Chapter 36
From: Zion
Madaya ka. Di mo ko hinintay.
Napangiti nalang ako sa text na natanggap ko mula kay Zion. 'Di ko alam kung bakit halos mag-Harlem Shake na ako sa ibabaw ng kama ko. KYAAH! Ganito ba talaga ang feeling ng nililigawan? Para akong lumulutang sa alapaap.
Hindi ko na kasi siya nahintay kanina nung nag-uusap sila ni Tyrone. Pinatayan ko pa siya ng phone dahil sa sobrang pagkataranta ko. Ayokong mahuli, 'no! Muntikan na nga kami e. Kung ba't ba kasi malakas yung vibration ng phone ko, ayan tuloy, halos mapatili ako sa gulat.
Sa totoo lang, medyo nagsisisi ako sa pag-eavesdrop sa usapan kanina nina Tyrone at Zion. Ngayon tuloy ay nabobother ako. Imbes na wala akong ideya sa mga bagay-bagay ay may nalaman tuloy ako. Yan tuloy, napapaisip ako. Ininsulto pala ni Tyrone si Zion kaya niya ito sinapak kahapon. Ano kayang sinabi niya para mapikon si Zion?
"Siya ang dahilan kung ba't ako naging bakla. Siya rin ang dahilan kung ba't ako bumalik sa pagkalalaki. Tingin mo, magpapatalo pa ako?"
At isa pa yun! Napakagat tuloy ako sa yakap kong unan. Isa pa 'yan sa gumugulo sa isip ko ngayon. Paano yun nangyari? Okaaaaay, hindi na masyadong palaisipan sa akin kung paano ko siya nagawang maging straight. Pero yung ako yung naging dahilan kung ba't siya naging bakla? Wow, just wow. Paano yun? Wala akong matandaan kung anong nagawa ko.
Halos mapatalon ako sa kama nang magvibrate ulit ang phone ko sa ibabaw ng tyan ko. Pagtingin ko sa natext, napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. Geez, consistent ah.
From: Zion
Psst! Alam kong 'di ka pa tulog. It's either iniisip mo ako o baka nagrereview ka. Reply naman dyan. ;)
"Aba, lakas ng bilib mo sa sarili ah," natatawang sabi ko sa phone ko. Natatawa ako kasi totoo ang sinabi niya and at the same time, natatawa ako kasi ang yabang niya. Jusko po. Naging straight lang siya, dumadamoves na agad siya ng ganito.
Umayos ako ng higa sa kama at nagtype ng reply sa kanya. Maaga pa para matulog pero kailangan ko nang matulog dahil maaga akong gigising para magreview bukas.
To: Zion
Matutulog na ako. Istorbo ka po.
Nilagay ko na sa ilalim ng unan ko ang phone ko. Tumalikod at sinubukang pumikit na pero. . . ugh, nadidistract ako sa vibration. Kaya kinuha ko ulit ang phone ko at binasa ang reply ni Zion.
From: Zion
So, ako lang ang di makatulog? Di ka apektado? :(
Bumangon ako at napapaypay sa mukha ko gamit ang palad ko. "Argh, anong hindi apektado ka dyan? Ginugulo mo nga ang isip ko," sagot ko na akala mo ay maririnig niya ang sinabi ko. Ayan na naman yung strange feeling sa dibdib ko. Kanina ko pa 'to nararamdaman e, simula nang marinig ko yung usapan nila ni Tyrone kanina.
Tuluyan na akong bumangon at lumaba sng kwarto. 'Di ko magets yung nararamdaman ng sikmura ko. Ito ba yung sinasabi nilang 'butterflies in the stomach' o baka naman ay gutom lang ito?
From: Zion
Anong ginagawa mo ngayon? :)
"Ang kulit neto," nakangiting bulong ko sa sarili habang nagsasalin ng gatas sa baso. Naupo muna ako sa high stool at saka ako nagcompose ng reply sa kanya.
To: Zion
Umiinom ng gatas tas matutulog na.
Isang reply nalang, papatayin ko na ang phone ko. Hindi pwedeng late akong matutulog ngayon. 4AM pa ako gigising bukas para magreview. Bangag ako nito bukas, for sure.
From: Zion
Gusto mo ng cookies?
Napanguso ako sa reply niya. Ewan ko ba pero natakam ako bigla sa cookies. Chineck ko yung kitchen cabinet namin pero wala kaming stock. Naku naman. Nagutom tuloy ako bigla.
To: Zion
Pwede rin. Goodnight na. Tulog na ako.
Pinatay ko na yung phone ko at sinimulan nang sinimsim ang gatas ko nang biglang pumasok yung isang kasambahay namin sa kitchen. "Ma'am, may bisita ka po," sabi niya.
Nangunot ang noo ko. Bisita? Sa ganitong oras?
"Sino raw po?" tanong ko.
Ngumiti siya, parang kinikilig. Dun pa lang, mukhang alam ko na kung sino iyon. "Si Sir Zion po. Papapasukin ko po ba?"
Napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Conscious akong napapunas sa labi ko. Parang kanina lang ay katext ko siya ah, anong ginagawa niya dito?
"Sige po," sagot ko. Tumango siya't lumabas na ng kitchen. Hindi ko alam kung bakit pero nataranta ako. Mukha ba akong disente ngayon? Ayos pa naman ang buhok ko. Teka, bakit ba ako biglang naconscious? Siya lang naman yan.
Nagsalin akong muli ng gatas sa baso ko at patay malisyang ininom iyon nang marinig ko ang footsteps na parating.
"Guess I'm just in time," sabi ng boses kaya nilingon ko iyon. He smiled as he lifted a box of cookies in mid-air. "Good evening, Misty." Sheesh, mukha siyang sarap niya. . . este nung cookie na hawak niya. Sige na nga, ang gwapo niya rin ngayon. Kahit na naka-shorts at blue polo shirt lang siya e parang naging modelo na siya sa paningin ko.
Snap! "Uy, natulala ka na," sabi niya kaya napakurap ako't nagbawi ng tingin. Bumalik ako sa pag-inom ng gatas. Natuyuan yata ang lalamunan ko sa presence niya. "Ang daya mo. Iniwan mo ako kanina," sabi niya at naupo na sa tabi ko.
"Ba't ka nandito? Gabi na ah." Ganyan nga, Misty. 'Wag pahalatang mesmerized ka sa kanya. Hoo!
"Dinalhan kita ng cookies. Nung katext kita, papunta na ako dito." Binuksan niya ang box at naamoy ko kaagad yung chocolatey aroma nung cookies. Inabutan niya ako ng isa kaya kinuha ko kaagad iyon. "Ako ang nag-bake n'yan. Proudly baked by yours truly. Tikman mo na," saka niya itinulak yung kamay ko para isubo yung cookie sa bibig ko.
"Teka nga. Excited?" I looked at him suspisciously and he just laughed. "Baka may gayuma 'to ah!"
He cracked out a laugh, clutching his hand into his stomach to control to burst out more. "Grabe ka. Hindi naman kita gagayumahin," sabi niya sa akin at hindi ako kumportable sa ngiti niya kaya inirapan ko siya pero mabilis ang kamay niyang iniharap muli ang mukha ko sa kanya. Tinampal ko nga. "Hindi na kailangan ng gayuma. Tumingin ka lang sa mukha ko, kikiligin ka na."
I was dead-panned for the next 5 seconds tapos. . . humagalpak ako ng tawa. "Edi wow! Naku, itulog mo nalang yan, Zion." Tumayo ako at tinalikuran na siya. Dun ko lang kinain yung inabot niya sa aking cookie na sobrang sarap. In fairness, may future siya sa baking.
I could hear the sound of him getting off the high stool kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"What's with the crooked smile?" tanong ko. I don't trust that smile. Parang may binabalak na masama. Uh oh.
"Sabi ni Kuya Wayne, pakipot daw talaga ang mga babae."
"Sooo?" I asked in a 'so what are you trying to say' tone.
Nagkibit-balikat siya at nagbabye na sa akin. Palabas na siya ng pinto nang magsalita siyang muli. "Lubos-lubusin mo na ang mga araw na single ka. Pagkatapos ng finals, puro mukha ko na ang makikita mo," sabi niya at tuluyan nang umalis.
Nalaglag ang panga ko sa pagkawindang sa sinabi niya. Pumunta lang ba siya dito para sabihin yun at para dalhan ako ng cookies?
***
Lumipas ang mga araw at finally, tapos na ang exams. Actually, nung Sabado pa ang last day ng final exams. Monday na ngayon at nandito ako sa bahay, nagrerelax. Wala naman nang gagawin e. University week na sa E.H.U at hindi naman required ang attendance.
"SEMBREAK NA!" sigaw ko habang kausap sina Eunice at Sab sa phone. Conference call. Pare-parehas kasi kaming walang magawa sa bahay kaya heto't tinawagan ako ni Eunice. Wala naman kaming masyadong napag-usapan. Inaasar lang nila ako dahil mahaba raw ang buhok ko. Err... 5pm na pero nasa kama pa ako. Tinatamad akong bumangon e. Siguro kasi, bumabawi ako sa mga araw na nai-stress ako.
"Hindi pa, 'no. Papapirma pa tayo ng clearance," sagot ni Sab. Wala naman na akong problema sa clearance. Papapirmahan lang sa library, SC at Accounting yung form and voila, tapos na. Madali lang yun.
"At saka, hindi pa dapat magsaya, Misty. Saka na tayo magsaya kapag nakuha na natin ang grades natin. Tagilid pa naman ako sa Math," sabi ni Eunice.
Dumapa ako sa kama at hindi mawala sa labi ko ang ngiti. Alam ko sa sarili kong nasagot ko nang tama ang exams sa Math. Hindi naman siguro ako babagsak du'n. With Tyrone's guidance, I know I could make it.
"But at least tapos na ang first sem," sabi ko sa kanila na apra bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. "We're about to face second semester."
"Yeah, but before that, may balak ba kayong magsipagbihis na?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eunice. Bahagya akong bumangon sabay sabing, "Anong meron?"
"Oo nga, Eunice. Anong meron?"
I heard Eunice's giggle on the other line. Nagtaka tuloy ako lalo. Kung sa personal kami nag-uusap ay malamang nagkatinginan na kami ni Sab. "Nakalimutan niyo na ba? Ngayon ang E.H.U Night!!"
E.H.U Night. Shucks! How could I forget that? Ininvite pa naman ako ni Tyrone dun dahil magpeperform sila ng banda niya. Speaking of, on the way to E.H.U, nakareceive ako ng text mula sa kanya.
From: Tyrone
Misty, punta ka sa E.H.U night ah? :)
Hawak ko ang ticket sa kaliwa kong kamay. Naeexcite ako dahil never ko pang nakikitang nakipag-rock and roll si Tyrone kasama ng bandmates niya. The last time I saw him sing was at the church. Napaka-solemn pa ng pagkakakanta niya. Paano pa kaya kung kasama na niya ang banda niya?
To: Tyrone
Sure. Goodluck. Break a leg! :D
Pagkarating ko sa campus, dumiretso agad ako sa grounds. Nakakalat ang iba't-ibang booths ng ibang courses. As freshmen, 'di kami required na magtayo ng booth dun. Siguro kapag nasa higher year na kami mapapasali dyan.
Naglilibot-libot ako sa grounds nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Misty!"
Pagkalingon ko, sina Sab at Eunice pala. Kumakaway sila sa akin mula sa malayo kaya nakipagsiksikan ako para malapitan sila. "Ang daming tao. Ano, simula na ba?"
"Oo kaya! Kanina pa. Tara na!"
Hinila nilang akong dalawa papunta sa gym. Jusme, ang daming tao. Hindi ako nainform na open pala sa public ang University week. Medyo na-stranded kami papasok sa entrance dahil crowded du'n pero nakapasok din naman kami pagka-present namin ng tickets namin.
Pagkaapak namin sa loob, namilog ang mga mata ko sa gulat. Kung maraming tao sa labas, mas maraming tao dito sa loob. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Mula itaas hanggang baba, maraming tao!
"Dapat pala inagahan natin! Ang daming tao!" halos pasigaw na sabi ko. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay nila Sab at Eunice. Nakakatakot mawala dito, 'no.
"Told 'ya! Tara dun sa harapan," sigaw ni Eunice kaya nagulat ako. Sa harapan pa talaga, e dito pa ngalang sa likod ay siksikan na.
"Eunice, dito nalang- ah!"
My gosh! Tapak dito, tapak du'n. Talunan dito, talunan dun. Rock music kasi ang tinutugtog kaya medyo wild ang crowd. Sa kakahila sa amin ni Eunice ay napapasiksik kami sa mga tao. What the! Namumura na nga kami ng mga nadadaanan namin but somehow, nakakaenjoy yung ganito. Medyo madilim kasi kaya hindi kami nakikilala.
"Kyaaaah!" sigaw ni Eunice nang sa wakas ay tumigil na siya sa pagtangay sa amin ni Sab. Malapit na kami sa harapan pero mas masikip sa pwesto namin. Tanging tugtog lang ang naririnig ko. Sa laki ng mga tao sa paligid ko ay hindi ko na matanaw ang stage.
Natatameme ako pagkausap ka na
Araw ko ay nakukumpleto pag nakita ka na
"Sina Tyrone pala yan!" sigaw ni Sab. Tumingkayad ako para matanaw yung stage pero sobrang liwanag nito kaya hindi ko makita. "Kyaaaah! Ang galing nila!!"
Napapangiwi nalang ako sa hiyawan ng mga tao. Surely, magaling yung kumakanta pero hindi ko talaga makita ang stage. Gusto ko pa namang matanaw ang kumakanta dahil sabi ni Sab ay si Tyrone daw yun. Gusto kong makita siyang tumugtog. Gusto kong makita ko kung gaano siya kaastig kumanta sa stage-- ay! Ano ba 'to. Nagulat ako nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko at ang sumunod na nangyari ay hinihila niya na ako palayo.
Ano nga bang meron ka
Na wala sa iba?
Ba't parang nasa langit pagkayakap ka na?
"Uy! Uy! Saan mo 'ko dadalhin? EUNICE! SAAAAB!" Nagpapanic na sigaw ko pero hindi nila ako marinig. Sino 'tong humihila sa akin?
"UY!" sigaw ko at pinalo ang kamay ng kung sinumang yun. Nagulat ako nang makita ang iritadong mukha ni Zion kaya natahimik ako sa gitna ng maingay na alon ng mga tao.
"Sumisiksik ka talaga dyan? Ang daming tao o!" malakas na sabi niya.
"Hinila ako ni Eunice e!"
"Dapat tinext mo 'ko para naireserve kita ng pwesto." Aba, mag-aaway pa kami dito sa gitna ng concert?
"Dapat ikaw ang nagtext sa akin. Malay ko bang nandito ka?!"
'Wag kang mawawala sa aking piling
Siguradong hindi ko ito kakayanin
Kahit na dim ang lights, nakita ko ang pagbuga niya sa hangin. Mukhang nairita na talaga ng tuluyan. Binitawan niya ang kamay ko at nagpunta sa harapan ko. Good thing, nagkaroon ng maliit na space sa pwesto namin kaya nakakakilos kami kahit papa'no. Nagtaka ako nang bahagya niyang ibinend ang mga tuhod niya para lumevel sa akin.
"Sakay."
Nalaglag ang panga ko. "A..anong sakay?" Don't tell me bubuhatin niya ako?
"Sakay na para makanuod ka. Last song na nila yan," sabi niya pero hindi ako kumilos. Siya na mismo ang lumapit sa mga tuhod ko. "Dali na, Misty."
"'Wag na!"
"Sige na."
Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman
Ang tanging panalangin ko ngayo'y
Lumunok ako at dahan-dahang sumakay sa likod niya. Napa-'ah!' pa nga ako nang tumayo siya ng tuwid. Yumakap agad ako sa leeg niya at tinanaw ang stage. Sheesh! Kitang-kita ko na ang tumutugtog na banda sa harapan. . . pero yung atensyon ko ay na kay Zion.
Nakakahiya man na parang napukaw namin ang atensyon ng iba ay mas nanaig pa rin sa akin ang kilig. Never kong naisip na may bubuhat sa akin ng ganito sa isang concert event. Feeling ko tuloy ay nasa anime series ako.
'Wag kang mawawala sa aking piling
Siguradong hindi ko ito kakayanin
'Wag...
"Okay ka na?" Sa gitna ng hiyawan at palakpakan ng mga tao ay nagawa ko pa ring marinig ang boses ni Zion. Sinilip ko ang mukha niya na nakangiting nakatingin sa akin. "Satisfied na?"
Nginitian ko rin siya pabalik. Ang gwapo niya lalo sa malapitan. "Okay na. Salamat, Zion." Bababa na sana ako pero hinigpitan niya lang ang pagkakakapit sa dalawa kong hita bago pumihit para umalis. "Uy, Zion. Baba mo na ako!"
"Ang gaan mo pala," natatawang sabi niya. Hindi na ako umalma at nakitawa nalang din. Parang ayoko na ring bumaba sa pagkakabuhat niya. Ang sarap sa feeling. Feeling ko, kasabay ng paghinto ng tugtog ay siya ring paghinto saglit ng tibok ng puso ko.
". . . Misty, alam kong nandito ka," sabi ni Tyrone sa microphone na siyang nagpahinto sa paglalakad ni Zion.
Sabay naming nilingon ang stage. Dahan-dahan din akong bumaba mula kay Zion. Pakiramdam ko, halos lahat ng pares ng mata ng mga taong nasa paligid ay nasa akin lalo na nang makita ko ang sarili ko sa screen sa harapan.
At ngayon, kahit na nasa gitna ng mga tao ay nakatutok na rin sa akin ang mga mata ni Tyrone. "Hi, Misty. This song's for you," sabay ngiti niya habang pinapatugtog ang gitara mag-isa.
Labis ako'y nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling
Ika'y makapiling
Hindi katulad kanina ay siya lang ang tanging tumutugtog ng instrumento kaya rinig na rinig ko ang boses niyang minsan nang nagpahanga sa akin. Napangiti ako habang nakatitig niya sa akin nang nakangiti rin. Maging ang mga tao sa paligid ko ay parang ramdam na ramdam ang kabog ng dibdib ko.
Giliw, hayaang lumapit
Huwag mo sanang ipagkait
Malas ang langit
Nahawi ang mga tao sa gitna papunta sa harapan. Humakbang ako ng kaunti para makita siya ng maayos. Akala ko sa movies lang ito nangyayari. . . para tuloy akong nasa isang pelikula at ako ang bida.
Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo (hay)
Kahit na marami ang nagtitilian sa paligid ay boses lang niya ang naririnig ko. Nakalimutan ko na ngang nasa gitna ako ng mga tao. Nakafocus ang mga mata ko kay Tyrone. Ang gwapo niyang tignan sa suot niyang itim na sando na pinatungan ng itim na leather jacket. Naka-all black siya ngayon kaya naman rockstar na rockstar ang datingan. Bagay sa kanya.
Wari, 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo
Sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika'y mamalagi
At 'di na muling malulumbay
Sa aking paggising
For the past few weeks na siya ang nakasama ko, nakilala ko siya ng lubusan. Napakabait niya, siya yung masasabi kong hinihiling ng kahit sinong babae.
Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo
. . . and I admit I like him for being such a nice guy. Natutuwa ako dahil ang noong lalaking ini-stalk ko lang ay heto't kinakantahan na ako ngayon.
"Thank you," bulong ko sa sarili habang nakatitig sa kanya sa pagtatapos ng kanta niya. He smiled at me and gave me a salute. May minuwestra pa nga siya sa aking tatawagan niya ako marahil pagkatapos ng set nila. Sa pagbaba niya sa stage ay tumalikod na rin ako para umalis na. Kailangan kong huminga--- geez, si Zion nga pala nakalimutan ko!
Nakipagsiksikan akong muli sa mga tao para mahanap si Zion. Kasama ko pa siya kanina ah. Nasaan na ba yun? Nasa likod lang siya kanina ah!
"Oh, we have a surprise perf over here! Hindi siya kasama sa performance list tonight pero oh well, give it up for. . . France Zion Madrigal!"
Nalaglag ang panga ko sa narinig konganunsyo ng emcee sa stage. Kung yung kaninang tilian sa performance ng banda ni Tyrone ay matindi, pwes mas triple itong sigawan ngayon. Really, Zion? Ito na ba ang sinasabi niyang hindi siya magpapatalo kay Tyrone?
--
Yhel's note: Congrats to us for being one of Wattys 2015's: Talk of the Town! Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa W:BMF. :)
Songs Used:
* Yakap - Callalily
*Tuliro- Spongecola (Acoustic Version)