," pagpupumilit niya. In the end, I let him wrap the jacket around my shoulders. "Sisipunin ka dito, Misty. Ayaw mo pa bang pumasok?"

Umiling ako at tinignan ang mga paa ko. "Tyrone, may itatanong ako pero 'wag kang magagalit."

"Hmm, ano yun?"

Kitang-kita ko yung curiousity sa mga mata niya sa pagtingin sa akin. "Ano ba talagang dahilan kung ba't kayo naghiwalay ni Reishel?"

Umunat ang mga labi niya pero agad din itong kumurba sa itinanong ko. "'Di ba nga nagsawa na siya sa akin? Naghanap siya ng iba. Ipinagpalit ako kahit kami pa," tapos tumawa siya. "Tapos na yun. Naka-move on na ako, Misty."

Tinitigan ko siya sa mga mata. Diretso ang tingin niya sa akin nang walang pag-aalinlangan. "Talaga?" malambing na tanong ko at agad siyang tumango nang nakangiti. "Kung talagang nakamove on ka na, anong nararamdaman mo ngayong magkasama kayong dalawa sa isang barkada?"

"Wala..." mabilis niyang sagot. "Ano bang dapat kong maramdaman?"

"Hindi ko alam. Ikaw dapat ang sumagot n'yan."

Huminga siya ng malalim at mahinang natawa. "Wala naman kasi talaga. Bakit mo pala natanong yan?" Humarap siya sa madilim na dagat at bumuntong-hininga. "Natatakot ka ba dahil iniisip mo na ginagamit lang kitang panakip-butas?"

"Tyrone..." Naoffend ko ba siya sa tanong ko?

"Magiging panakip butas ka lang kung sana ay mahal ko pa rin siya pero pinagtatakpan ko yun sa panliligaw ko sayo. Kaso hindi e. . . wala na talaga, Misty. Na sayo na ang atensyon ko."

"Paano naman kung. . . kung gusto niyang makipagbalikan sayo? Na na-realize niyang mahal ka pa rin niya? Anong gagawin mo?" Kinagat ko ang lower lip ko. I studied his look but he still stayed smilling.

"Kung mangyayari man yun, wala siyang dapat gawin kundi tanggapin na iba na ang gusto ko, Misty. 'Wag na niyang ipilit pa, wala na talaga kahit anong piga niya. Ang maiooffer ko nalang siguro ay friendship."

Muli siyang bumaling sa akin nang nakangiti. His smile was so genuine. Hindi ko man lang nakitang may bahid ng kalungkutan dun. "Dapat ang tinatanong mo ay kung bakit ako nagkagusto sayo."

Napawi ang mabigat na atmosphere sa paligid dahil sa tanong niya. Nag-init ang buong mukha ko sa kabila ng lamig ng hangin. "Fine. Bakit nga ba?"

Ngumuso siya at medyo umatras para tignan ako. "Hindi na dapat 'yan tinatanong. Una palang kitang nakita, nakuha mo na ang atensyon ko. Mas lalo pa kitang nagustuhan dahil sa paglapit ko sayo, nalaman kong mabuti kang tao."

Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nakakaflatter naman. Una palang ay nakuha ko na ang atensyon niya? Geez. Kung ganun ay parehas pala kami. Kung alam mo lang, Tyrone. . .

"Anong tingin mo naman sa akin?" tanong niya.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot nang masilaw ako sa ilaw na nasa harapan namin. Napatakip tuloy ako sa aking mga mata.

"Sa tingin ko, late na para magsolo pa kayo dito." Sino pa ba kundi si Zion. Nakatapat pa ang flashlight sa mukha namin.

"Hindi pa naman masyadong late—"

"Isusumbong kita kay Tito Lucas, sige ka."

"Oo na!"

"Dapat kabitan ka ng CCTV sa katawan e."

Wala nga si Dad. Nandito naman si feeling Daddy. Hayyy... pero at least, nagkaliwanagan na din kami ni Tyrone. 



-

A/N: Babawi ako sa next updates.



Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
154K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
100K 4K 36
[MR. COLD VS. MR. PERFECT's BOOK 2] Expect more twists and turns. Kilig and heartbreaks. Will it be a happy ending this time? And with whom? Let's fi...
5.6K 247 57
"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020